Chapter 29
Thanks SicilySovietski5 :)
Chapter 29
Halos takbuhin ko na ang pagbaba sa aming hagdanan habang isinusuot ang mahabang puting coat ko. Damn, I am so late. Siguradong mainit na ang ulo ng toothfairy na kapartner ko sa kahihintay sa akin.
Muntik pa akong mahulog sa hagdan sa pagmamadali ko, mabuti at mabilis ang reflexes ko at nakahawak ako agad sa hamba ng hagdan para masurportahan ang sarili ko pero sa sobrang taas ng takong ko ay hindi rin kinaya, kaya nagdiretso ako sa pagbagsak, hindi ko pinigil ang pwersa kaya hinayaan kong gumulong ako. Napamura na lang ako nang tumama ang likuran ko sa hagdan. Fuck. Pero dahil marunong ako ng simpleng landing phase para hindi masyadong masaktan ang katawan ko ay nakarating ako sa dulo ng hagdan na kaunting sakit lang sa likuran ang natamo.
Bahagya na akong nakaluhod at madrama kong itinunghay ang aking ulo na parang isang action actress. Pasimple akong tumayo at maangas na pinagpagan ang aking magkabilang balikat. Simpleng bagay.
Saan ka nakakita ng isang dentista na kasing gilas ko? Napahawi na lang ako ng aking buhok bago ako humakbang papunta sa kusina. Pero halos mapatalon na lang ako nang masalubong ko si kuya na kasalukuyang may hawak ng kape na nakangisi sa akin. Mukhang napanuod niya ang ginawa ko.
"What the hell is that stunt little sis?" nagkibit balikat na lang ako sa kabila ng kumikirot kong likuran.
"A little bit exercise kuya" taas noong sagot ko sa kanya.
"I see" pinagtaasan niya ako ng kilay. Pinauna niya akong maglakad papunta sa kusina at halos mapamura na lang ako nang bahagyang pisilin ni kuya ang likuran ko.
"Fuck! Ace naman!" iritado kong hinampas ang kamay niya.
"A little bit exercise huh? Nasaan na naman ang 'kuya' mo Isabelle Hidalgo?" inirapan ko na lamang siya bago ko inagaw ang tasa ng kapeng hawak niya at inistraight ko ito ng inom.
"I think I need our training kuya. Are you free this weekend?" tumaas na naman ang kilay niya sa sinabi ko.
"I am always free for you little sister" ako naman ngayon ang napataas ang kilay sa sagot niya.
"Wala kang babae sa weekend?" ngumisi lang siya sa akin.
"Don't ask me about that Lina, madami akong babae weekends or weekdays" nakailang irap na kaya ang nagagawa ko sa babaero kong kapatid na ito?
"Uhuh? I'm so proud of you Ace, I am honoured to be your sister" sarcastic na sagot ko.
"Well, thank you for that sweet sister" ngising sagot niya sa akin bago niya ako hinalikan sa aking noo. Hindi ba talaga alam ng kuya kong ito ang sarcasm?
Nauna na siyang pumasok sa kusina kung saan kasalukuyang naghahain ng pagkain si mommy at si daddy na nagbabasa ng dyaryo.
"Mom, Dad. Hindi na po muna ako makakasabay ng breakfast, nagmamadali po ako" pagpapaalam ko. Muli kong sinipat ang wristwatch ko, isang oras na akong late. Damn.
Sa halip na sagutin ako ni daddy sa pagpapaalam ko ay iba ang narinig ko sa kanya.
"Why are you so pretty today anak? Bagay sa'yo ang suot mong 'yan. Napakaraming magpapabunot ng ngipin sa'yo" natatawang sabi ni Daddy na nakapagpanguso sa akin. Binobola ba nila ako?
"Muntik ko na nga siyang hindi makilala kanina. Well, because of that epic stunt" natatawang sabi ni kuya na muli nakapagpairap sa akin.
"Kanino pa ba siya magmamana?" ngising sabi ni mommy habang ibinabalot na sa tissue ang dalawang sandwich. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin para iabot ito.
"Wag kang magpapagutom anak, okay? Say my hi to your toothfairy friend" mabilis akong hinalikan ni mommy sa pisngi na nakapagpangiti sa akin. Napakaswerte ko talaga sa pamilya.
"I need to go, kung free kayo pwede kayong pumunta sa stall section namin. Kailangan naming kumita" ngising sabi ko. Palabas na sana ako nang kusina nang nagsalita si Daddy.
"How about the boys? Wala ba kaming kiss sa magandang dentist?" napanguso na lang ako kay Daddy. Agad akong lumapit sa kanya para humalik sa kanyang pisngi. Mabilis din akong nakalapit kay kuya na kanina pang itinuturo ang pisngi niya.
"Nakahalik ka na sa akin kuya! Dapat may bayad na ito" pinitik niya lang ang noo ko.
"Susunduin ba kita mamaya Lina?" tanong niya.
"About that, pwede ba na sa bahay ako ni Florence matulog ngayon? Mom and Dad?" natahimik sila na ilang segundo sa tanong ko bago ako nakakuha ng sagot sa kanila.
"Sure, basta tatawag ka sa amin kapag nasa kanila ka na para hindi kami mag alala" sagot ni mommy.
"Sure! Thank you po" kumindat muna ako sa kanila bago na ako tuluyang magtatakbo sa labas.
Dahil busy ngayong umaga si kuya sa business daw, pinahiram niya muna sa akin ang kanyang sasakyan. Hindi na naman problema sa akin ang pagdadrive dahil matagal na akong marunong nito. Nang maistart ko na ito ay pinaharurot ko na ang aking sasakyan dahil halos isang oras at kalahati na akong late, siguradong umuusok na ang ilong ni Florence Almero. Marami na kaya kaming customer?
Dahil mabilis akong magpatakbo ay agad akong nakarating sa Gyro Nella. Nang maipark ko na ang sasakyan, halos lakad takbo ako para makarating sa stall namin.
Humihingal akong nakarating sa aming stall at agad akong sinalubong ng hindi maipintang mukha ni Florence na parang gusto nang sunugin ng tingin ang stall na katapat lamang namin.
Ang stall ng mga Ferell na kasalukuyang kinukuyog ng mga babae. Ang tindero lang naman ngayon ay si Tristan at Troy na hindi na magkaintindihan sa dami ng customer samantalang ang stall namin ay mukhang wala pang nakabibili kahit isa.
"Kaya naman pala, sabi ni Tristan prepared daw ang mga pinsan niya sa stall nila" napapataas na lang kilay ko nang mabasa ang tarpaulin nila. Hotdog on stick, may napakagandang quotation pa 'Masarap na, gwapo pa ang nagtitinda' What the fuck? Napakagaling ng marketing strategy ng mga Ferell na ito.
Dinudumog lang naman sila ng mga kababaihan. Haist.
"Naiinis na ako sa kanila, bakit sinadya nilang tumapat sa atin? Paano na tayo makakabenta?" iritadong reklamo ni Florence.
"Just smile, makakabenta tayo" pag aalo ko sa kanya.
"Damn!" nairinig kong mura ni Florence. Kahit ako ay napamura na lang din. Dahil panay lang naman ang pagkindat sa akin ni Tristan Ferell sa kabilang stall. Hindi niya ba alam na bitter pa si Florence sa pinsan niya? We can't be sweet in front of her dahil maalala lang niya na hindi pa sila ayos ni Nero. Haist. Bakit ang gulo ng relationship nila?
"Hi, miss dentist! Can I borrow the toothfairy for a while? Medyo masakit ang ngipin ko" agad tumaas ang kilay ko sa gwapong lalaki na lumapit sa stall namin. Raje Aristotle Cortez, ang first love nitong si Florence. Ganito talaga ang buhay, kapag nababalitaan may nagkakalabuan na agad lalapit ang mga lalaking nakaabang.
"Sure" sagot ko kay Raje na mabilis kumindat kay Florence.
"Let me handle the stall for a while" bahagya kong itinulak si Florence na bahagyang nag aalangan. May kasama pa akong pagkaway sa kanya nang nakakalayo na sila ni Raje.
Naupo na lamang ako habang naghihintay ng bibili at habang naghihintay ako ay hindi ko maiwasang hindi mainggit sa dami na customer ng mga Ferell. Haist. Nakita kong pinalitan na ni Nero si Tristan sa stall at kasalukuyan nang papalapit sa akin si Tristan Ferell na mabagal na naglalakad.
Damn, why I can't get my eyes off him?
Nang makarating siya sa stall namin ay tamad niyang itinukod ang kaliwang braso niya sa bubog na nagtatakip sa mga chocolates na binebenta namin.
"Hi pretty dentist.." halos mangatal ako sa napakagandang mata niya na sinasadya pa yata niyang papungayin.
"What is your order sir?" tanong ko sa kanya.
"Can I order the dentist?" ngising tanong niya sa akin.
"Oh, I'm sorry but there is no dentist on our menu sir" tipid akong ngumiti sa kanya.
"Oh, my bad. I like this one" may itinuro siyang chocolate sa akin habang nagsisimula na siyang dumukot ng pera sa kanyang wallet.
Inilagay ko ito sa isang maliit na box bago ko ito inabot sa kanya. Nang ibigay niya sa akin ang bayad ay agad siyang nagsalita.
"Keep the change" dito na ako napairap sa kanya.
"Seriously Ferell? kikita ang stall na ito na nagsusukli kami" kibit balikat lang ang isinagot niya sa akin. Binuksan niya ang maliit na box ng chocolate at inalok niya ako.
"I'm full Tristan" pagtanggi ko.
"Feed me, please?" napatulala na lang ako sa sinabi ng malanding Ferell.
"Tristan, nasa school tayo" pagbabala ko.
"Just one Lina" napabuntong hininga na lang ako. Alam kong hindi siya aalis dito hanggang hindi ko siya napapagbigyan.
"Alright, umalis ka agad pagkatapos. Mainit ang ulo sa inyo ni Florence" ngumisi lang sa akin ang lalaking may magandang mata. Kumuha ako ng isang chocolate at sinimulan ko na itong itapat sa labi niya.
Akala ko ay magiging madali lang sa akin ito pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at mas inilapit niya ito sa kanyang labi. At halos mag init ang mukha ko nang hindi lang chocolate ang nakaramdaman ng kanyang mga labi maging ang dalawa kong daliri ay naramdaman ang init ng kanyang mga labi. Pilit kong hinihila pabalik ang kamay ko mula sa kanya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Ferell! What are you doing? Baka may makakita sa atin.." mahinang sabi ko habang iniikot ang aking paningin sa buong paligid. Napakuyom na lang ako sa aking coat nang maramdaman ko ang sunod na ginawa ng malanding si Tristan Ferell.
He's just damn licking my thumb finger. I can't help but to bite by lower lip. Damn.
Nang pilit kong hilahin ito ay bahagya nang lumuwag ang kamay niya habang sa maagaw ko na sa kanya ang kamay ko.
"I'll pick you up at 5, let's go to HQ. I need to be alone with my beautiful dentist.." napanguso na lang ako sa sinabi ni Tristan bago siya umalis. Damn Ferell.
Saktong bumalik si Florence na nagtatanong sa akin kung sino si gobernor. Bakit hindi niya kilala? Sikat na sikat na dito ang salitang 'gobernor'
"Si Troy si gobernor! Ano ka ba?" umasim lang ang mukha niya sa sinabi ko. Haist. Bitter talaga ito sa mga Ferell, kung alam mo lang Florence part lang ito ng paghahanda sa birthday mo.
Nawala kami sa pag uusap ni Florence nang may lumapit sa aming mag ina na mukhang gusto ng chocolate. Nagtataka ako dahil masyadong titig na titig ang batang babae na buhat ng kanyang ina.
"Mommy, I saw her and the tall guy. The tall guy was biting her fingers, does it hur---" agad hinawakan ng mommy niya ang kanyang bibig na may nanlalaking mata sa akin. Oh my god! May nakakita sa amin ni Tristan.
"Hindi man lang kayo pumili ng pribadong lugar? Nakita pa kayo ng bata!" umismid sa amin ang dapat una naming customer at umalis na sa harap namin ni Florence.
"What the hell is that? Pumunta ba dito si Tristan?" marahan akong tumango sa kanya.
"Sorry na Florence, bumili naman siya" natatawang sabi ko.
Natapos ang maghapon na nabibilang lang sa kamay ang customer namin. Pero ang ikinagulat ko ay nang pumayag daw si Florence na makipagdate sa isang customer na magaling daw sa soccer. Oh well, kung saan siya masaya susuportahan ko na siya.
Kasalukuyan na akong naghihintay sa labas kung saan susunduin daw ako ng sasakyan ni Tristan. Nang may tumigil na itim na audi sa harapan ko ay hindi ko ito pinansin. Kulay orang na oto ang sasakyan ni Tristan Ferell.
"Lina, hop in. We need to go.." halos sumipol ako nang sumungaw ang ulo ni Tristan sa likuran. May driver pang kasama ang magaling na lalaki.
Agad na akong pumasok sa kotse niya at mabilis itong humarurot nang maisarado ko na ito.
Halos mapatili na lang ako nang yapusin ako ni Tristan at isiksik niya ang sarili niya sa aking leeg.
"Dentist, masakit ang ngipin ko.." halos matawa ako sa mahinang bulong sa akin na parang bata. Maging ang driver na nasa unahan ay nagpipigil ng tawa.
"Shut up Rashid, just drive" agad na sabi ni Tristan.
"Captain Theo from first unit division of Sous L'eau Agency is currently suffering from toothache pffft.." hindi na napigilan ni Rashid ang pagtawa.
"Fuck off Rashid" iritadong may pinindot si Tristan at kusang may humarang sa pagitan namin at nang driver.
"Now back to my dentist.." nagsimula na namang yumapos sa akin ni Tristan. Oh my god. Bakit siya nagkakaganito ngayon?
"May kasalanan ka ba sa akin Cap Theo?"
"No way, you're just too beautiful with white coat. Dentist.. I have toothache.." paulit ulit niya na akong hinalikhalik sa aking leeg, sa pisngi. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Damn.
"Tristan.." agad kong nahawakan ang kamay niya na nagsisimula nang pumasok sa coat ko.
"Anyway, let's take a picture. Kiss me Lina.." itinuro niya ang kanyang kanang pisngi habang nakaharap kami sa camera ng phone niya. Nang lumapat na ang labi ko sa pisngi niya ay agad nagflash ang camera.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan si Tristan na natutuwang nakatingin sa picture namin. Kahit minsan ay hindi pa kami kumuha ng litrato na magkasama.
Sinilip ko ang phone niya at agad akong napangisi nang makitang nagpopost siya sa facebook.
Our picture with a caption. 'A kiss from my sexy dentist' hindi pa siya nasiyahan at ginawa pa niyang wallpaper ang picture namin.
"Tristan, why are you so sweet today?" kinakabahan ako sa mga ganito. Sa halip na sumagot siya sa akin ay hinalikan niya ang mga mata ko.
"Don't look at me with that eyes Lina, I need your smiling eyes" lalo akong napanguso sa sinabi niya.
"Tristan.."
"What?" natatawang sagot niya bago niya ako niyakap nang napakahigpit. Hindi ko mapigilang mapakuyom sa kanyang likuran. What the hell is this feeling? I'm feeling nervous.
"Mahal na mahal kita Lina...mahal na mahal.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro