Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Thanks @Kimyahh_16 :)


Chapter 28


Tulad nang inaasahan ay pinaulanan ako ng kuya ko ng napakaraming mura dahil kinabukasan pa ako nakauwi. Hindi ko naman siya masisisi dahil natural lamang ito maging reaskyon ng mga lalaking kapatid lalo na kung nakakatanda.

Kasalukuyan na akong inihahatid ng sasakyan ni kuya papunta sa school at hanggang ngayon ay umiikot pa din ang ulo ko. Kulang na kulang ako sa tulog at kung maaari lamang lumiban ay nakaliban na ako.



"Are you sure you're okay? You looked damn sleepy. Nakatulog ka ba talaga ng maayos sa bahay ng kaibigan mo?" tanong sa akin ni kuya. Pinilit kong ngumisi sa kanya at ipakitang hindi ako inaantok.



"I am fine kuya. Masyado lang madami ang napag usapan namin ni Ditzy" pagsisinungaling ko. Hindi na siya sumagot sa akin hanggang sa makarating na kami sa school.



"Umuwi ka agad Lina, nasa bahay na si mommy at daddy mamayang hapon" nakadungaw siya ngayon sa kanyang sasakyan.



"Hi Ace" napalingon na lang ako sa grupo ng mga babaeng nagpapacute kay kuya. Haist. Bakit hanggang dito ay napakasikat nitong kuya ko?



"Do you know them kuya?" tanong ko sa kanya nang makalampas na ang mga babae. Nagkibit balikat lang siya sa akin.



"Sige na. I need to go" mabilis akong lumapit sa kanya at humalik ako sa kanyang pisngi na siyang lagi kong ginagawa.



"Go" sabi ni kuya. Naglakad na ako papasok sa gate ng school namin pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay sumigaw ang magaling kong kuya.



"Mag aral ng mabuti Lina, wag hayaang ikaw ang gawing recitation ng kamote mong boyfriend!" napairap na lang ako sa sinabi niya. Kailan kaya niya matatanggap si Tristan?

Nakarating ako sa classroom na abala ang buong klase at agad akong napahawak sa aking noo nang maalala na sa darating na biyernes na pala ang school festival ng Gyro Nella kaya may kanya kanyang pakulo ang bawat section.

Agad kong nilapitan si Florence na mukhang wala sa kanyang sarili.



"Hey, what happened to you? Bakit parang puyat na puyat ka? You don't look fine" tinulungan ko siyang maglagay ng mga glitters sa isang malaking cartolina. Akala ko ako lang ang mukhang zombie ngayon, mukhang mas malala pa itong kaibigan ko.



"May ibang babae ang hari ng mga Shokoy" matabang na sabi niya.



"Si Nero? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko. Si Nero? Si Florence na nga lang ang alam kong babaeng pinapansin ng Ferell na 'yon.

Hindi siya sumagot sa tanong ko.



"Lina, sabi ng mga kasection natin tayo daw dalawa ang magmamascot sa booth natin. I'll be portraying a toothfairy and you'll be a dentist" napanguso na lang ako sa gagawin namin. Bakit lagi na lang kaming dalawa?



"Cool" sagot ko na lamang.



"May ipinadala na pala sa ating custome, nasa bahay 'yong sa'yo. Sumama ka na lang sa akin mamaya pag uwi para makuha mo" napatulala na lang ako sa sinabi ni Florence. Dadalhin niya ako sa bahay ng Ferell? Alam niya ba ang sinasabi niya?



"Bakit parang gulat na gulat ka Lina? Hindi ba at matagal mo nang gustong makarating sa bahay namin?" natatawang sabi ni Florence habang ako ay hindi makapaniwala.



"Are you sure? Baka naman nilalagnat ka Florence?"



"Yes, pero wala ang parents ko nasa ibang bansa. Baka si Gio, Kuya Nik at 'yong mga pamangkin ko lang ang madatnan natin sa bahay" dito na ako napatayo. Wala na sa mga Ferell si Florence?!



"Wait lang Florence, natawag 'yong kuya ko" nagkunwari akong dinudukot ang telepono ko sa aking bulsa. Mabilis akong nagpunta sa banyo para tawagan si Tristan.

Hindi ako naghintay nang napakaraming ring nang sagutin ito ni Tristan.



"Yes?" malambing na sagot sa akin ni Tristan. Masasabi ko na parang kakagising pa lamang niya dahil sa kanyang boses. Haist. Liban na naman ba ang lalaking ito?



"Tell me, hindi na ba sa inyo nakatira si Florence?" agad na tanong ko sa kanya.



"Yes, kahapon pa. Why?" sagot niya sa akin.



"She looked so down, anong nangyari? Bakit wala na siya sa inyo? What the hell is wrong with your cousin? May babae daw" natahimik ang kabilang linya na parang nag iisip ng isasagot sa akin.



"I don't know, sinundo na siya ng pinsan niya. Then, may babaeng sunod ng sunod ngayon kay Nero. I don't know the whole details but don't mind them Lina. It's just a simple misunderstanding" napairap na lang ako sa nakuha kong sagot sa kanya.



"Where are you? Pumasok ka ba?"



"Libray, sleeping and then you called" umaattend pa kaya siya ng klase? Ipinilig ko na lang ang aking ulo sa tanong ko. Kailangan pa ba talaga niyang pumasok? siguradong mas matalino pa siya sa mga professor ng university na ito.



"Alright, marami pa kaming gagawin Tristan. Mag participate ka naman sa klase nyo nang may pakinabang ka. Okay?" narinig ko siyang bahagyang tumawa sa sinabi ko.



"They're all fine, my cousins are quite prepared in this event" hindi ko maiwasang hindi itaas ang kilay ko. Ang marinig na 'prepared' ang mga Ferell ay hindi talaga magandang pangitain.



"Sige, I'll call you later" dapat ay papatayin ko na ang tawag nang may maalala ako.



"By the way, pupunta ka ba ulit sa HQ nyo?" nag aalinlangang tanong ko sa kanya.



"Yes, why?" tanong niya sa akin.



"Pwedeng sumama?" naghintay ako ng ilang bago ako makakuha ng sagot sa kanya.



"Have some time to sleep, you can't go tonight. I love you" hindi na niya ako pinagsalita dahil pinatay na niya ang tawag. Haist. Bakit hindi niya na lang ako diniretso na ayaw niya?

Bumalik na ako sa classroom namin na kasalukuyan nang nagtatawanan ang kasection ko dahil sa paglalaro ni Ashong ng bula. Pilit niyang pinapatawa si Florence na hindi man lang matinag sa kanyang pagkatulala.

Dahil mas mukhang may energy naman ako kay Florence, halos lahat nang iassign sa kanya ng mga kasection namin na gagawin niya ay ginagawa ko nang lahat. She's so hopeless.



"Anong malaking problema ng kaibigan mo Lina?" napairap na lang ako nang tumabi sa akin si Ashong na pasimpleng kumukuha ng fries na kinakain ko.



"Hindi ko alam, nambabae daw ang boyfriend" matabang na sagot ko habang iniiwas ang fries na hawak ko.



"Gagong 'yon! Sino ba 'yong si Nero? Nakakapambabae pa siya? Ang ganda ganda ni Florence" hinampas ko na ang kamay ni Ashong mas madami pa siyang makakaing fries sa akin. Damn.



"Ikaw ba Ashong may gusto kay Florence?" alam ko na naman na may gusto sa kaibigan ko ang kumag na ito masyado lang torpe kaya naunahan ng Ferell.



"Ako? Hindi ah!" tangging pakamatay siya.



"Anong ambag mo sa fair natin Ashong? Kami ni Florence ang magtitinda ng mga candies at chocolate sa Friday, anong matinong maitutulong mo?" ngumisi siya sa akin na parang may napakaganda siya isasagot sa akin.



"Ako ang susundo sa mga bata sa gate. Isasakay ko sila sa maliit na kabayo" agad tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.



"Talagang pinalusot mo ang kabayo mo Ashong, ano? Bakit hindi na lang veterinarian ang kinuha mong kurso?" natatawang tanong ko sa kanya.



"Pagkagraduate ko na lang siguro" inagaw na niya ang lalagyan ng fries ko na may ilang piraso pang natitira.



"Ako na ang magtatapon" napangiwi na lang ako sa kanya. Sa aking pagkakaalam ay mayaman itong si Ashong bakit hindi siya makabili ng pagkain niya?



"Oh, thank you!" sarcastic na sagot ko sa kanya.

Natapos ang pag aayos ng mga kagamitan namin sa school festival na walang kabuhay buhay si Florence. Naitext ko na rin ang kapatid ko na sunduin na lang ako sa bahay ng pinsan ni Florence.

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan nang mag umpisa muli ako ng usapan.



"Florence, kanina ka pa talagang matamlay" tipid siyang ngumiti sa akin.



"Siguro pagod lang ako" pagod? Wala na nga siyang ginawa kundi matulala kanina.



Nakarating kami sa bahay na sinasabi niya. At agad sumalubong sa kanya ang dalawang cute na batang lalaki na mabilis akong sinilip nang mapansing may kasama si Florence. Sila siguro ang sinasabi niyang pamangkin.



"How are you Trevor? Tyrone? Say hi to tita Lina, she's tita ganda's bestfriend" sabay kumaway sa akin ang mga cute na mga bata. Gusto kong may mga kalarong ganito sa bahay pero mukhang ayaw ko pang humingi sa aking kuya dahil baka hindi lang iisang babae ang magbigay sa akin ng pamangkin.

Pumasok na kami sa bahay at nakaabang na sa amin ang isang napakagwapong lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Nicholas Villacorta, na sikat na businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang ama ng kambal na buhat ni Florence, kung titingnan ay parang wala pa siyang anak.



"You have a very beautiful friend Florence" agad akong ngumiti nang nginitian ako ng pinsan ni Florence.



"Kumain muna kayong dalawa bago kayo tumaas, nagpahanda na ako ng pagkain" tumango na lang kami ni Florence bago kami nagdiretso sa kusina.

Hindi man lang bumati sa amin ang lalaking kasalukuyang kumakain na sa dulo ng lamesa.



"Gio" tawag ni Florence. Ito siguro ang isa pa niyang pinsan. Damn, they're all handsome. Kahit mukhang hindi masyadong friendly ang isang ito.



"Oh, hi Florence. Mas maganda ang kasama mo sa'yo. Have a seat, kumain na kayo bago pa lumamig ang pagkain" naiiling na lumingon sa akin si Florence.



"He's always like that. Don't mind him" nagkibit balikat na lang ako at umupo na sa upuang ibinigay sa akin ni Florence.

Katabi ni Florence ang kambal na masaya niyang sinusubuan, nasa harapan naman nitong kumain ang pinsan niyang si Nik na natutuwa silang pinapanuod at si Gio na pasimple lamang nagmamasid.



"How's your day Florence?" biglang tanong ni Gio sa kanya. Bakit ganito siya makipag usap kay Florence? Ang alam ko mas matanda sa kanya si Florence.



"Good. Nothing new" pagsisinungaling niya.



"Pupunta kami sa Friday sa school nyo. Right Trevor and Tyrone?" natutuwang sabi ni Nik sa kanyang mga anak na nagtanguhan sa kanya.



"You'll see the beautiful Titas with their costumes" nagpapalakpak ang mga bata sa sinabi ng daddy nila.

Nairaos naman namin ang pagkain ng maayos. Dahil sinabi ko naman kay Florence na hindi na ako pwedeng magtagal ay ibinigay na niya ang paperbag na may laman ng costume ko.



"Thanks, see you tomorrow" nagkawayan lang kaming dalawa bago ako pumasok sa sasakyan. Nang makalayo na kami ay nagsalita na muling magsalita ang kuya ko.



"Hindi na siya nakatira sa mga Ferell?" napairap na lang ako.



"Malamang kuya"



"Ang init ng ulo mo. Ikaw na nga ang sinundo ko" mabilis niyang pinisil ang pisngi ko na lalong nag pairita sa akin. Damn, I need sleep.



"May mga kaibigan ka rin pa lang naghihintay sa bahay" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.



"Friends?" nagtatakang tanong ko.



"Dalawang babae"



"Who are they?" wala akong inaasahang bisita.



"Hindi ko kilala lahat ng kaibigan mo Lina. But they looked nice and cute kaya pinapasok na namin ni dad at mom" tumaas agad ang kilay ko sa sinabi ni kuya.



"Sina mommy at daddy ba talaga?"



"Oh come on, wala akong pakialam sa mga kaibigan mo Lina"



"Are you? Hindi ba at type mo si Florence?"



"No!" nagkibit balikat na lang ako. Sino kaya ang dalawang babaeng 'yon?

Nakarating na kami sa bahay at nang magdiretso ako sa sala ay agad nangunot ang noo ko. Who the hell are they?



"Maiwan ko na kayo, sa taas lang ako" hinintay ko munang tuluyang makataas si kuya bago ako magsalita sa dalawang babaeng nakangisi sa akin.



"Who are you? Maaari na kayong lumabas" malamig na sabi ko. Hindi pamilyar ang dalawang ito sa akin.



"No Lina. Kaibigan din kami ni Florence, kailangan lang namin ng tulong mo" dito nila nakuha ang atensyon ko.



"Alam nyong nasa Pilipinas siya?" papaano nila nalaman?



"Last month lang namin nalaman" sagot sa akin ng morenang babae.



"Anong kailangan nyong tulong?" naupo na ako sa sofa na siyang inuupuan nila.



"Malapit na ang birthday niya right? And we're planning to surprise her" ilang beses akong napatango nang maalalang malapit na nga ang birthday niya.



"Alam ba ito ng pamilya niya?"



"Yes, alam nila"



"What about the Ferells?



"Alam din nila" agad tumaas ang kilay ko sa sagot nila. Bakit hindi na lang ito sinabi sa akin ni Tristan?



"So what's the plan?" tanong ko na lamang. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong tumulong. Afterall it is my bestfriend's birthday.



"Here's the assigned costume for everyone, tingnan mo na lang ang sa kanila baka may makapareho ka kasi" may inabot ang maputing babae na papel para sa akin kung saan nakasulat kung sino mismo ang mga guest at mga susuotin nila. Seriously? Children's party ang gagawin nila sa birthday ni Florence?

Nang mabasa ko ang pangalan ni Tristan at ang kanyang assigned costume ay bahagya akong natigilan.



"Ang mga Ferell din ba ang pumili ng sa kanila?" kunot noong tanong ko.



"Yes" maiksing sagot nila na lalong nakapagpalito sa akin. Why?



"I think, I like the agent costume too" tipid akong ngumiti sa dalawang babae.



Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Fuck. Why I'm having this bad feeling? Am I overreacting?



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro