Chapter 27
Thanks @Jahmcrisian9189 :)
Chapter 27
Ilang beses nagpaullit ulit sa utak ko ang sinabi sa akin ni Tristan. Wala siyang nagawa kundi tumitig lamang sa akin habang hinihintay niya ang anumang maaari kong maging reaksyon at sasabihin.
Tama nga ba ang narinig ko? My boyfriend is an agent? Totoo ba 'yon? Akala ko ba ay sa tv lang may agent? Sa tv lang may eksenang ang bidang babae ay may boyfriend na napakahot na agent? Totoo ba talaga ito?
Hindi agad matanggap ng sistema ko ang inamin sa akin ni Tristan. Papaano siya naging ganito? Kailan pa? Alam ba ito ng pamilya niya? Seryosong usapan na ba ito? Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko makita sa mukha niya ang pagbibiro.
Tristan Ferell is telling truth.
Habang nagkakagulo ang mga tanong sa utak ko, unti unting bumabalik sa aking alaala ang mga pangyayaring ilang beses akong pinahanga ni Tristan. Ang engkwentro namin sa loob ng kweba, kung papaano niya pinatumba ng walang kahirap hirap ang lalaking kalaban niya, kung papaano niya walang awa itong kinuryente ng paulit ulit. Kung papaano niya napasok ang bahay namin ng walang kahirap hirap. Nagkakaroon na ng kasagutan ang aking mga tanong.
"Tristan..how? papaano ka napasok sa ganitong klaseng trabaho?" nangangatal na tanong ko sa kanya. Ang ibig sabihin ba nito.. ang mga kamay ni Tristan.. ang mga kamay ng lalaking mahal ko..
"Are you afraid of me Lina?" mapait siyang ngumiti sa akin habang masuri niyang pinagmamasdan ang mga reaksyon ko.
"Tristan.." wala akong masabi kundi ang pangalan niya. Anong dapat kong sabihin? Hindi ko akalaing ganito kalalim ang sekreto niya sa akin.
Bahagya siyang naglakad muli sa lamesang pinaggalingan namin at sumadal siya dito. Agad siyang namulsa at hindi niya na ako matingnan. He's now refusing to look at me, na parang hindi niya kayang makita ang maaari kong maging reaksyon.
"That means..." nangangatal na sabi ko. Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.
"Yes Lina, my hands are always filled with blood. I kill people, the most inhumane job ever existed" napahawak na lang ako sa aking bibig para mapigilan ang anumang ingay na maaari kong gawin.
My sweet and loving Tristan Matteo Ferell is killing people.
"People need killing and my hands are destined to kill not just one but hundreds of lives Lina.." napatulala na lang ako sa sinasabi niya.
Natahimik ang buong kwarto ng ilang minuto bago muling nagsalita si Tristan Ferell at muling tumayo ng maayos mula sa kanyang pagkakasandal.
"Now tell me, are you going to accept me for who am I Lina?" nanatili kaming magkatitigan habang hinihintay niya ang magiging sagot ko.
Unti unti akong humakbang papalapit sa kanya. Marahang umangat ang mga nangangatal kong kamay para damhin ang napakagandang mukha ng lalaking mahal ko. Now I know, kung bakit hindi niya magawang aminin sa akin ang lahat.
"Anong kakayahan kong tumanggi sa lalaking nagmamay ari ng mga matang bumihag sa akin? I told you Tristan Ferell, I will accept you no matter what. I love you, minahal ko si Tristan Ferell at alam kong mas lalo kong mamahalin ang kapating matagal na pa lang nakamata at nagmamahaal sa akin" tipid siyang ngumiti sa sinabi ko.
Akala ko ay magsasalita pa siya nang hulihin niya ang aking mga labi na siya namang aking tinugunan. His kisses are quite intense and passionate, na parang matagal nang hindi naglalapat ang aming mga labi.
Agad pumulupot ang aking mga kamay sa kanyang braso nang buhatin niya ako. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakahiga na sa lumang sofa na siyang hinihigaan niya kanina. Hindi ko mapigilang hindi mapatingala nang maglandas pababa ang kanyang mga halik.
Oh damn. This is not good, hindi pa kami tapos mag usap ng maayos.
Napakagat labi na lang ako nang maramdaman kong gumagapang na sa kanang hita ko ang mabilis niya kamay. He's always too fast. Agent or not, Tristan Ferell is always this fast. He's a sideline miner, afterall.
"This can wait, Cap Theo" agad akong umiwas sa halik niya at mabilis kong hinuli ang kamay niyang malapit nang makarating sa gusto nitong patunguhan.
"Alright" cool na sabi niya. Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakadagan sa akin at sumandal siya sa sofa habang pinagmamasdan akong bumabangon na rin sa aking pagkakahiga.
"Tell me from the beginning Tristan, I want to know" bumuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Beginning means?" pagmamaang maangan niya sa akin.
"You know what I mean Cap Theo, papaano ka napasok sa trabahong ito? Alam ba ito ng pamilya mo? Bakit ka napasok dito? What triggers you? Ilang taon ka na dito? I have so many questions to ask Tristan.." sinipat niya ang wristwatch niya at agad nangunot ang noo niya.
"It's almost 3 o'clock in the am, hinahanap ka na sa inyo" sinamaan ko siya ng tingin bago ko kinuha ang telepono ko sa aking bulsa. Itinawag ko ito sa aking kuya na nakalimutan ko na sa dami nang nalaman ko ngayong gabi.
Agad niya itong sinagot sa kanyang napakalakas na boses.
"I am warning you sister! Hindi na ako natutuwa sa pinaggagawa mo! Itatakwil ka ng pamilya natin kapag nagpabuntis ka sa gagong 'yan!" napairap na lang ako sa bungad sa akin ni kuya.
"I am with my friend. Remember Ditzy? 'yong may crush sa'yo na ininsulto mo? Nasa bahay niya ako ngayon, bukas na ako uuwi. I love you kuya" hindi ko na hinintay pa ang sagot ni kuya nang ibaba ko na ito.
"Now you're lying to your brother?" nakataas na kilay na sabi sa akin ni Tristan.
"Everyone tell lies Captain Theo" maarte kong hinawi ang buhok ko.
"Don't address me like that Lina, you're not my subordinate" nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya.
"Now, can I ask some of your agent skill? I need Ditzy's landline. Siguradong tatawag sa kanya si kuya" naiiling na tumayo si Tristan bago siya nagpunta sa isang maliit na cabinet. Kumuha siya ng isang kulay itim na laptop at ipinatong niya ito sa lamesa.
Dahil gusto kong malaman kung papaano magtrabaho si Tristan ay tumayo na rin ako para manuod sa kanyang gagawin.
"Can you make it fast Tristan? Baka maunahan tayo ni kuya"
"Chill baby" nagsimula na siyang magpipindot sa kanyang laptop na hindi ko maintindihan.
"Can you give me her complete name?"
"Ditzy .. wait" hindi ko matandaan ang surname niya. Fuck.
"I think, Ditzy Carandang" Carandang nga ba?
"Not so sure huh?" nawiwiling sabi niya sa akin. Sinimulan niya itype ang pangalan ni Ditzy. At halos mahilo ako sa dami nang lumabas na results. Paano namin malalaman kung sino dyan ang hinahanap namin?
"We can't make it, ang dami nila" shit! Bakit nga ba si Ditzy pa ang nasabi ko? But it can't be Florence, dahil alam ni kuya na sa mga Ferell nakatira ang kaibigan ko.
"Uhuh? Don't underestimate me baby" nakita ko na lang na pinindot ni Tristan ang enter bago lumabas sa screen ang picture ni Ditzy at ang lahat ng number na may kaugnayan sa kanya.
"And this is her landline number" muli niyang pinindot ang enter. Inilabas ni Tristan ang kanyang telepono at inabot sa akin.
"Do the talking baby, I did my part" nagriring na ang phone niya nang iabot niya sa akin.
"Carandang's residence, sino po sila?" namamaos na boses ng babae ang narinig ko. Kung hindi ako nagkakamali ay katulong nila ito, sino nga ba ang tatawag sa ganitong klaseng oras.
"Kailangan ko pong makausap si Ditzy"
"Nako, hija mamayang umaga na lang. Ayaw niyang naaabala ang kanyang pagtulog"
"Pero kailangan po ito, tungkol po ito sa projects namin na kailangan ko nang matapos. Maaaring bumagsak ang grupo namin kung hindi ko siya makakausap ngayon" nakangisi lang sa akin si Tristan habang pinagpanuod akong magsinungaling sa katulong ni Ditzy.
"Sino po ba ito?" napapairap na ako. Bakit hindi na lang niya ilapat ang tawag sa kwarto ni Ditzy?
"Why don't you call her phone Lina?" biglang naputol ang tawag dahil may kung anong pinindot si Tristan sa kanyang laptop.
"It's ringing again" agad na sabi niya. Itinapat ko na lang ulit ang telepono niya sa aking tenga. At nakailang beses na pinatay ni Ditzy ang kanyang telepono bago pa niya nito sinagot.
"Who the fuck is this?!" iritadong sigaw niya.
"Calm down sleeping beauty. I'm just reminding you that any moment my brother will call you"
"Who's this?"
"Lina Hidalgo, you tell him that I'm with you. Alam mo naman siguro ang mangyayari sa'yo kapag hindi ko nagustuhan ang isasagot mo?"
"Oh bitch! You tell Tristan that I love him and I am sexier and beautiful than you" muli na lang akong napairap.
"Deal" maiksing sagot ko. Hindi na siya sumagot at pinatay na niya ang telepono.
"She's prettier and sexier than me" kibit balikat kong sabi kay Tristan habang inaabot pabalik sa kanya ang kanyang telepono.
"I can't agree on that" sagot niya nang isarado na niya ang kanyang laptop. Tumaas na lang ang kilay ko sa maganda niya sagot. Haist Ferell.
"So? Mind telling me the whole story?"
"I guess, I can no longer escape" ngising sagot niya sa akin.
"Oh well"
"I was the youngest hired agent of Sous L'eau Agency, I was thirteen or fourteen years old back then during my first mission" oh my god! He's so young. Bigla ko tuloy naalala kung ilang taon ba ako ipinasok ng mga magulang ko sa kwartong punong puno ng baril at patalim. I think, I was fourteen years old too.
"How about your parents? Alam ba ito ni Don Ferell? your cousins?" papaano niya ito natago sa kanyang pamilya? Hindi ba sila nakakapansin kay Tristan?
"No one knows Lina, except you I think? Still, I'm not sure" bahagya siyang natawa sa isinagot niya sa akin. Not sure?
"What about your cousins? Lagi kayong magkakasama, hindi ka ba nila napapansin?" ganoon na ba talaga kamamanhid ang kanyang mga pinsan at hindi nila napapansin na may itinatago na sa kanila si Tristan?
"I wonder. Secrets are damn impossible between us, they might be pretending that they don't? Afterall, Ferells are good in pretending" kibit balikat na sagot niya sa akin.
"I don't understand Tristan"
"Even LG Lina, alam kong may nalalaman siya sa akin. He's playing dumb like his grandsons. Mag lololo nga sila" kinuha ni Tristan ang baso ng alak na hawak ko kanina at sinimulan niya itong inumin.
"Look who's talking, hindi ba at apo ka rin niya?" I can't help but to roll my eyes.
"You know why I am living with my cousins and not with my family? Because they're all afraid that there might be organizations who'll be attracted to my ability during my stay to US" nasabi nga sa akin ni Florence na sa USA nakatira ang pamilya nang ilan sa mga Ferell.
"Ability like? Do you hold powers Tristan?" natawa siya sa sinabi ko.
"In reality Lina, the only power is intelligence" natahimik na naman ako sa 'reality' na sinasabi ni Tristan.
"During my young age, I have been receiving invitations from different technological organizations all over the world, asking me to be one of their best assets. I even received an invitation from NASA baby" pakiramdam ko ay hindi na matanggap ng utak ko ang mga sinsabi ni Tristan.
I'm not just having a hot agent boyfriend. I have a highly intellectual boyfriend who's pretending to be a hot sleepyhead school guy in the library. What the hell is going on? I can't follow the twisting events. Damn.
"Pero dahil gusto ni LG na mabuhay ako ng normal katulad ng mga pinsan na ko na pagiging gwapo lang ang problema. Pinili ng pamilya ko na dito na ako sa Pilipinas tumira, hiding the intelligence I possessed" hindi ko mapigilang hindi mapangiwi sa malaking 'problema' ng mga pinsan niya.
"Kung naitago ka pala nila sa mga organisasyon na nagkakainteres sa'yo mula sa ibang bansa. How come na napasali ka pa rin sa isang secret agency?" muli kong tanong.
"I don't know. I think my intelligence is not destined for science, I am made for guns baby. Alam kong may malaking rason kung bakit ako pumayag na sumali organisasyong ito. And up until now, I'm not regretting my decisions. I have my reasons baby" gusto kong itanong ang rason niya pero alam kong sumosobra na yata ako kung itatanong ko pa ito.
"Pero ang pagsali ko sa organisasyong ito ang kauna unahang bagay kung saan nilabag ko ang pinakainiidolo kong tao" kilala ko ang itinutukoy niya. His grandfather.
"I joined here when I was thirteen, trained for year and have missions afterwards. I was seventeen, when I found you and everything went upside down" bahagya akong napakagat labi sa huling sinabi niya. Tama bang kiligin ako sa oras na ito? Damn.
"You told me that I was once your client, how?" isinantabi ko ang lumalakas na pagtibok ng puso ko at pinili kong muling magtanong na lang.
"I don't know how. The boss gave me the assignment and I gladly accepted it" maiksing sagot niya.
"It was just an easy task. Have 24 hours surveillance and keep you secured all day. But I didn't expect that watching you will make me fall in love. I thought I was just too devoted on my job but little did I know, I am not devoting my job anymore. I'm already betraying my job, madly falling in love with you.." pakiramdam ko ay hindi lang puso ko ang nagwawala ngayon. Maging ang namumulang mukha ko ay nagsusumigaw nang aking nararamdaman. Damn Ferell and his sweet words. Hindi niya ba alam ang ginagawa niya sa akin?
"And this? Telling my entire agent life was out of the line. We are not allowed to bring civilians inside our headquarters, we are not allowed telling everything even to our love ones but I can make you an exception Lina. Natatakot akong iwan mo ako. Walking away from me with questions and doubt on your eyes. I know this decision, telling you the real me is a fifty fifty situation. Fifty percent will make you run away from me, might be because of disgust? Fear? Doubts? and fifty percent will make you stay. I'm afraid that you'll choose the first one Lina.. " kaunting kaunti na lang ay malulusaw na ako sa mga salitang binibitawan ng lalaking may pinakamagandang mata.
Hindi pa rin ba siya naniniwala sa sinabi ko sa kanya? I am not leaving him!
Mabilis kong inagaw ang baso ng alak na dapat ay iinumin niya. Iniinom ko ito nang isang lagukan at huminga ako ng malalim.
"I told you Tristan Matteo Ferell. I am in love with you. Wala na akong pakialam kung anong klaseng trabaho ang mayroon ka. That is your path and I will respect it no matter what happens. I heard enough Cap Theo and I think we need another drink" hindi na baso ang hinawakan ko kundi ang wine bottle na ang kinuha ko. Agad ko itong ininom hanggang sa mapuno ang bibig ko.
"And, I think you need to share baby" hindi na ako nagulat nang magsalo kami ni Tristan Ferell sa wine na nasa bibig ko.
Muli na naman naglapat ang aming mga labi. Mabilis naubos ang wine na pinagsaluhan namin bago namin pinakawalan ang isa't isa. I can hear our hard breathing. Damn. He's so hot.
"Why I'm having this feeling that I'm getting addicted red wine?"
"Are you?" ngising tanong ko.
"Want another bottle?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro