Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Thanks @BG-kanna15 :)



Chapter 26


Hindi ako magkaintindihan sa loob ng kotse nang makita kong nasa harapan lamang nito si Tristan at hinihintay niyang lumabas ako mula dito. Shit! Alam niyang nandito ako?

Sexy stalker? Ako ba ang tinutukoy niya? O nararanasan na niyang sundan ng iba't ibang kotse ng mga babae? My god! Paano niya nalaman na ako ito kung ganoon? Paano niya ako nahalata? This car is heavy tinted! Hindi rin ito ang kotseng madalas na ginagamit ni kuya kapag sinusundo niya ako sa bahay.

Kung bumalik na lang kaya ako? Hindi pa naman niya ako nakita. Pero gusto kong malaman ang lugar na ito, gusto kong malaman kung bakit nagpupunta siya sa lugar na ito sa ganitong kalalim nang gabi.



Nangangatal ang kamay ko sa susi ng kotse. I need to go at maaari akong bumalik sa ibang pagkakataon, kapag wala na dito si Tristan. Istart ko na sana ang kotse nang bintana naman ang katukin Tristan.



"Lina I know it's you. Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi" napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko. Wala akong pagpipilian kundi magbukas ng pintuan.

Nang sandaling makalabas na ako ay hindi ko masalubong ang mga mata ni Tristan Ferell. Wait, may kasalanan ba ako? Curious lang ako!

Stalking na ba itong ginagawa ko?



"Bad shot na naman ako sa kuya mo Lina. Hindi ka ba pa hinahanap sa inyo?" umirap ako sa kanya at padabog kong isinarado ang sasakyan.



"What is this place Tristan? Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Are you a goddamn gangster?" narinig ko siyang bahagyang natawa sa sinabi ko.



"You're reading too much boring books again Lina. Hindi ba at sinabi ko sa'yo na itatakwil ako ni LG kung magiging 'gangster' ako? Tatawanan lang ako ng mga pinsan ko kapag narinig nila 'yan" naiiling na sabi ni Tristan habang hinuhuli ang kamay ko.

Nagsimula na kaming maglakad dalawa papalapit sa building na kanina lamang pinasukan niya. Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa mga nadadaanan namin ni Tristan. This place is not safe.



"Then, what's this? This whole set up. Drug lord ka ba Tristan? Baka naman gambling lord ka? Hihiwalayan kita kapag isa ka sa mga nasabi ko. Ikaw ang mahigpit na kalaban ng mga magulang ko" tumigil kami sa paglalakad at agad siyang humarap sa akin. Mabilis niyang hinuli ang magkabila kong pisngi.



"Hey, Lina look at me. Can you calm down baby? I'll show you what's inside of this building. Just..just don't say that again. Hindi mo na ako pwedeng hiwalayan" biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa huli niyang sinasabi. Haist Ferell. Pero nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa aking noo.



"Pagkatapos mong makita ang loob nito, iuuwi na kita" tumango na lang ako sa kanya.

Muli kaming naglakad papunta sa building kung saan parang sa kaunting paggalaw lamang ng lupa ay guguho na ito. Paano nagpapag tiisan ng isang anak mayaman na Tristan Ferell ang lugar na ito?



"Hindi ba delikado sa lugar na ito? Nagkalat ang mga lasing, inuman dito, doon, parang ang daming addict, hindi rin ba uso ang motel dito Tristan? Look, wala na silang pakialam kung may makakita sa ginagawa nila.." nagkibit balikat lang sa akin si Tristan bago siya sumagot sa akin.



"This is the reality Lina, places are not always a paradise" hindi ako nakasagot sa sinabi ni Tristan dahil alam kong totoo ang sinabi niya.

Pumasok kami sa loob nang building at tumambad sa aking mga mata ang napakaraming tao na kasalukuyang may ibinabalot sa plastic na kung ano. May mga naghahalo din ng kung anong malapot na likido na hinahaluan na nila ng asukal na pula.

Akala ko noong una ay mga droga ito pero nang mapagmasdan ko ito ay agad nangunot ang noo ko. Candy?



"Cap Th—" hindi natuloy ng lalaki ang kanyang sasabihin nang makita niyang may kasamang babae si Tristan.



"Oh, Tristan! Napadalaw ka" nahihirapan niyang sabi. Pakinig ko ang pag ismid ni Tristan sa paraan nang bagbati sa kanya ng lalaki.



"What are those Tristan?" tanong ko sa kanya para makumpirma ko ang sarili ko.



"Candies baby" mabilis na sagot niya sa akin.



"You're producing candies late at night? Can't you do your production on daylight? Let me taste it" agad kong pinagmasdan ang mga reaksyon ng mga tao sa sinabi ko. Kung hindi ordinaryong candy itong ginagawa nila, alam kong maaalarma sila kapag tinikman ko ito pero sa nakikita ko sa kanilang lahat at hindi man lang sila nabigla sa sinabi ko.

Nang makalapit ako sa lamesa na kasalukuyan nang ibinabalot ang mga candy ay agad kong naramdaman ang akbay ni Tristan sa akin.



"Which flavour do you want?" tanong niya sa akin.



"Strawberry will do" mabilis na kumuha nang candy si Tristan na may balot na kulay pink na cellophane.

Akala ko ay ibibigay niya ito sa akin pero naningkit na lang ang mga mata ko nang siya mismo ang nagtanggal ng balat ng candy. Itinapat na niya ito sa labi ko.



"Open your mouth Lina" wala na akong nagawa kundi tanggapin ang candy. Nang isubo ko na ito agad kong nalasahan ang pagkatamis nito. Not bad.

Nanatili lang nanunuod sa amin ang mga taong gumagawa ng candy na parang may isang eksena kami Tristan na hindi nila dapat palampasin.

Hindi ko maiwasang hindi mamula. Damn. Bakit sa simpleng mga paraang ito ni Tristan ay nagwawala ang dibdib ko? He can easily play with my fragile emotions.



"How was it?" tanong niya sa akin.



"Sweet" sagot ko. Pero halos mapatalon na lang ako sa ginawa niya. Mabilis siyang nakayuko at agad naglapat ang mga labi namin.



"Sweet it is" ngising sabi niya na nagpanganga sa akin. Hindi niya ba alam na maraming nakamata sa aming dalawa ngayon?



"Tristan!" nanlalaki ang mga mata ko habang nililibot ang mga taong maaaring nakakita sa ginawa ni Tristan. Pero agad akong nakaramdam ng kakaiba nang makita ang hindi tamang paraan ng paninitig ng mga taong kanina lamang ay abala sa pagbabalot ng candy.

Bakit ganito nila ako titigan? Kapwa sila mga nakatulala sa akin, may mga mukhang nagtataka, humahanga, hindi makapaniwala, nalilito at ang karamihan ay takot sa kanilang mga mata ang aking nakikita. Nakikilala ba nila ako? Nagkita na ba kami ng mga taong ito?

Bakit kung titigan nila ako ay napakapamilyar na ng mukha ko sa kanilang lahat?



"This is suicide Cap Theo! Kamukhang kamukha siya!" agad tumayo ang isang babae na kanina pang mariing nakatitig sa akin.



"Enna!" malakas na sigaw ni Tristan. Hindi siya pinansin ng babae at naglakad na ito palabas habang isa isa niyang hinuhubad ang puting apron, mask at groves na siyang gamit niya sa pagbabalot ng apron. Lumantad sa akin na purong itim din ang suot nito katulad ng pananamit ni Tristan.



"I don't understand Cap, dapat hindi mo na siya dinala dito" sabi rin ng isang babae. Bahagya itong tumango kay Tristan bago ito nagmadaling tumakbo palabas para sundan ang naunang babae.

Kung hindi ako nagkakamali sila ang mga taong nakita namin sa ilog. Ang mga taong parte ng malamisteryong pagkatao ng lalaking mahal ko.

Pumalakpak nang mabagal ang kaninang lalaking sumalubong sa amin.



"Ang galing nilang umarte hindi ba Tristan? May play kasi silang gaganapan sa harap nang mga bata para bukas" pilit akong hindi nagsalita sa sinabi ng lalaki. Hindi ako pinalaking inutil ng mga magulang ako para maniwala sa mga sinasabi niya.



"Nice acting skills then. Right? Captain Matteo?" sarcastic kong sabi kay Tristan na hindi masalubong ang aking mga mata. Mukhang nag backfired sa kanya ang sarili niyang mga plano. Dahil kahit ang sarili niyang mga tauhan ay hindi sang ayun sa kung anuman ang kanyang binabalak.



"This whole setting, ibalik nyo na sa dati" matabang na sabi ni Tristan. Agad namang naalerto ang lahat ng mga taong abala sa mga candy. Wala pang ilang minuto ay agad nabaliktad ang mahabang lamesa, sa halip na mga candy ang makikita ay mga bala ng iba't ibang mga baril, patalim at kung ano ano pang armas na pamilyar na sa aking mga mata.

Kapwa naghubadan na rin ang mga taong nakaapron at nakamask. Tulad din ni Tristan ay mga nakaitim na damit din sila.



Isa lang ang masasabi ko.



"You can't really deceive a Hidalgo" simpleng sabi ko sa mga taong kasalukuyan nang abala sa totoo nilang mga ginagawa.

Ngumisi ang kaninang lalaki na may balak pang magsinungaling sa akin kanina.



"I guess it runs through the blood, right Captain Theo?"



"Shut up Rashid" hinila ako ni Tristan papalayo sa mga kasamahan niya. Mabilis kaming pumasok sa isang kwarto.

Agad siyang sumalampak sa isang lumang sofa at napamasahe na lang siya sa kanyang noo.



"To tell you the truth, hindi ko napansin ang pagsunod mo sa akin" naupo na rin ako sa isang upuan. Bumangalumbaba ako habang pinagmamasdan si Tristan Ferell na mukhang hindi inaasahan ang buong pangyayari. Kasalukuyan na siya ngayong nakahiga sa sofa.



"Mind telling me about this? Nahuli na kita Tristan Ferell" pinaka cross ko ang legs ko habang pinagmamasdan ang sunod pa niyang gagawin.



"Ano nga ba ang aasahan ko sa anak ng pinakamagagaling na abogado?" bumangon na si Tristan at bahagyang ngumisi sa akin. Tumayo siya mula sa sofa at nagsimulang maglakad sa isang maliit na refrigerator.

Kumuha siya ng red wine at dalawang baso. Agad ko namang tinanggap ang alok niya nang akma niyang sasalinan ng alak ang aking baso. Sanay na ako sa inuming ganito dahil madalas akong isinasama ng mga magulang ko sa mga salu salong hindi mawawalan ng pag inom ng alak.

Bahagya ko nang sinimsim ang alak. Oh well, nice taste Ferell.



"Hindi na ako nagulat Tristan. But I'm having a hint about your identity, pero hindi ko pa rin ito mabigyan ng pangalan. Everything is a question mark" siya naman ngayon ang uminom ng alak. At inistraight niya agad ito nang inom at mabilis na ipinatong sa lamesang sinasandalan niya.



"Alam mo ba ang mga salitang sinasabi ko sa mga taong madaming tanong Lina?" muli akong sumimsim ng alak bago ko salubungin ang kanyang mga mata.



"What? Dapat ko ba itong katakutan?" tanong ko sa kanya. Sa halip na agad siyang sumagot sa akin ay pinili niyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang baba ko para magtama ang aming mga mata.

Naaamoy ko agad ang alak sa paraan niya ng paghinga. Damn. Nag iinit ang pakiramdam ko, napapahigpit ang paghawak ko sa wine glass.



"Knowledge destroys innocence. The less you know the better, the less you know the safer" tumitig lang ako sa magagandang mata ni Tristan. Sinasabi niya ba na dapat ay hindi ko na lang alamin ang mga itinatago niya.

Sa halip na lumayo sa paninitig mula sa kanyang nakakawalang lakas na mga mata ay pinili kong makipagtitigan sa kanya. Dahan dahan ko munang ipinatong ang wine glass sa lamesa at mabilis kong isinampay ang mga kamay ko sa batok na lalaking sinusubukan ang kakayahan ko sa palitan ng makakahulugang mga salita.



"But I am no longer holding any innocence Cap Theo. I can easily come out from the paradise and face the reality" sinadya kong bahagyang maglapat ang mga labi ko sa labi niya, sa kanyang pisngi. Sinadya ko rin magtama ang aming mga ilong.

Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay niya sa ginawa ko.



"Are you playing with me Linnalyn Isabelle?" nanatili kaming malapit sa isa't isa.



"I am not. We are merely talking, now tell me. Who is this Captain Theo?" siya ang naunang kumalas sa akin na parang kung magtatagal pa kami ay maaari na siyang bumigay at may masabing hindi niya gustong aminin.



"Lina.." nahihirapang tawag niya sa pangalan ko.



"What now Ferell? I accepted you kahit ang daming tanong sa utak ko. I need an explanation for all of this. Dahil kung wala akong makukuhang sagot mula sa'yo Tristan, mas mabuting tigilan na natin ito. Our relationship can't be built with lies and secrets" giit ko sa kanya na nagpakunot ng kanyang noo.



"Lina.." hahakbang sana siya muli pabalik sa akin nang magsalita ako.



"No! don't come near me. This innocence? na pinagpipilitan mo, maling mali Tristan. It is ignorance.." hindi niya ba naiisip na pinagmumukha niya akong ignorante?



"Ignorance is not same as innocence Ferell.." naiiling na sabi ko sa kanya.



"Hindi ako ignorante para hindi magtanong at magtaka sa'yo. Mahal na kita Tristan at natatakot akong wala man lang akong kaalam alam tungkol sa pagkatao mo" nanatili lang siyang nakatitig sa akin na parang naghahanap ng isasagot sa akin.



"Kaya kitang tanggapin sa kung ano ka, dahil inihanda ko na ang sarili ko. Pero bakit parang hirap na hirap kang ipaliwanag at linawin sa akin ang pagkatao mo? Gusto mo ba na sa iba ko pa ito malaman Tristan?" bahagya nang pumipiyok ang boses ko. Nag iinit na rin ang sulok ng aking mga mata. Damn.



"Fuck! I fell in love with the most mysterious guy.." tumayo na ako sa aking inuupuan at mabilis kong pinahid ang namumuo kong luha. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Wala siyang balak magsabi sa akin ng katotohanan.

Akala ko ay hahayaan na akong umalis ni Tristan nang hagipin niya ang braso ko at marahan niyang sinapo ang mga pisngi ko. Dahan dahan niyang pinunasan ang mga luha ko.

Marahan niyang hinuli ang dalawa kong mga kamay at hinalikan niya ito nang hindi man lang inaalis ang kanyang mga mata na mariing nakatitig sa akin.



"I am Captain Theo, from the first unit division of Sous L'eau Secret Agency"



"Listen to this baby, in my world full of guns, bombs and missiles. Tristan Ferell does not exist. You are facing the captain who fell in love with you, the captain who was captured by your smile. I did break the rules Lina, I fell in love with my client. You are once my client, baby"



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro