Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Thanks @JesarenSilang :)



Chapter 22


Halos manlaki ang mga mata ko kay Tristan Ferell na kasalukuyan lang namang nakangisi sa akin habang ang sales lady na nag aassist sa kanya ay nagpipilit na hindi matawa. Hindi rin nalingat sa aking mga tenga ang mahinang hagikhikan ng dalawa pang sales lady sa hindi kalayuan dahil sa walang pakundangan sinabi ni Tristan Ferell.


Malay ko kung ano ang kasya sa kanya! Fuck.


Umirap ako sa kanya at mas pinili kong maglakad sa mga nakahanger na polo shirts. Alam kong sinasadya ito ni Tristan Ferell. Bakit nga ba naisipan ko pa na sumama sa kanya? Damn.



"Baby, we're in a hurry.." agad na sabi niya na parang kami lang ang tao sa loob ng boutique. Tang ina mo Tristan Ferell! Baka kung anong isipin nilang pinagmamadali mo.



"Just choose!" iritadong sagot ko na may kasama pang pagpadyak. Napansin ko na napapakagat labi na lamang ang mga sales lady para pigilan ang kanilang pagtawa.



"I can't decide. Which colour do you want?" may itinaas siyang dalawang nakahanger na boxer briefs na may kulay maroon at black. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. God! How long are you going to torture me like this Ferell?! Hiyang hiya na ako.



"Kahit ano na! Just choose okay?! Don't ask me" bakit ba tanong pa rin ng tanong itong si Tristan kahit ang layo na namin sa isa't isa? Bakit gustong gusto niya akong pinapahiya?



"You're funny Lina.." naiiling na sabi niya habang ibinabalik na niya ang boxers na pinakita niya sa akin. Sa halip na sumagot sa kanya at lumipat na lang ako ng ibang posisyon na hindi niya ako makikita dahil alam kong kung sasagot pa ako sa kanya ay ako lang ang mapapahiya sa lantaran niyang mga salita.

Wala sa sarili akong nagbubuklat ng mga tshirt na panlalaki habang hinihintay na makita si Tristan Ferell sa cashier para magbayad. Nag iisip na ako ng bagay na pwede kong ibawi sa pasaway na Ferell. Hindi niya ba alam ang nararamdaman kong kahihiyan?


I have never seen that thing! Paano ko malalaman ang sukat?! Gago siya!


Hindi ko na napansin na pabilis na nang pabilis ang pagbubuklat ko sa mga damit. At hindi man lang ako naalarma nang may dalawang lalaking dumikit sa magkabila ko. Napansin kong hind na normal ang pagdikit nila sa akin. Anong kailangan nila?

Akma na sana akong lalayo nang magsalita ang isa. At dito ko nakumpirma na hindi sila mapanganib.



"Ateng, ang hot ng boyfriend mo.." kinurot ako ng 'lalaki' o sabihin na lang nating bakla.



"Ang laki..ang laki laki" bulong naman sa akin ng baklang nasa kaliwa ko.



"Ang laki laki ng nakaumbok.." napaatras na lang ako sa ibinubulong ng dalawang baklang ito sa akin. Tang ina, anong malaki?

Nanatili na lang akong sa posisyon ko dahil ramdam ko namang walang masamang gagawin ang dalawang ito sa akin. Baka kay Tristan pa dahil sa lagkit ng paninitig ng mga ito sa kanya.



Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang kunwaring pamimili ko ng damit at binalewala ang dalawang baklang mukha hinuhubaran na si Tristan sa kanilang mga isipan. Pero nagulat na lang ako nang hulihin ng isang bakla ang kamay ko at iniharap niya ito sa aking mukha na parang may makikita akong kung ano sa kamay ko.



"Wait, what are you—" hindi na ako nakapagsalita pa nang nagsalita na naman ang baklang nasa kaliwa ko. Ano ba ang problema ng mga tao ngayon? Bakit ako napapalibutan ng mga weirdo ngayong araw?



"Ateng ang liit naman ng kamay mo! Hindi kasya!" mabilis kong hinila ang kamay ko sa kanila. Ano ba ang pinagsasabi ng mga baklang ito?



"What?!" iritadong tanong ko. Napansin ko na nasa cashier na si Tristan at naghahanap na ang kanyang mga mata.



"Sus! Luma na 'yan!" napapikit na lang ako nang may biglang tumamang kung ano sa mukha ko.



"Sa'yo na 'yan. Para terno kayo mamaya, kayanin mo ang laki. Ang swerte mo!" hindi na ako nakaangal sa dalawang bakla nang bigla nila akong itulak sa cashier habang hawak ko ang nakahanger na hindi ko alam kung anong item, na siyang ibinigay nila sa akin.

What the hell is this? Halos mapamura ako nang tuluyan ko nang makita ang nakahanger na ibinigay sa akin ng dalawang pakialamerang bakla. Anong gagawin ko sa maroon na lingeries na ito?!

Gusto ko man itong ibalik sa dalawang bakla ay masyado na akong huli dahil nasa harapan ko na si Tristan Ferell at nakatitig na rin sa hawak ko.



"Nice colour. I'll pay it" inagaw sa akin ni Tristan ang nakahanger na lingeries bago siya bumalik sa cashier. My god! Pwede ba na magtago na lang ako sa dressing room?



"Tristan. Let's go, hindi 'yan sa akin" pilit kong hinila si Tristan na kasalukuyan nang dumudukot ng pera sa kanyang wallet.



"Miss, can you check if it is 34 –B?" kaswal na sabi ni Tristan sa babaeng cashier na napapangisi na rin sa nangyayari. Nakakahiya.



"Tama po ang size sir" tumango lang si Tristan bago niya inabot ang pera niya.



"Keep the change" sabi niya sa cashier pagkakuha niya sa paperbag. Mabilis niya rin kinuha ang mga kamay ko.



"Do you want to eat?" tanong niya sa akin na parang hindi niya ako pinahiya ng ilang beses. Bago pa kami makalabas sa mamahaling boutique ay nakita kong sabay na kumindat sa akin ang dalawang bakla. Fuckshit kayo.



"Uuwi na ako" iritadong sabi ko pagkalabas namin. Pinainit niya talaga ang ulo ko. Bakit kailangan niya akong ipahiya ng ganoon? Hindi ako natutuwa.



"Lina.." pinakatitigan niya ako. Nanatili akong hindi sinasalubong ang kanyang mga mata para malaman niyang ayaw ko sa ginawa niya. My god! Ano na lang ang iisipin ng mga nakarinig kanina? Na ginagawa na namin ang bagay na 'yon?! I'm still young.



"Uuwi na ako. Uuna na ako sa'yo" mabilis niyang hinagip ang bewang ko na parang kami lang ang tao sa buong kalakihan ng mall na ito. My god Tristan Ferell.



"Hey, I'm sorry. Do you want Ice cream?" ngising tanong niya sa akin na nakapagpairap sa aking mga mata.



"Ano ako bata?" tanong ko sa kanya habang kinakalas ang kanyang mga braso sa akin.



"You're my baby. Hintayin mo muna ako sa bench na 'yon. I'll buy ice cream" malambing na sabi niya sa akin na parang isa akong batang madaling masusuyo dahil sa kanyang suhol. Pero ito ako ngayon at nakaupo na nga sa bench habang hinihintay si Tristan Ferell sa ice cream na sinasabi niya.



Nakailang tingin na ako sa aking wristwatch pero hindi pa rin siya dumadating. Natabunan na ba ng ice cream si Tristan?

Pero ilang sandali lang ay may nakita akong isang napakalaking human size bear na papalapit sa akin. Kahit hindi nito ipakita ang lalaking may buhat nito ay kilalang kilala ko na siya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang lumalapit na sa akin ang bear na buhat niya. Sa totoo lang isa akong babae na hindi mahilig sa mga cute na bagay pero kapag buhat na pala ng lalaking espesyal sa'yo kahit hindi mo ito gusto ay talagang gugustuhin mo.



"Hey, Mr. Teddy Bear. Look, that woman in front of you is my girlfriend, isn't she gorgeous? You will not steal her okay? We're buddies" sabi niya sa bear na parang naiintindihan siya nito. Iniupo niya sa aking tabi ang malaking teddy bear. Pagkatapos niyang ayusin ang teddy bear sa tabi ko ay umupo na rin siya sa tabi nito na siyang nasa gitna naming dalawa.



"I'm sorry for what happened a while ago. I know that was silly Lina. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaganito. I don't do this silly things before but hell yeah all I want is to see the every inch of your reactions. Your smile, your grin..your annoyed face..your laughter..your everything.." narinig ko siyang bahagyang tumawa na parang hindi makapaniwala sa mga ginagawa niya. Kahit ako ay hindi makapaniwala na ang misteryosong Ferell na kilala sa larangan ng patulog at katahimikan ay may pag uugaling ipinapakita niya ngayon sa akin. He's cute and damn intriguing.



"Ferells are crazy men. But I don't expect that I'll be crazier like this Lina.." dito na ako napatingin sa kanya. Maging siya ay nakatingin na rin sa akin habang may mga nakangiting mga mata.



"It's all because of you.."


Napatulala na naman ako sa kanyang mga mata. Parang hinila ako ng kanyang mga mata sa ibang lugar. Lugar na tahimik na malayo sa karamihan ng mga tao at lugar kung saang tanging mga mata lamang namin ang aming nakikita.

He's so handsome. Siya na ang lalaking may napakaperpektong mukha. Siya na ang lalaking may mga matang hindi kailanman pagsasawaang pagmasdan ng kahit sinumang taong may magtangkang tumitig dito. Napakaswerte ko para pagmasdan at suyuin ng magagandang pares ng mga matang nakikita ko ngayon.



"I love you Lina.."


--


Nakauwi ako sa bahay na parang lumulutang. Walang nangyaring halikan sa pagitan namin at tanging paghahawak lang sa kamay ng isa't isa ang ginawa namin ngayong araw ito, pero itong puso ko ngayon daig pa niya ang nakaramdam ng ilang daang halik mula sa labi ng lalaking may pinakamagandang mga mata.

Para akong nauupos na kandila sa likuran ng pinto ng aking kwarto habang yapos ang malaking teddy bear na ibinigay sa akin ni Tristan.

Buhay na ako sa mga titig niya. Buhay na ako sa mga salita niya. Paano na lang kaya kung muli na naman niyang ilapat ang kanyang mapupulang labi sa akin? Ano na lang ang mangyayari sa akin?



Nasa kalagitnaan ako ng aking kasiyahan nang marinig ko ang pagtunog ng aming telepono. Kahit ayaw ko itong sagutin ay pinilit ko ang sarili kong tumayo at sagutin ang telepono.



"Hidalgo's residence"



"Lina, si kuya mo ito. Hindi muna ako makakauwi.." nangunot ang noo ko nang makarinig ng umiiyak na babae sa kabilang linya.



"Is there something wrong kuya? May naririnig akong babaeng umiiyak" hindi ako nakarinig ng sagot kay kuya ng ilang segundo.



"Wag ka nang maraming tanong. Ilock mo na ang lahat ng dapat ilock, kung makakauwi ako ay tatawag na lang ulit ako"



"Alright. Ingat ka kuya" hindi na ako nakarinig ng sagot dahil pinatay na niya ito.



Dahil mag isa na nga lang ako, maaga na akong kumain at nag ayos ng sarili. Nang makakalahating oras akong manuod ng tv ay pinatay ko na ito para matulog.

Humiga na ako sa kama habang kayapos ang malaking bear na ibinigay sa akin ni Tristan. Akala ko talaga ay hahayaan niya akong makauwi na mainit ang ulo kanina.



Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang maalala ko pa ang isang regalo sa akin ni Tristan. Mabilis akong bumangon para kuhanin ang flashlight na bigay niya sa akin, inilagay ko ito sa aking side table bago ako muling humiga.

Pinatay ko na ang ilaw ng aking kwarto at hinayaan ko na lamang buhay ang lamp shade na nakapatong sa aking side table. Muli ko na sanang ipipikit ang aking mga mata nang biglang mapayid ng malakas na hangin ang kurtina ng aking kwarto.

Hindi ko ba naisarado ang glassdoor ng terrace?



Sinimulan ko na muling bumangon at nang tuluyan ko nang ibaba ang aking paa ay nagulat na lang ako nang biglang namatay ang lamp shade na siyang aking ilaw.



"What the--? Napundi ka pa ngayon?" nagmadali akong nagtungo sa switch ng ilaw at laking gulat ko nang hindi mabuhay ang ilaw.



"Walang kur—?" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maalala ko ang napag usapan namin ni Tristan.



"Tristan Ferell" seryosong sabi ko. Agad akong bumalik sa aking side table para kuhanin ang flashlight. Mabilis ko itong binuhay at itinapat ko ito sa possible niyang daanan. Pero wala na siya sa bukas na glassdoor na siyang pwede niyang daanan mula sa terrace ng kwarto ko.

Hahakbang na nasa ako nang halos mapatalon ako nang may umihip sa kanang tenga ko.



"Tristan!" itinapat ko agad ang aking flashlight sa aking likuran pero wala na siya dito. Mukhang tama nga ang babala niya sa akin, tanging ang flashlight na lang na ito ang mapapanghawakan ko sa oras na ito. Ito na ba ang sinasabi niyang pagmimina? What the hell Ferell.



"How can I find you Tristan? I'm not good at this.." sinimulan ko nang igala ang ilaw ng aking flashlight pero kahit anino niya ay hindi ko makita.



"Find me through your heart Lina. Remember that beating heart is more powerful than deceiving eyes.." halos tumaas ang mga balahibo ko sa matipunong boses ni Tristan Ferell. His voice is so manly.

Agad kong itinapat ang flashlight ko sa tapat mismo ng aking kama na siyang pinanggalingan ng boses niya pero wala na dito si Tristan Ferell.



Napatili na lang ako nang may humaplos sa kanang balikat ko na nagpalaglag lang naman sa lace ng manipis na pantulog ko. Agad ko itong ibinalik sa pagkakaayos nito. Ferell and his silly hands.



"Ferell!" itinapat ko ang flashlight ko sa tagiliran ko pero wala na naman siya. He's too fast!



"Find me quick baby. The moment you captured me through that lights, I'll devote the every part of you, my beautiful Hidalgo.."


--

VentreCanard




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro