Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2


Nang makaalis na ang kliyente ni Mommy at Daddy ay nagmadali na akong bumaba ng kwarto ko para kausapin ang mga magulang ko sa nais nilang mangyari.


"Lina! What happened to that young man?" medyo galit na tanong sa akin ni Daddy na kapapasok pa lang ng bahay


"Sinuntok ko po. I don't like him" tipid na sagot ko na may kasama pang kibit balikat. Kitang kita ko ang lalong pagkunot ng noo ni Daddy ko sa aking sagot.


"Buti at mabait ang mga Ferell, hindi mo ba alam na pwede ka makasuhan sa ginawa mo?" sabat sa amin ni Mommy na bahagyang hinawakan ang braso ni Daddy para pakalmahin ito


"Mom, Dad if you're up to something, please wag nyo na pong ituloy. Anak nyo po ako, anak ako ng dalawang pinagpipitagang abogado sa Pilipinas. Matalino po ako at alam ko na po ang magiging sitwasyon ko sa ginagawa nyo. Please, I don't want a fix marriage. Lalong lalo na kung sa mayabang na Ferell na 'yon. Pag pinagpilitan nyo ako sa kanya baka hindi lang ilong niya ang dumugo sa akin. Mom, Dad please..."

Sabay silang napabuntong hininga sa mahaba kong sinabi.


"Halika nga dito anak" hinila ako ni Mommy at mahigpit na yinakap. Nakiyakap na rin sa amin si Daddy.


"Anak talaga kita, hindi ka na namin kayang maisahan" bulong ni Dad na ikinangisi ko.


"Alam kong mapaglaro ang mga salita ng mga magulang ko. Kaya hindi ako naniwala sa sinabi mo Mom kanina..Not in a million ways. I'm a Hidalgo with a wicked mind" agad akong kinurot ni Daddy sa aking pisngi


"Oy oy, group hug ba 'yan? Pasali" agad kong naramdaman ang lagkit ng katawan ni Kuya.


"Yuck! Kuya naman..maligo ka muna. Like ewww" at nagtawanan na lang kaming apat. Oh well, I have a perfect family. Wala na akong ibang hihilingin pa.


--


Katatapos lang ng pangalawa kong klase at mabilis akong ginutom kaya nagsimula na akong pumunta sa canteen ng university. At unang hakbang ko pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Bakit parang may nanunuod sa paggalaw ko? Damn. Why I'm having this weird feeling?

Hindi ko na muna ito pinansin at nagpatuloy ako sa paghakbang para makaorder na rin ako ng pagkain. Pero nang nasa pang apat na ako sa pila, hindi ko na natiis. Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng canteen para makita kung may taong nagmamasid sa akin.


And there..

My eyes met his brown eyes.. why is he looking at me like this? Hindi niya pa rin ba nakakalimutan ang ginawa kong pagsuntok sa kanya?

It's been months. Simula nang makiusap ako sa mga magulang ko tungkol sa kinaaayawan kong fix marriage ay hindi na nila ito pinagpilitan na siya namang pinagpasalamat ko. Pero itong si Tristan Ferell ay hindi pa ata nakakalimot at sa tuwing magkukrus ang aming mga landas ay hindi maaaring hindi niya ako tutunawin ng mga titig niyang nakakapanindig balahibo.

Habang kasama niya ang mga pinsan niyang may kanya kanyang kaakbay na babae, siya naman ay abala sa pagpatay sa akin sa pamamagitan ng kanyang mga titig. Anong mayron sa kanyang mga mata? Bakit wala akong mahanap na lakas para kalasin ang titig namin sa isa't isa.


Mabilis niyang inabot ang mineral water niya at sinimulan niya itong inumin na hindi man lang kinakalas ang mga mata sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang nag init ang lalamunan ko. Kahit sa malayo ay kitang kita ko ang mabagal na pagtaas at baba ng adam's apple niya. Fuck! What's wrong with me? Bakit pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi ko


"Miss, ikaw na" bahagya akong kinulbit ng lalaking nasa likuran ko na nagtanggal ng atensyon ko sa Ferell na umiinom ng tubig.


"Uhuh..Thanks" sinabi ko sa counter ang order ko na agad ko din namang nakuha. Mabilis akong naghanap ng lamesa at sa kaswertehan ko ay sa lamesang malapit lang sa kanila ang bakante. Pinili ko na lang ang tumungo. His eyes are too hypnotic, napatitig ka lang ng sandali ang layo na ng mararating ng isipan mo. Is it really possible? Damn.


"Ituro mo sa akin ang sumuntok sayo Tristan" pakinig kong sabi sa kanya ng isa sa pinsan niya.

Bahagya kong tiningnan kung sino ang nagsalita, 'yong mestizo na may hikaw sa kanang tenga. Ang Ferell na laging nasa discipline office. Hindi ko na inabala ang sarili kong alamin ang pangalan niya. Pero isa lang ang alam ko, kilala nila ako at pinariringan nila ako.


"Ha? Nasuntok ka? Hindi pwede 'yan" sagot ulit ng isa pa niyang pinsan. Kilala ko rin ang isang ito, siya ang pinagkakaguluhang swimmer ng GyroNella. Sa katunayan ay sumusulyap sa akin ang magpipinsan maliban sa pinakasupladong Ferell na abala sa dalawang babaeng kaakbay niya.


"Bumawi ka na lang Tristan. Sa paraang Ferell.." sabi naman ng lalaking akala mo inosente. Sabay silang nagtatawanan maliban kay Tristan at sa supladong Ferell.

Napapahigpit na ang pagkakahawak ko sa bote ng mineral water. Ano naman kaya ang pinagsasabi ng mayabang na Ferell na 'yan sa mga pinsan nya?


"Stop pestering the girl, bakit hindi nyo na lang tanggapin na rejected si Tristan?" biglang singit ng pinakasupladong Ferell na nanahimik kanina. Mukhang tama nga ang hinala ko, pinariringgan ako ng mga Ferell na ito.


"What the fuck Nero!" napangiwi na lang ako sa mura ni Tristan Ferell. Muli ay nagtawanan na naman sila, maliban sa dalawang Ferell.


"Sino ba ang pinag uusapan nyo?" tanong ng isa sa babaeng kasama nila. Dito na ako marahas na napatayo sa aking inuupuan. Agad kong sinalubong ang kanyang mapupungay na mata na akala mo lagi ay inaantok.


"Tristan Ferell, mag usap tayo sa labas" sabay sabay nagsipulan ang mga pinsan niya sa sinabi ko.

Hindi ko na ito palalampasin. Kilala niya ang mga magulang ko at alam niya kung ano ang kaya kong gawin. Hindi na ako natutuwa sa pagpaparinig na ginagawa ng mga walang kwenta niyang pinsan na wala ng ginawa kundi manghimas ng iba't ibang babae sa bawat araw na nakikita ko.

Don't mess with Hidalgos..


Nagdiretso ako sa likuran ng canteen at alam kong nakasunod na siya sa akin.


"What do you wan---" mabilis akong lumingon sa likuran para salubungin siya ng suntok na agad namang sinalo ng kanyang kanang kamay na walang kahirap hirap.


"Too much for your punches..what do you want?" nanatiling pinipigil niya ang aking kamao.


"Ako pa ang may kailangan? Hindi ba at parehas nating ayaw ang fix marriage? Anong problema ng mga pinsan mo sa akin?! Anong problema ng mga mata mong 'yan sa akin?" damn. I should not have told the last part.


"What's wrong with my eyes?" inulit niya ang huli kong tanong. Napapikit na lang ako. Damn.


"Hindi lang iisang beses kong nakita ang mga matang 'yan na nakatitig sa akin. Ano pa ang kailangan mo sa akin? Parehas nating ayaw ng fix marriage na 'yon. Ayusin mo ang mga pinsan mo, dahil sa kadaldalan nila baka mapeste ako ng hindi iilang tangang babae na humahabol sa inyo" marahas kong hinila ang kamay ko sa kanya.


"Okay then, you just reminded me of someone very close to me.." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.


"What's that? The cliché one? Kamukha ako ng ex mo? Or you're just doing this to intrigue me..to fall on your trap? Na maiinlove ako at makakabawi ka na sa pagsuntok ko sayo" siya naman ngayon ang nangunot ang noo sa akin.


"What the fuck is that? You're reading too much boring novels.." tamad na sabi niya. Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya. Sa hitsura niya alam kong wala siyang kaamor amor magbasa ng libro kaya nasasabi niya 'yan.


"Just stay away from me. Ganun din ako sayo, masaya pa ako sa buhay ko" namulsa lang siya sa sinabi ko. Sinimulan ko nang maglakad pabalik at dahan dahan ko siyang nilampasan.


"Don't worry. Hindi ko rin gugustuhin mapalapit sayo..hindi ko rin gugustuhing malamang ikaw ang taong matagal ko ng hinahanap" dito ako napatigil sa paghakbang.

What is he talking about?


"Whaat?" muli akong lumingon sa kanya. Nanatili siyang nakatalikod sa akin.


"Sorry for being rude Isabella. I'll try to resist my eyes on you.." He's getting weirder and weirder. Parang may alam siya sa akin na hindi ko alam. What the fuck is this? Bakit parang kinikilabutan ako?


"Isabelle hindi Isabella" muli akong humakbang at lumapit sa kanya. Kaunting kaunti lang ang distansya namin sa isa't isa. Mariin akong nakipagtitigan sa mga mata niya punong puno ng sekreto.


"Tristan Ferell. I don't know what is your damn game..wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. Pero nang una pa lang kitang makita nang una pa lang tumama sa akin ang mga mata mong 'yan, alam kong madami kang nalalaman na hindi ko maintindihang dahilan. Who are you?" matapang na tanong ko sa kanya.

He's damn mysterious. Akala ko noong una ay nag iilusyon lang ako pero habang nakikipagtitigan ako sa mga mata niya...nag uumapaw ito sa sekreto na talagang aakit sa kahit sinong tititig sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin. At iniwas niya ang mga mata niya sa akin.


"Hindi mo gugustuhing malaman Hidalgo.." pilit na lang akong ngumiti.


"I guess, ito na ang huli nating pag uusap. Talking with you was quite weird" inilagay ko sa aking likuran ang dalawa kong kamay.


"Weird it is" matabang na sagot niya sa akin. Hindi pa ako tuluyang nakakatalikod sa kanya ay tinalikuran niya na rin ako. 

Sa pagkakataong ito, magkasalungat kaming naglakad papalayo sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit sa bawat marahang paghakbang ko ay lalong tumitindi ang paghataw ng dibdib ko. Sa bawat hakbang ko na gumagawa ng malaking distansya sa aming dalawa ay may mga tanong na naglalaro sa aking isipan.


Who is this Ferell? What is he trying to say? Parang may alam siya sa akin na hindi ko alam. God! I'm just a typical girl with a complete family. Ano ang alam niya sa akin? Ano itong mga sinasabi niyang nakapagpapakilabot sa akin?

What with his gaze? What's with his words? Pinili ko na lang ipinilig ang ulo ko at binalikan ang mga pagkain ko.


--


Simula nang usapan naming ni Tristan Ferell ay hindi na kami muling nag usap pa.


We never look at each other again. Pero nagbago ang lahat nang dumating sa GyroNella ang pinakamagandang babaeng nasilayan ko. At hindi ko akalaing ang pinakamagandang babae sa GyroNella ay pinili akong maging kaibigan.

A beautiful Florence Almero that captured thousands of heart. Maging ang tinitingalang si Nero Ferell ay hindi kinaya ang kagandahan niya.


What's the most intriguing? After Florence Almero's appearance.


Tristan, the mysterious Ferell, shattered the thick wall between us. 


And just confessed his undying love for me..



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro