Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Thanks @DhaneStrong :)


Chapter 19


Nanatili kami ni Florence nanunuod sa malatrahedyang kaganapan sa buhay ng mga Ferell. Isa lang ang masasabi ko sa lahat ng maaarte ay sila na yata ang nakita kong pinakamaaarte. Kung hindi ko lang nasasagap ang mga balita tungkol sa talamak nilang pagpapalit palit ng mga babae ay aakalain ko silang mga bakla na hindi pa lang lumalantad.

Kasalukuyan nang umiinom ng tubig si Owen at Nero habang si Tristan naman ay mura ng mura ka Troy dahil sa ginawa nitong paghead butt sa kanya. Samantalang si Troy naman ay natulala na dahil sa ginawang pag CPR sa kanya ni Tristan.



"Tang ina, pag nalunod ako Tristan. Pabayaan mo na lang ako" natatawang sabi ni Owen habang inaabot ang kamay ni Tristan na nakaupo pa rin habang hawak ang kanyang noo.

Kinulbit ako ni Florence at sinenyasan na muli na lang maupo para hindi na kami mahirapan sa panunuod sa madramang buhay ng mga Ferell.



"Basta hindi ako malulunod" kumento naman ni Nero na parang sinasadyang paringgan ang nanlulumong si Troy.



"Troy! Umayos ka dyan. Gago! ikaw na ang tinulungan, ang tigas ng ulo mo!" iritadong sabi ni Tristan na hawak pa rin ang noo. Marahas tumayo si Troy at halos mapatawa na lang kami ni Florence nang mag walk out ito na hindi man lang pinapansin ang pagtawag ng kanyang mga pinsan.



"Rock n roll! Nagwalk out ang virgin! Tang ina" tawa ng tawa si Owen bago siya bumalik sa lamesa at sinimulan na ulit kumain. Ganun din si Tristan at Nero na mabilis tumabi sa amin ni Florence.



"Patay kayo kay LG" agad na sabi ni Nero.



"Bakit nalunod ang isang 'yon? Marunong naman maglangoy. Tanga lang" muli na namang tumawa si Owen.



"Pinagtatawanan mo pa ang nalunod mong pinsan Owen? Kung ikaw kaya ang malunod?" biglang sabi ni Florence na nakapagpatahimik ka Owen.



"Sorry, my bad Wada. Hindi na po mauulit" nakita kong kumindat pa siya kay Florence nang hindi nakatingin si Nero.



"Lina, sa tingin mo ba ay papayagan ka ni Tito at Tita na dito na matulog? Mukhang gagabihin tayo sa biyahe kapag umalis pa tayo. I can talk to them" tumango na lang ako sa sinabi ni Florence. Dahil kung ako pa ang magpapaalam kay mommy at daddy ay kumontra lamang ang kapatid kong mainit ang dug okay Tristan Ferell.



"You'll sleep here?" malisyosong bulong sa akin ni Tristan na mukhang may binabalak na namang hindi maganda.



"Sa tabi ni Florence" mabilis na sagot ko sa kanya.



"Too bad for me.." napairap na lang ako sa kanya.

Matapos naming kumain ay nagdiretso kami sa sala ng resthouse dahil ipapakilala daw kami sa mga tita at tito ng mga Ferell. Agad nagmano ang mga Ferell nang makita ang kanilang nakatatandang mga kamag anak.



"Nakapang huli ba kayo ng isda? Kakaiba talaga si Papa, kung ano ano na lang ang ipinapagawa sa inyo" natatawang sabi ng tita nila.



"Nakahuli naman po AKO" madiing sabi ni Owen. Kung ganoon ay si Owen nga lang ang nanghuli sa kanilang magpipinsan. Dahil ang isa ay allergic at ang natitirang dalawa ay lumandi.



"Hindi nyo ba muna ipapakilala ang dalawang magandang babaeng ito?" sabay kaming naalarma ni Florence sa sinabi ng tito nila.

Naunang nagsalita si Tristan na mabilis akong inakbayan.



"Linnalyn Isabelle Hidalgo, my girlfriend" naramdaman kong humalik pa sa ibabaw ng aking ulo si Tristan.



"Wait, siya ba ang anak ng sikat na mga abogado?" bahagya akong ngumiti sa tita ni Tristan.



"Yes po" mahinang sagot ko.



"Napakaganda mo naman pala. Sino sa dalawang abogado ang kamukha mo hija? You're too pretty. Nagbabalak ka rin ba na mag abogado?" bahagya akong natahimik sa tanong ng tita ni Tristan. Minsan ba ay nasagi sa isip ko na mag abogado? Hindi naman ako pinipressure na mga magulang ko na sundan ang kanilang mga yapak. They're always fine with my decisions.



"Hmm, hindi ko pa po masyadong napag isipan ang bagay na 'yan" mahinang sagot ko.



"I'm sure you'll be great like them" ngumiti sa akin ang tita ni Tristan bago ito bumaling kay Nero at Florence.



"We have hammock here Lina, let's go" nagpaalam na si Tristan sa mga tao sa sala at mabilis niya akong hinila sa sinasabi niyang lugar. Lumabas kami sa resthouse at itinuro sa akin ni Tristan kung nasaan ang hammock na sinasabi niya.

Nasa bandang kanan ito ng resthouse kung saan napapalibutan ito ng mga hindi kataasang mga puno na napapalibutan ng malalamlam na mga ilaw. Nagulat na lang ako nang buhatin ako ni Tristan.



"Tristan! I can walk. Baka may makakita sa atin. Nakakahiya" ngumisi lang siya sa akin at pinagpatuloy niya ang paglalakad.



"What's wrong? You're my girlfriend. You are my property" napairap na lang ako sa sagot niya sa akin. Nakarating kami sa hammock kung saan dito niya ako inilapag, mabilis naman siyang tumabi sa akin. At bahagya akong naalarma ng maggagalaw ang hammock.



"Baka bumigay ito" nag aalalang sabi ko.



"No way" tamad na sagot niya sa akin. Kasalukuyan na siyang nakahiga ngayon habang bahagya niyang tinatapik ang kanyang dibdib para dito ako humilig at humiga.



"Tristan, hindi ka pa ba nilalamig? Kanina ka pang walang damit simula umaga, inabot ka na nang gabi. Baka mamaya sinisipon ka na" ngumuso lang siya sa akin at walang kahirap hirap niya akong hinila sa kanyang katawan.



"As long as your body is near with me. Cold is damn nothing" napangisi na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong sunod kong magiging kilos lalo na at kasalukuyan akong nakaunan sa dibdib ni Tristan Ferell habang tahimik na dinadama ang banayad niyang paghinga.

Naramdaman kong marahan niyang hinahaplos ang aking mahabang buhok.



"Sorry for today.." hindi ako sumagot sa kanya.



"Natakot ka ba sa akin Lina? Nang makita mo ang ginawa ko? Natakot ka ba sa akin?" bahagya akong napabangon sa tanong niya sa akin. Si Tristan Ferell na yata ang kahuli hulihang taong katatakutan ko. Yes, ilang beses na niya akong pinagbantaan sa iba't ibang paraan. Pagbabanta para angkinin ako. And I don't find it scary or what. Ano itong itinatanong niya sa akin?



"No, just answer. Don't look at me" muli niya akong ibinaon sa kanyang mga dibdib.



"Bakit ako matatakot sa lalaking tumulong sa akin? You saved me from those bad guys. At kung muli kong makikitang gagamitin mo ang sarili mong kamao, kahit kailan hinding hindi kita katatakutan. Dahil ang mga kamaong ito, pag aari ito ng lalaking mahal ko.." tuluyan nang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at dito na ako bahagyang bumangon para hawakan ang kanyang mga kamay.

Kahit siya ay bumangon na rin at may namamanghang mga mata sa sinabi ko. Magpapakatotoo na ako, kailan ko pa sasabihin ang totoong nasa loob ko? Kapag nasa harap na naman kami ni Tristan sa sitwasyong katulad nang nangyari kanina?



"Ang mga kamay na ito ang unang humawak sa akin. Ang mga kamay na ito ang unang nagpatibok ng puso ko Ferell.." dahan dahan kong hinalikan ang mga kamao niya.



"Hinding hindi kita katatakutan Tristan.." akala ko ay sasagutin niya pa ako nang mahigpit niya akong niyakap.



"God! Ulitin mo Lina..ulitin mo ang sinasabi mo. I'm not hallucinating right? Akala ko matatagalan pa bago ko marinig ang mga salitang 'yan sa'yo. God! I'm so in love with this girl.." napangisi na lang ako sa sinabi ni Tristan habang naririnig ko ang pagtibok ng kanyang puso.



"I can hear your heartbeat Tristan.." mahinang bulong ko habang panay ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.



"It's beating for you Lina.." bolero.

Naramdaman kong nagsisimula nang bumama ang isa niyang kamay sa aking balikat. Habang ang isa naman ay marahanag itinataas ang aking baba para mas lalong magtama ang aming mga mata.



"You're beautiful.." ito na naman at parang nahihipnotismo na ako sa kanyang mga mata. Ang magagandang mga mata ni Tristan Matteo Ferell. Dahan dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata nang sinimulan niya nang ibaba ang kanyang mga labi sa akin.

Awtomatikong gumalaw ang aking mga kamay para ikawit sa kanyang batok. At nang sandaling maglapat ang aming mga labi ay mas lalo niya akong hinapit at pilit na isiniksik sa kanyang matitipunong katawan.

I can't help but to dig my nails on his back when he slightly bite my lower lips. Damn Tristan Ferell..



"Lina, open your mouth.." bulong niya sa akin. May mali ba sa paghalik ko? O hindi ko lang talaga siya masabayan.



"Trist—" nang nagtaka akong magsalita ay dito niya muling inangkin ang aking mga labi. At sa pagkakataong ito ay mas marahas at mapusok ang bawat paggalaw ng kanyang mga labi na parang inaangkin ang kabuuan ng aking mga labi na kasalukuyan niyang inaalipin.

Kahit kailan ay hindi pumalya ang mga labi ni Tristan para ipadama sa mga labi ko na pagmamay ari niya ito. He has this possessive way of kissing.

Kapwa namin habol ang hininga nang bitawan niya ang aking mga labi. Kasalukuyang magkadikit ang aming mga noo.



"Your lips Lina, we should always be like this Lina. Your lips is too heaven.." muli na naman niyang inangkin ang mga labi ko. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong kumuha ng sapat na hangin. His kisses are too wild and damn erotic, hindi ko na alam kung saan kami maaaring abutin nito.

Naramdaman kong dahan dahan niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa batok niya habang sinisimulan na niya akong muling ihiga sa hammock. Agad niyang dinala ang isa nito sa likuran niya at ang kanang kamay ko sa kanyang mga abs na pinagpapantasyahan lang naman ng kalahating popuslayon ng kakababaihan sa buong Gyro Nella.



"Touch me Lina.." bulong niya sa akin. Bumaba ang mga halik niya sa aking leeg at halos ilang beses ko nang kinalmot ang kanyang likuran nang maramdaman ko ang ginagawa niya.

He's damn licking and sucking my neck.



"Tristan... don't leave marks please..." nangangatal na ang boses ko habang patuloy lang siya sa ginagawa niya.

Pero napahugot na lang ako nang paghinga nang mas bumaba pa ang mga halik niya. Yes, may mga damit pa din ako pero ramdam na ramdam ko ang init ng mga halik niya na parang wala man lang akong saplot sa katawan.

Nagsimula na siyang bumaba sa aking mga dibdib.



"Tristan..." napahawak na lang ako sa kanyang buhok. I am not prepared with this. Napadiin na lang ako sa aking pagkakapikit habang hinihintay ang anumang pwdeng gawin ni Tristan.

Pero tumagal siguro ng ilang segundo ay muli akong napamulat. Napabuga na lang ako nang hangin nang maramdamang walang ginawa si Tristan pero nakatigil lang siya sa posisyon niya.

Bahagya niyang idinikit ang kanyang tenga sa aking mga dibdib. At hindi ko alam kung bakit walang kahit anong katiting sa aking katawan ang gustong magprotesta.



"I can hear your heartbeat too.." ako naman ngayon ang bahagyang humahaplos sa magulong buhok ni Tristan Ferell. Kung sa ibang pagkakataon ay baka naitulak ko na siya sa posisyon namin na ito.

He's just resting his head on breast. Hindi ko na alam kung ginagawa niya lang palusot ang pagtibok ng puso ko o baka sinusukat na naman niya ang cup size ko. Typical Ferell.



"I love you Linnalyn Isabelle.." bulong niya habang nilalaro niya ang strap ng bra ko. Napairap na lang ako. Talagang multi tasking ang bawat parte ng katawan ni Tristan Ferell.

Hinayaan ko munang magtagal ng ilang minuto ang aming posisyon pero napansin kong mukhang wala nang balak umalis si Tristan dahil nakapikit na ito kung hahayaan ko pa ito ay baka tuluyan na itong makatulog.



"Hanggang kailan ka magbibilang ng heartbeat ko Tristan? Nakakahalata na ako. I can only give kiss, we can't go any further. I am not ready yet" bumuntong hininga siya sa sinabi ko bago siya bumangon. Inalis na rin niya ang kanyang kamay sa strap ng bra ko.



"34 B. Not bad baby" dito na rin ako napabangon. Kung ganoon ay sinusukat nga ng magaling na Ferell ang cup size ko. May nalalaman pa siyang 'I can hear your heartbeat' Damn.



"Bumalik na tayo Tristan, nasukat muna ang dapat masukat" nagsimula na akong bumaba sa hammock pero agad akong hinila pabalik ni Tristan Ferell at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa kandungan niya.



"I think this is getting unfair Lina. Alam ko na ang measurement mo, but what about me? Sukatan mo naman ako Lina baby" malambing na bulong niya sa akin na agad na nakapagpatindig ng mga balahibo ko sa katawan.

Pilit akong tumayo at agad gumawa ng distansya sa kanya. Nanliliit ang mga mata ko habang nakangisi siya sa akin.



"Ano naman ang susukatin ko sa'yo?!" iritadong tanong ko.



"Don't play innocent baby, you will measure it everyday in the near future" dito na tuluyang naging kamatis ang mukha ko.



"Magsukat ka mag isa mo" nagmadali na akong tumakbo papalayo sa manyakis na Tristan Ferell.



"But Lina, your hands can only measure it" kahit malayo na ako alam kong abot tenga ang ngisi ng magaling na Ferell.



"Oh fuck off Ferell! Don't talk to me.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro