Chapter 18
Thanks @agie006 :)
Chapter 18
Natigilan si Tristan sa tanong ko. May paliwanag ang mga ikinikilos niya, ang mga pamamaraan niya, kung bakit parang sanay na sanay siya sa bawat galaw niya, kung bakit mukhang hindi siya kinakabahan sa kabila nang kaalamang may mga baril ang mga taong ito. At higit sa lahat, bakit kilala siya ng babaeng kasama sa malaking gulong ito?
"What are you talking about? Are you hurt? Where?" hindi pinansin ni Tristan ang mariing paninitig ko sa kanya habang pilit niya akong kinakapa para malaman kong may masakit sa aking katawan.
"Is he still alive?" narinig ko ang mahinang pagmumura ni Tristan sa tanong ko. Tamad siyang tumayo at namulsang lumapit sa nakahandusay na lalaking hindi ko alam kung humihinga pa.
"Tristan.." tawag ko sa pangalan niya. At halos napapikit na lang ako nang sipain niya ang katawan ng lalaki na agad namulupot sa sakit.
"God! Tristan!" napasigaw na lang ako sa kanyang ginawa.
"He's still alive" matabang na sagot niya sa akin.
"Anong gagawin natin sa kanya? What about that girl?" bahagya kong sinilip ang babaeng kaninang may hawak ng hawla ng ahas.
"We'll report this to the authority" simpleng sagot sa akin ni Tristan na parang nakakita lang kami ng mga nagsashoplift sa isang tindahan. Sa halip na ipagdiinan ko ang mga tanong sa isip ko ay sinimulan ko na rin tumayo.
Napansin ko na nakasakay na sa isang bangka ang babae habang nasa dulo ng bangka ito ang isa pang katawan ng lalaking wala na rin malay. What about the dead body? Nasaan ang dapat itatapon nila?
"Anong ginagawa mo dito Cap—" hindi na natuloy nang babae ang kanyang sasabihin. Dahil kasalukuyan lang namang nakaharap sa kanya si Tristan. At alam ko sa sarili kong may pag uusap na sa pagitan ng kanilang mga mata.
"Pwede na kayong sumabay sa bangkang ito, dadating na ang mga kasamahan ko" biglang nagbago ang tono ng babae. Hindi ako tanga, alam kong magkakilala sila ni Tristan.
Basta na lang binuhat ni Tristan ang katawan ng lalaki na parang isang lantang gulay at walang pakundangan niya itong inilagay sa bangka. Agad niya akong binalikan at inilahad niya ang kanyang mga kamay sa akin.
"Sorry for this Lina, this was not part of my plan" sa halip na magsalita ay tumango na lang ako sa sinabi niya. Inalalayan na niya akong makasakay sa bangka na siya sigurong ginamit ng mga lalaking walang malay ngayon kanina. Nanatiling nakahawak sa akin ang mga kamay ni Tristan habang papalabas na kami sa kweba.
Ibang iba ang ikinikilos ko kumpara sa isang normal na babae. Dahil kung isa ako sa mga tipikal na babae ay kanina pa akong nagsisigaw at nag iiyak sa kaalamang may kasama kaming katawan ng mga taong maaaring miyembro ng isang malaking sindikato. Sa halip na gumawa na mga kilos na siyang akma sa kagaganap lang na pangyayari ay mas pinili ko na lang manahimik.
At nang tuluyan na kami makalabas ay agad sumalubong sa aking mga mata ang apat na mga nakaitim na lalaki at dalawang babae na mukhang nagulat nang makita si Tristan. Damn. Who are they?
"Are they the authorities Tristan? Bakit wala pang dumadating na mga pulis? Hindi ba nila narinig ang putok ng mga baril?" humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Tristan at hindi siya sumagot sa akin. Hanggang sa makaahon kami ay wala kahit isa ang nagsasalita.
"Kayo na ang bahala sa kanila" seryosong sabi ni Tristan sa mga taong nakaitim. Kung ganoon tama nga ang hinala ko, hindi lang ang babaeng ito ang may kilala sa kanya. Maging ang mga lalaki at babaeng ito na siyang unang sumalubong sa amin ay nakikilala si Tristan Ferell. What the hell is happening? Hindi ko na maintindihan.
"Cap—kamukhang kamukha siy—" hindi na naituloy ng isang lalaki na titig na titig sa akin ang kanyang sasabihin nang marahas takpan ng dalawang babae ang kanyang bibig.
"We need to go Lina" gusto ko man magpapalag sa kanya at magtanong sa mga taong ito ay hindi ko na nagawa dahil sa higpit nang pagkakahawak sa akin ni Tristan para mapalayo sa lugar na ito.
Habang hinihila niya ako ay nanatili akong nakatitig sa kanyang likuran. Anong meron sa'yo Tristan Ferell? You're too mysterious. Sinong sinasabi ng lalaki kanina? Ako ba ang sinasabi niyang may kamukha? Sino pa ba? Ako lang naman ang kasama ni Tristan Ferell.
"Tristan, hindi mo sinagot ang tanong ko. Tell me are you involved in some syndicate? Mafias? Or damn gangs?" tumigil siya sa paglalakad at tamad siyang humarap sa akin.
"Papatayin ako ni LG kapag isa ako sa mga 'yan Lina" kung hindi siya isa sa nabanggit anong grupo itong kinabibilangan niya? Hindi niya pwedeng ipagkaila sa akin na hindi siya kilala ng mga taong 'yon.
"Then, what are you Tristan? Wag na tayong maglokohan. Alam kong kilala ka ng mga taong nasa labas ng kweba. They even called you 'Cap' anong grupo itong kinabibilangan mo? Cap means Captain right? Seems like you're the leader" sa halip na sagutin niya ako ay mahigpit siyang yumakap sa akin.
"Can you please stop asking Lina? Kalimutan na natin ang lahat nang nangyari sa loob ng kweba. Let's just forget this fuckshit happening. Let's just love each other and forget everything. You're already mine, kalimutan mo na sila" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at masuyo niyang hinalikan ang aking mga kamay habang hindi niya inaalis ang mga titig sa aking mga mata.
Paano nasasabi ni Tristan ang mga salitang ito? Hindi biro ang naranasan namin sa kamay ng mga armadong lalaking 'yon. It was between life and death. Bakit sa halip na mga pulis ang agad na nakapunta dito ay ang mga lalaking 'yon ang nandito?
"Forget everything Tristan? That's too impossible! Muntik na tayong mapatay! Hindi lang 'yon, may pinatay ang mga lalaking 'yon. Anong gagawin ng mga lalaking nakaitim na 'yon? Hindi sila mga alagad ng batas. And god! You almost killed someone there! Kung hindi kita napigilan ay baka napatay mo na ang lalaking 'yon" habol ko ang aking hininga sa bilis ng aking pagsasalita. Nanatili lang nakatitig sa akin si Tristan sa kanyang blangkong ekspresyon.
"Because he almost killed you. Mababaliw ako kapag tinamaan ka ng kahit isang bala" napahawak na lang siya sa magkabilang balikat ko.
"Then tell me Tristan, who are you? Sino ang lalaking kaharap ko? Kaya kong kalimutan ang kaharasang nasaksihan ko ngayon na parang walang nangyari basta sabihin mo sa akin ang gusto kong malaman" tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking mga balikat.
Nakita kong marahan siyang bumuntong hininga at bahagya siyang ngumiti sa akin.
"Tatanggapin mo ba ako Lina?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit hindi ko siya tatanggapin?
"I will, no matter what" mabilis na sagot ko.
"Then, give me time Lina. I will tell it promise, just give me enough time" bakit kailangan niya pa itong patagalin? Bakit hindi na lang ngayon? Anong pinagkaiba nito kapag sinasabi niya ito ng mas maaga?
"Time? Talaga ba na hindi mo ito kayang sagutin ngayon?" hindi ako sinagot ni Tristan sa halip ay hinaplos lang niya ang aking itim na itim na buhok.
"Just give me time, please?" gusto ko siyang murahin dahil ginamit na naman niya ang kanyang makapangyarihang mga mata.
"Fine" sa pagkakasabi kong 'yon ay napasin ko na nagsisimula nang maggalawan ang matataas na halaman na parang may mga paparating na mga tao.
"I think the cops are here" hinawakan na ni Tristan ang aking kamay at sinimulan na niya akong hilahin papalabas ng kagubatan.
"What about Florence and your cousin?" nag aalalang tanong ko.
"Alam nang mga pinsan ko na matatagalan tayo, siguradong nasa rest house na sila" sagot sa akin ni Tristan.
At nang makarating na nga kami sa resthouse ay agad sumalubong ng yakap sa akin si Florence na halata sa kanyang mukha ang pag aalala.
"What happened to you? Anong ginawa mo sa kanya Tristan? Hindi nyo ba alam ang nangyari?" galit na ang boses ni Florence.
"Are you okay Tristan? Wala ba kayong narinig na putok ng baril? May natagpuang patay hindi malayo sa ilog na tinigilan natin" seryosong sabi ni Nero.
"Nagkalat na ang mga pulis, mabuti at walang nadamay sa atin. Muntik na kaming sumunod sa inyo, saan ba kayo nagpunta? Nag alala si Uncle" agad na sabi ni Owen. Napansin kong kapwa nasa mga bulsa ni Tristan ang kanyang mga kamay. Alam kong itinatago niya sa mga pinsan niya ang kanyang kamao na halos dumugo dahil sa mararahas niyang pagsuntok sa kaninang lalaki.
"We're fine. And actually, we're official. Sinagot ko na ang pinsan nyo" ayoko man sabihin ng lantaran sa kanila na kami na ni Tristan. Ito na lang ang nalalaman kong paraan para hindi na kami tanungin pa tungkol sa mga pagputok ng mga baril na kanina lang naming kinaharap.
"What the hell? Bakit mo sinabi?" problemadong sabi ni Tristan. Napansin ko lang naman na sabay sabay ngumisi ang kanyang mga pinsan.
"Alright! Mga pinsan, alam na ang ginawa ng isang 'yan kanina. Ayos lang na kalimutan nyo ang mamanahin. Yayaman ako lalo" natatawang sabi ni Troy. What?
Nagsimula lang namang maglapitan ang tatlo niyang mga pinsan sa kanya. Kapwa siya sinuntok ni Nero at Owen sa kanyang mga braso habang si Troy naman ay bumangga sa dibdib ni Tristan na hindi niya naman inaasahan kaya muntik na itong matumba.
"What the fuck?! Tigilan nyo akong tatlo" iritadong sabi ni Tristan.
"Let's go inside Lina, they'll definitely cuddle each other" kapwa kami napairap ni Florence.
"Ferells, magcelebrate muna kayo. Mauuna na kami ni Lina sa roofdeck" paalam ni Florence sa apat na magpipinsan na kasalukuyan nang nagmumurahan.
Sinundan ko na lang si Florence hanggang sa makarating kami sa roofdeck. Agad akong napahanga nang makitang may pool dito.
"Maitanong ko Florence, where's Aldus? Alam mo ba kung bakit wala siya?" napansin ko na bahagyang natigilan si Florence sa aking tanong.
"I don't know..I'm sorry" hindi siya makatingin sa aking mga mata. Napangiti na lang ako ng mapait, nagsisinungaling na naman sa akin ang kaibigan ko.
"Let's cook for them" masiglang sabi niya habang nag seset up na siya ng mga lulutuin na nakahanda na sa lamesa. May mga paglulutuan na rin, mga ihawan at kung ano ano pa na maaari niyang magamit sa paghahanda ng pagkain.
"I'm sorry, I can't cook. Sabihin mo na lang ang maitutulong ko" sinimulan ni Florence na maggayat ng mga kamatis, sibuyas habang ako ay tahimik na nanunuod sa kanya.
"Paano ka natutong magluto Florence?" tanong ko sa kanya.
"Tinuruan ako ng lola ko" maiksing sagot niya sa akin habang nag eenjoy siya sa pagluluto. May inilagay siyang kung ano sa loob ng malalaking tilapia bago siya naglagay nang kung anong sauce sa buong katawan nito at ibinalot sa foil.
"Mag iihaw tayo ng isda" natutuwasang sabi niya.
"Papaano si Troy?"
"Ipag iihaw ko na lang siya ng hotdog. Pwede rin naman 'yong adobong isinalang ko na" tumango na lang ako sa sinabi ni Florence.
Hindi rin nagtagal ay naririnig na namin ang boses ng mga Ferell na nagtatawanan.
"Yohooo! Nagluluto na si Wada" nagmadaling lumapit sa amin si Owen para tingnan ang mga nakasalang na iniluluto ni Florence.
"What about my favorite?" narinig kong sabi ni Tristan nang makalapit na rin siya sa amin. Napansin ko na bahagyang nagulat si Florence at napasulyap sa akin. Nagkunwari na lang akong wala akong narinig habang nagpapaypay ng inihaw na isda.
"Mamaya na 'yan, may kailangan tayong itapon" natatawang sabi ni Troy. Napailing na lang kami ni Florence nang pagtulong tulungan ni Nero, Owen at Troy si Tristan na buhatin.
"What the fuck?! Mga gago kayo! Bitawan nyo ako" walang nagawa ang pagpupumiglas niya dahil mabilis siyang inihagis ng mga pinsan niya sa pool.
"Rock n roll! Kami na lang ni Aldus at Owen ang virgin sa ating magpipinsan" nakapamaywang na sabi ni Troy. Agad tumaas ang dirty finger ni Tristan at hindi rin naman sumang ayon si Nero dahil bigla nitong itinulak si Troy sa pool.
"Virgin? What the hell?" narinig kong sabi ni Florence. Kahit ako ay hindi maniniwala. Mukhang naglolokohan lang ang magpipinsan.
Pinili namin na manuod na lang sa kalokohan ng magpipinsan sa pool. Alam ko rin naman na hindi marunong maglanggoy si Florence kaya sinamahan ko na lang siya. Unang umahon si Owen at Nero.
"Kumuha ka ng isda" pakinig namin ni Florence ang bulungan ng magpinsan.
"That's a bullshit Owen, papatayin mo ba ang tagapagmana ni LG?" sagot sa kanya ni Nero na nagsisimula nang uminom ng tubig.
"Tigilan nyo si Troy, umayos na ang pakiramdam niya ngayon. Baka bigla na naman 'yang bumalik sa dati" sita sa kanila ni Florence. Nangunot ang noo ni Nero sa sinabi ni Florence, mukhang nagselos ang loko.
"That's a very good bullshit Owen" sabi ni Nero na dumapot ng isang foil ng isda.
Napansin ko na napabuntong hininga na lang si Florence habang nakikitang papalapit na si Nero at Owen habang may nakatagong isda sa kanilang likuran.
"Nagselos Florence" matabang na sabi ko.
"Shokoy talaga" naiiling na sabi ni Florence.
Pinanuod namin kung anong gagawin ni Nero at Owen. At tumagal siguro ng ilang minuto ay wala ang mga itong ibinato kay Troy. Sa huli ay bumalik na lang sa amin ang dalawang Ferell na kapwa hawak pa rin ang mga isdang nasa kamay nila.
"Seems like you really love Troy" pang aasar ko sa dalawa. Kapwa umasim ang kanilang mga mukha na parang masusuka.
"Naawa lang ako" ismid na sagot ni Nero.
"Ayoko, magagalit nga si LG. Paborito pa naman 'yon" pangangatwiran naman ni Owen.
Umahon na rin si Tristan na agad yumapos sa akin sa kanyang basang katawan. Damn. Paano natatagalan ni Florence ang limang Ferell na ito sa ilalim ng isang bubong? May pagkakataon kayang sabay sabay silang topless sa kanyang harapan? How can she handle it? Kung itong katawan pa lamang ni Tristan Ferell ay hindi ko na kayang tagalan.
"I'm hungry..." bulong niya sa akin. Mabilis kong kinuha ang iniihaw kong hotdog at isinubo ko ito sa kanya.
"Eat" agad ko siyang hinampas nang maramdaman kong kinagat niya ang tenga ko. Damn. Ferell.
Nagsimula na kaming kumain maliban kay Troy na tahimik na naglalangoy mag isa sa pool.
"Bakit ayaw pa niyang sumabay?" tanong ko.
"May isda, mamaya na 'yon kakain" maiksing sagot ni Owen.
Dahil magaling sa pagkain ang mga Ferell, hindi na sila muli nagsalita pa habang sarap na sarap sila sa mga niluto ni Florence. Pero habang kumakain ako ay may narinig akong ingay. At nang silipin ko si ang pool ay napatayo na lang ako.
"Nalulunod si Troy!" sigaw ko. Sabay sabay umiling ang mga Ferell.
"Hindi 'yan malulunod" tamad na sabi ni Owen.
"Nagloloko lang 'yan" sabi naman ni Nero.
"Kumain ka na lang Lina" muli akong hinila ni Tristan sa aking pagkakaupo. Pero muli kong pinagmasdan si Troy. He's really drowning!
"Damn! Nalulunod nga si Troy!" napatayo na rin si Florence. Sabay sabay nagkamot ng ulo ang mga Ferell at tamad na nilingon ang kanilang pinsan.
"What the—" nagtayuan bigla ang tatlong magpipinsan at halos sunod sunod tumakbo at tumalon sa pool.
Tumakbo na rin kami ni Florence habang inaahon na ng magpipinsan si Troy na wala nang malay.
"Hey! Hey! Troy, ikaw na ang pinakagwapo! Wake up! Gago ka! Virgin ka na!" pilit siyang ginigising ni Owen.
"Kailangan niya ng CPR" nagpapanic na sabi ni Florence.
"You can't" napansin ko na agad siyang yinapos ni Nero.
"Nero! Kailangan ng CPR ni Troy!" ulit ni Florence.
"No!" madiing sabi ni Nero.
"I will" madiing sabi ko.
"What the fuck?! Magpapalunod na din ako" matigas na sabi ni Tristan.
"You do it Owen" biglang sabi ni Nero.
"What the hell?!" malutong na mura ni Owen. Halos sabay humigpit ang yakap ni Tristan at Nero sa amin ni Florence.
"No, no. Don't do this to me.." halos makailang iling si Owen sa kanyang mga pinsan. Habang napahawak na lang siya sa binti ni Nero at Tristan. Bakit parang ang drama nilang magpipinsan? Hindi ba nila alam na mahalaga ang bawat segundo ngayon?!
"Not my Lina" seryosong sabi ni Tristan habang yakap pa din ako.
"Not Florence..." sabi din ni Nero.
"Tang ina! Mamamatay na si Troy!" napasabunot na lang si Owen sa kanyang sarili.
"Damn. Let me!" binitawan ako ni Tristan at mabilis siyang lumuhod sa tabi ni Troy. Hindi na ako nagtataka sa ginagawang ito ni Tristan, he's very fond of Troy. Kung ang matandang Ferell ay paborito si Troy, ganun din si Tristan.
Hindi na nag inarte pa si Tristan, mabilis niyang binigyan ng sunod na sunod na CPR si Troy. Kitang kita ko ang pamumutla ni Owen at Nero na literal na nagtakbuhan sa isang lababo para magsuka.
"Come on, wake up" pilit dinidiinan ni Tristan ang dibdib ni Troy para magsiging ito. Muli niya sanang bibigyan si Troy ng CPR nang nagsimula na itong mag uubo at magkamalay.
"Tang ina, anong nangyari Troy?!" iritadong sabi ni Tristan. Hindi sumagot sa kanya si Troy at mabilis niyang binigyan ng head-butt si Tristan. Halos gumapang si Troy sa tabi ng pool para magsuka.
"What the fuck?! What is your goddamn problem Troy?!" galit na sabi ni Tristan habang hawak ang kanyang noo.
"Gago ka Tristan! Gago! Bakit ikaw ang nag CPR?! Tang ina mo! Dapat hinayaan mo na lang ako mamamatay. Yuck! Ewww. Tang ina mo! Gago" madramang sabi ni Troy habang patuloy ang pagsusuka sa pool.
Kapwa na lang kaming napahampas ni Florence sa aming mga noo habang nanunuod sa eksena ng mga Ferell. Tatlong Ferell na maarteng nagsusuka habang ay isa naman ay himas ang namumulang noo.
"Bakit ang aarte nila?" ngiwing tanong ko kay Florence.
"Simple explanation. They are just handsome sea species"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro