Chapter 14
Chapter 14
Nagsisimula nang magdatingan ang mga estudyante na may kani kanilang mga dalang props at custome na gagamitin sa performance. Dahil ang aming section ang unang sasalang kanina pa kaming tapos mag ayos kaya nakaupo na lang kami ni Florence dito sa likuran para makapanood.
Halos magbulungan ang mga kababaihan nang pumasok na ang mga Ferell sa auditorium sa napakayabang na paraan. Agad kumaway sa akin si Tristan nang makita niya ako sa dagat nang mga tao habang ang kanyang mga pinsan ay nanatiling mga seryoso at mukhang mga kinakabahan.
Narinig kong nagpipigil na nang tawa si Florence.
"Shit. They're all nervous" hindi na napigilan ni Florence ang mapatawa.
"Hindi ko nga akalain na kinakabahan din pala sila. They love attentions, bakit kailangang kabahan?" naiiling na sabi ko.
Nagsimula nang magperform ang section namin. Dahil nauuso ang Romeo and Juliet, ito ang napili ng buong klase. At habang nanunuod kami, hindi ko kayang hindi humanga sa mga kaklase namin sa galing sa pag arte.
Napansin ko na nagpapahid nan g luha si Florence sa gilid nang kanyang mga mata.
"I hate death. I really hate it" inabot ko sa kanya ang panyo ko.
"Lahat naman ng tao ayaw kay kamatayan Florence. Pero kailangan nating tanggapin na lahat tayo dadating dyan" malumanay na sagot ko.
"Yes, alam kong dadating tayo diyan. Sabihin mo na akong makasarili, pero sa sandaling muli kong makaharap ang salitang 'yan. Mas pipiliin kong mauna sa kanya.." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Florence.
"I don't like it Florence" tipid lang siyang ngumiti sa akin.
Nawala kami sa aming pag uusap nang mabingi kami sa lakas ng palakpakan. Tapos na ang section namin at halos lahat ng manunuod ay nakatayo sa paghanga.
"Kahit kailan hindi ko nagustuhan ang Romeo and Juliet" matabang na sabi ko.
"Okay lang naman" maiksing sagot niya sa akin.
"Who's next?" tanong ko kay Florence.
"Ang alam ko pangalawa sa bunutan ang victory" kung ganun ang mga Ferell na ang sasalang. At halos mapangisi na kaming sabay ni Florence habang hinihintay ang pagbubukas ng kurtina ng stage. Siguro ay nagseset up pa sila, pagbigyan baka sobrang ganda ng performance nila.
At nang sandaling mabuksan ang ilaw, unang nakita sa stage si Nero na kunot na kunot ang noo habang may dalawang sangang hawak na punong puno ng mga dahon. Malakas tumawa si Florence sa nakikita sa boyfriend niya na hindi na maipinta ang mukha.
Pero hindi pa rin mawala ang pagtili nang mga kababaihan kay Nero kahit mukhang tanga na ito sa mga hawak niya.
"Ang gwapo naman po ng puno!" sigaw ng isang babae mula sa unahan. Lalo lang lumakas ang pagtawa ni Florence.
"I'm so proud of you Nero!" malakas na sigaw ni Florence na utas pa rin sa katatawa. Lalo lamang nangunot ang noo ni Nero sa malakas na sigaw ng kaibigan ko.
Sunod na nagpakita ang prinsesa na nakakulay pink na gown at wig na kulay dilaw habang hirap na hirap maglakad. What the hell? Sino ang custome manager ng section nila? Nagmukhang clown ang prinsesa.
Lalong lumakas ang tawanan ng mga manunuod sa hitsura ni Troy na pilit pinagkaysa ang saya ng babae.
"Naliligaw ako" madramang sabi ni Troy na hindi man lang naging tunog babae. Muntik pang malaglag ang kanyang wig kung hindi niya agad nahawakan. Lalong nagkagulo sa buong auditorium sa pag arte ni Troy.
"What the hell is this?! Nagkakalat lang sila sa unahan" tawa pa rin ng tawa si Florence. Samantalang ako ay hindi na makatawa sa nangyayari, papaano na lang kaya kung lumabas pa si Tristan?
"I am crying.." naupo si Troy sa tabi ng puno at panay ang hampas niya dito para mas mabigyan pansin na umiiyak siya.
"I am crying.." muli na naman lumakas ang tawanan nang bahagyang sipain ni Nero ang prinsesa dahil napapalakas na siguro ang paghampas nito sa kanya. Bakit sinasabi niya pa ang ginagawa niya? 'I am crying' what the fvck?! Sinong script writer nila?
Biglang dumating si Owen at Aldus na may tapal sa kanilang mga mata. May hook pa sa kamay si Aldus na parang pirata. Sa pagkakaalam ko ay sa gubat nangyayari ang tagpo. Bakit nagkapirata na sa gubat? Hindi ba at sa dagat 'yon?
"Mga kalaban kami!" humalakhak si Owen nang napakalakas. Hindi ba at obvious naman na kalaban sila? Wala ba talaga silang script? Impromptu ba ang ginagawa ng mga Ferell?
"Papatayin ka namin!" itinutok ni Aldus ang baril barilan niya kay Troy na nagpipigil na rin nang tawa sa pag arte ng mga pinsan niya na 'papatay' sa kanya sa eksena. Hindi man lang mukhang natatakot ang prinsesa na tinututukan nan g baril.
Napapahimas na lang ako sa aking noo habang hindi na magkarinigan ang mga tao sa lakas ng mga tawanan at sigawan. Nagwawalang hiya lang naman ang mga Ferell sa stage.
"Nakakahiya na silang magpipinsan. Comedy na ang nangyari, hinid ba at historical ang theme ng play?" hindi na rin makatigil sa pagtawa si Florence sa ginagawa ng mga Ferell.
"Wag po, ayoko pang mamatay" humakbang paatras si Troy na parang natatakot sa mga 'kalaban' niya. Habang ang puno sa kabilang tabi ay nagkakamot na ng ulo na parang tamad na tamad nang tumayo sa stage.
Bahagyang natahimik ang buong stage dahil walang nagsasalita sa magpipinsan pero bigla na namang lumakas ang sigawan nang obvious na tiningnan ni Owen ang kanyang palad. Damn, hindi saulado ang kanyang linya. Seriously? May linya pa silang sinusunod?
"Tumahimik ka!" sigaw ni Owen pagkatapos mabasa ang sasabihin.
Nagkaroon ng kakaibang background music. Siguro akong dadating na ang prinsipe. Ang kabadong si Tristan Ferell.
"Tigilan nyo siya" hindi ko mapigilang hindi mapangiwi nang marinig ang nangangatal na boses ni Tristan. Nakaharang na siya sa harapan ng prinsesa para protektahan ito.
Itinutok ni Tristan ang kanyang mahabang espada sa mga pinsan niya na kapwa namumula na sa pagpipigil ng tawa. Si Nero ay napapalingon na rin sa likuran niya para mapanuod ang ginagawa ng mga pinsan niya.
Hindi man lang ba sila nag rehearse man lang? Hindi ba nila alam ang ginagawa nila? Para silang walang mga manunuod at naglalaro lang silang magpipinsan sa stage.
Lalong nagulo ang mga tao sa buong auditorium, ang karamihan ay nagsisigawan na at napapatayo na. Alam kong hindi naman sila nawiwili sa plot ng istorya, natatawa na lang sila sa kalokohan ng mga bida. Hindi na nila kailangan ng effort para makuha ang atensyon ng mga manunuod dahil kaunting kalokohan lang nila ay buhay na ang buong eksena.
"Tumabi ka! Kailangan namin makuha ang puso ni Prinsesa pffft.. Trosa" natatawang sabi ni Aldus, bahagya pa siyang tumalikod para hindi makita ng mga manunuod ang kanyang pagtawa.
"Trosa? What the hell? They're so creative" halos paghahampasin na ako ni Florence sa katatawa.
"Tulungan mo ako" nagsimula nang lumapit kay Tristan ang prinsesa 'Trosa' pero nanatiling nakatingin si Tristan na sa dalawang kalaban na palapit sa kanila, wala nang pakialam ang prinsipe sa prinsesa. What the hell? Hindi ba dapat may sweet part dito?
Pero sa hindi sinasadyang pangyayari, dahil nabuwelo si Tristan para ihampas ang kanyang espada sa dalawang pirata ay malakas niyang nasiko ang mukha ng prinsesa. Kaya ang nangyari natumba ang prinsesa dahil siniko ng prinsipe.
Halos magiba na ang buong auditorium sa pagpadyak, palakpakan at malalakas na sigawan at tawanan nang mga manunuod. Nagwala na ang kabuuan ng mga estudyanteng manunuod maging ang mga professor sa unahan ay natatawa na rin sa mga pangyayari.
"Troy!" sigaw ng dalawang pirata sa bumagsak na prinsesa na tanggal na ang wig. Nanatiling tulala si Tristan at mukhang nagulat dahil nasiko niya ang prinsesa. Si Nero ay naupo na sa kanyang posisyon at minamasahe na ang kanyang noo.
Nauna pa ang dalawang pirata na daluhan ang prinsesa na bahagya nang bumabangon habang hawak ang kanyang ilong.
"Fvck! Patay tayo kay LG Tristan!" malakas na sigaw ni Aldus.
"Bakit mo pinadugo ang ilong ng paboritong apo?!" galit din na sabi ni Owen. Nabaliktad na ang eksena, ang prinsepe pala ang kalaban. Dyosko, napakagaling nila.
Napansin ko na itinataas na ng mga faculty members ang kanilang mga kamay para isenyas na takpan na sila ng kurtina. Dapat pinapatay na rin nila ang mic ng mga Ferell, naririnig pa rin ang usapan nila sa speaker. Pero mukhang mga tulala rin ang mga kasection ng mga Ferell, walang nagsisimulang humila nang kurtina dahil lahat nang mga ito ay abala rin sa panunuod ng mga kalokohan ng mga Ferell.
"Mga gago kayo! Ayaw ko na" sa galit ni Troy ay hinagip niya ang laruang baril ni Aldus at padabog niya itong ibinato sa sahig. Sa kamalasan tumama ito sa ulo ni Nero na kanina pang iritadong nakaupo sa stage. Nagkakainitan na ang magpipinsan.
At halos sabay kaming napahinga ng maluwag ni Florence nang mukhang natauhan na ang mga kasection ng mga Ferell at nagsimula na ang mga itong magsara ng kurtina. Namatay na rin ang speaker at hindi na narinig ang pinag uusapan ng magpipinsan.
At last, natapos rin.
"My god Lina, wala akong boyfriend sa kanila. Wala talaga" nakailang iling sa akin si Florence.
"Don't worry, wala din akong manliligaw mula sa kanila"
Sa huli sabay na lang kaming napabuntong hininga ni Florence habang lumalabas na sa auditorium. Nawalan na kami ng ganang manuod ng sunod na performance.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro