Chapter 2
A/N:
Feel free to use #IndelibleCh2 for your social media post reactions for this update <3
Also, if you haven't heard yet, I've recently published The Most Painful Battle under Psicom Publishing. You can purchase it for only 195 pesos with 3 new chapters! You can buy it here: bit.ly/tmpbshopee
Thanks and enjoy reading! <3
---
Chapter 2
Kevin Sy's POV
"Hindi ko rin inakalang makakasalubong ko dito ang isang Kevin Sy. Sa gitna pa talaga ng Brisbane River," sabay tumawa nang mahina bago niya ibinalik ang tingin sa hawak na baso na nakapatong sa itim niyang fit jeans. Bumagay sa pantalon niya ang suot niyang kumikininang na teal, long sleeve off-shoulder blouse. Naka-ponytail na mataas ang itim niyang buhok na abot hanggang sa baywang niya. Wala siyang ibang suot na alahas at napansin ko rin na pink na ang kaniyang mga labi kumpara sa kaninang pula. Nabawasan na rin ang kulay sa kanyang pisngi. May kaunting maliliit at itim na mga tuldok sa ilalim ng kaniyang mga mata na tila natirang bakas ng kaniyang makeup kanina. Inalis niya na siguro noong nag banyo siya.
Maganda na siya kanina noong may suot siyang makeup pero ang payak niyang mukha ngayon ay napakaamong tignan. Kapag tumitingin ang mga itim na itim at bilog na mga mata niya sa akin ay tila ba hindi niya kayang makasakit ng kahit ano o sino, para siyang anghel.
"Kaya nga. Small world, 'no? Dito pa talaga. Samantalang isang beses lang ata kita na-meet noon sa Pinas. Ang funny," kumento ko. Idinantay ko pa ang likod ko sa kinauupuan naming sofa upang mas ma-relax ako sa pwesto ko habang pinagmamasdan ko ang kalangitan na naiilawan ng halos bilog na buwan. "Ah, waning gibbous."
"What?" pagtataka niya sa huling sinabi ko.
Itinuro ko gamit ng aking nguso ang kalangitan. "We just missed the full moon."
"Ha?"
Sinundan niya ang tingin ko sa kalangitan ngunit naguguluhan pa rin siya.
"Waning gibbous, it's a phase of the moon kung saan unti-unting nawawala ang liwanag sa buwan," paliwanag ko.
"Ah, okay." Tumango lang siya ngunit nakakunot pa rin ang noo niya.
"May nakapagsabi sa akin dati na weird things happen during a full moon," pagkukwento ko. Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy. "Hindi naman full moon, but it feels like today is a weird day. Meeting you here and all that happened earlier— "
"Sorry," pagputol niya sa akin. Agad ko namang itinanggi ang paghingi niya ng paumanhin.
"No, no. That's not what I meant. You should really stop apologizing for nothing." Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya to reassure her, ngunit agad ko rin tinanggal dahil for some reason when our skin touched I felt a weird kind of warmth. I don't know what that was but it kinda scared me a bit, so I kept my hands inside my pocket and looked away.
I try to clear my throat before speaking again. "Ano, kasi, ang weird lang. I wandered into this yacht party thinking I'll be celebrating the last day of my 26th year alone with a sea of strangers. Kahit we barely know each other, it just feels nice to have someone I know." Nag-pause ako, ngumiti at pabirong dinagdag, "kahit sinukahan mo ako, at least it's a funny memory to keep before I turn 27."
"Wait! What do you mean the last day of your 26th year? Is it also your birthday tomorrow?" Bigla siyang umayos ng upo sa gilid niya upang mas makaharap siya sa direksyon ko at ipinatong niya ang isang braso niya sa ulunan ng sofa. Napansin ko rin ang gulat sa kanyang tono.
Iniharap ko rin ang upo ko sa kaniya at ipinatong ko rin ang braso ko sa ulunan ng sofa.
"Yes! July one rin ang birthday mo?"
"Kaya nga July ang pangalan ko kasi my very creative parents named me after my birth month! Ang baduy 'no?" Tumawa siya. Mukhang unti-unti nang nawawala ang pagkahiya niya sa akin.
"Hindi, ah. I think July's a beautiful name and it suits you well."
Pagkasabi ko n'on ay dahan-dahan nawala ang mga ngiti niya at tinitigan niya lang ako na tila ba may sinabi akong hindi kanais-nais. Hindi na siya umimik pagkatapos n'on at naramdaman ko na lang ang nakakailang na hangin sa pagitan namin.
"Ahem," kunwaring pag-ubo ko. Sinubukan kong ipagpatuloy ang usapan upang basagin ang katahimikan. "Any plans for your birthday?"
Inalis niya na rin ang pagtitig sa akin at inilipat ang kaniyang tingin sa sahig habang inililipat niya ang kaniyang buhok sa kaniyang kanang balikat. Habang sinusuklay ng mga daliri niya ang kaniyang buhok ay sinagot niya ang aking tanong. "I don't celebrate my birthday anymore."
"Why?" tanong ko.
Ngumiti siya ng matipid at sinabing, "You know what? I don't think it has anything to do with the full moon. You're just a weird one."
"Ha?"
"You're a first," saad niya. Ibinaling niyang muli ang tingin sa akin.
"A first of what?"
"Of not bringing up what happened two years ago. Alam mo kasi everytime I meet someone, whoever it may be, it's always the first thing they talk about with me. Like I should always be reminded of my mistakes and how shitty I am," she sighs heavily while giving a faint smile.
"I . . ." I try to say something but I stop to think. I know what happened two years ago, it was all over the news. July Isabedra's scandal was the talk of the town back then, it went on for months.
I'm not sure how to continue, so I ask her instead. "Do you want to talk about it or not? I've heard about it before and I'm sorry that happened to you."
Tumigil bigla ang daliri niya sa pagsusuklay ng kaniyang buhok. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi habang napansin kong parang may mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. Sinubukan niyang tumingin sa kisame ngunit pagkurap niya ng kaniyang mga mata ay tuluyan nang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga pisngi.
Nagulat ako sa biglang pangyayari at hindi ko malaman kung ano ang dapat gawin o sabihin. Ang tangi ko na lang nasabi ay isang nagpa-panic na, "shit, fuck, wala na akong malinis na panyo!"
Kahit hindi ko sinasadya ay mukhang napatawa ko naman siya habang pinupunasan ng kamay niya ang mga luha.
"Sorry, hindi ko mapigilang maging emosyonal when you're doing a lot of firsts for me." Naguluhan ako sa sinabi niya ngunit naliwanagan din nang magpatuloy siya. "You're the only one who has the decency to ask if I want to talk about it or not, and you're also the only one who said sorry to me in two years. Parang mas may paki ka pa kaysa mga taong dapat talagang mag-sorry sa akin. Even if it's just you being nice and well-mannered, I still appreciate it."
"I . . ." naputol na naman ako sa dapat kong sabihin dahil hindi ko na naman ulit alam ang dapat sabihin. Hindi ko akalaing sa simpleng mga sinabi ko ay magkakaroon pala ito ng malaking epekto sa kaniya. Nailagay ko na lang ang aking kamay sa aking batok habang iniisip kung paano ba ako tutugon. "Hindi ko alam ang dapat sabihin, July. What you just said is—"
"Crazy, right?" pagputol niya sa aking sinasabi. "I get so emotional with such a stupid thing."
"No," umiling ako at hinanap ang kaniyang mga mata. "It's not crazy, it's just . . . sad."
Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako, "I wasn't really able to follow the whole news about you before, but I was able to watch the video you did."
"Embarrassing," saad niya. Ipinatong niyang muli ang siko sa ulunan ng sofa at idinantay ang kaniyang ulo sa kamay.
"But you were just telling the truth, right?" I ask as I remember every news outlet portraying her as a liar after that incident.
Yumuko siya upong ilagay sa sahig ang hawak na baso. Tumayo na rin siya at naglakad palapit sa railing, sumandal siya doon at tumingin saglit sa ilog bago humarap muli sa akin.
"Alam mo Kevin for the past two years I've always begged people to believe me until I just got tired of that. All my life I tried so hard to show them a 'good July Isabedra', but what I did two years ago was like accidentally putting a black dot with an indelible marker on the middle of a sparkling clean white shirt. It's all they ever see now, ignoring how the rest of me is sparkling clean." Tumalikod na siya ulit, tumahimik saglit bago nagsalitang muli. "So anyway, ikaw na bahala kung ano ang gusto mong isipin tungkol sa mga sinabi ko sa video na iyon. It doesn't matter na rin naman. That's why I told you earlier I don't celebrate my birthday anymore, I hate July. It will always remind me of that stupid indelible mark."
Tumayo na rin ako at tinabihan siya sa railing. Naramdaman ko bigla ang malakas na ihip ng hangin kaya pumikit ako upang damhin ang lamig nito sa aking mukha. Naririnig ko ang kantang Love Bug ng Jonas Brothers na pinapatugtog sa speaker kaya isinabay ko sa tono nito ang pagtapik ng aking mga daliri sa bakal. Nang mawala na ang malakas na ihip ng hangin ay muli akong nagmulat ng mga mata at humarap kay July.
"Hey, July. I know you just said you don't celebrate your birthday, but can I try and change your mind about that? Let's hang out until it's our birthday, then I can sing you a happy birthday."
"Will it really be a happy birthday?" tanong niya.
Ngumiti ako at sinabing, "I'll try. We can try."
Mukhang pinagisipan niya ito habang pinagmamasdan niya sa kalayuan ang Story Bridge na nadaanan na namin sampung minuto na ang nakalipas. Ibig sabihin nito ay malapit na rin kaming makarating sa South Bank ferry terminal na siyang babaan namin.
Matapos ang ilang minuto ay lumingon siyang muli sa akin at nagsalita.
"I wonder if it will be a different July or just another shitty July if I go with you?"
"Now you're putting a lot of pressure on me," pagbibiro ko. "But I hope I can make it different for you this time, July."
"You better not disappoint me. I'm counting another first on you, Mr. Kevin Sy." Natatawa niyang sabi habang pabirong itinulak ang kanyang kanang hintuturo sa aking noo.
Natawa na rin ako sa kanya at habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilang sabayan sa isip ko ang kantang tumutugtog sa speaker.
'Now I'm speechless
Over the edge, I'm just breathless
I never thought that I'd catch this lovebug again'
Damn it, Kevin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro