Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikawalong Kabanata

Ikawalong Kabanata

Sakit

Lahat ay natahimik sa malakas na sigaw ni senyora Olivia na dumagundong sa loob ng mansyon. Ngayon ko lang siya nakita magmula no'ng umalis silang dalawa ng senyor Ronaldo dahil sa importanteng lakad. Hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasyon pa talaga kami muling nagtagpo.

Nangangatal ang mga kamay ko maging ang bou kong katawan ay nanginginig dahil sa lamig habang nakayukong nakatayo sa isang sulok.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may nagpatong ng mainit at makapal na kumot sa balikat ko. Nang iniangat ko ang ulo ko, nakita ko si Lina na nakangiti bagama't may pag-aalalang mababanaag sa mga mata niya.

"Salamat Lina," mahinang saad ko sa kaniya. Kung hindi pa ako nagsalita ay hindi ko malalaman na pati ang boses ko ay nangangatal na rin.

"Walang anuman. Halika, doon tayo sa kuwarto namin at pahihiramin kita ng damit ko," saad niya at hinawakan ang balikat ko.

Lumingon ako sa likuran habang inaakay ako ni Lina paalis sa sala ng mansyon. Nakita ko ang senyorito na nakatayo habang nakapamulsa sa puno ng hagdanan. Basa pa rin ang damit niya at tumutulo ang ilang tubig mula sa buhok niya.

Napalunok ako nang nagtagpo ang mga mata naming dalawa ni hindi man lang niya pinutol ang mariin niyang pagtitig sa akin. Muling kumabog ang dibdib ko, kagaya no'ng pagkabog nito no'ng nakasakay kaming dalawa sa kabayo.

Sumariwa sa alaala ko ang nangyari kani-kanina lamang. Hindi ako makapaniwalang kasama ko sa pagsakay sa kabayo ang senyorito at pumunta sa natatagong paraiso ng La Verde.

"Raiden!" Sigaw ng senyora Olivia mula sa ikalawang palapag. Lumingon ang senyorito sa pasilyo papunta sa mga kuwarto sa ikalawang palapag. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang alisin ang tingin mula sa kaniya bago pa man niya ako tingnan ulit.

Dinala ako ni Lina sa kuwarto ng mga kawaksi at pinahiram ng kaniyang bestida.

Pagkalabas ko ng banyo ay ilang beses kong hinila pababa ang sout na bestida. Hanggang sa ibaba lamang ng tuhod ko ito, malayo sa palagi kong sinosout na bestida araw-araw na hanggang sa talampakan ang haba.

"Oh? May problema ba?"

Napatingin ako kay Lina na kapapasok pa lamang sa loob ng kuwarto. May dala siyang isang tasa ng tsokolate na umuusok pa dahil sa init. Inilapag niya sa malapit na mesa ang tasa at lumapit sa akin.

Nahihiya ko namang hinila pababa ang bestida at napangiwi nang kumunot ang noo ni Lina dahil sa ginawa ko.

"Bakit? Ano'ng problema?" Nag-aala niyang tanong at tiningnan ang sout ko.

"Masyado kasing maiksi," nahihiya kong sagot sa kaniya.

Gumuhit ang pagtataka sa itsura ni Lina at tiningnan ulit ang sout ko. Umikot pa talaga siya sa akin kaya ang ginawa ko naman ay sinusundan ng tingin ang bawat galaw niya.

"Ha? Tama lang naman ang haba ng bestida. Hindi ka sanay 'no?" Tanong niya pagkatapos umikot sa akin.

Tumango naman ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay. Lumapit si Lina sa mesa na nasa gilid lang ng kuwarto at kinuha mula roon ang tasang nilapag niya kanina.

"Heto, inumin mo muna itong mainit na tsokolate para naman mainitan ka." Ibinigay niya sa akin ang tasa at maingat ko naman iyong inabot mula sa kaniya.

Mainit pa ang tasa ng kape nang inabot niya iyon sa akin. Umupo ako sa isang kama at maingat na ininom ang ibinigay niyang mainit na tsokolate sa akin.

"Uminom ka ng gamot pag-uwi mo sa inyo ha? Naubusan na kasi kami ng gamot dito, baka kasi magkalagnat ka bigla pa naman 'yong pag-ulan kanina," saad niya sa akin.

"Oo, salamat talaga Lina ha?" Pasasalamat ko sa kaniya habang nakangiti.  Ginantihan niya rin ako ng ngiti.

Pagkatapos kong maubos ang tsokolate ay lumabas ako ng kuwarto para ibalik ang tasa sa kusina habang si Lina naman ay inutusan ni Manang Tesing.

Nakasalubong ko si senyor Ronaldo nang papunta na ako sa kusina. Kaagad akong yumuko at binati ang senyor.

"Magandang gabi po S-senyor..." Bati ko sa kaniya. Nanatili akong nakayuko at naghintay sa sasabihin niya.

"It's already late Cherry. Why are you still here?" Tanong ng senyorito. Iniangat ko ang ulo ko at nahihiyang ipinaliwanag ang sarili.

"Ah, pinahiram po kasi ako ng bestida ni Lina senyor."

Kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko at tiningnan ang sout ko.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong sa akin. Napalunok naman ako ng sariling laway dahil sa kabang mabilis na lumukob sa dibdib ko.

"Kasi po—" bago ko pa man masabi ang gusto kong sabihin sa senyor, sinapawan na ng malakas na boses ni senyorito Raiden ang maliit at nanginginig kong boses.

"Stop asking her nonsense questions Pa," saad ng senyorito.

Pababa siya ng hagdan habang nakatingin sa aming dalawa ni senyor. Ang isa niyang kamay ay nakalagay sa loob ng bulsa ng sout niyang pantalon habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa hawakan ng hagdanan.

Nakaigting ang panga niya habang madilim ang mga matang parang agila kung tumingin sa direksyon ko. Parang inabot ng ilang taon ang pagbaba niya sa hagdanan kahit pa hindi naman iyon inabot ng isang minuto.

"What's wrong with asking her?" Nagtatakang tanong ng senyor sa anak nang makababa na ito.

Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil mukhang nagkakainitan na sila kahit wala akong ni isang ideya kung ano ang nangyayari. Madilim ang palitan ng tinginan ng mag-ama at parang may namomoung matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Mas lalo akong kinabahan dahil ko alam kung ano ang gagawin para pigilan sila sa posibleng mangyari. Hindi ko alam kung normal lang ba sa kanilang dalawa ang tagpong ito lalo na't ngayon ko lang naman sila nakitang magkasama.

"Makakaalis ka na, Cherry," saad ng senyor sa akin. Naguguluhan man sa mga nangyayari, mabilis akong tumango at umalis sa harapan nila dala na rin ng matinding takot.

Pumunta ako sa kusina at hinugasan ang ginamit na tasa. Sakto namang tapos na ko nang nahugasan ang tasa nang dumating si Lina sa kusina.

"Pauwi ka na?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. "Oo. Ibabalik ko na lang sa'yo ang hiniram kong bestida pagkatapos kong labhan," saad ko.

"Naku! Ayos lang! Mag-iingat ka pauwi ha?"

"Oo. Salamat talaga Lina ha?"

Ngumiti si Lina sa akin. "Walang ano man 'yon. Kahit sino naman tutulungan ka dahil deserve mo naman 'yon!"

Nabalot ang saya sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ang bait talaga ni Lina sa akin kahit noon pa mang nagsisimula pa ako rito. Kailanman ay hindi niya ako trinatong iba at tinuring na kaibigan na pinagpasalamat ko.

Marami kasing mas galit sa akin kaysa ang may gusto sa akin at natutuwa akong isa si Lina sa mga gusto akong maging kaibigan kaysa maging kaaway.

Umuwi ako ng gabing iyon na mabigat ang pakiramdam. Naglalakad pa lang ako pauwi sa kubo ay parang buhat ko na ang boung mundo dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko pinahalata kay nanay na mabigat ang pakiramdam ko dahil ayokong mag-alala pa siya sa akin. Baka mawala rin 'to bukas, nabigla lang siguro ang katawan ko sa ulan kanina kaya gano'n.

Madaling araw nang naggising ako dahil sa sobrang init ng pakiramdam at matinding pawis ng bou kong katawan. Hindi ako mapakali at ang bigat ng pakiramdam ko na maski ang bumangon ay hindi ko kayang gawin.

Mahimbing na natutulog ang nanay sa tabi ko at ayaw ko siyang gisingin lalo na't sobrang aga pa. Hindi ako nakainom ng gamot kagabi dahil naubusan kami ng gamot para sa lagnat at malalim na rin ang gabi para lumabas pa ako.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa katawan ko at maingat na bumangon para hindi maggising si nanay. Nilingon ko muna siya bago ako tumayo at lumabas ng kuwarto.

Nakaramdam ako ng pagkahilo at matinding pagsakit ng ulo habang nagsasalin ng tubig sa baso. Naggawa kong inumin ang tubig ngunit dahil sa matinding hilong nararamdaman, nawalan ako ng balanse at muntikan nang matumba. Mabuti na lang at nasalo ako ni Nanay na hindi ko alam na naggising pala at inalalayan akong makaupo.

"Diyos kong bata ka! Masama pala ang pakiramdam mo ngunit hindi ka man lang nagsasabi!" Galit niyang wika sa akin.

Kinapa niya ang noo at leeg ko gamit ang likuran ng palad niya. Dahil sa ginawa niya ay naramdaman ko na ang init ng katawan ko maging ng hangin na pumapasok sa ilong ko.

"Diyos ko! Ang init-init mo!"

"Ayos lang ako nay..." Nanghihina kong saad sa kaniya pagkatapos ay naubo.

"Ano'ng sa'yo ang pinagsasabi mo? Ang init mo nga oh!" Galit niyang saad pagkatapos ay inalalayan niya akong makatayo at pumunta sa maliit namong kuwarto.

Tinulungan niya akong makahiga sa kama naming gawa sa kawayan pagkatapos ay lumabas ng kuwarto. Sa pagbalik niya ay may dala na siyang plangganitang tingin ko ay may lamang maligamgam na tubig.

"Nay... Ako na po'ng bahala. Matulog na po kayo ulit," saad ko sa kaniya nang piniga niya ang maliit na tuwalya na nilublob niya sa maligamgam na tubig at ipinatong ito sa noo ko.

Mahina niyang hinampas ang kamay ko at pinagpatuloy ang pagpupunas sa akin gamit ang isa pang tuwalya.

"Paano ako makakatulog kung alam kong nilalagnat ka? Matulog ka na lang at ako na ang bahala."

"Nay..." Reklamo ko ngunit hindi niya ako pinapansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

Dahil sa matinding hilo at bigat ng pakiramdam, nakatulog ako.

Kinabukasan naggising akong nag-iisa sa loob ng kuwarto. Naramdaman ko ang tuwalyang ipinatong ni nanay sa noo ko kaninang madaling araw. Nang kunin ko 'yon ay tuyo na ito.

Nakaramdam ako ng pagkahilo nang biglaan akong bumangon. Parang pumipitik ang ulo ko sa sakit at ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Hindi na ako masyadong mainit salamat kay nanay.

Tatayo na sana ako nang makarinig ng tunog ng sasakyan at sigurado akong huminto iyon sa tapat ng kubo namin. Mabilis akong tumayo at pumunta sa bintana.

Nanlaki ang mga mata ko nang saktong pagsilip ko sa bintana ay siyang pagbaba ng senyorito mula sa sasakyan.

Ano'ng ginagawa niya dito?






110421
1942

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro