Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikasampung Kabanata

Ikasampung Kabanata

Labi

Mataas na ang sikat ng araw habang naglalakad ako sa mahabang daan papunta sa hacienda ng mga Esquivel.

Masaya kong binabagtas ang daang gawa sa lupa. May mga maliliiit na mga halaman na may magagandang bulaklak akong mga nakikita sa gilid ng daan.

Tumigil ako sa patalon-talon kong paglalakad at pinitas ang nag-iisang kulay pulang bulaklak ng gumamela na nakita ko sa gilid ng daan. Sinikop ko ang mahaba kong buhok papunta sa likod ko at inipit ang ibang takas na buhok sa likuran ng tenga ko pagtapos ay ang gumamela naman ang nilagay ko sa likuran ng tenga ko.

Kahit mahaba ang daan papunta sa mansyon ay nakarating naman ako ng maaga doon kahit pa hindi iyon gano'n kaaga kagaya no'ng dati dahil medyo natagalan akong naggising kanina.

Malaki ang ngiting ibinigay ko sa mga nakakasalubong kong mga kawaksi, lalo na nang makasalubong ko si Tonyo na kagaya no'ng nakaraan ay may dala itong dalawang timbang may lamang tubig at pagkain ng kabayo.

"Magandang umaga sa'yo Tonyo!" Masayang bati ko sa kaniya.

"Oh Cherry?!" Gulat na wika niya nang makita ako. Para bang nakakagulat na makita ako rito sa hacienda kahit sa katunayan ay rito naman ako nagtatrabaho kaya malamang makikita niya ako rito.

"Tulungan na kita?" Presenta ko nang nakitang nahihirapan siya sa mga dala niya.

"Ha?" Gulantang niyang tanong. Napakurap-kurap pa ang mga mata niya dahil sa pagkakita sa akin.

Bago ko pa man mahawakan ang timbang may lamang mga damo, nailayo na niya ito mula sa akin.

"Huwag na Cherry! Ayos lang naman," saad niya sa akin. Namula ang mga pisngi niya na siyang kinabigla ko. "A-akala ko ba may sakit ka? Bakit ka nandito?"

Bakit kaya? May lagnat rin ba siya?

"Maayos na ang pakiramdam ko kaya magtatrabaho na ako sa mansyon ngayong araw."

"Ha? Baka mabi—" natigilan siya saglit pagkatapos ay ngumuso siya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. "Oh? Ano 'yang nasa tenga mo?" Nagtataka niyang tanong at sinilip kung ano ang nakaipit sa tenga ko.

Nahihiya kong hinawakan ang pulang gumamela na nakaipit sa tenga ko bago sinagot ang katanungan niya.

"Ah! Nakita ko 'tong pulang gumamela sa gilid ng daan habang papunta ako rito kaya pinitas ko na," maligayang sagot ko.

Magiliw kong pinagsiklop ang mga kamay ko sa likuran habang mahinang ginagalaw ang mga balikat ko. Tumango naman siya habang hindi maalis ang mga mata sa gumamela na nasa tenga ko.

"Maganda ba?" Tuwang-tuwa kong tanong sa kaniya.

"Oo naman!" Malaki ang ngiti niya nang sabihin ang mga katagang 'yon. "Bagay sa'yo ang pulang bulaklak ng gumamela."

"Salamat!" Pakiramdam ko ay abot sa tenga ang pagkakangiti ko sa kaniya.

Natigalgal ako nang bigla ko na lang narinig ang malakas na boses ng senyorito hindi kalayuan sa kinaroroonan namin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maalalang ang tagal kong nakipag-usap kay Tonyo at nakalimutan kong may trabaho pa pala akong dapat gawin.

Pareho kaming napalingon kung saan nanggaling ang boses ng senyorito at natagpuan namin itong nakasakay sa kabayo. Mabagal lang na naglalakad sa kinaroroonan ang kabayo dahil sa paghawak ng senyorito sa tali nito upang hindi tuluyang tumakbo ang kabayo.

Nagkatinginan kami ni Tonyo nang makita ang galit na mukha ng senyorito.

"Mukhang hindi maganda ang gising ng senyorito ngayon Cherry," saad ni Tonyo na siyang sinang-ayunan ko.

Mukhang nagkaroon ng bangungot ang senyorito kagabi kaya medyo mainit ang ulo niya ngayong araw.

"Mauna na ako sa'yo Tonyo," paalam ko sa kaniya. Si Tonyo naman ay naguguluhang tumingin sa akin at sa senyorito bago tumango.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng senyorito na hanggang ngayon ay galit pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha at matalim ang tingin ng mga mata sa kung saan.

"Magandang umaga senyorito," bati ko sa kaniya.

Tumingala ako sa kaniya dahil nakasakay pa rin siya sa kabayo. Hinawi ko ang buhok kong lumipad papunta sa mga labi ko at napapikit dahil sa sikat ng araw.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya bago inilipat sa akin ang matalim niyang tingin. Napalunok ako dahil sa kaba.

"Ah, m-magtatrabaho po s-senyorito," kinakabahang sagot ko.

Ako na ang unang umiwas ng tingin dahil hindi ko na nakayanan ang intensidad ng mga mata niya. Tumikhim ako at pinisil ang mga daliri ko sa kamay habang nakayuko sa harapan niya.

Nakarinig ako ng malakas na pagkalabog dahilan para mapapitlag ako at mag-alala. Mabilis kong tiningnan ang senyorito at labis akong nagulat nang hindi ko na siya makita na nakasakay sa ibabaw ng itim na kabayo.

Sinilip ko ang ilalim ng kinatatayuan ng kabayo at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tiyan ng senyorito. Nataranta ako nang sa isang iglap ay nakasilip na rin siya sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay bago kumurba ang gilid ng labi niya para ngumisi.

Dahil sa bigla ay hindi ako nakagalaw at namalayan ko na lang na wala na roon ang senyorito nang maramdaman ko siyang nakatayo sa gilid ko. Mabilis akong umayos ng tayo na siyang pinagsisihan ko dahil nabunggo ng ulo ko ang panga ng senyorito.

"Naku! Pansensya na po kayo!" Natatarantang saad ko habang hindi magkamayaw kung saan ko siya hahawakan at kung ano ang dapat kong gawin.

Nakahawak ang senyorito sa panga niya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Para akong maiihi sa kaba lalo na nang hindi man lang nagsalita ang senyorito. Nanatili lang siyang nakangiwi at nakahawak sa panga niya.

"S-senyorito?" Sinilip ko siya at nang hindi siya sumagot ay tumingkayad na ako para mas makita ko ng maayos ang mukha niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya para matingnan ng mabuti ang panga niyang nabunggo ko ng sobrang lakas.

"Urgh..."

Mas lalo akong nag-alala kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang kamay niyang nakahawak sa panga niya at hawiin iyon. Kagaya ng palaging ginagawa ni nanay sa tuwing nasusugatan o nasasaktan ako, marahan kong hinipan ang panga niya.

"Pasensya na po talaga kayo senyorito. Masakit po ba?" Nag-aalala kong tanong matapos lumayo ng kaunti pagkatapos kong hipan ng ilang segundo ang panga niya.

"You're unbelievable," hindi makapaniwalang saad niya habang nakatitig sa mukha ko.

"P-po?" Naguguluhan kong tanong.

Tumingin siya sa gitna naming dalawa. Napatingin rin ako at doon ko lang napansin na ang lapit na pala naming dalawa. Mabilis pa sa alas kuwatro akong lumayo sa kaniya at pinanatili ang ilang dipang layo ko mula sa kaniya.

"Pasensya na po senyorito," hingi ko ng paumanhin at yumuko sa harapan niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito? You're sick right?" Anas niya.

"Magtatrabaho na po ako senyorito," magalang kong sagot sa kaniya.

Mas lalong kumunot ang noo niya at nagtagpo ang mga kilay niya sa gitna dahil sa labis na pagtataka. Ngunit wala namang kataka-taka sa ginawa ko dahil natural lang naman na magtrabaho ako lalo na kung maayos naman na ang pakiramdam ko.

Naalala ko tuloy si nanay na tutol na tutol sa pagpunta ko rito dahil kagagaling ko pa lang sa sakit pero katawan ko naman 'to, ako 'yong mas nakakaramdam kung may masakit ba sa akin o kung masama ang pakiramdam ko. Nakakahiya rin naman kina senyor kung hindi ako papasok ngayon.

"Tsk."

Mabilis akong sumunod sa senyorito nang nagsimula na siyang maglakad habang hinihila ang kabayo. Naglakad ako hindi kalayuan sa kaniya at pinanatili ang distansya namin. Baka bigla na naman siyang magalit sa'kin.

Sumunod ako sa kaniya papunta sa kuwadra. Tumitingin-tingin ako sa gilid ng mga kulungan habang nakasunod ako sa likuran ng senyorito. Muli akong napatalon sa gulat nang biglang dumagundong sa loob ng kuwadra ang malakas na boses ng senyorito.

"Cherry!"

Napahawak ako sa dibdib ko at gat na napatingin sa kaniya.

"P-po? Ano po 'yon senyorito?"

Ang talim ng mga mata niya at halos puputok na ang ugat niya sa sentido.

"Hindi kita kailangan dito," mariing saad niya na nagpasakit sa puso ko. "Do'n ka na lang sa mansyon."

Kahit naguguluhan at nasasaktan, magalang akong tumango sa kaniya at tahimik na umalis sa kuwadra.

Ni hindi ko na nga pinansin ang pagtawag sa akin ni Tonyo at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa mansyon.

Pagkarating ko sa mansyon, nakasalubong ko si Manang Tesing na nagulat sa akin.

"Cherry! Ano'ng ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong.

"Pinapabalik po ako ng senyorito dito," sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "H-ha?"

"Sige po."

Yumuko ako sa harapan niya at mabilis na naglakad papunta sa hagdanan. Pumunta ako sa silid ng senyorito at nagsimulang maglinis sa silid niya.

Pinalitan ko ng bagong sapin ang kama at bagong punda ang mga unan. Maging ang mga kurtina ay pinalitan ko na rin. Nilinis ko ng maayos ang boung silid niya.

Nag-aayos na ako sa mesa na nasa gilid ng bintana ng kuwarto ng senyorito nang mapansin ko ang plorera. Nagsisimula nang matuyo ang mga bulaklak kaya kinuha ko 'yon at nagpadesisyonang palitan na rin.

Lumabas ako ng mansyon dala-dala ang plorera at mga bulaklak. Itinapon ko ang mga bulaklak at nilagyan ng panibagong tubig ang  plorera. Dumeretso ako sa malaking hardin na nasa likuran ng mansyon para kumuha ng mga panibagong bulaklak. Wala roon ang hardinero kaya ako na lang ang kumuha ng mga bulaklak at agad na bumalik sa loob ng mansyon pagkatapos.

Pagkabalik ko sa kuwarto ng senyorito ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo.

Si senyorito kaya 'yon?

Nagmamadali kong nilagay sa plorera ang mga bulaklak at aalis na sana para hindi kami magpang-abot ng senyorito ngunit sa pagmamadali ko ay nakabangga ko siya.

Sa lakas ng pagkakabangga naming dalawa ay natumba kaming pareho. Nakapatong ako sa kaniya at nasa ilalim ko siya. Napalunok ako ng matantong nakatapis lang ng tuwalya ang senyorito at walang kahit na anong sout na pang-itaas. Basa pa ang buhok niya gano'n din ang ibang parte ng katawan niya.

Nagkatitigan kami ng senyorito. Nakakalunod ang mga mata niyang nakatitig ng maigi sa mga mata ko.

Dahil sa distansya naming dalawa, itinukod ko ang kamay ko sa magkabilang gilid para sana tumayo at makalayo mula sa kaniya ngunit kabaliktaran ang nangyari, nadulas ang kamay ko dahilan para sumubsob ako sa kaniya.

Naramdaman ko na lang na nagkalapat ang labi naming dalawa.

Nanlaki ang mga mata ko ngunit hindi ako makagalaw. Libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa mga labi kong nakalapat sa mga labi ng senyorito, papunta sa boung katawan ko.

Nag-umpisang tumibok ang puso ko sa mahinang paraan hanggang sa bumilis ito ng bumilis.

Ano 'to? Bakit ako nakakaramdam ng ganito?



110721
0948

A/N: Sabihin niyo lang po kung masyadong mabilis o mabagal ang narration ng kuwento. Maraming salamat!🧡

Leave a comment below, I wanna hear your thoughts!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro