
Ikalabing-Isang Kabanata
Ika Labing-Isang Kabanata
Prinsipe
Mabilis na naipagpalit ng senyorito ang posisyon naming dalawa. Kung kanina ay ako ang nasa ibabaw niya, ngayon naman ay siya ang nasa ibabaw ko.
Parang may kung anong gumuho sa ibang parte ng puso ko nang hindi ko na naramdaman ang labi niya sa mga labi ko. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang ako samantalang hindi naman dapat.
Sinuri niya ng mabuti ang kabouan ng mukha ko bago niya tiningnan ang mga mata kong hindi mapakali.
"You shouldn't be here Cherry," bulong niya na nagpakunot ng noo ko.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Dapat ba ay hindi na lang ako pumasok ngayong araw at nakinig kay nanay?
"S-senyorito..." Nahihirapang wika ko. Ngayon naman ay ang noo niya ang nakakunot at nagtagpo ang mga kilay niya dahil sa labis na pagtataka.
"Ano?" Galit at mariin niyang tanong sa'kin.
"Ang—" huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Ang bigat niyo po..." Nahihiyang sagot ko at umiwas ng tingin. Tumingin ako sa ibaba na siyang pinagsisihan ko ng sobra.
Sobrang magkadikit ng katawan naming dalawa ng senyorito at ang mas malala pa ay wala siyang saplot maliban sa tuwalyang nakatapis sa bewang niya.
Mabilis na tumayo ang senyorito at lumayo mula sa akin. Ako naman ay nahihiyang tumayo at inayos ang sarili. Nakatingin ang senyorito sa malaking bintana ng kuwarto niya habang nakapamewang ang isang kamay.
Yumuko ako bago nagpaalam sa kaniya.
Nang hindi sumagot ang senyorito ay mabilis akong lumabas ng kuwarto niya. Nang maisara ko ang pinto ay sumandal ako roon habang nakapikit ang mga mata at nakahawak ang isang kamay sa tapat dibdib ko.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at parang sinisilaban ang bou kong katawan. Ramdam na ramdam ko ang matinding init sa magkabila kong pisngi.
"Cherry?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Lina. Kaagad kong minulat ang mga mata ko at nakita siyang nagtatatakang nakatingin sa akin pagkatapos ay tumingin sa likuran ko.
"L-lina..." Kinakabahang banggit ko sa pangalan niya. Napalunok ako nang nakatingin pa rin siya sa pintuan ng silid ng senyorito.
"Ano'ng ginagawa mo diyan Cherry?" Nagtataka niyang tanong nang balingan niya ako ng tingin.
Tumikhim ako at umayos ng tayo.
"Ah, kagagaling ko lang kasi sa paglilinis sa loob kaya sumandal muna ako para magpahinga," malinaw at deretsong pagpapaliwanag ko sa kabila ng matinding kabang aking nararamdaman.
"Ah..." Tumango-tango siya na ikinapanatag ng pakiramdaman ko. "Halika! Sumama ka na lang sa'kin total tapos naman na ang trabaho mo!" Masayang saad niya at inangkla ang kamay sa braso ko.
"Ha? Saan?"
"Sa kubo ng mga magsasaka ng hacienda sa dulo ng taniman!" Masiglang saad niya na nagpaliwanag sa mukha ko. "Niyaya ako ni Manang Selya kanina na kumain ng panghimagas roon dahil magdadala siya ng marami sa kubo!" Dagdag pa niya.
Matagal na rin mula no'ng nakapunta ako roon at iisiping makakapunta ulit ako roon ay nagbibigay ng saya sa puso ko.
"Talaga?" May galak na tanong ko sa kaniya na mabilis naman niyang tinanguan.
"Oo kaya halika na't baka maubusan tayo ni Tonyo!"
Bago pa man ako makasagot sa kaniya ay hinila na niya ako pababa. Habang hila-hila ako ni Lina pababa sa hagdanan, nakalingon naman ako sa pintuan ng silid ng senyorito.
Tinahak namin ni Lina ang daang pahid ng mga tuyong dahon mula sa mga nagtataasang puno sa gilid. Kagaya no'ng nadaanan namin ng senyorito, may mga maliliiit ring mga puting bulaklak sa gilid.
Lumilipad ang dulo ng sout kong bestida dahil sa malakas na simoy ng hangin. Maging ang mahaba kong umaalon na buhok ay inilipad ng hangin papunta sa likuran ko.
Malayo pa lang ay tanaw na namin ang ibang mga magsasaka na sumisilong sa kubo. Itinaas ko ang isa kong kamay at ikinaway iyon sa ere nang may lumingon sa gawi namin ni Lina.
"Cherry!" Sigaw niya.
Dahil sa ginawa niyang pagsigaw ay napalingon na rin sa amin ang iba pa nilang kasamahan.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lina bago tumakbo papunta sa kubo. Sinalubong kaagad kami ni Manang Selya at inabutan ng turon.
"Ito po ba 'yong may lamang langka at saging sa loob?" Namamangha kong tanong sa kay Manang Selya na ngayon ay tuwang-tuwa habang nakatingin sa akin.
"Oo Cherry, iyan nga 'yon," nakangiting sagot niya.
Kaagad ko namang kinagatan ang turon at muntikan nang mailuwa ang nakain nang mapaso ang dila ko.
"Dahan-dahan lang hija! Hindi ka mauubusan sa dami ng niluto ni Selya!" Paalala sa akin ng isa pa nilang kasamahan.
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago siya sinagot.
"Opo!" Pagkatapos ay inilibas ko ang dila ko dahil sa hapdi ng pagkakapaso nito. Nagtawanan sila sa ginawa ko at napailing na lang.
Inilalapat ko sa itaas ng bibig ko ang dila ko para kahit man lang papaano ay maibsan ang hapdi na dala ng pagkakapaso nito.
"Cherry..." Napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Tonyo. May dala siyang isang baso ng tubig at ibinigay niya iyon sa akin.
"Masakit ba?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.
Tumango naman ako sa kaniya at ipinakita ang dila ko.
"Maayos naman ako," sagot ko pagkatapos kong ipakita sa kaniya ang dila ko.
Nagtatakang napatingin ako sa paligid nang magtawanan ang mga magsasaka.
"Hay naku Cherry! Lalong mahuhulog ang manok namin niyan!" Saad ni Mang Roy pagkatapos ay nagtawanan ulit sila.
Tumingin ako kay Tonyo na ngayon ay napakamot sa batok niya at namumula ang mga pisngi niya lalo na ang mga tenga niya.
Sinilip ko siya dahil habang kinakamot niya ang ulo niya ay nakayuko lang siya boung oras.
"Ano'ng ibig nilang sabihin?" Tanong ko sa kaniya, mas lalong namula ang mukha niya kaya ang mga kasama namin ang binalingan ko. "Bakit naman po mahuhulog ang manok niyo?"
Mas lalong lumakas ang tawanan ng lahat dahil sa naging tanong ko. Dahil wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanila, pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Nakangiti kong tinatanaw ang malawak na taniman. Nagkukulay ginto na ang mga palay dahil malapit na 'yong anihin. Sumasayaw ang bawat tangkay nito dahil sa lakas ng hangin na nagbibigay ginhawa dahil sa presko nito. Malamig ang hangin na iniibsan ang init na dala ng araw ngayon.
Ang mga matataas na mga tubo sa tabi ng palayan ay kalahati na lang at matatapos na sa pag-ani. Madaming mga magsasaka ang nagtutulungan upang matapos ang trabaho at nakakatuwang pagmasdan 'yon.
Napalingon ako kung saan nagtatawanan at nag-uusap ang mga magsasaka. Ang laki ng mga ngiti nila sa kabila ng init at pagod dahil sa boung araw na pagtatrabaho. Nagagawa pa rin nilang ngumiti sa kabila ng hirap ng buhay.
Nararapat lang silang bigyan ng mga benipisyong nararapat sa kanila. Hindi lang pamilya nila ang binubuhay nila sa pagsasaka, pati na rin ang madaming pamilya sa boung bansa na umaasa sa kanilang naaning mga agrikultura. Dapat pagtounan rin sana ng pansin ng gobyerno ang mga agrikultura hindi lamang ang mga imprastraktura.
Matapos naming kumain kasama ang mga magsasaka ay bumalik kami ni Lina sa mansyon upang tapusin ang trabaho. Dahil tapos naman na ang paglilinis ko sa silid ng senyorito, naisipan kong tumulong na lang sa iba pang gawain sa loob ng mansyon.
Matapos kong maitapon ang mga basura ay bumalik ulit ako sa kusina.
Muntikan pa kaming magkabanggaan ng senyor Ronaldo kung hindi lang ako huminto sa aking paglalakad. May dala itong tasa at tingin koy iinom siya ng tsaa dahil nakabukas ang lalagyan ng tsaa sa itaas ng lababo.
"Ako na po ang magtitimpla ng tsaa ninyo senyor," presenta ko.
Gulat naman siyang lumingon sa akin bago inilapag ang hawak na pakete ng tsaa at pumihit paharap sa akin.
"Akala ko ba ay may sakit ka? Bakit ka naririto hija?" Nagtatakang tanong ng senyor at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Maayos na po ang pakiramdam ko senyor Ronaldo," magalang kong sagot.
"Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka ngayon?"
"Naku! Ayos lang naman po ako! Huwag po kayong mag-alala."
"Sigurado ka?"
Tumango naman ako sa kaniya.
"Oo naman po!" Sigurado at nakangiting kong sagot.
"Oh siya, siya. Pakihatid na lang sa opisina ko sa baba ang tsaa," saad nito.
"Sige po!"
Nang makaalis si senyor Ronaldo ay ginawa ko na ang tsaa niya. Hindi rin naman nagtagal at inihatid ko sa opisina niya ang pinagawang tsaa. Alerto ako sa bawat pagkhakbang dahil baka makasalubong ko ang senyorito na hindi naman nangyari.
Laking pasasalamat ko na nagawa ko nang maayos ang trabaho ko boung araw kahit pa paminsan-minsan ay pumapasok sa isipan ko ang nangyari kanina. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong huwag haplusin ang mga labi kong kanina lang ay nakalapat sa labi ng senyorito.
Nakagat ko ang labi ko at napahawak rito habang naglalakad ako pauwi sa amin. Natigil ako sa paglalakad at hindi na napigilan ang sariling mapangiti sa alaala.
Kakaiba ang pakiramdam ko kanina habang magkalapat ang mga labi naming dalawa. Parang narinig kong nag-awitan ang mga ibon at bumukas ang langit na may dalang liwanag. Nagwawala ang puso ko dahil sa malakas na pagkabog nito.
Pinagsiklop ko ang mga kamay ko sa likuran ko at kagat-kagat ang aking labi habang nakayukong naglalakad. Binibilang ko ang bawat paghakbang ng aking mga paa sa daang pahid ng mga tuyong dahon.
Tumingala ako at itinaas ang aking dalawang kamay pagkatapos ay umikot-ikot sa aking kinatatayuan. Kasabay no'n ay ang paglakas ng hangin dahilan para liparin ang ilang dahon na nasa lupa maging ang mga tuyong dahon mula sa mga puno. Nagmistulang umuulan ng mga dahon dahil sa nangyari.
Para akong prinsesang nahanap na ang kaniyang makisig at magiting na prinsipe. Nakakatuwang isipin ngunit nakakatakot ang katotohanang hindi ako ang prinsesang iyon.
Sa kabila ng naisip umuwi akong masaya sa amin.
Totoo nga ang sabi-sabi na kung sobrang saya mo,ang sayang naramdaman mo ay may kapalit na sakit na katapat nito.
Naabutan ko ang nanay sa sala ng kubo namin na nakahandusay at walang malay.
"Nay!"
111121
1456
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro