
Ikalabing Anim na Kabanata
Ikalabing Anim na Kabanata
Sakripisyo
Matapos akong kausapin ni senyorito Raiden ay lutang akong naglalakad sa pasilyo ng mansyon nila habang bitbit ang kontrata na pinirmahan ko kahapon at ang sinabi niyang hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa.
Hindi naman niya siguro pababayaan ang Nanay, kahit pa may kasungitan siya ay ramdam ko naman na tutupad siya sa pangako niyang tutuparin niya ang kasunduan namin.
"Cherry?"
Napapitlag ako nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Lina, may bitbit siyang mga makakapal na mga kumot. Hula ko ay papalitan na niya ang mga kumot sa mga kwarto rito sa mansiyon.
Nang hindi ako sumagot ay ikinaway niya ang kamay niya sa harapan ko dahilan para muntikan na niyang mabitawan ang hawak niyang mga kumot. Agad ko din naman siyang tinulungan at kinuha ang iba pa niyang dala para hindi na siya mahirapan.
"Okay ka lang ba Cherry?" Tumango naman ako sa kaniya. "Sigurado ka ba? Napapansin ko kasi na parati ka na lang tulala. Halos wala ka na sa sarili."
"Ano ka ba Lina, ayos lang ako. Iniisip ko lang ang Nanay." Hindi naman ako nagsuningaling sa parteng iyon dahil totoo naman, hindi ko na lang sasabihin ang isa pang dahilan nang pagkakatulala ko.
Tumango lang siya sa akin. Tinulungan ko si Lina na magpalit ng mga kumot sa mga kwarto maliban sa kwarto ni senyorito Raiden.
Mula no'ng dito na siya namalagi sa mansiyon ay hindi siya nagpapapasok ng kahit sino sa kwarto niya maliban sa inatasamg tagapaglinis rito. Kaya naman ang ginagawa ng ibang kawaksi ay nilalagay na lang nila sa harapan ng kwarto niya ang pamalit na kumot at punda ng unan, gano'n din ang mga nalabhan na niyang mga damit. Nakatupi at plantsado na ang mga iyon kaya siya na ang bahalang maglagay no'n sa cabinet niya.
Pagkatapos kong tulungan si Lina ay ginawa ko naman ang araw-araw ko nang ginagawa rito magmula no'ng dumating ang senyorito— ang maglinis ng kuwarto niya at tumulong sa ibang gawain dito. Si Lina ay katulong ni Manang Tesing sa pag-aasikaso sa ibang bagay at paghahatid ng mga miryenda sa iba pang mga trabahador.
Nilinis ko ng boung ingat ang mga muwebles sa sala dahil ayokong makasira lalo na't tingin ko'y ang halaga ng mga ito ay mas mahal pa sa isang buwan kong sweldo.
Pagkatapos ko sa sala ay sa ikalawang palapag naman ako naglinis. Gumamit ako ng vacuum para linisin ang mga carpet sa bawat kwarto na nandito, mabuti na lang at tinulungan ako ni Lina kung paano ito gamitin.
Dahan-dahan akong umupo sa gilid at napasandal ako sa dingding ng kwarto ng senyorito na nilinis ko ngayong araw, humihingal akong lumingon sa bintana ng kwarto.
Sinasayaw ang puting kurtina na nakasabit sa bintana ng hangin na galing sa labas. Nagsisimula nang dumilim ang langit kahit maaga pa lang. Nagbabadya ng bumuhos ang ulan anumang oras.
Pumikit muna ako ng ilang segundo para magpahinga. Hindi lamang ng katawan kundi pati na rin ng isip.
Naggising na lang ako sa malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko. Nang ilibot ko ang tingin ay madilim ang paligid at malakas ang buhos ng ulan sa labas.
Napabalikwas ako nang matantong nakahiga na ako sa kama kung saan ako naglilinis kanina. Dahil siguro sa pagod ay nakatulugan ko na ang paglilinis.
Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga ko sa malambot na kama at agad na lumabas ng kwarto. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si senyorito Raiden na nagkakape sa sala, habang may hawak na diyaryo.
Tanging sa sala na lang ang may ilaw at sa ibang bahagi ng mansiyon ay nakapatay ang ilaw.
Agad akong yumuko nang dumapo ang tingin niya sa akin. Natatakot ako baka nalaman niyang natulog ako sa oras ng trabaho.
"M-magandang gabi po sa inyo. Pasensya na—"
Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang pumunta sa harapan ko si Manang Tesing.
"Aba Cherry! Anong oras na? Saan ka ba galing bata ka? Kanina pa kita hinahanap! Akala ko ay kung saan ka na pumunta." Sunod-sunod na saad niya sa akin.
"Pasensya na po Manang, hindi ko po kasi namalayan ang oras."
"Naku! Paano ka na makakauwi gayong sobrang lakas ng ulan?"
Dahil sa sinabi niya ay bigla kong naalala ang Nanay. Dali-dali akong naglakad papalabas ng mansiyon, ni hindi ko na pinansin ang nagtatakang tingin ni Manang Tesing at ang nakakunot na noo ng senyorito.
Paano ko nga ba nakalimutan ang Nanay ko? Ang himbing ng tulog ko, pagkatapos ay ni hindi ko nga alam kung kamusta na ang Nanay ko sa kubo namin. Kung ayos lang ba siya at kung hindi ba siya nilalamig.
"Cherry! Saan ka pupunta? Sobrang lakas ng ulan at baka mabasa ka pa!" Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at agad na lumabas ng mansiyon at wala sa sariling nilusong ko ang ulan.
Agad na nabasa ang sout kong manipis na blusa, at nanunot ang lamig sa bou kong katawan. Narinig ko pang tinawag ako ni Manang Tesing pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Kailangan kong makauwi lalo na't nag-iisa lang si Nanay sa kubo namin. Mabilis pa naman siyang lamigin ngayon at ang malala pa ay may iniinda siyang sakit.
Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad ko nang bigla na lang may bumusina sa likuran ko. At kagaya no'ng nangyari no'ng— bumaba ang bintana ng kotse ni sir Killian. Hindi siya nakatingin sa akin pero nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
"I didn't know that you were this stupid." Ramdam ko ang galit niya, mas ramdam ko 'yon sa lamig na nagpapangatog ng mga tuhod ko.
Nang lumingon siya sa akin ay agad akong pumasok sa sasakyan niya kahit wala pa naman siyang sinasabi.
Pakiramdam ko kasi ay 'yon ang dapat kong gawin kung hindi ay malalagot ako.
"P-pasensya na," saad ko nang makitang tumutulo ang tubig mula sa katawan ko. Nabasa ang upuan ng sasakyan niya gano'n din ang carpet sa sahig nito.
Hindi siya nagsalita, lumingon siya sa likuran ng sasakyan niya at may kinuha mula roon. Nalaman kong tuwalya pala ang kinuha niya, nang walang imik niya itong inabot sa akin.
"S-salamat," mahina kong saad sa kaniya at binalot ang sarili gamit ang tuwalya. Amoy na amoy ko ang ginamit na sabon sa tuwalya, at sobrang bango no'n.
Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan, pinili kong tumingin sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang madilim na paligid at ang bawat pagpatak ng ulan sa salamin ng sasakyan niya.
"Nakapag-desisyon ka na?" Biglaang tanong niya, na nagpalingon sa akin. Nakatutok lang ang mga mata niya sa daan habang nagmamaneho.
"H-ha?"
"Tungkol doon sa inaalok ko sa'yo," sagot niya sa akin at saglit akong tiningnan pero agad ding ibinalik sa pagmamaneho ang atensyon.
"Uh, pwede niyo pa po ba akong bigyan ng kaunti pang panahon para makapag-isip?"
"Quit the 'po', Cherry," sagot niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kawalan ng ideya.
"Huwag mo na akong i-po, hindi naman ako gano'n ka tanda," paliwanag niya, tumango naman ako kahit na hindi niya naman makikita 'yon.
"Sige—" natigil ako nang muntikan ko nang sabihin ang po. Tumikhim ako bago nagsalita ulit. "S-sige..."
Hindi siya nagsalita pa, gano'n din ang ginawa ko hanggang sa dumating kami sa kubo namin. Mabuti na lang tumila na ang ulan nang dumating kami. Hindi pa man naitigil ni senyorito Raiden ang sasakyan niya, gusto ko nang bumaba.
Kinakabahan ako, hindi nakasindi ang ilaw sa loob ng kubo. Alas singko pa lang ng hapon ay nagsisindi na ng ilaw si Nanay, dahil madilim sa loob ng kubo. Pero ngayon, kahit katiting na ilaw ay wala.
Nang tumigil na ang sasakyan sa harapan ng kubo, ay mabilis akong lumabas sa sasakyan at agad na tumakbo.
"Nay?!" Tawag ko kay Nanay, pero hindi siya sumagot. Mas kinabahan pa ako, nang wala akong madatnan sa sala namin. Pumunta ako sa kwarto ngunit wala siya roon, gano'n din sa kusina.
"Nay?!" Tawag ko pa ulit at mas malakas na kaysa kanina. Pumunta ako sa likuran ng bahay, nanlumo ako nang makita ko si Nanay na nakahiga sa sahig at walang malay.
Agad ko siyang dinaluhan, inihiga ko ang ulo niya sa hita ko at mahinang tinapik sa mukha.
"Nay? Nay!" isa-isang tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Natataranta ako! Baka kung ano na ang mangyari sa Nanay ko.
Tatawag pa sana ako ng tulong nang biglang dumating si senyorito Raiden. Umupo siya sa harapan ko at maingat na binuhat si Nanay. Napatayo naman ako kaagad at pinahid ang mga luha ko.
"Dalhin natin siya sa hospital," saad niya. Tumango naman ako sa kaniya. Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod lang ako sa likuran niya.
Pinagmasdan ko si Nanay na buhat-buhat niya. Sobrang putla ng mukha niya.
Lumaban ka Nay.
052521
7:12
Edited:
111721
0836
A/N: Happy New Year from our family to yours! I hope that you have a great time with your love ones welcoming year 2022!
This will be the last update this year! See you often next year! Lovelots and keep safe always! 🧡
Ps. I would love to read a message from you.
https://secretm.me/message.php?id=wye06qwt
Love,
Tine🧡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro