Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

ELOISE VENTURA

From: Unknown Number
Hi babe. Left early for a meeting. I'll see you tonight :)

From: Unknown Number
Text me kapag gising ka na. Pls order some breakfast.

From: Unknown Number
Thanks for last night—and this morning :D Maya ulit ha.

Napailing nalang ako at pilit na nagpipigil ng ngiti sa mga patibong ni Russell. Alam kong siya agad ito dahil sa mga nakalagay sa text, pero ipinagtaka ko talaga kung paano niya nakuha 'yung number ko. Wala naman akong maalala na binigay ko sakanya 'yon.

Sinunod ko ang sinabi niyang mag-order ng breakfast. Hindi ko alam pero mas ganado akong kumain. Dahil na rin siguro sa pagod ko sa mga ginawa naming dalawa. Masakit din ang buong katawan ko, lalo na sa mga hita ko, pero siguro naman ay kaya kong indain 'yon. Alam kong may mga babaeng nilalagnat pagkatapos makipagtalik ng unang beses, pero sana ay hindi ako ganon. May trabaho pa naman ako...

From: Janine
San room mo ate? Patapos na ako sa work.

Kinagat ko ang tinapay na kinakain ko bago nagtipa.

To: Janine
Kita nalang tayo sa lobby. Hintayin kita don.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya kung magtanong man siya ng masinsinan. Close kami ni Janine, pero masyado pang presko ang nangyari para sabihin ko agad. Ayoko rin namang isipin ni Janine na p'wede na rin niyang gawin ang kagagawa ko lang.

Pagkatapos kumain, naligo na ako. Napapangiwi ako sa kada lakad ko, pero kailangan kong tiisin. Tiyak na maraming tao ngayon sa ospital at busy dahil nga sa bagyo. Mahihirapan sila kung magko-call out pa ako.

Suot ang kulay asul na scrubs ko, bumaba na ako. Ilang minuto lang din akong naghintay kay Janine bago siya lumabas mula sa crew room. Kita ko agad ang pagod sa mga mata niya kaya agad ko siyang inakbayan.

"Busy ba masyado kagabi?"

Humilig siya sa bintana ng sasakyan at tumango. Nakapikit siya habang nagsasalita. "Lalo na't andon 'yung isang investor ng hotel, ate. Kasama din daw ang mga kaibigan niya."

"Oh? Sino naman?"

"Dylan Cortez daw 'yung investor na andito. Ubos ang mga presidential suites sakanila. 'Yung ibang kasamahan nga niya sa regular suites lang, e."

Bigla ay napunta sa isip ko ang mga kasamahan ni Russell kagabi. Sa pananamit palang kasi ay mukha na silang mayayaman. Sigurado akong isa doon ang tinutukoy ni Janine na investor ng hotel nila.

Nang makarating kami sa bahay, bumati ako kay mama at papa pero nagpaalam na aalis rin agad. Sigurado akong madaming tao sa ospital ngayon.

"Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo, 'nak," sabi ni papa habang may inaayos na kagamitan na naman. May repair shop kasi siya at kumikita rin 'yon ng mabuti para sa'min.

"Ayos lang, pa. Day off ko naman na bukas."

"Day off pero dito ka lang din sa bahay," komento ni mama at napailing. Pinunasan niya ang pawis ni papa gamit ang dala niyang bimpo kaya napangiti ako. "Kaya hindi ka magkaka-jowa niyan, 'nak. Kung hindi trabaho, itong bahay naman ang inaatupag mo."

Wala sa sariling namula ako nang biglang mapasa-isip ko si Russell at ang nangyari kagabi tapos ngayong umaga. Nakakahiyang 'yon ang iniisip ko sa harapan ng mga magulang ko kaya pilit kong kumakalma. Hindi makakatulong kung mamula ako ng husto.

"H-hindi na muna, ma. Tsaka na. Kapag, ano, may nahanap na akong natitpuhan ko," utal na sabi ko habang iniisip parin si Russell at ang matipuno niyang pangangatawan.

Umiling si mama sa'kin. "Kung bakit ba kasi hindi mo pinagbigyan 'yung anak ni Rommel? Eh, maayos naman ang trabaho at mabuti siyang bata. Hindi kagwapuhan, pero hindi naman siya pangit, ano, mahal?"

Tumango si papa bilang pagsang-ayon pero sumimangot rin. "Hayaan mo 'yang si Eloise. Mabuti nga't ayaw pang mag-asawa. Dito na muna siya sa'tin."

"Tatandang dalaga 'yan, naku!" Binigyan ako ni mama ng seryosong tingin. "Hindi ka na bumabata, Eloise. Kailangan mo ring isipin ang sarili mo. Hindi naman p'wedeng kayod ka ng kayod at hinahayaan na ang buhay mo. Aba! Bente-uno ka na pero ni hindi ka pa nagpapaligaw ni minsan! Sinasayang mo naman ang gandang regalo namin sa'yo, 'nak!"

Natawa nalang ako sa lintanya ni mama at nagpaalam na. Bata pa ako kung tutuusin para sa mga sinasabi ni mama, pero para kasi sakanya ay nasa tamang edad na ako para makapag-asawa. Pero ang dami niyang sinasabi, alam kong sabik lang naman siyang magka-apo dahil malaki na kami ni Janine pareho.

Madami ngang tao sa ospital nang makadating ako. Napa-aga pa ako sa pag-clock in dahil kulang na naman kami ng mga nurses. May mga hindi rin daw pumasok dahil na-stranded sila sa kabilang bayan kung saan may konting baha.

"Eloise, doon ka na muna sa ER. Kulang sila doon," sabi ng nurse manager sa floor kaya sumunod ako.

Sa sobrang dami ng tao, matagal din bago kami nakapag-break. Alas-ocho akong pumasok pero tsaka lang ako nakakuha ng pahinga nang mag-alas dos na. Pagod na umupo ako sa isang couch ng employee's area namin habang pinapainit ang pabaon ni mama.

Wala sa sariling napatingin ako sa phone ko at napangiti nang makitang may mga text galing kay Russell. Akala ko kasi ay pagkatapos ng mangyari, hindi na niya ako kakausapin. Natanggap ko na 'yon kagabi, pero iba rin pala ang saya ko ngayong hindi niya ako basta-bastang ini-snob.

From: Russell
Hey baby. San ka?

From: Russell
Naglunch ka na ba? Sabay tayo!

From: Russell
Daming tao dito sa ospital. You OK?

Napahagikhik ako nang mapagtantong may pagka-clingy siya. Tumawag din kasi ng dalawang beses sa pagitan ng bawat text niya.

To: Russell
Hi :) Maglu-lunch palang ako at maayos naman. Ikaw?

From: Russell
All good. Nasa ospital ako. Nasaan ka?

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Andito siya? Bakit? May nangyari ba sakanya?

Ibang klaseng kaba ang bumalot sa'kin at napaupo ako ng tuwid. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagtitpa.

To: Russell
Bakit ka andito? Anong nangyari sayo?

From: Russell
Chill! Bumibisita lang. Inspection.

Nakahinga ako ng maluwag. OA ko din minsan!

Patuloy lang ang usapan namin habang kumakain ako. Kaso nang patapos na ang break ko ay malungkot akong nagpaalam sakanya. Nae-enjoy ko kasi ang makausap siya. Malandi siya, pero matino rin namang kausap kahit papano.

From: Russell
OK. I'll see you after your shift :D

Napabuntong-hininga ako at bumalik na sa trabaho. Iba talaga ang pakiramdam ko sakanya. Ni hindi ko pa ito naramdaman sa tanang ng buhay ko. Ito 'yung hinahanap ko sa lahat ng lalaking nagsusubok na manligaw o sa bawat reto ni mama sa'kin.

At sa lahat ng lalaki sa mundo, sa isang mayaman pa ako nakaramdam ng ganito. Sana lang ay hindi ito one-sided.

Alas-nuebe ng gabi na ako nakapag-clock out. Pagod na dumiretso ako sa kotse ko at naisipang umuwi na muna. Alam kong gustong makipag-kita ni Russell ngayong gabi, pero masyado ata akong pagod mula sa trabaho. Idagdag pa ang nananakit na pagkababae ko at gusto ko na lamang magpahinga.

From: Russell
Aww. Pagaling ka :( Di na tayo magkikita?

To: Russell
Pwede namang bukas nalang.

Sakto dahil day off ko bukas. P'wede ko siyang samahan buong araw kung 'yun ang gusto niya.

From: Russell
Can't baby girl. Uuwi na ako bukas sa Manila.

Taga-Maynila siya?

Bumagsak ang mga balikat ko. Sana pala nakipagkita nalang ako sakanya ngayong gabi. Bukas naman ay p'wede akong magpahinga ng lubusan.

At aalis siya? Hindi siya taga-rito! Ibig sabihin ay malabo.

From: Russell
Di ko alam kung kailan ako ulit babalik. Pero magkikita pa tayo :)

Napangiti nalang ako sa text niya at pilit na hindi pinapansin ang pagkirot ng dibdib ko. Sigurado akong pagbalik niya doon ay makakalimutan din niya ako.

Ano ba naman ang laban ko sa mga naggagandahan kababaihan sa Maynila?

Sigurado din akong puros mayayaman ang mga nakakasalamuha niyang babae doon at maayos manamit, hindi tulad ko na karamihan ay puro scrubs nalang dahil lagi akong nagt-trabaho.

Pinikit ko ang mga mata ko at nanaginip nalang ng imposible. Na tunay ngang hindi ako makakalimutan ni Russell at totoong babalikan niya ako dito sa probinsya.

Nagdaan ang mga linggo at hindi parin tumitigil si Russell sa pagte-text sa'kin. Nai-impressed ako dahil parang kahit papano ay hindi niya ako bigla-bigla nalang tinataboy. Sa bawat araw na naguusap kami ay parang mas lalong lumalaki ang takot sa dibdib ko na mawawala nalang siya na parang bula.

Sobrang naging busy din ang ospital na para bang wala na akong pahinga. Lagi na akong pagod at kahit ilang beses akong kumain ay gutom na gutom parin ako. Para bang ayaw mabusog ng katawan ko.

"Ate, kumakain ka na naman?" gulat na bungad ni Janine sa'kin. Nakita kong handa na siya para magtrabaho at nakitang alas-cinco palang. Masyadong maaga.

"Aalis ka na? Ang aga naman ata?"

Tumatango siya at sinabayan na ako sa hapag. Nalilito parin niya akong tinitignan pero hindi ko na siya masyadong pinapansin. Masyado akong pagod nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho kaya hindi na dapat nakakapagtaka kung malakas akong kumain.

"Hindi ka pa tapos?" tanong ni Janine nang kukuha na naman ako ng kanin.

Ngumuso na ako sakanya. "Nakakatampo ka na, Janine ha. Jina-judge mo masyado ang pagkain ko!"

"Eh, sa hindi ka naman kasi ganyan kalakas kumain noon, ate! Anyare? Kung kumain ka para kang nagdadalang-tao!"

Sa sinabi niya ay bigla akong natigilan. Umakto ako na parang hindi apektado sa sinabi niya at konti na lamang ang kinuha na pagkain. Si Janine naman ay natatawa parin sa sariling joke. Kinagat ko nalang ang labi ko at pilit na binabago ang usapan.

Nang saluhan kami nina mama at papa, pinigilan ko ang sarili ko na kumain muli. Pinagdiskitahan ko na lamang ang mansanas na nasa hapag din. Kanina ko pa kinakagat-kagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin kung malaman ko ngang meron akong dinadalang-tao.

"Mauna na po ako," paalam ni Janine at agad ko siyang pinigilan. "Bakit, ate?"

"Ihahatid na kita. Tara na."

Nang maihatid ko siya ay napatitig na muna ako sa hotel. Kailan ba kami nagkita? Ilang linggo na ba ang nagdaan? Magiisang buwan na ba?

Jusmiyo! Isang gabi lang ang binigay ko sa sarili ko, pero masyado naman atang magaling si Russell? Nakascore na nga siya, nag-iwan pa siya ng remembrance!

Dumiretso ako sa isang pharmacy para bumili ng ilang pregnancy tests. Napabuntong-hininga na lamang ako nang tignan ako ng babaeng nagtitinda. Judgmental mo naman masyado, ate!

Tinago ko 'yon sa bag ko at napatingin sa phone ko. May text na naman doon si Russell pero hindi ko magawang magreply. Hindi ko p'wedeng sabihin kay mama at papa muna ito. Tiyak na masyadong matutuwa si mama. At anong sasabihin ko kay papa? Siguradong magtatanong siya tungkol sa ama!

At si Russell! Ano'ng sasabihin ko sakanya, kung sakali mang buntis nga ako?

Hindi pa niya ako pinagtatabuyan at pansin ko ang pagiging sabik niya sa akin, pero ano naman ang gagawin niya kung totoo ito? Ibang usapan parin ang pagkakaroon ng anak. Lalo na't hindi naman naming lubusang kilala ang isa't isa.

Nang makauwi ako, naglalambingan sina mama at papa sa sala kaya hindi nila ako agad na napansin. Kinagat ko ang labi ko at naisip na kung sakali man na buntis ako, possible bang maibigay ko sa magiging anak ko ang isang buong pamilya? Matatanggap ba ni Russell?

"Oh, Eloise! Natagalan ka ata?" bati ni papa at tinapik ang tabi niya.

Dahan-dahan akong tumabi sakanya at yumakap sakanila ni mama. "May dinaanan lang, mama..."

Hinaplos ni mama ang noo ko. "Okay ka lang ba, anak? Nitong mga nakaraang araw parang masyado kang pagod. Hindi maganda na trabaho ka ng trabaho tapos walang pahinga ha."

"Hindi naman po, mama. Maayos lang naman."

Umiling si mama na para bang iritado. "Ikaw na bata ka. Sige, magtrabaho ka lang at habang buhay ka nang NBSB! Buti pa si Janine at nagkaka-crush! Kuu! Tatandang dalaga 'tong anak mo," lintanya ni mama at kinurot sa tagiliran si papa.

Ngumiwi si papa at nilayo ang mga nangungurot na daliri ni mama sakanya. Natatawa ako habang pinapanood silang nagaasaran. Pero kahit na ano man ang ginagawang pangungulit ni mama ay natatawa lamang si papa sa ginagawa niya.

"Matulog ka na doon, Eloise, at maaga ka pa bukas," sabi ni mama. Hinaplos niya ng isang beses ang noo ko habang nakasimangot. "Maputla ka na, anak. Sigurado ka bang wala kang sakit?"

Tipid na ngumiti ako, tinatago ang kaba na bumabalot sa buong pagkatao ko. "Ayos lang ang lahat, mama. Mahal ko po kayo..."

"Mahal na mahal din kita, Eloise. Kami ng papa mo ha..."

Nakatitig lang ako sa pregnancy kit box na binili ko. Hindi ko alam kung kalian ko ito gagawin. Siguro kung may lakas na ako ng loob. Hindi na muna ngayon.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may iilang mensahe galing kay Russell. Simula nang ihatid ko si Janine ay hindi ko pa binubuksan ang mga text niya. Ngayon pa lang.

From: Russell
Oh? Kakatapos ko lang sa work. Ikaw?

From: Russell
Hey... nakuha mo ba text ko?

From: Russell
Babe, you OK? Text me when you have time.

From: GLOBE
Congratulations! You received P500 worth of load from...

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya? Akala niya wala akong load?

Napaupo ako at natatawang nagreply na sakanya. Hindi ko talaga kung normal ba itong si Russell, pero minsan ay napapansing kong mag pagka-clingy talaga siya.

To: Russell
Bakit mo ako binigyan ng load!! Nakaunli ako!!

Agaran ang pag-reply niya kaya mas natawa ako.

From: Russell
Hindi ka kasi nagrereply. It's been hours baby. Anong ginawa mo hm?

Nag-iinit ang mga mata ko dahil sa kaba at saya. Pinapasaya niya ako. Sa konting panahon na magkakilala kami ay napapasaya niya ako ng sobra. Hindi ko alam na p'wede pala ang ganito... Mukhang tama nga sila, wala 'yon sa panahon. Nasa intensidad 'yon ng emosyon.

Russell calling...

Ni-lock ko muna ang pinto bago ako nagtaklubong sa kumot. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya.

"Hi, babe..." malanding bati niya.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi masyadong marinig ang tawa ko. Ang landi talaga niya, kahit sa telepono lamang!

"Nasaan ka, Rus?" mahinang balik ko. Sinisimulan ko nang kagat-kagatin ang dulo ng unan ko para 'di masyadong mangiti.

Malalim siyang huminga. "Family house. Kakatapos lang ng dinner namin.. Ikaw?"

"Patulog na sana..."

"Pero tumawag ako?" mapang-asar niyang tanong at hindi ako sumagot. Napapangiti talaga ako tuwing nangungulit siya.

"Hindi naman. 'Di pa ako inaantok masyado."

Nagsimula siyang magkwento tungkol sa araw niya at nakapikit lamang ako habang nakikinig. Wala sa sarili napunta ang mga daliri ko sa tyan ko at sinimulan kong haplusin 'yon. Kung tunay mang buntis ako, tatanggapin ko 'yon bilang isang regalo mula sa Maykapal. Alam kong hindi naman Niya ako bibigyan ng regalo na hindi ako karapat-dapat na tanggapin.

"I'll see you soon, Eloise, and I can't wait," mahinahon niyang sabi, inaantok na rin ang tono.

Napangiti ako habang nakapikit parin. Gagawin ko na ang test bago siya dumating dito. Isang linggo pa 'yan...

"Ako rin, Russell..."

Malademonyo siyang tumawa na naman. "Fuck this. I'm renting the presidential suite this time, yeah?"

Namula ako sa sinabi niya. Naalala ko ang isang  gabing pinagsamahan namin. Kinagat ko ang labi ko at pinagdiskitahan ito nang mapunta sa isip ko kung paano niya inangkin ang katawan ko. Ang mga kamay niya sa balat ko na sinusundan ng haplos ng kanyang mga labi...

Shit! Mauulit 'yon? Kung oo, mabubuntis na talaga ako kung hindi man ngayon!

Malandi, Eloise! Hinay-hinay hoy!

"Rus naman! Hindi ako makakapag-day off. Masyadong last minute..."

"Madali na 'yon. I can't wait to have you again, babe."

"Wala ka talagang filter, ano? Paano nalang sa mga bata?"

Shit! Bakit ko nasabi 'yon?? Bakit ko 'yon sinabi!!!

"I behave in front of kids, Eloise. But not to you.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro