Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

CLAIRE

"Oh my god, nandito siya!" Bulong ko sa aking sarili habang itinatago ang aking mukha sa isang lalaking nakasuot ng muscle shirt. Siya kasi yung nabunggo ko kanina tapos natapunan ko ng kape ang damit niya. Shit.

Anong gagawin ko? Halos nakatingin na ang mga tao sa kaniya nung kumatok siya.

"Uhmmm, ito po ba yung session for the patients po?" nadinig ko dito sa aking kinauupuan ang sinabi ng lalaki.

"Yes, you're just two-minutes late." saad ng babaeng nasa unahan at nakangiti. "Please find your comfortable seat and we will continue our session for today. Uhmm Wait, why are you wearing a muscle shirt? We have proper attire here." concern ng babae.

Nagtama ang tingin namin ng lalaki at iniwas ko na lamang ang pagtingin, nakakahiya talaga. Ako kasi yung may kasalanan kung bakit siya nakasuot ng ganoon ngayon.

"Ano po kasi... Nadumihan po yung damit ko." paliwanag ng lalaki na halatang nahihiya.

"May time ka pa ba para makabalik and change?" tanong muli ng speaker. Gosh! My fault talaga, kinakabahan at at the same time nahihiya at naaawa sa kaniya. What should I do?

Bago pa makapagsalita ay buong tapang akong tumayo at tinawag ang speaker.

"Uhmmm, Mam..." kinakabahan kong sinabi at hinawi sandali ang aking buhok na humaharang sa mukha ko. "Ipapahiram ko nalang po itong jacket na suot ko po... Just to cover up lang po." nahihiya kong sinabi at hinubad ang jacket. Pinagpapawisan ako kahit naka-aircon.

Lumapit ako sa lalaki at iniabot ang jacket, nakita ko ang maputi niyang braso na malaman at may magandang biceps. Shit, ang gwapo pala sa malapitan. Nagbihis siya sa labas at tinitignan ako habang isinusuot ang jacket.

"Anong tinitingnan mo?" mahangin niyang sinabi at parang may halong inis dahil namukhaan niya ako.

"Ahh Ano kasi, hinihintay kitang matapos para makapasok ka na sa loob." paliwanag ko. Napakagat ako ng labi dahil nahihiya at naiintimidate ako sa kaniya.

"Pumasok ka na, kaya ko na." Saad niya at may kung anong tumulak sa akin para maglakad papunta sa loob.

Bumalik ako sa aking kinauupuan at nakita ko siyang nakasunod na sa akin at tumabi sa upuan ko. Grabe naman, jusko kinakabahan ako.

"By the way, my name is Jennifer Se and later on magpapakilala kayo sa unahan at sasabihin niyo sa aming lahat kung anong mga nakaraan niyo and yung naging journey niyo noong naadmit kayo sa ospital." sinabi niya at ngumiti. Binuksan niya ang kaniyang laptop at may pinindot upang may lumabas sa screen na nasa whiteboard sa unahan.

Napapatingin ako sa gwapong nasa tabi ko dahil parang napakaseryoso at napakamisteryoso niyang tignan. Halatang may pinagdadaanan. Hayaan na, baka naninibago lang.

Ilang sandali pa ay may pinakita siyang video sa amin ng mga past batches ng sessions at ilang mga pasyente na successful na nakarecover.

"So ngayon, as you can see sa video, ito yung mga nakaraang batches na sinundan niyo at way back seven years ago." sinabi ng babae. "Most of them ay coma patients and mga cancer survivor."

Naalala ko tuloy yung araw na muntikan na akong mamatay dahil sa brain tumor. Mabuti nalang na dahil sa surgery at sa halos one year na gamot at check-ups, nanumbalik yung dati kong gana sa lahat. Kaso maraming naapektuhan, my studies, lahat pati yung mga magulang ko. Bumagsak yung ratings ng business nila because nagkaroon ng conflict between handling and taking care of me.

"Karamihan sa mga patients ay nagkaroon ng tinatawag na depression, anxiety, and many more mental stress." paliwanag niya habang naglalakad sa unahan. "Most of them felt na wala ng bukas, na wala ng magandang future na naghihintay sa kanila because nawawalan na sila ng pagasa." dagdag niya.

Ang dami dami kong narealized noong halos mabagot ako sa ospital noon. Ganoon pala yung feeling na tinalikuran ka ng lahat.

Kanina ko pang gustong alamin ang pangalan nitong lalaking nasa tabi ko habang isinusulat niya lahat ng narinig niya sa babae. Para kasi akong nakaramdam ng something s kaniya nung nakita ko siya, not attraction or affection pero nacurious ako sa kung anong tinatago niya sa kalooblooban ng damdamin niya.

Wala akong nagawa kundi pumilas ng isang papel at isulat ang mga salitang, 'Anong name mo?'. Inabot ko sa kaniya iyon at halata ang pagtataka niya sa ginawa ko.

Ilang sandali pa ay hinintay kong ibalik niya sa akin ang papel at nang ibalik niya ito ay agad kong binuklat at binasa.

"Bakit?" nakalagay sa papel at napabuntong hininga ako. Ayaw pa talagang magpakilala nitong mokong na 'to. Kung hindi ko lang kasalanan yung nabangga kita kanina baka hindi kita pinapansin hanggang ngayon.

"Ask ko lang, we will be together throughout the session diba? It is good to know your name." maliliit kong inilagay at ibinalik muli sa kaniya.

"Sean. Yours?" nakita ko ang papel na ibinalik niya.

Gosh ang cute ng pangalan pero hindi pa talaga sinabi ang apelyido. Medyo madamot pala ito, bahala ka diyan. Inilagay ko sa papel ang "Claire Ramos." Ibinigay ko muli sa kaniya at hindi na niya ibinalik sa akin ang papel.

Nagpatuloy kami sa pakikinig sa speaker na si Mam Jen at nagtatake down notes na din ako. Para naman may saysay yung session na ito sa akin.

"Pagkatapos ng video, may magiging activity tayo okay?" Saad niya at sumang-ayon ang lahat.

Ilang sandali matapos ang video ay iniutos niyang ipalibot sa room ang mga table para naman mas malaki ang space namin.

"Find a Partner."

Napalingon ako sa speaker at nakaramdam ng hiya. Find a partner agad? Hindi pa masyadong nagsastart ang session. Inilinga linga ko ang aking tingin habang pinapanood ang paligid na tila ba nakakahanap na ang bawat isa ng partner. Nakita kong nakatayo din si Sean sa gilid at naghahanap ng kapartner. Nilapitan ko siya at kinausap.

"May kapartner ka na?" Nauutal kong sinabi.

"Yes. Wala siya dito ngayon." malamig niyang sinabi at nakatingin siya sa malayo at para bang may hinahanap.

"I mean, sa activity natin ngayon, dito sa session? Meron na ba?" bawi ko. Jusko, ganito ba kahirap kausapin itong taong ito. Taragis, kung hindi ko lang talaga kailangan ng kapartner, iindiyanin ko na 'to.

"Wala pa." tipid niyang sagot.

"Ahhh ganun ba? Pwedeng duo na lang tayo?" tinapangan ko ang aking sarili para masabi iyon. "If you want lang naman." bulong ko.

"Wala na naman akong ibang makakapartner, tayo nalang ang naiwan." saad niya kaya naman inassume kong kami na ang magkapartner sa ngayon.

"Face your partner." malakas na sinabi ni Mam Jen. Humarap ako nang dahan daham kay Sean at nakita kong ang tangkad niya pala. Nakatingala ako ngayon sa kaniya at kitang kita ko ang matangos niyang ilong pati na rin ang kaputian niya. Shit, my weakness.

"Hold each other's hands and close your eyes." saad niya at ginawa namn namin. Sumisilip padin ako nang bahagya uoang alamin kung nakapikit nga ba siya o hindi.

"Kapag sinabi kong inhale, magiinhale, kapag sinabi kong exhale, you need to follow." sinabi niya at nireserve ko ang hinga ko.

"Inhale!"

Huminga ako nang malalim at kaya ko pa naman yung tagal ng paghinga.

"Exhale!"

Ginawa naman ng lahat at ipinamulat na niya ang mga mata namin.

"Please tell to your partner ang naramdaman niyong connection while closing your eyes." sinabi niya at nahiya naman ulit ako. Session ba ito o camping?

"You first." sinabi niya at nawala naman ako sa aking iniisip. Shit, ako daw ang first, sandali lang.

"Ano, yung connection? Uhmm ano... " Nauutal kong sinabi. My god, kinakabahan ako. "Medyo malamig at pasmado yung kamay mo." agad kong nasabi at nakita kong binitawan niya ang aking kamay. Shit, may mali ata sa sinabi ko.

"Naku, pasensya, wag ka sanang maoffend, sorry sa sinabi ko... sorry." pagpapaumanhin ko at naramdaman kong nailang siya sa akin.

"My turn." saad niya at nakinig naman ako. " Bigla akong nakaramdam ng ibang energy nung hinawakan kita, I don't know if maganda ba yon o hindi." paliwanag niya at tumigil sa pagsasalita.

Natahimik kami parehas at napatingin kami sa speaker. Hinihintay ang susunod na ipapagawa.

"Next niyong gawin ay umupo sa sahig na nakaindian seat. Hold hands again and give three words to describe the person in front of you."

Ginawa namin at pusa naman talaga, camping retreat yung pinuntahan ko hindi session. Nakakailang na sa kapartner, naoffend ko yata.

"Ikaw naman ang mauna." sinabi ko at habang nagiisip siya ng sasabihin. Ipinunas naman niya sa kaniyang pantalon ang kamay at saka humawak sa aking kamay. Medyo okay na yung texture.

"Girl. Human. Speaking." sinabi niya. Oh my god, malamang, natural lang na makita mo yun sa akin. Bakit mukha ba akong tomboy sa paningin mo? Hindi ko naman masisi kasi tama naman talaga.

"Ako naman... Ano... Matangkad, Maputi, Gwapo."

SHUTANGMAMA! Nasabi ko iyon ng dirediretso my god!

"I mean, Matangkad, Maputi, Silent." bawi ko at napapikit. Jusko, Claire, iwasan ang kalandian, iwan mo sa bahay. It seems na hindi naman niya narinig kaya okay lang.

"What do you mean silent?" tanong niya.

"Kanina ka pa kasing tahimik nung pumasok ka, akala ko nga nung una na hindi ka talaga nakakapagsalita." saad ko kahit hindi ko alam yung mga nasabi ko.

Napangiwi nalang ako at nanahimik.

Ilang sandali pa ay pinabalik na kami aa dati naming pwesto at pinag-ayos ng gamit. Masyado akong napressure sa mga nangyayari kaya naman uminom muna ako ng tubig bago ako umupo.

"Yung naging partner niyo this day, will be your partner until we finished the one-month session, maliwanag ba iyon?" sinabi ng speaker at nanlaki naman ang aking mga mata.

Napa-lip-bite na lamang ako nang malaman ko iyon. Isang buwan akong maiilang at mapepressure sa kaniya grabe!

Hindi ko pa nga alam yung buong pangalan nitong si Sean tapos makakasama ko pa siya ng sobrang tagal! Nakakahiya. Ang pangit siguro ng first impression niya sa akin.

Ibinalik ko nalang ang tubig sa bag ko at nakinig sa session ni Mam Jen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro