Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/7/ Poblacion

CHAPTER SEVEN:
Poblacion

ASH

"Saan ka nga ulit nakatira?" ani ni Arthur habang siya ay nagaayos na ng bag dahil awasan na.

"Hindi ko alam eh, 5 years ago palang yung bahay namin doon." paliwanag ko. Namomroblema ako kung saan ako makikituloy ngayon.

"Gusto mo sa amin ka muna? Ako lamg naman ang tao doon." alok niya at ako naman ay napatigil dahil sa sinabi niya.

"Sigurado ka? Nahihiya kasi ako, baka mamaya ako pa ang maging sanhi ng kalat ko doon." nahihiya kong paliwanag. Agad niyang sinara ang zipper ng bag at isinabit ito sa kaniyang balikat.

"Ash, tatanggi ka pa ba? Bahala ka, matutulog ka sa labas ngayon." banta niya. "Tsaka, mas makalat pa yung gamit ko doon." dagdag niya kaya naman sumangayon nalang ako sa sinabi niya.

Sabay kaming lumabas ng classroom at bumaba sa building na ito. Sa totoo lang, hindi ko na alam yung gagawin ko. Para kasing gusto na ng katawan ko na bumalik sa present kahit ako naman mismo, gusto pang manatili dito. Hanggang kailan kaya ako dito sa past? Baka kasi nag-aalala na si Mommy doon.

"Anong hinuhukay mo Ash?" napalinga ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Anong hukay? Naglalakad tayo ah." saad ko

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. Kanina ka pang tahimik." sinabi niya at nagdahandahan ng lakad.

"Ewan ko nga ba... Ang weird ng nararamdaman ko ngayon." paliwanag ko sa kaniya habang binabaybay namin ang hallway.

"Alam mo Ash, kung pakakawalan mo muna yung dinadala mo, sigurado akong hindi ka mag-aalala ng ganiyan." ani ni Arthur. "Kung naaalala mo yung Mommy mo, subukan mo munang huminga hinga." dagdag niya.

May point naman yung sinabi niya pero siguro kailangan ko din na huminga ng sobrang lalim para naman may mabawasan sa dinadala ko.

"Wala kasing kasiguraduhan kung makakabalik pa ako doon o hindi na eh." malungkot kong paliwanag.

"Ganito nalang..." Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kaniya. "Pumikit ka." utos niya at dahan dahan ko namang ipinikit ang aking mga mata. "Huminga ka nang malalim." sinunod ko naman ang kaniyang sinabi. "Tapos saka mo ilabas." agad naman akong nagexhale at iminulat ko na ang aking mga mata.

"Anong kinain mo bukod sa tanghalian natin kanina?" natatawa niyang biro. Itinulak ko siya ng marahan at naglakad ako ng diretso.

"Siraulo ka, akala ko pa naman importante yung gagawin mo sakin." sinasabi ko habang naglalakad. Pinipigilan ko nalamang din ang aking tawa.

"HOY!" sigaw niya at natatawa parin siya. "Hindi ba importante iyon?" saad niya habang sinasabayan ako ng lakad.

"Ewan ko sayo Arturo!" tugon ko at medyo binilisan pa ang aking lakad.

"Arthur iyon hindi ARTURO!" Dali dali din niyang binibilisan ang lakad niya. "Tsaka wag nading Arthur yung itawag mo sakin! Art nalang." dagdag niya.

Bigla kong binagalan ang lakad ko at dahan dahang napahinto nang makarating kami sa isang two-way na pathway dito.

"Ano, hindi mo alam kung saan ang exit 'no?" pangungutya niya at ako naman ay napapaisip kung saan dito.

"Alam ko 'to, huwag kang maingay diyan." Saad ko ngunit sa gitna ng katahimikan ay dinig kong biglang kumulo ang aking tiyan.

"Kapag nahulaan mo kung saan ang exit, kakain tayo sa isawan, at kapag hindi mo naman nahulaan, uuwi tayong gutom." Pangungumbinsi niya at ako naman ay napapatawa sa mga sinabi niya. Una kong tinahak ang pathway na may nakalagay na 'A' at bigla na kaagad akong humakbang.

"Sigurado ka sa pupuntahan mo?" nakakainis niyang tinanong. Talagang sinusubukan ako nitong lalaking ito, nakukuha pa talagang ngumiti!

Umatras ako ng kaunti at napagdesisyunang dito nalang sa 'B' maglakad.

"Sigurado ka na diyan?" agad naman niyang sinabi at ngayon ay mas lumawak ang ngiti sa kaniyang labi. Binibwisit talaga ako nito.

"Kapag ganireng ako'y gutom ay malilintikan ka sa akin Arturo!" pagbabanta ko.

Agad namang naglakad si Art papunta sa 'A' kaya naman agad ko siyang sinundan. Nang makalabas na kami ay nakita ko ang isang gate na malaki at ang isang pang lagusan sa kabila.

"Parehas lang naman ang labasan nung 'A' at 'B'." saad niya at napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ngayon ay natatawa siya at ako naman ay nakatindig lamang sa tabi niya. "Yung 'A' ay papunta sa Registrar at Admin Office, at yung 'B' naman ay Faculty at Principal's Office." paliwanag niya at ako ay nanahimik na lamang.

Sabay kaming nakalabas ng gate ng school at tumambad sa aking paningin ang isang kotseng kuba at ang mga sinaunang tindahan. May mga pedicab din akong nakita at ilang mga motor na magaganda pero pang 90's pa. Ang dami ding mga maliliit na jeep na dumadaan.

Hinawakan ni Art ang aking kamay at sabay kaming tumawid sa pedestrian lane. Medyo malamig ang kaniyang kamay kaya naman hindi ako naiilang na humawak sa kaniya. Ako pa nga ang nahihiya dahil aminado akong pasmado ako at baka mamaya ay magpawis na ako. Hindi padin niya tinatanggal ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa tapat nitong tindahan.

"Anong gusto mong bilhin? May betamax diyan, isaw, lugaw, barbeque, turon... Ano? May lumpia din diyan" alok niya habang pinagmamasdan ko ang lahat ng pagkaing sinabi niya.

"Ikaw ba, anong bibilhin mo diyan?" tugon ko dahil hindi ako makapagdesisyon, nahihiya na din ako kasi parang mauubusan na siya ng pera.

"Kung ano yung bibilhin mo, ayun na din yung sakin." Saad niya at ngumiti sa akin.

Gosh, bakit ganito? Nakikita ko lang yung ganitong scenario sa mga napapanood ko tapos nangyayari na. Kinakabahan na ako kasi unti unti ko nang nararamdaman na basa na yung kamay ko.

"Huwag kang kabahan, tinatanong lang kita, pinagpapawisan na yung kamay mo." hindi ko alam pero hindi ako makabitaw sa pagkakahawak niya kahit ramdam kong basa na yung kamay ko. "Kahit mabasa man iyan, hindi ako bibitaw hangga't hindi ka pumipili diyan." saad niya sabay turo sa tindahan.

"Lumpia sana kaso baka kulangin na yung pera---" Naputol ang aking sasabihin nang bigla siyang umimik.

"Ate dalawa pong lumpia..." saad niya at iniabot ang pera niya sa nagtitinda. "Padagdagan nalang po ng suka, salamat po." dagdag niya at agad naman kaming umupo doon sa bakanteng lamesa sa labas ng tindahan.

Nang makaupo kami ay sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya at mabuti nalamang at naalis ko.

"Ash, bakit mo inalis?" ani niya.

"Nakakahiya kasi, basa na tapos pinagtitinginan pa tayo nung mga tao..." paliwanag ko at pilit niyang inaabot yung kamay ko. Pilit ko ding inilalayo yung kamay ko para hindi nita makuha at mabuti na lamang at dumating na yung binili niyang lumpia. Nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya kahit mababaw lang yung dahilan.

"Anong gusto mong inumin natin?" alok niya at tumayo.

"Tubig nalang sakin." tugon ko sa kaniya. Agad naman siyang bumalik sa tindahan at bumibili ng maiinom namin.

Bakit ganoon? Ilang oras palang kaming nagkakausap nagkakasama pero feeling ko sobrang close na namin sa isa't isa. Pinagmamasdan ko siya sa malayo at kitang kita ko na matangkad siya at payat. Kung ikukumpara siya sa akin, masasabi kong mananalo siya, I swear. Siguro marami ding nagkakagusto sa kaniya, kahit fair lang ang kulay ng balat niya, I can guarantee na bagay sa kaniya yung skin tone niya. Ang cute lang din nung buhok niya kasi kapag naglalakad siya at kapag humahangin ay sobrang gumagalaw to at tumatalbog.

Nang makabalik siya daladala ang isang bottled water at isang bote ng softdrinks, tinanong ko siya kaagad.

"Eto Art, random question lang... Anong shampoo mo?" tanong ko habang inaayos niya ang lamesa.

"Bakit mo naman natanong? Mukha na bang binaluga yung buhok ko?" tanong niya.

"Tanong lang, ang ganda kasi ng buhok mo." dagdag ko.

"Wala naman akong ginagamit, pinapadaloy ko lang yung hose sa alulod namin." pabiro niyang sinabi at ngayon ay tawa na naman siya nang tawa.

Ang hilig talaga mantrip nitong si Art, hindi ko alam kung mabibwisit ako o matatawa na din kasi nakakahawa din talaga yung tawa niya.

"Biro lang, baka seryosohin mo na naman kasi." pangontra niya at ako naman ay patuloy sa pagkain ng lumpia.

-----

"Maiba lang ako Ash, sure ka bang gusto mong sumali sa paligsahan na nakita natin kanina?" seryoso niyang itinanong.

"Oo naman, para naman maging memorable din yung pananatili ko dito." tugon ko at nakita ko naman siyang ngumiti.

"Nagiisip na kasi ako ng pwede nating gawin para sa obra at tula. Balak ko sanang ihalintulad yung panahon ngayon at yung panahon sa lugar niyo. Parang Past and future lang." paliwanag niya. Napapaisip naman din ako sa kung anong maaari kong macontribute sa gagawin namin.

"What if, itong Poblacion ang maging painting mo then ako na bahala sa itutula." suhestyon ko at agad naman siyang sumangayon.

"Subukan mo ding tandaan yung lugar sa inyo tapos ipaliwanag mo sakin ang mga detalye. Pagsasamahin ko yung ideya nating dalawa." positibo niyang sinabi.

"Anong magiging title ng obra at tula natin?" tanong ko.

"Mamaya na nating pagusapan kapag nasa bahay na tayo. Sigurado akong mas makakapagisip tayong dalawa doon." mungkahi niya at ibinalik na namin ang pinagkainan sa tindahan.

Binagalan muna namin ang aming lakad dahil parehas kaming nabusog sa aming kinain, napagdesisyunan na din ni Art na bumili ng panghapunan naming dalawa para hindi na siya lalabas mamayang gabi.

Maya-maya pa ay unti unti ko na namang naririnig ng malakas ang relong nasa kamay ko. Bumilis na naman ang takbo ng puso ko at kinakabahan na naman ako. Sobrang hindi ko alam kung bakit nangyayari ito.

"Ash, may problema ba?" nagaalalang tanong niya.

"Yung relo ulit." tipid kong sagot. Huminto muna kami saglit at inalalayan ako ni Art. Nakaakbay siya sa akin ngayon incase na matumba ako.

Dahan dahan namang humina ang tunog ng relo at unti unti naman akong kumakalma. Ang hirap pala, para akong unti unting nanghihina sa tuwing maririnig ko yung relo.

"Art, hindi mo ba naririnig iyon?"
"Sorry hindi eh." sagot niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at sakto namang malapit na kami sa bahay niya.

"Pagpasensyahan mo na yung bahay ha, makalat sa loob kasi may tinatapos pa akong painting." nahihiya niyang sinabi pero sinabi ko nalang na okay lang kasi ako naman yung bisita at dapat ako yung magadjust sa environment, hindi misamo yung bahay.

Nang makarating kami sa tapat nito ay nakikita kong may kalumaan ang bahay ngunit nasa maayos pa naman ang kalagayan. Feeling ko nga mas malaki pa itong bahay ni Art kaysa sa amin. Tsaka mukhang mahangin at maaliwalas ito.

"Ipasok mo nalang yung tsinelas mo ha." saad niya at sabay na kaming pumasok sa loob.

END OF CHAPTER SEVEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro