Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/5/ Art Gallery

CHAPTER FIVE:
Art Gallery

ASH

"Sorry nga pala sa nangyari kanina, alam ko namang hindi mo gustong magsinungaling." saad ko habang nagpapaikot ng spaghetti sa kaniyang tinidor. "Ganoon ba talaga katapang nung teacher mo?" tanong ko.

"Uhmmm, hindi naman araw-araw siyang ganon..." ani niya. "Natiyempuhan lang siguro tayong dalawa." dagdag niya.

Habang kumakain padin siya, napapatingin naman ako sa relo niya at sa relong suot ko, sobrang magkaparehas talaga. Ang medyo pinagkaiba nga lang ay mas mukhang bago pa yung sa kaniya at yung nasa akin naman ay medyo may gasgas na.

Pinagmamasdan ko siya sa kaniyang pagkain dahil ako naman ay tapos na. Habang pinapanood ko siya, ang daming tumatakbo sa isip ko. Maniniwala kaya siya sa mga sasabihin ko? At may koneksyon ba yung relo sa nangyayari sa akin ngayon?

"Ash, bakit ka nakatitig sa akin? May dumi ba yung mukha ko?" Napatigil siya sa kaniyang pag-nguya at nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Ay, wala naman..." saad ko. "Ang dami ko lang iniisip."

"May gusto ka pa bang bilhin? kainin?" alok niya pero umiling na lamang ako. "uhmm... Alam ko na yung nasa isip mo..." bigla niyang sinabi. "Namimiss mo yung girlfriend mo sa future 'no?" panunukso niya sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa sinabi niya.

"Wala kaya. Tsaka ayoko pang magkaroon ng ganoon." nanindigan kong sagot.

"Sinungaling, namumula nga ang pisngi mo." natatawa niyang sinabi.

Tunay? Naramdaman ko lang naman na parang nag-init yung mukha ko pero namumula ba talaga, as in? Blush?

"Hayaan mo, pag nagawan natin ng paraan na maibalik kita sa future, gagawin natin yun." confident niyang ipinaliwanag at ngayon ay kumurba ang kaniyang labi upang ngumiti.

"Naniniwala ka talagang galing ako sa future? O sinasakyan mo lang yung mga sinasabi ko sayo?" tanong ko.

"Naniniwala naman ako..." ani niya. "Unang una, bigla nalang kitang nakita dun sa bakanteng upuan sa likod ng room. Pangalawa, hindi ka nakauniporme at parang nakapang-alis yung suot mo ngayon, at pangatlo. Iba yung porma ng buhok mo kaysa sa amin." paliwanag niya.

"Sure ka? Pero bakit parang hindi ka naweweirduhan sa akin?" tanong ko

"Bakit naman ako maweweirduhan?" ibinalik niya sa akin ang tanong.

"Hindi ko alam, baka kasi naiilang ka sakin kaya tinanong ko lang." saad ko. Naubos na niya ang kaniyang kinakain at ako naman ay uminom lamang ng tubig.

Ibinalik na namin parehas ang mga pinagkainan namin at kami ay lumabas na sa canteen. Naglakad lakad muna kami saglit at kami ngayon ay nasa tapat na ng isang malaking library at gallery hall.

"Tara pasok muna tayo dito, mamaya pa naman yung sunod nating klase." ani niya at kami ay sabay na pumasok dito.

Sa aking palagay, nasa labing pitong steps itong hagdan na inakyat naming dalawa at nang makarating kami sa gitna ay bumungad ang dalawang malaking pinto. Ang isa ay may nakalagay na 'Library' at ang isa naman ay 'Art Gallery'.

"Saan mo gustong pumasok? Sa library o sa Art Gallery?" Pinapipili niya ako at ako naman ay agad namang namili.

"Doon muna tayo sa Art Gallery." anyaya ko. Ngunit nang akma na akong papasok sa loob ay tinawag muna niya ako.

"Ash, bago ka pumasok sa loob. Ipangako mo sakin na hinding hindi mo gagalawin at hahawakan lahat ng makikita mo. Malinaw ba?" Nagkaroon ako ng excitement dahil sa sinabi niya. Nacurious tuloy ako sa kung anong meron sa loob nitong Art Gallery. Papasok na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako.

"Oops! Sandali lang..." saad niya at ako ay napatigil ng saglit. "Tatakpan ko muna ang mga mata mo gamit ang panyo ko... Para masorpresa ka." excited din niyang ipinaliwanag.

Naramdaman ko ang panyo niya na unti unti niyang ibinalot sa aking ulo upang matakpan ang aking mga mata. Ramdam ko ding ibinuhol niya ang mga ito sa likod ko.

Unti unti siyang gumalaw at humakbang papasok sa loob at ako naman ay kinilabutan. Medyo malamig pala sa loob.

"Kapag tinanggal ko na ito, tandaan mo yung sinabi ko ha." Saad niya at tinanggal na niya ang nakatakip sa aking mga mata.

Napanganga nalang ako dahil sobrang laki nitong Art Gallery na ito. Ang ganda ng paligid at kulay na nakikita ko lalo na ang mga estatwa na nasa taas ng stage.

"Wow!"

Inilibot ko ang aking mata at para akong batang nakakita ng sandamukal na mga laruan at mga drawings. Nang makaisang ikot ako ay nakita ko siya na nakatayo at nakangiti sa akin.

"Grabe tong Gallery na ito, sobrang nakakamangha!" Saad ko at nilapitan ang ilang mga paintings na malapit sa akin.

Pinagmamasdan ko ang mga canvas na nakalatag at nakasabit dito sa pader at talagang nakakamangha lamang. May mga paintings ng ibon, ni Jose Rizal, at ng mismong school na ito. May mga puno din at isang mlaking painting ng Luneta. Marami ding mga abstract painting at paintings ng mga banda. Mabuti na lamang at pinapayagan silang magpintura ng ganito!

Sunod ko namang pinuntahan ang isang malaking itim na kurtina at hinawi ito. May nakalagay na 'Arthur D.' sa pader. Sobrang namangha ako sa mga paintings na nandito sa section na ito at maigi kong pinagmamasdan ang paintings. May mga paintings na nakalagay sa bato, at sa tela. May mga paintings din na nakalagay sa isang malaking canvas.

Agad namang nakakuha ng aking atensyon ang isang painting ng isang landscape. Sinusubukan kong hulaan kung ano iyon pero napalingat naman ako sa nakasulat sa baba. 'Obra ni Arthur D.'

"Ang galing naman nitong Arthur D. na'to, hayop sa mga painting!" masaya kong sinabi.

"Magaling na ba ako?" biglang saad ng lalaking katabi ko ngayon. Nanlaki ang aking mata at napatingin ako sa kaniyang mukha.

"Ikaw ang gumawa ng mga 'to?" excited kong malaman ang sagot galing sa kaniya.

"Oo, Arthur nga pala..." sinabi niya at iniabot niya ang kaniyang kamay sa akin na ani mo'y nakikipagkamay. Inabot ko ito at siya na mismo ang gumalaw.

"Seryoso ka ba? Arthur?" tanong ko at ako naman ay hindi makapaniwala at napapangiti.

"Ako ang gumawa ng ilan sa mga paintings na nakita mo."

"As in, ikaw mismo ang gumawa? Grabe!"

"Oo, ako lang talaga ang gumawa." confident niyang sinabi at ngumiti na lamang siya sa akin. "Kahit na sinabi kong huwag mong hahawakan ang mga paintings." pabiro niyang sinabi.

Agad ko namang ibinaba ang canvas painting na hawak ko at nagsorry kay Arthur.

"Ayos lang, pwede mong hawakan yung mga gawa ko. Huwag lang sa iba." ani niya.

"Bakit nga pala ang dami mong artworks? Para ba sa mga contests iyan?" tanong ko habang nakatingin at binabaybay ang mga estatwang malalaki.

"Lahat ng iyon ay napalanunan ko sa mga paligsahan dito, yung iba doon, nasa pangatlong pwesto, yung iba pangalawa, tapos karamihan, ay yung mga naipanalo kong paintings." paliwanag niya. "At dahil doon, naging full scholar ako ng school." dagdag niya. Grabe naman pala, kaya hindi na ako magtataka kung bakit lagi siyang tulog sa klase dahil tutok na tutok siya sa mga paintings.

"Ang galing mo naman." saad ko.
"Salamat." ani niya.
"Mabuti ka pa marunong ng mga ganiyan, pero ako, hanggang mop lang ang alam." biro ko. At napatawa ko siya.
"Ayaw mo no'n, ang laki laki ng brush na gagamitin mo?" biro din niya at parehas naman kaming natawa.

Napahawak ako sa isang nakasabit na painting dahil sa kakatawa at nagulat naman ako ng may bigla kaming narinig na isang pilas na papel. Nagkatinginan kami ni Arthur at nakita kong napilas ko ang isang painting na aksidente kong nahawakan.

"Shit!" mahina kong sinabi.

"Labas na tayo Ash." matapos niyang sabihin iyon ay minadali na naming makalabas.

"Sorry..." pinipigilan ko ang tawa ko pero naguiguilty ako.

Nang kami ay makalabas ng Art Gallery ay may nakita kaming paparating na mga supervisors at teachers at tinatahak na nila ang hagdanan.

Dahan dahang isinarado ni Arthur ang pinto at agad naman kaming dumiretso sa library.

"Mam, here is our Art Gallery po, our students contributed a lot po dito sa hall na ito and we are proud to show this gallery to you Mam." naririnig namin ang usapan ng mga teacher sa labas dahil kami ay nasa likod lang ng pinto ng library.

"Mam, It will be such a pleasure if we proceed to the library first before the art gallery." mungkahi ng isa pang supervisor. Patay na. Saan na kami magtatago ngayon?

Agad naman akong hinila ni Arthur at parehas kaming pumasok sa isang maliit at makitid na espasyo sa pagitan ng mga bookshelf.

"Shhhhhhhhh." sensyas niya sa akin.

Magkaharap kami ngayon at tila pinagpapawisan ako. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong kasikip na lugar at parang nauubusan na ako ng hininga dahil sa sitwasyon namin ngayon. Nararamdaman ko rin ang malalim na paghinga ni Arthur sa aking mukha. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Nakakahiya. Unti unti ko na namang nararamdaman na nagiinit ang aking mukha.

Unti unti naming naririnig ang paglalakad ng mga taong pumasok kanina at unti unti silang lumalapit sa direksyon namin.

"So yes po mam, ito pong section na ito ay for the graduation events po, such as Academe, Yearbook, and iba pa po." rinig na rinig naming dalawa ang sinasabi nila.

Napaatras ako ng kaunti at naramdaman kong gumalaw ang buong bookshelf na kinaroroonan naming dalawa. May ilang mga librong nalaglag sa sahig.

Bigla namang tinakpan ni Arthur ang aking bibig gamit ang kaniyang kamay.

"Ano iyon?" saad ng isang matabang supervisor na napaatras din dahil sa gulat.

"Medyo mabigat po kasi yung mga aklat po kaya po minsan, kaunting dali lang po, maaari pong matumba." paliwanag ng isang teacher.

"Wala naman sigurong multo dito?" dinig naming sinabi ng isa pang Supervisor.

Pinipigilan ni Arthur ang kaniyang tawa kahit nakatakip ang isa niyang kamay sa bibig ko.

"Okay, let's proceed na sa Art Gallery, medyo mainit pala dito sa Library." saad nung matabang supervisor. Agad naman silang umalis at sila ay malapit na sa pinto.

Inalis na ni Arthur ang kamay niya at unti unti kaming umalis sa siniksikan naming space. Nang lalabas na sana ako ay sumabit ang damin ko sa isang nakausling bagay at nahila ko halos ang buong bookshelf. May mga nahulog pang libro at talaga namang hindi kami nakagalaw ni Arthur sa kinalalagyan namin.

Mabuti na lamang at nakalabas na ang mga iyon. Ininspeksyon muna niya at siniguradong nasa kabilang pinto na sila.

"Ash, muntik na tayo don!" mahina niyang sinabi.

"Sorry talaga... Sorry." hingi ko ng tawad.

Agad naman kaming naglakad palabas at mabuti na lamang at walang nakakita sa aming dalawa. Kailangan na naming bumalik sa classroom dahil nagbell na.

END OF CHAPTER FIVE











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro