/4/ Galing Ako Sa Future
CHAPTER FOUR:
Galing Ako Sa Future
ASH
Punyeta, nasaan ako!? Bakit mukhang school itong lugar na ito? Tsaka bakit parang sinauna pa ang lahat?
Agad kong itinunghay ang aking ulo at nakita ko ang mga estudyante sa akin paligid. Kahit mukhang engot ang itsura ko at medyo namumula-mula pa ang mata ko, hindi ko maiwasang mawindang sa nakikita ko ngayon.
"Mr. Dimasalanta! Ganyan ka na ba kabastos para tulugan ang klase ko!?" Malakas na isinigaw niya at talagang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko iyon. Daig pa niya yung first period class ko kahapon.
Bigla namang napabaling sa akin ang atensyon ng teacher na nasa unahan. Hawak niya ang isang mahabang patpat na patusok at ngayon ay itinuturo na niya ako.
"At ikaw naman..." Napigil ko ang aking paghinga at dali dali kong kinuskos ang aking mga mata. "Gagaya ka pa sa bastardong bata na 'to!" Sabay turo doon sa lalaking nahuli din kanina.
Inilibot ko ang aking paningin at sobrang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nananaginip ba ako?
"Mga wala pa naman kayong maipagmamalaki, ang taas taas na ng tingin niyo sa sarili niyo!" saad niya. "Ikaw Federacion, bakit hindi ka nakauniporme?" habol niyang itinanong.
Hindi ako makakibo sa kinauupuan ko, para akong hinahatulan sa ginawa kong hindi maganda.
"...uhmm.." hindi ko masabi ang gusto kong masabi, nakakainis.
"Sagot!" sigaw niya at talagang nakakatunaw ang tingin niya sa akin. Kung kutsilyo lang yung mata niya, baka siguro butas na lahat ng bahagi ng katawan ko.
"Nadumihan ko po Mam, kaya po hindi siya nakauniporme ngayon." singit na sinabi ng lalaking napagalitan din kanina.
"Aber, at bakit? Sa kawalan ba ng disiplina, ganon ba?" seryoso niyang itinanong at napapunta naman sa kaniya ang atensyon niya.
"Hindi po. Kasalanan ko po Mam." sagot ng lalaki. Gusto kong sabihin ang totoo pero talagang kinakabahan ako.
"Napakairesponsable niyong dalawa!" saad niya habang naglalakad pabalik sa lamesa na nasa harap ng classroom. "Lumabas kayo sa klase ko, ayokong tapusin ang itinuturo ko nang nandito kayo." dagdag niya. Nagdadalawang isip ako kung tatayo ako o hindi. "BILIS!" Sigaw niya.
Automatic na napatayo ako at nakita ko din ang lalaking nakasunod na din sa akin.
"Kumuha kayo sa aklatan ng labing dalawang libro." seryosong sinabi niya. Sa sobrang lakas ng boses niya, nakakatrauma talaga. "Kumuha ka ng anim, Dimasalanta at kunin mo ang matitira, Federacion." paliwanag niya.
Nakalabas na kami ng classroom at tila walang kumikibo sa loob. Natatakot din siguro sa nakakapanindig balahibong boses ng teacher nila.
Naglakad papalapit sa akin ang teacher at iniangat ang kaliwang kamay ko hanggang sa maging pantay ito sa balikat ko. Sunud naman niyang itinaas ang kanan kaya naman parang nagbabalanse na ako. Iminustra din niya sa lalaking katabi ko ngayon ang gagawin.
Isaisa niyang ipinatong ang anim na libro sa aking mga kamay, tatlo sa kanan at tatlo din sa kaliwa. Ganon din ang ginawa niya sa katabi ko.
"Hanggang hindi natatapos ang klase ko, hindi niyo ibababa iyan." solido niyang sinabi at bumalik na siya sa loob ng classroom.
-----
Halos labing limang minuto pa ang natitira na oras at medyo nananakit na ang mga braso ko. Nasulyapan ko naman ang relo sa aking kamay at ang oras ay nasa ten fifteen.
Iniisip ko parin hanggang ngayon kung anong nangyari at kung paano ako napadpad sa lugar na ito. Hindi kaya dahil sa relong suot ko ngayon? O kaya naman masyado lang mukhang totoo ang panaginip ko... Hindi ko na alam.
"Ang ganda ng relo mo... parehas tayo." nabasag ang katahimikan ng umimik ang lalaking nasa tabi ko. Agad ko namang nakita ang relo niya at talagang magkaparehas na magkaparehas ang relo naming dalawa.
Hindi kaya siya ang may ari ng relong suot ko, tapos napapunta lang ako dito sa lugar na ito dahil sa kaniya? Gosh, hindi ko alam!
Habang parehas kaming may bitbit na mga libro ay napapatingin ako sa mukha niya, sinusubukan kong mamukhaan ang taong ito pero nabigo ako. Matangos ang ilong niya at mapungay ang kaniyang mga mata. Sa tingin ko naman ay lamang naman ako sa kaputian kaysa sa kaniya kaya naman kung pagwapuhan lang ang titignan, ay masasabi kong patas lang.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Pabiro niyang itinanong. Inilayo ko ang aking tingin sa kaniya at sobrang nakakahiya.
"Anong year ngayon?" nahihiya kong itinanong dahil hindi ko naman talaga alam, ngayon lang naman ako nakapunta sa ganitong lugar.
"Ayos ka lang ba? Bakit parang wala ka sa sarili mo." natatawa niyang sinabi.
Diyos ko, kasalanan ko ba na mapadpad ako dito sa nakakabaliw na lugar na ito? Ay yabang ng asta nitong lalaking ito, naku!
"Anong taon na?" napalakas ng kaunti ang boses ko dahil gusto ko lang malaman kung anong taon na ngayon.
"Kalma, 1991 palang." sagot niya.
"1991!?"
Nang mapasigaw ako ay may nahulog na isang libro sa kanang kamay ko. Gumawa ito ng malakas na tunog at umalingawngaw ito sa hallway. Ang tanga tanga mo Ash!
Nakita ko ang teacher na lumabas sa classroom at may bitbit na dalawang libro. Punyeta!
"Kada isang bagsak, dalawa ang madadagdag." sinabi niya sa sobrang seryosong tono at ipinatong na ng teacher ang mga libro sa magkabila kong kamay. Agad naman siyang bumalik sa loob ng classroom at natira muli kaming dalawa.
Aninag ko sa mukha ng lalaking katabi ko ang natatawang reaksyon at sinamaan ko na lamang siya ng tingin.
Naalala ko yung sinabi niya sa aking 1991, so as in, totoo nga ang nasa lalagyan nung relo? 1991 yung nasa letter at yung relo ay 1991 din lumabas.
Sobrang nangangawit na ang mga kamay ko at halos napapangiwi na ako.
"Ibigay mo muna sa akin ang mga libro na nasa iyo." seryoso niyang sinabi sa akin. "Kumuha ka ng sampung piso sa bulsa ko. Bumili ka muna ng maiinom natin." alok niya at napatingin ako sa mukha niya.
"Seryoso ka?" tanong ko
"Mukha bang hindi?
"....."
"Ayaw mo bang bumili?"
Wala akong nagawa kundi ipatong isa isa ang mga libro sa mga kamay niya, at kahit bakas sa mukha niya ang pagkangawit ay tinitiis padin niya.
Naglakad na ako papalayo ng bigla soyang nagsalita.
"Federalism? Federal?" nauutal niya tawag.
"Federacion... Ash Federacion." sagot ko ng mahinahon.
"Pwede bang makahingi ng isa pang pabor?" nakangiti niyang sinabi. Lumapit ako sa kaniya at inabangan kung anong ipapagawa niya. "Pakamot naman saglit nung ilong ko, sobrang kati na kasi." pakisuyo niya.
Napahinga ako ng malalim at kinamot ng dahan dahan ang matangos niyang ilong.
"Ayos na, maraming salamat." saad niya.
-----
Nakabalik ako sa kinaroroonan ng lalaki at nakita kong hindi na niya bitbit ang mga libro.
"Anong nangyari? Bakit wala na yung mga libro?" curious kong tanong.
"Kinuha na ni Mam." simple niyang sagot. Iniabot ko na sa kaniya ang bote ng tubig na binili ko.
"Bakit isa lang yung binili mo? Diba sampung piso yung kinuha mo?" nagtataka niyang itinanong.
"May limang pisong tubig ba dito? Wala naman diba?"
"Meron!" mayabang niyang sinabi at ako naman ay biglang nagtaka. Natahimik nalang ako sa kaniyang sinabi.
"Uminom ka muna, alam kong nauuhaw ka na." Inabot niya ang bottled water na nasa kalahati na sa akin.
"Hindi ako nauuhaw..." saad ko. "Tsaka nainuman mo na yan." dagdag ko.
"Tuyong tuyo ang labi mo tapos sasabihin mong hindi ka nauuhaw?" seryoso niyang ipinaliwanag. "Ano namang problema kung nainuman ko na itong bote, wala naman akong SAKIT." habol niya.
Wala na naman akong nagawa kundi kunin ang bote at uminom. Hindi ko pa nga alam yung pangalan nitong lalaking ito, feeling close na kaagad.
Kahit na nalilibang ako sa mga nangyayari sa paligid ay pilit paring pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina at kung bakit talaga ako napapunta dito.
"Gusto mong sumama sakin?" alok niya.
"Saan naman tayo pupunta?" mahinahon kong tanong.
"Sa langit, gusto mo?" May halong pagkagago din itong taong ito, nagtatanong ako ng maayos!
"Saan nga? Para namang timang eh!" Pagbabanta ko.
"Sa canteen malamang, recess na kaya." saad niya at wala akong nagawa kundi sumama sa kaniya.
-----
Habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko ang paligid at ang aking relo. Para talaga akong nasa 1991 dahil sinauna pang uniform ang suot ng bawat isang nandito. Ako lang ang nakatshirt na puti at nakashort ng itim. Habang ang lalaking kasabay ko ngayon ay nakasuot ng polong puti na naka-tucked-in at nakashort at may belt.
"Ilang araw ka nang nandito sa Poblacion?" biglang niyang itinanong. "Tsaka parang bago ka lang dito, taga saan ka ba?" dagdag niya.
"Uhmmm... Hindi ko muna masasagot dahil hindi ko din alam ang isasagot ko sayo."
"Ha? Bakit naman?" natatawa niyang tanong.
"Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko kaya hindi muna kita masasagot." paliwanag ko.
"Ano nga? Pangako, hindi ako tatawa o hindi maniniwala sa sasabihin mo." saad niya.
"Ayoko." tipid kong sinabi.
Hinawakan niya ang braso ko kaya naman napatigil kaming parehas.
"Sabihin mo na. Babalian kita tignan mo." natatawa niyang sinabi. Diyos ko, may mas lalala pa pala sa ugali ko.
"Hindi ako taga-dito okay, galing ako sa future." sagot ko at nabalot ng katahimikan ang paligid.
"GAHAHAHAHAH!" sobrang lakas ng tawa niya at bumitaw na siya sa pagkakahawak sa akin. "Seryoso ka Ash?"
Tuloy padin ang pagtawa niya at ako naman ay masama na ang tingin sa kaniya. Nagpromise pang hindi tatawa, punyeta.
"Ang sarap mong kausap." ani ko at naglakad papalayo.
"Oy sandali lang!" dali dali niya akong sinabayan ng lakad.
Nandito na kami sa harap ng canteen at sobrang daming estudyante ang nandito. Public ba ito or private?
"Ito yung canteen namin, masanay kana dahil ganito talaga araw-araw dito." bigla namang umimik itong lalaking kasabay ko.
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo." Hindi ko intensyong magmukhang masama pero ginawa ko lang iyon ng pabiro.
"Aba!" natatawa niyang sinabi. "Hindi pala kailangan ha... Sige, pumila ka magisa sa canteen. Iiwanan kita diyan." mala-batang paslit niyang banta sa akin at naglakad papasok sa loob.
"Dimasalanta!" Tawag ko at hinila ko ang kaniyang braso ng mabilis dahilan para mapapunta ang bigat ng katawan niya sa akin. Naapakan niya ang aking paa at mabuti na lamang ay naitapak ko ang isa ko pang paa para hindi kami tumaob. Ilang haba nalamang ay magdidikit na ang mukha naming dalawa.
Ilang segundo rin ang itinagal namin dito at nakahawak parin ang isa kong kamay sa braso niya at isa ko pang kamay sa balikat niya.
Mayamaya pa ay ako na mismo ang gumawa ng paraan para makaalis kami sa ganitong posisyon.
"Ikaw kasi eh, ang arte arte mo." sinabi ko at inayos ang aking tshirt. "Paano ako bibili eh wala akong pera." dagdag ko.
"Oo na, ako na ang bibili ng pangrecess natin, ASH FEDERACION." tukso niya sa akin. Hindi nalang ako umimik dahil utang na loob ko sa kaniya yung ililibre niyang pagkain sa akin. "Maghanap ka nalang ng mauupuan natin." pakiusap niya at ngumiti siya sa akin. Pumila na siya sa napakahabang pila at ako naman ay nakahanap na din ng mauupuan sa loob ng canteen.
END OF CHAPTER FOUR
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro