Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/3/ Going Back

CHAPTER THREE:
Going Back

ASH

Sinamantala ko ang pagkakataong wala kaming pasok ngayon para ipagawa itong relo na ito sa pagawaan. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa relong iyon at dahil doon sa post tungkol sa akin. Sana pala ininom ko na yung sleeping pills para naman hindi ako napuyat ngayon.

'Oras ang pagitan, hadlang sa ating pagmamahalan. Ibabalik ka sa nakaraan, iiwanan ang kasalukuyan. Sa bawat panahong dadaan, hihintayin ang itinakda ng kapalaran, oras ay nakalaan, dadalhin sa pinanggalingan'

Hindi padin ako makaget over sa mga nabasa ko kagabi, kahit parang dati pang ginawa yung letter na iyon, feeling ko ako ang tinutukoy nitong mga nakasulat. Hindi naman ako sa sobrang assuming pero alam ko namang kinuha ko lang ito sa kung saan kaya wala akong karapatan na sabihing akin ito. Ang point ko lang eh, parang buhay na buhay yung laman nung letter.

Tinititigan ko din ang relo na nakuha ko at para bang may nararamdaman akong kakaiba dito sa relo na ito, hindi ko din maiwasang maamaze dito dahil ang ganda ganda lang sa paningin.

Bigla kong naalalang tumawag kay Mommy kaya't kinuha ko ang aking cellphone.

"Hello, Ash?" sagot ni Mommy sa kabilang linya.

"Ma, anong oras ka nga pala uuwi? Holiday naman po diba?" nagaalalang tanong ko. napuno ng katahimikan ang paligid bago siya makasagot.

"Nasa biyahe na ako, mga ten minutes pa, nandiyan na ko." paliwanag niya. "Bakit ka napatawag? May kailangan ka bang ipabili?" dagdag niya.

"Wala naman po, balak ko lang po sanang pumunta ng bayan, may ipapaayos lang po ako."

"Sige, I'll be there soon na naman kaya I will allow you to go."

"Sige po, aalis na po ako." sabi ko at ibinaba ko na ang tawag. Kumuha muna ako ng pera sa drawer ko para may pambayad ako sa pagpapagawa nitong relo. Nag-ayos muna ako sa tapat ng aming salamin at lumabas na ako.

-----

Halos malibot ko na ang buong bayan at wala parin akong mahanap na pagpapagawaan ng relo, sinubukan kong magtanong tanong sa mga napupuntahan ko at ang tangi lang nilang isinasagot ay magpagawa ako ng relo kay Mang Ipe.

Hindi ko siya totally kilala pero itatry kong puntahan mismo yung puwesto niya kahit malayo sa bayan.

Habang papunta ako sa lugar kung saan siya itinuturo ng mga napagtanungan ko, ang dami lang pumapasok sa isip ko na mga bagay na hindi naman nangyari sa akin. Hindi ko alam pero parang may kumukontrol sa isip ko na isipin ang mga bagay na iyon.

Mayamaya pa ay may nakita akong isang stall na napaalibutan ng salamin at naaaninag ko sa malayo ang isang matandang lalaki na maputi na ang buhok. May pabilog na nakasuot sa kaniyang kanang mata at tila ba may kinukumpuni sa loob ng mga salamin na iyon. Nilapitan ko siya at nakita kong maraming gamit sa loob nito.

"Magandang Araw po..." Nakuha ko ang atensyon niya at napahinto siya sa kaniyang ginagawa. "Kayo po ba si Mang Ipe?" magalang kong itinanong.

Tumingin siya sa akin ng diretso sa mata at para bang sinusubukan niyang makilala ako.

"Oo, ako nga." mahina at medyo paos niyang sinabi. "May ipapagawa ka ba?" dagdag niya. Agad naman akong nagkaroon ng pagasa na magagawa ang relong ito.

"Opo, ipapatingin ko po sana itong relo na ito." Iniabot ko sa kaniya ang relo at dahan dahan niyang ininspeksyon ito.

Nabalot ng katahimikan ang paligid at halata sa kaniya ang pag-kamangha at pagkagulat. Inalis din niya ang nakalagay sa kaniyang kanang mata at tinitigang mabuti ang relong iniabot ko.

"Iho, saan mo ito nakuha?"
"Nakita ko lang po sa tambakan sa school po namin."
"Nakakagulat namang makita itong ulit."

Matapos niyang sabihin iyon ay kumurba ang kaniyang labi at napangiti. Umaliwalas ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang nakita.

"May problema po ba?" nagaalangang tanong ko.

"Iho, kung hindi mo naitatanong, matagal na panahon ko na itong nakita at may isang binatilyo ring nagpagawa nito sa akin." paliwanag niya at ako naman ay mas lalong naging curious kung ano nga bang meron dito. "Ano bang naging problema nito?" dagdag na tanong niya.

"Nung mabuksan ko po yung lalagyan niyan, nakita ko po yung relo na hindi na gumagana kaya po naghanap po ako ng manggagawa ng relo." saad ko.

"Wari ko'y baterya lamang ang problema nito." confident niyang sinabi at tinititigang maigi ang relo. "Katagal na nitong relo, mabuting buhay pa ito. Kung ito ay napabayaan, ay baka hindi na ito magtatagal." ani ni Mang Ipe.

"Magkano po ang pagpapagawa Mang Ipe?" agaran kong tanong.

"Hindi na kailangan Iho, madali lang ayusin ito." napapangiti niyang sinabi.

"Sigurado po kayo?"
"Wag kang magalala, makukuha mo din ito ngayong araw. Umupo ka muna."

Iniabot niya sa akin ang isng bangko at ako ay kaniya munang pinaupo, habang naghihintay ako ay nakikinig naman ako sa mga kwento niya.

"Kung sasariwain ko lahat, ay kulang ang isang araw." panimula niya, sinisimulan na rin niyang ayusin ang relo. "Una ko itong nakita noong mga 1991, kung hindi ako nagkakamali. Sa sobrang ganda ng relo na ito ay hindi ko malimutan... kaya naman ako ay natutuwa't nakarating muli sa akin ang relong ito." dagdag niya.

"Sa tingin niyo po ba Mang Ipe, buhay pa yung may ari niyan?" tanong ko.

"Kung ako ang tatanungin mo ay oo naman, mas matanda pa ako noon dun sa binatilyong nagdala sa akin nito noon." sagot niya.

Sobrang dami nang pumapasok at tumatakbo sa isip ko dahil sa mga nasabi niya. Hindi ko alam kung bakit alam niya yung eksaktong taon nung relo pero sa tingin ko naman ay nagsasabi siya ng totoo.

"Gagana pa po ba yung relo?" tanong ko muli.

"Oo naman Iho, maganda at mataas ang kalidad nitong relo kaya naman hindi kaagad ito masisira. Baterya laang ang kailangan nire." ani niya.

Ilang saglit pa ay napasigaw siya at ako naman ay nagulat sa reaksyon niya.

"Ano pong nangyari?" curious kong tanong.

"Gumana na, mabuti naman at sa pangalawang pagkakataon ay naayos ko ito." nagcecelebrate niyang sinabi.

Iniabot niya sa akin ang relo at tumayo siya ng dahan dahan at humarap siya sa akin.

"Iho, iingatan mong mabuti ang relong iyan... Wala na akong nakikitang katulad niyan kaya huwag na huwag mong sisirain." napapangiti niyang sinabi. Tumango na lamang ako at nagpaalam sa kaniya.

"Pwede mo na yang magamit!" Isinigaw niya at ako naman ay tumango at ngumiti na lamang sa kaniya.

Malayo na ang aking nilakad at hawak ko parin ang relong inayos niya. Ngayon ay nakatama na ang oras at gumagalaw na ito. Nasa kanto na ako at naghahanap ng masasakyan, hindi ko namalayang halos tatlong oras akong nanatili sa lugar na iyon ngunit ang pakiramdam ko ay ilang minuto lang ang inilagi ko.

-----

"Ash, what took you so long? I thought you we're going to go home early?" salubong ni Mommy sa akin sa pinto.

"Matagal tagal po kasing maayos ang ipinaayos ko po." paliwanag ko.

"Ay siya, umupo kana sa dining table and we are going to eat together. I prepared Chicken Afritada for you." saad niya at ako naman ay natatakam na sa pagkain nakahain sa lamesa.

"Ano nga pala yung ipinaayos mo?" Nabasag ang katahimikan ng umimik si Mommy.

"Gamit lang po sa school." matipid kong sagot.

"May I see?" Nagdadalawang isip ako kung ipapakita ko pero ibinigay ko parin sa kaniya. "Ang ganda ng relo na ito ah, regalo ng mga nagkakagusto sayo?" ani niya.

Muntikan ko nang malunok ng buo yung patatas na nasa loob ng bibig ko.

"Hindi po."
"Kasama ba ito nung lata at letter na nasa kwarto mo?" Napatigil ako sa pagnguya at napilitan akong lunukin ang aking kinakain. Kumunot ang aking noo dahil sa aking narinig, ayoko talaga sa lahat yung pinapakielaman yung gamit ko kahit mommy ko.

"Bakit niyo po ginalaw?" medyo disappointed kong sagot.

"Oy hindi ah, nakita ko lang sa kama mo, hindi ko naman TOTALLY ginalaw yung gamit." matapos niyang sabihin iyon ay ibinalik na niya sa akin ang relong hiniram niya ng saglit.

"May tanong ako Ash..." napatingin ako kay Mommy dahil sa kaniyang pabitin na tanong. "Kailan ka magkakagirlfriend?"

May kung anong matigas ang pumasom sa lalamunan ko, buong kanina yata. Nasamid ako ng todo at napaubo dahil sa narinig ko.

"uminom ka ng tubig..." dagdag niya.

Agaran ko namang sinalinan ng tubig ang basong ginagamit ko at uminom ng uminom ng tubig.

"Ito namang si Ash, tinanong ko lang kung may girlfriend, masyado nang dinibdib..." tukso niya. "Don't worry, I will wait na magkaroon ng apo."

Gosh, Mommy! Muntikan mo na akong mapatay in just a matter of seconds. Huwag mokong pilitin Mommy, baka isang dosenang bata ang ipagsiksikan ko dito sa bahay.

"I'm done eating na po." walang kaemoemosyon kong sinabi. Dinala ko ang pinagkainan ko sa lababo at dumiretso ako sa aking kwarto. Dala ko naman ang relo.

"Wait, ayaw mo sa ube na dinala ko para sayo?" alok niya.

"Ipagtira niyo nalang po ako, mamaya ko po kakainin." sagot ko at isinarado ang pinto ng aking kwarto. Nabusog ako at the same time, hindi ko naenjoy yung ulam sa tanghalian.

-----

Malapit na namang mag-hatinggabi at parang wala akong ginawa ngayong araw kundi titigan ang relong ito at magcellphone. Masostroke na yata ako dahil nakahilata lang ako sa kama simula noong nagtanghalian.

Solo na naman akong kumain ng hapunan dahil kinaon si Mommy dito ng mga kaibigan niya. Hindi na naman sigurado ang oras ng paguwi niya.

"Anong magagawa ko sa relo na 'to pagkatapos kong maipagawa?" bulong ko sa aking sarili at napaupo ako sa aking kama. Binasa ko muli ang letter na nakalagay sa loob ng lata at inintindi ang bawat nakalagay.

Ngayong hindi na naman ako tinatablan ng antok, minabuti ko nang kuhanin ang sleeping pills ni Mommy at uminom nito. Hindi na naman kasi ako makakatulog nito kapag hindi ako nagtake ng pills.

Napatingin ako sa orasan sa aking kwarto at malapit ng mag ten pm. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero unti unti na akong inaantok.

Sa huling pagkakataon, kinuha ko muli ang relo at sinubukang isuot ito sa aking kamay. Hindi naman ako nabigo at sa tingin ko naman ay sobrang bagay sa akin nito. Salamat nalang sa may ari nito dati dahil napaayos kong muli ito. Mayamaya pa ay hindi ko na kinaya ang aking antok at naipikit ko na ang aking mga mata.

Unti unti nang lumalalim ang aking tulog at unti unti naring kumakalma ang aking katawan. Ramdam ko ang relo sa aking kaliwang kamay na malamig at komportable.

Mayamaya pa ay may naririnig akong tunog ng nagsusulat sa aking tabi.
Hindi ko alam kung bakit nakakarinig ako ng isang babaeng nagsasalita gayong ako lang ang magisa sa bahay ngayon.



"Mr. Dimasalanta at Mr. Federacion! Magsigising kayo!"


END OF CHAPTER THREE




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro