Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/28/ Bring Me Back To Art

CHAPTER TWENTY-EIGHT:
Bring Me Back To Art

ASH

"ART!!!"

Umalingawngaw sa buong kwarto ang boses ko habang may kung anong nakalagay sa aking kamay.

"Naku, sandali... Huwag kang masyadong gumalaw..."

Narinig ko ang pamilyar na tinig habang hinahawakan ang balikat ko at ang dibdib ko.

"Janice, tawagin mo yung doktor at nurses sa station..." nagmamadaling sinabi ng aking Ina habang pinapakalma ako.

"ART! NASAAN SI ART?! YUNG RELO, YUNG PAPEL!? MA! KAILANGAN AKO NI ART!"

Nararamdaman kong sumasakit ang likod at ulo ko habang binabanggit ang pangalan ni Art.

Nakita ko sa aking kamay na wala ang aking relo at nakapulupot lamang ang isang plastic na tube sa akin. Pinagmasdan ko din ang paligid at nakita kong nakaputi lamang ako at napapalibutan ng mga apparatus ng ospital. Hindi ko alam kung bakit ako napapunya dito ngunit ang alam ko lang ay kailangan ako ni Art.

Bumuhos ang aking luha nang mapagtanto kong nakabalik na ako sa lugar ko at para bang kasalanan kong iniwan ko siya. Nakita ko si Mommy na nakatingin at nag-aalala sa akin.

"JANICE BILIS!" Sigaw ni Mommy

"MA KAILANGAN AKO NI ARTHUR, MA YUNG RELO KO NASAAN? BABALIK AKO MOMMY... PAKIUSAP!"

Halos mawala ang lakas ko habang binabanggit ko ang bawat salitang kumakawala sa aking bibig. Nagmamakaawa ako dahil gustong-gusto kong makabalik at iligtas si Art.

"Anak, sandali lang, huwag kang gumalaw baka kung anong mangyari sayo..." tugon niya. "Wala yung tinutukoy mo dito Ash."

Bigla namang may mga pumasok na sa tingin ko ay doktor at mga nurse. Nagpupumiglas ako sa mga hawak nila at talagang napakalakas ang pagkakahawak nila sa aking braso. Nakita ko ang isang doktor na may stethoscope at inilapit ito sa akin. May isang nurse naman na may hawak na papel at inililista ang mga sasabihin ng doktor.

Patuloy padin ako sa pag-iyak hanggang sa unti unti kong sinuko ang lakas ko sa kanila.

"NASAAN SI ART? KAILANGAN NIYA AKO!" Pagbuhos ng aking luha at pag-iyak. Wala naman akong ibang gusto kundi ang makabalik doon dahil kailangan ako ni Art.

"Dok, uhmmm nagising na po siya, ano pong mga dapat gawin?" Nangangarag na itinanong ni Mommy sa doktor na kumonsulta sa akin.

"As I can see, the patient is back to the normal state... Mas okay siya ngayon kaysa sa past weeks na inoobserbahan natin siya. It was a surprise na biglang naging okay siya, it is good to see Ash's recovery." paliwanag ng doktor kahit malayo ako sa kanilang paguusap.

"May kailangan po ba kaming gawin Dok? For Ash?" Tanong muli ni Mommy at napapatingin siya sa akin.

Saka ka lang naman gumagawa ng mga paraan ngayong nakikita mo akong nahihirapan. Hindi mo magawang i-set aside muna ang trabaho mo para sa akin, para naman maramdaman kong may Nanay akong makakapitan.

"Sa ngayon, kailangan pa siyang obserbahan lalo na't kakarecover palang niya sa comatose..." Narinig ko ang sinabi niya at nagsimula na naman akong mapaiyak.

Na-coma ba talaga ako o tunay talaga yung mga naranasan ko. Hindi ko na alam, pinaglalaruan nalang yata ako ng mundo.

"Mostly sa mga coma patients, marami silang testimonies na may naencounter daw sila or what while they are in the state of coma. Don't worry Mam, we will monitor Ash until he is okay to discharge na po." naririnig ko padin ang paguusap nila.

Lumabas ang mga nurse at ang doktor, nakita ko naman si Mommy na mapabuntong hininga sa mga nangyari. Lumapit siya sa akin at nakita ko ang isang babaeng malapit sa sofa sa gilid.

"Ash, okay ka na ba? Wala nang ibang nararamdaman bukod sa pagkahilo?"
Nakita ko ang mga mata niyang pagod at wala sa tamang kondisyon. Tumahimik na lamang ako kahit alam ko ang isasagot ko sa katanungan niya. Hindi ko alam kung anong namumuo sa kalooban ko pero masasabi kong nagagalit ako at nadidismaya sa lahat ng nangyari sa akin.

Pumapasok padin sa aking isip ang pagkakataong iniwanan ko si Art na mag-isa habang nagaalburoto ang Mt. Pinatubo, gusto kong magwala sa kamang hinihigaan ko ngunit wala akong magawa kundi kimkimin ang sama ng loob ko.

"Ash, please tell me naman, paano ko masasabing okay ka na if hindi mo ako kakausapin?" Tanong niya at naluluha siya ngayon.

"Nasaan si Art? Nasaan yung relo?" Tanong ko at nakita kong nanibago ang itsura niya. Nagtataka sa sinabi ko.

"Ash, wala yung Art na tinutukoy mo, wala din yung relong hinahanap mo." saad niya at umiiyak na siya ngayon.

"Kailangan ako ni Art." malamig kong sinabi habang nakatingin ng malayo sa direksyon niya. "Kailangan kong iligtas si Art."

"Anak, hindi totoo yung Art okay?" medyo tumaas ang boses niya at hinampas ko ang kama gamit ang aking kamay.

Lumayo si Mommy sa kama at agad namang lumapit ang babaeng nakaupo sa sofa.

"Sino ka naman?" seryoso kong itinanong at nakita kong nanibago ang reaksyon niya.

"Ako si Janice." Matipid niyang sagot.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"

"Anak ako ng kaibigan ng Mommy mo, uhmmm don't worry, nagvolunteer naman ako na pumun--"

"Wala akong pakielam kung saan ka galing, sagutin mo yung tanong ko." malamig kong sinabi at inutos sa kaniya.

"Siya ang nagbabantay sayo dito habang nasa trabaho ako." sabat ni Mommy habang pinupunasan ang kaniyang luha.

"Punyeta! Inuna mo pa talaga yung trabaho mo? Ano wala ba akong halaga sa'yo? Wala? HA?" tumaas ang aking boses at umalingawngaw ito sa loob ng kwarto. Kahit gusto kong bumangon ay hindi umaayon ang aking katawan.

"Para sayo iyon Ash! Kinakailangan ako ng trabaho ko para may mabili akong gamot para sayo!" Sumagot si Mommy sa pabalang na tono. "Halos isang buwan kang hindi nagpapakita ng magandang sign tapos sasabihin mo lang 'to sa mga taong nagmamagandang loob sayo? Hirap na hirap akong mag-isip ng gagawin tapos ganito lang?"

Nakita kong hinawakan ng babae ang braso at balikat ni Mommy na halatang pinapakalma ito.

"I told you not to take my sleeping pills pero ginawa mo padin! Hindi sleeping pills ang nainom mo Ash, that's why na overdose ka!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.

All this time akala ko sleeping pills yung nakalagay sa mini-medkit ni Mommy.

"Sana pala, natuluyan na akong nawala para hindi niyo naranasan yung sinasabi niyong HIRAP na ginawa niyo." Hindi ko gustong sabihin ito pero kinakailangan at gusto ko na ding mamatay matapos kong makabalik dito.

"Talagang nasasabi mo iyan Ash? Ikaw lang yung nagiisang anak ko then sa tingin mo gugustuhin pa kitang mawala?" Nangangarag niyang sinabi.

"Pero ginugusto mong mawala at iwan ako." Mahina kong saad at napaiyak siya lalo.

"If you are thinking na iniiwan kita, iniiwasan kita, pinababayaan kita, tandaan mo Ash na hinding hindi ko magagawa iyon sayo." saad niya. "I will give everything para lang sayo at para kang masunod ang gusto mo."

"Bring me back to Art." sagot ko.

Natahimik nalang ang paligid nang sabihin ko iyon, umaasa padin akong magagawa kong makabalik everytime na pipikit at mumulat ako sa nakaraan pabalik kay Art. Kahit wala yung relo sakin, gagawin ko ang lahat para maibalik lang iyon.

*****

Dumating ang rasyon at nakikita kong may bukod na pagkain si Mommy at ako sa isang table.

"Tita, Kakainin ko nalang po itong binigay na rasyon, share nalang po kayo ni Ash sa food niyo po." narinig kong sinabi niya habang nakatingin ako sa puting kisame. Bigla kong naaalala ang lahat ng ginawa ko sa kwarto ni Art, lahat, lahat.

"Sige, pero okay lang ba sayo? Tell me if you want the food na binili ko." tugon ni Mommy.

Tumanggi nalang yung Janice at nagsimula na silang kumain ng hapunan. Nakita kong papalapit si Mommy sa akin at may hawak na plato.

"Ash, let's eat." nakikita kong hinihimay niya ang manok na nasa lalagyanan.

"Iwan mo nalang diyan, hindi pa ako nagugutom." saad ko at ibinalot ko ang kumot sa aking katawan.

"Anak, kailangan mong kumain dahil iinom ka ng gamot... Sinabi iyon ng doktor Ash." paliwanag niya ngunit hi di nalang ako umimik. Nang maramdaman kong wala na siya sa tabi ng kama ko ay dahan dahan akong sumandal upang dahan dahaning kainin ang pagkain.

Lumapit sa akin si Janice at akmang tutulungan ako sa pag-upo.

"Kaya ko." Saad ko at napahinto siya sa pagalalay.

Unti unti kong nginuya ang manok na nasa pinggan at nang kukunin ko na sana ang tubig ay nadanggi ko ito at nahulog. Nabasag ang tasa at gumawa ng napakalakas na tunog sa loob. Nagulat sila sa nangyari.

"Ash, dahan dahan naman kasi..." reklamo ni Mommy habang unti-unting dinadampot ang mga buong piraso ng nabasag na tasa.

Is it my fault? Para kasing ginagawa niyo akong tanga dito eh, I can manage myself.

"Tita, ako na po diyan, baka po masugatan pa kayo." saad nung Janice at pinupulot lahat.

"Tell us if you need something, we will do it for you." paliwanag ni Mommy at isinagot ko muli ang sagot ko kanina.

"Bring me back to Art." saad ko at nahiga muli. Nawalan na ako ng gana sa pagkain.

Habang ibinabalot ko ang aking kumot sa aking mukha ay pasikreto akong umiiyak. I want to go back and see kung okay ba ang kalagayan ni Art. Para kasing imposible na ang lahat lalo na't wala sa akin ang relo. Nawala nalang bigla pagkatapos kong magising at makabalik dito.

Tama nga lahat ng nakita kong pangitain, lahat ng tao ay nagkakagulo, lahat ng sasakyan ay naalis sa probinsyang iyon at lahat ay gistong makaalis dahil sa lakas na dulot ng Pinatubo.

Lahat ng mga pagkakataong nanghihina at hinihimatay ako ay senyales at babala upang lisanin namin ang Poblacion ng mas maaga pa bago pa mangyari ang pagsabog.

Bigla ko ding naalala ang nasirang relo na nasa kaniya at tila hindi na iyon magagamit pang muli.

Dapat ginawa na namin ang lahat para ligtas kami ngayon, dapat pala hindi nalang kami sumali sa contest para may pagkakataon pa kaming makapaghanda sa magaganap na hindi maganda.

Lahat gustong gusto kong balikan kahit na wala nang posibilidad na maibalik ang lahat. Naaalala ko rin ang mga portrait na ginawa niya, yung mga kantang pinakinggan namin, yung mga sabay naming pag-kain, yung mga sinasabi niya sa akin bago matulog, at higit sa lahat ay yung mga halik at yakap niyang nagsasabing mahal na mahal niya ako.

Gusto kong mangyari ulit lahat ng iyon para naman mawala yung lungkot at pangungulila na nararamdaman ko.

Mamimiss ko yung mga panahong magkasama kami, yung mga biro niya, lahat lahat. Panghahawakan ko ang pangako mong 'susunod ka'.

Arthur Dimasalanta, hinding hindi kita malilimutan.

Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at pinunasan ang aking mga luha nang makita kong bumalik ang doktor.

END OF CHAPTER TWENTY-EIGHT


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro