Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/27/ Kailangan Mong Gawin Ito

CHAPTER TWENTY-SEVEN:
Kailangan Mong Gawin Ito

ASH

Mas lalong dumidilim ang paligid nang makailang araw kaming nagaalala at nanatili dito sa bahay. Hindi na kami mapakali at bumabalik lahat sakin lahat ng mga pangitain ko, alam ko ding 1991 ito at ito din ang panahon ng pagsabog ng Pinatubo.

Nakakaramdam kami ng ilang pagyanig sanhi upang mas lalo kaming kabahan sa mga nangyayari.
Nakasarado ang lahat ng bintana dahil unti unting bumabagsak ang mga abo na may kasamang maliliit na bato. Sinabayan pa ito ng pagulan sanhi para magmukhang putik ang bubungan pati na rin ang kalsada.

Habang nasa loob kami ay pinapakinggan namin ang balita galing sa ibat-ibang estasyon. Naririnig din namin ang ilang pagkulog at pagkidlat. May mga sasakyan dumadaan sa tapat ng bahay at ilang taong umaalis na sa kani-kanilang bahay.

"Ash, kunin mo yung relo sa kwarto." Nawala ako sa aking iniisip nang umimik si Art.

"Bakit?" tanong ko.

Bigla naman akong kinabahan at todong natakot sa malamig na pagkakasabi niyang iyon.

"Kunin mo nalang, pati yung papel na nakapatong doon." utos niya pero nagdadalawang isip akong kunin iyon. Seryoso siya at tila hindi na din alam ang gagawin.

"Bakit? Anong gagawin natin?" nangangarag kong tanong.

"Basta kunin mo nalang!" tumaas ang boses niya sanhi para magulat ako at mapahinto. "Please, Ash. Kunin mo nalang." naging malamig at malumanay ang kaniyang boses.

Napapikit ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari kapag kinuha ko na ang relo. Sana hindi mangyari ang nasa isip ko.

Agad akong pumunta sa kwarto at nakikita ko sa maliit na siwang ang madilim na paligid at tila parang hapon na. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang bintana na magabok. May ilang litrato ang nasa sahig na at kakaunti na lamang ang nakasabit sa kisame.

Hinanap ko kaagad ang relo at nakita kong may nakapatong nga ditong papel. Binuklat ko muna ito bago kinuha ang aking relo. Tumambad sa akin ang papel na pinagsulatan namin ng tula, mas lalo akong kinabahan nang makita kong nakabilog ang part na ginawa niya.

Agad kong kinuha ang relo at dali dali bumaba sa hagdanan. Inabot ko kaagad ito kay Art at bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko. Isinuot niya sa kamay ko ang relo kahit labag sa kalooban ko.

"Ash, ganito ang gagawin mo." seryoso at nasa mababang tono niyang sinabi. Tumayo siya at humarap sa akin.

"Inaasahan ang climactic eruption ng Bulkang Pinatubo sa mga susunod na oras, pinalilikas na ang taong bayan na malapit at nakapaloob sa radius ng Mt. Pinatubo." may lalaking nagsasalita sa radyo at lumalakas ang hipan ng hangin.

Humarap muli ako kay Art habang hawak niya ang dalawa kong kamay. Napapailing at napapapikit siya dahil sa kaniyang iniisip.

"Ash, kailangan mong gawin ito."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi at bumuhos ang aking luha. Ayokong bumalik sa amin nang hindi ko siya kasama.

"Art... Hindi, hindi ako aalis dito." naluluha kong sinabi.

"Kailangan mo nang makabalik Ash." sinabi niya kahit alam kong labag sa kalooban niyang pabalikin ako.

"Paano? Teka lang, sandali..." nauutal kong saad. "Papaano ka? Iiwan lang kita dito basta-basta?" Natahimik siya sa aking sinabi at nakatingin lamang sa aking mga mata.

"Art naman..." humahagulhol kong sinabi.

"Ash, pakinggan mo akong mabuti." saad niya. "Hindi ka na pwedeng manatili dito, nakikita mo naman yung kalagayan natin ngayon..."

"Arthur, ako yung pakinggan mo." iyak ko. "Please, sumama ka sakin, gamitin mo yung relo mo para sabay tayong makaalis." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Hindi na pwede, kailangan kong manatili dito sa bahay, ito nalang yung alaalang meron ako at meron tayo." saad niya habang inaabot yung pitaka niya. Inabot niya sa akin ang litrato naming dalawa at kinuyom ang aking kamay. "Sayo na iyan." sinabi niya at ngumiti siya.

"May mga dadaang rescue truck sa labas, sumabay ka sa kanila." paliwanag niya habang nararamdaman namin ang pagdagundong ng kulog sa paligid.

"Art, hindi ako aalis nang hindi ka kasama... please, sumama ka na sa akin." pagmamakaawa ko at halos lumuhod ako sa harapan niya mapapayag ko lang siya. Alam kong pinipigilan din ni Art ang nararamdaman niya.

"MAY TAO PA BA DIYAN!? KASYA PA ISA DITO!" Narinig namin ang pagsigaw ng isang lalaki sa labas habang nakasakay sa isang truck.

"Ash ito na yung pagkakataon." sinabi niya. "Mas maliligtas ka kapag nakabalik ka na."

Mas lalong bumuhos ang aking mga luha nang makita kong naiiyak na din siya.

"Kapag natatakot ka, basahin mo lang yung tulang ginawa natin ha."

Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Hindi ko gustong umalis nang hindi siya kasama.

"Art, sumama ka na sakin... Art gamitin mo yung relo mo, pakiusap... Art..."

"MAY SASAKAY BA!?" narinig kong sumigaw muli ang lakaki.

"SANDALI LANG PO!" Sigaw ni Art.

Halos maubos na ang luha ko dahil sa kakaiyak dahil ayoko pang umalis.

"Ash, susunod ako." sinabi niya ipinasuot niya sa akin ang jacket niya. Binalutan din niya ng panyo ang aking ilong at bibig. "Huwag mong kakalimutan yung tula ha, palagi mong sasabihin iyon."

Lumuhod ako sa harap niya at nakatayo padin siya, pinipigilan niyang umiyak kahit may tumutulo na din sa mga mata niya.

"Ash tayo ka, sige ka... Mawawala yung ganda mo." Saad niya at umiyak na din siya.

"Art, please... Nagmamakaawa ako sayo... Sumama ka na sa akin." saad ko nang pinatayo niya muli ako.

"Alam kong may babalikan ka pa, naging masaya naman ako na nakasama kita Ash." Hawak niya magkabila ang aking pisngi. "Mahal na mahal kita Ash, tandaan mo iyan..."

Niyakap ko siya nang sobra sobrang higpit. Hindi ko gustong mangyari 'to, ayoko!

"TARA NA! BUMABABA NA YUNG USOK!" Sigaw muli at naalarma na kaming dalawa. Hawak ni Art ang aking kamay at sabay kaming lumabas sa bahay. Nababalot na ng abo ang paligid at hindi ko na maaninag ang mga itinanim naming halaman sa labas.

"Sandali lang po, may kukunin lang ako." saad ni Art at bumalik sa loob. Nakaupo na ako sa loob ng truck kasama ang mga ibang lumilikas. Iniabot niya sa akin ang papel na naiwan ko sa loob. Ito yung tula at pilas na ang parte na isinulat niya.

"Magiingat ka Ash." saad niya at umandar na ang sasakyan.

Hindi matigil ang aking pagiyak dahil unti unti akong napapalayo kay Arthur, gusto ko siyang sumakay dito ngunit ayaw niya.

Habang umaandar ang sasakyan ay nakikita kong nakatingin sa akin si Art at unti unti nang lumalabo ang paligid. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang malaking usok na nasa himpapawid at ibinubuga ng bulkan.

Gusto kong bumaba, gusto kong bumalik ngunit nagdadalawang isip ako. Sa tuwing maaalala ko lahat ng kaniyang sinabi ay mas lalo akong nagkakaroon ng lakas na loob na bumaba at bumalik, kahit na anong mangyari, gusto ko siyang makasama.

"Manong sandali lang po!" Sigaw ko at huminto ang sasakyan. Bumaba ako at kumaripas ng takbo papunta sa kinaroroonan ni Art.

Habang sinasalubong ko ang hangin, pati na rin ang abo ay unti unti kong naaaninag ang pigura ng kanyang katawan. Lalo akong napapaiyak sa ginagawa ko dahil sabik na sabik akong muli siyang mayakap.

"Art!" Sigaw ko at nakita kong natakbo din siya papalapit sa akin. Nakikita kong umiilaw ang aking relo.

Mas lalo kong binibilisan ang pagtakbo dahil natatakluban kami ng malabong kapaligiran. Ginagamit ko ang aking lakas upang makarating sa kaniya ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, naramdaman ko ang agaran kong pagbagsak nang tumama ang paa sa putikan at tumaob ang aking katawan. Agad kong naituon ang aking kamay at halos mabali ito.

Nawala ang ilaw na aking nakikita galing sa relo at agad naman akong napahawak sa aking tuhod. Puno ng gasgas ito at nananakit.

Agad kong tinignan ang braso at kamay ko at nakita kong basag ang salamin ng relo at hindi na ito umiikot.

Mas lalo akong kinabahan sa nangyayari at talagang bumubuhos ang luha ko kasabay ng pagpatak ng mga putik.

"Ash! Ayos ka lang?" Nakita kong papalapit si Art sa akin at inalalayan ako sa pagtayo.

Ilang sandali pa ay gumawa ng malakas na dagundong ang paligid dahil sumabog na ng tuluyan ang bulkan.

Itinabi ako ni Art saglit sa kalsada dahil may mga nadaang mga truck din. Bumalik siya sa bahay dahil may kukunin daw siya.

"Ash, gamitin mo na yung aking relo." inabot niya sa akin at inilagay sa aking pulsuhan. Kinuha niya ang nasirang relo at ibinangon niya ako.

Naramdaman ko ang halik niya bago may dumaang sasakyan na may mga sakay ding lumilikas.

"Susunod ako Ash."

Isinakay niya ako at nanatiling nakatayo at pinapanood niya ang aking pagalis.

Bumabagsak na ang malalaking tipak ng bato galing sa bulkan at nakikita ko sa malayo ang malaki at mabilis na usok na pababa sa bulkan.

Tuloy padin ang pagbuhos ng aking luha nang makita ko ang lahat, nakita ko si Art na unti unting lumalayo sa aking paningin. Hindi ko kaya, hindi ko alam kung magiging ayos pa ba ang lahat pagkatapos ng nangyaring ito.

Halos bagsakan ako ng langit at lupa nang makita kong iilan na lamang ang lumilikas at sobrang bigat ng puso ko nang maalala ko ang itsura ni Art bago ako maging malayo sa kinaroroonan niya.

"ART!" Paos kong isinigaw.

Naririnig ko din ang pagiyak ng mga batang sakay nitong truck at parang taong putik na sila dahil natatakluban na silang lahat ng putik.

Binuklat ko ang papel at patuloy na sinasabi ang huling parte ng tulang ito.

"Oras ang pagitan..." Sinasabi ko habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng mainit na usok ng bulkan.

"Hadlang sa ating pagmamahalan. Ibabalik ka sa nakaraan, iiwanan ang... kasalukuyan..." bumubuhos ang aking luha habang binibigkas ang bawat linya.

"Sa bawat panahong dadaan, hihintayin ang itinakda ng kapalaran. Oras ay nakalaan, dadalhin sa..."

Naputol ang aking sinabi nang unti unti kong narinig ang tunog ng relo. "Dadalhin sa pinanggalingan."

Sumulyap ako sa bulkan at kitang kita ko kung gaano kapaminsala ang dulot nito. Naaalala ko lahat ng ginawa at napagdaanan namin ni Art at talagang kumikirot ang puso ko sa tuwing bumabalik sa akin ang lahat.

"Ang ganda ganda mo talaga..."
"Gusto mo din ba ako?"
"Naging masaya naman ako na nakasama kita ng matagal Ash."

Bumubuhos ang luho ko habang pinapanood ang lahat, ang paligid.

"Mahal na mahal kita Ash, tandaan mo iyan."

END OF CHAPTER TWENTY-SEVEN





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro