/26/ Level Five
CHAPTER TWENTY-SIX:
Level Five
ASH
Hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako dahil sa nangyari kaninang tanghali o hindi na, ang sakit ng katawan ko lalo na sa may batok, parang gusto pang magrecharge ng katawan ko bago bumangon.
"Gising ka na pala." saad ni Art habang nakatayo sa pinto. Wala siyang pangtaas at nakshort lamang ito.
"Anong oras na?" tanong ko
"Oras na para kumain ulit." nakangiti niyang saad.
Nakabalot padin ang kumot sa akin at nang alisin ko ito ay nakita kong nakashort na din ako. Grabe parang gusto ko pang manatili sa kama pero nagugutom nako. Ang bigat padin ng katawan ko at may mga pulang spots sa dibdib ko.
"Pasensya na, hindi ko sinasadya yung mga nasa dibdib at leeg mo." medyo sincere niyang sinabi.
Hindi daw sinasadya eh halos matuklap na yung balat ko habang nilalaro niya ako. Hindi mo nga sinasadya, pero alam kong ginusto mo naman.
"Tara kain na tayo, gutom na din ako eh." saad niya ngunit sumenyas akong dito muna kaming dalawa. Wala talaga akong lakas para bumangon, pati ang sakit padin ng likod ko. Nangangawit din yung hita ko.
"Dito ka muna please..." saad ko at umupo siya malapit sa kama. Mas lalo kong nakita ang magandang pagkakahubog ng dibdib niya at braso. Nakita ko din ang mga namumulang kalmot sa likod niya. Bigla akong natawa sa nakita ko dahil mas grabe naman pala ang ginawa ko sa kaniya. "Sorry nga pala sa mga kalmot ko..." nahihiya kong sinabi sa kaniya at nakita kong napabuntong hininga siya at ngumiti.
"Tara na Ash, baka butikiin yung hinain ko sa lamesa." Kinuha niya ang braso ko sanhi para mailagay ko ang bigat ko sa kaniya.
Sabay kaming tumayo at nanghihina ang mga paa ko, ginusto ko naman 'to kaya kailangan kong tiisin. Ilang sandali pa ay bumaba na kami sa hagdan at naamoy ko kaagad ang pagkaing nasa lamesa. Naririnig ko din ang balita sa bukas na TV.
Oh my, my favorite chicken afritada! Naalala ko tuloy bigla yung ipinadala ni Mommy noon.
"Ikaw yung nagluto Art?" tanong ko at sabay kaming umupo sa upuan.
"Yung katabi mo nga, hi daw." biro niya.
Hindi nalang ako umimik nang hinawakan ko ang kaniyang kamay upang magdasal. Nang matapos na ako ay agad kong kinuha ang hitang parte ng manok. Tumingin siya sa akin bigla akmang nanghihinayang na ako na ang nakakuha nito.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Bigla siyang nagsalita.
"Nangagawit yung leeg ko, hindi ko alam kung bakit." tugon ko.
"Napasobra ata yung ginawa ko, pasensya na." nahihiya at nakangiti niyang sinabi.
Nagkatinginan na lamang kami at ipinagpatuloy ang pagkain, hindi ko na inalintana ang sakit sa likod at hita ko para naman hindi na siya mas lalong mahiya. Nasa taas lang kasi kami ng kagustuhan ng mga oras na iyon kaya hindi namin napigilan ang aming mga sarili.
Nakita kong malapit na muling maggabi at lumalamig na din ang paligid. Ako na ang nagayos ng pinagkainan at dumiretso siya sa banyo upang makapaglinis ng katawan.
Wala siyang pantaas kaya naman aninag ko sa kaniyang katawan ang namumula kong kalmot sa likod at bakas ng kamay ko sa kaniyang dibdib at braso. Nahihiya tuloy ako, feeling ko napasobra din ang ginawa ko sa kaniya, para akong nagwawalang pusa sa nagawa ko.
Ipinagpaalam ko kay Art na gagamitin ko ang TV habang hinihintay siyang matapos sa paliligo. Umupo muna ako sa sofa at ibinalot sa likod ko ang tuwalya dahil nilalamig ako. Medyo malabo ang lumalabas sa TV ngunit malinaw naman ang tunog nito.
Eksaktong nasa balita nang nabuksan ko ito at sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan at ninerbyos.
"Pinatubo, muling nagpapakita ng galit. Mga nakatira sa paligid nito, pinalilikas."
Halos kumunot ang aking noo nang makita ko ang balita. Bigla namang nawala ang tunog at ang aking pinapanood nang biglang humangin nang napakalakas. Hindi na muli nanumbalik ang palabas kaya naman pinatay ko na ang TV.
Ilang sandali pa ay nakita kong lumabas si Art sa banyo na nakatapis lamang, nang makita niya akong nakaupo at tila ba may iniisip, naglakad siya papalapit sa akin.
"May problema ba Ash?" Tanong niya habang pinapatuyo ang buhok gamit ang isang maliit na pamunas.
Lumingon ako sa TV at napatingin din siya dito.
"Ahh, ayan bang TV? Ayusin ko nalang mamay--" naputol ang kaniyang sasabihin.
"Hindi, yung nasa balita kanina." nagaalala kong sinabi at natahimik siya. Parang may alam siya na hindi ko alam kaya naman nagtanong muli ako. "Alam mo ba yung nasa balita?"
Umiling lamang siya at napapaisip na rin.
"Ano ba yung nasa balita? May pinatay ba?" tanong niya.
"Yung Mt. Pinatubo daw, may tsansang pumutok ulit, tapos pinalilikas yung mga tao." nagaalala kong sinabi at tumingin sa kaniya.
"Ipagdadasal nating hindi mangyari iyon." sinabi niya at iniabot na sa akin ang kakailanganin ko para sa paliligo. Pumunta na siya sa taas na para bang walang nangyari.
*****
Nagdaan ang ilang araw at buwan ngunit hindi na muling naibalita ang tungkol sa Mt. Pinatubo, naghihintay ako na mangyari ang nasa balita ngunit hindi naman nangyari. Halos magiisang buwan na din akong namamalagi dito sa bahay at mabuti naman at hindi na muli ako nakakakita ng pangitain at hindi na kami ginagambala ng relo.
"Ash, gusto mong sumama sa palengke? May bibilhin lang ako." tanong niya pero tumanggi ako. Nagiimis kasi ako ng kwarto niya kaya siya na lamang ang pinapunta ko sa palengke.
Umupo muna ako saglit sa kama at bigla kong narealized na parang wala ng pag-asang makabalik pa ako sa amin, nastuck na talaga ako dito sa panahon ni Art. Tinanggap ko na din naman sa sarili kong manatili na dito ng matagal dahil napapagod lang ako sa kakaisip kung kailan nga ba ako makakabalik gayong parang imposible nang mangyari.
Sa halos isang buwan naming pagsasama ni Art, naging maayos naman at naging masaya naman kami, sa totoo nga lang, kung may pagkakataong maulit muli yung nangyari noong may nangyari sa amin, gugustuhin ko din mangyaring muli dahil alam ko namang mahal namin ang isa't isa.
Nung isang araw nga pala ay sinunog namin parehas ang lahat ng mga isinulat niyang suicide messages. Natatawa nga siya noong isa isa naming idinadarang sa apoy yung mga papel.
Mas napaganda namin ang ayos nitong kwarto niya at mas lalong lumawak tignan, nakailang portraits din siyang nagawa tungkol sa mga bagay na kinahihiligan niyang gawin. Naging saluhan din kami sa schedule ng pagluluto, paghuhugas ng pinggan, at sa paglalaba, parang mag-asawa talaga ang turingan kahit ganito palang ang nararanasan naming dalawa.
Kinuha ko sa isang tabi ang tulang ginawa namin at ito ay nakalipat na sa isang magandang papel at nakatypewriter na. Kahit papaano ay naenjoy ko ang mga pwedeng gawin dito kahit malayo ako sa nakasanayan ko sa amin.
Para naman mawala ang pagkaboring ko dito ay tinuturuan ako ni Art kung paano magsketch ng mukha, sa katunayan nga, nasketch ko na yung mukha ni Art kaso parang inupuan lang ng baboy dahil hindi proportionate yung ginawa ko. Habang siya naman, tinuturuan kong maggitara habang nandun kami sa bubungan kapag natapos na kami sa pagkain, hanggang ngayon, hindi padin niya maayos ang pags-strum dahil nangangawit daw ang kamay niya.
Yung pinto nga pala ng kwarto ni Art ay dinesignan namin gamit ang kamay namin, isasawsaw sa pintura at ilalapat sa pinto upang magkaroon ng handprint dito.
Nakita ko naman sa drawer niya ang mga napamili naming mga damit noong isang araw dahil ipinasyal niya muli ako sa mall. Nasundan din yung picture taking namin sa photobooth noon at ngayon ay isinabit namin ito sa kisame ng kuwarto niya para daw kapag matutulog na kami, nakikita daw naming naging masaya kami bago namin ipikit ang aming mga mata.
Sa labas naman ng bahay, parehas kaming nagtanim ng mga bulaklak at ipinalibot sa buong bahay, sobrang tagal bago tumubo ng mga iyon dahil napakatagal bago umusbong.
I heard footstep sa may pinto sa baba na approaching dito sa taas and guess what? Si Arthur yon, may iisipin ka pa bang ibang tao bukod sa kaniya?
"Bumili nga pala ako ng isaw, diba gusto mo nito?" saad niya habang nakataas ang hawak niyang dalawang plastic.
"I told you hindi ako nakain ng isaw!" pagrereklamo ko dahil hindi naman talaga.
"Ikaw bahala, basta ako kakain..." sinabi niya at dalidaling bumaba. Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya.
"Huy, may iba ka pa bang binili? Bukod sa isaw?" tanong ko. "Lumpia, meron?" habol ko.
"Walang lumpia eh..." tugon niya. "Ito nalang kasi kainin mo, sige ka magugutom ka diyan."
"Ayoko nga sabi, nakakadiri kaya." saad ko at dalidali na siyang bumaba.
"Hindi mo nga pala kailangan yung opinyon ko..." natatawa ngunit seryoso niyang sinabi sa akin.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya sa baba at piliting kainin ang isaw na dinala niya.
"Unti untiin mong isubo kasi." utos niya habang hawak ang stick at ipinapakain sa akin ang isaw.
"Malinis ba iyan?" Nagdadalawang isip kong tanong.
"Oo malinis iyan, hindi ka mamamatay diyan." tugon niya at idinikit sa labi ko ang isaw.
Para akong batang nandidiri sa pagkain, nakakainis, dapat pala hindi nalang ako bumaba dito.
"Bilis na, isang kagat lang." pagmamakaawa niya at ginawa ko nga.
Gosh, for the second time, natikman ko din ito. Shemay, hindi ko alam kung iluluwa ko ba o kakainin kasi naiimagine ko yung earthworm na pula na gumagapang sa lupa kapag nginunguya ko 'to.
Agad ko namang iniluwa sa lababo ang isaw at nakita kong tawa ng tawa si Art. Naduduwak tuloy ako dahil sa isaw na iyan.
"Ano Ash? Buntis ka ba?" natatawa niyang sinabi habang hinihimas ang likod ko.
"Sira ka, kaya ayokong kumakain ng isaw eh!" reklamo ko at kitang kita ko ang suka sa lababo, nakakainis dahil tuloy padin sa pagtawa itong si Art habang ako ay hirap na hirap na namang huminga. "Pahingi ngang tubig Art." suyo ko at sinalinan niya ang baso ko.
"Sa susunod bibili na ako ng pregnancy test para malaman natin ha." pabiro niyang saad at inapakan ko ang kaniyang paa. "Aray! Walang sakitan..."
Kapansin pansin na tila dumidilim ang paligid kahit bukas ang bintana malapit sa kusina. Maaraw naman kanina pero bigla talagang nagdilim. Napatigil kami ni Art sa aming ginagawa at nagkatinginan kami.
Pumunta sa sala si Art at binuksan ang radyo.
"Kasalukuyan pong nagbubuga mga kababayan ng napakalaking usok ang Bulkang Pinatubo." nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. "Inaasahang makapaghanda ang lahat sa susunod na mangyayari... Sa kabilang punto ho naman ay unti unti nang pinalilikas ang mga nakatira malapit sa Bulkan at sa Clark Military Airbase. Inaasahan ang ashfall sa mga susunod na oras at araw."
Inilipat ni Art sa ibang estasyon ang radyo at ganoon din ang sinasabi ng balita.
"Itinaas sa Alert Level Five ang bulkan at inaasahan ang napakalakas na pagsabog nito. Pinapalikas ang mga residente sa mga kalapit lugar nito katulad na lamang ng ilang lugar sa Pampanga, Tarlac, at Zambales."
Agad kaming napatakbo ni Art sa taas upang silipin ang Mt. Pinatubo at tumambad sa amin ang napakataas at napakakapal na usok. Gumagawa ito ng pagkidlat at nakakakilabot kung titignan mo ito. Humahangin nang malakas at tumitindig ang aking mga balahibo.
END OF CHAPTER TWENTY-SIX
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro