Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/24/ Sa Oras

CHAPTER TWENTY-FOUR:
Sa Oras

ASH

It is four o'clock in the morning nang makita kong gisingin ako ni Art, ilang sandali pa ay bumangon na rin ako. Bigla ko namang naalala na may pasok na kami at ito na ang presentation namin para sa Obra at Tula. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari ngayong araw dahil hindi ko padin kabisado ang pyesa.

Umupo muna ako sandali sa kama at nang inilinga-linga ko ang aking paningin ay nakita ko ang relong nakalagay ng maayos sa study table ni Art. Naalala ko din na hindi ako nakaramdaman ng sign ulit galing sa relo at nagpapasalamat naman ako para doon.

Kinuskos ko ang aking mata at humarap sa salamin. Sa wakas naman at kahit papaano ay nabawasan ang eye-bags ko dahil ilang araw na akong nakakakumpleto ng tulog. Sleeping naturally ika nga.

Bumaba naman ako sa hagdan at nakita kong napakaayos ng sala pati na rin ang shelf ng mga tapes, wala akong nakikitang pintura, brushes, at canvas dito at tangi ko lang nakita ay ang landscape na ginawa ni Art. Ito ay nakalagay na sa isang napakalaking plastic na may nakasulat na 'PRESENTATION-AA' napangiti naman ako nang makita ko ito at narinig ko naman ang mga platong inilalagay sa lamesa.

"Goodmorning." maligayang saad ni Art. "Ito na yung araw ng presentation, handa ka na?"

Habang inilalagay niya ang ulam sa isang plato, medyo kinabahan naman ako dahil hindi ko pa totally saulo ang tula pero may natatandaan na naman ako.

"Konti lang, medyo hindi ko pa kasi saulo yung pyesa e..." tugon ko.

"Kung may makalimutan ka man sa sasabihin mo, edi subukan mong magisip ng pwede mong maisip para sa tula." positibo niyang sinabi sa akin at ngayon ay umupo na kami sa upuan sa lamesa.

Ako na mismo ang nagabot ng kamay ni Art upang ipagdasal niya ang pagkaing nasa hapag namin ngayon, binanggit niya din ang gaganaping paligsahan ngayon at hinihiling niyang sana ay maging maayos ang lahat.

Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay agad naman akong nagpakawala ng ngiti senyales na kakayanin naming maipanalo ang contest.

"Corned-beef na nga lang pala yung ginisa ko kanina para busog tayo pagpasok." paliwanag niya at nag-okay nalang ako. Paborito ko naman ito tsaka nakasisiguro akong masarap ito dahil siya ang nagluto.

"Okay na ba yung sugat mo? Patingin nga?" Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at labi upang tignan at sa palagay ko naman ay okay na kahit papaano. Wala na rin ang pasa at yung labi nalang talaga ang may tuyong sugat padin.

"Ayos na ako, tsaka sigurado naman akong hindi na mangyayari iyon muli."

Nagpatuloy kami sa pagkain at pinaghatian na namin ang natira pang corned-beef. Nakita ni Art na gusto ko pang kumain kaya naman nakita kong inilagay niya sa aking plato ang corned beef na nasa kaniya. Napangisi nalang ako.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo na ako sa lababo upang maunang magsipilyo, kahit parang hindi tama, ipinahiram ni Art ang kaniyang sipilyo sa akin upang malinis ko daw nang maayos ang aking ngipin. Pinangako ko namang huhugasan ko nang mabuti ang kaniyang toothbrush pagkatapos.

Inihanda na rin niya ang mga gagamitin ko sa paliligo at kinuha ko ito, ako na rin ang unang maliligo para daw hindi kami magtagal.

"Tandaan mo yung sinabi ko ha, kapag matagal ka sa loob, papasok talaga ako." saad niya kahit alam kong hindi naman niya talaga gagawin iyon. Binilisan ko na rin ang paliligo dahil naeexcite at kinakabahan din ako at the same time. Gusto kong manalo din para naman masabi ko na din yung nararamdaman ko para kay Art through our deal.

Nang makalabas ako ay nakaabang na din siya sa pinto. "...Limang minutong late..." pabiro niyang sinabi at ako naman ay agarang nagtungo sa kwarto.

Nakasabit na ang polo pati na rin ang tshirt, nakahanda na din ang shorts, pati ang aking medyas. Ang effort talagang mag-ayos ni Art. Talagang metikuloso in a good way itong si Art kaya hangang hanga ako sa kaniya.

Nakita niya akong nakauniporme na nang pumasok siya sa loob, lumabas muna ako saglit upang makapagbihis siya nang maayos sa loob. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya naman lumingon ako.

"Ash, suutin mo na yung relo." utos niya at kinuha ko sa drawer ang relong para sa akin. Bumaba muna ako upang ayusin ang bag na nakatalaga para sa akin at inasikaso ko naman ang kay Art.

Siguro kung may cellphone lang akong dala ngayon, baka napicturan ko na yung painting dahil napakaganda talaga. Nakita ko naman sa isang tabi ang wallet ni Art na nakabukas kaya naman kinuha ko ito.

May laman itong pera pati na rin ang picture naming dalawa nung nagpunta kami sa mall. Napangiti naman ako dahil dito.

Umupo muna ako sandali sa sofa upang hintayin ang pagbaba ni Art, ilang sandali pa naman ay may sandaliang vision akong nakita na ako ay pinalilibutan ng mga tao at tila tinitignan ang kalagayan ko. Pagkatapos noon ay nanumbalik ako sa normal kong nakikita at bumungad si Art na bumababa sa hagdanan.

"Tara na, may ilang minuto pa tayong natitira bago tayo malate sa school." sinabi niya at sabay na kaming lumabas ng bahay. Bitbit niya ang canvas at ako naman ang umaalalay sa paglabas niya sa pinto at sa pagkakandado ng bahay. "Ash, ikaw na ang kumuha ng masasakyan natin." suyo niya at ginawa ko naman.

*****

"Please refrain from talking loud while the contestants are presenting their entries and artworks." panimula ng babaeng nasa gitna ng stage habang kami naman ay nakaupo sa mga upuan sa baba.

"Art, ang gaganda din ng gawa nila..." bulong ko sa katabi kong si Art habang hawak ko ang papel na may tula.

"Anong mas maganda? Yung sa atin o yung sa kanila?" tanong niya sa akin.

"Syempre yung atin." tugon ko.

"Mali."
"Huh, bakit naman naging mali? Ayaw mo ba ng ganon?" nakakunot kong tinanong.

"Mas maganda ka sa gawa natin at sa kanila." pabulong na biro niya at siniko ko siya. Nagawa pa talagang magbiro.

Nakuha ang atensyon ko nang masulyapan ko ang isang babaeng nakalimutan din ang kaniyang sasabihin sa unahan. Pangwalo kaming sasalang at halos seventeen kaming nandito na magkapares. Bigla naman ako kinabahan at napahawak nalang ako nang mahigpit sa aking hita. First time ko kasing magpeperform sa harap ng maraming tao, nakakahiya.

"Huwag kang kabahan, kasama mo naman ako sa unahan ah." positibo niyang bigkas sa akin. "Tsaka tiwala naman akong magagawa natin ito." saad niya at hinawakan ang aking kamay na malapit sa kaniya. Ngumiti siya sa akin kahit alam kong kinakabahan na din siya't kami na ang susunod pagkatapos ng nagsisimulang magperform.

Karamihan sa mga artwork ay tungkol sa ibon, bulaklak, abstract, at isang tao. Dalawa lang kaming naiiba dahil lanscape ang aming ginawa. Ngayon ay medyo saulo ko na ang mga linya at hinding hindi ko makakalimutan ang dalawang huling stanza na idinagdag ni Art.

"Pair number eight?" tawag ng lalaking may hawak ng papel.

Gosh, ito na, kinakabahan na din ako. I saw Art stared at me and smiled, pinisil niya ang aking kamay at sabay kaming tumayo. I am nervous right now pero kailangan kong labanan ang kaba at pagkanerbyos ko ngayong oras.

I helped him carry the canvas until we reached the middle part of the stage, ipinatong ni Ash ang canvas sa kahoy na patungan at isinandal ito. Ibinigay din kay Art ang microphone at nagsimula siya magsalita.

"Goodmorning sa lahat ng nanonood at pati na din po sa mga hurado ngayong araw..." panimula niya at kumakabog na ang aking dibdib. "Nais po naming ibahagi sa inyo ang obrang aming napag-isipang gawin at kung may katanungan man po ang isa sa inyo ay handa po naming sagutin."

Nakatingin ang mga tao sa amin at talagang nakakakaba talaga kapag nandito. Ilang saglit pa ay nagtanong ang isang judge sa baba habang tinitignan ang landscape.

"Kung papangalanan mo ang iyong obra, ano ito at bakit?" Napatingin ako kay Art habang nagiisip nang isasagot.

"Uhmmm, sa katunayan po, may nabuo na po kaming titulo para po sa landscape na ito..." iniharap niya sa mga taong nanonood ang painting. "Ito pong painting na ito ay pinangalanan po naming 'In Time' at sa tagalog naman po ay 'Sa Oras'."

"Maaari mo bang ipaliwanag kung ano ang nasa obrang ginawa ninyong dalawa?" pahabol na tanong muli.

"Ito pong landscape na nagawa po namin ay nakabase sa Poblacion kung nasaan po tayo ngayon, umakyat po kami sa taas ng aming bahay upang makita ang malawak na Poblacion kasama na din po ang magandang tanawin na mga bundok na nakapaligid sa Mt. Pinatubo." paliwanag niya. "Naging sentro po namin ang simbahan ng San Guillermo upang ipakita na ang oras ay lumilipas at sa paglipas nito ay naiiwan ang mga alaalang nakabaon sa bawat isip ng mga tao."

Namangha ako sa kaniyang sinabi dahil hindi siya tumitigil at parang alam na alam niya ang lahat ng kaniyang ipinaliwanag. Pinagmamasdan ko ang ilang mga taong nakangiti at natutuwa sa ginawa niya.

Nabaling ang atensyon ng lahat nang ako ay biglang tawagin, ito na ang oras ko upang iparinig sa kanila ang nagawa naming pyesa. Inabot sa akin ni Art ang mic at ngumiti sa akin, ibinulong niyang 'Kaya mo iyan!' sa akin at tumango nalang ako sa sinabi niya.

Nagsimula na ako sa pagsasalita at unti unti akong nagiging confident sa aking mga sinasabi, sobrang natutuwa ako dahil saulo ko na ang tula.

"Oras ang pagitan, hadlang sa ating pagmamahalan." Bigla kong naririnig ng mahina ang relo at kinilabutan ako nang sobra, pinipigilan kong hindi matumba hanggang sa matapos ako sa pagsasalita.

"Ibabalik ka sa nakaraan, iiwanan ang kasalukuyan." Ramdam kong namumutla na ako at pinagpapawisan, nakita ko si Art na sumesenyas na tila nagiilaw ang aking relo at akmang papalapit sa akin. Pinigilan ko muna siya at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Sa bawat panahong dadaan, hihintayin ang itinakda ng kapalaran.
Oras ay nakalaan, dadalhin sa pinang-"

Naputol ang aking sasabihin nang maramdaman kong nanlalambot na ang aking tuhod sanhi para bumagsak ako. Naramdaman ko ang pagsalo ni Art sa aking ulo upang pigilan ito sa pagkakahampas sa semento. Sobrang daming taong nakapalibot sa akin ngayon.

*****

Pagkamulat ng aking mata ay may naririnig akong nagsasalita at tinatawag ang aking pangalan. Ang bigat ng ulo ko at nakita kong nakatingin sa akin si Art.

"Ash, ayos kana?" Tanong niya habang may isinusulat ang nurse na katabi niya.

"Anong nangyari? Natapos ba yung contest? Kailangan nating bumalik doon." nagaalala kong sinabi at hinawakan ang kaniyang kamay. Ngumiti lang siya at sinabing. "Okay na natapos na yung contest."

Nang tatanungin ko na sana siya kung may nakuha ba kaming award ay bigla siyang nagtanong.

"May nakita ka na naman bang pangitain? Nakita ko kasi yung relo mo at yung akin na umiilaw." saad niya. Bigla ko namang naalala ang nakita kong vision.

"Nakasakay daw ako sa sasakyang naandar, tapos nakita kita na papalayo sa akin, hindi ko alam kung bakit pero umiiyak ako doon. Sobrang dilim ng paligid halos wala kang makita na malapitan." saad ko kahit medyo paos. "Suot ko daw ang relo at nirerecite ko daw yung last part ng tula na ginawa mo. Pagkatapos kong gawin iyon, ayun nandito na ulit ako."

Napapaisip tuloy siya sa aking sinabi at umupo ako sa higaan sa loob ng clinic.

"Ash, huwag kang matakot. Diba sabi ko magiging okay ang lahat?" tanong niya at hinawakan magkabila ang aking pisngi. Kami lang ang naiwan dito matapos lumabas ang nurse.

"What if bigla nalang akong makabalik sa amin, paano ka? Wala kang kasama?" pagaalala kong muli.

Hindi nalang siya nakasagot at naramdaman ko ang labi niyang dumampi sa aking noo. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas himas niya ang aking likod.

END OF CHAPTER TWENTY-FOUR

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro