Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/2/ Discovery

CHAPTER TWO:
Discovery

ASH

Habang naglalakad ako ay pinagmamasdan ko ang gamit na nakita ko kanina. Yung latang may nakalagay na 'one nine nine one'. Sobrang weird lang tignan nito dahil parang sinauna pa ang latang ito tapos may kalawang ito malapit sa takip. Napahinto ako ng saglit dahil pinipilit kong buksan ito pero sobrang hirap.

"Ano ba naman kasi ang laman nito? Para namang ayaw ipagamit." saad ko habang napapangiwi dahil sa pagsakit ng aking mga daliri.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko nang itapon ito sa basurahan sa tapat ng aming bahay ngunit nabaling ang atensyon ko nang makita ang lalaking nakamotor sa tapat ng aming gate. Ayun na siguro yung magdedeliver ng pagkain.

"Uhmm, sino po ang hinahanap niyo? Kuya?" mahinahon kong itinanong sa kaniya nang makaalis siya sa pagkakaupo sa motor.

"Ito na po yung ipinapadeliver ni Mrs. Analyn Federacion. Dinner package po Sir." paliwanag niya.

"Ah, mommy ko po yung nagpadeliver..." saad ko. "Nabayaran na po ba niya ito?" tanong ko.

"Paid na ang nakalagay sa resibo, pick-up nalang ang kailangan." sagot niya.

Agad naman niyang iniabot sa akin ang dalawang malaking plastic at yung resibo. Ipinalista nalang niya ang pangalan ko sa isang listahan para maverify kung nakuha ko na o hindi pa.

"Salamat po Kuya." Sinabi ko at umalis na siya.

Kinuha ko ang susi ng bahay sa aking bulsa at binuksan ang padlock sa gate. Pumunta naman ako sa tapat ng pinto upang buksan ito. Nang makapasok ako sa loob ng bahay, ipinatong ko na ang aking bitbit at ang aking bag sa dining table at dumiretso naman ako sa sala para mahiga sa sofa.

"Solo again." mahina kong sinabi at ipinikit ng saglit ang aking mga mata.

Nakakamiss din pala yung maingay dito sa bahay, yung bukas lahat ng ilaw, maraming tao, at siyempre yung kumpleto pa kami nina Mommy at Daddy. Produkto kasi ako ng broken family at kahit na sabihing kaya na namin ni Mommy na kami lang dalawa, mahirap parin dahil alam ko namang may ilang hindi kayang gawin si Mommy na kayang gawin ni Daddy. Since elementary sila nagseperate at sobrang nakakatrauma nung mga panahong sinisikreto ni Mommy lahat ng mga iyak at hagulgol niya.

And this house, ipinatayo ito ni Mommy just for the two of us.

Napatingin ako sa aming malaking wallclock at ito ay nasa six thirty na ng hapon. Kahit nilalabanan ko ang aking antok, pumipikit parin ang aking mga mata.

----

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko dahil may natawag. Agad ko naman itong kinuha at sinagot.

"Ash..." boses ni Mommy. "Dumating na ba yung pang-dinner mo diyan?" mahinahong tanong niya.

"Opo... napick-up ko na po." sagot ko. Napansin ko naman ang napakaingay na paligid sa kabilang linya. Parang may nagvivideoke na hindi ko maintindihan.

"Mommy, bakit parang ang ingay diyan? Nasaan ka po?" curious kong itinanong.

"Ay naku, sorry anak kung maingay... Nandito ako sa office... kaso yung boss ko birthday kaya ayan, nagpaparty dito." paliwanag niya. "Lalabas pa ba ako, baka kasi di tayo magkaintindihan." alok niya ngunit tumanggi ako. "Hindi na po, naririnig pa naman po kita."

Habang nasa tawag parin ako, lumapit ako sa dining table upang ilabas ang mga nakabalot na pagkain.

"Ash, anak... Sorry hindi ako makakauwi sa bahay, need naming mag stay here to finish our project. Don't worry, sa weekends tayo magbobonding, okay?" saad niya. Nakaloud speaker naman yung cellphone kaya rinig ko pa.

"Mamaya mo sindihan yung candle ng cake, surprise natin iyan." nadinig ko sa kabilang linya.

Umupo muna ako saglit habang binubuksan ang mga pagkain sa lamesa.

"Tatawag nalang ako ulit ha, eat well..." at ibinaba na ni Mommy ang tawag.

Sinimulan ko nang kainin ang mga ipinadeliver na pagkain ni Mommy para sa akin. I don't know pero this is my favorite dinner food ever since natikman ko ito. And for this time, I appreciated my Mom's effort to bring this dinner to me.

Matapos kong kumain ay kinuha ko muna ang cellphone ko para naman kausapin ang isa kong kaklase, hihingi sana ako ng notes dahil hindi ako nakapagsulat ng maayos ng mga lessons. I messaged everyone except Adrian dahil hindi na niya ako titigilan once na chinat ko na siya.

Nilagay ko na sa basurahan lahat ng mga pinagkainan ko, disposable spoons, and yung mga styro-foams na lalagyan.

Aakyat na sana ako papunta sa kwarto pero naalala ko yung lata na muntikan ko nang maitapon kanina. I opened my bag, grabbed that old thing, at dumiretso na kaagad sa aking kwarto.

Umupo ako saglit sa akin kama at ininspeksyon ang itim na latang hawak ko. Hinigpitan ko ang hawak dito at pinihit pihit ang takip, wala namang nangyari. Kinuha ko ang aking nail-cutter upang isaisahing iangat ang gilid ng takip ngunit wala pading nangyayari, natutuklap lang yung black layer plastic sa paligid nito.

Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bagay na sobrang higpit na hindi mabuksan. Gusto ko sanang ibato na ito pero natatakot ako na baka may babasagin na laman 'to o kaya naman baka may masira kapag inihagis ko ito.

"Punyeta, halos matungkab na yung kuko ko, hindi padin mabuksan. May lock na passcode ba ito? Putragis." naiinis kong sinabi dahil kanina pa akong nagpapakaengot sa ginagawa ko.

Bumaba muna ako saglit at kinuha ang martilyo sa bodega namin. Sinubukan kong pukpukin ang lata ngunit nayupi lamang yung parte na pinukpok ko. Sunod kong kinuha ang lagari, pero TANG*NA! aabutin ako dito ng madaling-araw, hindi pa ito mabubuksan.

"Kaunting pasensya pa." seryoso at pawisan kong sinabi. Habang tinititigan ko yung bagay na iyon ay nagiisip naman ako ng iba pang paraan para mabuksan ito.

Bumaba ulit ako at sabay sabay na kinuha ang langis at palakol. Kapag naman hindi pa ito mabuksan, ay ibabato ko na talaga ito.

Nilagyan ko ng langis ang gilid ng takip at nagbabakasakaling mabuksan ng madali ang lata. Halos maglilimang minuto na ngunit kahit isang galaw ay walang nangyayari.

Huli kong ginamit ang palakol, sinubukan kong ihampas ito ngunit sa kasamaang palad ay WALA PADING NANGYARI.

"JUSKO! Paano mabubuksan ang letseng bagay na 'yan!" sigaw ko at ibinato ito sa aking higaan.

Umupo muna ako ng saglit at kinuhang muli ang latang iyon. Kahit may mga gasgas na ito, hindi ko ito susukuan hanggang sa mabuksan ko at malaman ang laman sa loob.

Ilang saglit pa ay sinubukan kong pisilin ang maliit na bilog sa gitna nito at umaasang mabubuksan na.

"Pag hindi na talaga kita mabubuksan, itatapon na kita." sinabi ko at bigla namang may umangat sa gilid nito.

Wala akong masabi. Halos katahimikan ang bumalot sa paligid ko ngayon. Kahit naman papaano ay nagkaroon ako ng excitement sa bagay na ito.

Sinubukan ko nang pihitin ang takip at sa wakas ay nagbukas na ito.

"O my... ganon lang pala iyon. Punyeta." mahina kong sinabi at tinignan ko ang laman nito sa loob.

Isang relo?

Kinuha ko ito ng dahan dahan habang nakakunot ang akin noo. Sa sobrang curious ko ay hindi ko na namalayan ang oras.

Ang weird lang kasi, parang hindi ordinaryong relo yung hawak ko ngayon. Kahit na mukhang vintage ito at luma na, masasabi kong ang ganda ng relong ito noong panahon na ginamit ito.

Ngunit ang napansin ko lamang, hindi ito gumagana at gumagalaw, ang oras na nakalagay dito ay nakatigil. Ang mahabang kamay ay nasa gitna ng two at three, at ang maliit na kamay ay nakatapat mismo sa ten.

Kaya siguro napaglumaan na ng panahon itong relo na ito dahil hindi na nagagamit. Buhay pa kaya yung may ari nito? Ano kayang nangyari? Nawala kaya niya yung relo tapos hindi na niya hinanap, o kaya naman napadpad lang sa school na to yung gamit na ito?

Ilang minuto na ang nakalipas at ibinalik ko na lahat ng ginamit ko sa bodega dahil hindi ko na naman iyon magagamit pa. Nakita ko rin ang orasan at mag eeleven na pala ng gabi. Hindi na din tumawag si Mommy sa akin kaya naman naglinis na ako ng katawan upang makapagpahinga na.

Kukunin ko sana sa medkit ni Mommy ang sleeping pills niya pero naalala ko yung mga sinabi niya na huwag daw ako iinom noon. Kahit na gustong gusto kong gawin iyon, hindi ko magawa dahil binilin iyon sakin ni Mommy. I need to sleep naturally para naman masanay din ang katawan ko na matulog ng walang ginagamit na pills.

Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko, sa tingin ko, may nagmessage sa akin at pakiramdam ko, si Adrian na naman iyon. Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang notification.

'Hey, what happened? - Adrian' Sandali lang, anong what happened naman yung pinagsasasabi ni Adrian?

"Anong balak mo?" Minadali ko ang pagtatype sa keyboard ng cellphone. Ilang segundo pa ay may nagpop up na kaagad sa screen.

"Hindi mo pa ba nakikita? Trending kana." ani niya.

Diyos ko po naman, ano na naman ang meron? Bakit lagi nalang talaga ako ang napapansin?

Kaagaran ko namang pinindot ang link na sinend niya sa akin at bumungad ang picture ko na nasa meme.

'Nung nadulas yung juding mong kaklase. ASHFALL.'

TARANTADO! Hindi ko alam na may nagpicture pala sakin nung nadulas ako sa canteen namin nung isang araw. Plus, ano yung juding? Bading? Bakla? Ilang beses ko pa bang sasabihin sa kanila na BISEXUAL ako.

"Ash, nakita mo na?" tanong ni Adrian sa akin.

"OO, AT BAKIT NAMAN MAY GANON? SINONG NAGPOST NO'N?" Nangangatal kong tinatype.

"Hindi ko alam, hinahanap ko nga din eh. Report ko na sa adviser natin." paliwanag niya.

"Huwag muna, baka makarating kay Mommy ito. Magagalit iyon sa akin." dalidali kong minessage.

Pinagpapawisan ako kahit nakatapat ako sa electric fan, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong patulan yung nagpost noon pero wala akong magawa.

"Sure ka Ash, wala tayong pasok bukas, holiday." ani ni Adrian.

Hindi nalang ako sumagot dahil nagiinit ang dugo ko. I forgot na wala nga palang kaming pasok bukas, nakakainis.

Habang tumatakbo ang oras, binabasa ko ang ibang comments at puro pang-bubully lang yung nakikita ko. May ilan rin namang ipinagtatanggol ako pero hindi sapat iyon, I can't defend myself. Baka kasi kapag pumatol ako, ako pa maging masama.

Ilang minuto na ang nakalipas at halos hating gabi na, hindi padin ako tinatablan ng antok. Natetempt na akong inumin yung sleeping pills para makatulog na ko pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Habang umiikot ang electric fan ay may nakita akong lumipad na papel galing sa loob ng lata. Kinuha ko ang papel at binasa kung ano ang nakalagay dito.

'1991, Poblacion De Muñoz.'

Una kong nabasa ito at ito ay naka cursive.

'Oras ang pagitan, hadlang sa ating pagmamahalan. Ibabalik ka sa nakaraan, iiwanan ang kasalukuyan. Sa bawat panahong dadaan, hihintayin ang itinakda ng kapalaran, oras ay nakalaan, dadalhin sa pinanggalingan'

Ano ito? May koneksyon ba yung relo dito sa sulat na ito? For almost twenty nine years ago? Buhay pa kaya sila?

END OF CHAPTER TWO




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro