
/10/ Sign
CHAPTER TEN:
Sign
ASH
Nang makaupo ako sa lamesa ay inilagay ni Art sa lamesa ang isang pinggan at inilagay ang ulam sa gitna ng lamesa. Kusa na akong kumuha ng kutsara at tinidor dahil maaabot ko naman ito gamit ang aking kamay. Kukuha na sana ako ng ulam nang biglang magsalita si Art. Agad naman niyang hinawakan ang aking kamay at siya ay pumikit.
"Maraming salamat po sa pagkaing nakahain sa aming hapag ngayon. Lubos po naming tinatanggap ang biyayang ito. Maraming salamat po. Amen." Habang sinasabi niya iyon ay hindi ko maiwasang panoorin siya sa pagdadasal.
Sabay kaming kumuha ng ulam at inihalo sa kaning nasa plato namin.
"Ash, kung hindi mo gusto yung ulam, ipagluluto nalang kita ng ham." saad niya ngunit tumanggi ako.
"Naku hindi, masarap naman yung ulam natin ah. Tsaka niluluto din ni Mommy 'to sa bahay." sinabi ko dahil nakakahiya naman kung maghanap pa ako ng ibang pagkain eh okay naman ito sa aming dalawa.
"Siya nga pala, may naisip ka na bang title para sa tulang gagawin mo? Baka pwede akong makakuha ng ideya." sinabi niya habang kami ay kumakain.
"Wala pa nga eh, pero irerelate ko parin yun sa naisip nating theme." sagot ko at uminom ng tubig.
"Habang nagawa kasi ako nung portrait, bigla kong naisip yung Poblacion..." nakikinig ako sa kaniyang sinasabi. "Tapos may dalawang tao na nandoon tapos magkahawak kamay."
Bigla naman akong napaisip sa mga ipinaliwanag niya at sa totoo lang, natuwa ako.
"Pwede din yun, pero suggest ko lang na mukhang romantic tignan nung portrait." sinabi ko at sinangayunan din naman niya.
Habang nginunguya ko ang kinakain ko ay biglang nasamid si Art at biglang umubo. Napatingin ako sa kaniya at bigla naman akong kinabahan.
"Huy, Art. Inom ka ng tubig." pagaalala ko. Hindi padin siya natigil sa pag ubo at halos namumutla na siya.
"ART!" sigaw ko at natigil siya sa pagubo. Nagulat na lamang ako at bigla siyang pumikit at napasubsob sa lamesa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman pilit ko siyang ginigising.
"ARTHUR!"
Sinubukan ko siyang ihiga sa sahig at I-CPR ngunit hindi parin siya nagigising. Punyeta, anong nangyari! Unti unti kong naramdaman ang aking luhang dumadaloy sa aking pisngi at ako ay lubos namang kinakabahan.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay gumalaw siya at biglang tumawa ng sobrang lakas. Ikinunot ko ang aking noo dahil hindi ko mawari kung ano talagang nangyari sa kaniya.
"Biro lang." mahina niyang sinabi.
DIYOS KO! AKALA KO NAMAN KUNG ANO NANG NANGYARI!
"GAGO KA, KINABAHAN AKO, WALANGHIYA KA!" sinigaw ko at tuluytuloy padin siya sa pagtawa. Hinampas hampas ko siya dahil sa ginawa niya ngunit ipinangsasangga lang niya ang kaniyang braso.
"Biro lang, Ash." sinabi niya at siya ay bumangon na kahit natatawa pa. "Bakit ka umiyak?"
"Eh tarantado ka eh, natakot ako sa ginawa mo, walang hiya ka." naiinis kong sinabi. Hindi padin mawala ang aking kaba kaya naman sinusubukan kong huminahon.
"Pasensya na, hindi na mauulit." nakangiti at tila bata niyang sinabi at kinukuha niya ang aking kamay.
"Ewan ko sayo." sagot ko at pinupunasan ko ang aking mata dahil sa pagluha.
"Pero kung natuluyan ako, anong gagawin mo?" saad niya at nakangisi padin. Nanahimik nalang ako at umupo sa aking upuan at itinuloy ang aking pagkain. "Pasensya na talaga, hindi na mauulit."
"Talaga." sarkastiko kong sinabi.
Ilang saglit pa lamang ang nakakalipas ay bigla ko na namang narinig ang tunog ng relo kahit hindi ko iyon suot. Ang sikip ng dibdib ko, halos hinahabol ko ang hininga ko at sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko ay mahihimatay ako kaya naman sumandal ako sa upuan. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya naman tinawag ko si Art kahit hinahapo ako.
"Ash." nasa pagaalala ang tono niya at ngayon ay hinihimas niya ang aking likuran.
"Art, pahinging tubig. Bigla ko na namang narinig yung relo." saad ko kahit kinukulang ako sa paghinga.
"Sandali lang." Naririnig ko ang pagsalin niya ng tubig sa baso at dali dali naman niya akong binigyan ng tubig.
Pagkatapos kong makainom ng tubig ay bigla nalang akong naliyo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Unti unti pang lumalakas ang tunog na naririnig ko at para bang may naririnig akong mga taong nagkakagulo.
Nang maipikit ko ang aking mga mata ng saglit. Hindi ko alam kung nasaan ako pero ang nakikita ko lang ay isang napaka-kapal na usok at napakadilim na paligid. Nakatayo lamang ako ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Sinusubukan kong makaalis sa lugar na nakikita kong madilim ngunit hindi ko magawa. Maya maya pa ay may naririnig akong mga taong nasigaw at mga sasakyang mabilis na nagpapaharurot. Naririnig ko din na may tumatawag sa aking pangalan pero hindi ko makita kung nasaan ang kinaroroonan ng taong iyon. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay at agad ko namang nakita amg relong nakasuot sa aking kamay. Ito lang ang pinanggagalingan ng ilaw at ito rin ang dahilan para makita ko nang malinaw ang paligid.
Ang oras na nasa relo ay nakatapat sa one at ang mahabang kamay naman ay nakadikit lamang dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito at hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa nangyayari. Sobra akong kinikilabutan.
"ASH!" Narinig ko ang isang malakas na sigaw ni Art at ako naman ay nanumbalik na sa normal. Sobra akong pinagpapawisan dahil sa mga nakita ko. Hindi ko na alam talaga ang mga nangyayari sa sarili ko.
"Ash, ano, okay ka lang?" nagaalala niyang itinanong.
"Yung relo." nanghihina kong sinabi at tinignan ang aking kamay ngunit hindi ito nakasuot sa akin. Dahan dahan naman akong napapikit at hindi ko na namalayan ang aking sarili.
-----
"Ash... Okay ka na?" mahina at malumanay niyang itinanong sa akin matapos akong magising. Siya ay nakaupo sa kama at ngayon naman ay akoy nakahiga parin. Sobrang bigat ng ulo ko ngayon at halos gusto ko pang matulog. "Ash, ipinaghanda na kita ng isusuot mo, basang basa kasi ng pawis yung likod mo kaya ako nalang mismo naghubad niyan." saad niya at naramdaman kong nakahubad nga ako ngayon.
"Anong nangyari? Yung relo? Nasaan?" agad kong itinanong at ako naman ay tuluyan nang mumulat.
"Itinabi ko na muna, wag mo na munang intindihin 'yun, magbihis kana muna at baka lamigin ka pa." concern niya sa akin at ipinatong sa aking tiyan ang damit.
Dahan dahan akong bumangon at umupo sa higaan upang isuot ang aking tshirt. Mabuti na lamang at parehas kami ng size ng tshirt.
"Ang cute mo sa tshirt na yan." pabiro at nakangiti niyang sinabi. Tinignan ko ang nakalagay at kulay ng damit ko at bumungad sa akin ang isang color yellow na damit.
"Salamat dito, ang tingkad ng kulay ko ngayon." sinabi ko kahit medyo nabibigatan parin ako sa aking ulo.
"Ano nangyari sayo? Akala ko nga kanina eh ginantihan mo ako sa ginawa kong biro kanina." paliwanag niya.
"Hindi ko nga din alam eh, basta ang nakita ko lang ay mga taong nagkakagulo at isang madilim at mausok na paligid..." ikinuwento ko. "Pati nga yung relo nakita ko." dagdag ko.
Tumayo si Ash at may kinuha siya sa kaniyang cabinet at ako naman ay nakahiga padin. Nasulyapan ko ang bintana ng kwarto at nakita kong sobrang dilim na.
"Magpapalit lang ako ng damit." sinabi niya at naghubad sa tapat ng salamin. Napansin ko ang isang maliit na scar sa likuran niya malapit sa may tagiliran.
Sobrang puti at napakakinis ng likuran niya. Ano kayang gamit niyang sabon at ano kayang klaseng kutson meron ang kamang ito? Grabe, hindi ko maiwasang hindi titigan nang matagal ang katawan niya. Ang ganda lang kasi, walang wala sa katawan ko.
"Dito nalang ako matutulog sa baba para komportable ka diyan sa kama." ipinaliwanag niya at ako naman ay hindi sumang-ayon.
"Art, dito kana sa kama, kasya naman tayong dalawa dito." pangontra ko.
"Pero baka-"
"Please." sinabi ko. "Hindi ako malikot matulog kaya dito kana." dagdag ko
"Baka kasi-"
"Malamig ang sahig, dito kana sa tabi ko." seryoso kong sinabi at siya naman ay walang nagawa kundi isara ang pinto, pati na rin ang ilaw at binuksan niya ang ilaw sa lamp.
-----
"Ash, gumawa na tayo ng tula at painting bukas ha." malambing niyanh sinabi sa akin habang kami ay nakahiga at nakatingin sa kisame. "Bukas ko nalang din ipapaayos sayo yung gitara."
Bigla kong narealized na halos magiisang araw na akong nandito sa 1991 at talagang hindi ko maexplain yung nangyari sa akin ngayong araw. Gusto na nang katawan ko na bumalik sa amin pero parang mas gugustuhin ko munang manatili ng kahit kaunting pang matagal dito.
"Art may tanong ako..." panimula ko. "Diba, ilang oras nalang, halos magiging isang araw na akong nandito. Tapos anytime pwedeng may mangyari ulit sa relo..." ipinapaliwanag ko.
"Paano kapag nakabalik na ako sa amin? Anong mararamdaman mo?" mahinahon kong tanong sa kaniya.
"Hindi ko alam..." huminga siya nang malalim. "Siyempre, malulungkot ako kasi mawawalan ulit ako ng kasama dito sa bahay." ani niya. "Siguro, magpapasalamat ako kasi kahit ilang oras pa lang tayong nagkakasama, naging masaya ako." tumigil siya nang sandali.
"Ikaw?" tanong niya.
"Nagdadalawang isip nga ako kung mananatili pa ba ako dito sa 1991 o babalik na ako sa amin kasi hindi ko alam kung anong magiging consequence ng mga gusto kong mangyari." sagot ko. "Tsaka, hindi ko alam kung papaano pa ako makakabalik."
Nabalot ng katahimikan ang paligid at tila tunog na lamang ng kuliglig ang maririnig dito sa loob.
"Ash, may ipapakiusap sana ako sayo." ani ni Art. "Pwedeng dito ka muna? Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sakin dito kapag mawawalan ulit ako ng kasama dito sa bahay." nagmamakaawa niyang ipinakisuyo. "Kahit isang araw lang." saad niya.
Napapikit ako at huminga nang malalim. Sobrang nagdadalawang isil ako kung ano yung susundin ko, parehas akong nagaalala para kay Mommy at para kay Art dahil alam kong kapag isa sa kanila ang pinili ko, may isang maaapektuhan.
Kapag pinili kong makabalik sa bahay, babalik na ako sa normal at maiiwan ko si Art dito. Kapag naman pinili kong manatili dito kasama si Art, magiging masaya nga ako ngunit madidismaya at malukungkot si Mommy kapag wala ako doon, paulit-ulit ko ding mararanasan ang naranasan ko kanina.
Sobrang hirap mamili lalo na't napamahal na ako kay Art. Hindi ko padin alam kung ano yung nakita ko kanina at parang ayun ang dahilan kung bakit nasa akin ang relo at nandito ako sa nakaraan. Kailangan kong magdesisyon nang mabuti.
"Art, dito muna ako mananatili." bigkas ng aking bibig at nakita ko ang positibong reaksyon sa kaniyang mukha.
"Salamat." ani niya at ngumiti.
END OF CHAPTER TEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro