Prologue
JUST IN: Dior Kobe Gallardo's management is searching for a leading lady to star in the music videos for the five out of twelve tracks on the singer’s new album, “The Way You Treated Me Least.”
Ang kaninang dire-diretso kong pag-s-scroll sa Facebook ay natigil. Tumahip ang dibdib ko sa kaba kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.
“Limang kanta?!” I gasped loudly.
“‘Wag kang maingay at nag-re-review ako,” ani Mari habang nagsusulat ng kung ano sa notebook niya.
“Seryoso ba ‘to?!” patuloy ko, hindi pa rin makapaniwala.
“Karsen!” suway niya ulit.
I ignored her. I clicked the article to scan the qualifications needed to apply. Nanginginig ang kamay ko sa labis na excitement.
All applicants must be 18 years old and above, at least 5'5" tall, and have modeling experience/s with a flexible schedule. We accept students, but only if you can work on your own timetable. The entire production will require four months to complete due to the buildup of chemistry, photoshoots, workshops, and shooting.
Naramdaman ko ang pagtama ng throw pillow sa braso ko kaya napatingin ako kay Mill na nasa dulo lang ng sofa. She was eyeing me with so much disbelief in her eyes. May hawak din siyang cellphone kaya alam kong nakita niya na ang dahilan kung bakit ako nag-iingay.
“‘Wag kang mag-apply. Full units ka ngayong sem,” aniya. “Isusumbong kita kay Kat.”
Napasimangot ako.
“Try lang, eh.”
“Siguradong mag-a-apply riyan ang mga sikat na model,” sabi niya. “Don’t waste your time. Malapit na ang midterms n’yo, ‘di ba?”
“Ano ba ‘yan?” tanong ni Mari habang nakatutok pa rin ang mata sa screen ng laptop.
“Naghahanap kasi ng leading lady sa music video ang management ni Kobe,” si Mill.
Humarap sa amin si Mari. “Oh, ano naman?”
Pabalang akong sumandal sa sofa. “Mag-a-apply ako.”
“Gaga ka. Hahanap ka lang ng pagkakagastusan.” She chuckled. “You just attended his concert three months ago. Kabibili mo lang din ng merch. Pati ba naman ‘to, papatulan mo?”
“Anything for my love,” I uttered as I sighed dreamingly.
Mula sa kusina ay lumabas si Ate Kat bitbit ang pitsel ng juice at baso. Kunot ang noo niyang ipinatong iyon sa center table bago tumabi sa akin.
“Ate-”
Umiling siya. “If this is about Kobe, no.”
Sumimangot ako. “Makakasama sa limang kanta si Kobe. Bonus pa na malalaman ‘yong hindi pa na-re-release na twelve tracks.”
Nagsalin siya ng juice sa baso at pagilid na tiningnan ako. “Libo ang sasali riyan.”
“But I’m qualified!” reklamo ko. “Isa pa, siguradong maganda ang sweldo rito. Four months lang naman.”
“Wow, sure na matatanggap, ah!” pang-aasar ni Mill.
“Paano ang mga klase mo?” tanong ni Ate Kat. “Monday to Friday ka, ah?”
“Hanggang 3pm lang naman!”
She chuckled. “5pm ang dismissal mo every Thursday.”
I bit my lower lip, not surrendering to her. “I can work on that!”
She glared at me. “Eh, ang trabaho mo sa guidance office?”
“Kapag napili ako, magpapaalam akong hindi ako makakapagtrabaho sa loob ng apat na buwan.” I pouted. “I mean, this is work!”
Halatang may sasabihin pa siya ngunit umiling na lang ako sa kanya.
“Ate, my ultimate dream is to see Kobe up close,” pagpapaawa ko. “Alam kong imposibleng mapili ako rito, but it’s the thought that counts! Siguradong nakapagpasa na rin ng form at portfolio ang ibang kasamahan ko sa club. Katuwaan lang naman.”
“Yeah, right!” pang-aasar na naman ni Mill. “Hindi ko alam kung bakit pinag-uusapan n’yo agad ang schedule na para bang mataas ang tsansa ni Karsen na mapili.”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Tapos na ba kayo? Can I review in peace now?” si Mari.
Tumango si Ate Kat at hindi na ako pinansin. I took that as a cue to start filling out my application form. Natatawang nakatingin lang sa akin si Mill, paniguradong nawiwirduhan na naman sa tibay ng paghanga ko kay Kobe.
“Ano?!” I hissed at her.
She smirked. “Tulungan kita sa portfolio mo. G?”
Napangisi na rin ako. She’s a journalism student and she knows her thing when it comes to writing and editing.
Napailing na lang si Ate Kat sa amin. Tumayo ako para lumipat sa tabi ni Mill na ngayon ay kinukuha na ang laptop sa kwarto namin. Nang makabalik siya ay sinimulan na niya ang pag-e-edit ng ilang pictures ko mula sa bilang sa daliring endorsements ko noon. Napangiti na lang ako dahil kahit siya ang nangungunang kontrabida sa pagtanggi sa hilig ko, sinusuportahan niya naman ako.
“Hindi ko alam kung anong nakita mo sa lalaking ‘to at humaling na humaling ka sa kaniya,” bulong niya habang nakatitig kami sa picture ni Kobe sa screen ng laptop niya. “Oo, gwapo... pero marami naman kasing gwapo. Sa school pa nga lang, panalo ka na.”
I narrowed my eyes on the screen. Kobe’s dark brown upturned eyes, thick black hair, and well shaped nose complemented his perfect moreno skin. Maganda ang built ng katawan at mukhang maangas. He’s the living definition of a tall, dark, handsome, and mysterious man.
“Siguro sampung araw bago nagawa ng Diyos ang mukha niya, ‘no?” wala sa hulog na sambit ko. “Tapos sampung araw ulit para sa katawan at sampung araw para sa talent.”
She scoffed before brushing her boy cut hair with her fingers. “Arte mo. Mas sasambahin mo yata ‘yan kaysa sa itim na nazareno.”
Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang folder ng mga larawan ni Kobe sa gallery ko. Sa loob ng halos anim na taon kong pagiging fan niya, kahit isang beses ay hindi ako naka-attend ng meet and greet. Kapag naman nanonood ako ng concert, ang pinakamurang ticket ang inaabot ng budget ko.
Bibili sana ako kahit Upper Box A ticket no’ng mag-concert siya three months ago, ngunit saktong nagbayad ako para sa tour namin. Badtrip pa na kasama sa itinerary ang Manila Ocean Park! Ano kami elementary?! At ano namang connect ng BS Mathematics sa mga lamang dagat? Tuturuan ba namin ng calculus ang mga pawikan?!
I sighed. Ang hirap talagang maging fan girl kapag dukha ka. Mabuti talaga at may nakakapitan pa akong scholarship!
“I-su-submit ko na ‘to?” tanong ni Mill.
Walang tinging tumango ako. Mari, Mill, and Ate Kat are my childhood friends. Kasama ko silang lumaki sa Bahay Tuluyan, at nang mag-18 si Ate Kat ay sabay-sabay na kaming umalis sa orphanage. I was only 16 that time, Mari and Mill were 17, but we chose to survive on our own.
We all have our own part-time jobs. I opted to work in the guidance office because I couldn't handle severe physical work. It doesn’t pay much, but it’s enough to fill my expenses. Tuwing weekend naman ay nagmomodel ako ng ilang local brands mula sa mga small businesses.
“Oh, my god!”
Napadiretso ako ng upo sa sigaw ni Mill.
“Bakit?!”
She gave me an apologetic look.
Oh, no.
“Ano’ng ginawa mo?” kinakabahang tanong ko.
She struck an offputting smile at first, but after a while, she shrugged her shoulders. “Nakasama ‘yong picture mo habang natutulog ka-”
My mouth dropped open. “Gago ka!” sabay agaw sa kaniya ng laptop. Tiningnan ko ang tinutukoy niya at halos mawalan ng kulay ang mukha ko nang makita ang larawan. I was wearing my pink bunny headband and pink duster while my lips were slightly parted. Nangingintab pa ang mukha ko dahil alam kong nag-skincare ako nito!
“Ang pangit ko,” bulong ko sa sarili. Kahit kasi may headband ay makalat ang buhok ko.
“Hindi naman.”
“Shut up, Mill!” angil ko. “Kung kanina ay umaasa pa akong makapasa hanggang interview, ngayon, umaasa na lang akong mamatay ka!”
Bumulanghit siya ng tawa kaya lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Kinuha ko ang isang throw pillow at pinaghahampas siya. Habang brutal ko siyang kinikitil sa utak ko ay tawa lang siya nang tawa.
“Sinabotahe mo ako!” sigaw ko habang hinahampas pa rin siya.
“Para may rason ka kapag hindi ka napili. Tell your friends that it’s my fault,” tawa niya pa rin.
Ibinaba ko ang unan at padabog na naglakad papunta sa kwarto. Nakakahiya!
Tunog nang tunog ang cellphone ko dahil nag-uusap sa group chat ang members ng fans club. Kahit mga walang modeling experience ay nag-apply.
Sumubsob ako sa kama. Gaya ng lagi kong ginagawa, nag-imagine ako ng mga bagay na imposibleng mangyari sa akin sa totoong buhay.
Like meeting Kobe and thanking him.
That has been my lifelong ambition since I was thirteen. I never even imagined myself as one of his friends. I just wanted to get a good look at him. I wanted to see the man who had helped me in my darkest days over the years.
Napakaswerte ng babaeng mapipili. She’d have the chance to talk to Kobe, get to know him, and be with him for months. Limang music video ang gagawin nila at siguradong hindi babastahin ng production ang buildup ng chemistry.
I sighed bitterly as I realized that Kobe would also have the same opportunity to fall in love with her. Lalo kung type niya ang babae! Baka landiin... o ligawan!
“Ahhh!” sigaw ko habang may takip na unan ang mukha. “Nakakainggit!”
I spent the entire day contemplating my own existence. Bakit ba kasi hindi ako mayaman? Bakit hindi na lang ako isinilang na may magulang na inaasahan at hinihingian? Kung mayroon lang akong pribilehiyo, paniguradong weekly ko pupuntahan si Kobe.
“Karsen!” rinig ko ang taranta sa boses ni Mill habang sunod-sunod ang katok sa pinto.
Umirap ako at nagkunwaring tulog. Wala ako sa mood makipaggaguhan sa kanya!
“Ayaw mo ba?!” Kumakatok pa rin siya. “Sige, ha! Sayang naman ‘to!”
I ignored her. Busy ako sa pag-d-daydream!
“Application for DK’s leading lady. Greetings! This is Carly of Soul Production!” sigaw niya mula sa labas.
Napabalikwas ako bago halos takbuhin ang distansya ng pinto at ng kamang hinihigaan ko.
“I am writing to you in behalf of-”
Inagaw ko kay Mill ang laptop at nangangatal ang kamay na binasa ang naroon.
Application for DK’s Leading Lady
Greetings!
This is Carly from Soul Production. I am writing to you in behalf of DK's team about an interesting opportunity.
We've reviewed the documents you've sent and believe you're qualified to take next step—interview. Your schedule may be found in the file attached to this email.
Thank you!
Best Regards,
Soul Production
Naramdaman ko ang pagtapik ni Mill sa balikat ko.
“Kahit tapsilog lang.”
Lutang kong iniabot sa kanya ang laptop. My hands were quivering and my legs felt weak.
“Oh, bakit tulala ‘yan?” rinig kong tanong ni Mari kay Mill.
“Fan girl effect.” Pabirong sinuntok ni Mill ang balikat ko. “May e-mail ulit. Basahin mo.”
Para akong robot nang tingnan ko ulit ang screen ng laptop.
Hello again, Ms. Navarro!
We wanted to let you know that Kobe selected you and we're looking forward to hearing from you soon.
Thanks,
Soul Production
Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay sigaw nina Mill at Mari ang narinig ko.
Sa isip ko ay natawa ako. Mahilig pala sa bunny ears ang minamahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro