Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9


Madaling araw na nang umahon kami ni Kobe. Kami na lang ang natira sa pool dahil nauna nang matulog ang mga kasama namin. Kung hindi pa kami pinagsabihan ni Kuya Enzo ay hindi kami matitinag.

I did most of the talking. Hindi ko alam. Kahit  medyo naiilang ako sa titig niya ay nakuha ko pa ring dumaldal. He just focused and listened to me attentively.

Mas naging madali rin ang pagbaba.
Kasabay nina Carly at Jennifer si Kobe dahil tinawag nila ang lalaki. I remember seeing him talking with Kuya Enzo, so the latter came along and assisted me. Siya rin ang naghatid sa akin pauwi dahil may lunch meeting pa raw si Kobe sa isang producer.

“I-kwento mo sa akin ang detalye,” utos ni Eddie pagkapasok na pagkapasok ko sa room. “Pinigilan ko ang sarili kong abalahin ka nitong weekends, kaya kailangan mo ng magandang narration.”

“Magka-chat tayo kahapon, ah! Ayun na ‘yon.”

Inirapan niya ako. “Pagdadamutan mo ‘ko ng chika? Porke’t may ka-bebe time ka na?”

“Anong bebe time? Wala kaya kami no’n!” agap ko. “Sinabi ni Ms. Carly na hindi naman daw kailangang magkausap kami araw-araw, kaya hindi ko na siya kinukulit.”

“Luh, seryoso ka?” Umayos siya ng upo nang dumating si Ma'am. “Baduy mo.”

Tumawa ako. “Ayokong mapagalitan.”

“Pero nag-cha-chat siya sa ‘yo?” bulong niya.

I pursed my lips to stop a smile from showing. “Oo. Kahapon at saka ngayon. Good morning lang naman.”

“At hindi ka nag-reply?”

I shook my head. “Baka magtuloy-tuloy ang pag-uusap namin. May trabaho siya. Hindi naman magandang tingnan kung susuwayin ko si Ms. Carly.”

“Naka-seen lang sa ‘yo?”

I chuckled. “Nag-react ako ng heart... Hindi ko matiis, eh.”

Buong umaga yata niya akong hindi tinigilan tungkol doon. Halos wala na akong naintindihan sa subject namin dahil sa pangungulit niya. Miski tuloy ang paghawak ni Kobe sa bewang ko noong nasa pool kami ay naikwento ko. Pasasalamat ko na lang na huminto siya nang kasama na namin sina Ate Kat, Mari, at Mill mag-lunch.

“May outreach program sa shelter bukas nang hapon. Nag-text sa akin si Ate Cheska, pinapapunta tayo,” sabi ni Ate Kat habang kumakain kami. “Mag-a-assist lang naman ng mga bisita.”

“Ah! Nabanggit ‘yan ni Kuya!” singit ni Eddie.

Tumingin ako sa kanya. “Bakit?”

“Sway’s ang isa sa mga mag-do-donate. Nagkaroon sila ng fundraising event, tapos lahat ng proceeds, sa Bahay Tuluyan mapupunta.” He glanced at me. “Hindi ko pala nasabi sa ‘yo.”

Sinimangutan ko siya. “Paano ay puro ka katalandian.”

“Wow, sino sa atin ang humaharot ngayon?” he provoked.

I raised my brow, smiling. “Ako ang hinaharot.”

He narrowed his eyes on me. “Ang ganda mo naman masyado sa kwento mo!”

I laughed, but it faded as soon as Ate Kat cleared her throat. Umayos ako ng upo at tumutok na lang sa pagkain ko.

“Patay ka,” tawa ni Mill.

Si Mari ay ngumisi rin sa akin. “Si Kobe?”

“Oo, ‘te,” si Eddie na parang walang pakealam kung mapagalitan ako ngayon ni Ate Kat. “Narinig niyang kausap ni Kobe ‘yong manager tapos sinabing attracted siya rito sa babaeng hindi naman kagandahan.”

“Really?” nangingiting tanong ni Mari. “Nagdadalaga na pala.”

“Isang taon lang ang tanda n’yo sa akin.” I pouted.

“So, what? Bunso ka pa rin,” tawa niya.

Ibinaba ni Ate Kat ang kubyertos niya at itinutok ang mga mata sa akin. “Nililigawan ka, Karsen?”

“Hindi!” Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.

“Kung manliligaw siya ay dadaan pa rin siya sa amin. Wala akong pake kung gaano pa kasikat ‘yan.”

Tumawa si Mill. “Okay na fifty thousand sa akin.”

“Hindi naman ‘yon pupunta sa ligawan...” I chuckled awkwardly. “Hindi niya nga alam na narinig ko ang usapan nila ni Ms. Carly.”

“Sabagay. Being attracted to someone doesn’t mean you love them.” Mari shrugged. “Still, first step pa rin ‘yon, so you better be careful. I’m pretty sure he’s got a lot of experiences. ‘Wag kang masyadong magpapadala sa mga salita.”

“Talking based on experience ba?” pang-aasar ni Mill.

Mari made a face.

“Hindi ex mo ang topic dito,” banat pa ulit ni Mill.

Napangiti ako sa asaran nila. Millicent loves teasing people. Hindi yata mabubuo ang isang araw niya nang wala siyang naiinis. And today, the girly and goal-driven Mari was her target.

“Tama si Amari, Karsen. Kilalanin mong mabuti ‘yan. Don’t rely so much on your feelings,” si Ate Kat.

I nodded. “Masusunod po, master.”

The following day, right after class, we went to the shelter. I wore a comfortable outfit, a pink v-neck t-shirt and blue faded jeans. Pababa palang kami ng tricycle ay tumunog na ang cellphone ko.

My heart leaped with excitement when I saw who was calling me. Inignora ko ang sinasabi ng konsensya ko na huwag sagutin ang tawag. He might say something important! Baka tungkol sa susunod na date!

“Mari, una na kayo! Sasagutin ko lang ‘to!” I told her, pointing at my cellphone.

May malawak na garden sa harap ng shelter at dahil maganda ang panahon, humahampas ang hangin sa nakalugay kong buhok. Naupo ako sa isang bench doon bago ko sagutin ang tawag.

“Hi, Kobe!” I beamed.

“Are you busy?” His deep voice sounded like a serenade to my ears.

Tumingin ako sa maliit na gate kung saan pumapasok ngayon ang mga kasama ko. Ate Kat glanced at me and motioned me to come there quickly.

“Hindi naman... pero nasa shelter ako ngayon. May mag-do-donate kasi tapos sinabihan kaming mag-volunteer para mag-assist sa bisita.” Hinangin ulit ang buhok ko kaya inipon ko na iyon at inilagay sa kanang balikat ko. “Ikaw? Wala ka bang trabaho?”

“I have loads of work,” he muttered. “I’m just kind of wondering why aren’t you...” he trailed. “Responding to my messages.”

Sumandal ako sa bench. “Kailangan ba araw-araw tayong magkausap?”

“What?” I could imagine him raising his brow.

Ngumuso ako. Nagsusungit na naman siya.

“I mean, syempre busy ka. Ayoko namang makaabala. At saka... hindi yata magandang tingnan kung lagi tayong magkausap.” Napaisip ako. “Kayo ba ni Jennifer... uhm... nagkaka-chat kayo? Friend mo rin ba siya sa private account mo?”

“Why are you asking me those things?” Parang inis na siya.

“Dalawa kasi kaming pinagpipilian. Dalawa kaming kikilalanin mo,” I explained. Hindi puwedeng mapagalitan na naman ako ni Carly! His manager was scary!

“I see,” he said in a monotone.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. May nasabi ba ako? Bakit parang galit siya?

“You always include her in our conversation whenever you have a chance to,” he chuckled mockingly.

“Sorry po,” maliit ang boses na sabi ko, medyo kinakabahan na sa iritang naririnig sa boses niya. “Ayoko lang na may masama silang isipin sa atin.”

“Bakit? Are we doing bad things?” he asked coldly. “Are we violating the rule?”

“H-Hindi!”

“Then, why are you overthinking this?”

Kasi narinig ko ang usapan n’yo ni Carly!

“Did my manager say something?” tanong niya ulit bago pa ako makasagot. “You’re not being yourself after you talked to her.”

“Wala naman, Kobe.” I bowed my head.

He exhaled deeply. “Our schedule is tomorrow. I’ll just see you then.”

“Nainis ba kita? Sorry.” I pressed my lips together, regretting the words I said earlier. “Hindi ko na ulit babanggitin si Jennifer. Promise.”

“Suit yourself,” supladong sagot niya.

“Mag-re-reply na rin ako,” habol ko pa.

“No need.”

Sasagot pa sana ako nang magsalita siya ulit.

“I’ve got to go. Kuya Enzo will just send you the details for tomorrow.”

After saying that, he dropped the call. Dalawang minuto pa akong natulala roon. Did I just annoy Kobe? Ilang araw kaming walang communication, tapos nainis ko pa siya?

I groaned in frustration. Way to go, Dawn Karsen! Way to go!

“Huwag mo namang ipakitang masama ang timpla mo,” suway sa akin ni Ate Kat. “Nasa harap ka ng pagkain. Smile a bit. Kids are watching you.”

I forced a smile. Bahala na. Personal na lang akong hihingi ng tawad kay Kobe bukas. Nakakainis lang na hindi ko na alam kung sino sa kanila ng manager niya ang susundin ko. The first one told me to lie low while the other one suggested we go with the flow.  Bakit ba kasi hindi na lang sila magkasundo para isa lang ang iniisip ko? Hindi ba uso sa kanila ang mag-usap?!

“Karsen!”

Naputol ang pag-iisip ko nang may tumawag sa akin. I looked back and saw Marcus walking his way to me.

“Uy!” I greeted him. “Kanina ka pa rito?”

He shook his head. “Thirty minutes.”

Tumango ako. Kinuha niya sa akin ang pang-sandok at siya na mismo ang naglagay ng champorado sa container na i-se-serve namin mamaya sa mga bata.

“Ang ganda pala rito, ‘no?”

Ngumiti ako at tinulungan siya. “Yup. Maraming puno tapos malinis ang playground.”

“Dito ka lumaki, hindi ba?” Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.

“Oo... kami nina Ate Kat.” I placed a bowl in the tray. “Pero wala na akong kilalang bata. Kadalasan kasi sa mga naging ka-batch namin, kung hindi binalikan ng magulang, maagang na-adopt.”

I smiled at the sudden recollection. Habang ang lahat ng bata ay binibisita ng kapamilya nila, kaming apat ay nanatiling nanonood lang. We were often called losers by the kids our age. Kami lang naman kasi ang tuluyang inabanduna. Lucky for Mari, she met her father before we went out of the shelter.

Kaya wala rin akong ibang naging kaibigan. Kadalasan lang naman kasi ng narito ay laki sa hirap at hindi kayang sustentuhan ng mga magulang nila. By the time they were not requiring much milk and necessities, kinukuha na rin sila.

Kahit ang mga pumupuntang mag-asawa rito para mag-ampon ay hindi manlang dumaan ang tingin sa akin. Maybe because I was too dirty and ugly as a kid. Sagana kasi ako sa usok ng sasakyan noon para magbenta ng sampaguita. Dumagdag pa ang pawis at sugat-sugat kong kamay kapag nananahi kami ng mga butas sa sako.

“You grew up in a great place, Karsen," he commented. “Na-i-imagine ko ang maliit na ikaw habang naglalaro sa malalaking puno sa likod.”

Great place? I guess so. After all, this is where I met my friends who became my family. Hindi man ako napamahal sa mga kumupkop sa amin, habambuhay ko namang dadalhin ang pasasalamat ko sa kanila.

I smiled again. “Si Millicent ang mahilig umakyat do’n!”

Tumawa na lang siya. After a few minutes, we distributed the food to the children. Kitang-kita sa mukha nila ang saya dahil may mga bisita. I remember wearing the same expression before, too. Kapag maraming tao, ibig sabihin, puwedeng may bago kaming sapatos, uniform, o gamit sa school. Masarap din ang pagkain namin sa mga susunod na araw.

Sana lang ay hindi magaya sa amin ang mga batang ito. Sana ay nagbago na ang sistema ng Bahay Tuluyan. Sana, sa kanila talaga mapunta ang donation.

That same day, I found myself teaching some kids to count. Ang ilan ay kaya nang bumilang hanggang sampu kaya itinuro ko naman sa kanila ang mula labing-isa hanggang dalawampu.

“Kapagod,” sabi ni Mill sa tabi ko. “Samahan mo ‘kong bumili ng yosi sa labas.”

Sinimangutan ko siya. “Makita ka pa ni Ate Kat.”

“Sus, napag-usapan na namin ‘yon. Minsan lang naman.” She brushed her hair. Napatitig ako sa paggalaw noon. She has a soft and wavy boyish haircut that complements her heart-shaped face. “Saka ayoko talagang bumabalik dito. Naiinis lang ako.”

I put my head on her shoulder. “Ako rin. Kung hindi lang tayo makukwestyon, hindi na ako pupunta rito.”

She chuckled. “Masyadong mabait si Katana, eh. Hindi makatanggi.”

“Hayaan na. Picture taking na lang naman at p’wede na tayong umuwi.”

Needless to say, we went home after the documentation. The photos were posted on Bahay Tuluyan’s Facebook page. Maraming larawan ang naroon—ako habang tinuturuan ang mga bata, si Ate Kat na naglilinis, si Mari at Mill na nakikipagkamay sa may-ari ng Sway’s at kami ni Marcus na magkatabi sa paglalagay ng pagkain sa bowl para sa mga bata. There were also several pictures of children with their eyes gleaming with joy.

Alas tres y media ang napagkasunduan naming oras ng pagkikita ni Kobe kaya hindi na ako nag-abalang umuwi para magpalit ng damit. Mabuti nga at naka-department shirt at pants ako ngayon, hindi uniform. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil masyado pa namang maaga para mag-dinner.

“Ma’am!” si Kuya Enzo na kumakaway na sa akin.

Nakangiti akong naglakad papunta sa sasakyan at pumasok doon. Kobe glanced at me, but before I could even greet him, he quickly averted my gaze. Tumabi ako sa kanya at maya-maya pa’y umandar na ang sasakyan.

“Kumusta, Ma’am?” tanong ni Kuya Enzo habang nag-d-drive.

“Karsen na lang po.” I smiled. “Medyo busy po sa school, pero kaya naman.”

Kobe rested his head on the window beside him and closed his eyes. The curl and length of his lashes were a woman's fantasy.

I cleared the lump in my throat before taking my eyes off of him. “Saan po tayo pupunta?”

Sumilip sa rearview mirror si Kuya Enzo, bahid ang pagtataka sa mukha.

“Hindi po ba sa condo ni Sir?”

Namilog ang mga mata ko. “H-Huh?!” I peeped at Kobe. “W-Wala pong nasabi sa akin!”

Kobe breathed out, eyes still closed. “Calm down. We’ll just watch a film.”

Para sinisilihan ng karayom ang puwit ko ngayon dahil hindi ako mapakali. Hindi ako kailanman sumama sa lalaki sa pribadong lugar! Bilin ‘yon sa akin ni Ate Kat noong bata ako na hanggang ngayon ay dala-dala ko!

Para kalmahin ang sarili ay ipinaling ko ang ulo sa labas. Ano ang gagawin namin sa condo niya? Baka mabuntis ako!

I shook my head. What the hell are you thinking, Karsen?!

“Kobe.” I poked his arm after a while.

“What?” pagod na tanong niya, hindi pa rin nagmumulat.

“Hindi pa kasi ako nagpapaalam kay Ate Kat. Pagagalitan ako no’n...”

“We’ll call her later.”

Parang tinatapos na niya ang usapan nang sabihin niya iyon. Nakailang attempt pa ako ng pagkulbit sa kanya pero nang makitang mukhang wala siyang pahinga ay hinayaan ko na lang. Manonood lang naman ng movie! Wala namang sinabing mag-se-sex!

My god! Sana ay hindi niya ako akitin at baka pumatol talaga ako!

As expected, the building was exclusively for elites. Tila ginto ang tinatapakan ng mumurahin kong rubber shoes dahil miski ang elevator ay eleganteng elegante tingnan. Malalaki ang paintings na nasa dingding at ang mga naglilinis ay nakasuot ng unipormeng mas maganda pa sa school uniform ko!

Hindi na ako masyadong nakapag-focus sa ibang detalye ng lugar lalo at dinadaga ang dibdib ko. Kobe was wearing a mask and I was like a poor woman following him. Katabi niya si Kuya Enzo na bitbit ang gamit niya.

“Nadala na ni Chloe ang gagamitin mong damit para bukas, Sir,” Kuya Enzo told him as we went inside the elevator. Ngumiti pa siya sa akin. “PA ni Sir ‘yon.”

Tumikhim si Kobe. “Thanks, Kuya.”

Pagkarating sa unit niya ay pinigilan ko ang mapanganga sa view mula sa malaking glass door. Overlooking ang buong syudad at sa balcony ay may resting area. My eyes went on the other side of the place and my lips parted when I saw a private pool. I could imagine Kobe being there, letting the waters drown his worries.

The walls, furniture, and paintings were in neutral colors. Napakalinis tingnan! Parang ang sarap-sarap tuloy mag-aral at mag-picture taking dito!

“Alis na ako, Sir. Balik na lang ako mamaya kapag ihahatid na si Ma’am.” Ngumiti si Kuya Enzo sa akin. “Enjoy po kayo.”

Mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya bumalik ang kabang unti-unti nang nawawala kanina dahil sa ganda ng lugar. Kobe was as silent as me. Siguro ay inis pa rin sa akin.

I faked a cough to break the awkward aura between us.

“Uhm... wala na akong pantawag.” I chuckled nervously. “I-co-contact ko sana si Ate Kat para alam niya kung nasaan ako.”

From the glass door, his gaze shifted to me. “Tell me if you’re not comfortable being here. I’ll arrange something now.”

Bakas sa mata niya ang pagod. Mukhang inaantok at gustong magpahinga. I sighed. Kahit medyo naiilang ay ngumiti na lang ako.

“Wala kang tulog, ‘no?” I asked. “Okay lang sa akin. You can rest well here. Tatawagan ko na lang si Ate Kat para makapagpaalam ako.”

His eyes on me lingered longer than it should have. Isang beses siyang tumango bago naglakad para kunin ang cellphone niya sa bag.

“Call her. Ako na ang kakausap,” he uttered.

Kinuha ko ang cellphone niya at tinipa roon ang number ni Ate Kat. After a few rings, she answered the call.

“Who’s this?”

I looked at Kobe. “Ano... Ate Kat. Si Karsen ‘to.”

“O, Karsen. Kaninong number ‘to?”

“Kay Kobe. Magkasama kasi kami ngayon.” I gaped down. “Magpapaalam lang ako, Ate. At saka, kakausapin ka raw ni Kobe.”

Halos iitsa ko sa lalaki ang cellphone sa takot na mapagalitan pa ako ni Ate Kat. Kobe seemed amazed by my reaction. Itinapat niya ang cellphone sa tainga at inutusan akong umupo sa couch.

“I’m sorry for only informing you now, but Karsen is in my unit. Wala ring siyang alam na dito ko siya dadalhin. It was a snap decision.” Narinig kong saad nito. “I’ll send you my identification card with specimen signatures. You can sue me if I do something terrible to her.”

Pumasok si Kobe sa isang kwarto kaya hindi ko na nasundan ang usapan nila. Nang lumabas siya dalawang minuto lang ang nakalilipas ay naibaba na niya ang tawag.

“Do you like s’mores brownies?” he asked.

Tumango ako kahit hindi ko naman alam kung ano ‘yon. Basta flavor ng brownies. Kahit nga tig-lilimang piso noon ay kinakain ko. Iyon pa kayang tunog pang-mayaman?

“Magpapalit lang ako ng damit.”

Binuksan niya ang TV bago umalis. Hindi naman ako nakapag-focus doon dahil dumako ang tingin ko sa picture frame sa table sa gilid ng couch. It was their family picture. Bukod sa saksakan ng ganda ang lahi nila ay mukha talaga silang may sinasabi sa buhay.

Kobe has two siblings—one older sister and a younger brother. Modelo ang bunso niyang kapatid na siguro ay nasa labingpitong taong gulang habang ang ate naman niya ay isang sikat na abogado. Ang mga magulang nila ay nagmula rin sa mayayamang pamilya. Kung hindi ko nga lang alam na nanay ni Kobe ang katabi niya, papasa pa siyang kapatid nito.

Sa titig ko sa picture ay hindi ko manlang namalayang katabi ko na si Kobe. Kung hindi pa gumawa ng ingay ang pinggan at babasaging mesa ay hindi ako matitinag. He was now clothed in a white t-shirt and gray sweatpants.

“Dig in,” he commanded. “My mom made that.”

Nahiya ako bigla. “P’wede akong kumain n’yan?”

“Of course.”

Sa tabi ng lalagyan ng brownies ay ang pitsel ng mango juice. Kahit sarap na sarap ako ay nahihiya naman akong kumain nang madami dahil nakamasid lang sa akin si Kobe.

“Hindi ka kakain?” I asked.

“I’m good.” Sumandal siya sa couch at pumikit. “Kumain ka muna. I’ll just take a nap.”

Bilang masunuring babae, I carried out the orders given to me. Nang makitang banayad na ang paghinga niya ay malaya akong kumain. Kumekembot pa ako sa saya. Mas masarap pa ito sa cake ko noong birthday ko!

Nang matapos ay dinala ko ang pinagkainan sa lababo. Maliliit pa ang hakbang ko dahil hindi ko alam kung saan dapat pumunta. Mabilis din naman akong natapos paghuhugas dahil iilang piraso lang iyon.

Kobe was still sleeping when I came back. His lips were slightly parted but he was so quiet! Ni wala manlang cute na snores! Naalala ko bigla ang salonpas na binili ko matapos ang insidente sa Grand Hyatt. Kobe told me to give him the salonpas, pero dahil hindi ko pa nakukuha ang bag ko ay bumili na lang ako ng bago.

Dahan-dahan kong inilagay iyon sa noo niya at napangiti ako nang wala manlang siyang naging reaksyon.

Siguro ay pagod talaga siya. He was overworked like other artists. Hindi kasi natatapos ang endorsements, commercials, meetings, recordings, at practice niya. Nakakatakot tuloy na baka ma-strain ang boses niya dahil sa stress.

I took a photo of him as a souvenir, but other than that, I just sat next to him, patiently waiting for him to wake up. Sa kaibuturan ng puso ko ay ipinanalangin kong magdiretso ang tulog niya para kahit papaano ay makapagpahinga siya.

But my wish was not granted because after an hour and a half, he woke up.

Pupungas-pungas siyang tumingin sa akin. Magulo ang makapal na buhok at mukhang modelong kalalabas lang sa magazine.

“Sorry,” he mumbled. “Ginising mo dapat ako.”

I shook my head. “Pumunta ka na sa kwarto mo. Tatawagan ko na si Kuya Enzo para makapagpahinga ka.”

His brows knitted. “What? No.”

“Okay lang ‘yon. May next week naman ulit. Dalawang beses tayong magkikita no’n!” kumbinsi ko pa.

“No, Karsen.” Umayos siya ng upo at minasahe ang batok. Ni hindi niya manlang napansin ang salonpas sa noo. “And I feel a little better now.”

“Ang hirap kaya kapag kulang sa tulog! Ang hirap mag-focus at makipag-usap. Lagi pang badtrip.” Hindi siya sumagot kaya ngumuso ako. “Tapos nainis pa kita kahapon. Sorry. Dapat ay hindi na ako dumadagdag sa stress mo.”

Napatingin siya sa akin. “You really should apologize,” masungit na aniya.

“Kaya nga!” Lalo akong napanguso. “Hindi ko na nga babanggitin ‘yon at saka, sasagot na ako sa messages mo.”

He clicked his tongue in annoyance. “I’m not talking about that, though that’s a bit irritating, too.”

Kumunot ang noo ko. Ano na namang sinasabi niya?

“Nag-enjoy ka kahapon sa lakad n’yo?” tanong niya para bang binibigyan niya ako ng clue kung saan siya nainis.

Hindi ako umimik. Ayoko na! Baka may masabi na naman akong mali!

“Sino’ng mga kasama mo?” he asked casually. “Parang nakita ko ‘yong lalaki sa Sway’s, ah?” He chuckled scornfully.

“Ah, oo!” I uttered, finally getting an idea. “Si Marcus ba?”

His brows furrowed a bit more.

“Nag-donate kasi ang Sway’s kahapon sa Bahay Tuluyan. Dahil doon siya nagtatrabaho, kasama siya sa volunteers,” kwento ko. “Masaya naman kasi halatang nag-enjoy ang mga bata. Kami ‘yong nag-distribute ng mga pagkain-” I stopped when I realized something. “Paano mo pala nalaman?”

He rolled his eyes. “Dumaan sa newsfeed ko sa Facebook. Naka-tag ka.”

Tumango ako. “Ayun! Kasama ko rin naman sina Ate Kat.”

I watched how his tongue poked his inner cheek as his forehead creased. Dumaan ang pagtataka sa mukha niya at inilagay ang kamay sa noo.

I smiled when he finally noticed the salonpas. Tinanggal niya iyon at supladong inilagay sa akin. Nakangiti lang ako dahil bakat pa rin iyon sa noo niya.

“Thanks.” Tumagal ang tingin niya sa noo ko. “It’s effective.”

Hinawakan ko ang salonpas. “‘Di ba? Kapag nagkakasakit ako, ito ang pinapabili ko kay Mill.”

“Okay. I’ll buy some.”

Ngumiti na lang ako. Nagustuhan niya siguro kaya siya bibili.

“You like him?” kaswal na tanong niya ulit.

“Sino?”

His eyes darkened. “The Sway’s guy.”

“Ah, si Marcus? Hindi, ah. Mabait siya at gentleman pero hindi ko kasi makita ang sarili kong kasintahan ang kapatid ni Eddie.” I laughed.

“So, if he’s not Eddie’s brother, you’ll consider him?”

Umiling ako. “Wala kaming sparks.”

“Sparks fade, Karsen,” he commented. “Feelings like that don’t last.”

Napaisip ako. “So... dapat ba magustuhan ko siya?”

“That’s not my point!” Bahagyang tumaas ang boses niya.

He suddenly looked defensive. “I mean, you shouldn’t base your future relationships on temporary emotions. Pero kung wala kang nararamdaman sa lalaking ‘yon, you better not try. You’ll only waste your time.”

Tumango ako. “Opo, Sir.”

Bumalik ang sungit sa mukha niya. “And stop mentioning Jennifer everytime we talk. I’ll handle her.”

“Opo...” tugon ko ulit.

Kinain kami ng katahimikan. Inilagay niya ang isang braso sa likuran ko. Dahil magkatabi lang kami ay mukha siyang nakaakbay sa akin.

“Regarding the shelter, why are you there again?” tanong niya.

Umayos ako ng upo ngunit nadali ko ang braso niya kaya itinuwid ko na lang ang likod ko.

“Nag-text kasi ‘yong isa sa mga nagpalaki sa amin na mag-volunteer kami.”

“What do you mean?” he sounded puzzled.

I chuckled. “Doon ako lumaki, Kobe.”

Hindi siya nakapagsalita. Tiningnan ko siya at nabakas ko sa guwapo mukha niya ang pagkagulat.

“Hindi lang obvious, pero oo, tama ang iniisip mo ngayon. Kahit magaganda, iniiwan.” Tumawa ulit ako.

He sighed. “I’m sorry. I didn’t mean to-”

“Sus! Hindi big deal sa akin ‘yon! Lahat ng kakilala ko ay alam na wala akong mga magulang,” komportableng kwento ko. “Ewan ko ba! Siguradong kapag nakita ako ng tatay ko—kasi patay na ‘yong nanay ko, pero hindi ako sure kung buhay pa ‘yong bumuntis sa kanya—magsisisi siya! Ang ganda ko kaya! Laking Ate Kat ako!” dire-diretsong sabi ko.

“You grew up there? With your friends?” he asked softly while staring at me.

Tumango ako. “Kaya kahit papaano, special sa akin ang lugar na 'yon. Hindi man for keeps 'yong memories, nakilala ko naman sila roon.”

“It must've been painful for you,” he whispered to himself.

“Hindi! May kasama naman ako, eh.” Ngumiti ako. “Hindi pala nailagay ni Mill sa portfolio ko, 'no?”

Muli siyang nagbuntong-hininga. “Had I known, I would have gone there right away.”

“Ano namang gagawin mo ro'n?”

“Donate money... I guess?” He tilted his head. “They've had a roof over your pretty head for years. I owe them.”

Magtatanong pa sana ako kung paanong naging utang niya iyon nang ipaling niya ang buong atensyon sa akin.

His expression softened. His gaze travelled over my face, lips were slightly parted, and he seemed to be in a trance. I saw him gulp before shifting his eyes to mine.

I cleared my throat. Suddenly, the atmosphere became too heavy... or at least for me.

“Tell me more. I want to get to know you more, Karsen.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro