Chapter 8
Act normally, Karsen. Wala kang narinig. Hindi mo alam ang meaning ng attracted... okay? Kunwari, hindi mo alam.
Halos takbuhin ko ang distansya papunta sa isa pang bakanteng cottage para hindi ako makita nina Kobe at Carly na nakikinig sa usapan nila. My heart was beating frantically, causing my breathing to hitch.
Don’t overanalyze it. Baka sinabi niya lang ‘yon para inisin si Carly.
Sumubsob ako sa mesa nang maramdaman ang muling pag-iinit ng mukha ko. I could still hear Kobe’s deep and sexy chuckles as he uttered those words. Even the way he cursed made me blush.
He’s attracted... to me? O namali ba ako ng rinig? Hindi ba kay Jennifer siya attracted?
“Ahhh!” I groaned in frustration. Baka pagalitan ako ni Carly! Baka bigla siyang mag-email sa akin na si Jennifer na ang leading lady!
But... what if I only got selected because of Kobe? Hindi dahil sa naniniwala sila na p’wedeng may chemistry kami? Sabagay, imposible namang nakarating ako rito nang walang mahikang nangyayari. I’m just a typical college student. Malabong pinili nila ako dahil nakitaan nila ako ng potential.
“Hey.”
Halos mapapikit ako nang marinig ang boses ni Kobe. I slowly lifted my head and saw him making his way inside the cottage. Dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Wala siyang ideya na narinig ko ang sinabi niya kay Carly... kasi kung alam niya, hindi niya ako para lapitan dito.
My hands went cold. Hindi ko alam kung gusto ko bang makasama siya ngayon o magtago na lang sa labis na kahihiyan. Carly must be fuming mad right now. Tama naman kasi siya. Kobe was being unfair to Jennifer. Ni hindi niya pa nga nilalapitan ang babae.
“Let’s eat,” he muttered as he sat beside me.
I fought my raging urge to look at him. Nagkunwari akong nakatitig lang sa mga kasama namin na kanya-kanya ang kwentuhan. Some were getting woods to set up a bonfire. Ang iba naman ay naliligo na.
“Una ka na,” mahinang saad ko. I gulped before exhaling deeply. “Po...” habol ko pa.
He chuckled. “Po?”
Tumawa rin ako kahit na hindi naman ako natatawa. “H-Hindi pa kasi ako gutom. Pero si Jennifer, baka!”
Natahimik siya. Pasimple akong sumulyap sa kanya ngunit nahuli ko lang ang tingin niya sa akin. His jaw was clenched, as if I said something that annoyed him.
I mentally reminded myself not to get distracted. Tama si Jennifer. Hindi kami nandito para maglaro. This is a serious work for Kobe. Hindi tamang lagyan ng ibang kulay ang ginagawa namin. I don’t want to use his attraction to get the role. I still want to be selected without playing dirty.
Tumayo ako at umarteng nag-iinat. I looked at him and smiled. “Magpapahinga lang ako sa tent.”
He gave me a single nod. Lumabas ako ng cottage na nanginginig ang tuhod sa kaba.
Itinanong ko kay Kuya Enzo kung alin doon ang tent namin ni Jennifer. Itinuro niya ang isang blue at malaking tent. Naroon na ang mga gamit ko kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko.
Habang nagkakatuwaan ang lahat ay bahagyang lumayo ako para tawagan si Eddie. I have to calm my nerves! Hanggang bukas pa kami rito. Hindi puwedeng iiwasan ko nang iiwasan si Kobe.
“Hello?” ani Eddie mula sa kabilang linya.
I looked around. Nasa madilim akong bahagi ng resort pero tanaw ko pa rin ang mga kasama ko.
“Eddie...” I called him, feeling hopeless. “Ano’ng gagawin ko?”
“Bakit?”
Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi. “K-Kasi narinig kong nag-uusap sina Ms. Carly at Kobe. Hindi ko naman sinasadya.”
“Oh? Ano’ng sinabi?”
“Na kaya ako nakarating sa level na ‘to kasi pinagbigyan daw ni Ms. Carly si Kobe.” Parang may kumurot sa dibdib ko. “Tapos nag-away sila kasi ako lang ang pinapansin ni Kobe. Hindi niya kinakausap si Jennifer.”
I sighed and leaned on the huge tree.
“Kilala naman daw nila kung sino ang mas qualified,” lalong nanghina ang boses ko. “Dapat ba hindi ko na lang aksayahin ang oras nila? Dapat ba mag-quit na ako agad?”
“I don’t understand,” sabi niya. “Anong pinagbigyan? Bakit? Gusto ka ba ni Kobe?”
The last question made my heart skip a beat. No. No. Hindi puwede! He’s on another level. I shouldn’t think of what he said.
“Sinabi niya kay Carly na...” I swallowed hard. “Na attracted siya... sa akin.” Pumikit ako nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha ko. “Sa akin, Eddie. He’s attracted to me,” ulit ko pa dahil hindi rin pumapasok sa utak ko na attracted sa akin ang lalaki.
Inihiwalay ko ang cellphone sa tainga ko nang marinig ang nakaririnding tili niya.
“Punyeta ka! Sasabunutan talaga kita pag-uwi mo!” He was hyperventilating. “Wala kang rason para maging malungkot! Ikaw ang mapipili!”
“Hindi, Eddie-”
“Oh, girl! Your idol is attracted to you!” sigaw niya. “Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo, ‘di ba? I noticed the way he looked at you! Pero ngayong may confirmation na, ano pa ang hinihintay mo?! Sunggab na!” Tumawa pa siya.
Ngumuso ako. “Ayoko naman ng ganoon, Eddie. Ayun ‘yong bilin ni Ms. Carly, ‘di ba?”
“Sus. Bakit ka nag-cha-chat at nag-te-text? Ano’ng goal mo? Trabaho? Ulol!” he uttered. “Look, you kinda flirted with him, Karsen. At kahit sabihin mong hindi mo intensyon ‘yon, kumagat siya. He’s attracted to you. You should use that to your advantage. Ibig sabihin, on screen, napakaganda ng chemistry n’yo... dahil hindi peke ‘yong feelings.”
“Nahihiya ako...” Mabilis na nanubig ang mata ko. “Paano kapag sinabi ng prod na malandi ako? Na kaya lang naman ako nakatagal kasi hinarot ko si Kobe? H-Hindi na nga ako professional tapos ang landi ko pa.”
“Please, tell me you’re not crying.”
Suminghot ako. “Eddie, ano’ng gagawin ko?”
He let out a sigh. “Okay. Listen very carefully.” Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto mula sa kabilang linya. “Dahil ayaw mong gamitin ang nararamdaman ni Kobe, wala kang ibang choice kung hindi ibigay kay Carly ang gusto niya.”
I didn’t utter a word.
“Pero ngayon lang,” agap niya. “Bigyan mo ng space sina Jennifer at Kobe para maipakita mo kay Carly na malinis ang intensyon mo. ‘Wag ka munang mag-didikit d’yan kay Kobe kasi baka magkainitan na naman sila ng manager niya. You don’t want that to happen, right?”
Tumango ako kahit hindi naman niya ako makikita.
“But, you’re wasting an opportunity, Karsen. I mean, nasa isang resort kayo. Maganda ang panahon at maraming p’wedeng mangyari lalo at overnight kayo. This could be your chance to get to know him more.” He sighed. “And don’t overthink yet. Attracted lang si Kobe. P’wede pang mawala ‘yan. Baka... natutuwa lang sa ‘yo, kaya ‘wag kang masyadong kabahan.”
I pouted. “I know...”
“Ikaw ba? How do you feel about him?”
“Uhm... I don’t know. Baka na-e-excite lang ako dahil fan niya ‘ko. Baka kinikilig lang ako kasi matagal ko na siyang tinitingala.”
“Totoo?” he asked, obviously mocking me. “As far as I know, hindi ka naman gan’yan kaharot sa mga lalaki. Eh, kitang-kita ko ang itsura mo kapag kausap mo ‘yan!”
“Kasi nga, fan ako,” giit ko pa. “Saka bukod sa pag-cha-chat namin, hindi naman kami laging magkasama. Hindi niya pa ako kilala.”
He chuckled. “Tingnan na lang natin kung mananatiling idol lang ang tingin mo sa kanya pagkatapos ng narinig mo.”
“Eddie naman...”
“Ah, basta! Pag-usapan natin ‘yan pag-uwi mo. Sa ngayon, kailangan mo munang maka-survive. Pero kung ako sa ‘yo, I won’t mind Carly and the rest of the team. Kanya-kanya kayo ng strategy. At hindi mo kasalanan na ang strategy mo ang nakakuha sa atensyon ni Kobe.”
Lutang ako nang bumalik sa tent. Inilagay ko na lang ang cellphone sa bag at tinimbang ang mga sinabi ni Eddie.
Bakit ko nga kinukulit si Kobe? Dahil alam kong hindi niya ako papatulan? Dahil gusto ko ng atensyon niya?
“Ma’am Karsen, kain na po!” sigaw ni Kuya Enzo.
Hindi ko napansing nakapalibot na pala ang lahat sa mahabang mesa.
Pumunta ako sa pwesto nila at agad na dumiretso ang mata ko kay Kobe na ngayon ay nakatingin lang sa pagkain. Sa kaliwa niya ay prenteng nakaupo si Carly. Sa kanan naman ay bakante.
“Oh, Karsen. Kanina ka pa namin tinatawag,” si Carly.
“Pasensya na po. May ginawa lang.” Pinasadahan ko ulit ng tingin si Kobe pero ganoon pa rin ang ayos niya.
Ngumiti si Carly. “Let’s talk later.”
Tumango ako.
Akmang iikot na ako para pumunta sa tabi ni Kobe nang malakas na tumikhim si Carly.
“Jennifer,” tawag niya sa babae na nasa kabilang dulo ng mesa. “Dito ka maupo!” sabay turo sa upuan sa kanan ni Kobe. “Kanina ko pa sinasabi, eh.”
Mabining tumawa ang babae bago tumayo. “I’m sorry, Carly.”
Napalunok ako nang maupo siya sa tabi ni Kobe. Dahil ang bakanteng silya na lang ay ang inalisan ni Jennifer, hindi na ako naghintay na may magsabi sa aking maupo roon. Mabuti na lang at katapat ko si Kuya Enzo na agad akong inabutan ng pinggan.
I ate in silence. Nauna pa akong umalis doon dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila.
I sat at the poolside. Sa pinakamadilim na sulok. Ang paa ko ay nasa mainit na tubig at ang kaninang nakataling buhok ay hinayaan ko nang nakalaglag. Halo-halo ang nararamdaman ko. Hiya, dismaya sa sarili, takot, at kaunting... kilig.
I clicked my tongue in annoyance. Hindi puwedeng kiligin, Dawn Karsen! Totoo ang sinabi ni Eddie! Mawawala pa ang attraction na ‘yon!
Narinig ko ang paggalaw ng tubig kaya napatingin ako sa pinanggalingan no’n. My mouth dried up as I watched Kobe swim back and forth half-naked.
Tumingin agad ako sa paligid para hanapin ang ibang kasama namin ngunit ang lahat ay abala sa pag-aayos ng pinagkainan namin. Sina Jennifer at Carly naman ay naiwang nag-uusap sa mesa.
Hindi ko pa na-di-digest ang nangyayari ay lumitaw na sa harap ko si Kobe. He ruffled his hair with his fingers while staring deeply at me. Dahil sa ilaw sa poste ay kitang-kita ko kung paanong bumaba ang mga butil ng tubig sa mukha at dibdib niya.
I quickly looked away. My god! Sigurado na ba akong hahayaan kong mawala ang attraction na ‘yan?!
“Where’s my reward?” he asked in his usual low voice.
Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa mesa. Wow naman! Ang colorful pala ng mga upuan namin! Tingnan mo nga naman, may coffee jelly pala! Hindi manlang ako nakatikim!
“Karsen.”
Tumulong na lang kaya ako sa paghuhugas? Magaling naman ako sa ganoon! Ako ang dishwasher sa apartment namin, eh.
“Why are you avoiding me?”
Pinigil ko ang paghinga nang maramdamang mas lumapit na siya sa akin. Pinanatili ko ang tingin sa pwesto ng mga kasama namin. Sana ay dumating si Kuya Enzo at yayain akong magkape!
“May nasabi ba ’ko?” Alis ka na, Karsen. “Hey.”
Napapiksi ako nang hawakan niya ang binti ko. Mabilis niya rin namang tinanggal ang kamay niya roon nang mapansin ang reaksyon ko. My attention was drawn to him, and his dark eyes beamed as our gazes locked.
“M-May sinasabi ka?” mahinang tanong ko nang magtagal ang titig niya sa akin.
Ngumisi siya na parang nairita siya sa akin. Hindi ko magawang iiwas ang tingin sa mukha niya dahil ayaw ko namang bumaba ang mata ko sa exposed niyang balikat at dibdib!
I cleared my throat. God, this is so awkward! “‘Yong ano... ‘yong reward... p’wede bang pagbalik na lang natin? Wala kasi akong ibang dala bukod sa gamit ko.”
“We were okay earlier. What happened to you?” naiinis na tanong niya.
Dinaga ang dibdib ko. Ewan ko ba, lagi na lang akong kinakabahan kapag parang magagalit na siya.
“Okay naman, ah?” Yumuko ako at pinaglaruan na lang ang paa sa tubig. “Baka kung ano lang ang isipin nila...”
“Hmm?” Mas lumapit pa siya. Kaunti na lang ay tatama na ang dibdib niya sa tuhod ko. “You were saying something?”
Umiling ako, hindi pa rin makatingin sa kanya.
“Where’s my confident Karsen?” tanong ulit niya. “You know I really hate it when you’re quiet.”
Ngumuso ako. “Tahimik naman talaga ako.”
He chuckled.
I peered at him angrily. “Bakit ka tumatawa? Tahimik nga ako! Sa room nga, nagsusuot lang ako ng earphones tapos umuupo sa gilid para mukha akong introvert.” That’s a lie, of course. I’m one of the loudest girls.
“Really?” he beamed.
I pouted. “Hindi ako madaldal... lalo kapag recitation.”
Hindi siya sumagot. He tilted his head and brushed his soaking hair. Ang tila inaantok na mata ay nakamasid lang sa akin na parang anumang oras ay mawawala ako.
“Stop avoiding me,” he uttered suddenly.
Binasa ko ang labi bago sumagot. “Hindi naman kita iniiwasan.”
Magsasalita pa sana siya nang kunin ni Carly ang atensyon ko. Isinigaw niya ang pangalan ko at pinapapunta ako sa pwesto niya.
I was about to stand up to go to her direction when Kobe touched my knee. Napabaling ako sa kanya na ngayon ay seryosong-seryoso na naman ang mukha.
“Do you have any time later?”
I nodded nervously as I felt the eyes watching us.
“Pupuntahan kita.”
Ginalaw ko ang tuhod ko para malaglag ang kamay niya. Mabilis akong tumayo at agad na nagtungo sa pwesto ni Carly. Hindi pa ako tuluyang nakakarating doon ay narinig ko nang sinabihan niya ang katabing si Jennifer na puntahan si Kobe.
I knew what she meant by that... at naiintindihan ko. As Kobe’s fan, I want nothing but the best choice for him. And in a professional’s standpoint, Jennifer is indeed more qualified than I am. Mas hindi nakakahiyang kasama. Mas hindi i-ba-bash.
Pumunta kami ni Carly sa cottage kung saan ko sila narinig na nag-uusap ni Kobe kanina.
“I’m sorry for what happened last time. I was irrational,” panimula niya. “I let my anger consume me... I’m sorry.”
“Ayos lang po, Ms. Carly.”
She sighed. “I’ll talk to Kobe’s lawyer about that.”
Nahihiyang tumango ako. Sinabi rin naman sa akin ni Kobe iyon. Hindi ko lang sigurado kung ano ang mga kailangan kong gawin para makatulong. Five hundred pesos lang naman ang laman ng wallet ko. Wala ring importanteng files sa cellphone ko. But the way that jerk touched me... I think he has to serve some time in prison. Baka marami pa siyang mabiktima.
“And Karsen, I want to remind you of our rules. The appointments we set up should be strictly professional.” She tapped my shoulder. “Ngayon dapat ang schedule n’yo ni Kobe... but may I ask where were you last Saturday?”
My heart hammered.
“His PA, na lagi niyang tinatakasan, ang nagsabi sa akin na maaga raw umalis si Kobe at dinala niya si Kuya Enzo.” Bahagya siyang lumayo sa akin at pinagkrus ang braso. “Magkasama ba kayo?”
I bit my bottom lip harshly and bowed my head.
“S-Sorry po,” halos bulong na iyon.
“It’s not entirely your fault, Karsen. I know how persistent Kobe is. I’ve been with him for years.” She chuckled. “Lagi niyang sinasabi sa akin lahat. And as I’ve said, siya ang pumili sa ‘yo. You are his personal choice.”
Hindi ako umimik. Kinakabahan pa rin ako sa patutunguhan ng pag-uusap namin.
“Uhm... I knew that you were in contact with him because I accidentally saw his phone yesterday.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “O-Opo.”
“Karsen, you only see each other a few times. And to be honest, this whole thing is bothering me. Ayokong dumating sa punto na hindi na lang tayo nagtatrabaho rito. You have seven more weeks to be with him. Can you promise me that you’ll not...” She heaved a sigh. “You’ll not entertain whatever feelings you guys have for each other?”
Nang hindi ako magsalita ay narinig ko ulit ang malalim niyang pagbuntong-hininga. What can I do? Hindi ko alam ang sasabihin. Ayoko nang magmukhang isip-bata sa harap niya.
“What I’m trying to say is that you should lie low a bit. Sa susunod na yayain ka ni Kobe na magkita kahit wala sa schedule, ‘wag kang pumayag. Hindi n’yo rin kailangang i-text o i-chat ang isa’t isa araw-araw.”
Nakaiintinding tumango ako. Tama siya.
“I’m sorry na sa ‘yo ko sinasabi ‘to. Hindi kasi makikinig sa akin ‘yon. Hindi ko rin nagustuhan ang nangyari kanina na parang hangin lang si Jennifer. I’m not biased, but that’s quite unfair. Kitang-kita niya agad kung na kanino ang favor ni Kobe.”
Carly was so soft spoken. Kahit alam kong pinagsasabihan niya ako, hindi ko maramdamang galit siya... hindi tulad noong nasa Grand Hyatt kami.
“Opo, hindi ko na po i-co-contact si Kobe. Susunod din po ako sa schedule. Sorry po kasi na-stress kayo dahil sa akin...” My lips trembled.
“It’s okay, sweetie. I know you’re Kobe’s fan. Sinasabi ko lang ngayon kasi ayokong magulo kayo.”
“Naiintindihan ko po, Ms. Carly.”
Nginitian niya ako. Kaunting paalala pa at sabay na kaming lumabas ng cottage. I don’t know what to feel. Sigurado naman akong binabalaan lang niya ako dahil sa sinabi ni Kobe sa kanya. I just feel like it’s too early to conclude things. Isang beses pa nga lang kaming nag-d-date ni Kobe.
I mentally scolded myself. Stop defending your feelings, Karsen. Carly’s just doing her job.
Lumipad ang tingin ko sa pwesto ko kanina at nakitang naroon pa rin si Jennifer. Kobe was looking at my direction while the girl was talking to him. Nang magtama ang tingin namin ay bumaling siya sa babae at maya-maya lang ay umahon na.
Before he could walk towards me, Jennifer blocked his way. Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso na lang sa tent. Naiinis ako na hindi pinapansin ni Kobe si Jennifer. And right now, I want Jennifer to be his leading lady. Mas maganda ang kalalabasan ng music video kung professional ang kasama niya.
I laid down and thought of all the possibilities. Mabuti pa ngang maaga palang ay tigilan ko na ‘to. Baka umasa lang ako sa kanya.
Lunod na lunod ako sa iniisip ko na hindi ko namalayang lumalalim na ang gabi. Natauhan lang ako nang pumasok na rin sa loob ng tent si Jennifer, nakangiti at mukhang nag-enjoy sa kung anumang ginawa niya.
“Ba’t hindi ka lumabas? Dapat ay kinukuha mo na ang chance na ‘to para maging close kay Kobe,” she stated.
“Huh?”
She fixed her hair. “Looks like Kobe’s in favor of you and Carly’s in favor of me.”
Hindi ako nakaimik. My god, na-career ko yata ang pagiging introvert ngayong gabi!
“She’s in her tent now,” sabi pa niya. “And the hottie must be waiting for you. Ang tagal mong lumabas. Kanina pa inis ‘yon.”
“Jennifer...”
She rolled her eyes. “I like Kobe, too, okay? But I want a fair game. You can seduce him all you want and I’ll still play by my own rules. ‘Wag ka lang masyadong makampante dahil mahaba pa ang oras nating dalawa para magpakilala kay Kobe.”
“Pero sinabi ni Carly na mag-lie low ako...”
She grinned. “So, you’ll let me win?”
“Mas qualified ka naman, eh.”
“Yuck,” she cringed. “Girl, go get some confidence. Kung gan’yan ang thinking mo, oo nga, mas deserving ako kaysa sa ‘yo.”
Out of impulse, I gritted my teeth and went out of the tent. Gulong-gulo na ako sa kanilang lahat! Carly wanted me to take it slowly. Jennifer was provoking me. Idagdag pa ‘tong si Kobe na balak yatang i-announce sa mundo na nasa akin ang boto niya. Parang pubic hair na naman tuloy ang utak kong gaga-munggo!
“Ma’am Karsen, kape!” bati ni Kuya Enzo nang makita ako. Kakaunti lang ang nasa table dahil halos lahat ay nag-s-swimming.
“Sabi ko naman sa ‘yo, Kuya, Karsen na lang.” Pasimple akong naupo sa tabi niya. “Nasaan po pala si Kobe?”
“Ay, baka natutulog na ‘yon at kanina pa badtrip.” He laughed. “Ang late mo lumabas, eh. Naligo sina Ma’am Jennifer at Ma’am Carly kanina.”
Tumingin ako sa tubig. Siguro ay nasa anim na lalaki ang naroon. Hindi ko sila mga kilala, pero parang naaakit akong maligo. Nagpaalam ako saglit kay Kuya Enzo para magpalit ng puting T-shirt at itim na shorts. Mabuti na lang at medyo malawak ang tulay kaya mabilis akong nakatawid.
Sa kabilang dulo ako lumangoy. Dahil may kalamigan ang hangin ay saktong-sakto lang ang init ng tubig. Masaya sana kung narito ang mga kaibigan ko. Siguradong maghahanapan sila ng barya.
I closed my eyes and swam. Dire-diretso ang paglangoy ko, hindi na tinitingnan kung saan ako papunta. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Carly kanina. Paulit-ulit ding naglalaro sa utak ko ang ginawang pag-amin ni Kobe.
I was having the best night of my life when I bumped into something. Napaahon ako at agad na napahimas sa tuktok ng ulo. Kinusot ko ang mata at handa nang magreklamo nang makitang ang nabunggo ko ay ang lalaking laman ng utak ko kanina pa.
Basa na ang makapal niyang buhok at madilim na naman ang titig na iginagawad sa akin. I slightly turned my body away from him, but his hand gripped my waist, preventing me from making a move.
“Kobe,” nanghihinang bulong ko.
“Ano’ng sinabi ni Carly sa ‘yo?”
“Bitawan mo muna ako!” asik ko.
He didn’t listen. Mas hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko na sa oras na gumalaw ako ay baka magdikit na ang dibdib namin.
“May sinabi ba siya tungkol sa ‘kin?” I could sense tension in his voice.
“Nag-sorry lang.”
He raised his brow. “Mahaba ang naging pag-uusap n’yo. Sinabi ba niyang lumayo ka? Is that the reason why you’re being so distant?”
Dahil ‘yon sa pa-I’m attracted to Karsen mo! Doon naman ako pinaka-bothered kasi bawal akong kiligin!
“L-Lumayo ka nga...” Bahagya kong tinulak ang dibdib niya. “Bakit ba ang clingy mo ngayon? Hindi ka naman ganito...”
“You hate it?”
“Hindi naman-”
He squeezed my waist. “Good.”
Lumabi ako. “P’wede naman kasing mag-usap nang hindi mo ako hinahawakan! Baka akalain pa ng mga kasama natin, nagmomomol tayo rito.”
“Momol? You mean, make out?” Mula sa ilaw sa poste ay kita ko ang pamumula ng tainga niya. “You’re still a kid. Where did you learn that?”
Pinilit kong mahiwalay sa kapit niya at sa awa ng Diyos ay hinayaan naman niya ako.
“Apat na taon lang naman ang tanda mo sa akin... maka-kid ka. Hindi naman ako minor, ah!” palatak ko. ”At ang sabi ni Kuya Enzo, badtrip ka. Parang fake news naman ‘yon.”
“I wasn’t in the mood earlier, but I’m feeling good now.” Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya pasimple kong inilagay ang isang braso ko roon para itago.
“Nice bra,” he commented.
My cheeks flushed. Napatingin ako sa dibdib ko at lalo akong nahiya nang makitang bakat nga ang pink kong bra. “Kobe!”
Bahagya siyang tumawa. “What? It’s a compliment.”
“Eh, kung sabihin ko kayang “nice brief”?! Matutuwa ka ba?” nakasimangot na tanong ko na lalong nagpalawak ng ngisi niya.
“I’ve seen your bra, that’s why I mentioned it, but you haven’t seen my underwear, so...” he muttered, as if he was suggesting something.
“Ewan ko sa ‘yo!”
Ipinaling niya ang ulo. Pinanood ko kung paanong tumagal ang tingin niya sa labi ko. Sa sobrang ilang ay tinakpan ko iyon ng kamay ko.
His lips pursed, parang natatawa na naman sa akin.
“Let’s just go with the flow, Karsen.”
Napakurap ako. “Sa trabaho?” mahina at maliit ang dating ng boses ko dahil may takip ang bibig ko.
“You can call it whatever you want.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at marahang pinakawalan iyon. Parang normal na ekspresyon lang sa kanya pero samu’t saring emosyon ang naramdaman ko sa ginawa niyang iyon.
“I like where the wind is blowing. Don’t change its course.”
Kumunot ang noo ko. Ayan na naman siya sa alien languange niya! Ang hirap na ngang intindihin ng english, pinapalalim niya pa! At anong course ng hangin?! BS Mathematics?
He carefully took my hand away from my mouth. From my eyes, his gaze went down to my lips.
“Someday, I’ll claim my reward.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro