Chapter 6
DK Gallardo, Amari Sloane Mendoza and 52 other people reacted to a photo you shared: "Si Kobe lang ang mamahalin ko sa buhay na 'to."
DK Gallardo likes your photo.
DK Gallardo likes your photo.
DK Gallardo likes your photo.
DK Gallardo sent you a friend request.
"Hala, gago!" bulaslas ko nang naging sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko. "Sinong poser 'to? Lakas ng trip, ah!" Inisa-isa ko ang nasa notification bar at napamura ako nang halos i-like niya lahat ng solo pictures ko.
Kahit meme na nakakatawa, like lang! Hindi manlang nag-haha! Panira ng haha streak!
I was about to delete his request when another notification popped up on my screen.
DK Gallardo sent you a message.
Napairap ako. "Sa dami ng poser ni Kobe, ikaw lang ang naglakas loob na i-message ako!"
Dahil may klase ay hindi ko na binuksan ang message request niya. Nag-prepare muna ako bago pumunta sa school. Rizal ang first subject namin kaya alam kong kailangan kong mag-kape para magising. Badtrip kasi sa prof namin! Nakaupo mag-discuss tapos nakakaantok pa ang boses!
"Ano'ng nangyari sa date n'yo?!" bungad sa akin ni Eddie. "Sinunod mo ba ang payo kong mag-shave?"
Umamba ako ng sapak sa kanya. "Paupuin mo kaya muna ako?"
"Ay, tumatapang ka yata?"
Inilagay ko ang bag sa upuan at niyaya siya sa labas ng room. Wala pa naman kasi si Ma'am. May oras pa kaming magpahangin at magkuwentuhan.
"Nakita ka raw ni Kuya sa Sway's."
I nodded. "Doon ako sinundo ni Kobe... tapos pumunta kami sa Tagaytay at kumain ng bulalo."
"Ano pang kinain n'yo?"
Ngumuso ako. "May dessert din, eh. Hindi ko alam 'yong tawag pero parang ice cream."
"'Yun lang 'yon? Walang kiss? Walang hug?" usisa niya. "Ang boring naman pala!"
"Uhm... nag-picture kami. Inakbayan niya ako tapos humawak ako sa bewang niya." I giggled at my own words. Nakakakilig pa rin! "Nagtataka nga ako kasi may isa akong picture sa cellphone niya."
"Anong picture?"
"'Yong ano..." I pouted. "'Yong natutulog ako na may bunny ears na headband."
"Gago?!" gulat na sigaw niya. "Naka-save sa cellphone niya?!"
Tumango ako. "Pero baka guni-guni ko lang. Binawi niya kasi agad sa akin 'yong cellphone no'ng na-swipe ko... kaya hindi ko natingnan nang mabu-"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang hawakan ang mga balikat ko. Halos mahilo ako sa pagyugyog niya sa akin na para siyang kiti-kiting kinikilig.
"May chance talaga, oh, my god!" tili niya pa. "Ang swerte mong gaga ka!"
Hindi ko na siya napigilan dahil wala pang ilang saglit ay dumating na si Ma'am. Pinapasok niya kami at nagsimula na agad siyang mag-discuss. Nagkaroon pa ng quiz tungkol sa mga kapatid at mga naging jowa ni Rizal!
Hindi ako tinigilan ni Eddie. Panay ang pagpaparinig niya na huwag daw akong makalimot kapag naging non-showbiz girlfriend na ako. Iniirapan ko lang siya dahil napakalayo naman no'n sa realidad!
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay itinext ko agad si Kobe. Baka kasi hindi maging maganda ang gising niya kapag walang motivational message ang asawa niya.
To: hindi maasim 🎀
You didn't reach this far only to be this far. Good morning. Kain ka na ng breakfast! Ingat today :*
Isinilid ko ang cellphone sa bag nang dumating ang prof namin sa Understanding the self. My god! Dire-diretso talaga ang klase! Mabuti at sa likod kami nakaupo. Puwede kaming matulog nang walang nakakapansin.
"Kailan kayo magkikita ulit?" bulong ni Eddie habang nag-di-discuss ang prof namin sa unahan.
"Sa Friday pa 'yong nasa schedule." I sighed. "Ang tagal ulit. Dalawang beses pa naman silang magkikita ni Jennifer this week."
"I-text mo nang i-text para hindi ka talo."
Lumabi ako. "Hindi naman nag-re-reply. Kahapon nga, kahit isang text, wala. Ayoko namang tawagan. Baka makulitan na sa akin, eh."
"After ng date n'yo, hindi na nag-text?"
Umiling ako, nakasimangot pa rin. "Feeling ko tuloy, hindi siya nag-enjoy."
The class went on. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko pero hindi ko iyon sinilip dahil tumitingin-tingin si Ma'am sa pwesto namin.
"Isipin mo na lang, masyadong kinilig kaya hindi nag-reply." Eddie chuckled softly. "Saka ano ka ba! Ano'ng tingin mo kay Kobe? Kaedad natin na hawak ang oras? Siguradong busy 'yan!"
I exhaled. "Ewan. Bahala na. Basta bawal akong ma-in love nang totoo. Patay ako kina Ms. Carly at Ate Kat no'n."
"Ay, hindi ka pa ba in love sa lagay na 'yan?"
"I mean... 'yong totoong umaasa ako na p'wede. Napaka-imposible naman kasing magustuhan niya ako."
He tilted his head, raising his brow. "Delikado ka."
Tumango na lang ako at nagpanggap na nakikinig kay Ma'am. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Kobe sa Friday kaya wala pa sa isip ko ang pag-fi-file ng excuse letter.
"That's all for today, class."
Saka ko lang natingnan ang cellphone ko nang tuluyang makalabas ng room si Ma'am. Hindi ko pa agad na-realize na nakasilip din si Eddie roon, dahil bago pa ako makapag-react ay nauna na siyang tumili sa akin.
You have 1 missed call from hindi maasim 🎀.
Tumawag agad ako nang makita iyon, nanginginig pa ang kamay.
Aba! Wala nang second thoughts second thoughts! Kung alam ko nga lang na siya ang tumatawag kanina, sana ay nag-excuse na ako! Ang boredom na nararamdaman ko ay agad na napalitan ng excitement dahil sa pagpaparamdam niya.
"Hello?" sabi ko nang sagutin niya ang tawag. "Kobe?" I smiled. Tumingin pa ako kay Eddie na inaabangan din ang reaksyon ko. "Nakita ko ang missed call mo. May klase ako kanina, eh. Ba't ka napatawag?"
Shet, pa-demure.
"Let's have dinner later," he uttered with finality. "The team suddenly arranges a night trip this coming Friday so..."
Nanlaki ang mga mata ko. "Saan daw?"
"I don't know. Carly will discuss it with you later."
Napakurap ako. Akala ko pa naman ay kami lang ang mag-di-dinner!
"And we're with Jennifer. Sinabi ni Carly na isabay ko na siya pagpunta." He sighed.
Lalo akong napasimangot.
"If that's not okay with you, we can adjust the schedule," he told me right away.
"Hindi na!" Tumawa ako para maibsan ang kaba. Feeling VIP ka, Karsen! "Pa-text na lang ng venue kung hindi ka busy."
"Na-i-chat ko na sa 'yo."
"Chat?"
"Yeah." He heaved another sigh. Mukhang pagod siya, ah? "So, you better accept me on Facebook."
Naalala ko ang poser na in-add ako kaninang umaga, pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil sa pag-aalala ko sa kanya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko. "Ikaw yata ang kailangang mag-re-sched. Tunog pagod ka po, Sir."
Narinig ko ang pagtunog ng upuan sa kabilang linya na parang umayos siya ng puwesto. "I haven't gotten any sleep since we parted."
Kumunot ang noo ko. That was almost 48 hours!
"Bakit? Hindi ka ba nakatulog dahil miss mo 'ko?" pagbibiro ko na lang dahil ayaw ko namang ipahalata sa kanya na concern ako.
Eddie scoffed. "Yuck!" he mouthed.
"Silly," Kobe murmured. "I'll see you later."
Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. "See you! Magpahinga ka muna ngayong araw. Pagagalitan ko si Ms. Carly kapag inaway ka."
Nang maibaba ang tawag ay sinabi ko agad kay Eddie ang mangyayari mamaya. Aayusan niya raw ako para hindi ako magmukhang high school student sa tabi ni Jennifer.
That kept me energized until our last class. Pumunta muna kami sa apartment para maligo at magpaganda. Sayang nga at si Jennifer lang ang masusundo ni Kobe! Baka mamaya ay mag-amoy usok ako dahil mag-co-commute lang ako.
"Hindi kita masasamahan. Alam mo namang may inuman akong pupuntahan mamaya," sabi ni Eddie habang kinikilayan ako. "Please, 'wag kang gagawa ng katangahan."
Bubulyawan ko na sana siya nang may maalala ako. After doing my eyebrows, agad kong kinuha ang cellphone at pumunta sa message request ng messenger.
DK Gallardo: Grand Hyatt. 7pm.
"Ay, ayun lang 'yon? Walang baby love, punta ka here?!" utas ko. "Hindi kita i-a-accept dahil suplada ako!"
"Ano 'yan?" usisa ni Eddie.
"In-add ako ni Kobe. Gumawa siya ng bagong account, eh." Inilapag ko ang cellphone sa center table matapos kong i-accept ang friend request niya. "Finlood likes niya ako kanina. Shuta, kailangan kong maglinis ng wall."
Eddie laughed. "Bet ka talaga."
"Sus, kung hindi 'to trabaho, baka naniwala pa ako." Nag-init ang mukha ko nang maalala ang dami ng notifications na natanggap ko kanina. "Puro pa naman tungkol sa kanya ang mga shina-share ko. Malalaman niya kung gaano ko siya kamahal!"
"Ano kayang nagustuhan sa 'yo no'n? Hindi ka naman normal," pang-iinis niya pa.
Inirapan ko lang siya. Baka kapag pinatulan ko ang pang-aasar niya ay tuluyan akong umasa kay Kobe!
"Saan ba 'yong Grand Hyatt?" tanong ko makalipas ang ilang minuto.
"Hala, doon kayo?" Sumilip siya sa orasan. "Kailangan pala ay makaalis ka na. Medyo malayo 'yon."
"Mag-ta-taxi na lang siguro ako," saad ko habang sinusuot ang sandals. "Aabutin kaya ng 300?"
Tumango siya. "Lampas pa. Mag-bus ka na lang para mas makatipid ka."
"Baka bumaho ako." Lumabi ako. "Nakakahiya naman sa mga amoy mayayaman."
"Hindi 'yan!" Halos itulak niya ako palabas ng apartment. "Pagbaba mo ng terminal, tumawid ka sa overpass. Sumakay ka ng jeep at sabihin mong sa Grand Hyatt ka."
Inihatid niya ako sa bus stop pero bago pa dumating ang bus ay bumili ako ng apat na salonpas sa malapit na convenience store. Naalala ko kasing pagod si Kobe. Ang hirap pa naman kapag nagkasakit siya.
Habang nasa byahe ay nag-text muna ako sa kanya na papunta na ako. Mag-aalas sais na rin kaya siguradong patapos na siya sa trabaho.
I started wondering. Kung malapit kaya sa apartment ang studio niya, susunduin niya rin kaya ako?
Feel na feel ko ang pag-e-emote sa bus dahil nasa gilid ako ng bintana. Naka-earphones pa ako habang nakikinig sa mga kanta ni Kobe.
After almost an hour, I reached the terminal. The entire place was unfamiliar for me. Hindi naman kasi ako mahilig lumayo. Kung babyahe man ay kasama ko sina Ate Kat, Mari at Mill.
I don't feel so good about this place. Hindi ko alam pero dinadaga ang dibdib ko sa takot.
Nakita ko ang overpass na sinasabi ni Eddie. Mahaba iyon at mukhang delikado. Huminga ako nang malalim para tatagan ang loob. Kahit napakaraming nakatambay at naglalakad din doon ay hindi ko maiwasang panlamigan ng kamay.
And fate didn't even wait a second to confirm my bad instincts.
"Uy, chix!" sitsit ng isa nang hinangin ang skirt ng dress ko. "Saan punta, miss? Samahan na kita!"
Parang lalabas ang puso ko sa kaba. I lowered my gaze and walked as fast as I could. Hindi ako sumisilip sa likod ko kahit na ramdam kong nakasunod ang isa sa kanila sa akin.
"Suplada mo, ah!" sitsit niya ulit. "Magpapakilala lang!"
My lips quivered in fear. Mas binilisan ko pa ang lakad. Halos tumakbo na ako. Pero bago pa ako tuluyang makababa sa hagdan ay naramdaman ko na ang paghawak ng lalaki sa braso ko.
"'W-Wag po..." bulong ko habang nakayuko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Malaswang tumawa ang lalaki. "Chill ka lang, miss. Wala naman akong gagawin sa 'yo."
Pinilit kong bawiin ang braso ko sa kanya ngunit mas hinigpitan niya lang ang kapit doon. Agad na nanubig ang mga mata ko nang muli siyang tumawa.
"Kinis mo, 'no?"
Hindi ako nakapagsalita. Maraming dumadaan sa gilid namin pero wala kahit isang nakakapansin sa ginagawa ng lalaki sa akin. I wasn't able to utter any word. Hindi ako makahingi ng tulong dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"K-K-Kuya... 'wag po..." nangatal ang hinang-hinanf boses ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.
"Bago ka rito? Ngayon lang kita nakita," senswal na bulong niya sa tainga ko.
Kinilabutan ako sa pagdampi ng hininga niya sa balat ko. A lone tear escaped my eye. Pumikit ako at hinigpitan ang hawak sa bag. Hindi puwedeng wala akong gawin. Walang tutulong sa akin dito.
His hand squeezed my butt as his face nuzzled my neck.
Doon na ako parang natauhan. I pushed him with all my remaining strength and punched his body using my bag.
"Aba-"
Sinubukan niya akong pigilan sa paghigit sa bag ko pero sa kagustuhan kong makaalis na roon ay tumakbo na agad ako pababa ng hagdan. I left my bag with him to run for my life. Puno ng luha ang mukha ko habang dire-diretso pa rin ang pagtakbo, walang ideya kung saan ako papunta.
My breathing was rugged when I stopped running. There were beads of sweat on my forehead, but I couldn't care less. Tinanaw ko ang narating kong layo at napahinga ako nang malalim nang hindi na maaninag ang overpass.
Another tear fell from my eye. Sa tanang buhay ko, ngayon lang may bumastos sa akin. Nakuha niya pa ang mga gamit ko.
All of a sudden, I was in the middle of nowhere. May mga dumadaang sasakyan ngunit hindi ako familiar sa mga sign board. I have to get to the Grand Hyatt. Ang kaso lang ay nasa bag ang pera at cellphone ko.
I looked up and exhaled sharply.
Mabigat ang loob ko nang maglakad ulit papunta sa terminal ng tricycle.
"Excuse me po, p'wede pong magtanong?" kinakabahang untag ko sa isang driver.
"Ano 'yon?"
"Malayo po ba 'yong Grand Hyatt?"
Ngumiti siya. "Otsenta na lang. Ihahatid kita hanggang doon."
Pinanghinaan ako ng loob. Eighty pesos... malayo.
"Hindi po kayang lakarin?" nahihiyang tanong ko.
"Kaya naman. Mga thirty to forty five minutes," tugon niya.
Wala akong choice. Siguradong ma-la-late ako sa usapang oras, pero wala naman akong ibang pupuntahan. I can't walk on that same overpass again. Kung sakali mang makalampas ako ay wala rin akong pamasahe sa bus.
I was so frustrated. Nagpaturo ako sa driver kung paano makarating doon at ipinagpasalamat ko na lang na naging matyaga siya sa akin.
Lugmok na lugmok ako habang naglalakad. Gusto kong maiyak at magalit pero wala naman kasi akong ibang puwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Kung may choice lang ay hinding-hindi ako dadaan sa overpass na 'yon.
My feet and legs hurt. Magulo na ang buhok ko at siguradong halata na rin sa mukha ko ang pagod. I was thinking of borrowing some money from Carly. Kahit pamasahe lang pauwi. Sasabihin ko na lang sa kanya ang nangyari sa akin kanina.
I heaved a sigh of relief when I saw the signage indicating that I was only meters away from the Grand Hyatt. Tumigil ako sa paglalakad para suklayin ang buhok gamit ang kamay. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naglakad. Magpapaliwanag na lang ako sa kanila.
Pagod na pagod ako. I walked inside the fine dining restaurant and immediately felt out of place. Everyone looked wealthy. Ang iba ay naka-formal attire pa. Tumingin ako sa paligid para hanapin ang mga kasama ko.
My eyes landed on Carly and Jennifer. Sila lang dalawa ang nasa mesa. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa puwesto nila. Hindi pa ako nakakarating ay dumiretso na agad ang nanlilisik na mata sa akin ni Carly.
"An hour late. That's very professional of you, Karsen!" mahina ngunit may diing utas niya sa akin.
Jennifer looked annoyed, too. Kita ko ang inis sa mga mata niya.
Yumuko ako dahil sa hiya. "P-Pasensya na po. May nangyari-"
"There would be no valid excuse for that irresponsibility. Nainis na si Kobe at naghintay na lang sa parking lot!" bulaslas ulit ni Carly. "Tingin mo ba ay hawak mo ang oras namin? Hindi porket alam mong si Kobe ang pumili sa 'yo ay p'wede ka nang umasta na parang VIP ka."
Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa labis na kahihiyan. Kobe hates late-comers. Alam na alam naming mga fans niya 'yon. Siguradong galit na galit siya sa akin ngayon.
"I will just e-mail you the details regarding the trip. I really can't talk to you without getting mad." Carly sighed. "I like you, Karsen, but you have to understand that your immaturity isn't cute."
Hindi na ako ulit nag-angat ng tingin. I don't know what to do. Kaya kong tiisin ang galit nila sa akin pero hindi ko naman maaatim na manghiram sa kanila ng pamasahe lalo at isang oras ko silang pinaghintay.
"What's going on here?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko nang makita ang iritang ekspresyon ni Kobe habang nakamasid sa akin.
"You should talk to her, Kobe. I'm sorry, but I have to go. Hinintay ko lang talaga siya dahil kailangan niyang mapagsabihan," si Carly.
Tumayo na rin si Jennifer. "I won't tolerate this next time. Mabuti at wala akong masyadong schedule ngayon." Tumapat siya sa akin. "Thank you for wasting our time."
Yumuko ulit ako nang maramdaman ang namumuong luha sa mata ko. Gusto ko na lang umuwi. Kahit hindi na nila ako i-contact. Gusto ko na lang magpahinga. I just feel so physically and emotionally tired. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Maipapahinga naman 'to. Ayaw ko na lang makarinig ng isa pang masakit na salita mula sa kanila.
Habag na habag ako sa sarili ko. I just realized how different our worlds are. Hindi nila naisip na posibleng na-traffic ako dahil may sari-sarili silang sasakyan. Hindi rin nila maiisip na habang papunta ay maaaring may nangyaring masama sa akin dahil hindi naman nila kailangang makisalamuha sa mga estranghero. Ni walang nakinig sa eksplenasyon ko.
I closed my eyes when I saw Kobe's shoes. I don't think I can handle another harsh word. I endured enough today.
I was expecting an outburst from him, but what he asked brought another batch of tears in my eyes.
"Have you eaten?"
Hindi ko na napigilan ang sarili. Kahit punong-puno ng luha ang mga mata ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Halata sa kanya ang gulat nang makita ang itsura ko.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nagtipa ng kung ano roon.
"Kuya Enzo, pahanda ng sasakyan..." Narinig kong saad niya sa cellphone. "Yeah. I'm with Karsen. Mag-t-take out na lang po... Thank you, Kuya."
Pinalis ko ang luha bago pa siya matapos sa pakikipag-usap. My heart hurt. I felt pathetic.
Bumaling ulit siya sa akin. He took out his handkerchief from the back pocket of his pants and, to my surprise, he gently wiped my cheeks.
"You shouldn't be crying over things like that. You were at fault," sermon niya pa.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan pa ang pag-iyak.
"S-Sorry..."
Umiling lang siya at hinawakan ang palapulsuhan ko para marahan akong higitin palabas ng restaurant. Nakita ko si manong driver na iniabot sa kanya ang susi ng sasakyan bago kami nagtungo sa parking lot.
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Pasasalamat ko na lang na exclusive ang restaurant na 'to kaya kahit walang disguise si Kobe ay malaya siyang nakakakilos. Tahimik lang akong naupo sa passenger seat dahil wala naman akong dapat sabihin. Hiyang-hiya ako sa nangyari ngayon. Iniisip tuloy ni Carly na iresponsable ako.
"I'll get you something to eat," Kobe uttered, still not closing the door beside me. Inilagay niya ang panyo sa hita ko. "And wipe your tears. I don't want to see my leading lady cry."
Bago pa ako makasagot sa kanya ay isinarado na niya ang pinto. Parang nawala lahat ng sama ng loob ko sa huling sinabi niya. My cheeks started to feel warm when the handkerchief caressed my skin. The disappointment I'd been feeling had vanished.
Ilang minuto lang ay natanaw ko na agad siya. He slid himself into the driver's seat before giving me the paper bag filled with food. Hindi ako nakapagsalita. I'm not sure why I suddenly feel self-conscious in his presence.
"Eat," utos niya na sinunod ko naman.
I ate in silence. Kahit ang pagnguya ko ay sinigurado kong mabagal at dahan-dahan para kahit papaano ay hindi ako magtunog baboy. I could feel his eyes burning my skin and watching all my moves.
"Ubusin mo 'yan," aniya nang akmang isasarado ko na ang container.
Nahihiya akong tumingin sa kanya. "Hindi ko na kaya."
His brows furrowed. "You've just had a burger and you only ate half of your dinner."
"Busog na 'ko, eh..." mahinang tugon ko.
He expressed his disbelief. Siya na mismo ang nag-ayos ng pinagkainan ko bago inilagay iyon sa backseat. He looked annoyed while doing all that. Tinamaan na naman tuloy ako ng kaba at hiya.
"Sa susunod na ma-la-late ka, mag-text ka, so that people won't waste their time waiting for you," umpisa niya.
Muling bumalik sa isipan ko ang dahil kung bakit ako nahuli. Tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan.
"Umiiyak ka kanina. Did Carly say something offensive?"
Umiling ako. I don't think I can ever bring up the reason why I was late.
He sighed, obviously frustrated. "You're so quiet."
Nag-init ang pisngi ko sa narinig na pag-aalala sa kanya.
"Ano... hindi na muna ako makakapag-text, ha? I-e-email naman daw sa akin ni Ms. Carly ang details para sa Friday," saad ko kahit wala naman siyang pakealam sa mga text ko.
"Why?"
Tumingin ako sa bintana. Gabing-gabi na. Paano ako makakauwi? Nakakahiya namang umutang sa kanya.
"Wala kang ibang dalang gamit?" usisa niya ulit nang hindi ako sumagot.
I gulped when he held my elbow to get my attention. Tumingin ako sa kanya at sumalubong sa akin ang madilim niyang mukha.
"Nanakawan ka?" mababa ang boses na tanong niya.
Isang tango lang ang nagawa ko ko. Nahihiya ako at natatakot. Baka isipin niya na madali akong mauto ng ibang tao.
"Saan ka dumaan?"
I swallowed hard. "S-Sa overpass..."
Lalong dumilim ang mukha niya. "That place was known for rapists. Did someone harass you?"
Nag-iwas ako ng tingin. I bowed my head and bit my lower lip to stop myself from remembering that asshole's face.
"Karsen, answer me," aniya ulit, puno ng pagtitimpi ang boses. "May nambastos ba sa 'yo?"
Hinawakan niya ang baba ko para iharap sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin ay alam kong nakumpirma na niya ang sagot ko.
His eyes glistened with rage. Binitawan niya ako bago kunin ang cellphone.
"Ano'ng gagawin mo?" kinakabahang tanong ko. Kita ko ang diin ng hawak niya sa cellphone na parang anumang oras ay masisira iyon. His veins protruded from his skin.
"No one gets away with harassment," he replied with so much anger.
Kinabahan agad ako. "Ano ngang gagawin mo?"
"May importante bang laman ang bag mo?" tanong niya, hindi pinapansin ang naunang tanong ko.
"Cellphone, wallet, at salonpas lang..."
Napatigil siya sa pagtitipa sa cellphone at napatingin sa akin. "Salonpas? Why? May masakit ba sa 'yo?"
I shook my head, not getting his pattern of questions. "Para sa 'yo 'yon."
"What do you mean?" Tuluyan niyang ibinaba ang cellphone.
I pursed my lips. "Akala ko lang ay masakit ang ulo mo dahil wala ka pang tulog..."
I watched how anger dissipated from his eyes. Umawang ang bibig niya na parang hindi siya makapaniwala sa narinig sa akin.
"You bought salonpas for me?" he asked in a complete daze. "Dahil masakit ang ulo ko?"
I pouted. "Akala ko lang..."
Nagulat ako nang bigla siyang sumandal sa upuan habang minamasahe ang pagitan ng kilay niya. There was a ghost of a smile on his lips, trying its best to show itself.
"You know how to make someone blush, huh?" He chuckled sarcastically to himself. "Damn, this is fucking bad."
"Hindi ko gets," saad ko.
He lazily glanced at me. "I'll have someone get your bag and put that asshole in prison." He tilted his head and stared at me more. "At kapag nakuha mo 'yong gamit mo..." His lips protruded. "Give me the salonpas."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro