Chapter 5
To: hindi maasim 🎀
Good morning, crush. What time po tayo mamaya at saan magkikita? Hihi.
Paulit-ulit kong sinuklay ang buhok bago inilagay ang hair clip sa gilid nito. Dahil hindi ko alam kung anong oras kami aalis, alas otso pa lang nang umaga ay bihis na bihis na ako. I just wore a pink v-neck t-shirt and tucked it into my black high-waisted pants.
“Mukha kang high school,” komento ni Mill. Pupungas-pungas pa siyang pumunta sa lababo at naglabas ng tasa pang-kape. “Nagpaalam ka na ba kay Kat?”
“Oo, kagabi.”
“Pumayag?”
Tumango ako. “Mag-ingat lang daw.”
Lumapit siya sa akin bago ipinatong ang tasa sa center table. Pinasadahan niya ako ng tingin bago nangingiting umiling.
“Baka mamaya ay sa fine dining ka niya dalhin. Sigurado ka bang ‘yan na ang isusuot mo?” She closed her eyes and leaned on the back rest.
Ngumuso ako. “Maganda naman, ah? Three hundred kaya ang bili ko sa pantalon na ‘to!”
She chuckled. Wala na rin naman siyang sinabi kaya hindi ko na siya pinansin. Kagabi ay katawagan ko pa si Eddie at kinukwento niya sa akin ang pagpapalabas ‘daw’ sa kanya ni Kobe gamit ang tingin.
Hindi naman ako naniniwala dahil imposible namang gusto akong masolo ng lalaki. Gaya ngayon, alam kong trabaho lang ang nasa isip niya. Hindi tulad ko na ikino-consider itong date.
“May nag-text sa ‘yo.”
Napatingin ako kay Mill. Itinuro niya ang cellphone kong nasa center table malapit sa tasa ng kape niya. Napangiti ako nang makitang ang notification ay mula kay Kobe.
From: hindi maasim 🎀
You know Sway’s?
It was a cafe near our university. Hindi nga lang madalas tambayan ng mga estudyante dahil mahal ang bilihin.
To: hindi maasim 🎀
Yup! Malapit lang sa school namin.
He replied in less than a minute.
From: hindi maasim 🎀
I’ll pick you up there at 10.
Napatingin ako sa orasan. Dahil isang oras na lang naman ang hihintayin, nagpaalam na ako kay Mill. Fifteen minutes lang ay nakarating na rin ako agad sa Sway’s. Um-order ako ng strawberry milkshake at halos manlumo agad ako nang mapagtantong halos ka-presyo lang no’n ang pantalon ko.
Hindi ko sinabi sa ibang members ng club na isa ako sa napili. Confidential daw kasi ‘yon, sabi ni Carly, lalo at wala pa namang final choice. Hindi tuloy ako makapagyabang.
“Karsen?”
Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin.
“Marcus!” nakangiting bati ko sa nakatatandang kapatid ni Eddie. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
He beamed. “Part-time.”
“Ahh...” I chuckled. “May hinihintay naman ako.”
“Wow. May date ka?”
I shrugged. “Sana.”
Tumawa siya. Tumingin muna siya sa counter at tumango sa kasama.
“Samahan muna kita hanggang dumating ang hinihintay mo. Okay lang?”
He was an ex-suitor and his question was a bit awkward... but still, I nodded my head. We ended up on good terms naman. Minsan nga ay pumupunta pa ako sa kanila dahil kaibigan ko ang kapatid niya.
“Kumusta? Hindi na kita nakikita sa campus, ah?” tanong niya.
“Maayos naman. Diretso uwi rin kasi ako pagkatapos.”
Tumango-tango siya. “Good girl pa rin. Mabuti at hindi ka naiimpluwensyahan ni Eddie. Lagi kasing late umuwi ‘yon, eh.”
Napangiti ako. “Nagpapaalam naman daw siya kay Tita. Pati minsan, sa apartment naman namin siya tumatambay.”
“Really?” He pursed his lips. “Makasama pala minsan.”
I scoffed. Hindi ko pinansin ang komento niya at iniba na lang ang topic. Malayo ang building nila sa amin at nang sabihin ko sa kanyang itigil ang panliligaw sa akin ay hindi na siya ulit nagawi sa department namin. Gaya ni Eddie, guwapo rin ang lalaki. Chinito, maputi, at matangkad. Inaasar pa ako sa kanya ni Mill noon dahil bagay raw kami. Aniya pa ay mukha kaming ulzzang couple.
“Boyfriend mo ba ang hinihintay mo?”
Umiling ako. “Asawa.”
“Huh?”
I chuckled. “I mean, ka-trabaho.”
Hindi na siya nagtanong uli tungkol doon. Nag-vibrate ang cellphone kong nasa mesa kaya natigil kami sa pagkukwentuhan. Kobe was the one who texted me. Hindi ko na binuksan ang message. Tumayo na ako agad at nagpaalam kay Marcus.
“Una na ‘ko! See you around!”
“Ingat!”
Kumaway lang ako at dali-daling lumabas. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Kobe! Napakamahal ng oras niya!
I looked around and saw heavy tinted cars. Dahil hindi sigurado kung nasaan ang sinasakyan niya, binasa ko na lang muna ang message niya.
From: hindi maasim 🎀
You’re smiling a lot. I’m outside.
Napanguso agad ako. Ayaw niya bang ngumingiti ako?! Ang sabi pa naman ng mga kaibigan at kaklase ko, mas maganda ako kapag nakangiti!
To: hindi maasim 🎀
Hindi ko po alam kung nasaan ang sasakyan n’yo.
Right after I sent the message, my phone rang. Halos maibato ko iyon sa gulat. Langya naman, Dior Kobe! Mahal kita pero mahal din ang cellphone ngayon!
“Hello?” I asked. “Nasa labas na ako.”
“Black SUV.”
Nahihiyang tumingin ako sa paligid. I don’t know how to distinguish cars. Ang alam ko lang ay Honda at Toyota.
“What exactly are you waiting for? Come over here.”
“Ano kasi... ang daming sasakyan.” Dinaga ang dibdib ko. “H-Hindi ko alam ang SUV.”
Natahimik siya kaya lalo akong nahiya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi sa takot na singhalan niya ako. Basic information lang, hindi ko pa alam.
Ganoon na lang ang gulat ko nang marinig ang pagbubukas ng pinto mula sa kabilang linya. I started looking around and was taken by surprise when I saw him approaching me, wearing a black mask and cap. Nasa tainga niya pa rin ang cellphone at diretso ang mga mata sa akin. His manly physique caused havoc inside me. The way the sun radiated off of his skin was too much for my eyes and heart to contain!
Hindi ko na hinintay na makalapit pa siya sa pwesto ko. Sinalubong ko siya at mabilis na hinigit pabalik sa sasakyan. I was so nervous. Baka may makakita sa kanya roon na ako ang kasama.
“Ano ka ba naman!” singhal ko nang nasa loob na kami ng sasakyan. He removed his mask and cap. “Patay tayo kay Ms. Carly kapag may nakakita sa ‘yo rito! P’wede mo namang i-describe na lang sa akin ang itsura ng kotse mo. Hindi naman kailangang babain pa ako!”
“Go, Ma'am. Sermunan n’yo lang po ‘yan. Nagulat din ako na bigla siyang bumaba,” natatawang saad ng driver.
“‘Di ba, Sir?! Hindi niya iniisip ang consequences ng actions niya!” pagpapatuloy ko pa. “Paano na lang kung may nakakita-”
Napagatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ang nangyayari. Umawang ang bibig ko bago unti-unting tumingin nang diretso sa kanya.
“Are you done?” he asked in a monotone. “You were smiling a lot with your boyfriend earlier. I thought you were in a good mood.”
Napayuko ako at halos mapapikit sa hiya. My god, Karsen! Anong karapatan mong pagalitan ang boss mo?! Required bang mapahiya ka tuwing nagkikita kayo?!
“Sorry...” mahinang sabi ko.
“That’s really your boyfriend?” tanong niya, bahagyang tumaas ang boses.
Hindi rumehistro sa utak ko ang sinabi niya kaya tumango na lang ako. Sayang ang pag-p-prepare ko kanina kung mapapahiya lang ako nang ganito. Umandar na ang sasakyan pero hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.
“You’re a cruel girlfriend,” he commented.
“Huh?” Lumingon ako sa kanya.
Punong-puno ng panghuhusga ang mga mata niya.
“You shouldn’t be texting me like that if you’re in a relationship,” he sounded disappointed. “That’s not a nice thing to do, Ms. Navarro.”
Nanlaki ang mga mata ako. “Wala akong boyfriend! Ni wala nga akong ex!”
He rolled his eyes. Umayos siya ng upo at tumingin na lang sa bintana.
“Si Marcus ba? Hindi ko naman boyfriend ‘yon. Kapatid lang ‘yon ni Eddie...” mahinang saad ko ulit kahit sigurado akong wala naman siyang pakealam. “Hindi ko lang naman naintindihan ‘yong sinasabi mo kaya tumango ako.”
Hindi niya ako pinansin kaya kinalabit ko na ang braso niya. “Sorry.”
He heaved a deep sigh, obviously annoyed.
“Sorry rin sa pagsigaw kanina.” Nag-init muli ang mukha ko. “Kinabahan lang talaga ako.”
Hindi niya pa rin ako nililingon. Siguro ay iniisip niyang masyado na akong feeling close.
“Sorry rin...” I exhaled. “Sa pag-te-text ng kung ano-ano. Hindi na mauulit.” Nag-save pa naman ako ng motivational quotes na puwede ko sanang i-send sa kanya araw-araw.
“What do you want to eat?” tanong niya matapos ang matagal na pananahimik.
Ayoko nang mapahiya... pero ano ba dapat ang kinakain kapag ganito? Adobo? Sinigang?
“Ahh...” Nag-isip ako ng pang-mayamang pagkain. “Bulalo?”
Napatingin siya sa akin. “Sure?”
Tumango ako. Masarap ang bulalo ngayon!
“We’ll go to Tagaytay then.”
“Hala, ‘wag na! Ang layo!” bawi ko agad. “Mag-jollibee na lang tayo!”
Tumingin siya sa silver na relo. “Mga 1 na rin tayo makakarating sa Tagaytay. Mag-drive thru muna tayo.”
“Hindi ka ba busy? Akala ko, mga isa o dalawang oras lang tayo.”
He looked away. “If you’re busy, you can tell me.”
Umiling ako.
“Si Jennifer pala...” saad ko.
“Hmm?”
“H-Hindi kayo magkikita ngayon?”
“Next week pa ang schedule niya.”
Tumango-tango ako. Saan kaya sila pupunta? Siguradong maglalaan din ng maraming oras si Kobe para sa babae.
“Edi wala na tayong schedule next week? Kasi na-move ngayon?”
Muli siyang tumingin sa akin, kunot na ang noo.
“If we follow the schedule, do you think we’ll get to know each other?” tanong niya.
“Eh si Jenni-”
He shook his head. “I’ll work on that.”
“Okay... nag-dinner naman na kayo dati. Hindi n’yo na kailangan ng puspos na date dahil magkakilala naman kayo.” Sumimangot ako. Ang laki ng advantage ni Jennifer, ha!
“Yeah. Team dinner,” he replied. “Not like what you and that guy were doing a while ago.”
“Team dinner? May kasama kayong iba?” kuryosong tanong ko pa. Aba minsan lang ‘to! “Naging magka-trabaho ba kayo? Parang hindi naman kayo nabalitang magkasama sa iisang project.”
“Carly handled her before. Bumisita lang sa studio.” He looked out the window. “How ‘bout you? Single?” he asked casually.
“Yup!” I chuckled. “Mataas ang standards ko, eh!”
“Really, huh?” he asked sarcastically.
“Gusto ko may sense of humor tapos hindi suplado,” saad ko pa. “Bonus na lang kung maganda ang boses at g’wapo.”
Narinig ko ang pagtawa ni manong driver kaya napatingin ako sa kanya.
“Sir, laglag,” natatawang aniya kay Kobe.
Kobe frowned. “As if.”
Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila kaya hindi na ako nakisali. Tinotoo ni Kobe ang pagbili sa drive thru. Hindi ko tuloy alam kung kaya ko pang kumain mamaya lalo at rice meal ang binili niya sa akin.
“Oh, my gosh!” bulaslas ko nang makita ang sikat na restaurant. “Si Peter ang may-ari nito, ‘di ba?”
“Why do you know him?”
I chuckled. “Syempre! Kaibigan mo ‘yon, eh.”
Bumaba kami ng sasakyan. The cold breeze of Tagaytay immediately caressed my skin. Kobe held my elbow and guided me inside. Napatulala pa ako nang makita ang interior design ng lugar dahil nagmistula akong nasa isang historical place.
May kinausap lang saglit si Kobe bago kami pumunta sa isang private room. Para akong batang na-a-amaze sa ganda ng buong resto.
“P’wede mo akong picturan mamaya?” nangingiting tanong ko habang iniikot pa rin ang tingin sa paligid.
“What?”
“Ang ganda kasi! Remembrance lang. Baka hindi na maulit, eh.” Mahina akong tumawa.
“We can go here anytime you want.”
I scoffed. ‘Wag mo nang pagaanin ang loob ko! Bukod sa hindi ko afford ang pagkain at pamasahe, alam ko namang hindi mo na ako maalala pagkatapos ng lahat ng ‘to!
Mabilis na dumating ang mga pagkain. Kahit busog pa ako, nakaramdam uli ako ng gutom nang maamoy ang bulalo.
“Hindi ba natin isasabay si Sir?” tanong ko.
“He’s probably eating right now.”
Tumango ako. Kinuha niya ang isang pinggan at iniabot iyon sa akin. Nagsalin din siya ng sabaw sa brown na mangkok bago itinabi iyon sa pinggan ko.
“Mainit, ha?”
Napangiti ako sa kilig. Langya naman, pinagsisilbihan ako. Ang bait bait mo, Kobe! Deserve mo ‘ko!
“Subuan mo ‘ko para cute,” suhestyon ko.
He tsked.
“Bilis. Sabihin mo aagawin ng lizard kapag ‘di ko kinain,” pang-aasar ko pa.
He stared at me. “Gusto mo talaga?”
Nag-init agad ang pisngi ko. “Joke lang! Hindi mabiro!”
Tahimik siyang yumuko at nagsimula na sa pagkain. Nang makailang subo ay nagsalita ulit ako.
“Okay, pray muna tayo.”
Nag-angat siya ng tingin at pinanlisikan ako ng mata. I just smiled cutely because he looked annoyed. Ang guwapo niyang inisin! Mukhang may na-discover akong bagong hobby, ah? Sana lang ay hindi niya ako itakwil.
“Hindi ko alam kung totoo ‘yong sinasabi ng iba na kapag magaling sa math ang isang tao, kadalasan, mahina siya sa english. Kapag naman mahina sa math, magaling daw sa english,” daldal ko sa kanya. “Kapag naman parehas kang hindi magaling do’n, usually, may kakaiba kang talent.”
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy lang ako.
“Ako kasi... wala. Hindi magaling sa english, hindi magaling na magaling sa math, tapos wala pang talent. Ano ang meron ako?” I shook my head. “Wala, ganda lang.”
Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya kaya lumawak ang ngiti ko. He smiled! Oh, my god! I made him smile!
“Ang payo pa sa akin ni Mill, ‘yong kaibigan ko, ang mga i-date ko raw dapat ay ‘yong mas matanda sa akin.” Ngumuso ako para pigilan ang lalong pagngiti. “Para by the time I was losing my beauty, he was already losing his eyesight.”
He chuckled softly, halos hindi ko na narinig. “Hindi ka lang pala sa text madaldal.”
I laughed. “At hindi ka lang pala sa text tahimik.”
Pabiro niya akong inirapan. Nagpatuloy kami sa pagkain at panay pa rin ang pagdaldal ko sa kanya. Tuwing makikita kong umaangat ang gilid ng labi niya ay tuwang-tuwa ako.
After eating, we went back to the car. Nag-t-take out si manong driver kaya kami palang dalawa ang nasa loob. Medyo magaan na ang atmosphere namin. Siguro ay nasanay na siya sa kadaldalan at katangahan ko.
“Send me your schedule.” Kinuha niya ang iPhone. “Monday to Friday ba ang klase mo?”
Tumango ako. “Alas tres lagi ang uwian pero kapag Thursday, alas sinco.” Inilabas ko rin ang cellphone kong mas matanda pa yata sa kanya. “Bluetooth lang ang meron ‘to, eh.”
“Okay... then just add me on Facebook.”
“Isa ako sa six million mong followers! Hindi naman kita ma-a-add dahil puno na ang friendlist mo.”
Napaisip siya, pero bago pa siya makapagsalita ulit ay may naalala ako.
“Picturan mo pala ako!”
Binuksan ko ang sasakyan at agad na lumabas.
“Ay...” mahinang saad ko.
“Why?” Napatigil din siya.
Umiling ako. Hindi nga pala si Eddie ang kasama ko. Wala akong camera na maganda ang quality.
“Wala, next time na lang!” I chuckled.
Babalik na sana ako sa sasakyan nang hawakan niya ang braso ko.
“Bakit next time? Nandito na tayo. I’ll take your pictures.”
Lumungkot ang mukha ko. “Wala akong camera.”
His brows furrowed. “That’s not a problem. I have a phone.”
“P’wede?” I gave him my sweetest smile.
Umirap siya at nag-iwas siya ng tingin. Pinatayo niya ako sa garden ng resto bago itinapat ang camera sa akin.
“Fix your hair.”
I shook my head. “Mahangin. Magugulo lang ulit.”
“Tuck some strands behind your ear,” utos niya pa. “Hindi na makita ang mukha mo.”
“It’s okay! Pang-IG lang naman!”
He sighed. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang naglagay ng ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko.
“Half body muna tapos whole body mamaya...” he informed me. “Smile.”
Sinunod ko ang sinabi niya. I posed and he patiently took my photos. Minsan ay natatawa siya kaya alam kong may mga kuha akong hindi maganda.
Nang lumabas ang driver ay saka lang kami natapos. Sumasabay ang buhok niya sa hangin kaya ang guwapo niya lalong tingnan.
“P’wede last na?” tanong ko bago pa kami bumalik sa sasakyan.
“Okay...” Itinapat niya ulit ang camera sa akin.
Napakamasunurin naman!
“Hindi! I mean...” I pouted. “Selfie tayo.”
Kitang-kita ko kung paano siya natigilan. Tumaas ang isang kilay niya na parang nagulat siya sa pabor na hiniling ko. Tinamaan din naman ako ng hiya dahil sa naging reaksyon niya.
I was about to give it up when he suddenly called the driver.
“Bakit po, Sir?”
Hindi ko naitago ang gulat nang magpunta siya sa gilid ko. Hanggang balikat niya lang ako kaya halos tingalain ko siya.
“H-Huy!” nahihiyang sabi ko.
He ignored me.
“Pa-picturan kami, Kuya.”
Parang sasabog ang mukha ko sa init nito. My heart was beating crazily and though the cold wind was brushing my skin, I couldn’t stop myself from sweating. Yakap na yakap sa ilong ko ang bango niya.
“Ang awkward po, Sir. Akbayan n’yo po kaya si Ma’am?”
Lalong dinaga ang dibdib ko. Sana magkaroon ng increase si manong!
I felt Kobe’s arm framing my shoulder possessively. Sa sobrang lapit namin ay para akong aatakihin sa kaba.
“Ma’am, yakap ka sa bewang ni Sir.”
Shet, tamang ugali ‘yan!
Kahit nahihiya ay pinaikot ko ang braso sa bewang ni Kobe. I felt him stiffen a bit.
“1, 2, 3... smile!”
Nakabalik na kami sa sasakyan at lahat, hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko. Nakailang ubo na ako para alisin ang awkwardness na nararamdaman pero, wala! Ramdam ko pa rin ang akbay niya sa akin!
“P’wedeng makita ang pictures?” nahihiyang tanong ko.
Walang imik niyang iniabot ang cellphone sa akin. I swiped the photos and noticed how pinkish my cheeks were, especially when Kobe’s arm was around me. Yawa, halatang kilig na kilig ang Dawn Karsen! Nakakahiya!
Napalabi ako nang makitang marami akong weird pictures. Paano ay dire-diretso talaga ang pag-c-click niya kanina!
“‘Wag kang mag-delete.” Nanonood pala siya sa ginagawa ko.
“Eh, ampangit ko rito!” sagot ko agad.
Umiling siya. “Hindi ko ipapasa sa ‘yo ‘yan kapag nag-delete ka.”
“Attitude,” bulong ko sa sarili.
Nagpatuloy ako sa pag-s-swipe. Mabuti na lang talaga at maganda ako! Magaling siyang kumuha ng litrato dahil nagmukha akong sexy at matangkad. Tama rin ang ginawa niyang pag-aayos sa buhok ko dahil mas na-depina ang hugis ng panga ko sa mga larawan.
I was taking my time looking through the pictures, but my heart stopped beating when I heard him gasp almost at the same time as I did.
Mabilis niyang binawi ang cellphone sa akin kaya hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o ano.
We were put in a complete silence.
Hindi naman yata posible ‘yon.
Bakit naman mapupunta roon ang picture ko sa portfolio? ‘Yon pang may bunny ears headband ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro