Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

The silence of the night and the cold breeze kissing the gentlest parts of my skin made me weigh the emotions in his eyes, and as I looked closer, I realized that those two dark brown universes spoke louder than his lips could.

Sincerity—this is what people call it, and through the darkness, I see it illuminating in his eyes.

"Nagbago na 'ko, Kobe."

After a long pause, that was all I could say. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko. Maybe he was just under the illusion that I was still the Karsen he once fell in love with, and though I still had some broken fragments of my past self, I could, without the blink of an eye, say that I changed.

"We're supposed to," he replied.

"You don't know me now." I tried to smile but failed. "At hindi ko alam kung saan ko pa isisingit ang pagmamahal. I barely have time for myself."

His chest heaved. "Do whatever you have to do, Karsen. I don't mind waiting." The fierceness in his eyes made me shiver. "I won't ask for assurance. I won't ask for your time." Umiling siya. "I won't ask for anything." Umangat ang isang gilid ng labi niya. "My heart just never runs out of love for you. Hindi ko na alam kung saan ko pa 'to ibubuhos."

Nag-init ang puso ko. "Kay Gayle—"

"Oh, trust me, I have a different type of love for her." He chuckled lowly. "It's overflowing, too."

I took a step back. "Umuwi ka na. It's getting late."

"You didn't answer my question," he said, still looking closely at me.

Ikinunot ko ang noo. "Bahala ka sa buhay mo. Basta wala kang aasahan sa 'kin."

Kapag nagtagal pa siya rito, baka masira lang ang pader na iniharang ko sa puso ko. I felt special. He made me feel that way.

"Thank you," he whispered.

"Ano?" pagsusungit ko.

"For raising our daughter... and for still being here."

Lumunok ako. "Umuwi ka na."

"I haven't said this yet... but I'm very proud of you, Karsen." He smiled. "You made it impossible for me to love somebody else."

Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing iyon nang normal pa ang paghinga ko. He uttered things that my feeble mind couldn't process and my frail heart couldn't bear.

Hindi niya ako niligawan noon. We skipped that part. Ni hindi rin maganda ang oras noong naging magkasintahan kami. He caught me being overly jealous on his kissing scene with Jennifer. It was awkward, and the timing was just wrong. Kung liligawan niya ako ngayon, hindi ba masyado nang late para doon? We have a child. Parang baligtad yata ang proseso.

The next day, after doing my morning routine, I saw Kobe standing outside the apartment, holding a bouque. He was dressed in a white polo shirt, giving emphasis to his muscular body, and black pants that were pinned down by a brown leather belt. Nakasandal siya sa SUV niya, bahagyang nakayuko at hinahangin ang buhok.

My eyes widened. Tanga ba siya?! Ano bang tingin niya sa sarili niya? Normal na tao?!

"Kobe!" I hissed. "Pumasok ka sa loob ng sasakyan mo! Baka magising ang mga kapitbahay namin at makita ka rito."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at nang makita ang kabuuan ko ay ngumiti siya.

"Good morning."

Naramdaman ko ang pagbalikwas ni Gayle na nakasubsob lang kanina sa leeg ko. Napatingin siya kay Kobe at kung kanina ay parang lantang gulay siyang nakasabit sa akin, ngayon ay hindi na siya magkamayaw sa pagkaway sa lalaki.

I scoffed. Favoritism talaga.

Kobe chuckled as he took a step forward to kiss Gayle's cheek.

"Good morning, baby," bulong niya sa bata.

Napahagikgik si Gayle. "Molning..."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa anak. "Wow, Hikari Gayle! Ako ang kasama mo ng ilang taon, pero hindi ko 'yan narinig sa 'yo."

Narinig ko ang pagtawa ni Kobe kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pumasok ka sa loob!" sabi ko pa.

His eyes glistened. Walang kahirap-hirap niyang kinuha sa akin si Gayle bago iniabot sa akin ang isang bungkos ng bulaklak. Gayle immediately wrapped her hands around his nape and pressed her face against his chest. Kinuha rin ng lalaki ang may kalakihang bag ko kung saan nakalagay ang gamit namin ni Gayle.

"Let's go?" he asked gently.

Wala akong nasabi. Pumasok kami sa loob ng sasakyan at ang tanging bitbit ko lang ay ang bulaklak na ibinigay niya. Sa gilid ng bintana ako umupo at halos hindi ako makahinga nang tumabi siya sa akin.

"Ba't dito ka? Sino'ng mag-d-drive?" tanong ko.

"Si Kuya Enzo," sagot niya. "May binibili lang."

My lips parted. "Kasama mo si Kuya Enzo?!"

Kumunot ang noo niya. "You're excited?"

"Oo!" I exclaimed. "Nakita ko siya no'ng ribbon cutting, pero hindi kami nakapag-usap nang matagal!"

Mula sa dibdib ng lalaki ay nag-angat ng ulo si Gayle. "Mimi..."

"O, bakit?"

She pouted. "Shhh..."

Hindi pa ako nakakapag-react ay sumubsob na ulit siya sa dibdib ni Kobe. Kitang-kita ko kung paanong magpigil ng tawa ang lalaki. I couldn't believe this. Ano 'to?! Kakalimutan niya na talaga ako porke't nand'yan na ang tatay niya?

"Karsen," nangingiting tawag ni Kobe sa akin.

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Shut up."

Lalo siyang napangiti. "She's sleepy. Don't mind it."

Naiinis na ibinaba ko ang tingin sa bulaklak. They were the same flowers that he first bought me. May nakita akong card sa gilid noon kaya walang pagdadalawang-isip kong kinuha iyon.

You are just as beautiful as the first time I saw you.

Kasabay ng pag-ubo ni Kobe ay ang pag-iinit ng mukha ko. Binitawan ko ang card at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. I was trying my best not to tighten my grip on the bouquet because I didn't want to ruin the flowers. I could hear my own heartbeat thumping violently inside my chest.

Kung ganito ang panliligaw na gagawin niya, hindi ko alam kung kaya ko pa bang panindigan ang pagmamatigas ko.

Bumukas ang pintuan ng driver's seat at agad na napalitan ng tuwa ang hiya ko nang makita si Kuya Enzo. Diretso rin ang tingin niya sa akin mula sa rearview mirror habang nakangiti.

"Kuya Enzo..."

"Na-miss kita sa loob ng sasakyan na 'to, Karsen." He sighed. "Gumanda ka lalo."

I pursed my lips. "Talaga po?"

He nodded. "Bagay kayo ni Sir."

"Kuya!"

Tumawa siya. "Ipakilala mo sa 'kin ang baby n'yo, ha?" Sabay sulyap kay Gayle. "Naka-pink dress. Karsen na Karsen."

Lumabi ako. "Tara na po. Baka ma-late pa kami. Saka ko na po kayo kukwentuhan kay Gayle."

Isang beses siyang tumango bago pinaandar ang sasakyan. Kobe was just silent beside me. Sumulyap ako sa kanya at nag-init ang puso ko nang makita siyang nakasilip kay Gayle at may maliit na ngiti sa labi.

I turned my gaze away from him. He had always wanted a kid. Ang strongest proof noon ay nang sabihin niya sa akin na masaya siya na buntis ako. Ilang beses niya ring kinantahan si Gayle noong nasa sinapupunan ko pa lang ang bata at ramdam na ramdam ko noon kung gaano siya ka-excited.

"Puwede ko ba kayong ihatid sa loob?"

That was his question when we were in the parking lot of the school. Akmang kukunin ko na sa kanya si Gayle nang itanong niya iyon. Pakiramdam ko ay nablangko ang utak ko.

"I just want to have breakfast with you and Gayle," dagdag pa niya.

I breathed deeply. "'Wag na muna siguro, Kobe. Ayokong maging laman ng chismis si Gayle."

Napansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha niya. "Yeah, of course." Tumango siya. "I'm sorry."

I forced a smile. "Okay lang. Dinner na lang siguro."

"Dinner?" His face lit up.

Napakurap ako sa naging reaksyon niya. "Oo? Sa... apartment."

"Kasama ka?" paninimbang niya.

My brows furrowed. "Oo?"

"Okay." He beamed. "I'll prepare for that."

"Sir, may schedule po kayo mamaya—"

"Nai-cancel ko na, kuya," putol niya kay Kuya Enzo bago humarap kay Gayle. "I'll see you later, princess. Give daddy a kiss." Inilahad niya ang pisngi sa bata at agad naman iyong pinatakan ng halik ni Gayle.

Hindi ko na siya pinababa. Lumipat pa tuloy siya sa likuran para makadaan ako. Gayle bid her goodbye to her father, and when I was about to close the door, Kobe called me.

"Bakit?" I asked.

Namungay ang mata niya. "Ingat kayo."

Papasok sa loob ng school ay pansin ko ang saya ni Gayle. She was singing as she moved her hips cutely. Dahil hindi ko siya karga ay matagal bago kami nakarating sa canteen. Pinakain ko lang siya saglit bago pinasama kay Ma'am Hilario.

My day went on normally. Bukod sa pang-aasar na natanggap ko dahil sa bulaklak na bigay ni Kobe, wala naman nang espesyal na nangyari. Bago ako mag-out ay pumunta pa si Eddie sa canteen at nagtanong kung ano ang estado ng relasyon namin ng lalaki.

"Liligawan daw ako." That was my answer.

Halos mabugbog ang braso ko nang paulit-ulit niya akong hampasin. Hindi ko nga siya maintindihan. Minsan ay parang hindi siya boto kay Kobe, pero ngayon ay parang gusto na niya akong ibenta sa lalaki.

"May pag-asa ba?!" ekseheradang tanong pa niya.

I shrugged. "Hindi ko pa priority."

Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay niya. "So, kapag priority mo na, puwede na?!"

"Hindi ko alam." I pouted. "Tatay siya ni Gayle at kahit ayaw ko, we'll have to see each other. Lalo at sobrang attached sa kanya 'yong bata."

He narrowed his eyes on me as if he was trying to read my mind. "Hindi mo na mahal?"

"He asked me if I had been fucking your brother behind his back," sagot ko. "That he got so busy that I needed someone to take his place." Bumigat ang loob ko nang maalala iyon. "Gets ko naman na galit siya. Hindi ko lang talaga nagustuhan 'yong sinabi niya."

Napangiti siya. "Hindi mo sinagot ang tanong ko, Dawn Karsen."

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. "S-Siguro kung hindi niya sinabi 'yon... things would've been easier."

Nagbuntong-hininga siya. "Nakakagalit naman talaga 'yong sinabi niya. Isang major red flag sa tao kapag hindi sila marunong magkontrol ng galit. Ang hirap pa naman no'n... kasi kahit ilang sorry, hindi naman mawawala sa isip mo 'yong sinabi niya."

"Exactly."

"Pero lahat naman tayo ay dumaan sa gano'n," aniya. "Tanda mo no'ng nag-away tayo? Ano 'yong mga sinabi ko sa 'yo dahil sa thesis? I knew you were going through something at that time... pero dinagdagan ko ang sama ng loob mo. My words aren't as harsh as Kobe's, but just like him, hindi ko nakontrol ang galit ko."

Itinukod niya ang dalawang siko sa mesa at ipinatong ang panga sa nakasaradong kamay.

"Ibig sabihin ba no'n red flag na 'ko?" he asked, giving me time to think. "Totoo naman na hindi dapat tayo nagsasalita kapag galit tayo, but humans are living organisms who have real emotions. Kapag galit tayo, gusto nating magwala, gusto nating umiyak, gusto nating makapanakit. I'm not saying it's right because it's not. Obviously." He chuckled. "It's just... I don't know... our nature?"

Ginaya ko ang posisyon niya. "Hindi kasi ako sanay na ganoon si Kobe. Kahit isang beses, hindi niya ako napagsalitaan noon."

"We don't expect him to be perfect, right?" he asked. "But still, take your time. Tingnan natin kung hanggang saan siya dadalhin ng panliligaw niya sa 'yo."

"Totoo kayang mahal niya pa 'ko?" mahinang tanong ko. "Parang imposible... kasi ang daming mas okay sa paligid niya. Ano 'yon? Ilang taon na pero hindi niya ako nakalimutan?"

Umirap siya. "Edi ikaw na ang maganda, punyeta ka!"

Lumabi ako. "Seryoso ako!"

"Jusko, girl! Sinagot mo na 'yong sarili mong tanong! Magtatyaga ba 'yan sa 'yo kung mas gusto niya 'yong mas okay sa paligid niya?" Umismid siya. "Wala nagbago sa 'yo, 'no? Maganda ka lang pero may pagkatanga ka talaga."

Nang dumating sina Ma'am Hilario at Gayle ay nag-out na ako. Habang naghihintay sa waiting shed ay hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong magkikita ulit kami ni Kobe mamaya. Nang makauwi ay nagpahinga kami saglit ni Gayle. I took a nap because I didn't get enough sleep last night.

Nang magising ako ay wala na si Gayle sa tabi ko. Must be in the living room, playing with her dolls. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at halos mapatawa ako nang mapansin ang gulo ng buhok ko.

I really have a girly face... at least that's what people often tell me. Hugis-puso ang labi ko at may kaliitan ang hugis-tatsulok na ilong. My chinky eyes and single eyelid made my features appear softer. Even if my body matured after giving birth, I could say that nothing pretty much changed in my face. Lumaki ang dibdib at balakang ko ngunit nanatiling maliit ang baywang ko. Kahit nakadilaw na duster nga ay pansin ang hubog ng katawan ko.

I don't really think I'm beautiful... I'm just more on the cute side.

I scoffed. Tamang pagbubuhat ng sariling bangko 'yan, Karsen.

I didn't bother fixing myself as I went out of the room, which I regretted instantly.

Lumipad agad ang tingin sa akin ng mag-ama na naglalambingan sa sofa. Nakahiga si Kobe habang nakapatong naman ang maliit naming anak sa dibdib niya. Pareho silang nakangiti at parang aliw na aliw sa isa't isa.

Napagkit ako sa kinatatayuan ko. Kitang-kita ko kung paano ako pinasadahan ng tingin ng lalaki. I hurriedly pulled the thin strap of my duster over my shoulder, which had been slowly slipping down my upper arm.

Bahagyang umawang ang labi ni Kobe bago nag-iwas ng tingin sa akin. Para akong mahihimatay nang mapansin ko ang pamumula ng tainga at leeg niya.

Bakit ba kasi nandito agad siya?! Dinner time pa ang usapan!

"Mimi ko!" Gayle yelled happily.

Bumaba siya kay Kobe at patakbong lumapit sa akin. Umayos ng upo ang lalaki, hindi makatingin nang diretso sa akin.

"Mimi," kuha ni Gayle sa atensyon ko nang mapatapat siya sa akin.

Halos mapaubo ako. "Y-Yes?"

Nanlaki ang mga mata ko nang higitin niya ang kamay ko papunta sa puwesto ni Kobe. Hindi ako nakaangal nang itulak niya ako paupo sa sofa. Pumagitna siya sa amin ni Kobe bago humilig sa braso ng lalaki. She was still holding my hand, and there was an obvious happiness written on her face.

I glanced at Kobe and my breathing hitched when I caught his dark eyes. He swallowed hard as his look traveled down my chest.

"It's kinda... showing," mahinang sabi niya.

Napatingin ako sa dibdib ko at marahas akong napamura nang mapansin ang upper boobs at cleavage ko. I covered it with my free hand awkwardly.

"Hindi ako nakapagbihis," natatarantang saad ko. "Hindi ko alam na nandito ka na."

"It's okay," mababa ang boses na sagot niya. "You look good."

Walang kaalam-alam ang anak namin sa tensyon na namumuo sa amin ng tatay niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang hiya ko gayong nasa sarili ko akong pamamahay. Isa pa, ano naman kung medyo kita ang dibdib ko?! Nakita niya naman na 'to noon! Ayan nga at nakasandal na sa kanya ang pruweba!

The entire dinner was awkward for me. Nakapagbihis ako ng t-shirt at shorts pero hindi mawala sa isip ko ang hiyaan namin kanina. I gave Kobe the chance to feed Gayle and it never looked like he was struggling. Medyo natututo na rin kasi ang bata. May dala rin siyang bagong laruan para kay Gayle kaya tuwang-tuwa ang huli.

"Ihahatid ko ulit kayo bukas... puwede?" tanong niya. "Susunduin ko rin kayo sa school para sabay-sabay na tayong mag-merienda at dinner."

I hate that the thought has already made me shiver.

"Wala ka bang trabaho?"

He tilted his head to the left and scratched the right side of his nape, emphasizing his perfectly-shaped jaw.

"My work is not too demanding, Karsen. Mas hawak ko na ang oras ko ngayon. I can always adjust my schedule."

Tumango ako. "Maaga kaming umaalis dito kagaya kaninang umaga. Tapos alas dos ako natatapos sa canteen."

His index finger touched his lower lip. I knew it was just a reflex, but I couldn't help but think that he was seducing me!

"May trabaho ka pa mamaya?"

God, even his voice was... I don't know! I don't even want to think about it!

"Oo." Sumandal ako sa upuan at pilit na ikinalma ang sarili. For heaven's sake! First day pa lang ng panliligaw niya! "Pero iniisip ko ring mag-resign na. May kaunting ipon naman na ako at sapat naman 'yong kinikita ko sa canteen para sa therapy ni Gayle."

"You should do that, Karsen." His chest heaved. "I'm here... so... I can help you with her finances."

I nodded. "This week. Magpapaalam na ako sa agency."

"That's good. Makakapagpahinga ka nang mas matagal. I'm also thinking of paying your rent—"

"Ha? Hindi na," putol ko sa kanya.

"Pumupunta rin naman kasi ako rito tapos syempre, dito rin nakatira si Gayle. I should help. Sa rent at sa bills." His tongue poked his inner cheek. "Iniisip ko lang naman, pero kung hindi okay sa 'yo, I won't push through it."

"Kaya naman, Kobe. Libre naman ang lunch namin ni Gayle kaya wala rin akong masyadong gastos. 'Yong therapies niya lang talaga ang pinag-iipunan ko kasi gusto kong maging regular 'yong intervention niya. Speech, occupational, and physical therapy... ayun 'yong mga nabanggit sa 'kin."

His face lit up. "Puwedeng ako na ro'n?"

"Hahatian kita."

Umiling siya. "Ikaw ang nag-aalaga sa kanya. I think it's fair if I bear responsibility for her treatment."

Something tugged at my heart. He's really trying to help, isn't he? Parang sa lahat ng desisyon, nakikita ko sa kanya ang kagustuhang maging mabuting ama kay Gayle.

"Okay," I smiled genuinely. "Baka pala matagalan bago ka i-address ni Gayle bilang daddy niya. Kapag nagsimula na 'yong speech therapy niya, mas mapapadali 'yong pagsasalita niya."

Tumingin siya kay Gayle at narinig ko ang mahinang pagtawa niya nang kumaway sa kanya ang bata mula sa sala.

"What do you think she'll call me?"

Napangiti rin ako. "Baka makaya niyang sabihin nang tuwid ang daddy."

Hindi na siya sumagot dahil alam kong parehas kaming naiwan ang tingin kay Gayle. She was holding her favorite dolls, the first one I bought her, on her right hand and the one that Kobe gave her on her left hand. Nakalabas ang dila niya pero kapansin-pansin ang pagbuka ng bibig niya. She was singing. Hindi ko man dinig iyon ay sigurado akong kumakanta siya.

She was small and really beautiful. She has the purest heart and the cutest smile. Tuwing tinitingnan ko siya ay gumagaan ang loob ko. She holds such power over me... and I know she has the same influence on her father.

Bago magpaalam noong gabing iyon ay nanatili pa si Kobe sa pintuan, parang may gustong sabihin. Buhat-buhat ko si Gayle at parehas kaming nakatingin sa lalaki.

"Uhm... can I invite you next week? Sunday, sa pad ko," he asked hesitantly. "Kayong dalawa ni Gayle."

My brows furrowed. "Bakit? Ano'ng meron?"

Napakamot siya sa batok at nahihiyang ngumiti. "Birthday ko."

Bahagya akong napaisip. Right, it was on Sunday.

"Oo naman. Pupunta kami." I smiled. "Marami bang tao?"

Umiling siya. "Tayong tatlo saka si Peter. Siya 'yong magluluto."

Isang beses akong tumango bago tuluyang nagpaalam sa kanya. That same night, I contacted my agency and submitted my resignation letter. Mabilis silang kumilos doon kaya by next week ay puwedeng ma-process na 'yon. It was a hasty decision, but I really wanted to give myself a break. After all, may katulong na ako sa expenses ni Gayle.

Nang mga sumunod na araw ay hatid-sundo kami ni Kobe. Hindi na niya isinama si Kuya Enzo dahil may posisyon na pala ang lalaki sa kumpanya niya. He was the one looking for prospective talents while still working as Kobe's part-time driver. Scholar din ni Kobe ang anak nito. Chloe, his personal assistant in Soul Production, was now working under Before Sunrise Production as his executive secretary.

Nabanggit niya rin sa akin si Carly na nag-resign na sa Soul Production at nag-apply sa company niya. The woman was in-charge of assisting and helping Kuya Enzo. Hindi naman din mapagkakailang magaling si Carly sa trabaho niya. Kahit isang beses ay wala akong narinig na hindi maganda sa kanya tungkol sa akin. She was just being honest and she only wanted what was best for Kobe. She even defended me from Mr. Hernando who called me names.

Tuwing susunduin kami ni Kobe sa school ay dumi-diretso na siya sa apartment. Lagi siyang may dalang pagkain at kahit natutulog kami ni Gayle sa kwarto ay naghihintay lang siya sa sofa, nagpapahinga rin. Kapag naghahain ako ay umuupo siya sa tabi ni Gayle at nakikipaglaro. It was our routine for days. Kahapon lang ay pinagsabihan ko na siyang huwag na akong dalhan ng bulaklak dahil bukod sa alam kong magastos iyon, hindi ko na alam kung saan ko pa iyon ilalagay.

It was Saturday when I went to the mall with Gayle to find him a gift. Wala akong ideya kung anong ibibigay ko sa kanya kahit ilang araw ko na iyong pinag-iisipan. Alam ko namang hindi required magdala ng regalo pero napagtanto kong wala pa akong naibibigay sa kanya.

"Baby, ano'ng bibilhin ko sa daddy mo?" bulong ko sa anak.

Nagtingin-tingin ako ng relo at pabango ngunit nalula lang ako sa presyo. Hindi pa kaya ng ipon ko. Ayoko naman ng damit kasi masyadong simple. Hindi ko naman alam kung anong magugustuhan niya.

Habang naghahanap ay napatingin ako sa malaking TV sa gitna ng mall. Naroon ang larawan ni Kobe kasama ang mga napasikat na singer ng production company niya. He was surrounded by attractive men and women, but the way he stood in the middle of them, not even cracking a smile, made him stand out. Ibang-iba sa Kobe na araw-araw naming nakakasama.

Itinuro ni Gayle ang screen at ngumuso. "Tad?"

"Hmm?"

"Tad po?" she asked cutely.

Napangiti ako nang maintindihan siya. "Hindi siya sad. Pose niya lang 'yan."

It was a great improvement. People with autism have trouble determining facial expressions, but Gayle has been doing really well in that area. Maganda rin talaga ang naging epekto ng pagtuturo ni Ma'am Hilario sa kanya. Nagkaroon siya ng interaction sa iba at marami na rin siyang natututunang salita.

Sa dulo ay matte black na self-stirring mug ang nabili ko para kay Kobe. Mahilig siya sa kape, at wala na rin akong ibang maisip na puwedeng iregalo sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay mayroon na siya ng lahat ng bagay na naiisip ko.

The next day, I saw Gayle drawing something on her tiny desk, which Kobe had bought her. Hindi ko na siya inabala dahil nag-search pa ako ng malapit na bakeshop sa apartment para bumili ng cake. Kobe suggested picking us up, but I declined. Nang mag-alas sinco ay umalis na kami ni Gayle sa apartment, dinaanan ang cake, at tumulak na sa pad ni Kobe.

Parehas kaming naka-pink na bistida ni Gayle. Flowy ang kanya at medyo fitted naman ang akin. My hair was also tied back into a high ponytail, with the ends falling below my chest. Braided naman ang sa anak ko. Hindi ko alam kung bakit mukha akong naghanda sa itsura ko ngayon. Matagal na rin kasi akong hindi nagsusuot ng ganito dahil kadalasan ay naka-t-shirt lang ako at pantalon. Given my current job, it was more comfortable.

Nang nasa tapat na kami ng pad ni Kobe ay isang beses kong pinindot ang doorbell. My heart was thumping for unknown reason.

Bumukas ang pinto at lalong nagwala ang dibdib ko nang makita si Kobe, bihis na bihis at maaliwalas ang mukha.

"Hi," bati ko.

Amusement passed through his eyes. "Hi."

Bumitaw sa kamay ko si Gayle at niyakap ang binti ng ama. Napatingin sa kanya si Kobe at nangingiti siyang kinarga. He invited us inside, and the aroma of food overwhelmed my sense of smell. Inilapag ko ang cake sa center table sa sala.

"Kaaalis lang ni Peter," sabi niya habang buhat pa rin si Gayle.

Tumango ako. "Uhm... saan ko ilalagay 'to?" Sabay taas ng regalo ko sa kanya.

"What's that?"

I pursed my lips. "My... gift."

"You bought me a gift?" he asked, surprised. "Puwede kong buksan?"

I hesitated. Nakakahiya!

"Simple lang 'yan." I chuckled awkwardly. "Ikaw ang bahala."

Dali-dali niyang iniupo si Gayle sa couch at marahang kinuha ang paper bag sa akin. Tumabi siya sa bata at excited na excited na binuksan ang regalo. When he saw what was inside, his smile grew bigger. Nag-angat siya ng tingin sa akin, namumungay ang mata at halata ang saya sa mukha.

"Mug lang 'yan." I swallowed. "Bakit... parang tuwang-tuwa ka?"

"I loved it. Thank you." Malalim ngunit puno ng lambing ang tinig niya. "Gagamitin ko 'to lagi."

It moved me to the core of my being. The gleam of happiness in his eyes, the huge grin on his lips, the softness of his voice... I loved them all. He could buy anything he wanted, but there he is, too delighted with a self-stirring mug.

Hindi pa ako nakaka-move on sa reaksyon niya nang kulbitin siya ni Gayle. Tumayo ang bata at may kinuha sa bulsa ng bag ko. It was a folded paper. Iniabot niya iyon sa lalaki bago muling maupo sa tabi nito.

Kobe cast a glance at me before unfolding the paper. I wasn't sure if it was just my imagination, but I caught a sparkle of tears in his eyes. Humakbang ako palapit sa puwesto nila at natulala ako nang makita ang drawing ni Gayle.

It was us.

Nakaupo kami sa sofa sa apartment at pinaggigitnaan siya. Nakasandal siya kay Kobe habang hawak niya ang kamay ko. We were all smiling, except that she was sticking her tongue out. It wasn't perfect. Lampas-lampas ang mga kulay pero halata mo ang mensaheng gusto niyang iparating.

Nanubig ang mata ko. Is this what my baby wants? Tuwing umaalis si Kobe sa apartment namin ay hindi na siya umiiyak pero lagi niyang pinapanood ang lalaki hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.

I saw Kobe kiss Gayle's temple. "I love you," he whispered. "You're the best gift I've ever received..."

Matapos naming kumain ay sinindihan ko na ang cake sa kusina. Sa sala na rin kasi kami kumain. Hindi mawala sa isip ko ang drawing ni Gayle at ang reaksyon ni Kobe. Everything was overwhelming me... in a good way. Pakiramdam ko ay punong-puno ang puso ko. Just seeing the two of them together was a dream come true. Ngayon ko lang napagtanto na sa oras na sagutin ko si Kobe ay mabubuo kami nang tuluyan.

"Happy birthday to you, happy birthday to you," I sang softly as I made my way towards them. Agad na tumakbo si Gayle palapit sa akin. "Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you." I smiled when I heard our daughter humming with me.

Itinapat ko ang cake sa kanya.

"Make a wish," sabi ko pa.

Tumayo siya at tinitigan ako. His eyes were full of emotions I couldn't name. Kung hindi lang hawak ni Gayle ang bistida ko ay baka nakatakbo na ako pabalik sa kusina.

What was I thinking?! Why the hell am I acting as if I was his girlfriend?! Kinantahan ko pa!

I gulped. No, Karsen. You just want to make this day special for him.

Pumikit siya at matapos ang ilang segundo ay hinipan na ang kandila. Narinig ko ang pagpalakpak ni Gayle ngunit naiwan ang mga mata ko sa lalaki.

"Happy birthday, Kobe," I whispered.

"Pibeybey!" segunda rin ni Gayle.

Nagulat ako nang kunin niya ang cake sa akin at mabilis na inilapag iyon sa center table. Kinarga niya si Gayle at hinigit ang baywang ko palapit sa kanya.

Napasinghap ako nang maramdaman ang malambot niyang labi sa noo ko.

"I never thought I was capable of loving this hard..." he uttered slowly. "Mahal na mahal kita, Karsen. Mahal na mahal ko kayo ni Gayle."

It was a heart-melting and solemn day. Kobe sang for Gayle until she fell asleep. Wala sa plano namin ang mag-sleepover sa pad niya ngunit parang wala kaming balak pauwiin ni Kobe... and I hate to admit it, but my heart isn't complaining.

I placed our daughter on his bed, but my sight was suddenly drawn to the two picture frames on his bedside table. Ang isa ay ang ultrasound pictures ko noong pinagbubuntis ko pa lang si Gayle, at ang isa ay ang kuha namin noon sa Tagaytay.

Habang tinititigan iyon ay naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. This is his view whenever he sleeps. And... really? He kept the ultrasound pictures of Gayle and had them framed. He must've missed her badly... he must've cried for her a lot.

Tapos isang pagkakamali niya lang, isang masakit na salita lang, hindi ko pa siya matanggap?

He's trying everything he can to prove himself. Tama nga siya. He hasn't changed at all.

He's still my Kobe.

He'll always be my Kobe.

Lalabas na ako ng silid nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa labas. Bahagya kong binuksan ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Clea na nakatayo sa tapat ng lalaki. His fist was tense, and from my view, I could see his jaw firmly clenched.

"Today is the happiest day in my life, ate. Don't try to ruin it," he said, controlling his anger.

"I didn't know," Ate Clea replied.

"Please, umuwi ka na lang."

"I didn't know that Mama went that far, Dior." Yumuko siya. "I know that she mistreated Karsen, but I had no idea that she attempted to kill your child." Paulit-ulit siyang umiling. "H-Hindi namin alam ni Papa." I covered my mouth when she started crying. "W-We just wanted to be there for her. Gustong kong maramdaman ni Mama na may kakampi siya. But trust me, I didn't know... hindi niya sinabi sa 'kin."

"Whatever it is, the damage is done."

Nang humikbi si Ate Clea ay may kung anong bumikig sa lalamunan ko.

"Nagwala siya kanina. Gusto niyang puntahan ka at batiin." Her voice broke. "Please... Dior... Mama needs psychiatric help. Send her to a mental institution. Huwag naman ganito..."

"Umuwi ka na muna, ate. Ayokong makita ka rito ng mag-ina ko," matigas na sagot ni Kobe.

"I'm sorry, Dior. I really am." She lifted her head. "I just hope that you give this a second thought. And in the end, if you still want me to convict her... I'll do it. Wala akong mukhang maihaharap kay Karsen matapos ang nangyari kaya 'wag kang mag-alala, susunod ako sa 'yo. Hinding-hindi ko sila lalapitan. Hinding-hindi ko rin hahayaang makalapit si Mama sa kanila."

Isinarado ko ang pinto nang yakapin ni Ate Clea si Kobe. Tumabi ako kay Gayle, bahagyang mabigat ang loob. Unwanted thoughts were flowing through my head. Sa kabila ng kasiyahan ko dahil parang may tsansa na mabigyan namin ng buong pamilya si Gayle ay ang pag-usig ng konsensya ko lalo at alam kong may maghihirap dahil doon.

It wasn't my fault... but I really didn't want anger to fully consume Kobe.

Nang marinig ang pagbukas ng pinto ng silid ay naaninag ko ang pigura ng lalaki.

It wasn't asked. It wasn't well-planned... but I just found myself walking towards him eagerly, and much to my surprise, my arms pulled him into a hug.

I felt him stiffen, but I didn't let go. Alam kong ikahihiya ko ito bukas. Alam kong mumurahin ko ang sarili dahil dito. But today, nothing seemed to matter but the genuine happiness of his heart.

"Hindi totoo 'yong sinabi ko sa 'yo noon na hindi ang katulad mo ang gusto kong maging ama ng anak ko," I muttered gently, afraid of hurting his already bruised soul.

"Karsen—"

Umiling ako. "Kobe, I couldn't be more thankful that you're Gayle's father. I couldn't be more thankful that you loved me."

"I still do," bulong niya.

My heart hammered. I wanted to say it back, but I couldn't. Nahihiya ako.

I took a deep breath and listened to the melody inside his chest. "Do what your heart says. Look at things from a different perspective. Baka kasi hindi mo naman talaga kailangang mamili," bulong ko. "Whatever your decision is... hindi na kami aalis."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro