Chapter 40
Dedicating this chapter to Inks of Inksteady! Thank you for your package <3
***
I felt him grab my shoulders and gently push me away.
Parang may tumusok sa puso ko nang gawin niya iyon. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang matinding galit sa mata niya. I couldn't read his expression well because of my hazy vision, but at that time, I was sure that his eyes were filled with rage.
"Where is she?" he asked, gritting his teeth.
"S-sa St. Josep—"
He cut me off. Pabalang niyang isinarado ang pinto at tinalikuran ako. Mabilis siyang naglakad palayo. Mabigat ang mga hakbang at tila nagmamadali. As I watched his back turn away from me, I had a hard time pulling myself back to reality. My heart was throbbing in so much pain. Hindi ko alam kung para sa kanya o para sa akin. I brushed my tears off and inhaled deeply before following him.
Sa loob ng elevator ay rinig ko ang mabibigat na paghinga niya. I couldn't look at him. Para kasing isang salita ko pa ay sasabog na siya sa galit. I glanced at his tightly closed fist and my heartbeat doubled. I knew he had every right to be mad, but I don't think I could handle his anger now that Gayle is sick.
I pathetically followed him to the parking lot. No words were getting in between us. Sumakay siya sa kotse at kahit walang abiso niya ay sumakay rin ako. I was shaking in fear, both of Gayle's condition and of his wrath.
Nakarating kami sa ospital nang walang imikan. Nauna siyang bumaba sa akin at halos mapaigtad ako sa lakas ng pagsasarado niya ng pinto. I sat there for a second, feeling a lot of things, before deciding to follow him.
Pagkapasok sa loob ng ospital ay nakita ko agad siya na kausap ang pediatrician ni Gayle sa nurses' station. I walked towards them to learn the procedure. Mamaya ko na iisipin ang galit ni Kobe. Sa ngayon ay kailangang masalinan ng dugo ang anak namin.
He talked to him about Gayle's condition. Nakatulala lang ako habang nakikinig sa kanila. Gayle's blood type is A-, and she could receive A- or O-, but those two were out of supply because of their rarity and high demand. Maayos naman sa aking naipaliwanag ng doctor ang lahat pero hindi ko pa rin maiwasang matakot sa kapakanan ni Gayle.
"Please transfer her to a private room," Kobe said. "Let's start."
Isang beses tumango sa akin ang doctor bago i-assist si Kobe. I wanted to thank him, but my mouth failed me. Pumunta ako sa ward ni Gayle para maasikaso ang paglipat niya. Eddie was there with her, looking at me with concern. Umiling lang ako dahil ayoko munang pag-usapan ang nangyari.
Ilang sandali lang ay sinamahan na kami ng tatlong nurse papunta sa private room ni Gayle. She was sleeping, unaware that her father was here to ensure her health.
Gayle's room was clean and spacious. Malaki ang kama at may floor-to-ceiling na salamin kung saan kita ang ilang pasyente na naglalakad sa garden. May mahaba ring couch sa gilid at 42-inches na TV sa tapat ng kama. Even the bed table was different. It was bigger than the one from the ward. Kung titingnang mabuti ay halos kasing laki na iyon ng apartment namin.
"Girl, uuna na muna ako. Magpapa-exam ako ngayon sa major. Kaya mo na ba?" tanong ni Eddie nang maiayos namin si Gayle.
Tumango ako. "Salamat, ha?"
"Wala 'yon. Pupuntahan ulit kita rito bukas. May gusto ka bang kainin?"
I smiled sadly. "Hindi na. Sumabay ka na lang kina Ate Kat pagbalik."
"Sure ka?"
I nodded. He hugged me and kissed Gayle on the cheek before leaving the room. May isang nurse na naiwan sa loob at naisip ko agad na siguro ay nag-request ng personal nurse si Kobe para sa bata.
I pulled up a chair and stared at my daughter's sleeping face. People often say that she looks like me because of her fair complexion and face shape. Parehas din kami ng mga hilig. We like hair clips, dresses, and anything pink. Basta maganda at makintab, gustong-gusto naming dalawa.
We shared a lot of similarities, but the most apparent among them was our love for Kobe's voice.
I heaved a sigh as my heart began to throb again. Ngayong alam na ng lalaki na hindi nawala ang anak namin, sigurado akong gagawa siya ng paraan para makasama si Gayle. He wouldn't let our child live in a small apartment and play with her old dolls. Wala pa man ay alam kong magbabago ang buhay ng anak ko. She would receive constant treatment and therapy. Hindi niya na kailangang maghintay na makaipon ako para lang makapagpagamot.
I held Gayle's warm, small hand and brought it to my lips. Pumikit ako nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa mata ko.
I'm... scared.
Baka iwan niya ako. Baka kunin siya sa akin ni Kobe. At kahit alam kong mas maaalagaan siya ng lalaki, parang hindi ko siya kayang ibigay na lang. Parang hindi ko kayang matulog nang hindi siya katabi. She was the only reason I chose to live, and I couldn't imagine getting through a day without her.
I let go of her hand and headed over to the couch. My temples were pounding, and my muscles were numb. Parang ngayon lang ako tinamaan ng pagod.
I took off my slippers and slid onto the couch, thinking about all the things that would surely unfold over the next few days. I was battling the need to sleep since I didn't think I deserved to sleep just yet, but my lids became so heavy that I sank into the darkness.
Hindi ko alam kung gaano kahaba ang tulog ko. Nilalamig ako at ramdam ko ang init ng bawat paghinga ko. I slightly opened my eyes. Bumungad sa akin si Kobe na nakaupo sa gilid ni Gayle at sinusubuan siya. I blinked a couple of times. My daughter was smiling cutely while sticking her tongue out. Makalat ang gilid ng bibig niya dahil sa pagkain.
Kahit hinang-hina ay pinilit kong bumangon. My head was throbbing, and I knew for a fact that I had a fever. Nakakahiya na naabutan ako ni Kobe na natutulog lang. Baka isipin niya ay hindi ko inaalagaang mabuti si Gayle.
I stood up and went over to them. Sa kaliwang gilid nakapwesto si Kobe kaya sa kabilang gilid ako pumunta.
"Kumusta raw?" mahinang tanong ko sa lalaki.
Hindi niya ako sinagot.
I gulped. "Hindi ka ba... nahihilo? Wala bang side effect 'yong pagkuha sa 'yo ng dugo?"
Nagbaba ako ng tingin nang hindi ulit siya nagsalita.
Kumuha ako ng bimpo sa bag at pinunasan ang bibig ni Gayle. She was still pale, but there was a beautiful smile in her lips. Sinubukan kong kunin kay Kobe ang mangkok ngunit inilayo niya lang iyon sa akin, ni hindi ako tinapunan ng tingin.
I forced a smile and sat beside Gayle. I kissed her temples softly before fixing her hair.
"May masakit?" bulong ko sa anak na nakabaling na ngayon ang mukha sa akin, nakalabas ang dila at kumukurap-kurap.
"She's eating," matigas na sabi sa akin ni Kobe.
Tumingin ako sa kanya. "Ako na ang magpapakain."
Pinilit kong ikalma ang sarili kahit basang-basa ko sa mukha niya ang labis na disgusto sa akin. My lips were quivering but I still tried my best to give him a small smile.
"K-Kinuhanan ka ng dugo kaya baka kailangan mo rin magpahing—"
"Shut up, will you?" he asked, his words piercing right into my heart. "I don't want to be harsh in front of Gayle. Please stay out of my sight."
Umawang ang bibig ko. "H-Ha? S-Saan naman ako pupunta? Nag-aalala rin ako sa anak nati—"
He chuckled sarcastically, completely cutting me off. "You really amaze me."
"Mimi..." Gayle called me, but my eyes remained on her father.
"We're eating. Give us a moment," he commanded. "That's the least you can do."
His tone was so firm that I couldn't help but be terrified. His rage and voice reminded me of his mother, and the times I shivered when she howled at me. Kobe didn't raise his voice, but the emotions in his eyes were the same ones I saw in Tita Penelope.
I gulped and stood up. Nakatitig pa rin ako sa kanya pero ang mukha ni Tita ang nakikita ko.
He resembled her... his emotions resembled hers.
Huminga ako nang malalim at ipinatong ang bimpo sa kama. I tried to utter a word, but nothing came out of my mouth. I could feel my legs getting wobbly as my hands trembled. I don't know if it was because of my fever, but suddenly, so suddenly... everything his mother had done to me flashed through my head.
I've already run for my life before. I've already run for Gayle's safety before.
But now I wouldn't run anymore... because some things had to be confronted, and unfortunately, this was one of them.
"If you want a moment with my child, do it after she recovers." I clenched my teeth as images of his mother continued to linger in my head.
He was taken aback.
"Pero ngayong may sakit siya..." Umiling ako. "Pasensya na pero hindi ko muna kayang intindihin ang galit mo."
We were in the middle of a staring contest when the door opened. Ako ang unang nagbawi ng tingin. I looked behind me and saw Gayle's doctor holding a chart, appearing as calmly as ever.
"Magandang gabi po," bati niya sa amin. "Tomorrow morning po namin sasalinan ng dugo si Hikari. Inobserbahan po namin siya buong araw at medyo bumaba na po ang temperature niya. Sunod pa rin po tayo sa mga do's and don'ts, at kung may tanong po kayo, babalik naman po rito ang nurse ni Hikari. Nagdi-dinner lang."
Tumango lang ako. Hands-on siya kay Gayle kaya kahit papaano ay gumagaan ang loob ko. Wala rin namang ibang sinabi si Kobe.
Nagpaalam siya sa amin at nanumbalik sa akin ang tensyon namin ng lalaki. I suddenly felt embarrassed in front of Gayle, because even though she couldn't understand what we were saying, I didn't want her to see me getting mad at someone.
Kumirot ang sintido ko kaya napapikit ako. I couldn't afford to get sick now. Kailangan ako ni Gayle. I needed to be strong for her. I massaged my temples and took deep breaths. Iinom na lang siguro ako ng gamot mamaya.
"Mimi," malambing na tawag ni Gayle sa akin.
I looked at her. "Hmm?"
Inabot ng maliit na kamay niya ang sintido ko at marahang hinaplos. Umupo ako para maayos niyang magawa iyon.
"Okay lang ako, baby..."
Hindi siya tumigil. Pati noo ko ay pinasadahan niya ng mainit niyang palad. I could feel Kobe's stares, but I didn't bring myself to look at him.
"Mimi ko, toli..." her voice broke.
Umiling ako at hinuli ang kamay niyang nasa noo ko. Nanunubig ang mata niya at nanginginig ang labi.
I cupped her cheeks and smiled. "Bakit ka ba sorry nang sorry? Okay nga lang si mommy. Basta magpapagaling ka, ha?
She nodded and moved closer to me. She encircled her left arm around my nape and pressed her face into my neck. Alam ko ang ibig sabihin kapag ganoon siya kaya humiga ako sa tabi niya at tinapik ang hita niya. I fixed her dextrose and let her cuddle me. Tumatama sa balat ko ang mainit niyang hininga at maya-maya pa ay naramdaman ko ang maliliit niyang daliri na bumabalot sa hinlalaki ko.
At that moment, I knew she was comforting me. Ganoon lagi. Kapag pakiramdam niya ay nalulungkot ako, yumayakap at naglalambing siya. It was as if she was telling me that I had her.
I continued to tap her leg slightly until I felt her steady breathing. Iniayos ko siya sa kama at binalutan ng kumot. I stood up. Itinabi ko sa kanya ang paborito niyang laruan bago marahang pinatakan ng halik ang noo niya.
All the while, I was feeling Kobe's heavy gaze on us.
Hindi ko siya binalingan. I'm too tired to argue. May oras naman para doon.
"Are you okay?" he whispered.
Bahagya akong natigilan pero hindi ko siya sinagot. Pinanatili ko ang tingin kay Gayle.
"You're pale. Nilalagnat ka ba?" tanong niya ulit.
Hindi ulit ako sumagot. Tumayo ako at kumuha ng upuan para ilagay sa gilid ng kama. Kahit kasi malawak iyon ay ayokong tabihan si Gayle. Especially that her father was here. I sat on the chair and placed my head on the bed.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Kobe pero masyado akong nahihilo para pansinin pa siya. I closed my eyes, trying to get some rest because my body was demanding it.
I felt a hand on my forehead. I slightly opened my eyes and saw Kobe standing beside me.
"May lagnat ka," aniya.
Tinabig ko ang kamay niya. "Ayos lang ako."
"Karsen, stop being stubborn," he insisted. "May gamot d'yan. Uminom ka muna. I'll request another bed."
Hindi na niya ako hinintay makasagot. Nagmamadali siyang lumabas ng silid at dahil sa nararamdaman na hilo ay hindi ko nasunod ang gusto niyang mangyari. Ilang minuto palang ang nakakalipas ay naramdaman ko na ang marahan na tapik sa balikat ko.
"Karsen," mahinang tawag ni Kobe sa akin. "Wake up."
I took a deep breath and sat properly. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at muling napabuga ng hangin.
"Ano ba, Kobe?"
I saw him gulp. "Sleep on the bed."
Umiling ako. "Hindi ka ba uuwi? Ikaw na ro'n."
"Karsen," he said frustratedly. "Bubuhatin kita kapag hindi ka pa tumayo."
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim nang lumipat ako sa kama. It was the same size as Gayle's. May comforter din at dalawang unan. Ni hindi ko man lang namalayan na naset-up niya agad ang kama.
"Uminom ka ba ng gamot?"
Umiling lang ako.
I watched him get a glass of water and medicine. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa gayong matindi ang galit niya sa akin. Walang imik niyang iniabot sa akin ang baso at gamot. Matapos inumin iyon ay inihiga niya ako sa kama at binalutan ng comforter.
"Hindi ka puwedeng magkasakit, Karsen," bulong niya. "Galye needs you... and you still have a lot of explaining to do."
Tumango ako. "Kaya ko..."
Silence enveloped us. Nasa gilid ko pa rin siya at kahit madilim ang paligid ay alam kong nakatingin siya sa akin.
"Thank you," pagbasag ko sa katahimikan.
"For what?"
I sighed. "Gayle."
"Responsibilidad ko 'yon, Karsen."
Ipinikit ko ang mata at hindi na siya sinagot. I wonder if his anger washed away his love and longing for me... or maybe he was just too drunk and I shouldn't take his words seriously. I was scared of his reaction, but I knew I needed to face it. I knew I would have to hurt him one way or another.
Nang magising ako ay magaan na ang pakiramdam ko. Umupo ako sa kama at nakita ang umagahan sa bed table ko.
"Kumain ka na."
Napaigtad ako nang lumabas si Kobe mula sa banyo bitbit ang isang bimpo. Lumapit siya kay Gayle at pinunasan ang braso at kamay nito. Habang ginagawa iyon ay tulog na tulog pa rin ang bata.
I pursed my lips and started eating the food on the table. May katabi rin iyong gamot kaya hindi na ako nag-atubiling inumin iyon.
"How are you feeling?" tanong niya, nakaupo na ngayon sa tabi ni Gayle.
I pressed my fingers. "Better."
He nodded.
Dahan-dahan akong tumayo at matapos silipin si Gayle ay pumunta na ako sa banyo para mag-ayos. Nagpalit na rin ako ng damit para hindi naman nakakahiyang humarap sa doctor mamaya. Paglabas ko ay tumabi na ako sa kabilang gilid ni Gayle, at nang magising siya ay pinakain ko na muna. Tahimik lang si Kobe na nanonood sa amin kaya hindi ko na siya pinansin.
The doctor arrived and informed us about the process. Wala pa man ay umiiyak na si Gayle. It was a punch in my heart, but there was nothing I could do to take away her pain. Nahirapan sila sa pagpapakalma sa bata dahil takot na takot ito sa karayom.
It was a long and tiring morning, but we all managed to pull our shit together. Hindi ako lumalapit kay Kobe at ganoon din siya sa akin. I wanted to cry, but he wasn't the right person for that. Buong araw ay tahimik lang kami. Kuntento na ako na hindi niya ako tinatanong tungkol sa bata. Nagkakaroon lang ng kaunting pag-uusap kapag gising si Gayle.
I didn't also force him to go home. Uuwi naman siya kung gusto niya. I'm in no position to be worried.
The day after that, Ate Kat, Mill, and Eddie visited the hospital. They were all casual with Kobe and just focused on playing with Gayle. Ganoon din ang lalaki. Marami silang dalang prutas para kay Gayle at pagkain para sa amin.
"Pupunta pala mamaya si Kuya," sabi sa akin ni Eddie. "Dadalhan ka raw ng milkshake."
I chuckled. "I need that."
Sinilip ko si Kobe na nagbabasa ng magazine sa couch. Nag-angat siya ng tingin sa amin at agad na nagtama ang mga mata namin. I was the first one to look away. Galit pa rin siya.
"Tuloy-tuloy naman na siguro ang pagtaas ng platelets niya," sabi ni Ate Kat. "'Wag ka nang masyadong mag-alala at pagaling na rin 'to."
Tumango ako. "Bumaba na rin ang lagnat niya. Mahirap lang talagang pakainin."
"Normal naman. Wala talagang ganang kumain ang mga may dengue," singit ni Mill. "Ipalinis natin lahat ng pinupuntahan n'yo para hindi na maulit 'to. Paltan na rin natin 'yong alulod sa apartment saka itapon 'yong mga gulong sa bubong."
Kobe stood up, silencing us all.
"Don't worry about that," he uttered. "She'll live with me after she recovers."
I gritted my teeth. "Hindi pa natin napag-uusapan ang arrangement, Kobe."
"Whether you like it or not, she'll stay with me, Karsen," mas madiing sabi niya.
Hinarap ko siya. "Ang sabi ko, hindi pa natin napag-uusapan. You don't get to decide on your own."
"I'm just telling you the conclusion. Hindi ako papayag na hindi siya sa puder ko."
Ate Kat cleared her throat. "One of you, get some fresh air. Huwag kayo ritong magtalo."
I clenched my fist tightly before storming out of the room. Mabigat ang bawat paghinga ko habang naglalakad papunta sa garden. I could feel my heart being ripped into pieces. Wala pa man ay natatakot na ako. Not only because of the huge possibility of a limited time with my daughter, but also because of Tita Penelope. Baka saktan niya si Gayle. Baka ikahiya niya ang anak ko. She had already done it before. Imposibleng hindi niya gawin ulit ngayon.
"Karsen!"
Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Marcus. Lumapit siya sa akin at inilagay sa kamay ko ang milkshake na dala niya.
"Saan ka pupunta?" he asked.
"Garden."
He smiled. "Samahan muna kita. Mukhang iiyak ka na, eh."
Ngumiti lang ako pabalik sa kanya. We walked to the garden and sat on the bench. Hindi siya nagsasalita. Ganoon din ako. I started sipping on my drink, hoping it would somehow ease my doubts and fears... but it didn't.
"Spill," aniya. "I'll listen."
I swallowed a lump in my throat before putting the drink in between us.
"Alam na ni Kobe..." I exhaled. "Hindi pa kami nakakapag-usap, pero gusto niyang nasa puder niya si Gayle."
I looked up and watched the birds spread their wings amidst the wind. It was as if they were basking under the comfort of the sun that was hiding behind the clouds.
It reminded me of the day I chose Gayle over Kobe... the day I ran for my daughter's safety and was hit by a car. The sky looked exactly the same. For the past few years, I let go of my wishful desire to see Kobe and Gayle together. Para kasing imposible. Parang hinding-hindi mangyayari.
We lived in two different worlds. He would always be like the sky, high and unreachable... and I would forever remain a child, watching and hoping to play with his clouds.
"A-Alam ko naman na mas magandang buhay ang kaya niyang ibigay para sa anak namin, Marcus." Tears welled up in my eyes. "H-Hindi niya ititira sa maliit na apartment si Gayle. He would not allow her to live without proper treatment. Pagkarating niya nga rito, sobrang dali lang sa kanya na kumuha ng private room... samantalang ako, inubos ko 'yong ipon ko para makakuha ng ward."
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko, tila ba kinakalma ako.
"Kapag kinuha niya si Gayle... paano ulit ako magsisimula? H-Hindi ko kayang hindi kasama ang anak ko." Paulit-ulit akong umiling. "Pero hindi ko rin kayang pumasok ulit sa mundo niya... because the last time I did, they made me feel like I didn't belong to myself." Tears rolled down my cheeks. "Sanay akong bastusin. Sanay akong pagtawanan. Sanay akong hindi irespeto. Pero tangina, 'yong ginawa nila sa 'kin, 'yong ginawa nila sa anak ko... hinding-hindi ko kayang tanggapin."
He pulled me into a hug and continued to caress my back. "Wala dapat nasasanay sa ganoon, Karsen." Humikbi ako. "I have no idea what you went through, but I'm sure you did what you knew was best for Gayle... at hindi natin masisisi si Kobe kung gusto niyang makasama ang anak n'yo. But this time, you don't have to do the fighting alone. He has to man up and fight for you both."
"Natatakot ako, Marcus..."
He chuckled softly. "Of course, you will... but I knew I loved a strong and fearless woman. You've come this far, Karsen. Ano man ang rason mo para itago si Gayle, maiintindihan 'yon ni Kobe. Just... communicate. Doon kayo nagkulang dati. Do it better this time."
Humiwalay ako sa kanya bago alisin ang luha sa pisngi ko. "Galit siya sa 'kin..."
"Magtaka ka kung hindi," he replied. "But one thing is for sure."
"Hmm?"
He smiled. "Hindi lang buhay ni Gayle ang magbabago."
Bago pa ako makasagot ay tumayo na siya.
"Ubusin mo 'yan. Pupuntahan ko muna ang anak mo dahil hindi naman ikaw ang dinayo ko rito." He chuckled. "And show me the girl I fell in love with before, Dawn Karsen. You can do it... like you always have."
He turned his back on me, leaving me a bit comforted. I stayed there for a couple of minutes before deciding to get up. Baka hinahanap na ako ni Gayle.
I was walking towards the entrance when a body blocked my way. I was taken aback. Tumingin ako sa humarang sa akin at agad kong nasalubong ang galit na galit na tingin ni Kobe. His eyes were bloodshot and his jaw was firmly clenched.
Napaigik ako nang mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinigit ako papasok ng ospital.
"Ano ba, Kobe?!" I complained.
Hindi niya ako nilingon. Halos madapa ako sa paghigit niya sa akin. He opened a door, and my heart hammered when I saw the staircase. Nang tuluyan kaming makapasok ay saka niya lang ako binitawan.
"Ano bang problema mo?!" I shouted.
"You tell me the problem, Karsen!" His voice echoed. "Is he the reason why?"
"Hindi kita maintindihan," I said, trying to calm myself. "Saka na tayo mag-usap kapag hindi na mainit ang ulo natin."
"At kailan 'yon?! Lumalaki lang ang galit ko sa 'yo araw-araw... at kung hindi mo pa sasabihin sa akin ang dahilan kung bakit mo itinago ang anak ko sa akin..." He breathed deeply. "Hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa 'yo, Karsen."
My breathing hitched. "What?"
Madilim ang mukha niyang tumitig sa akin. It was as if he was piercing my soul.
"Did you flirt with Marcus behind my back?" mahina ngunit madiing tanong niya. "Kaya ba nakipaghiwalay ka sa 'kin para makapaglandian kayo?"
My lips parted. Parang may sumaksak sa puso ko sa akusasyon niya sa akin. Hindi ako nakasagot. The pain in my heart was too much for me to handle.
He swallowed hard. "I know he has a girlfriend. I saw them together." Nagtagis ang panga niya. "Pumapayag kang maging kabit? Gan'yan ka na ba kababa ngayon?"
Tuluyang bumagsak ang luha ko.
"Ano'ng hindi ko naibigay sa 'yo, Karsen?! Bakit kailangan mo 'kong gaguhin?!" sigaw niya. "Nagmakaawa ako sa 'yo! Lumuhod ako sa harapan mo! Para lang hindi mo 'ko iwan! Para lang bigyan mo 'ko ng kaunting oras para magluksa! Karsen, I was fucking willing to give up everything for you... tapos ano? Ito 'yong rason mo? Si Marcus?!"
"S-Stop it. Wala kang alam," nanghihinang sabi ko.
"Did you fuck him behind my back?"
"K-Kobe, stop... please..."
"What? I got so busy that someone has to take my place to fuck you—"
Bago niya pa matapos ang gusto niyang sabihin ay buong lakas ko siyang sinampal. Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha ko at para akong kakapusin ng hininga sa matinding galit sa kanya.
"Putangina mo, Kobe." My voice cracked. "Naiintindihan kong galit ka, pero putangina, sino ka para pagsalitaan ako?!" I shouted at the top of my lungs. "Is that how you remember me?! Na magpapatira na lang kung kani-kanino?! Bakit?! Dahil ba mabilis mo 'kong nakuha?!"
Humikbi ako at dinuro ang dibdib niya. "I want to confess everything gently to you because I know the truth will hurt you... pero tangina, hindi na ikaw si Kobe... hindi na ikaw 'yong minahal ko."
Humarap siya sa akin at sinalubong ang galit na tingin ko.
"G-Gan'yan ba kababa ang tingin mo sa 'kin, Kobe?" I asked weakly. "Oo, willing kang isuko ang lahat para sa 'kin... but will you give up your family for me? Will you give up your mother for me?"
Pinanood ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. "This is something between us, Karsen. Hindi mo dapat sila—"
"They're the reason why I broke up with you!" I shouted, cutting him off. "Hindi dahil malandi ako! Hindi dahil nagpatira ako kay Marcus!"
"Karsen—"
"Your mother forced me to abort our child!"
His lips parted. I took a step back and stayed there, watching him suffer a defeat. He shook his head as tears welled up in his eyes.
"N-No... she won't do that..."
I smiled sadly. "M-Minaltrato niya 'ko, Kobe."
"No..."
"Tuwing umaalis ka noon, takot na takot ako..."
"P-Please..." he breathed.
Napahikbi ako. "K-Kasi sisigawan niya na naman ako... kasi kapag hindi maganda ang paglilinis ko, pagagalitan niya ako." Muling dumaan ang labis na sakit sa mukha niya. "Okay lang naman sa akin maglinis. 'Yong inidoro n'yo, 'yong sahig, lahat ng kwarto, 'yong malalaking bintana... walang problema, Kobe. S-Syempre, nakikitira lang ako, eh."
Tears escaped his eyes so I pause for a moment to feel the stabbing agony in my heart.
"H-Hindi niya ako pinapakain... kaya kapag dumadating ka, gutom na gutom ako. Doon lang nagkakalaman ang tiyan ko." Humina ang boses ko. "Ayaw niya ring lalabas ako sa kwarto kapag kumpleto kayo... kasi pamilya lang daw dapat, at hindi ako kasali ro'n."
"Karsen..."
"No'ng nabuntis ako, akala ko magbabago 'yong trato niya sa 'kin... pero no'ng isang beses na sumuka ako, pinagalitan niya 'ko. Sinipa niya 'yong likod ko tapos sinabi niya rin na... na ayaw niyang magkaapo sa isang katulad ko. K-Kasi palamunin na nga ako, nagdagdag pa ako ng isang palamunin."
I looked away and cried, remembering all the harsh words his mother told me.
"Tiniis ko lahat... sinunod ko lahat. Gusto niyang maglinis ako, ginawa ko. Gusto niyang huwag akong lumabas ng bahay para manood ng graduation ng mga kaibigan ko, nagrason ako sa lahat na masama ang pakiramdam ko. G-Gusto niyang mag-drop ako, nag-drop ako. Kasi malaki na raw ang nagagastos mo sa 'kin at hindi ko naman daw magagamit ang napag-aralan ko."
Hinarap ko ulit siya. He was silent but his face was full of tears.
"P-Pero 'yong gusto niya ipalaglag si Gayle dahil lang nalaman niyang malaki ang possibility na magka-down syndrome ang anak ko..." Umiling ako. "'Yon ang hindi ko kayang ibigay, Kobe." Nagtagis ang bagang ko. "K-Kaya ako nabangga kasi tumatakbo ako palayo sa nanay mo... palayo sa mundo n'yo."
Yumuko siya at nakita ko ang paggalaw ng balikat niya.
"I kept Gayle hidden from you because your world is too brutal for us," mas kalmado nang saad ko.
"Why didn't you tell me?" mahinang tanong niya.
"Kasi alam ko kung gaano mo kamahal ang nanay mo," sagot ko. "At alam kong mas kaya mo nang wala ako..."
"That's bullshit, Karsen."
I chuckled sarcastically. "You're just like your mother... wala kayong pakialam sa nararamdaman ng iba kapag nagagalit kayo."
Natahimik siya.
"For a second, akala ko may pag-asang mabigyan natin ng buong pamilya si Gayle." Muli akong tumawa. "A-Ang tanga ko kasi akala ko mahal mo pa 'ko. Akala ko ikaw pa rin 'yong Kobe na nakilala ko." Umiling ako nang paulit-ulit. "But my Kobe wouldn't say those words to me... kasi ayaw no'n na masasaktan ako... kasi alam niyang hindi ako ganoong klase ng tao."
"Karsen—"
"Tama na, Kobe. You know my reason now. Mag-usap na lang ulit tayo kapag okay na si Gayle." Tinalikuran ko siya. "Don't go near me until then. Ayoko munang makita ka."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro