Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Tumayo si Kobe at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin. It was still pouring outside, but that didn't stop him. He kept on walking, and I stood there watching him become drenched in the rain.

Narinig ko ang pag-iyak ni Gayle. Nakatayo na siya habang tinitingnan ang papalayong pigura ng lalaki. Hindi ko siya mapuntahan para maalo. I was afraid I'd break down too.

"Mimi!" she called me helplessly.

I gathered all my faint courage and walked towards the door. Isinarado ko iyon, dahilan para lalong lumakas ang pag-iyak niya. Nang marinig ko ang sasakyan ni Kobe ay saka ko lang nilapitan ang anak.

"I'm sorry, baby..." bulong ko habang niyayakap siya. "I'm sorry... ito lang ang kinaya ni Mommy."

Hindi na ako nakapagtrabaho noong gabing iyon. After putting Gayle to sleep, I remembered every word Kobe told me. I remembered his tears and mournful expression. I didn't know that he made a grave for our child... and the thought that he cried there with no one to comfort him made me question my decision years ago.

Mali ba ako? Dapat ba ay sinabi ko na lang sa kanya? Dapat ay nagsumbong na lang ako?

But I was so scared at that time, and all I wanted to do was get away from their brutal world. We were not good for each other. I was the root of his downfall, and the people around him were the root of mine.

Umiling ako nang paulit-ulit. Hindi dapat ganoon kahirap ang pagmamahal.

Wala ngang pasok kinabukasan dahil sa malakas na ulan. The YN Organization deposited financial assistance into my bank account. Kasama na roon ang monthly allowance at disaster risk management. Gayle and I spent the whole day inside our small apartment. Parang nakalimutan naman na niya ang nangyari kahapon dahil masaya na ulit siya ngayon.

Tumunog ang cellphone ko at napangiti ako nang makita ang text message ng mga kaibigan.

Ate Kat:

Sinabi ni Mill na malakas ang ulan d'yan. Mag-iingat kayo. 'Wag munang lumabas, ha? Tatawagan kita pagkatapos ng trabaho ko.

Mill:

Stay inside. Ubusin n'yo na 'yong stocks ko d'yan.

Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang pangalan ni Mari. It was her roaming number.

Mari:

Kumusta ang Gayle ko? May bagyo raw d'yan? May butas pa ba ang mga bubong? Pinakisuyo ko na kay Eddie na tapalan 'yon, 'di ba? Natapalan ba? Sabihin mo kung kailangan n'yo ng matutuluyan. I'll pay for your hotel and food accommodation. Ingat.

I texted Ate Kat and Mill back. Binuksan ko naman ang messenger ko para doon sagutin si Mari. Wala kasi akong sapat na load balance para makapag-reply sa kanya. I created a new Facebook account a few years back, but I rarely use it.

Tatlong araw nawalan ng pasok kaya kahit papaano ay nakapagpahinga ako. Wala rin namang reklamo si Gayle. Sanay kasi siya na kaming dalawa lang. Minsan ay umuuwi si Mill sa apartment pero ngayon ay mas madalas na siyang wala dahil sa trabaho. Nahihiya nga ako dahil hinahatian niya pa rin ako ng renta.

Nang makaalis ng bansa ang bagyo ay bumalik ang lahat sa normal. Well, for some. Marami rin kasing nawalan ng tirahan at mga mahal sa buhay. Hindi naman sa lugar namin tumama ang mata ng bagyo pero isa ang pamilya ni Felice sa mga nasalanta. They had to evacuate because their roof was torn off. Nag-abot kami ng kaunting tulong sa kanila.

Weeks went by. Hindi ko na ulit nakita si Kobe. Hindi ko alam kung dapat ko iyong ipagpasalamat dahil minumulto pa rin ako ng mga salita niya.

"Tapos na 'yong building," sabi ni Ate Neri. "Medyo natagalan dahil sa bagyo, pero baka by Friday ay ribbon cutting na."

Sumingit si Felice. "Hindi na tiningnan ni DK, 'no? Baka naging busy na."

The mere sound of his name caused havoc inside me. Kami ang magluluto para sa ceremony at iniisip ko pa lang na nandoon ang lalaki ay nasasaktan na agad ako. Over the years, I thought he had forgotten about me and our child. I thought he had a happier and more fulfilling life because he seemed to be doing quite well in the news, on billboards, and in interviews.

Nang mag-Biyernes ay mas maaga kaming pumunta sa school. Inihabilin ko muna si Gayle kay Eddie dahil kailangan si Ma'am Hilario sa ceremony. Mabuti nga at walang klase si Eddie kaya mababantayan niya ang bata. Ipinagpaalam niya pa sa akin na ilalabas daw nila ito ni Marcus.

Hindi kami nakapanood ng ceremony dahil naging abala kaming lahat sa kusina. Marami raw kasi ang dumalo at natupad din ang kagustuhan ni Ma'am Hilario na gamitin ang first floor ng building para sa extension ng special education class. Ang second at third floor naman ay para sa mga kolehiyo na nag-ta-take ng special education. It was a building dedicated exclusively to those with special needs and those who would guide them.

Kabadong-kabado ako nang umingay ang canteen, tanda na papunta na ang mga bisita. Nahanap agad ng mata ko si Kobe katabi ang engineer at architect na kasama niya rin noon. He looked different. He was dressed in a long-sleeved black polo that he had folded up to his elbow and tucked into a pair of khaki pants. His black leather belt and shoes finished off his attire.

He doesn't look like someone who was hurting.

Dumiretso sila sa isang malaking mesa kung saan naghihintay ang campus president, principal, deans at faculty members.

I took a deep breath and started working. Sobrang daming tao kaya sunod-sunod ang paglalagay ko ng kanin sa plato. Other canteeners served the VIPs their meals.

"Karsen?"

Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin at ganoon na lang ang gulat ko nang mamukhaan siya.

"Kuya Enzo..."

Nagtagal ang titig niya sa akin, para bang sinasaulo ang mukha ko. There was a mixture of pain and joy in his eyes. Hindi ko alam kung para saan. Pansin ko rin ang bahagyang pagtanda niya. May mga puting buhok na siya at medyo malalim ang mata.

"Kumusta ka?"

It sounded so sincere and pure.

"Maayos po, kuya..." mahinang sagot ko bago tumingin sa ibang customer na nakapila. "Pupuntahan ko po kayo mamaya. Tatapusin ko lang po ang trabaho ko."

Nakakaintinding tumango siya. Sa dami ng tao ay hindi ko napansin si Kuya Enzo na pumasok kanina. But at the back of my head, I was glad that he was still with Kobe. He was the lone person who witnessed our love, and seeing him again took me back in time.

Dalawang oras ang itinagal bago nabawasan ang tao sa canteen. Kumikirot na ang likod at batok ko dahil sa pagod. I looked around and got a little bit disappointed when I didn't see Kuya Enzo and all the VIPs.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Felice ang balikat ko. "May isa pang event mamayang gabi. Pa-after party yata para sa construction workers."

"May klase ako," sagot ko.

"Umabsent ka muna. Mas malaki ang kikitain do'n."

I pursed my lips. "Medyo mahal ang penalty, eh. Baka mabawasan pa ang credibility ko."

"Isang araw lang naman," pamimilit niya. "Wala akong kasamang magluluto."

"Hindi ako puwede. Si Gayle—"

"Ihabilin mo muna sa kaibigan mong teacher! Tapos naman na tayo ng alas nuebe."

"Saan daw ba?" tanong ko, bahagyang nakukumbinsi na.

"Sa bahay no'ng engineer. Malapit lang 'yon. Isa lang kasi ang cook nila sa bahay."

"Sure ba na hanggang 9 lang?" I squinted at her. "Uuwi agad ako pagkatapos magluto, ha?"

Napangiti siya nang malaki. "Oo! Hindi naman tayo sasali sa party nila."

Tinawagan ko si Eddie at sinabing mamayang gabi ko pa makukuha si Gayle. Pumayag naman siya dahil wala naman daw siyang ibang ginagawa. Matapos ang trabaho sa canteen ay umuwi ako, naligo, at nagpalit ng damit. Sinabi ko rin sa agency na hindi ako makakapasok.

Nagkita kami ni Felice sa waiting shed sa tapat ng school at sabay na tumulak sa venue. Habang nasa byahe ay sinabi niya sa akin ang mga putaheng ihahanda namin. Hindi naman sumama si Ate Neri dahil masakit na raw ang katawan niya mula sa maghapon naming pagtatrabaho.

Pagkarating namin sa dalawang palapag na bahay ay pinapunta agad kami ni engineer sa kusina. Nagtali ako ng buhok at nakita ko ang pagbaling sa akin ni Felice.

"Ano?" tanong ko.

Umiling siya. "Ganda mo."

Humalakhak ako. "Ngayon mo lang napansin?"

"Liit ng mukha mo, kainggit." Ngumuso siya. "Sarap mong sugatan."

Nagsimula kaming magluto at hindi naman ako masyadong nahirapan dahil nag-e-enjoy ako sa kadaldalan ni Felice. Kahit ang cook mismo ng bahay ay tuwang-tuwa sa babae. Mamaya pa darating ang mga trabahador at hindi ko maiwasang mapangiti nang maisip na may pa-party talaga para sa kanila. They deserve it. After months of working, mabuti naman at nabigyan sila ng recognition.

"Ihain na natin 'to sa labas," sabi ng isang kasama namin.

Sumunod kami ni Felice sa kanya. May malaking mesa sa gitna ng malawak na sala at doon namin inilagay ang mga pagkain. Isang putahe na lang ang hinihintay naming maluto at pagkatapos noon ay puwede na kaming umalis. Bumalik sila sa kusina at naiwan ako roon para i-arrange ang mga pagkain.

Habang ginagawa iyon ay nakita ko si engineer na papasok ng bahay, malaki ang ngiti at maaliwalas ang mukha. Isang beses siyang tumango sa akin bago tumingin sa likuran niya.

"Pasok ka, sir. Buti talaga at nakapunta ka."

Sabay kaming natigilan ni Kobe nang magtama ang mga mata namin. Medyo namumula ang leeg at mukha niya. Naaninag ko ang gulat sa kanya, pero nang humarap sa kasama ay nawala iyon.

"Ano nang puwedeng kainin?" tanong sa akin ni engineer.

"O-okay na po 'to lahat." I gulped to clear my throat. "Ito na rin po ang mga pinggan."

Ngumiti siya. "Sige, salamat."

Pinigilan ko ang mapatingin sa lalaki sa likuran niya. "B-babalik na po ako sa kitchen," sabi ko bago sila talikuran.

Paulit-ulit kong hinampas ang dibdib ko habang naglalakad papunta sa kusina. Hindi ko inaasahang makikita ko si Kobe ngayon at alam kong ganoon din siya.

"O, anyare?" tanong ni Felice nang makita ako.

Napabuntong-hininga ako. "Nasa labas si Kobe."

"Eh?!" bulaslas niya. "Mamaya na tayo umuwi."

Sinamaan ko siya ng tingin.

Ngumisi siya. "Sabi ko nga..."

Hindi kumalma ang puso ko. Habang hinuhugasan ang mga pinaglutuan namin ay ramdam ko pa rin ang panlalamig ng kamay ko. Kahit kasi nakita ko siya kanina ay hindi naman nagtama ang tingin namin.

Isang oras ang lumipas bago nagdatingan ang mga trabahador. Natapos din kaming magluto at naiayos na rin iyon sa labas.

"Kumain muna kayo bago kayo umalis, ha?" sabi ni engineer nang pumasok siya sa kusina. "Tinikman ko ang mga luto n'yo, at mukhang kayo ulit ang kukunin ko kapag may celebration dito sa bahay."

"Salamat po," sabay na sabi namin ni Felice.

Ngumiti siya sa amin bago bumaling sa cook niya. "Magluto ka ng hangover soup bukas ng umaga."

"Yes po, sir."

"Lasing na lasing si Sir Dior... nasa guest room. Nakainom na pala bago pumunta rito."

Nanatili iyon sa utak ko kaya hindi ako nakakain nang maayos. Malakas ang kwentuhan ng mga trabahador at hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. He might have a hard time sleeping.

Umiling ako. Mabilis makatulog ang lasing, Karsen.

"Tara na?" yaya sa akin ni Felice.

"Sige..." I answered hesitantly. "Kunin mo na ang gamit mo sa kusina. Hihintayin kita rito."

Tumango siya at umalis sa tabi ko. I pressed my fingers together and released a deep sigh. I closed my eyes tightly as I muttered a curse when I found myself searching for the guest room. Maraming tao kaya walang nakakapansin sa akin. Sisilipin ko lang naman siya. Hindi naman ako manggugulo.

Alam kong hindi tama ang ginagawa ko pero hindi ko naman mapigilan ang sarili. Hindi naman kasi siya mahilig uminom at binabagbag ako ng konsensya ko dahil may ideya ako kung bakit siya naglasing.

Binuksan ko ang pinto sa pinakadulo ng unang palapag ng bahay at doon ay bumungad sa akin ang patagilid na nakahigang lalaki. His eyes were closed, but his brows were knotted.

Hindi ko alam kung ano ang espiritung nagtulak sa akin para lapitan siya. Isinarado ko ang pinto at dahan-dahang naglakad papunta sa kamang hinihigaan niya. The lampshade on the bedside table was the only source of light in the room. Tinanggal ko ang sapatos at medyas niya. Kinuha ko rin ang comforter sa kabilang gilid ng kama at ipinatong iyon sa katawan niya.

He didn't move a muscle. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para matitigan ang namumulang mukha niya... at ilang sandali lang ay nanumbalik sa akin ang lahat ng pagsasakripisyong ginawa niya para sa relasyon namin. Ang sabi niya ay mamahalin niya ako hanggang sa mahalin ko rin ang sarili ko. That I could question everything but not my worth. That I was the muse of his first song... and that he would marry me in front of everyone who disrespected me.

No matter how hard I tried to bury my love for him, it would only grow and blossom in the deepest part of my being.

My Kobe was hurting too... and there was nothing I could do but watch him. Kasi takot na takot pa rin ako. Kasi alam kong kapag sinabi ko sa kanya na ang dahilan kung bakit ko itinago sa kanya si Gayle ay ang nanay niya, alam kong madudurog ulit siya. He loved his mother first before he loved me. He trusted her first before he trusted me... and I still think that I am not worthy enough to ruin their relationship.

"Karsen?"

I covered my mouth when he looked at me in a complete daze. Gising ba siya? Nahuli niya ba ako?

"Baby... is that you?"

Tahimik akong napahikbi. I missed him... so much.

"I really love drinking," he uttered while chuckling. "Because I keep having hallucinations that you're here."

Napaupo ako sa gilid ng kama niya, nakalagay pa rin ang kamay sa bibig para hindi niya marinig ang pagtangis ko. He thought he was just having a dream... he thought I was just an illusion.

"How did you stop loving me? Turuan mo naman ako..." His voice cracked. "I told you to stay gone... because I don't want to see you anymore. K-kasi alam ko, kapag nakita ulit kita, baka hindi na ako pumayag na hindi mo ulit ako mahalin." Sa muling pagtawa niya ay tuluyang gumuho ang isang parte ng puso ko. "And look at me... following you around pathetically."

I clenched my chest when I felt a stabbing pain right in my heart. How did we get here, Kobe? We used to be so happy and in love. How did we end up living miserably?

"You know what?" I heard him gulp. "Peter told me that I should look into your background. Kasi sinabi ko sa kanya na parang... parang anak ko si Gayle." Humikbi siya. "Pero natatakot ako... takot na takot ako. Bakit gano'n, Karsen? B-bakit parang hindi ko kayang malaman na nagsinungaling ka sa 'kin... na itinago mo siya sa 'kin... dahil lang hindi mo na 'ko mahal? D-dahil lang ayaw mong ang katulad ko ang magiging tatay niya."

Hinang-hina ako sa mga sinasabi niya. It was his confession... and his long-buried agony. For the first time in years, I regretted everything I told him... seeing how painful it was for him.

"I held a memorial service for her. Do you know that?" Muling nabasag ang tinig niya. "I'm all alone. I don't want anyone to mention your name... because I wanted to be mad. I wanted so badly to hate you. K-kasi biglang hindi mo na lang ako mahal. K-kasi ang sakit-sakit na nga na nawala ang anak natin tapos... tapos iniwan mo pa 'ko."

I'm so sorry, Kobe... I'm so sorry.

"B-bakit ayaw mo na sa 'kin? Dahil ba naging abala ako sa concert? Dahil ba pinabura ko kay Jennifer 'yong post niya? Dahil ba masyado nang magulo?" He sobbed quietly. "Ano'ng mali sa 'kin, Karsen? Bakit ayaw mong ako ang maging ama ni Gayle? At kung anak ko talaga siya... saan mo ako ilulugar sa buhay n'yo?"

I stood up and removed all the tears from my cheeks. I couldn't stand hearing his cries again... kasi alam kong ako ang dahilan noon. Nagkamali ako, tangina, nagkamali na naman ako. At that time, I did what I thought was best for us... ni hindi ko man lang inisip na hingin ang opinion niya. I thought I had done him a favor.

Nagtama ang tingin namin. Namumungay pa rin ang mata niya at puno ng luha ang pisngi.

He smiled sadly. "I wanted to be mad at you, but when I saw you after so many years, looking so beautiful and happy... I realized that I was just angry because I missed you."

Tumalikod ako at huminga nang malalim. Today isn't a good day to talk about it... but I made up my mind to tell him everything when the time has come.

"You're really unfair. Tumigil ka na lang biglang mahalin ako, samantalang ako... ilang taon na... ikaw pa rin."

Lumabas ako ng silid. My vision was blurry and I could feel my heart being ripped into tiny pieces. He was in so much despair because of my decision to leave him.

Narinig ko ang pagtawag ni Felice sa akin pero dumiretso na ako palabas ng bahay. Pumara ako ng taxi at nang makauwi ay muling bumuhos ang masagana kong luha.

Lord, what did we do to deserve this?

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Ni hindi ko na nasundo si Gayle kina Eddie dahil halos buong gabi akong umiiyak para sa amin ni Kobe.

That same night, I decided to be honest with him. Kung magagalit ang nanay niya sa akin, wala na akong pakialam. Kobe and I had suffered enough. If I had known he was still hurting, I would have done it sooner.

I was so ready to tell him everything calmly... but it seemed like fate... that stupid fate, had other ways of letting him know.

Apat na araw matapos ang insidenteng iyon, sa kalagitnaan ng gabi, ay bigla na lang umiyak si Gayle. Maghapon siyang tahimik kaya nagulat ako sa pagsigaw niya.

"Mimi!" reklamo niya habang nagtatrabaho ako.

"Anak, bakit? Nagwo-work si Mommy," sabay lingon sa kanya.

"Mimi!"

Sinabunutan niya ang sarili at pinukpok ang ulo, dahilan para mataranta ako.

Saulo ko ang mga pag-iyak niya... and this... I was certain that it wasn't because she was throwing a tantrum.

Lumapit ako sa kanya at umusbong ang labis na takot sa puso ko nang mahawakan ang katawan niya. She has a high fever. Agad ko siyang binalot sa manipis na kumot nang manginig siya sa lamig. Her lips were twitching, and I became alarmed as she began to scream in pain.

I panicked. "B-baby, wait lang..."

"M-mimi!"

Parang nilalatigo ang puso ko habang naririnig siyang sumisigaw sa sakit. Mabilis kong kinuha ang bag ko at binuhat siya palabas ng apartment. Ramdam ko ang pangangatal niya habang yakap-yakap ko siya. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa sakayan pero dahil malalim na ang gabi ay wala na masyadong dumadaan.

"Mimi..."

A tear fell from my eye. "B-baby... shhh... nandito si Mommy."

Hindi mababayaran ang takot ko habang nakasakay kami sa taxi. Punong-puno ng luha ang mata ko dahil sa mga daing ni Gayle. I don't know what to do... and that's really painful. Na wala kang magawa dahil hindi mo kayang tanggalin ang sakit na nararamdaman niya. This was my biggest fear as her mother. Kaya kong tiisin ang lahat para sa kanya, pero hindi ko kinakaya tuwing nagkakasakit siya.

Tumakbo ako sa nurses' station bitbit ang anak kong nakabalot sa manipis na kumot at nanginginig.

"T-tulungan n'yo po ang anak ko, p-please..." pagmamakaawa ko.

Mabilis silang dumalo sa akin. Halos maglupasay ako sa sahig ng ospital habang naririnig ang malakas na pagtangis ni Gayle. Sumuka siya at wala akong ibang nagawa kung hindi ang paulit-ulit na haplusin ang likuran niya.

Agad naman siyang na-i-confine. Naiwan akong iyak nang iyak sa tabi niya habang pinapanood siyang matulog. Ni hindi ko na nadala ang cellphone ko dahil sa pagmamadali kanina.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahawak sa kamay niya, taimtim na nananalangin na sana ay hindi malala ang sakit niya.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong maliwanag na. Hindi ko saulo ang cellphone number ng mga kaibigan ko kaya hindi ako makahingi ng tulong sa kanila. Hindi naman ako puwedeng umuwi dahil ayokong iwanang mag-isa rito si Gayle. I'm sure I'll find a way... like I always have.

"Ma'am..."

Napatingin ako kay Dr. Yesha na may bitbit na tsinelas. Tumingin siya sa paa ko at walang imik na isinuot iyon sa akin. My heart throbbed. I didn't even realize that I was barefoot.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"D-doc... ang anak ko..." I sobbed in front of her.

She softly brushed my hand. "I referred her to a pediatrician. Don't worry..."

"Ano pong gagawin ko, doc?" hinang-hinang tanong ko. "H-hindi naman niya masabi kapag may masakit, eh..."

Niyakap niya ako at hinayaang umiyak.

Nasa ganoon kaming posisyon nang bumukas ang ward curtain. Pumasok ang isa pang doctor bitbit ang chart. I felt miserable. Ni hindi ko man lang maikuha ng private room si Gayle dahil sa mahal ng bayarin.

"Mother po kayo ni Hikari Gayle Navarro?" the doctor asked calmly.

Tumango ako. Nagpaalam si Dr. Yesha sa amin bago lumabas ng ward.

"We ran tests po, pero makukuha lang po ang resulta after 24-48 hours. Binigyan po namin ng IV Paracetamol si Hikari para mabilis na bumaba 'yong lagnat niya," he explained. "Sa ngayon po, mommy, bawal muna sa solid food si baby. More on water intake din po dapat. Babalikan ko po kayo kapag nakuha ko na 'yong resulta."

Wala akong ibang masabi. I was too worried to speak.

"Kapag po tumaas ulit ang lagnat niya, may nurse po na nakabantay sa labas."

Natulala ako nang umalis siya. Kung puwede lang kunin ang sakit ng anak ko ay walang pagdadalawang-isip kong kukunin iyon sa kanya. She'd already been through so much... and watching her experience even more suffering shattered a part of me.

"Mimi..."

Naalerto ako nang magising siya. Pinilit kong ngumiti sa kanya dahil ayokong maramdaman niya na mahina ang nanay niya.

"Hmm? Saan masakit, baby?"

Kumibot ang labi niya. "Toli, mimi..."

Parang may tanikalang sumakal sa puso ko nang marinig ang katagang iyon sa kanya. Mabilis kong pinalis ang luha na tumulo sa pisngi ko at malambing na hinaplos ang mukha niya.

"Marunong ka nang mag-sorry?" Lumunok ako nang maramdaman ang isang hikbi na gustong kumawala sa lalamunan ko. "Ang dami mo nang alam na words. V-very good naman ang baby ko..."

Her small hands reached for my face and pulled it closer to her. She planted a kiss on my nose, and I tried my best not to cry in front of her.

"Toli, mi...."

They said that people with autism have trouble empathizing with others... but here she is, apologizing for being sick. They said that people like her don't like cuddling... but my Gayle can't last a day without hugging and kissing me.

Yes, she has autism, and she only knew a few words, but I could proudly say that her favorite among them was Mimi.

Dinalhan kami ng lugaw ng nurse at kahit ayaw ni Gayle ay pinilit ko siyang kumain. I begged her to. Pinainom ko rin siya ng maraming tubig dahil iyon ang sinabi ng doctor. Maghapon ko siyang binantayan. Tulog siya nang tulog at sa tuwing umiinom ng tubig ay agad siyang sumusuka. Parang lahat ng kinakain niya ay inilalabas niya lang.

"Mommy, hindi po kayo umuwi?" tanong ng doctor ni Gayle sa akin kinabukasan.

Umiling ako. "Wala pong magbabantay."

"May nurses po tayo. Para makakuha rin po kayo ng gamit ni Hikari."

"Mamaya po siguro... ako po kasi ang hinahanap niya lagi, eh." Tumango siya. "Uhm... may resulta na po ba?"

Muli siyang tumango. "Based on the tests po na we conducted, Hikari has dengue. Mababa po ang platelet count niya, suka nang suka at pabalik-balik din 'yong lagnat... which is the common symptom ng dengue," he said. "'Yong platelet po 'yong tumutulong sa katawan natin sa blood clotting. The normal platelet count po ay more than one hundred thousand per cubic millimeter ng dugo, pero 'yong kay baby po ay bumaba sa thirty-four thousand."

Sandali akong natahimik bago nagsalita. "P-paano po ang gagawin ko, doc?"

"Wala po kaming stock ng A- at naghahanap po kami ngayon sa ibang ospital. Kailangan pong masalinan siya ng dugo para hindi na mas bumaba 'yong platelet count niya. Bawal po siyang kumain ng colored food para malaman kung may internal bleeding ba siya... saka iyon, bawal pa rin ang solid food para hindi po siya mahirapang dumumi."

I was so tired that I felt nothing but pity for Gayle.

"Paano po kapag walang nakuhang dugo?" Napayuko ako. "Paano po kapag bumaba ulit 'yong platelet count niya?"

"Kapag po wala kaming nahanap ngayon, kailangan po natin ng donor."

Nang makaalis ang doctor ay ipinaalala ko sa sarili na hindi ako puwedeng panghinaan ng loob ngayon. Ibinilin ko sa isang nurse si Gayle habang mahimbing ang tulog niya. Umuwi muna ako para ikuha siya ng gamit.

I texted all my friends about Gayle's condition, and Eddie said that he would cancel his classes and go to the hospital right away. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. I was taking deep breaths while packing Gayle's necessities. Dinala ko rin ang paborito niyang manika para hindi siya sobrang malungkot.

Pagbalik sa ospital ay naroon na si Eddie at nakaupo sa monobloc sa tabi ni Gayle. Nang makita ako ay agad siyang lumapit sa akin at binalot ako sa isang mainit na yakap. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak sa kanya.

Nang umaga ring iyon ay tumawag si Ate Kat at sinabing darating siya rito sa isang araw. Ganoon din si Mill. Si Mari naman ay maya't maya ang tawag para kumustahin ako at si Gayle.

Everything felt like a blur to me. Kahit alam kong nariyan ang mga kaibigan ko ay hindi maalis ang takot at pangamba ko.

Nang dumating ang doctor ay hawak ni Eddie ang kamay ko. Nagpalipas din siya ng gabi rito dahil hindi niya raw kayang iwan ang inaanak niya.

"Mommy, kailangan po natin ng blood donor as soon as possible, dahil magiging delikado po ang lagay ni Hikari kapag lalong bumaba ang platelet count niya."

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Eddie. Hindi ko na nasundan ang mga sunod na sinabi ng doctor dahil wala nang pumapasok sa utak ko. Hindi kami magka-match ni Gayle kaya hindi ako puwedeng mag-donate sa kanya. Wala rin sa mga kaibigan ko ang ka-match niya.

I consider all of the people I know... yet I can only think of one.

"Si Kobe..." bulong ko sa sarili.

"Karsen," kinakabahang sabi ni Eddie.

I gulped. "Ka-blood type ni Gayle si Kobe."

"Are you sure about this?"

"Hindi ko alam, Eddie..." There was a long pause. "Pero kailangan 'to ni Gayle."

Nagpaalam ako sa kanya na pupuntahan ko si Kobe. He was nervous about me, but I assured him that I could handle it. This isn't how I imagined telling Kobe that Gayle is our child, pero wala akong puwedeng aksayahing oras dahil hindi ko na kayang makitang nahihirapan ang anak ko.

Sa pad niya ako pumunta. I wasn't sure if he was here, but this was the only place I could go to... not his family's mansion. I faintly pressed his doorbell twice, silently praying that he would open the door.

Please be here... I need you to be here.

When the door opened and he stood right in front of me, I felt a tear escape my eye.

Sinaulo ko ang mga dapat sabihin sa kanya... ang rason kung bakit ko itinago si Gayle, ang paghingi ng tawad at ang pagsusumbong sa kanya tungkol sa dinanas ko sa mga tao sa paligid niya. I memorized it all because he deserved a long explanation.

But right now, all the words seem so difficult to utter.

"Kobe..." My voice was small and weak. "K-kailangan ka ni Gayle."

My heart clenched in pain. I couldn't see his expression because my eyes were filled with tears. I walked over to him and rested my head on his chest, ignoring the fact that I might wet his shirt.

With my eyes closed and quivering lips, I whispered, "Please... save our daughter."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro