Chapter 38
I didn't know how to face Kobe after that. Tatlong linggo siyang hindi nagpakita sa canteen kaya akala ko ay hindi na ulit siya babalik. Sa loob ng mga araw na iyon ay naglalaro sa isip ko ang pagkikita nila ni Gayle. Mayaman siya. He has all of the necessary connections to look into our child's background. One phone call and he would know everything there was to know about Gayle.
But, judging by how he approached me, I don't think he did anything like that. I was aware of his strong desire for privacy, and perhaps I should be grateful that he allowed me to live my life freely.
"Coffee," sabi niya sa akin.
Hindi gaya ng mga nahuli niyang pagpunta sa canteen, mas maaga siya ngayon. Wala pang alas nuebe ay nandito na agad siya. I wanted to be shameless and ask him why he was gone for three weeks, but I didn't have the courage to speak my mind.
"Black?" tanong ko.
"Yeah."
I made his coffee and, after paying for it, he went back to his seat. Lumipas ang mga oras na hindi man lang niya inalis ang tingin sa laptop. He must be really busy. Hindi rin naman kasi madaling mag-handle ng kumpanya kaya nakapagtataka rin na may oras pa siya para silipin ang progress ng ipinapagawa niyang building.
I was expecting rumors about his interaction with Gayle, especially that it happened in a public place, but nothing appeared. Ayaw ko rin na mangyari iyon dahil ayokong madamay ang anak ko sa ingay ng mga tao sa paligid niya. I've had the horrible experience of being thrown into the spotlight only to be greeted with hateful comments from people who didn't even know how I lived my life.
Sa sulok ng canteen nakaupo si Kobe kaya nang dumating si Gayle kasama si Ma'am Hilario at ilang kaklase mula sa special education class para mananghalian ay hindi niya napansin ang lalaki.
"Mimimimimimimi..." she sang while watching me open her lunch box. "Yabyu, mimimimimi..."
Napangiti ako. Maraming tao sa canteen at panatag ang loob kong hindi mapapansin ni Gayle si Kobe. Ibinigay ko sa kanya ang kutsara at tinidor bago siya nilagyan ng bib. Medyo hirap at makalat pa rin siyang kumain pero dapat ay sanayin ko na siya habang maaga pa.
I watched her eat. Maayos na nakatirintas ang buhok niya kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Tuwing nalalaglag ang ibang butil sa hita niya ay inaalis ko agad. Pinupunasan ko rin ang bibig niya kapag kumakalat ang ketchup doon.
Matapos kumain ay inayusan ko ulit siya. Pinabanguhan at pinulbusan. She was dancing and singing while I was doing that. Hindi niya rin nakalimutang patakan ako ng halik sa pisngi bago ko siya ibigay kay Ma'am Hilario.
"Pinapanood niya kayo," sabi ni Ma'am sa akin.
Napakurap ako. "Sino po?"
She smiled. "Alam kong kilala mo ang tinutukoy ko."
Something tugged at my heart, but I still gave her a smile. She tapped my shoulder before carrying Gayle. Kumaway ang anak ko sa akin habang paulit-ulit na sumisigaw ng, "Bye, mimi!"
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Kobe habang nakatayo sa tapat ng cash register. Kagaya kanina ay nasa laptop pa rin ang buong atensyon niya. May suot siyang earphones habang nakatuon ang siko sa mesa. He placed his chin on his knuckles and looked as if he was deep in thought. After a few seconds, he breathed heavily and pulled off his earphones.
Nang tumayo siya ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Kanina pa siya nandito. Siguro ay uuwi na siya.
But from my peripheral vision, I saw him in front of Felice. Mukhang umoorder. I stood properly and waited for him in the cash register. He ordered pork sisig and two cups of rice. Narinig ko iyon nang klaro kaya pagkarating niya sa tapat ko ay alam ko na agad kung magkano ang dapat niyang bayaran.
"Eighty," sabi ko.
Walang imik siyang nagbayad. Nang makuha ang sukli ay bumalik siya sa upuan at muling nagtrabaho. Matapos lang ang isang oras ay umalis na rin siya.
Our days and weeks went on like that. Tuwing weekend ko lang siya hindi nakikita. Ma'am Hilario would often tell me that he was always watching us eat. Hindi ko alam kung totoo iyon dahil hindi ko naman siya nahuhuling nakatingin sa amin. Thankfully, hindi rin siya nakikita ni Gayle. My daughter was always preoccupied with her meal and her excitement about returning to class.
Parang naging parte na ng araw ko ang abangan ang pagdating ni Kobe. Minsan ay alas nuebe ng umaga, minsan ay mas maaga pa. Lagi siyang umoorder muna ng black coffee bago magtrabaho.
I didn't understand why seeing him enter the canteen always made me feel as if my day had begun on the right foot. Whenever my heart jumped a pulse at the sight of him, I would shake my head and remind myself that the last time I gave in to my emotions, I had hit rock bottom.
Kobe is a perfect guy. He has a good personality and he will always make you feel like you're the most beautiful girl in his eyes, given the fact that he is surrounded by models and celebrities. He will go to great lengths to assure you that you are the only girl in his life, even if it means sacrificing everything he has just to make you happy.
He loved me selflessly... kaya siguro sa mga nagdaang taon ay hindi ako sumubok umibig ulit. Lahat ng pagmamahal na mayroon ako sa kanya ay ibinuhos ko sa anghel na iniregalo niya sa akin. I filled my child with love so that she wouldn't feel like she was lacking.
Kobe is a perfect guy, but sadly, not for someone like me.
"Tulala ka na naman," sabi ni Felice.
I smiled. "May iniisip lang."
Humigit siya ng monobloc at umupo sa tabi ko. Wala kami sa counter dahil wala namang customer. Nasa mesa lang kami at naghihintay na matapos ang shift.
"Alam mo, Karsen, sobrang idol kita." Humalakhak siya. "Hindi ko kaya ang haba ng pasensya mo kay Gayle."
I shrugged. I often hear that. Kina Marcus, Mill, Mari, at Eddie. Si Ate Kat lang ang laging nagpapaalala sa akin na hangga't kaya ay magtiis ako. She assured me that Gayle would grow up and the tantrums would stop... that all I was going through now would be worth it in the end.
"Normal ang anak ko pero hirap na hirap na akong alagaan. Ang kulit kasi. Minsan nga ay napapalo ko. Sumasagot pa, eh," dagdag niya pa.
Umiling ako. "'Wag. Baka paglaki n'yan, lumayo ang loob sa 'yo. Pati, masarap makinig sa bata. Subukan mo. Mare-realize mong may point sila, at minsan, ikaw 'yong mali."
She clicked her tongue. "Hindi ko kaya, girl. Naiinis ako kapag nagkalat ang mga laruan niya tapos ang galing pang mangatwiran."
I sighed. "Hindi mo ba puwedeng turuan maglinis?"
"Parang ang simple naman no'n."
"Practice," sagot ko. "Si Gayle, hirap na hirap kumain 'yon dati, pero dahil nagpa-practice kami, kaya niya nang hawakan nang maayos ang kutsara at tinidor. I'm telling you, sobrang kalat kumain. Nakakailang palit ako ng damit niya. Tapos kapag may online teaching ako, umiiyak pa 'yan kapag hindi ko karga." I chuckled. "Pero kinausap ko siya... kahit na hindi ko alam kung maiintindihan niya ako... tapos ngayon, tahimik na lang siyang naglalaro sa tabi ko habang nagtuturo ako."
She pouted.
"Feeling ko hindi naman kailangang daanin lahat sa dahas. Oo, nakakagigil talaga, pero wala namang ibang magtuturo sa anak natin kung hindi tayo. Kung papaluin at sisigawan natin sila tuwing nagkakamali sila... they will grow up fearing us. So, in the future, if they mess up... who will they run to? Matatakot silang magsabi sa 'tin kasi iisipin nilang magagalit tayo."
"Ah, nakakainis! Bakit tama ka?"
I chuckled. "Instead of punishing them when they do something wrong, teach them how to do things correctly so they don't make the same mistakes again. Kapag inulit, turuan ulit. No one really gets it right on the first try. Hindi tayo puwedeng magsawa dahil responsibilidad natin 'yon bilang magulang."
Naghalumbaba siya. "Hindi ka ba napapagod?"
Napaisip ako. "Parang wala naman akong oras para mapagod."
Her eyebrows met. "What do you mean?"
"Tuwing alas sinco ng umaga, gumigising kami ni Gayle para pumasok dito sa trabaho. Pagkatapos ng shift, ilang oras lang ang meron ako dahil may isa pa akong work. I'd sleep for four hours or less, tapos ganoon ulit. Nakakasanay naman ang pagod, eh, kasi lagi ko nang ginagawa."
She heaved a deep breath while looking at me in disbelief. "Napaka-perfect mo namang nanay. Hindi kita keri, girl. Kung ako 'yan, ang dami ko nang reklamo."
Napatawa ako. "At kanino naman ako magrereklamo?"
"Swerte ni Gayle sa 'yo," nakangiting sambit niya, hindi pinansin ang tanong ko.
My heart warmed. "Swerte rin ako sa kanya, 'no! Isang tawag lang sa akin ng mimi no'n, tunaw na tunaw na 'ko." My lips stretched when I remembered her smile.
"Saka, hangga't hindi pa siya exposed sa mundo, na hindi sobrang tanggap ang katulad niya, gusto kong makita niya kung paano ko siya tratuhin. In that way, she would know if she was being mistreated." Naiwan lang ang tingin ni Felice sa akin. "Hindi naman ako ginaganito ni mimi... kaya bakit hahayaan kong ganituhin ako ng iba? See? Magkakaroon siya ng pagkukumparahan."
"Wow... na-realize ko kung gaano ako kagagong nanay," tawa niya.
"Hindi, ah!" reklamo ko. "Just show your love to your child a little bit gentler."
Sa tagal ng pag-uusap namin ay naabutan na kami ni Ma'am Hilario sa ganoong ayos. Hawak niya si Gayle na agad namang tumakbo papunta sa akin. Pasimple akong tumingin sa direksyon ni Kobe at napalabi ako nang makitang wala na siya roon. Ni hindi ko man lang namalayan na nakaalis na siya.
We were preparing to leave when the rain suddenly poured down.
"Jusko naman, ngayon pa talaga!" reklamo ni Felice. "Teka at susunduin ko lang ang junakis ko. Hindi na 'yon makakasugod dito."
Nang makaalis siya ay nagpaalam na rin ang ibang canteener. Si Ma'am Hilario naman ay matitira dito dahil mamayang alas sinco pa ang out niya.
"Ingat kayo," aniya nang buhatin ko si Gayle. Sa likod ko ay ang malaking backpack ng gamit naming dalawa.
"Salamat po, ma'am. Ingat din po kayo."
Binuksan ko ang payong. "Kapit nang maiigi, Gayle."
She buried her face in my neck. Marahan akong naglakad mula sa canteen hanggang sa waiting shed. Parang galit na galit ang langit sa lakas ng buhos ng ulan. Bigla ko tuloy naalala ang mga trabahador. Baka mamaya ay wala silang masukuban. Mahirap pa namang magkasakit ngayon.
Kasama kong naghihintay ng masasakyan sa waiting shed ang mangilan-ngilang estudyante. Naramdaman ko ang banayad na paghinga ni Gayle sa leeg ko, tanda na nakatulog na siya. Hinawakan ko ang likod niya para malaman kung nabasa ba iyon at sa awa ng Diyos ay tuyong-tuyo naman siya. Mabilis siyang dapuan ng sipon at ubo kaya as much as possible, ayokong matutuyuan siya ng pawis.
Punuan ang mga dumadaang jeep. Kung hindi naman ay nauunahan ako ng mga estudyante. Hindi kasi ako puwedeng basta na lang tumakbo sa ulan lalo at karga ko si Gayle. Mahirap din makipagsiksikan.
Uminat si Gayle at antok na antok na tumingin sa paligid.
"Ay, ang cute no'ng abnoy," sabi ng isang estudyante habang nakatingin sa anak ko.
Nagtagis ang bagang ko sa inis. "Abnoy?"
"Sorry po!" sabi niya agad.
I calmed down a bit. "Sa susunod, puwedeng tawagin mo na lang na bata."
Yumuko siya. "Opo, pasensya na po."
Lagi ko iyong naririnig sa mga estranghero sa paligid at kapag may pagkakaton ay pinagsasabihan ko sila. Mas matanda man sa akin o mas bata. I hate it when people refer to her like that because it makes me feel like they are looking at her as a disorder rather than a child. Ang taong may cancer, hindi naman tatawagin na 'cancer' at ang taong may aids, hindi naman tatawagin na 'aids'. So why can't they be sensitive enough to other disorders?
Nanlumo ako nang halos isang oras na ang lumipas at hindi pa rin kami nakakasakay. The rain continued to fall heavily, and I was pretty convinced that the classes would be canceled tomorrow.
While waiting, a familiar sports car parked in front of us, making my heart thump aggressively against my chest.
Kanina pa siya nakauwi... anong ginagawa niya rito?
Ibinaba niya ang salamin sa gilid ng passenger seat at kasabay ng pagsinghap ng mga tao sa paligid ko ay ang pagtatama ng mga mata namin ni Kobe.
"Hop in," malalim ang boses na utos niya.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. His words didn't register in my mind right away. Ano bang ginagawa niya rito? Balak niya ba talagang i-expose sa publiko ang katauhan niya?
"You're still so slow." He rolled his eyes. "Hop in," mas madiing sabi niya.
Bago pa siya tuluyang dumugin ng mga tao ay sumakay na ako. A few seconds after I put Gayle in my lap, he sped up.
I cleared my throat nervously. Nakasubsob ang mukha ni Gayle sa dibdib ko, malalim na malalim ang tulog.
"Ano... baka ma-issue ka," I whispered.
"My bodyguards will take care of that," walang lingong sagot niya. "Where do you live?"
"Ha?!" bulaslas ko. Tinapunan niya ako ng tingin kaya agad akong nagdahilan. "I-ibaba mo na lang kami sa... ano... sa susunod na sakayan."
His eyes went back to the road. "Your daughter looks uncomfortable. Maghihintay ka pa?"
Umiling ako. "Hindi... sanay naman sa ganito 'to."
"And you? Your bag looks heavy," pagsusungit niya.
"S-sanay rin ako."
He frowned. "Just tell me where you live. I'll drop you off."
Wala akong nagawa kung hindi ang sabihin sa kanya ang address namin. Bukod sa ayokong galitin siya ay napansin ko ring matatagalan kami sa pagsakay lalo at dumarami ang mga estudyanteng papauwi. We were silent the whole trip. Dahil sa matinding traffic ay tumatagal kami sa daan.
I looked at the window to calm myself. Hindi ko siya magawang tanungin kung bakit siya bumalik sa school dahil pakiramdam ko ay mauutal lang ako.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kung ano sa binti ko kaya napatingin ako roon. It was a black face towel.
"Your shoulder is wet," sabi niya bago pa ako makapagtanong.
Mabilis siyang sumulyap sa akin at nang makitang hawak ko ang towel ay ibinalik niya ulit ang tingin sa daan.
Marahan kong pinunasan ang balikat ko at hindi ko maintindihan kung bakit naninikip ang dibdib ko habang ginagawa iyon. Maybe it was the rain that made me emotional, but the thought of having someone who would fetch you from work just made my heart bleed.
"Sa gate na yellow," sabi ko kay Kobe nang makarating kami sa apartment.
Itinapat niya ang sasakyan doon. Napalunok ako nang makita ang ginawa niyang pagtitig sa maliit naming apartment.
"Thank you," I muttered gently.
Lumipat ang tingin niya sa akin kaya nataranta ako.
"Uhm... papasok na kami."
He heaved a sigh. "Wait here."
"Ha? Bakit?"
Hindi niya na ako sinagot. Kinuha niya sa akin ang basa kong payong at walang pasabing lumabas ng sasakyan. The umbrella looked so small to him. Umikot siya sa puwesto ko at binuksan ang pinto.
"Let's go," madiing sabi niya.
Sa takot sa kanya ay agad akong lumabas, buhat-buhat pa rin si Gayle.
"Nababasa ka!" sigaw ko nang itapat niya sa amin ang payong.
He glared at me. "Bilisan mo na."
"Ha? 'Y-yong bag ko..." Hindi ko alam ang uunahin. Mabilis siyang nabasa ng ulan dahil sa amin niya lang isinukob ang payong.
"Babalikan ko mamaya. Just walk to your door."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago sundin ang gusto niyang mangyari. Inihatid niya kami sa tapat ng pinto at binagbag ako ng konsensya ko nang siya pa ang bumalik sa sasakyan para kunin ang bag ko. The cold breeze brushed my skin as the wind blew. Basang-basa ng ulan si Kobe at kung nilalamig ako, sigurado akong mas nilalamig siya.
Binuksan ko ang pinto at nang makalapit siya sa amin ay ipinatong niya ang bag ko sa tuyong sahig.
His thick, messy hair was all wet, and I could see his masculine body through his damp white long-sleeved polo. Namumula ang labi niya at kunot na kunot ang noo.
"Pasok ka," mahinang sabi ko.
Hindi ko maiabot ang face towel na ipinahiram niya sa akin dahil basa rin iyon. I just felt guilty. Siya na nga ang nagmagandang loob, siya pa ang naabala.
"Don't do things you're not comfortable with."
Iniawang ko ang pinto at umiling sa kanya. "Magpatuyo ka lang..."
Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya. Tumalikod ako at pumasok sa kwarto para ilagay sa kama si Gayle na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Hindi naman niya kailangang magbihis agad dahil hindi naman siya nabasa. Matapos iyon ay binalikan ko si Kobe sa sala. Nakatayo pa rin siya habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Upo ka..." kinakabahang sabi ko habang itinuturo ang sofa sa kanya.
He shook his head. "Mababasa 'yan."
"Ah, oo nga!" I chuckled awkwardly. Kumuha ako ng monobloc sa kusina at ibinigay sa kanya. "Pasensya na... wala kaming mas maayos at komportableng upuan d'yan."
Walang reklamo siyang naupo roon. Iniwan ko siya saglit para kumuha ng tuwalya. I bit my lower lip when I noticed that all of our towels were pink. Kinuha ko rin ang puting T-shirt at gray na sweatpants ni Eddie na naiwan niya rito noong nag-inom kami. Branded din naman 'to. Hindi naman siguro nakakahiyang ipasuot muna kay Kobe.
I was trembling when I went near him. Nakatingin siya sa makalat pero nakasalansan na mga laruan ni Gayle. The dolls were lined up in a row, with the toy cooking set behind them.
I cleared my throat to get Kobe's attention. "Ano... hindi ko inaayos 'yan kasi nagagalit si Gayle kapag ginagalaw ko ang mga laruan niya," sabay abot ng towel at damit sa kanya.
"She arranged them like that?"
Tumango ako. "Ayun pala 'yong banyo para makapagbihis ka." Itinuro ko ang maliit na pinto bago tumikhim. "M-magluluto lang ako saglit ng hapunan. Gusto mo ba ng kape?"
"I'm good."
I forced a smile. "Sige, tawagin mo na lang ako kapag may problema."
Pumunta ako sa kusina at naghanap ng puwedeng lutuin. Hindi pa ako nakakapag-grocery kaya wala kaming masyadong stock. Dahil malamig ay arroz caldo ang napagdesisyunan kong iluto. Nagprito rin ako ng ham at nagsangag ng bahaw na kanin.
"Karsen."
My heart hammered when Kobe called my name. It was the first time he called me after years of not seeing each other.
"Magpalit ka rin ng damit mo," aniya pa.
I swallowed hard before facing him. He was drying his hair with the towel I gave him. Dahil mas maliit si Eddie sa kanya ay hakab na hakab sa katawan niya ang puting T-shirt nito. Medyo bitin din ang sweatpants.
"Hindi na! Matatapos na rin naman akong magluto." Ngumiti ako para itago ang pagwawala ng dibdib ko. "Maupo ka na lang d'yan."
Ngunit lalo akong kinabahan nang naglakad siya palapit sa akin. Ipinatong niya ang pink na towel sa balikat niya at sinilip ang niluluto ko.
"Magbihis ka. Ako na muna rito."
I shook my head. He was so near me, and I wasn't sure if my heart could handle seeing him this close.
"Kaya ko—"
Inagaw niya ang sandok sa akin. "'Wag ka nang makulit."
I breathed deeply. "Ikaw ang makulit, eh."
Pairap siyang tumingin sa akin. "Magbihis ka na."
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya. He was so persistent. Sa dami ng mamamana na anak namin sa kanya, iyon pa talaga ang pinili ng syensya.
Kumuha ako ng towel, T-shirt, at shorts bago pumunta sa banyo. Dapat ko na rin palang gisingin si Gayle dahil kapag humaba ang tulog niya ay baka wala na siyang itulog mamaya. Pagkatapos mag-half bath ay tinuyo ko ang nabasang dulo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Nagsuklay na rin ako.
Nang lumabas ako ng banyo ay naamoy ko ang niluluto ni Kobe, dahilan para mapangiti ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at kumunot ang noo ko nang mapansing wala na roon si Gayle.
Dali-dali akong pumunta sa kusina at agad na nanlaki ang mata ko nang makitang nakaupo na sa countertop si Gayle habang kinakalabit ang braso ng ama. Pinanood ko kung paanong tumawa ang lalaki nang tapunan niya ng tingin si Gayle na malaki ang ngiti sa kanya.
"Gayle!" tawag ko sa anak bago sila lapitan.
Binuhat ko siya pababa pero naiwan ang tingin niya kay Kobe. His large hand tapped her head gently, making her giggle once more.
"Umupo na kayo," sabi ni Kobe matapos patayin ang stove.
"Ako na ang maghahanda," agap ko agad.
Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa nakitang lambingan ng dalawa. Kumuha ako ng tatlong plato, ang isa roon ay maliit at may disenyo na barbie dahil iyon ang personal na ginagamit ni Gayle. Kumuha rin ako ng mangkok para sa arroz caldo.
Maliit lang ang mesa namin kaya magkatapat lang kami ni Kobe. Katabi ko naman si Gayle na mukhang tuwang-tuwa sa lalaki. Isinandok ko sila ng kanin at pinaglagay ng ulam. Isinunod ko ang arroz caldo bago tuluyang naupo.
"Kain na," I said awkwardly.
His eyes went down on my empty plate. "Ikaw?"
"Mamaya ako pagkatapos ni Gayle," sagot ko. "Makalat kasing kumain 'to. Hindi pa puwedeng hindi bantayan. Baka maitapon niya lahat."
He was silent for a moment. Sumandal siya sa upuan at tumingin kay Gayle. "Then feed her first."
Tumango ako. "Kumain ka na rin."
"Hindi pa 'ko gutom."
I chuckled nervously. "S-sige..."
Nagsimula sa pagkain si Gayle at hindi ko alam kung nagpapabida ba siya sa lalaki o ano dahil maayos siyang nakakain. May ilang butil pa ring nalalaglag sa damit niya pero hindi kasingkalat kapag kaming dalawa lang.
"Are you always like this?" mahinang tanong ni Kobe.
"Oo..." Pinunasan ko ang bibig ni Gayle. "Hanggang sa matuto lang naman siyang kumain nang maayos."
Kumuha si Gayle ng maliit na parte ng ham niya at nakangiting inabot sa lalaki. Napatingin ako kay Kobe na mukhang nagulat sa ginawa ng bata. He looked surprised and a bit nervous. Lumamlam ang mga mata niya at unti-unting napangiti.
"Should I?" he asked me.
Tumango ako. "Baka magtampo."
Kinuha niya iyon at malambing na nagpasalamat kay Gayle. Napayuko ako nang maramdaman ang panunubig ng mata ko. What I wouldn't give to see them together all the time. Kung iba lang ang mundo ni Kobe ay walang pag-aalinlangan kong ipaparanas kay Gayle ang pagkakaroon ng buong pamilya. If only his family and the people around him accepted me, I could've given my daughter an easier life... I could've lived an easier life.
Inabutan din ako ni Gayle ng pagkain niya at kahit hindi siya makatingin nang diretso sa akin ay kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Pinilit kong ngumiti bago kunin iyon sa kanya.
Matapos kumain ay tumakbo na siya sa sala para maglaro. Kahit nakaupo habang hawak ang mga manika ay sumasayaw siya sa labis na tuwa.
I took a deep breath and started eating. Ganoon din ang ginawa ni Kobe.
"Karsen," maya-maya'y basag niya sa katahimikan.
Hindi ako nag-angat ng tingin. "Hmm?"
Silence enveloped us. Hindi ko alam kung alam ba ang nakakaramdam ng tensyon sa aming dalawa.
"Can we talk?"
That was like a bomb to me.
My grip on the spoon and fork tightened. "T-tungkol saan?"
Para akong kakapusin sa hininga sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil natatakot ako sa maaari niyang sabihin. What does he know? Kaya ba siya lumapit ngayon ay dahil alam niya nang anak niya si Gayle? Kukunin niya ba ang anak ko sa akin?
"About your hit-and-run case."
Napabuga ako ng hangin. I faced him, even though I was aware that my lips were trembling.
"A-ano'ng meron?"
His jaw clenched while staring intently at me.
"It was Jason Hernando." Anger passed across his eyes. "He was imprisoned two years ago... I just felt like I needed to tell you."
Mr. Hernando... the one from Soul Production who insulted me to the core.
"I got him fired before, and he did that to you..." Huminga siya nang malalim na para bang hirap na hirap siya sa gustong sabihin. "To get back to me." Lumunok siya. "We managed to put him behind bars even though you didn't give a statement."
Galit na galit siya. Pansin ko iyon sa matinding emosyon sa mata at paraan ng pananalita niya.
Tumango ako. "H-hayaan na natin... tapos naman na."
He looked at me like he was taken aback. "What?"
I cleared my throat. "I mean, nakakulong na naman siya, 'di ba?"
"Wow," hindi makapaniwalang bulaslas niya. "Wow, Dawn Karsen."
My heart throbbed in pain when tears suddenly formed in his eyes. Tumingala siya at sarkastikong tumawa.
"K-Kobe..." nabasag ang boses ko.
Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay nalaglag ang luha niya. "Hayaan?"
He looked like he was in so much pain that I couldn't respond. It resembled his face when I broke up with him... and for the second time, I couldn't take it.
"Karsen," he called me helplessly. "Our child..." Another tear escaped his eye. "O-our child."
I harshly bit my lower lip when I felt tears rolling down my cheeks.
"Our child... died... because of him," he said slowly. Dumaan ang matinding sakit sa mukha niya. "Tapos, ano? Hayaan? Hindi ka man lang ba magagalit? H-hindi ka man lang ba... iiyak?" Sunod-sunod na naglaglagan ang luha niya. "I went to her grave today and cried for her again."
Tuluyan akong napahikbi. I closed my eyes tightly and imagined him weeping alone in front of an empty tomb. Nalimutan ko na ang araw na 'to dahil alam ko ang totoong sinapit ng anak namin.
"B-bakit ako lang ang nagluluksa sa 'tin?" nanghihinang tanong niya. "Karsen... why the hell do you look okay?"
Tumayo ako, I couldn't prolong this conversation any longer. "U-umalis ka na, Kobe."
"I trusted you."
"Umalis ka na!" sigaw ko.
"And I still do." Punong-puno ng pagmamahal ang mga mata niya nang tumingin siya kay Gayle. "I hope my instincts are wrong, because if they're not..." He looked at me. "I might die... again."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro