Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37


"Bakit mo sinabi 'yon?" inis na tanong ko kay Eddie nang makalabas kami ng canteen. "Baka mamaya maniwala silang may boyfriend ako."

Humalakhak siya. "Gusto ko lang, bakit ba? May ibang nakikinig, eh."

Umirap ako. "Siraulo ka. Walang pakialam sa gano'n 'yon."

"Teka nga." Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Bakit parang normal na lang sa 'yo?"

"Ang alin?" pagpapatay-malisya ko.

"Si Kobe!"

Pinandilatan ko siya. "Aba, syempre! Matagal na kaming tapos. Moved on na 'ko." I almost vomited on my own words.

Eddie shrugged. "Kanina pa ba siya sa canteen?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod siya sa akin. "Matagal-tagal na siyang pabalik-balik do'n. Ichi-ni-check niya ang progress ng building."

"Everyday?"

Tumango ako. "Sipag nga, eh."

"Hmm... suspish."

Hindi ko na siya pinansin. Sinabi niya sa akin na sa parking lot ako pumunta dahil naghihintay ang kapatid niya. Hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin ni Marcus na hindi niya kayang sabihin sa text. Si Eddie ang sumundo kay Gayle kaya nauna ako sa parking lot.

Agad ko namang nakita ang lalaki na nakasandal sa kotse niya. Maayos ang gupit ng buhok at maaliwalas ang mukha. Kumaway siya nang makita akong papalapit sa puwesto niya.

Umayos siya ng tayo. "Na-receive mo ba ang wedding invitation?"

"Yup, congrats. "

Ngumiti siya. "Nasaan si Gayle?"

"Kinukuha pa ng kapatid mo," sagot ko. "Bakit ka pala napadalaw rito?

"Nag-taste testing kami sa malapit kaya dumaan na ako... and I miss your daughter."

Tumango-tango ako. "Busy ka kasi, eh. Nasaan ba ang fiancé mo?"

"Nauna na. May trabaho pa raw siya, eh."

Itatanong ko sana kung saan sila nag-taste test nang mapatingin siya sa likuran ko. Nabasa ko ang pagdaan ng gulat sa mukha niya.

"Oh..."

Sinundan ko ang tinitingnan niya at nagwala ang dibdib ko nang makita si Kobe na supladong nakatingin sa sports car sa tabi ng sasakyan ni Marcus. Uuwi na siya?

"Ba't nandito 'yan?" bulong sa akin ni Marcus.

I sighed before tearing my gaze off of Kobe. "Mahabang kwento."

He laughed. "Delikado ka n'yan."

"Hindi, ah!" I scoffed. "Hindi naman ako ang dinadayo niya rito."

Tumunog ang sasakyan ni Kobe kaya napatingin ulit ako sa kanya. Magkasalubong ang kilay na para bang malaki ang galit sa sariling kotse. I took a step back when he looked at us. Kinabahan ako. Parang iritang-irita kasi siya sa akin.

"Milkshake?" kuha ni Marcus sa atensyon ko.

"Hmm?" I swallowed hard and focused my attention on him.

Tumawa siya bago ginulo ang buhok ko. "Tara, milkshake sa Sway's."

Ngumuso ako at pabirong hinampas ang kamay niya. Naging paborito namin iyon ni Gayle kaya alam kong hindi tatanggi ang anak ko roon.

"May trabaho pa 'ko." Ngumisi ako. "Pero kung libre mo, kaya ko namang i-delay."

He laughed again. "Of course."

Napaigtad ako nang malakas na isinarado ni Kobe ang pinto ng kotse niya. Sabay kaming napatingin ni Marcus doon. Kobe rolled down his window and gave us an annoyed look.

"You're blocking my way," inis na sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Nasa gilid kami ng sasakyan ni Marcus kaya puwedeng-puwede siyang umalis nang hindi sinasabi iyon. Hindi naman kami nakaharang!

I was about to complain when Marcus pulled me closer to him.

"I'm sorry," sabi niya pa.

Bumaba ang mata ni Kobe sa kamay ni Marcus sa siko ko. I stood there watching him clench his jaw and grin sarcastically before speeding away as if he was in a hurry.

Suminghal ako. Ganoon ba siya kagalit sa akin? Ni hindi ko na nga siya pinapansin para hindi na siya lalong mainis. Akala ko ba ay hindi na siya bothered? Bakit halatang matindi pa rin ang galit niya?

Narinig ko ang paghalakhak ni Marcus, dahilan para mapabaling ako sa kanya. He let go of my elbow and his eyes nearly disappeared from too much laughter.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo?"

Natatawang umiling siya. "You're really in danger."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil okupado pa rin ng galit na itsura ni Kobe ang utak ko. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay kausapin niya ang principal ng school para matanggal ako sa trabaho. Bakit ba kasi biglang sumikip ang mundo para sa amin? Ang tagal-tagal naming hindi nagkita tapos ngayon, araw-araw niya nang tinitiis ang presensya ko.

"Tito! Mimi!"

Naputol ang pag-iisip ko sa pagsigaw ni Gayle. Karga-karga siya ni Eddie at napatawa ako nang makitang sumasayaw na naman siya. She looked happy... and a bit dirty.

Kinuha ko siya kay Eddie bago kami pumasok sa kotse ni Marcus. Sinuklayan at pinulbusan ko siya. Hindi ko alam kung anong klase ng paglalaro ang ginawa ng anak ko dahil pawis na pawis ang likuran niya.

"Did you miss Tito?" tanong ni Marcus habang nagda-drive.

Humagikgik lang si Gayle. Maayos siyang naupo sa hita ko at hinayaan akong ayusin ang buhok niya.

"Nakipagsabunutan ka ba, anak?" natatawang tanong ko.

"Kamot nang kamot 'yan, girl. Baka may dandruff," saad ni Eddie.

Umiling ako. "Malinis ang anit nito."

"Ay siya, namomroblema 'yan sa lessons."

I chuckled. Itinapat ko ang mukha sa pisngi niya at hinalikan iyon. "Totoo nga, baby? Nahihirapan ka ba sa school?"

Tumingin siya sa noo ko at ngumiti. She couldn't look at me directly again. I poked her forehead and leveled my eyes on hers. Her smile widened. Humalik siya sa ilong ko at mabining tumawa.

"Ang landi naman ng mag-inang 'to," sabat ni Eddie.

Papunta sa Sway's ay puro si Gayle at ang kasal lang ang pinag-uusapan namin. Marcus didn't mention Kobe's name. Neither did Eddie. Hindi ko alam kung wala lang sila sa mood mang-asar o hindi lang talaga worth it pag-usapan ang lalaki.

I mean, it's been years. Things have changed. Noon ay halos itapon ko ang sarili kay Kobe kaya niya ako pinatulan. Ngayon, siguradong ako na ang gusto niyang itapon. His reaction earlier was solid enough as evidence. Naalala ko tuloy ang pagbanggit niya sa pangalan ni Marcus noong nakikipaghiwalay ako sa kanya. I didn't know how Marcus' name was dragged into our conversation, and up until now, palaisipan sa akin kung ano ang iniisip niya noong mga panahong iyon.

Pagkarating sa Sway's ay bahagya pa akong napatulala. Lumawak kasi ang lugar at mula sa puwesto ko ay napansin kong tatlong palapag na ito. Parang dati ay usap-usapan lang ang pagkakaroon nito ng second floor.

"Big time ka na talaga, Marcus," sabi ko sa kaibigan.

Tumawa siya. "Silly, that's not mine."

"Still!" giit ko. "Maraming branch ang Sway's, 'di ba?"

"Yup, twenty-three nationwide. That's the main branch. Pinakamalaki rin."

Pumasok kami sa loob. Buhat ko si Gayle at katabi ko namang naglalakad si Eddie. Nauuna sa amin si Marcus dahil bumati pa siya sa ibang staff. It made me smile. Noon ay isa siya sa mga nagtatrabaho rito pero ngayon ay nakapagbukas na siya ng sariling Korean restaurant.

It was truly amazing to see how much could change over time. There would be those who successfully thrived and... those who merely survived.

May mga taong maaabot agad ang pangarap nila. It might be because they were wealthy, privileged, or truly hardworking. Mayroon din namang pilit na gumigising na lang araw-araw para gawin ang mga responsibilidad na nakasanayan. The latter may not be considered what society has labeled as successful, but still, living through our silent and loud battles and being able to take little steps should be enough to make us proud.

Like me.

I may not have grown into the person I imagined myself to be, but I did raise an extraordinary child whom I could give my whole life to.

"Si DK ba 'yon?"

Nagpantig ang tainga ko nang marinig ang babae sa katabi naming mesa. Mabilis na lumipad ang tingin ko sa entrance at binalot ng kakaibang kaba ang dibdib ko nang makita ang lalaking tinutukoy nila.

I saw him casting a glance in our direction, making me even more nervous. Katabi ko lang si Gayle at sa oras na makita siya ng anak ko ay baka lapitan siya nito. Pansin na pansin ko kung paanong sipatin ng lalaki ang bata ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay binawi niya ang tingin.

"I knew it." Eddie chuckled. "How did he find out that we were here?"

Hindi ko maalis ang tingin kay Kobe. Maraming kumukuha ng larawan niya pero walang nangahas na lumapit sa kanya. I'm sure it was because he looked grumpy. Hindi ko alam kung may nakaaway ba siya sa lalim ng kunot sa noo niya.

"Eddie..." I looked at my friend. "Si Gayle."

My daughter was busy playing games on my phone, so she didn't have any idea that her idol was here.

Umiling si Eddie. "Hindi 'yan."

It didn't calm me a bit. Inihahanda pa lang ni Marcus ang inumin namin pero gusto ko na agad umalis sa lugar. I peered at Kobe, and my heartbeat doubled when he sat two tables away from ours. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito. Even when we were just starting our relationship, he never stepped into this place. Lagi niya lang akong sinusundo rito pero hindi naman siya pumapasok sa loob. What? Has he grown to like milkshakes now?

"Gayle, baby, puwede na ba tayong umuwi?" malamyos na tanong ko sa anak, hindi maririnigan ng kaba ang boses. "May work pa kasi ako."

She ignored me. Nagpatuloy siya sa paglalaro sa cellphone kaya gumuho ang pag-asa sa puso ko. Isang lingon niya lang sa paligid ay makikita niya na agad ang lalaki, especially since his presence really demanded attention.

Sumulyap ako kay Kobe at napanguso ako nang inilabas niya ang laptop na gamit niya kanina sa canteen.

So, magtatagal siya rito? May pad naman siya! Doon niya na lang gawin ang trabaho niya!

"'Wag kang magpahalata, Dawn Karsen," sabi ni Eddie, dahilan para alisin ko ang tingin kay Kobe. "Mabuti nga at walang nakakakilala sa 'yo bilang ex n'yan. Issue na naman 'yon."

"Matagal na kasi 'yon," diretsong sagot ko na para bang hindi dinadaga ang dibdib ko.

"Ingat pa rin. Kasama mo ang anak mo kaya as much as possible, 'wag kang tingin nang tingin." He chuckled. "Pero naiintindihan kita. Guwapo, eh."

"Uuwi na lang kami, Eddie." My heart couldn't stop reacting. "Natatakot ako."

Muli siyang umiling. "He won't find out. Ano? Lagi ka na lang aalis kapag nasa paligid siya? Hayaan mong siya ang umiwas sa 'yo. Nauna naman tayo rito."

I breathed deeply and pressed my fingers together. Lumabas sa kitchen si Marcus at naglakad papunta sa amin. He stopped midway when he saw Kobe. Umangat ang isang gilid ng labi niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

I bit my lower lip and glared at him. Don't you dare put on a show!

Nakangisi pa rin siya nang ilapag ang milkshakes sa mesa. "Small strawberry milkshake for baby Gayle and a large one for Mimi."

Doon lang nag-angat ng tingin ang anak ko. Pinanood ko ang pagngiti niya nang makita ang inumin. She put my cellphone on the table and gave me a sweet smile, hinting that I should put the straw in her drink.

Muli akong napabuga ng hangin. Calm down, Karsen. You got this.

"Dahan-dahan, ha?" I told her.

Her little hands gently snatched the plastic cup from me. I held it at its bottom because I was worried she'd spill it if I let her drink it alone.

"Shet, nakatingin," mahinang tili ni Eddie. "Ang guwapo, punyeta."

Bumaling si Marcus sa kanya. "Marinig ka ni Gayle."

"Oo nga," pagsang-ayon ko kahit na labis ang pagpipigil kong tingnan si Kobe.

"Ba't kasi sumusulyap dito?" nangingiti pa ring sabi niya, parang tinutukso ako. "Sinabi ko lang naman na boyfriend mo si Kuya. Hindi naman dapat big deal."

"What?" Marcus hissed.

I pouted. "Ewan ko sa kapatid mo, Marcus!"

Humalakhak si Eddie. "Malay ko bang susundan ka pa rito."

"Hindi niya ako sinundan." Pinandilatan ko siya. "Sigurado akong may ginagawa lang 'yan."

He glanced at Kobe again. "Sa public place? Really? Feeling niya ba hindi siya celebrity?"

"Ewan. Wala akong pake."

Pagkasabi noon ay sumipsip ako sa inumin. Narinig ko ang sabay na pagtawa ng magkapatid.

I stole a glimpse of Kobe out of the corner of my eye. Tutok na tutok siya sa screen ng laptop, hindi binibigyang pansin ang tasa sa tabi noon. I looked around and noticed a lot of people entering the place. Ang kaninang medyo maluwag na shop ay mabilis na napuno. It seemed like word had already spread.

Muli akong sumulyap sa kanya. Ganoon pa rin ang ayos niya. Ang buong atensyon ay nasa screen at magkasalubong ang kilay.

His index finger softly brushed his jaw, and his face suddenly tilted in my direction. My heart skipped a beat when our gazes locked, but before I could even react, he quickly pulled his eyes away from me.

Napanguso ako. Naunahan niya akong magbawi ng tingin!

Umayos ako ng upo at nagdesisyon na huwag na muling sumulyap sa lalaki. Ilang beses niya na akong nahuhuling nakatingin sa kanya. Baka mamaya ay isipin niyang hindi ko sineseryoso ang kagustuhan niyang mabura ako sa buhay niya.

I was feeling the tension and awkwardness, but I kept in mind that I was the only one sensing it. Pinilit ko ring huwag pansinin ang mga bulungan sa paligid tungkol sa lalaki.

"Sila pa rin ba ni Jennifer?"

I wasn't prepared for that. Napatigil din sa pagkukwentuhan sina Eddie at Marcus dahil hindi lang naman ako ang nakarinig noon.

"Hindi yata. Magkaibigan lang daw. Hindi ako sure," sagot ng isa. "May girlfriend 'yan dati, 'di ba? Deleted na 'yong pictures online, eh. Kahit sa mga media outlets, hindi ko na makita. Ano ngang pangalan no'n?"

So that explains why no one recognizes me anymore. Hindi rin naman para tumatak ang mukha ko sa kanila.

"Kalsen? Karsen? Ewan. Hindi ko kasi bet 'yon. Wala na rin namang balita tungkol sa kanila. Baka break na."

"Kaya ba umalis si DK sa dati niyang agency? Conflict yata dahil do'n sa babae."

"Oo. Maraming fans ang nagalit. Kasagsagan ng career niya tapos biglang nasira dahil do'n. Nag-post naman si Jennifer pero wala, naging collateral damage pa siya."

"Sayang, bagay sana sila, 'no?"

Huminga ako nang malalim. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pagiging magkaibigan nina Jennifer at Kobe ngayon. The woman helped Kobe promote his production company. Not that he needed it. Also, word had gotten out that the majority of Kobe's artists came from Soul Production.

He named his company Before Sunrise in the hopes of supporting artists to reach the peak of their careers before the sun breaks out. He also once stated in an interview that he writes most of his songs before the sun rises.

"Mimi!" iyak ni Gayle.

Para akong nasampal pabalik sa realidad. Agad akong napatingin sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang tumapon na sa damit niya ang inumin.

"Sorry, baby. Sorry," natatarantang sabi ko habang pinupunasan ang damit niya. Sa lalim ng iniisip ay hindi ko namalayang hindi ko na pala nasusuportahan ang plastic cup niya.

She cried loudly. Pinaghahampas niya ako pero nagpatuloy ako sa pagpupunas ng damit niya. Napahinga ako nang malalim nang itaob niya ang plastic cup na nasa mesa, dahilan para matapon ang natitirang milkshake doon.

"C-cheyk! Cheyk!" Humikbi siya. Tumatama pa rin ang kamay niya sa braso at balikat ko. "Mimi, cheyk!"

"Gayle, ito..." Narinig kong saad ni Eddie bago dahan-dahang iniabot ang inumin niya.

Marahas na umiling si Gayle. "C-cheyk!" mas malakas pa na sigaw niya.

I looked at Marcus helplessly. "Ipaggawa mo naman ulit. Hindi titigil 'to. Kahit 'yong akin ang ibigay ko, hindi siya tatahan."

Marcus looked as if he was unsure of what to do, but when he heard me, he stood up and walked to the kitchen. Kinarga ko ang anak dahil ayokong maabala ang mga tao sa loob. Bukod pa roon ay hindi magkamayaw ang puso ko sa pagwawala lalo at nasa paligid lang si Kobe.

Gayle continued to cry. Tumawag si Eddie nang server para linisin ang mesa namin at nagpaalam ako sa kanya na lalabas muna kami. Rinig ko ang reklamo ng mga customer dahil sa ingay ni Gayle kaya napayuko ako. Sanay naman ako sa tantrums ng anak ko pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya tuwing sa public places siya nagwawala.

Taking care of a child is hard... but taking care of a child with special needs is harder. Sa kondisyon ni Gayle, madalas ay hindi siya nakakaintindi lalo at pinangungunahan siya ng emosyon.

Unlike other kids, a child with autism has a meltdown that is bigger and more dramatic. It lasts longer and is more challenging to handle. Sinabi iyon sa akin ng doctor niya. Kapag hindi nasusunod ang gusto ay nawawalan siya ng pakialam sa paligid. After giving her what she wanted, she would act as if nothing had happened.

Iniupo ko siya sa isang bench malapit sa shop. She was still crying. Umupo lang ako sa tabi niya. Kahit isang beses ay hindi ko naisip na pagtaasan siya ng boses. I always think that if her condition was hard for me, it was a lot harder for her. Nakakaubos ng pasensya pero wala akong ibang magagawa kung hindi intindihin siya.

I know that behind her outbursts, stutters, and minimal eye contact, there's a love for me that she can't communicate. At mahirap iyon... kapag may gusto kang sabihin pero hindi mo alam kung paano.

So, whenever she says she loves me, I know how much effort it took her to express it. Tuwing tatawagin niya ako para ipakita ang ngiti niya, alam kong sa likod noon ay may mga kataga siyang nais sabihin ngunit hindi niya kayang bigkasin.

On the trail of smiles and tears, tantrums and fears, lies a child who just needs someone's caring heart and listening ears.

Kaya paano ko magagawang magalit sa kanya sa mga bagay na hindi niya naman kayang makontol? Paano ko maaatim na sukuan siya gayong alam kong kung hindi siya hirap magsalita at umunawa, lagi niyang sasabihin sa akin kung gaano niya ako kamahal?

My Gayle needed someone's patience... and I would gladly be that someone for her.

"I'm sorry, anak," I whispered at her. "Nadumihan ni Mommy ang damit mo."

Hindi pa rin siya tumatahan pero hindi na niya ako hinahampas. Umiiyak lang siya habang nakatingin sa kawalan. I caressed her back when I noticed that she was having a hard time breathing because of too much sobbing.

I sat with her and waited for her to calm down. Nakatalikod kami sa shop at hinihintay ko na lang sina Marcus at Eddie bago kami umuwi. Mukha kasing matatagalan sa pagtahan si Gayle.

"Why aren't you consoling her?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses... and I couldn't be more surprised. My breathing became ragged and my jaw dropped open when I saw Kobe standing next to Gayle. I could hear my own heartbeat as he sat down to face her.

"Hi," he uttered gently.

As if on cue, like the magic of his songs, Gayle stopped crying. Rinig ko pa rin ang mabibigat niyang paghinga pero tumigil na siya sa pagpalahaw.

Nagkatitigan sila. My daughter was sticking her tongue out and her eyes were all swollen. I sealed my lips tightly when Kobe extended his right arm and caressed Gayle's face delicately.

The sight made my heart flutter, but I immediately put the thought out.

With trembling hands and quivering lips, I buried Gayle's face in my chest. Napatingin sa akin si Kobe, salubong ang kilay at bahagyang nakaawang ang mapupulang labi.

"B-bakit ka nandito?" natatarantang tanong ko. "I-I can handle her. Puwede ka nang umalis."

I felt Gayle move as she tried to lift her face from my chest, but I didn't let her. Punong-puno ng pangamba ang puso ko at pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko sa matinding kaba. Gayle was wearing her necklace with Kobe's promise ring as the pendant. Sa buhok niya ay nakalagay rin ang hair clip na ibinigay noon sa akin ng lalaki.

I regretted not removing them. Kahit pa gustong-gusto iyon ni Gayle ay hindi ko dapat hinayaang suutin niya iyon araw-araw. Hindi ko alam kung nakita iyon ni Kobe dahil diretso naman ang tingin niya sa mata ng bata.

He stood up. "Is she your friend's daughter?"

Matigas ang pag-iling ko. Less talk, fewer mistakes.

"Eddie's... sister?" mabagal at mahinang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Lalo kong idiniin ang mukha ng anak ko sa dibdib ko kahit na alam kong maya-maya lang ay iiyak na naman siya.

I wasn't sure if I got it right, but I saw fear passing across his eyes. His glance fell on Gayle, and he gritted his teeth as if he was trying to control himself.

"Mimi!" sigaw ni Gayle bago buong puwersa na kumawala sa hawak ko.

Over the years, I knew how difficult it was for her to maintain eye contact, but as soon as she broke free from me, her eyes were aimed directly at Kobe, the corners of her lips were lifted, and her face was bright. Mabilis kong itinago ang pendant ng kwintas sa loob ng blouse niya.

Ibinalik ko ang tingin kay Kobe at halos mawalan ako ng hininga nang makitang nakatitig siya sa akin. His lips were parted, and I didn't know why he was wearing a pained expression. He blinked a couple of times before tearing his gaze away from me.

I'm sure my mind was fooling me. I must've got it wrong.

"Your... daughter?" he asked slowly.

Hindi ulit ako sumagot. He looked at me again, and this time, there was no expression on his face.

"Yey!" mahinang saad ng anak ko, sapat na para makuha ang atensyon ng lalaki.

Muling dinaga ang dibdib ko nang maupo ulit si Kobe para tapatan si Gayle. I noticed how he first focused on the hair clip before turning his gaze to our daughter's face.

Gayle chuckled. Inabot niya ang mukha ng lalaki at malambing na hinaplos iyon.

I wanted so badly to cry when I saw that. Ni hindi ako makagalaw. Nakakatitig lang ako sa kanila na para bang nananaginip ako. In the deepest part of my heart, I knew how much I longed for this to happen.

They were both clueless, but they stared at one another as if they were aware of their connection.

"How old is she?" Kobe asked with a piercingly cold voice.

I closed my fist. I knew he'd come up with something as soon as I answered honestly.

"One, two, ti..." biglang saad ni Gayle bago bawiin ang kamay sa mukha ng lalaki. Bahagya siyang napanguso, siguro ay nalimutan ang kasunod.

"Hmm?" It was Kobe.

Nanuyo ang lalamunan ko kasabay ng pagtawa ni Gayle. She looked around as if she was trying to look for answers, but after a few seconds, she shook her head and faced him again.

"Ti."

Kumunot ang noo ko. How come she understood Kobe? And she's four!

"You're three?" Kobe asked softly, with a forced smile on his lips. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "She's only... three?"

Instead of giving him a response, I stood up. Tumingin ako sa shop dahil hindi ako makahinga nang maayos. I saw Eddie and Marcus standing next to each other, watching us intently. I gave them a meaningful look, and they quickly understood what I wanted. Naglakad sila papunta sa amin.

"Baby!" maligayang saad ni Eddie bago buhatin si Gayle.

Naiwan ang tingin ng anak ko kay Kobe. She was still smiling, para bang hindi siya umiyak kanina. Kahit na may bitbit na si Eddie na bagong inumin niya ay hindi niya ito pinansin. Marcus went to my side and held my elbow.

"Okay ka lang?" he whispered. "Do I need to act?"

Umiling ako at buong tapang na hinarap si Kobe. Nakatayo na rin siya at titig na titig sa akin. I don't know what he was thinking, but before I could say anything, he turned his back on us and walked away.

Kasabay ng muling pag-iyak ni Gayle sa pagtalikod ng ama ay ang panunumbalik sa akin ng pinakamasakit na alaala naming dalawa.

It was something like this—him drifting away from my loose grip, and me being left shattered.

But still, if asked if I regretted not telling him about the existence of our child, I could hold my chin up and say no without falling apart.

Because just like before, I will always choose my daughter, even if that means breaking my own heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro