Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

I want to take this opportunity to convey my gratitude to the dINKScord family, who sent me a care package and appreciation letters on my first rest day. Know how thankful and honored I am to be loved by you.

This is my first time dedicating a chapter on Wattpad, and I'm dedicating it to these lovely people:

dei | aevi | alja | valerie | bianca | rara | judge debs | bel | janie | hannah | vieu | liane | ali | lily | rey | alex | shin | mafel | madam | melodia | seok kyung | margarette | zara | ceia | solem | amewa | reyn | augustina | renevie | miles | kyla | jonah | yza

***

Isang linggo pa ang lumipas bago nagsimula ang construction ng bagong building sa school. Wala namang ibang sinasabi si Ma'am Hilario pero dahil natatakot akong magkrus ang landas namin ni Kobe ay halos hindi na ako lumabas ng kusina.

Alam kong walang ideya ang lalaki na nagtatrabaho ako rito dahil siguradong hindi niya itutuloy ang donation kung alam niya na nandito ako. I know how much he despises me. Hindi niya hahayaang makita ulit ako.

"Karsen, puwede bang ikaw na ang magdala sa mga trabahador ng tanghalian nila?" Napalingon ako kay Ate Neri, isa sa mga kasamahan kong cook. "Magde-deliver pa kasi ako sa faculty office."

Binawi ko ang tingin at pasimpleng nag-ayos ng mga kaldero. Hindi niya puwedeng malaman na iniiwasan kong magawi sa pinapatayong building dahil ilang beses ko nang tinanggihan ang pagdadala ng pagkain doon.

"Ako na po ang magde-deliver sa office, ate."

"Hindi na! Ipinatawag din naman ako ni Ma'am Hilario at may iuutos yata."

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. "Ah... anong oras po ba dadalhin sa construction site?"

"Ibabalot ko na lang 'to," sagot niya.

"Puwede po kayang si Felice na lang?" tukoy ko sa isa sa mga canteener namin.

I looked at her and saw her scratching the back of her neck. "Naku, birthday ng anak no'n. Abala rin sa pagdadala ng pagkain para sa mga kaklase ng anak niya."

"Gano'n po ba?" mahinang tanong ko, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa. "Sino-sino po ba ang nasa site? Mga trabahador lang po... 'di ba?"

"Oo!" She smiled. "Sige na. Bibilisan ko na ang pag-aayos nito para madala mo na. Siguradong gutom na ang mga 'yon."

Sinunod ko siya at ilang beses kong ipinagpasalamat na wala ngang ibang naroon kung hindi ang mga construction workers. Tahimik ko lang na inilapag ang pagkain at umalis na. Bumalik lang ako roon makalipas ang ilang oras para kunin ang mga pinggan at kubyertos na ginamit nila.

That was just one of the days. Lagi nang ako ang nagdadala ng pagkain ng mga trabahador at hindi gaya noon, hindi na ako kinakabahan dahil mukhang malabo namang mapadako si Kobe roon. Why did I even think that he'd be there? Kapag mayaman ka, tao ang kikilos para sa 'yo.

I had grown accustomed to the fact that our paths would never cross again.

"Bakit po marami ang serving ngayon?" tanong ko nang mapansing may inihahanda pang mga bilao si Ate Neri.

Tatlong palapag ang ipinapatayo ni Kobe at sa tantya ko ay nasa bente ang mga trabahador. Araw-araw ay iba't ibang putahe ang iniluluto namin para sa kanila. Minsan ay nagre-request sila ng ulam, minsan naman ay sila na mismo ang pumupunta sa canteen tuwing lunch time. Hindi ko alam kung ilang buwan ang itatagal ng construction, pero sa pagtatrabaho nila, ni minsan ay hindi ko nakita si Kobe roon.

Not that I was expecting to see him.

"Sabi ng principal, eh," sagot ng babae sa akin. "Hindi ko alam kung para saan. Ipinaluto lang 'tong pancit bihon tapos nagpadagdag din ng ulam."

Tumango-tango ako. "Babalikan ko na lang po siguro 'yan. Hindi ko po kayang bitbitin lahat."

Iniabot niya sa akin ang mga plastic bag. Naghahanda ako sa pag-alis nang makita si Eddie na papasok sa canteen. May malawak na ngiti sa labi niya at nakadiretso ang tingin sa akin.

"Hindi ko gusto ang ngisi mo," saad ko nang makalapit siya sa puwesto ko.

He laughed. "Nabalitaan ko kasi na kilala pala natin ang magdo-donate ng building. Medyo na-late lang ako dahil abalang-abala ako sa panlalalaki."

Ibinaba ko sa isang mesa ang bitbit para mahampas siya. "Marinig ka ng mga estudyante mo!"

Umirap siya. "Sus, kilala naman nila ako bilang komedyante. They won't take my words seriously."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ba't ka ba nandito? Magde-deliver pa ako ng pagkain sa site. Sagabal ka."

"Kasi nga!" manipis ang boses na aniya. "Si Kobe!"

My heart skipped a beat. "O, ano'ng meron?"

"Hindi mo ako maloloko sa pagkukunwari mong unbothered ka!" Ngumisi siya sa akin. "Hindi mo manlang sinasabi sa akin! Talagang sa iba ko pa nalaman."

"Ikaw ang nasa faculty office tapos hindi mo alam?" Sumimangot ako. "Hindi naman ako kinakabahan kasi malabong magkita kami no'n dito. Hindi naman siya pumupunta sa site."

"Karsen!" tawag sa akin ni Ate Neri kaya napalingon ako sa kanya. "Bilisan mo na. Gutom na ang mga trabahador."

"Ay, opo!" Dali-dali kong kinuha ang plastic bags at sinamaan ulit ng tingin ang kaibigan. "Talagang dinayo mo lang ako para bwisitin. Ayan, mapapagalitan pa ako dahil sa 'yo."

He laughed. "Unbothered ka talaga, ha? We'll see."

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na sa paglalakad papunta sa site. Babalik pa ulit ako sa canteen para sa mga naiwang pagkain.

"Ayun!" sigaw ng isang trabahador ng makita ako. "Medyo natagalan ka ngayon, ate, ah?"

Ngumiti ako bago inilapag ang pagkain sa mesa nila. "Pasensya na po." Nagsilapitan ang iba pang trabahador sa akin. "May kukunin pa po ako sa canteen. Hindi ko lang po kayang bitbitin lahat."

"'Yong para kina Sir yata 'yon," sabi ng isa.

"Po?"

"Ah, i-che-check kasi ni Sir ang progress ngayon kasama sina engineer at architect."

"H-Ha?" Biglang dinaga ang dibdib ko. "Sino pong Sir?"

"'Yong nag-donate. Si Sir Dior."

Nalaglag ang panga ko. "Po?!" ekseharadang saad ko.

"Ay, fan siya!" Nagtawanan sila. "Nasa principal's office lang sila ngayon. Pag dinala mo pabalik dito ang pagkain, baka nandito na rin sila."

Nagpaalam ako sa kanila at halos takbuhin ko ang distansya mula sa site hanggang sa canteen. Dali-dali akong pumasok sa kusina at narinig ko pa ang halakhak ni Eddie nang makita ang pagtakbo ko. Hindi ko man lang inasahan na nandito pa ang bruho! Nagbubutil ang pawis sa noo ko at parang lalabas ang puso ko mula sa dibdib ko.

He's here? Hindi niya ako puwedeng makita!

"F-felice!" tawag ko sa kasama. "Baka puwedeng ikaw na ang magdala ng ibang pagkain sa site? Nanakit kasi ang paa ko."

Marahan siyang tumango. "Sige. Wala naman akong ibang gagawin. Samahan mo na lang muna si Ate Neri sa labas para magbenta."

I heaved a sigh of relief. "Salamat."

Mula akong napabuga ng hangin nang makaalis ang babae. Pinunasan ko ang noo bago lumabas ng kusina. Dahil lunch time ay medyo marami ang mga estudyante sa canteen. Mabuti nga at may naka-schedule na student canteeners araw-araw. Kulang din kasi kami sa manpower.

"Ate, may salonpas kayo?" tanong ng isang estudyante. "Pabili nga po ng isang box."

Memories came rushing to my head. Kinuha ko ang isang kahon ng salonpas at ibinigay sa bata. Taga-abot lang ako ng mga items dahil nasa dulo pa ang cashier. Si Ate Neri ang nakatoka roon. Tumingin ako sa pila ng mga estudyante at pinilit na ikalma ang sarili dahil nakatakas naman ako sa posibleng pagkikita ulit namin ni Kobe.

Mabuti talaga at nasabi iyon ng trabahador. Kung hindi ay wala akong kaide-ideya na narito ang lalaki. Matatanga na naman ako sa harapan niya.

Nang maubos ang estudyante sa canteen ay tuluyan akong nakahinga nang maluwag. Kanina pa rin dumating si Felice at tuwang-tuwa siya na ipinakisuyo ko ang pagkain dahil nakita raw niya si Kobe. I just smiled at her, but it was really quite nerve-wracking. Hindi maabot ng hinagap ko kung sa akin nangyari iyon.

Nasa counter pa rin ako at nakaupo, hinihintay ang oras ng out ko. Hanggang alas dos ng hapon lang ako rito at isang oras na lang ay susunduin ko na si Gayle sa classroom para umuwi.

I was busy with my phone because Marcus had sent me his wedding invitation. Mayaman ang mapapangasawa niya at dahil may sarili na rin naman siyang business ay maganda ang naging buhay niya. Mukhang enggrande ang kasalan dahil sa isang five-star hotel pa gaganapin ang reception.

"Karsen," tawag sa akin ni Ate Neri.

"Po?"

"May customer."

Ibinaba ko ang cellphone at agad na tumayo.

To my horror, I saw Kobe entering the canteen with two men beside him. Huli na ang lahat para makatakbo pa ako papasok sa kusina dahil mabilis na nagtama ang mga mata namin. I could hear Felice's squeals and the other canteeners' dreamy sighs.

Para akong papanawan nang maupo siya paharap sa puwesto ko. Yumuko ako at nanginginig ang kamay na nagpanggap na may inaayos sa items. I closed my eyes tightly when I felt the clenching of my chest. Parang hindi ako makahinga.

"Karsen, iabot mo ang menu," mahina ang boses na utos sa akin ni Ate Neri.

Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. "M-menu? Wala naman po tayong menu..."

She pointed at the divider. "Ayun, o."

Sinundan ko ng tingin ang sinasabi niya bago paulit-ulit na umiling. "S-si Felice na lang po."

"Kinikilig, e. Paano makakapag-serve nang maayos 'yan?"

Nag-panic ako. "Akala ko po ba kumain na sila? Bakit nandito pa sila?"

Kumunot ang noo ng matanda. "Ano naman?"

I bit my lower lip and shook my head. "A-ayoko po, ate."

"Karsen, hindi kita maintindihan," suway niya. "Iabot mo na at nakakahiya namang paghintayin pa sila."

Wala akong nagawa. My hands were sweaty when I reached for the menu. Dahan-dahan ang paglabas ko ng counter at paglalakad papunta sa mesa nina Kobe.

"Good afternoon po," bati ko sa kanila. "Ayan po ang menu namin ngayon."

Gusto kong palakpakan ang sarili nang hindi manginig ang boses ko. Itinuon ko ang atensyon sa isang kasama ni Kobe kahit ramdam na ramdam ko ang nanunusok niyang tingin.

Oo na, stay gone na! Hindi ko naman kasalanan na nandito ka sa pinagtatrabahuhan ko!

"We'll just order three black coffee," saad ng isang lalaki.

Tumango ako at walang salitang tumalikod sa kanila. Sinabi ko kay Felice ang order at tuwang-tuwa naman siyang ginawa iyon sa loob ng kusina. She even volunteered to bring it to their table personally. Hindi na ako umangal lalo at hindi ko magawang pakalmahin ang sarili.

I tried my best not to look at them. May mga mangilan-ngilang estudyante na dumating at lahat sila ay napapatingin kay Kobe. Bago umorder ay kanya-kanya sila ng kaway sa lalaki.

One of the students approached me. "Ate, ikaw ba 'yong girlfriend ni DK?"

My eyes widened as I handed her the water bottle that she ordered. "H-ha? Ano'ng sinasabi mo? W-wala akong boyfriend."

Napakamot siya sa ulo. "Kamukha mo 'yong nasa balita dati, e."

Kinakabahang tumawa ako. "M-maraming nagsasabi n'yan sa 'kin, pero hindi ako 'yon!"

"Sabagay, edi sana nagpansinan na po kayo ngayon." Tumawa rin siya. "Salamat po rito," sabay taas ng bote.

Pumikit ako at napabuga ng hangin. Ang tagal matapos ng oras. Gusto ko nang umuwi dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako sa lugar na 'to.

"Three biscuits please."

My world stopped when I opened my eyes and saw the man I had been trying so hard to avoid standing right in front of me. He was staring back at me with a serious expression.

It reminded me of the first time I saw him this close. Noong pumunta siya habang ini-interview kaming applicants. He was holding the same expression now. Nakakunot ang noo at nakakalunod ang tingin.

"Karsen!" tawag ni Ate Neri sa akin.

Doon ako natauhan. Binawi ko ang tingin kay Kobe at pasimpleng sinuway ang sarili.

"A-anong biscuit... po?" My voice trembled.

Itinuro niya ang order at mabilis kong kinuha iyon. Nalaglag pa ang isa sa labis na kaba ko. He didn't say anything when he got the biscuits. Hindi na rin ako nakatingin ulit sa kanya.

Akala ko ay ngayong araw lang mangyayari iyon kaya kinabukasan, nang bumalik si Kobe sa school nang mag-isa ay hindi ko ulit napaghandaan. He ordered a rice meal and a bottle of coke. Ako ulit ang naabutan niya sa counter pero kagaya kahapon ay wala naman siyang ibang sinabi.

"Nandito ka ba ulit bukas, sir?" Narinig kong tanong ni Ate Neri sa kanya habang nagbabayad siya.

"Opo." He glanced at me. Nang makitang nakatingin din ako ay ibinalik niya ang tingin sa babae. "I need to check something."

"Sa building po?"

He smiled. "Yeah, that too."

Pagkauwi ko nang araw na iyon ay hinang-hina ako. Kailangan ko bang umabsent bukas para hindi niya na ako makita? Pero sayang naman ang sasahurin ko. Magpapa-therapy na ulit si Gayle. Kailangan kong mag-ipon.

"Mimi," tawag ng anak ko sa akin. Itinuro niya ang laruan ang ngumiti sa akin. "Pink." Sunod niyang itinuro ang damit ng barbie doll niya. "Bulu, gin, yellow." Naintindihan ko ang sinabi niya—blue, green, yellow.

Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya sa pag-upo sa sahig. "Marunong ka na rin ng colors?" Hinaplos ko ang likuran niya. "Anong color naman nito?" sabay turo sa sapatos ng laruan niya.

"Led."

Lalo akong napangiti. "Nakakaintindi na ang baby ko. Ang galing galing naman." I kissed her temple. "Magluluto lang ako ng dinner natin. Dito ka muna, ha?"

Iniwan ko siya roon at naghanda na ng pagkain namin. I was glad that my daughter had some improvements.

Wala si Mill ngayon at sa mga susunod pang linggo dahil sa demand ng trabaho niya. Hindi ko tuloy maikwento sa kanya ang nangyayari. Ayoko namang sabihin pa sa ibang kaibigan dahil nahihiya akong malaman nila na may epekto pa rin ang lalaki sa akin. Kapag naman itinawag ko pa kay Mill ay tiyak na katakot-takot na pang-aasar ang aabutin ko. Gusto kong personal na ikwento para makita niya ang ekspresyon ko.

Ipinagpapasalamat ko nga na hindi naabutan ni Kobe si Gayle. Dumarating lang siya kapag nasa classroom na ang bata.

The next day, just as I had expected, he showed up at the canteen at one o'clock in the afternoon. Ganoon pa rin ang reaksyon ng puso ko—bumibilis kapag nakikita siya at tumitigil kapag tumitingin siya sa akin.

Ilag na ilag ako sa kanya. Pumasok ako sa kusina dahil nasa labas naman sina Felice at ang ibang canteener. Kaya naman na siguro nilang pagsilbihan ang lalaki. Mabuti at walang nakakahalata sa kanila ng reaksyon ko. Bukod sa nag-iisang estudyante, wala ring nagtanong sa akin kung ako ba ang dating kasintahan ni Kobe. It went viral before. Buti nga at limot na nila ang mukha ko.

"Karsen, ikaw muna sa cash register. Nasa site pa si Ate Neri, e."

I took a deep breath and went out of the kitchen. Pasimple akong tumingin sa puwesto ni Kobe. Nakaupo siya at nagce-cellphone.

Wala ba siyang balak umorder?

"Grabe, 'no? Ang hands-on niya sa building. Hindi naman kailangang nandito siya lagi. Parang hindi siya busy sa trabaho," ani Felice nang mahuli akong nakatingin sa lalaki. "Sobrang guwapo niya. Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya."

"Bumalik ka nga ro'n," suway ko dahil ang lapit-lapit niya sa akin. "Baka mahuli ka pang nakatingin."

She laughed. "Akala mo naman hindi kita nakikitang sumusulyap-sulyap!"

Ikinunot ko ang noo. "H-hindi naman talaga!"

Tumawa ulit siya. Ibinalik ko ang tingin kay Kobe at nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakatingin din sa akin. Tumaas ang isang kilay niya at umayos ng upo. Ibinaba niya ang cellphone bago binawi ang tingin sa akin.

My heart started to go wild when he stood up. Mukhang oorder na siya. Tumayo ako nang ayos para ihanda ang sarili. Go, Karsen! Kaya mo 'yan! Ex mo lang 'yan!

"Ano'ng ulam?" Narinig ko ang malalim niyang boses mula sa kinatatayuan ko. God, ang layo niya pero narinig ko pa rin! I was that attentive!

"Asado, ginataang langka, lumpiang shanghai at tinola po," sagot ni Felice.

"I'll have asado and two pieces of shanghai."

Napaismid ako. Bakit kapag siya ang nagsasabi ng ulam, parang ang mahal?!

Ilang minuto ang lumipas at nang mapansing papalapit na siya sa akin bitbit ang tray ng pagkain ay tumikhim ako.

"Sixty pesos po lahat," nakatitig ako sa monitor habang sinasabi iyon.

Hindi ka puwedeng humarap, Dawn Karsen! Ayaw ka niyang makita! Baka utusan ka pa niyang mag-resign kapag nabigyan kayo ng pagkakataong makapag-usap!

I was busy with my inner monologues when he talked to me.

"Kumain ka na?"

Nabali ko agad ang sinasabi sa sarili na huwag siyang harapin dahil napatingin ako sa kanya, gulat na gulat sa naging tanong niya.

"Ha?"

His tongue poked the inside of his left cheek. "I didn't see you eat."

My heart hammered. Ano ang gusto niyang mangyari?

"A-ah, mamaya na sa bahay."

"It's past one," masungit na sabi niya.

"K-kumain naman ako kaninang ten," kinakabahang sagot ko.

Tumango lang siya at nag-abot ng five-hundred-peso bill. Tarantang-taranta ako habang kumukha ng sukli para sa kanya. Hindi ko inaasahan na iyon ang itatanong niya! I was expecting harsh questions!

"Nandito ulit ako bukas," aniya nang iabot ko ang sukli.

Napakurap ako. "S-sige... ano... hindi na lang ako papasok." Baka kaya niya sinasabi iyon ay para hindi na ako makita.

"Why?"

Umawang ang bibig ko. I don't get him! Hindi niya dapat ako kinakausap!

"Do what you want. I'm not bothered," dagdag niya.

Tumalikod siya at nagpunta na sa upuan niya. Agad ang pagtakbo ni Felice sa puwesto ko habang naiwan ang tingin ko sa maskuladong likuran niya.

What just happened?

"Ba't mo sinuklian? Hindi naman humihingi ng sukli 'yon!" sabi ng babae.

I gulped. Ibig sabihin ba, okay lang sa kanya na nakikita niya ako rito? Hindi siya nababahala?

"Huy!"

Napaigtad ako. "Ano?"

"Fan ka, 'no?" pang-aasar niya. "Tulalang-tulala ka, 'te."

Buong araw kong inisip iyon. My presence doesn't bother him anymore... unlike me. Ako na lang pala ang naiilang kapag nasa paligid siya.

Great, Karsen, who's unbothered now?

Ganoon pa rin ang nangyari ng mga sumunod na araw. Parang wala siyang trabaho dahil araw-araw talaga siyang pumupunta sa canteen.

"Akala ko naman ay nagbibiro lang si Neri," saad ni Ma'am Hilario habang nakatingin sa lalaki na tahimik na kumakain. "Dapat ay sinabi mo sa akin para nadala ko ang anak mo rito."

Umiling ako, kinakabahan sa gusto niyang mangyari. "'Wag na po, ma'am. Nakakahiya po kay Kobe."

"Suplado ba?"

Tumango ako. "At mukhang ayaw pong maabala."

"Sayang naman. Nasa classroom pa si Gayle, e. Sunduin ko kaya? Kahit makita niya lang."

"'Wag po!" Napalakas ang boses ko. "I-I mean... hayaan na po natin si Gayle... para ano... para marami siyang matutunan."

Pinanliitan niya ako ng mata. Dinaga ang dibdib ko roon. Marahil ay nahalata niya ang taranta ko.

"Karsen, may dapat ba akong malaman?"

"M-ma'am..."

"No'ng convention pa 'yon."

"Pasensya na po, ma'am." Napayuko ako. "H-hindi lang po ako komportableng magkita sila ni Gayle."

Tinapik niya ang balikat ko. "I'm sorry for forcing things. I won't bring it up again."

Hindi ko alam kung may ideya na siya kung bakit pinipigilan kong magkita ang dalawa. She was a good person. Alam kong irerespeto niya ang gusto ko.

Umalis si Ma'am at doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nang dumating ang oras ng out ko ay nag-ayos ako saglit bago nagpaalam sa mga kasama. Nagtaka ako nang makitang naroon pa rin si Kobe, may kaharap na laptop at mukhang nagtatrabaho.

"Felice," tawag ko sa kasama. "Abutan mo ng kape." Inginuso ko ang lalaki.

Tumango siya. Isang beses ko pang tiningnan si Kobe bago naglakad palabas ng canteen. Kaya lang, nasa gitna pa lang ako ay pumasok na si Eddie at kumaway sa akin.

"Dawn Karsen!" sigaw niya. "Sabi na nga ba at out mo na! Ako na ang susundo kay Gayle. Hinihintay ka ni Kuya sa labas!"

Siguradong hindi niya alam na nasa paligid lang si Kobe dahil sa akin agad dumiretso ang mga mata niya nang pumasok sa canteen. He said those words loud enough for everyone to hear.

Awtomatiko akong napalingon kay Kobe. Napatigil siya sa pagt-type bago iniangat ang tingin sa akin. Wala akong nabasang kahit ano sa mukha niya kaya muli akong bumaling kay Eddie.

Ba't ba tumingin pa ako sa kanya?

"Tara," sabi ng kaibigan sa akin.

Akmang sasama na ako nang marinig ko si Felice na siguradong inaabot ang kape sa lalaki.

"Thank you. Aalis na rin ako." Nakarating sa tainga ko ang sinabi ni Kobe dahil malapit lang naman siya sa amin.

"Ano?!" naiinip na saad sa akin ni Eddie.

Alam kong naramdaman niya ang pananahimik ko, dahilan para tumingin siya sa paligid. Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagmumura. Kinuha niya ang braso ko at bago ako higitin palabas ay sumigaw ulit siya.

"Tara na sa labas kung saan naghihintay ang guwapong-guwapo mong boyfriend!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro