Chapter 35
Nakailang mura ako habang naglalakad pabalik sa kusina. Kinapa ko ang apron at ganoon na lang ang pagtatagis ng bagang ko nang may makapang maliit na butas doon. Sa ibaba iniluto ang soup kaya marahil ay lumusot ang singsing ko papunta roon. I didn't realize it earlier.
I could feel my cheeks getting warm. Sa dami ng oras at pagkakataon na puwede kaming magkita ulit, bakit naman kailangang naka-apron ako at ang kapalpakan ko pa ang sumalubong sa kanya?
"Karsen, nakakahiya ka," naiinis na bulong ko sa sarili.
I was so pathetic. Ni hindi ko manlang hinintay na paalisin ako ng head cook bago ako lumabas sa VIP room. I just couldn't stand Kobe's eyes. Pakiramdam ko ay hinihusgahan niya ang pagkatao ko dahil sa mga nakalipas na taon ay wala man lang nagbago sa akin.
Pumunta ako sa pinakadulo ng kusina at sumandal sa pader. My heart was beating crazily. Kumikirot sa gulat at sakit. I put my hand over my chest and calmed myself.
Hindi ako naging handa para doon. Masyadong magkalayo ang mundo namin kaya hindi ko naisip na maaari pang magkrus ang landas namin. Ni hindi naabot ng isipan ko na makikita ko ulit nang malapitan ang mukha niya.
"Sa susunod, huwag magsuot ng kahit anong alahas kapag may big event!" suway sa akin ng head cook nang makabalik sila sa kitchen. "Ikaw pa ang naunang umalis, Karsen. Nakakahiya. Baka isipin nila ay hindi sincere ang pag-so-sorry mo."
Yumuko ako. "Pasensya na po."
He sighed heavily. "Ano pa nga ba? Wala naman na akong magagawa. Kaya lang dahil sa nangyari ngayon, baka hindi ka na namin kunin kapag may events."
"Naiintindihan ko po."
"O siya, sige na! Maglinis na lang tayo tapos pack-up na."
Wala ako sa wisyo habang tumutulong sa paghuhugas. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang nangyari. He was here. I'm not sure if he recognizes me, but the fact that he's living the life I pictured for him was enough to convince me that I made the right decision in leaving him.
He looked so good. Ganoon pa rin ang hugis ng panga at nakapanlalambot pa rin ng tuhod ang tingin niya. Siguro ay pinagsisisihan na niyang pinatulan niya ako. Isa siya sa mga VIP samantalang ako ay nasa kusina at nagluluto. We still live in different worlds.
Nang matapos kami sa kitchen ay lumabas na ako at hinanap si Ma'am Hilario. Mabilis ko siyang nakita dahil medyo nabawasan na ang mga tao. Tapos na rin kasi ang convention at naibigay na rin sa amin ang sahod namin. It was enough to feed me and my child for the next few days.
"Nasaan po si Gayle?" tanong ko nang makalapit sa puwesto ni Ma'am Hilario.
Ngumuso siya sa play area kaya sinundan ko iyon ng tingin. Gayle was sitting on the floor with artificial grass. Nakalabas ang dila at iwinawagayway ang manika.
Nawala ang agam-agam ko sa nakita. From the depths of my heart, I wanted to tell her that I saw her father today and that he was doing well in life. I wanted to take pride in Kobe's achievements. Minsan akong naging parte ng pangarap niya... ng paglalakbay niya. We ended up hurting each other, but I knew I had established the best form of myself when I loved him.
Sana balang-araw, masabi ko kay Gayle na ang taong iniidolo niya ay minsang naghangad na makita siya.
"Ayaw pang umuwi," saad ni Ma'am Hilario. "Hayaan muna natin at maaga pa naman. Kumain ka na ba?"
Umiling ako at pilit iwinaksi ang iniisip. "Hindi po ako nagugutom, ma'am."
She nodded. "May mga ibinigay na learning materials 'yong nag-workshop." Sabay turo sa malaking paper bag. "Kapag may oras ka ay turuan mo si Gayle para hindi na siya masyadong mahirapan next school year."
"Opo," tanging naisagot ko habang nakatingin pa rin sa bata.
She chuckled. "Ang cute ng anak mo. Nag-perform kanina 'yong isang singer tapos sayaw siya nang sayaw."
Doon ako napatingin sa kanya. She was smiling genuinely while watching Gayle. Fear enveloped my heart. Normal sa anak ko ang magsaya tuwing naririnig niya ang boses ni Kobe, pero hindi ko alam kung bakit natatakot pa rin ako tuwing mangyayari iyon.
"Sino pong singer?"
I wanted to give myself a round of applause for not stuttering despite the reaction of my heart. Kung nag-perform si Kobe, siguradong magugustuhan iyon ng anak ko dahil idolo niya ang lalaki. She may not know his name, but she recognized his voice. Tuwing maririnig niya ang boses ng ama ay tumitigil siya sa ginagawa para makinig. Minsan ay sumasayaw pa.
"'Yong guwapong lalaki! Sikat na sikat daw 'yon noon, eh. Hindi na lang naglalabas ng mga kanta ngayon." Napakamot siya sa ulo. "Nalimutan ko ang pangalan."
Pilit akong ngumiti. "Ah, baka hindi ko rin po kilala."
Nicely done, Dawn Karsen.
"Sabagay. Wala ka na ring oras tingnan ang mga nag-t-trending ngayon."
Ngumiti lang ako. Wala naman kasi akong ibang masasabi. I looked around, and my eyes stopped at the door of the VIP room.
While staring intensely at it, something tugged at my heart. I wonder... umuwi na kaya siya? Si Kuya Enzo pa rin kaya ang driver niya? Base sa pagtingin niya sa akin kanina, siguro naman ay kilala niya pa rin ako. Matagal-tagal din naman kaming nagsama. Sana naman ay hindi niya ako tuluyang kinalimutan.
Iniwas ko ang tingin sa pinto at pinilit ipaalala sa sarili ko na ang mga ganoong tao ay hindi kailanman babagay sa akin. I learned the lesson the hardest way. Hindi ko na dapat iniisip kung kumusta na siya. We lived our lives not giving a shit with each other. I moved on... I should have.
Kasi alam kong ganoon din siya.
"Mimi!"
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang malakas na tili ni Gayle. Mula sa pagkakaupo ay mabilis siyang tumayo at nakangiting kumaway sa akin. I smiled back at her, and my mouth fell open in surprise as she ran recklessly towards me. Mabilis akong sumalubong sa kanya dahil para siyang madadapa sa ginagawang pagtakbo.
She jumped at me, and I silently shrieked when I felt her heaviness. Yumakap siya sa leeg ko at sumubsob sa balikat ko.
"Na-miss mo 'ko?" nangingiting tanong ko.
Ang pagsiksik sa leeg ko ang tanging naging sagot niya. I carried her back in Ma'am Hilario's direction because we needed to get home.
"Tara na po," yaya ko sa ginang. "Baka po inaantok na rin si Gayle."
Tumango siya at kinuha na ang mga gamit. Tinulungan ko siyang bitbitin ang ibang learning kit habang karga-karga si Gayle. It was heavy, but I knew I could manage.
"Ay, ayun 'yong lalaki!" tili ni Ma'am Hilario bago pa man kami makalabas ng hall.
Parang may sumuntok sa dibdib ko nang marinig iyon. I looked at her and saw her gazing behind us. Nakangiti siya at parang may plano pang kumaway sa lalaki.
"M-Ma'am, tara na po," natatarantang saad ko.
She laughed and shook her head. "Naku, sayang naman ang pagkakataon, Karsen! Akin na si Gayle at ipapakilala ko kay Sir. Hihingi tayo ng autograph!"
Naramdaman ko ang pagbubutil ng pawis sa noo ko. Tinibayan ko ang pagkarga sa anak dahil ayokong maramdaman niyang nanginginig ako. But before I could even protest, Ma'am Hilario took my daughter from me and handed me the things she was carrying.
"M-Ma'am!" pigil ko bago siya makaalis. "H-Hindi na po kailangan. Nagmamadali rin po kasi ako."
Kumunot ang noo niya.
"Akin na po si Gayle." I wasn't sure if she could hear the panic in my voice. "Maghihintay na po ako ng masasakyan sa labas."
Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Gayle raised her head, and I had lost my hope when her eyes were aimed closely in the same direction Ma'am Hilario was looking at.
Pinanood ko kung paanong umangat ang dalawang gilid ng labi niya at maya-maya pa ay pumapalakpak na siya sa nakita. My heart wanted to melt at that. She looked excited and happy. Hindi ako makatingin sa tinitingnan niya dahil alam ko kung sino ang singer na tinutukoy ni Ma'am. And my daughter wouldn't react like that if it wasn't him.
"Pagbigyan mo na," nakangiting saad sa akin ni Ma'am. "Ayun, o! Tingnan mo kasi at nang makita mo kung gaano kaguwapo 'yong tinutukoy namin. Baka mamaya ay maging fan ka rin."
I knew she was joking and that she didn't have any idea what was going on, but at that moment, my heart felt as if it was being ripped apart. Me? A fan of Kobe? That sounded nostalgic.
Alam kong hindi naman mahahalata ni Kobe na anak namin si Gayle pero hindi ko pa rin maatim na makita ang dalawa na nag-uusap. I was not sure if I could handle that sight. Mahirap na. Baka hanap-hanapin ni Gayle.
"Mimi!" tawag sa akin ng anak ko habang humahagikgik.
Umiling ako. "Uuwi na tayo."
Ibinaba siya ni Ma'am kaya hinawakan ko ang isang kamay niya. She couldn't go near Kobe. Even though I was confident he wouldn't recognize her, I didn't want her to get too close to him.
Sinubukan kong higitin siya ngunit hindi siya nagpadala. Nagusot ang mukha niya sa galit kaya dali-dali akong napatingin sa puwesto ni Kobe. He wasn't looking at us because he was busy talking to some men.
"Anak, 'wag nang makulit, please?" pagmamakaawa ko nang ibalik kay Gayle ang tingin.
Her lips trembled, indicating that she was about to burst into tears. Paulit-ulit akong umiling dahil ayaw kong makakuha kami ng atensyon.
"M-Mimi..." Tuluyang nalaglag ang luha niya.
I felt a pinch in my heart. If we were in different situations, I would have allowed her to meet Kobe... but we weren't. Pilit niyang binawi ang kamay sa akin ngunit hindi ko siya binitawan.
"Karsen, hayaan mo na 'yang bata," suway sa akin ni Ma'am.
Umiling ako. "'Wag na po, ma'am."
Ganoon na lang ang gulat ko nang ibato ni Gayle ang manika niya at malakas na hinablot ang kamay sa akin. She stomped her feet while crying furiously, and after only a few seconds, she sat on the floor and had tantrums. Malakas ang hiyaw at pag-iyak niya. I tried going near her but her small fists were ready to punch me.
"Gayle naman..." I whispered helplessly. "Anak, 'wag dito, please?" pakisuyo ko ngunit hindi siya nakinig sa akin.
Dumalo sa kanya si Ma'am at napabuga ako ng hangin nang sumama siya sa ginang. Ma'am Hilario carried and calmed her, but she just continued yelling. Madalas naman siyang mag-tantrums pero masasabi kong ngayon ang pinakamalalang iyak niya.
"Lalabas na muna kami," Ma'am Hilario mouthed as she walked out of the hall.
Naiwan akong nakatulala roon kasama ang mga gamit namin, hindi alam kung ano ang dapat maramdaman. I felt bad for my daughter because even though she couldn't communicate well, I knew how badly she wanted to meet Kobe. Kaya kong gawin ang lahat para sa kanya pero imposibleng kayanin kong ipakilala siya sa sarili niyang ama.
"Is everything okay?"
Mula sa pinaglabasan nina Ma'am Hilario at Gayle ay lumipad ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. Pinigilan ko ang pamimilog ng mata nang makita ang lalaki kanina sa VIP room. Behind him was Kobe, who was tilting his head while massaging his neck.
My mouth went dry when our gazes met. Mabilis akong nagbawi at tumingin na lang kay Peter. I recognized him as Kobe's friend who owned the restaurant at Tagaytay where our first date took place.
"Y-Yes po," mahinang sagot ko.
Naramdaman ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko nang tabihan ni Kobe ang kaibigan. Hindi pa ako nakakabawi sa pag-iyak ni Gayle at ngayon ay nasa harap ko ang lalaking dahilan kung bakit nagwawala ang anak ko. He towered over his friend. Peter was already tall, but he looked smaller beside him. Tinatamad ang tinging iginagawad niya sa akin na para bang hindi ako karapat-dapat manlang lapitan.
Hell, I don't even know why they're here! Mabuti nga at lumapit lang sila nang makaalis si Gayle!
"So... you're a cook?" Peter asked.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya. I couldn't stand Kobe's bored stares. Sinabi niyang hindi na dapat magkrus ang landas namin pero hindi niya naman pinigilan itong si Peter na lumapit sa akin!
"Opo," sagot ko pa rin.
Tumango-tango ang lalaki bago panliitan ako ng mata. "I really think I've seen you somewhere. Are you a model?"
Kobe shifted his weight. "Aren't we leaving?"
Three words and I felt my knees weaken.
"Teka lang," natatawang sagot ng kaibigan. "We're not in a rush. Iniisip ko lang kung saan ko ba siya nakita."
"Aalis na rin po ako," singit ko sa kanila. "K-Kung wala na po kayong sasabihin..."
Peter nodded. "Ah, yeah! Sorry!"
Kahit nangangatog ang binti ay tumalikod ako at kinuha ang mabibigat na gamit namin. Miski ang bag kasi ni Ma'am Hilario ay naiwan niya rito sa loob dahil buhat-buhat niya si Gayle. My heart was pounding. Alam kong iisipin ko mamaya ang nangyaring ito dahil matapos ang maraming taon ay muli kong nakita ang lalaking pinangakuan ko ng puso ko.
I don't know if the new Karsen still holds that promise... but right now, I just want to stay out of his sight. Mali ang pagkikita ulit namin. Fate must be playing around, and unfortunately, we're the center of the game.
Siguradong pagkatapos ng araw na ito ay hindi ko na ulit siya makikita. I don't know if that's something to be thankful for, but at least I got to know that he was doing well. Sapat na iyon sa akin.
I was about to carry the heaviest bag filled with learning materials when a forceful hand grabbed it.
Napatingin ako sa kumuha noon at napatigil ako sa paggalaw nang makita si Kobe na bitbit iyon. He carried it effortlessly, his brows were furrowed, and his eyes were almost glaring. Narinig ko ang pagtawa ni Peter mula sa likuran namin ngunit hindi naalis ang tingin ko sa lalaki.
"Dior being the gentleman that he is," Peter uttered. "Don't worry, miss. He just looked grumpy, but he was actually nice."
I clenched my jaw. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko dahil hindi naman siguro siya tanga para hindi ako makilala. Do I need to spell it out to him? That I was his ex-girlfriend who broke up with him for the reason that I had fallen out of love?
"Ako na," saad ko nang makabawi.
Tumaas ang isang kilay niya. "I'm just helping you because a lot of people are watching."
I swallowed hard and looked around us. He was right. May mga nakatingin nga sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng dismaya. So something about him really changed, huh?
"May pakialam ka na pala sa gano'n," bulong ko sa sarili.
"What?" he asked.
Umiling ako. "Hindi na kailangan. Kaya ko namang buhatin 'yan."
A side of lips rose. "Of course, I care about things like that."
"Mabuti," sagot ko, bahagyang kinabahan dahil narinig niya pala ang sinabi ko. Of course, he'd care, Karsen! Noong huling beses niyang hindi inalagaan ang reputasyon niya ay nasira siya sa mga tao. "Puwede ko na bang makuha ang gamit ko?"
"Where's your boyfriend? Shouldn't he be helping you?" he asked sarcastically.
Nagpantig ang tainga ko. Umarko ang isang kilay ko sa paraan ng pagtatanong niya.
"Dior, I'll just pick up this call," paalam ni Peter. "Usap lang kayo."
Hinintay kong makaalis ang lalaki bago ako ulit nagsalita.
"Hindi ko kailangan ng tulong," sagot ko. I breathed deeply and reminded myself to draw boundaries. "'Wag na po nating patagalin ang pag-uusap natin dahil kailangan ko nang umuwi. Pakibigay na lang po ng bag para matapos na."
Iniabot ko ang kamay ko at nakita ko ang pagbaba niya ng tingin doon. He grinned when he saw my ring, but I didn't move a muscle. Yes, Kobe, I still wear it. Every single day.
I sighed heavily. I'm still thinking about Gayle and how she idolizes this guy. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ng lalaki at kinakausap niya ako ngayon. Kailangan ko ba talagang ipaalala sa kanya ang nangyari sa amin? Kailangan ko bang sabihin na nasira ang pangalan niya dati dahil sa akin? Na marami siyang isinakripsyo pero iniwan ko pa rin?
"I told you not to be in front of me again, right?" mababa ang boses na tanong niya, sapat na para panghinaan ako ng loob.
Ang nakaangat kong kamay ay kusang nalaglag sa gilid ko.
So, he remembers. Hindi ko pala kailangang ipaalala.
"I told you to stay gone." My heart throbbed more. "You've been doing that for years."
I clenched my fist, not in anger but in pain. All my reasons suddenly ran out. Na hindi ko naman plinano ito at wala sa hinagap ko ang pagkikita ulit namin.
I gulped the lump in my throat as my body went numb. Walang saysay ang pagsagot sa kanya.
"Just give the bags to me. Pagod po ako sa trabaho at gusto ko nang umuwi," I whispered weakly.
Pakiramdam ko, kaunting oras pa ay susumbatan na niya pa ako... at alam kong hindi ko na iyon makakayanan. Baka may masabi akong hindi maganda. Tapos na ang pahina ng istorya naming. Wala nang punto ang pagbalik pa roon.
Nothing has changed. I still feel small beside him.
Nang iabot niya sa akin ang bag ay walang paalam akong umalis sa harap niya. Halos magkandakuba ako sa pagbubuhat ng mga gamit pero mas mabuti na iyon kaysa sa hingin ang tulong niya. Parang may tanikalang sumakal sa puso ko. He reminded me of the things he wanted me to do. Pakiramdam ko ay nanumbalik ang araw kung kailan natapos ang lahat sa amin.
Nang makita sa labas sina Gayle at Ma'am Hilario ay niyaya ko na silang umalis bago pa kami abutan ni Kobe.
Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na iyon nang hindi ko pinagbubulay-bulayan ang nangyari. I played with Gayle hard enough to distract myself. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon ay may epekto pa rin siya sa akin. His stares still made me tremble. His voice still sounded like a beautiful melody in my ears. Even though I tried my best to keep it hidden, I knew our encounter brought me thousands of memories.
I promised myself that I would not get in his way again... not expecting that fate would still think our lives are worth messing with.
"Magdo-donate daw ng building dito sa school 'yong singer!"
Those were the first words Ma'am Hilario told me on a Tuesday morning, two days after the incident at the convention happened.
"Dior Kobe ang pangalan. Naku, napakabait na bata!"
Hindi ako nakakilos. "B-Bakit daw po? Biglaan yata..."
"Ewan ko rin, pero kakausapin naming ang mga dean at principal. Sana naman ay payagan na nilang i-extend na nila ang special education classes." Humalaklak siya. "Pupunta sigurado si Dior dito. Tiyak na matutuwa si Gayle."
Oh god.
***
A lot of you are confused about what a child with Down Syndrome looks like, so I looked for an image online for your reference.
If you dig a little, you'll notice how similar their features are.
Source: IStock | DenKuvaiev
Disclaimer: I don't own the image, and I've only included it here for your reference.
That being said, she isn't Gayle, because Gayle is a fictional character with no portrayers. I'll leave it to your imagination as to how she looks.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro