Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

"Gayle has Autism Spectrum Disorder."

Nalukot ko ang suot na kamiseta nang marinig iyon kay Dr. Yesha. My daughter was just sitting on my lap, and I knew she didn't understand what her doctor said. Pinadaan niya ang kamay sa mesa at mahinang tumawa nang madali ng daliri niya ang nameplate.

"May mga abnormalities siya sa eye contact and body language. Medyo hirap din siya sa pag-unawa at paggamit ng gestures," dagdag pa ng doctor. "Kung napapansin mo, may problema si Gayle kapag nababaluktot o hindi nasusunod 'yong nakagawian niya, that's one of the symptoms. Also, ang mga taong may ASD ay hirap umintindi ng relationships, but based on the tests and observations I conducted, mukhang hindi naman siya challenged sa area na 'yon."

Kumirot ang puso ko nang humarap sa akin ang anak at sumubsob sa dibdib ko. I even heard her whisper, Mimi.

"Malambing ang mga may Down syndrome, ma'am. Clingy sila, which contradicts one of the symptoms of ASD, kasi ayaw ng mga may autism na hinahawakan o pinapakialaman sila," Dr. Yesha informed me while looking at Gayle. "And your daughter's case is not severe. Based on what you've said, may mga pagkakataon naman na nakakaintindi si Gayle. With proper treatment, mele-lessen 'yong severity and prominence ng ASD."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. I was having a hard time processing everything. Tumagal ng ilang buwan noon bago ko naipa-check si Gayle kahit pa alam ko na ang mga bagong panganak na sanggol ay kailangang dumaan sa maraming tests. I have no money. Hindi naman libre ang check-ups at procedures. Pahirapan din noon ang pagpaparehistro sa kanya kahit pa licensed midwife naman ang nagpaanak sa akin. I was blessed enough to have found Dr. Yesha, who ran medical screening tests for Gayle at a low price.

"Mimi, jabi..." bulong ni Gayle sa akin.

My heart throbbed more. Mabigat ang loob kong nagpaalam kay Dr. Yesha dahil alam kong hindi pa ako makakapag-proceed sa treatment na tinutukoy niya. Gayle and I barely made it through the day... saan ako ngayon kukuha ng pagpapagamot niya?

Sinunod ko ang gusto ni Gayle at pumasok kami sa Jollibee. At least dito manlang ay makabawi ako. Tiningnan ko siya at nakita ko ang malawak na ngiti niya sa labi. Nakahawak siya sa kamay ko habang naglalakad kami at hindi na ako nagulat nang bitawan niya ako para pumalakpak. I smiled at that. Binuhat ko siya at pumila na sa counter habang nag-iisip kung anong kakasya sa isang daang piso para mabusog siya.

"Jabi! Jabi! Jabi!" she chanted while dancing delicately in my arms.

Isang order ng burger steak at sundae ang binili ko. Humanap ako ng puwedeng maupuan namin at parang bulang nawala ang mga iniisip ko nang makitang masayang-masaya ang anak ko. I gave her the plastic spoon and fork, which made her pout. I smiled wider. Gayle looked cute in her pink dress and braided hair. Suot niya rin ang sa gilid ng buhok ang hair clip na ibinigay sa akin ng tatay niya noon.

"Tubo," she uttered, telling me to feed her.

Umiling ako. "Nagpa-practice tayong kumain ka nang mag-isa, 'di ba?"

Umiling din siya at tuluyang sumimangot. She crossed her arms against her chest and looked around while sticking her tongue out. I sighed. Marahan kong hinalikan ang tuktok ng ulo niya bago kunin ang kutsara at tinidor sa kanya. Kinuha ko rin sa bag ko ang baby towel niya.

Sinubuan ko siya at tuwing hindi niya mangunguya nang maayos ang pagkain ay pinupunasan ko ang damit at gilid ng bibig niya. Maraming customer ang napapatingin sa amin... lalo sa kanya. Sanay ako roon. Every time we go out, people will take a second look at her.

"Mimi." Mahina niyang tinabig ang kamay ko nang akmang susubuan ko ulit siya.

"Ayaw mo na agad?"

Umiling siya at muling itinulak ang kamay ko. Nakatingin siya sa akin habang malalim ang kunot sa noo. Ibinaba ko ang kutsara pero paulit-ulit lang siyang umiling.

"Hmm? Ano'ng gusto mo?" naguguluhang tanong ko.

Her face soured and I knew what that meant—paiyak na siya. Kumuha ako ng pagkain at sinubukang isubo ulit sa kanya ngunit itinikom niya ang bibig at itinulak sa akin. Her small hands held my wrist and brought it to my mouth.

My heart warmed. "Ako ang kakain?"

Hind siya sumagot. Hinihintay lang niyang isubo ko ang nasa kutsara at nang gawin ko iyon ay ngumiti siya. Ganoon ang nangyari buong tanghalian namin. Tuwing kakain siya, gusto niya ay kakain din ako. Sa ice cream niya lang ako hindi hinatian dahil mahilig talaga siya sa matamis. Hindi nga niya hinayaan na subuan ko siya noon. Talagang siya ang kumain mag-isa. Tuloy ay makalat na naman ang paligid ng bibig niya.

"Eddie..." Tumawag ako sa kaibigan tatlong araw matapos na malaman ang kalagayan ni Gayle. He's a mathematics teacher now. "May special education class d'yan, 'di ba?"

"Yes, girl. Dito ko nga balak i-enroll si Gayle kapag nag-start na siya mag-aral. Bakit?"

Tumingin ako sa anak na ngayon ay nakaupo sa tabi ni Mill habang nilalaro ang paborito niyang barbie doll.

"Baka may alam kang puwedeng pasukan d'yan. Isi-sit in ko si Gayle habang nagtatrabaho. Puwede kaya 'yon? Panggabi lang naman ang pagtuturo ko ngayon, eh."

"Sige, magtatanong-tanong ako."

Ibinaba ko ang tawag at sinamahan sina Mill at Gayle sa sofa. Ngayong may permanenteng trabaho na si Mill bilang journalist ay kayang-kaya na niyang bumukod sa amin. Nauna nang umalis si Mari sa apartment para mangibang-bansa pero hindi siya nakakalimot magpadala sa amin. Ganoon din si Ate Kat. Sa probinsya na siya nanirahan at tuwing tumatawag siya sa amin, ang kasunod niyon ay ang pagpapadala niya.

"May press conference akong pupuntahan bukas. Hulaan mo kung sinong i-interview-hin namin," sabi ni Mill. "Clue, mahal mo pa."

Inirapan ko siya. "Hindi ko na mahal si Kobe, Millicent."

"Wala naman akong sinabing pangalan!" tawa niya.

"As if namang hindi ko alam na siya ang ibig mong sabihin."

Lalo siyang natawa. "Ano'ng gusto mong ipatanong? Kobe, wala ka ba talagang balak kumustahin si Karsen? Wala ka bang balak alamin kung bakit siya nabangga? Wala ka bang balak sabihin sa kanya kung sino ang nasa likod ng hit-and-run case niya? Ano? Itatanong ko?" dire-diretsong pahayag niya. "Hanggang ngayon din naman kasi hindi namin alam kung bakit pinili mong itago 'yang si Gayle sa milyonaryo niyang tatay."

Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya. Ito ang nagbago sa kanila. Bunso pa rin nila akong ituring.

"Marami rin akong nasabi kay Kobe, Mill. Malabong kilala pa ako no'n." Lumipat sa gilid ko si Gayle at doon naglaro. "Wala akong inaasahang kahit ano sa kanya. No'ng nakipaghiwalay ako, alam kong tapos na lahat do'n."

She sighed. "I know how scared you are."

"Oo... kaya nga ako umalis, eh."

"Wrong." She shook her head. "Kaya ka natakot kasi umalis ka." Pagilid siyang tumingin sa akin. "Kasi alam mong pag-alis mo, wala na. And at that time, there's another option rather than fleeing, Karsen. You can face and fight it."

"Alam ko. Puwede kong sabihin kay Kobe lahat." I smiled sadly. "Pero, Mill, napagod kasi ako. I have no energy to face and fight. Si Gayle lang ang laman ng utak ko no'n. Gusto ko siyang ilayo sa lahat."

"Sinaktan ka ba ng nanay ni Kobe?" maliit ang boses na tanong niya.

My lips parted. "H-Huh?"

"Kaya ba hindi mo sinabi kay Kobe 'yan kasi alam mong magkakasira sila ng nanay niya?"

"Mill..." Bahagya akong lumayo sa kanya.

She breathed deeply. "Did you sacrifice yourself for others? Sinabi sa akin ni Eddie na sinabi mo sa kanya na hindi ligtas si Gayle sa mundo nila. If it's not Kobe's mother... is it anyone from his family?"

"'Wag na nating pag-usapan. Matagal na 'yon."

Umiling siya. "So... they really hurt you?"

Yumuko ako at pinaglaruan ang kamay ko. "Hayaan na natin, Mill."

"Putangina," she cursed under her breath. "Sino ro'n?"

Nanunubig ang mga mata kong tumingin sa kanya. "'Wag na."

"No one has the right to hurt us, Karsen. Kahit gaano kayaman o kataas, walang may karapatang umapak sa 'tin. Nabuhay tayo sa mundo nang wala sila," mahinang aniya. "Naghihintay akong magsabi ka sa 'kin... why didn't you tell me?"

"Si Gayle lang ang importante sa 'kin ngayon, Mill." I gulped the lump in my throat. "Wala na akong pakialam kay Kobe at sa buong pamilya niya. Kung ano man 'yong nangyari noon, ibinaon ko na 'yon sa limot. I don't want to get involved in their lives. What's the use of getting back at them? Sayang lang ang pera at pagod. Mas kailangan ako ng anak ko."

She sighed. "I was just sad because I knew things would be better for you and Gayle if you asked her father for financial and emotional support. Hindi ako natutuwang limpak-limpak ang pera ng lalaking 'yon habang kayo ng anak mo ay nagtitipid para makakain nang dalawang beses sa isang araw."

Bumalik ako sa pagkakasandal sa balikat niya. "Nakakapagod, Mill, pero kinakaya ko naman."

Muli siyang nagbuntong-hininga. "Karsen... why did you mature before me?"

We stayed like that for another hour. Kung hindi lang tumawag ulit si Eddie ay hindi ako kikilos.

"Girl, hiring pala ng cook ngayon sa canteen! Kaya mo ba?" masiglang bungad niya. "Sasamahan kita bukas pagkatapos ng klase ko. Dalhin mo na rin ang inaanak ko at miss na miss ko na 'yan!"

Ganoon nga ang nangyari. Kinabukasan ay tumulak kami ni Gayle sa paaralan kung saan nagtuturo si Eddie.

"Napakaganda naman ng baby ko na 'yan!" tili ni Eddie.

Humagikgik si Gayle. "Nongnong!"

Nang makalapit sa amin ang kaibigan ay yumakap agad si Gayle sa binti niya. Walang pagdadalawang isip naman siyang binuhat ni Eddie at pinugpog ng halik sa pisngi.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Tara na."

Pumunta kami sa canteen. Maaga pa kaya bilang lang sa daliri ang mga estudyante. Lahat ng mga ito ay bumati kay Eddie kaya napangiti ako.

"Saan?" mahinang tanong ko sa kaibigan habang buhat-buhat pa rin niya si Gayle.

"Wait."

Iniwan niya akong nakatayo sa tapat ng mga estante at nagpunta sa isa sa mga tindera. Nagtanong siya bago ako palapitin sa puwesto nila.

"Tatawagin ko lang po si Ma'am," sabi ng tindera nang makita ako. "Resume lang po tapos paglulutuin kayo."

Tinawag niya ang tinutukoy na babae. May katandaan na ito at nang makita si Eddie ay umaliwalas ang mukha nito.

"Ano'ng magandang hangin ang nagdala sa 'yo rito?" tanong niya.

Tumawa si Eddie. "Naku, Ma'am Hilario. Naghahanap kasi ng trabaho 'tong kaibigan ko. Sakto namang nakita kong hiring pala kayo ng cook. Mag-a-apply raw."

Doon napatingin sa akin ang babae. "Ikaw ba, neng?"

I smiled. "Opo."

Ngumiti rin siya bago muling ibinaling ang tingin kay Eddie. "'Yang bata?"

My friend looked at me. "Anak po nito."

Tumango-tango siya bago ako sinabihang pumasok na sa loob. Nagpaalam ako kay Eddie para pansamantalang bantayan si Gayle. Bumungad sa akin ang malawak na kusina at sa dulo noon ay may dalawang pinto. Ang isa ay may label na storage room.

"Dito, neng," sabi ni Ma'am Hilario bago iminuwestra sa akin ang isa pang pinto.

Pumasok kami roon. It was a small office. May isang mesa at dalawang upuan na magkatapat. Mayroon ding maliit na TV at recipe books sa shelves sa gilid.

"Wala kang experience sa pagluluto?" tanong niya nang makita ang resume ko.

Tumango ako. "Sa online teaching lang po meron tapos kaunting private tutoring noon."

"Pero marunong ka?"

"Opo, ma'am."

Natahimik siya. Binalikan niya ang resume ko at nagtagal ang titig niya roon.

"Ilang taon na ang anak mo?" she suddenly asked.

"Apat po," sagot ko.

She nodded. "Nag-aaral?"

"Hindi po. Next year ko pa po balak i-enroll."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Kapag natanggap ka rito, may mag-aalaga?"

I pursed my lips. "Makikiusap pa po ako kung puwedeng mag-sit in siya sa special education class dito."

"Kapag hindi pinayagan?"

Umiling ako. "Hindi na po ako tutuloy sa pag-a-apply." Her eyes widened. "Hindi ko po puwedeng iwan sa bahay si Gayle dahil iiyak 'yon kapag wala siyang kasama. Mag-a-apply na lang po ako kapag pumapasok na siya."

She gave me a warm smile. "Sige na. Puwede ka nang magsimula bukas."

Kumunot ang noo ko. "Po?"

Tumayo siya. "Magsimula ka na bukas at saka ako na ang bahala sa anak mo." Hindi pa rin ako nakabawi sa sinabi niya kaya marahan siyang tumawa. "I'm Ma'am Hilario, one of the special education teachers here."

Napatayo na rin ako. "M-Maraming salamat po, ma'am! Maraming salamat po!"

She tapped my back. "Alam kong mahirap magpalaki ng batang may special needs. Hayaan mo at habang hindi pa official na enrolled ang anak mo ay tuturuan ko na siyang makihalubilo sa iba. Hindi na rin kita paglulutuin dahil tiwala naman ako kay Eddie. Hindi ka naman dadalhin no'n dito kung hindi ka marunong."

Hindi ko napigilan ang sarili. I stepped forward and hugged her. I felt her stiffen, but I didn't let go.

"Habambuhay ko pong tatanawin ang utang na loob na 'to sa inyo, ma'am..." Gumaralgal ang boses ko. "Mag-iipon po ako sa treatment ni Gayle at malaking tulong po ito."

Hinaplos niya ang likuran ko. "May ipapa-fill up ako sa 'yong form. Maraming charities ang nagbibigay ng financial assistance sa mga may Down syndrome. I-a-apply kita."

Doon nagsimulang gumaan-gaan ang buhay naming mag-ina. Araw-araw ay gumigising kami nang alas sinco dahil alas sais ay kailangan na ako sa canteen. Pakakainin ko lang si Gayle at kapag alas siete na ay isinasama na siya ni Ma'am Hilario sa classroom. Tuwing lunch at uwian lang kami nagkikita. Lagi siyang may baong kuwento sa akin tungkol sa mga kaklase at bagong kakilalang kaibigan. Hirap siyang magsalita, pero maganda lagi ang ngiti niya.

Buwan-buwan ay nabibigyan din kami ng financial assistance ng YN Organization. Malaking tulong iyon para kahit papaano ay maipa-therapy ko si Gayle. I told my friends not to give me money anymore because for the first time in years, I could finally say that I could sustain my child's needs. Tuwing umaga hanggang alas dos nang hapon ay cook ako. Kapag naman alas siete nang gabi hanggang ala una nang madaling araw ay online tutor ako.

"Mimi!" patakbo siyang yumakap sa akin.

"Hi, baby!" Lumebel ako sa kanya at inayos ang ilang alpas na hibla ng buhok niya.

She chuckled cutely. "One, two, tee, fol, five, tik, teven, eight, nine, ten!"

Napangiti ako. "Very good naman ang anak ko! Marunong nang magbilang." Pinugpog ko ng halik ang pisngi niya.

"She's quite a learner. Magaling sa numbers," singit ni Ma'am Hilario. "Medyo mabilis lang talagang mapikon," dagdag niya bago tumawa.

Napatawa rin ako roon. "Kapag nga po hindi siya naglikot nang dalawang araw, ibibili ko siya ng bagong laruan."

"Wow," sabi niya sa anak ko. "Narinig mo 'yon, Gayle?"

My daughter clapped her hands. Hindi ko alam kung naintindihan niya ang pinag-usapan namin pero dahil nakangiti kami ni Ma'am Hilario sa kanya ay humahagikgik siya.

Her smiles and chuckles were enough to put my heart at ease. Lumalaki ang anak ko sa pinakamabuting paraang alam ko. Sa unang pagkakataon ay gusto kong humarap sa taong minsang nagsabi sa akin na hindi ko kayang maging ina at ipagmalaki sa kanya si Gayle. Hindi kami mayaman pero maipagmamalaki ko sa kanya ang naging buhay namin.

"Karsen, puwede ka ba sa Sabado?" maya-maya'y tanong sa akin ni Ma'am. "May convention for children with special needs akong a-attend-an. Tanghali 'yon at naghahanap pa ang event organizer ng assistant cook. Nabanggit kong may kilala ako at hihintayin daw nila ang tawag ko hanggang mamaya."

"Wala pong magbabantay kay Gayle, ma'am."

Umiling siya. "Isasama ko. Marami ring ibang bata ro'n."

Walang ibang rason para tumanggi ako. Trabaho rin 'yon. Sayang ang pera kung hindi ako papayag. Wala naman akong pasok kapag weekends kaya mabuti na ring sideline iyon.

The night before the event, Eddie and Mill decided to get us a few drinks. Sa bahay lang kami dahil sa bata.

"Tulog na si Gayle?" tanong ni Mill.

Tumango ako. "Bakit ba niyaya n'yo pa 'ko? May trabaho pa 'ko, eh." Naglakad ako papunta sa sofa.

"Hindi ba puwedeng umabsent?"

Ngumuso ako. "May penalty."

Sinapak ni Eddie ang likuran ko. "Gusto mo bang bayaran pa namin ang oras mo para makasama ka?"

Pinigilan ko ang pagtawa. Hindi naman daw kami maglalasing. Wine ang inihanda nila kahit pa alam kong hindi sila tinatamaan doon.

"Ikakasal na si Marcus, 'no?" Mill asked after sipping her drink. "Akala ko dati itutuloy no'n ang panliligaw sa 'yo, Karsen,"

I laughed. "Siraulo."

"Oo, type na type ka kaya ni Kuya dati!" sabat ni Eddie. "Kahit no'ng sa amin ka pa nakatira."

"Matagal na 'yon!" sabi ko. "Mas okay kaming magkaibigan."

"Sino bang fiance?" Nagsalin si Mill sa baso niya. "Wala akong balita ro'n, eh."

"'Yong anak ng may-ari ng Sway's," sagot ni Eddie.

Napanganga si Mill. "Wow, big time."

Eddie chuckled. "Hindi niya nga bet no'ng una 'yon at si Karsen talaga ang gusto. Na-develop na lang din."

Matagal pa naming pinag-usapan ang lovelife ni Marcus. Totoong sinubukan ulit niyang manligaw sa akin noong mga unang buwan matapos kong ipanganak si Gayle, pero hindi ko pinansin ang pagpapalipad-hangin niya dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Isa pa ay hindi ko prioridad ang pagpasok sa isang relasyon lalo at wala naman akong oras para doon.

"Ay may chika pala 'ko!" sabi ni Mill. "Tanda mo ba no'ng sinabi kong may press con si Kobe, Karsen?"

Napairap ako. "Ano na naman?"

"Grabe ang titig niya sa 'kin, 'te! Feeling ko naalala niya 'ko."

I scoffed. "Puwedeng nagandahan lang din sa 'yo."

"Sabagay. May point ka." Tumango-tango pa siya.

Hinampas siya ni Eddie. "Lasing ka na ba agad?"

Bumusangot si Mill. Naiwan ang ngiti sa labi ko. Sa lahat ng kaibigan ko ay si Mill lang ang naglakas-loob na banggitin sa harap ko ang pangalan ng lalaki. Everytime she mentions Kobe, hindi ko maiwasang makaramdam ng maliit na panghihinayang. He loved me beyond measures... at alam kong kung sinabi ko sa kanya ang pinagdaanan ko sa kamay ng nanay niya ay hindi siya magdadalawang-isip na talikuran ang ginang para sa akin. Lagi siyang laman ng mga panalangin ko. Kahit ayaw ng isip ko, hindi ko magawang tapusin ang isang dasal kapag hindi ko siya nababanggit sa Diyos. I wanted him to be the same Kobe before I ruined him. I wanted so badly for him to redeem his image.

And he did it... with flying colors.

"Mahal mo pa?" bulong ni Eddie sa akin nang tumayo si Mill para kumuha pa ng isang bote ng wine.

"Hindi na."

He chuckled. "Bakit mo ginawang pendant ng kwintas ni Gayle ang singsing niya?"

Pilit akong ngumiti. "Para hindi mawala. Kapag naghirap pa kami, isasanla ko na 'yon."

"Eh, iyan?" Ngumuso siya sa singsing ko. "Ba't suot mo pa rin?"

"Same reason. Para hindi mawala."

"Sus, Dawn Karsen. Para mo naman akong ginawang grade three."

Tumawa lang ako. I spent the night drinking lightly with them, but my heart felt heavy for some reason. Ayan na naman. I was missing someone I shouldn't miss.

Alas dose y media na nang tabihan ko si Gayle sa pagtulog. Naalimpungatan siya at nanakit ang ulo ko nang marinig ang pag-iyak niya.

"M-Mimi..." she sobbed before hugging me.

"Bakit?" I whispered as I tapped her legs gently.

"Yabyu."

My eyes watered. "Eh, bakit ka umiiyak?"

Umiling siya at sumandal sa dibdib ko. "Yabyu."

Pinatulog ko ulit siya. She must have had a bad dream... she just didn't know how to communicate it. Now that she's going through speech therapy, our main goal is to develop her communication skills. Dr. Yesha also advised me to put her under occupational and physical therapy; occupational therapy to train her to do regular chores and physical therapy to sustain her mobility and balance.

Kinabukasan ay binihisan ko siya ng puting t-shirt at pink na shorts. Gaya ko ay gustong-gusto niya ang kulay rosas. Hindi rin siya pumapayag kapag aalis kami at hindi niya suot ang hair clip na binigay sa akin ni Kobe noon. It became her favorite, kasama ang unang barbie doll na ibinigay ko sa kanya.

"Ma'am, salamat po, ha?" saad ko kay Ma'am Hilario bago iabot sa kanya si Gayle.

"No problem. Saulo ko na ang ugali nitong batang 'to kaya hindi na masyadong mahirap bantayan." She pinched my daughter's left cheek before shifting her gaze at me. "Sige na, umuna ka na sa place. Mamaya pa naman ang start kaya susunod na lang kami ni Gayle. Magkita na lang tayo ro'n."

Tumulak ako papunta sa event hall. Dumiretso ako sa kitchen matapos i-assist ng organizers. Tumulong agad ako sa paggagayat ng mga gulay at ako rin ang nag-aabot ng mga bagay na iniuutos ng mga cook. There were servers in uniform, samantalang ako ay binigyan ng dilaw na apron. I just wore blue faded maong jeans, white basic tee, and white running shoes, because I knew I'd have a long morning.

"May special and important guests tayo. Iba ang i-se-serve sa kanila," sabi ng head cook. "Two thousand ang expected guests natin. Kapag may complaints, dito ang diretso, okay?" He looked at me. "Pahalo ng soup."

Tumalima ako. Habang nag-a-announce at nag-b-briefing ang lahat ay nasa dulo ako at naghahalo ng soup sa malaking kaldero.

"Magsuot ka," suway ng isang cook sa akin bago ako bigyan ng rubber gloves.

Tinanggal ko ang muna ang singsing at inilagay sa bulsa ng apron ko. Habang hinihintay na kumulo ang sabaw ay itinuloy ko ang mga naiwang ginagayat kanina. Mabuti nga at hindi ako napagalitan dahil ngayon lang ako nakapagsuot ng gloves.

The event started. Rinig ko ang ingay ng mga tao sa labas. Napangiti ako nang ma-imagine ang namamanghang mukha ni Gayle habang nakatingin sa paligid.

Dahil abala ay hindi ko namalayan kung ilang oras na kami roon. Nai-serve na rin ang mga pagkain sa guests at special guests. Tumulong ako sa paghuhugas nang makita ang dishwasher na isang tambak ang kailangang hugasan.

"Sir, ipinapatawag po ako sa VIP room," humahangos na saad ng isang server. Siya ang nagbigay ng pagkain sa special guests. "M-May problema po yata."

Dali-daling lumabas ng kitchen ang head cook. Nataranta rin ang iba pang cook na natira sa loob. Ibinalik ko ang atensyon sa paghuhugas dahil kaunting oras na lang naman ay tapos na ito. I was all set to remove my apron when the head cook returned to the kitchen.

"Sino'ng mga nagluto ng soup?" malakas at pagalit na tanong niya.

Namilog ang mga mata ko bago humarap sa kanya. Nagtaas ng kamay ang isang cook kaya hindi rin ako nag-atubiling itaas ang kamay ko. The head cook looked angry... causing my heart to react aggressively against my chest.

"Follow me."

Nanginginig ang tuhod ko nang sundan siya sa labas kasama ang mismong cook na nagtimpla ng sabaw. Maraming tao sa mismong hall at sa pinakadulong pinto pa kami dinala ng head cook. Parang sasabog ang puso ko sa kaba. Napagsasabihan naman ako sa canteen, pero ngayong malalaking tao ang haharapin ko, alam kong magiging iba iyon.

The door swung open and the rapid beating of my heart came to a full stop when I saw Dior Kobe Gallardo sitting dominantly on the single couch, tilting his head to the left as his index finger brushed his sharp jaw.

Napatigil siya sa paghaplos doon nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. I couldn't move a muscle. Kung hindi pa ako inalalayan ng cook sa pagpasok ay hindi ako makakahakbang. The place was packed with four other men in three-piece suits, but Kobe knew his way to stand out.

Stay gone... that's my only request.

Napalunok ako nang maalala ang huling salitang binitawan niya sa akin. Binawi niya ang tingin bago dahan-dahang umayos ng upo.

"Whose ring is this?" His deep, booming voice ruled the room.

My heart hammered. Ipinatong niya ang singsing sa mesa bago muling bumalik sa pagkakasandal sa couch. Natataranta akong kinapa ang apron ko at halos malaglag ang puso ko nang hindi ko naramdaman ang singsing ko roon.

I clenched my fist tightly before bowing my head. "A-Akin po." My voice was too small, I didn't even know if they heard it.

"That's it? You're not gonna say sorry?"

Natahimik ang lahat. Kumirot ang dibdib ko at lalong kinabahan. Hindi ako makapag-angat ng tingin dahil ramdam ko ang ginagawa niyang paninitig sa akin.

"I'm sorry po," I whispered under my breath. "H-Hindi ko po namalayan."

One of the men chuckled. "Cut her some slack, Dior."

"You look familiar, miss," sabi pa ng isa.

Kobe scoffed. "Stop flirting with her, Peter."

"I'm serious!"

I grabbed the ring on the table hesitantly. Bahagya akong nalungkot nang hindi makilala ni Kobe ang singsing. Siya ang bumili nito para sa akin pero mukhang hindi niya na ito tanda.

Buong-tapang akong nag-angat ulit ng tingin sa kanya. He looked like the same Kobe my mind remembered, only that his body was now more masculine and his aura screamed professionalism and dominance. He still has his perfect moreno skin and his well-shaped nose. Ang pinagkaiba lang, hindi na malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Pasensya na po talaga," mas buo ang boses na sabi ko. A stern grin appeared on his lips. "Hindi na po mauulit."

After saying that, I stormed out of the room. Hindi ko alam kung ang singsing pa ba ang inihihingi ko ng tawad... o ang pagbali ko sa kahilingan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro