Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33


My pregnancy was hard. Hindi ako makahanap ng trabaho dahil hirap akong gumalaw. Miski sa simpleng paglilinis ng bahay ay hindi ako makatulong. Hiyang-hiya ako sa pamilya ni Eddie. Mabuti nga at araw-araw wala ang mga magulang niya. Umuuwi lang sila kapag gabi na.

Kabuwanan ko nang magdesisyon kami nina Mill at Mari na bisitahin si Ate Kat sa probinsyang tinutuluyan niya. I had no idea why she chose to work and stay there, but seeing her happy was enough for me. Nang makalabas ako sa ospital ay bumalik siya roon para magtrabaho at linggo-linggo siyang nagpapadala sa akin katulong sina Mill at Mari.

Walang nagbago. Sila pa rin talaga ang sandalan ko.

Tumama sa mukha ko ang sariwang hangin. Nakaupo kami ngayon sa mga sako ng palay sa gitna ng bukid habang hinihintay ang pagsikat ng araw. It was peaceful and quiet. Bukod sa ilang matatandang nagtatawanan habang inaayos ang mga nagkalat na dayami ay wala ka nang ibang maririnig.

"Ano'ng ipapangalan natin kay baby?" basag ni Mill sa katahimikan. "Millicent din kaya?"

Mari scoffed. "Amari is better."

Tumawa si Ate Kat. Pinasandal niya ako sa balikat niya at ang isang kamay ay humaplos sa tiyan ko.

"May naisip ka na?" malamyos na tanong niya.

Lihim akong napangiti sa naisip na biro. "Ana."

Sinamaan ako ng tingin ni Mill. "Tapos kung naging lalaki, Ben? Ang unique, ah."

Tumingin ako sa langit at lalong napangiti. My heart still felt heavy, but with them, I knew I wouldn't have to carry it alone. I guess that's the beauty of having a strong emotional support system. Kahit talikuran ka ng mundo, alam mong may mainit na yayakap pa rin sa 'yo.

"Gusto ko ng Japanese name." I chuckled. "Kagaya ng sa nanay ko."

"Arigato kaya?" pang-iinis ni Mill.

Sinapok siya ni Mari. "Can't you mature?"

Napatawa lang ako. I told them the name of my parents... but I didn't tell them how I found that out. My parents must've lived a tough life... considering how my father died.

Tumitig ako sa langit at malungkot na napangiti. Ang daming nangyari. Ang daming nagbago. Akala ko ay wala nang mawawala sa akin. Akala ko ay pinatatag na kami ng panahon. Na wala nang ibang makakasakit sa amin dahil bata pa lang ay sinubok na kami.

Pero nang umibig ako kay Kobe, napagtanto kong hinding-hindi ako masasanay sa sakit.

Kahit maging pamilyar ako sa kirot sa dibdib ko ay hindi kailanman maghihilom ang peklat na tumatak sa akin. Maybe someday I will forget the pain. Maybe the time will come when I will gladly live through my wounds. Pero hanggang ngayong sariwa pa sa akin ang lahat ng nangyari, wala akong ibang magagawa kung hindi ang gumising nang bitbit ang masasaya at mapapait na alaala.

Mill sighed. "Sana hindi na lang tayo tumanda."

"Yeah. We were so excited to grow up," Mari agreed. "We thought we'd have a perfect life after leaving the shelter."

Mahinang tumawa si Ate Kat. "Mas gusto ko na lang magtinda ng sampaguita at magtahi ng mga butas ng sako kaysa ganito." She glanced at me. "But we have a baby on the way. At least there's something to look forward to."

"We'll raise her, Karsen." Sumulyap sa akin si Mari. "She may not have had a father growing up... but she'll have four mothers who will guide her."

I bit my lower lip when I felt a tug in my heart. "And a gay uncle."

Buong umaga naming pinag-usapan ang pagpapangalan sa anak ko at habang ginagawa iyon ay ilang beses kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko dahil may isang tao akong gustong hingian ng opinyon tungkol doon.

I miss him... every day and every night. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang pagmamakaawa niya... ang pagtangis niya... ang pagtalikod niya. But at the end of my miserable thoughts, I always think that I did the best for both of us. Hindi man niya ako kasama, nand'yan naman ang pamilya niya. Hindi man niya masilayan ang anak namin, wala namang hahadlang sa pangarap niya.

And I would forever bear his last wish. I would never appear in front of him again. I would stay gone.

"Ate Kat, pagkapanganak ko, baka may alam kang puwede kong pasukan," sabi ko habang naghahanda siya ng tanghalian namin.

That thought has been bothering me for quite some time. Hindi ako tapos ng pag-aaral kaya malabong makapaghanap ako ng office work. Kung mabibigyan man ng pagkakataon, alam kong hindi ko rin iyon kakayanin dahil wala namang ibang magbabantay sa anak ko kung hindi ako.

"Anong trabaho ba ang gusto mo? Online tutoring? Maghahanap ako ng agency."

Umiling ako. "Tiningnan ko 'yan last month, eh. Competitive na ang online education ngayon, ate. Usually, may mga degree ang kinukuhang tutor. Mga Chinese students ang kaya kong turuan ngayon... pero alam kong hindi sapat 'yong kikitain kung sakali kaya gusto kong humanap ng mapapasukan."

"Mapapasukan?" she echoed my last word. Tumigil siya sa pagkuha ng baso at ibinaling ang buong atensyon sa akin. "Ano'ng trabaho ang iniisip mo?"

Lumunok ako at pilit na ngumiti sa kanya. "Yaya, ate."

Umawang ang bibig niya bago nag-iwas ng tingin sa akin. Kinagat ko ang labi dahil alam kong nakaramdam siya ng awa sa akin at ayokong dibdibin iyon. Sanay ako sa gawaing-bahay. Napatunayan ko iyon habang nakatira sa mansyon ng mga Gallardo.

"Mapapagod nang husto ang katawan mo ro'n. Sino'ng magbabantay sa anak mo?"

Kumuha ako ng plato at tinulungan siyang isalansan iyon sa mesa.

"Kaya maghahanap ako ng puwedeng may kasamang bata," sagot ko. "Wala bang gano'n?"

Umiling siya. "Mahihirapan ka sa gano'ng set-up, Karsen. Mag-stick ka muna sa online work tapos kapag lumaki-laki na ang anak mo, saka ka maghanap ng permanenteng trabaho."

"Hindi kami mabubuhay no'n, ate." I gulped. "Sa pagkain, sa renta, sa diaper—"

"Nandito pa 'ko." She held my hand. "Pababayaan ba kita?"

Napatigil ako sa pagsasalita. I don't want to bother her anymore. Ayokong siya na naman ang sumalo sa mga responsibilidad ko. She'd done enough for me. Oras na para mag-focus siya sa sarili niya.

"Gusto ko ring magkaroon ng kakayanang buhayin ang anak ko, ate," nasabi ko. "Hindi naman puwedeng lagi akong aasa sa inyo."

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. I looked back and see Mill behind me.

"Napag-usapan namin ni Mari na kami na muna ang sasagot ng renta hangga't wala ka pang trabaho. Alam naman naming hiyang-hiya ka na kina Eddie." She chuckled. "Pasensya na at hindi kami nakapag-offer agad. Alam mo naman, 'di ba? Poorita rin ang mga kaibigan mo. Pero hayaan mo, nag-iipon naman kami."

Pabalang na naupo si Mari. "Tapos na ba? Kumain na tayo." Tumingin siya sa akin. "'Wag ka munang mag-isip. Once you're there, you'll realize that you're already making it."

I felt secured... but at the same time, scared. Idedepende at iaasa ko na naman ang buhay ko sa iba. Hiyang-hiya ako sa sarili ko pero alam kong hindi ako mapapakain ng hiya. I have to swallow my pride to live. I have to bow down to feed my child.

Bago umupo ay inisa-isa ko ang mga kaibigan. We all grew up so well. Hindi perpekto ang buhay, pero lumaki kami nang dala-dala ang prinsipyong itinuro sa amin ng tadhana. People don't always realize how meaningful it is to have good parents who can help them make their way through life. Iyon siguro ang pinakakinaiinggitan ko. Kahit ilang beses kong itanggi, alam ko sa sarili ko na isa sa mga pinakamalaking kahilingan ko na sa susunod kong buhay, sana ay magkaroon kami ng mga magulang na hindi kami iiwan sa bahay-ampunan.

I want us to have a happy childhood. I want us to grow up not feeling jealous of kids who have their parents. I want us to live not feeling insufficient.

"Umupo ka na. Baka nagugutom na 'yang anak mo. Hindi lang makapagreklamo," tawa ni Mill.

I shook my thoughts away and sat down. Marami pa akong dapat isipin. Marami pa akong dapat gawin. I have to strengthen my heart for my child.

For now, Karsen, you need to give birth to the one who symbolizes your eternal love for the star.

"A-Ate Kat!" I felt the tightening of my stomach in the middle of dawn. "M-Manganganak na yata ako!"

I cried in so much pain. Napakaaga pa nang sumabog ng panubigan ko. Naramdaman ko ang paggalaw ng mga kaibigan ko pero hindi na ako nakamulat sa labis na paninikip ng tiyan ko.

"Ang sakit..." hinang-hinang bulong ko.

"Shit," Mill cursed. "Tatawag na 'ko ng tricycle!"

"Karsen." I recognized Mari's voice. "Deep breathing."

Binuksan ko ang mata at nakita silang nagkakagulo sa kwarto. Ate Kat was on her phone. Si Mari ang dumalo sa akin at si Mill naman ay tuluyang lumabas para maghanap na ng masasakyan.

"A-Ate Kat, sino'ng kausap mo?"

She looked at me. "Doctor, Karsen."

Umiling ako. "'Wag na tayong pumuntang ospital."

"Karsen, 'wag nang matigas ang ulo," saad ni Mari habang hinahawakan ang kamay ko.

"Please, 'wag na sa ospital," pamimilit ko. "K-Kumadrona na lang..."

Pumikit ako at paulit-ulit na huminga nang malalim. Hindi ko alam kung nakinig sila sa akin pero maya-maya lang ay narinig ko na si Mill na sumisigaw sa labas at tinatawag kami.

Umiling ako. "Please, hilot na lang..."

Inalalayan ako nina Mari at Ate Kat pero binigatan ko ang sarili. Hindi ako puwedeng sa ospital manganak.

"Ano ba, Karsen? Lalo kang mahihirapan n'yan," suway ni Ate Kat.

"S-Sa hilot ko nga gustong manganak," I insisted.

"Bakit ba kasi?" natataranta nang tanong ni Mari.

Umupo ako at dinama ang lalong pagkirot ng tiyan. Alam kong anumang oras ay lalabas na ang anak ko at alam ko rin na kailangan ko nang sumunod sa kanila. Ramdam ko ang taranta nila lalo at palakas nang palakas ang sigaw ni Mill sa labas. Nanginginig ang kalamnan ko at parang may paulit-ulit na sumusuntok sa katawan ko. I breathed in and out to compose myself.

"Ayoko sa ospital," nagawa kong sabihin. "H-Hindi sapat ang pera ko pambayad sa doctor."

Doon sila natigilan.

I was catching my breath, but I wanted them to understand my situation. "W-Wala akong pera kaya hayaan n'yo nang kumadrona ang magpaanak sa 'kin..."

Mari held my hand tightly. Tumingin ako sa kanya at nabakasan ko ang luha sa mata niya.

"Karsen naman."

Hindi ko alam kung paanong nakatawag agad ng kumadrona si Ate Kat. Sa labis na sakit ay hindi ko na napansin ang mga pangyayari. Sinunod niya ang gusto ko at hindi na kami tumulak sa ospital. Wala siyang ibang sinabi pero siya ang humawak sa kamay ko habang nanganganak ako. Mari and Mill were shouting with me.

"A-Ate Kat, ang sakit sakit!" I yelled while pushing my baby out. "Ayoko na."

Humigpit ang kapit niya sa akin. "You can do this."

"Sige pa. Kita ko na ang ulo," saad ng kumadrona.

Mariin ang pagpikit ko. Lahat ng lakas ko ay ibinuhos ko sa panganganak. Halos makalmot ko na si Ate Kat dahil sa hindi matawarang sakit. Mari and Mill were crying as if they were the ones giving birth. Alam kong kung nasa ospital ako ay hindi ganito kasakit dahil siguradong bibigyan nila ako ng anesthesia. But this... I feel every throb and pain. Butil-butil ang pawis sa noo ko at kaunti na lang ay mawawalan na ako ng malay.

I gave it all. Iniiyak at isinigaw ko ang lahat. My wins and failures. My heartaches and victories. I surrender it all.

And at last, tears broke out in my eyes when I heard my daughter's cry.

Hinang-hina akong nagmulat at nakita ang maliit na katawan ng anak ko na buhat-buhat ng kumadrona.

"You did well, Karsen," malambing na bulong ni Ate Kat bago patakan ng halik ang noo ko. "You did well."

"Oh my god! Buhay!" malakas na tili ni Mill. "I-check mo nga kung may butas ang kipay, manang!"

Hindi ko na narinig ang sagot ng kumadrona dahil ipinikit ko ang mata at hinayaan ang sarili na magpatangay sa antok.

The whole room was silent when I woke up. Masakit ang buong katawan ko at ramdam ko ang pamamaga ng pagkababae ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ang tatlong kaibigan. Pinalilibutan nila ang anak ko na nakahiga sa single bed, nakabalot sa kulay rosas na tela at puting lampin.

Napatingin sa akin si Mari. Ngumiti siya bago kinulbit si Ate Kat.

"Patingin sa baby ko," I muttered gently.

Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Mill nang buhatin ni Ate Kat ang bata. She carefully placed my child beside me without saying anything. Naiwan ang tingin sa akin ni Mari habang may maliit na ngiti sa labi.

I tilted my head and looked at my child... my beautiful child.

She has a flat face and nose. Manipis ang pang-itaas na labi at nakabuka ang bibig habang nakalabas ang dila. Maliit din ang tainga niya at may kaiklian ang leeg.

Tumulo ang luha ko. Sa pagbabasa-basa ko noon tungkol dito ay napag-alaman kong iisa ang itsura ng mga taong may ganitong kondisyon.

So... this is how your mother looks like, Karsen.

She moved a little, and a smile appeared on her tiny lips. Nag-init ang puso ko roon. She opened her eyes, and I felt like I was the happiest woman on earth when our gazes met.

"Hi, baby..." maliit ang boses na tawag ko. "I love you."

Muling bumagsak ang mga luha ko nang lumawak ang ngiti niya.

It was a peaceful moment between us. She was so soft and small. Mapusyaw at namumula-mula ang balat.

I touched her cheeks and at that moment, I knew I would die loving her.

"May... Down syndrome siya, 'no?" mahinang tanong ko sa mga kaibigan na pinapanood ako. "Sinabi naman na ng doctor sa akin na mataas 'yong possibility kaya hindi na ako sobrang nagulat."

After hearing those words from me, they all broke down in tears. Ang mga luhang kanina pa nila pinipigilan ay tuluyang kumawala. Napaupo sina Mill at Mari sa kama, hindi na itinago sa akin ang pagtangis. Ate Kat looked away, but I saw tears rolling down her cheeks.

"Bakit kayo umiiyak?" I asked with a small smile and unshed tears. "Maganda naman siya, ah?" Sumilip ako sa anak ko at muling hinaplos ang pisngi niya. "K-Kamukha niya siguro si Mama."

Hindi sila tumahan. Pakiramdam ko noong mga oras na 'yon ay iniiyak nila ako.

"Hikari Gayle..." I called my daughter softly while my friends were busy weeping for me. 

Hikari... my light. Gayle... her father's joy.

"You're the most beautiful in my eyes."

Unang buwan matapos makapanganak ay lumipat na ako sa nirerentahang apartment nina Mill at Mari. Eddie and Marcus bought Gayle a pink crib and a stroller. Si Ate Kat naman ay bumili ng maraming diaper at laruan. Naiwan siya sa probinsya pero nangako siyang magpapadala buwan-buwan. I told her that it wasn't necessary, but she insisted. Sa ngayon ay sinusunod ko ang payo niya na magturo muna online sa mga Chinese. Iyon lang din naman kasi ang kaya kong gawin.

"Maganda ka naman mag-compose ng sentence, ah?" sabi ni Mill. "Hirap ka lang sa mga malalalim na English at may phrases or words na figurative meaning."

Nakikinig ako sa sinasabi niya habang pinapadede si Gayle. Kauuwi niya lang galing trabaho at siya na agad ang inabala ko.

"Kaya mas gusto kong magturo ng Pinoy, eh. Mas tama kasi ang Tagalog ko."

Mahina siyang tumawa. "Nag-improve nga ang English mo, eh."

Napangiti ako. I looked at my child and pursed my lips. I knew that my English improved because of her father.

Napatagilid ang bibig niya. I panicked a bit, but I managed to return my nipple to her mouth. Lagi iyon nangyayari tuwing pinapadede ko siya. She was having a hard time sucking and gulping. Tuloy ay laging makalat ang paligid ng bibig niya. I never got tired of it. Iniisip ko ay mas mahirap sa kanya iyon.

"Gayle has Trisomy 21," sabi ng doctor na gumamot sa akin noong nabangga ako. It was the first time I had my daughter checked after giving birth to her months ago. "Type ito ng Down syndrome wherein the person has three copies of chromosome 21, imbes na two copies lang."

"Puwede ko po bang matanong kung ano'ng cause no'n?"

She nodded. "This occurs when the sperm or egg cells divide abnormally throughout their development. Pero sa ngayon, 'yong mismong cause..." Umiling siya. "Wala. Mostly, hindi ito hereditary, and there is no evidence that it is rooted in a parent's behavior or an environmental condition."

I felt Gayle move. "Bale... napili lang po ang anak ko ng tadhana?"

Tumingin siya sa bata at ngumiti. Walang awa sa mata. Walang paninibugho.

"I dealt with a lot of children and mothers when I was just a nurse... and even now. Mayroong normal, mayroong hindi." Ngumiti siya. "And you know what I learned with people who have Down syndrome?"

Hindi ako nakasagot. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya habang may maganda pa rin siyang ngiti sa labi.

"They have an extra chromosome... and that's what makes them special," she said softly. "Pero what if hindi naman pala sila sobra?" She took a deep breath and met my eyes. "Kulang lang talaga tayo."

My eyes watered at that. I felt like her words spoke to me.

"You'll be Gayle's first line of defense, so you have to toughen up. There are situations we cannot change, but sometimes... they will end up changing us."

Comfort completely surrounded my heart. Sa kaunting pag-uusap na iyon ay parang umikot ang pananaw ko. I don't have to create a new world for my child. Gayle doesn't have to adjust to the standards of society. Mundo ang dapat na magbago para sa kanya.

She has an extra chromosome that I don't have... and I should look at her from that perspective.

"Thank you po, doc." Hinaplos ko ang balat ni Gayle. "Hindi lang po dahil sa pagpayag n'yong itago ang pagbubuntis ko at sa pagpapanggap na may ginagawa kayong procedures sa akin." Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya. "Thank you for widening my perspective. Tanggap ko naman po ang kondisyon ng anak ko... natatakot lang ako sa mga posibleng marinig niya sa ibang tao."

"It will be hard. She will require a lot more care and attention. Mas mabagal ang paglaki niya kumpara sa ibang bata. She would also have a hard time learning how to walk, eat, and talk," sabi niya. "But I assure you that she can live normally."

"Maraming salamat po." I looked at her nameplate seated on the table. She was a psychiatrist and an ob-gynecologist. "Dr. Yesha..."

"You're welcome."

That check-up changed a lot of things for me. Mahirap ang pagpapalaki kay Gayle, pero hindi ko namalayang tumatakbo ang oras at nagbabago ang panahon dahil araw-araw ay ipinararamdam niya sa akin na tama ang naging desisyon kong ilayo siya sa lahat.

There were good days... but there were also tiring and bad ones.

"M-Mimi..." Umupo siya sa semento ng department store at malakas na umiyak. "Usto Gayle laluan!" sabay turo sa pink na barbie.

Hiyang-hiya akong tumingin sa paligid bago siya daluhan. "Anak, ano'ng sabi ko?"

Umiling siya at lalong umiyak. "Usto Gayle!"

Huminga ako nang malalim at kahit may bitbit na basket ay binuhat siya. Nagwala siya sa bisig ko at ramdam ko ang pagsipa niya sa sikmura ko. She punched my back, and I had to take a deep breath to compose myself. Dinala ko siya sa mas pribadong lugar para hindi kami makaabala sa ibang namimili.

She didn't stop crying... and I just let her. Mahirap kasi siyang patahanin at pagsabihan.

"O, tapos ka na ba?" I asked calmly.

"Mimi..." Sumiksik siya sa leeg ko.

Ibinaba ko siya at parang may sumuntok sa dibdib ko nang makita ang luha sa mukha niya. Pinantayan ko siya at hinawakan ang dalawang pisngi niya. Kahit na nasa harap niya lang ako ay hindi siya makatingin nang diretso sa akin.

"Gayle, I'm here," I whispered as I brushed her cheeks.

Growing up, I noticed that she had trouble making eye contact to the point that I sometimes had to redirect her face to see me.

"G-Gayle," she uttered.

My heart throbbed. "Yes, baby, ikaw si Gayle."

All of a sudden, a familiar song filled the mall. She stuck her tongue out and clapped her hands repeatedly. I just sat there on my knees, watching her. Parang nakalimutan niya bigla ang dahilan ng pag-iyak dahil sa boses na narinig.

Her father.

"Anak..." tawag ko dahil hindi na niya ako pinapansin.

Parang hindi niya ako narinig. She danced along with the music in odd and stiff movements. I tried touching her, but she only shoved my hands.

I was really stressed when we got home. Napagod ako sa paglilikot ni Gayle, pero hindi ko naman siya puwedeng iwan mag-isa sa bahay dahil walang mag-aalaga sa kanya. I looked at her collection of toys, given mostly by my friends, and noticed that all of them were in a particular line up. Gulo-gulo iyon at wala sa ayos. Tuwing binabalak ko namang linisin ay nagagalit siya.

"Mimi..." she called me.

"Hmm?"

She smiled and hugged me. Wala siyang ibang sinabi pero pakiramdam ko ay napawi noon ang pagod ko.

I know that sooner or later, I have to get her checked again because I can notice a lot of unusual signs on her. May mag pagkakataon na kahit ilang beses kong tawagin ang pangalan niya ay hindi siya lumilingon sa akin. Mabilis din siyang mainis at minsan naman ay hirap siyang sabihin kung ano ang gusto niya. I could buy her a toy, but after only a few seconds, she would shake her head and cry... kahit nasaan pa kami.

That same night, after putting her to sleep, I thought of the owner of the voice I heard at the mall. Gustong-gusto iyon ni Gayle. Kapag maririnig namin siya sa TV, titigil siya sa paglalaro at hahagikgik kahit na hindi naman tuwid ang tingin niya sa screen.

For almost four years, Kobe remained steadfast in the music industry. Wala na siyang inilalabas na kanta, pero hindi kailanman nalaos ang mga awitin niya. He also established a promising production company. I stared at the brightest star and smiled sadly. That was the good thing about him. May balita pa rin ako sa kanya kahit na malayo na siya sa akin.

But some nights like this make me wonder if he still thinks of me... of how I am doing and where I am.

Nanatili akong online tutor kahit may kalakihan na si Gayle. Iniisip kong mamasukan bilang katulong sa ibang bansa, pero hindi ko naman maatim na iwan siya rito lalo at ipinangako ko sa sarili ko na ako ang unang poprotekta at gagabay sa kanya. Wala pa ring nagbabago. Hirap pa rin ako sa pinansyal na aspeto. Maliit lang ang kinikita ko at kung hindi pa ibinigay ni Mari ang laptop niya sa akin ay hindi ako makakapagpatuloy sa pagtatrabaho.

I knew things would be a lot different if I had someone with whom I could share the responsibility. There were times when I wanted to just give up because taking care of Gayle every day and working my ass off every night was hard.

But just like before, I knew I needed to live and survive. I'm a mother now. There's nothing I can't do for my child.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro