Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


To: hindi maasim 🎀
Hello, text text po sa may want ;)

"Mamaya mo na abalahin at hindi naman 'yan mag-re-reply. Tingnan mo na lang 'yong titig niya sa 'yo!" ani Eddie habang ipinapakita ang cellphone niya kung saan naka-record ang video ng camera testing namin ni Kobe.

Sinilip ko ang screen. Halatang-halata sa mukha ko ang gulat nang hawakan ni Kobe ang bewang ko. Hindi ko alam kung masyado lang akong assuming pero ang lakas ng chemistry naming dalawa! Despite standing 5'6" tall, I looked so small beside him.

"Pota," napamura ako nang makitang sumilip pala sa akin si Kobe habang nakadirekta ang mga mata ko sa camera. Ngumisi pa siya bago muling ibinalik ang tingin sa photographer. "I-share it mo nga sa'kin 'yan!"

"Ang hot niya, 'no? Halatang daks," natatawang sabi pa ni Eddie habang ipinapasa sa akin ang video. "Swerte ng mga na-karat niyan."

Suminghal ako sa kanya. "'Wag mo nga siyang pag-isipan nang gan'yan!"

"Ay, wow, ang linis!" He laughed. "Pero feeling ko, type ka niyan. Biruin mo, nag-text sa 'yo kasi hindi ka raw nag-reply sa e-mail? P'wede namang manager niya o ibang staff ang gumawa no'n."

"Alam mo..." Ibinaba ko ang cellphone at tiningnan siya. "Hands on kasi talagang magtrabaho si Kobe. Dahil music video niya 'yan, syempre, siya ang mag-be-benefit d'yan. Saka naku!" I fixed my hair. "Totoong maganda ako, pero hindi tao si Kobe. Diyos siya, Eddie, diyos!"

"Eh, kasi naman! Kung makatingin sa 'yo, akala mo nasa kama kayo."

Tumawa lang ako. Nang maipasa ang video sa akin ay mga limang beses ko pa iyong pinanood.

Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang paghawak at pagpisil niya sa bewang ko. Sigurado rin akong nahilo siya kakairap sa akin habang kinukuhanan kami ng litrato. Para bang frustrated siya na hindi professional model ang ka-trabaho niya.

After finding out that it was him who texted me, I hyperventilated. Halos madurog ko pa ang cherry mobile kong cellphone, kaya nang makauwi ay agad akong in-unblock ang number at nag-sorry sa kanya.

Ang kaso, sa lampas sampu kong text, wala kahit isa siyang ni-replyan.

I pouted before typing another text.

To: hindi maasim 🎀
When po 'yong autograph ko?

Bahala na kung ma-block ako. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita kaya susulitin ko na 'to!

Wala pa ring resulta kung sino ang leading lady niya. Siguro ay sa susunod na linggo pa i-a-announce. Hindi rin naman ako umaasang manalo lalo at alam ko namang si Jennifer Austria ang pinaka-qualified. She's very professional.

Nakita ko rin ang e-mail na tinutukoy ni Carly sa spam section ng inbox ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ini-label ng Gmail na spam 'yon!

The following days, I continued doing my thing. Dahil mukhang malayo sa katotohanan ang pagiging leading lady ni Kobe, nagpatuloy ako sa pagiging student assistant sa guidance office tuwing may vacant time ako at pagkakatapos ng klase.

Balak ko ring tumanggap ng virtual tutoring mula sa elementary hanggang senior high school students na nahihirapan sa mathematics.

But right now, the only plan I have is to sit still and watch Kobe's morning interview.

"Bakit naman may pa-popcorn ka pa?" Tumabi si Mari sa akin at kumuha ng throw pillow para ipatong sa hita niya. "K-drama ba?"

"Nope," I replied. "Akala ko ba ay may Saturday class ka? Why are you here?"

"Absent," she simply answered.

"Wow, bago 'yan, ha?" Tumawa ako. "10% din ang attendance, Amari."

She shrugged her shoulders. "So, ano nga ang panonoorin mo?"

"Interview ni Kobe." I glanced at the side table clock. "Fifteen minutes na lang ay magsisimula na 'yon."

Nagbuntong-hininga siya. "Kobe na naman."

Ngumiti lang ako.

"Hindi ba fuck boy 'yan? Ang daming na-li-link sa kanyang artista, ah?"

"Hindi naman confirmed 'yon."

Sumulyap ako sa kanya at nakitang nilalaro na niya ang kulot niyang buhok. Inalok ko siya ng kinakain ko at ang gaga, hindi manlang tumanggi.

Kasama ko siyang naghintay hanggang sa nagsimula na ang programa. After a few minutes, Kobe was introduced by the host. Napatigil ako sa pagkain ng pop corn nang guwapong-guwapo siyang ngumisi sa camera, para bang inaakit niya ang mga nanonood.

"Hi, Dior Kobe! It's nice to see you again!" ani ng host.

Nagkamay ang dalawa bago naupo si Kobe.

"Hi," bati ng lalaki bago tumingin sa audience na ngayon ay siguradong nagwawala na.

Napatili rin ako. Iniabot ko kay Mari ang pop corn at kumuha na lang ng throw pillow para may paglabasan ako ng kilig. Hinawakan ng lalaking 'yan ang bewang ko!

"Thank you for accepting our invitation. Alam naming sobrang busy mo ngayon, lalo at on-going pa rin 'yong selection ng leading lady, right?" tanong ng host.

Tumango si Kobe. "Actually, 'yong team talaga 'yong busy sa selection process kasi hands-on sila. Tinatanong lang nila 'yong suggestions 'ko from time to time."

"Marami bang nag-apply?" kuryosong tanong ulit ng host. "I mean, it made the headlines! Nag-trending talaga."

Napangisi ulit siya bago bahagyang iniyuko ang ulo na para bang nahihiya.

That act gained another shriek from me. Ang guwapo ng hinayupak.

He looked back at the host and nodded. "Madami. Nakisali na nga ako sa pag-s-screen kasi baka hindi kayanin ng team."

Mukhang nagulat naman ang host. "Wow. So, you were the one who chose some of the applicants?"

Muling tumango ang lalaki. "I'm not much of a help. Isa lang ang napili ko."

Napasinghap ako.

I held onto the throw pillow tightly when my heart began to throb. Isa lang napili niya... was it me? They said it was me! I bit my lower lip to stop myself from screaming. Halos magdugo na iyon sa labis na pagkagat ko.

Hindi ko nasundan ang mga sumunod na tanong ng host. I saw Mari sleeping soundly beside me. Mas lalo ko tuloy pinagbawalan ang sarili na mag-ingay kahit pa gustong-gusto ko nang tumili.

"Balik tayo sa isang napili mo," natutuwang saad ng host. "What's with her?"

Napagaling ng host na 'to! Deserve niya ng Nobel prize!

Nag-iinit ang mukha ko habang nakatingin sa mukha ni Kobe na kasalukuyang nag-iisip ng isasagot.

"Hmm... nothing in particular. Her portfolio is just..." His lips pursed. "I don't know... cute?"

That's it.

"Punyeta, cute daw!" sobrang lakas na tili ko. "Ahhh! Mahal na mahal na mahal kita, Kobe!"

Mari groaned. Pinanood ko kung paano siya tumayo para lumipat sa kwarto nila ni Ate Kat. Hindi naman maalis sa labi ko ang malaking ngiti dahil sa kilig at gulat.

The host chuckled. "Dahil napag-uusapan na rin naman natin 'yan, ano bang hinahanap ng isang Dior Kobe Gallardo sa isang babae? What's your type?"

Napaayos ako ng upo. Hindi na ba magtatanong ang host tungkol doon sa babaeng napili?! Wala nang follow-up question?!

"I don't have a specific type, but I want someone mature and professional," tugon niya na pumatay sa kilig ko. "Okay rin kung mas matanda sa akin."

"No, it can't be!" madramang reklamo ko. "Matapos mong sabihing cute ako! Taksil!"

Kailangan ko pa yatang papalitan ang birth year ko!

The next questions were about his new album and he only answered subtly because he didn't want to give spoilers. Hindi na nasundan ang tanong tungkol sa tipo nitong babae kaya lalo kong na-confirm na wala na talaga akong pag-asa.

Cute ka lang, Karsen, hindi type.

Matapos ang interview ay kinuha ko agad ang cellphone ko para i-text siya.

To: hindi maasim 🎀
Mukha lang po akong bata pero 25 years old na ako, hindi 19. #OlderWomanHere ^__^

Napanguso ako nang lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin siyang reply. Nakakahiya tuloy. Baka mamaya ay pikon na pikon na siya sa akin pero dahil alam niyang fan niya ako, hindi niya ako mapagalitan.

Pumunta ako sa kwarto at humarap sa full-length body mirror namin. Kahit matangkad ay hindi mapagkakailang bata pa ako dahil napakasimple ng itsura ko.

I have a pair of black chinky eyes which I think complement my heart-shaped lips and small triangular nose. Ang itim at tuwid na buhok ay hanggang bewang at kung hindi ako maririnig na magsalita ay mapagkakamalan akong mahinhin.

I've always liked hair clips because all of my female classmates used to have them when I was younger. They were so beautiful to look at. Para silang malinis dahil hindi humaharang ang buhok sa mukha nila kahit na naglalaro kami.

Back then, my greatest wish was to own something as lovely as that. I didn't even pray for a doll. Hair clip lang. It was like the symbol of beauty for me.

Kaya nang makabili ako no'n sa halagang 200.00 nang mag-labingdalawa ako, ang saya-saya ko. It was the cutest little pink bow hair clip in the department store. And from then, I considered it my lucky charm.

Dahil wala nang magawa, humiga na lang ako at tiningnan ang mga texts ko kay Kobe.

Ang corny palang mag-back read kapag halatang hindi interesado ang textmate mo, 'no?

Halos maibato ko ang cellphone nang bigla itong nag-beep.

1 new text message

Nanginignig ang kamay kong nag-scroll hanggang sa pinakadulo ng text namin ni Kobe at napanganga ako nang makitang siya nga ang nag-reply.

From: hindi maasim 🎀
Stop texting me.

Hindi ko pinansin ang laman ng text niya dahil agad akong nag-type ng sagot. Minsan lang 'to, shuta!

To: hindi maasim 🎀
load mo muna ako haha char

To: hindi maasim 🎀
I watched your interview. Ako ba 'yong cute? Kapag hindi ka nag-reply, ibig sabihin, ako 'yon.

Umupo ako sa kama, hindi inaalis ang mga mata sa screen. He replied! Kahit pa ang content ng text ay tigilan siya, sumagot pa rin siya!

Unfortunately, after thirty minutes of waiting, I received nothing.

Dalawa lang ang ibig sabihin no'n. Ako ang sinasabi niyang 'cute' o ayaw niya na talagang humaba pa ang conversation namin.

Pero bilang napakapositibong tao, inisip ko na lang na 'yong una 'yon. Bago pa tuluyang ma-lowbatt ang cellphone ko ay nag-text ulit ako sa kanya.

To: hindi maasim 🎀
Wala naman akong regla pero nag-c-crave ako sa reply.

I charged my phone and started doing my paperwork. May reporting kasi kami sa susunod na linggo sa Philippine History—ang pinakaayaw kong subject. Hindi na ako magugulat kung mababa pa sa dos ang grade ko ro'n.

I fell asleep after studying. Hapon na nang magising ako at napagtanto kong hindi manlang ako kumain. Napansin kong natutulog din si Mill sa kama namin. Ni hindi ko namalayang dumating na pala siya.

Lumabas ako ng kwarto. Nasa sala si Ate Kat at nang makita ako ay ngumiti siya.

"Magbihis ka. May night photoshoot daw kayo sabi ni Eddie," aniya.

"Huh?"

"Biglaang raket. Sayang din ang pera. Sagot naman 'yong wardrobe."

Napanguso ako. "Ni wala nga akong idea!"

"Gaya lang ng dati," sagot niya. "Nakatrabaho mo na 'yong clothing shop na 'yon. May bagong set daw ng t-shirts. Kailangan ng model."

Tumango ako at nagsimula na ring mag-ayos. Si bakla, wala manlang pasabi! Ganap na ganap ang pagiging manager ko! Sa tapsilugan ko lang naman naililibre.

"Ay, naku! Hindi na mura ang talent fee niyan at nakakatrabaho na si Kobe. Kilala mo 'yon? 'Yong sikat na singer?" kontrata ni Eddie sa client. "Kailangan ng increase," hirit niya pa.

Napayuko ako para pigilan ang pagtawa. Nakatrabaho raw, eh.

"Dagdag kami ng isang libo, ano, game?"

Eddie clicked his tongue. "2k."

"Ang mahal naman!"

"Aba, ang ganda nito! Ang mahal pa ng make-up kaya kailangang lakihan."

Pinapanood ko lang silang magtalo sa presyo. Wala naman sa akin 'yon. Nakakatuwa lang si Eddie dahil sa iilang raket namin nang magkasama, kahit kailan ay hindi siya pumayag na maliit ang bigay sa akin. Kung hindi lang siya bakla, iisipin ko talagang type niya ako!

"Increase ng one five. Last offer na namin 'yan."

Shet, mukhang malaki-laki ang iuuwi namin ngayon, ah?

"Deal."

Nagsimula ang photoshoot namin at sinigurado kong hindi maiistress sa akin ang photographer dahil baka hindi na kami makaulit.

"Nakatrabaho mo nga 'yong singer?" maya-maya'y tanong ng kliyente namin.

Napatingin ako kay Eddie. Pinandilatan niya ako, para bang sinasabing huwag ko siyang ilaglag.

I gave the client my sweetest smile. "Photoshoot lang po. Hindi ko sure kung ma-re-release 'yon."

Matagumpay na ngumiti ang lalaki. "Big time ka na pala. Upload mo sa social media accounts mo, ha? I-se-send ko sa 'yo mamayang gabi ang pictures. Mabilis namang mag-edit ang photographer namin. I-post mo agad."

"Wala pong problema. Pagka-send n'yo ay i-po-post ko right away." Nakipagkamay siya sa akin. "Salamat po. Sa uulitin."

"Sana nga ay makaulit. Siguradong pataas ang talent fee mo. Baka hindi na kayanin ng team namin."

Tuwang-tuwa kami ni Eddie habang nag-di-dinner sa plaza. Sarado na ang tapsilugan kaya nag-pares na lang kami at barbeque.

"Kapag kinuha ka ng prod nina Kobe, ako ang manager mo, ha!" aniya. "Kahit hindi mo na ako swelduhan. Sapat na sa akin ang makita si Kobe."

Tumawa ako. "At paano naman ang pag-aaral natin?"

"Madali nang humabol do'n. P'wede namang kausapin sina Ma'am." Ibinaba niya ang kutsara at biglang ngumisi. "May number ka ni Kobe, 'di ba?"

I narrowed my eyes on him. "Ano'ng plano mo?"

"Tawagan natin!"

"Eh!" malakas ang boses na pagtanggi ko. "Stop texting him nga raw, eh!"

"Stop texting, hindi calling," pangangatuwiran niya.

Napanguso ako. "Nakakahiya. Baka magalit."

"There's no harm in trying." He shrugged. "Tara doon sa upuan sa likod ng puno para medyo tahimik."

"Gago ka, ano'ng sasabihin ko?!" pasigaw na tanong ko habang hinihigit niya ako patungo sa bench. "Ayoko! Nakakahiya!"

"Alam mo... sa lahat ng fangirl, ikaw ang pinakaswerte." Sininghalan niya ako. "Unfortunately, pinakatanga rin."

Inagaw niya sa akin ang cellphone ko at dahil ang kalahateng parte ng puso ko ay gusto ring lumandi, hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niyang mangyari.

"Tanginang pangalan 'yan, hindi maasim," reklamo niya nang makita ang pangalan ni Kobe sa cellphone ko. "May ribbon pa."

"Bilisan mo na!"

Tumawa siya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mag-ring iyon. Para kaming mga kriminal dito sa likod ng puno ng acacia dahil siguradong halata sa mukha namin ang kaba.

"Ang tagal namang sumagot!" si Eddie.

Binawi ko sa kanya ang cellphone at hinigpitan ang kapit doon. This is a life and death situation!

My mouth fell open and adrenaline surged through my veins when he picked up the phone. Ni hindi ko na naramdaman ang malakas na hampas ni Eddie sa balikat ko lalo at masyado akong nagulat na sumagot talaga siya.

"H-Hello?" kinakabahang bati ko.

"I was in the bathroom. What do you need?"

Naiiyak akong napatingin kay Eddie. Shuta, ang guwapo ng boses.

"Ano'ng sabi?" he mouthed.

Umiling lang ako at mas lalong kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Uhh... napanood ko 'yong interview mo kanina." I chuckled nervously. "Ang galing mo!"

Hindi siya sumagot. Parang anumang oras ay matutumba na lang ako rito sa labis na kaba.

"Pasensya na pala kung na-block ko 'yong number mo dati. A-Akala ko kasi ay 'yong kaibigan ko."

"It's okay," he answered. He was obviously bored!

Eddie grabbed my arm, probably wanting to hear Kobe's husky and deep voice.

"How about my autograph?" lalong nanginig ang boses ko. "'W-Wag kang talkshit, ha! Kailan 'yong next time?" I coughed to clear the lump in my throat. My goodness, nakakaubos ng energy 'to!

Nawala sa cellphone ang atensyon ko nang may mga tambay sa plaza na bigla na lang nagpatugtog. Malaki ang speakers nila kaya nasakop nila ang buong lugar.

"Ngayon pa talaga dumali ang mga hypebeast!" bulong ni Eddie.

"You're outside?" tanong ni Kobe na hindi ko naman naintindihan dahil sa malakas na tugtog.

"Ano 'yon?!" sigaw ko sa cellphone. I looked at Eddie. "Layo nga tayo. Hindi ko marinig si Kobe."

Sa likod ng simbahan kami nakarating. Ilang beses kong tiningnan ang screen para i-check kung on-going pa rin ba ang tawag at thankfully, hindi naman niya ibinababa. Mukhang marami siyang time, ah?

"Sorry, ano 'yong sinabi mo kanina?"

"Bakit nasa labas ka pa?" Napakatahimik ng background niya. His voice was clear and deep. Paniguradong kung ganito ang ka-late night call mo ay gabi-gabi kang matutulog nang nakangiti.

"Sa plaza kasi kami nag-dinner ni Eddie!" kaswal na kwento ko.

"Eddie?"

I smiled. "Oo. 'Yong kasama ko no'ng camera testing."

He scoffed. "Gabi na, ah?"

"Syempre dinner. Alangan namang umagang dinner?" I pouted.

"Okay, then." Parang inis na siya.

"Teka!" pigil ko. Napatingin sa akin si Eddie na bahagya nang natatawa.

"What?" supladong tanong niya.

I took a deep breath. "May raket kami kanina. Gabi ang setting kaya dito na lang din kami nag-dinner sa malapit," paliwanag ko.

"Tapos na, 'di ba? Uwi na."

Napabuntong-hininga ako. "Sungit."

He chuckled sarcastically. Lalo naman akong napasimangot.

"Kids like you shouldn't be out this late."

"19 na 'ko!"

"Career na career ang pakikipaglandian, ah!" sigaw ni Eddie mula sa malayo. "Okay lang ako rito!"

Inirapan ko lang siya kahit hindi ako sigurado kung makikita niya ba 'yon.

"You said earlier that you were 25," saad ni Kobe.

"Ah, oo nga pala." Nag-init ang pisngi ko. "Ate mo na ako simula ngayon. Ate Karsen."

Matapos iyon ay parehas kaming natahimik. Nahihiya ako dahil baka mamaya ay naabala ko na siya. At the same time, hindi ko naman magawang magpaalam dahil napakabihira ng ganitong opportunity.

"It's past 10. Umuwi ka na."

Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"And... text me when you're home," he muttered softly.

"Huh? P'wede?" My heart started beating wildly again.

"Yeah." He sighed. "Para namang titigil ka kahit sinabi kong tumigil ka na."

"Yey!" I exclaimed. "Walang bawian, ha! Bye! Uuwi na ako! Talk to you later!"

Ibinaba ko agad ang tawag at mabilis na hinaklit si Eddie pauwi. Ininterview niya ako kung anong naging usapan namin at para kaming mga biik sa tricycle na umiirit sa kilig.

"Type ka talaga n'yan!" sabi niya pa bago ako bumaba. "Sa susunod na magkita kayo, mag-shave ka ng kipay para ready ka sa laban!"

To: hindi maasim 🎀
Hello, nasa bahay na akoooo :)

Puwede na akong maging endorser ng energen sa sobrang taas ng energy ko ngayon. Sa totoo lang ay parang gusto ko ngang mag-general cleaning!

My smile widened when he replied. Tinotoo niya talaga!

From: hindi maasim 🎀
Go to sleep.

No, Kobe. P'wede mo akong utusang mahalin ka, pero ang patulugin ako habang nasa rurok ako ng kasiyahan? Hindi!

To: hindi maasim 🎀
Luh. Paano naman ako makakatulog?

He replied after a minute. Hindi ako pumapasok sa kwarto dahil ayaw ko namang gisingin si Mill sa tili ko.

From: hindi maasim 🎀
Close your eyes.

Napairap ako. Ano ba 'yan! Akala ko pa naman ay mapapahaba ko pa ang usapan namin!

To: hindi maasim 🎀
:(
#SinoBaNamanAkoParaItextMo
#FangirlThings
#PainDemandsToBeFelt
#BrokenHeartedAsf

Lumalabas ang pagka-jejemon ko sa lalaking 'to! Gusto ko pa namang maging intimidating bitch.

From: hindi maasim 🎀
A big news awaits you tomorrow. You'll need a lot of energy for that. 

Napatulala ako. I could only think of 'that' news. Is that... possible? Parang hindi? Siguro ay hindi iyon. Don't overthink, Karsen. Siguro ay ibang balita 'yon.

My phone beeped again, which I think confirmed the questions in my head. 

From: hindi maasim 🎀
Goodnight. See you soon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro