Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Today, I realized that the loveliest memory sometimes leaves the most painful wound.

Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Should I complain? Should I be scared? Should I be happy? I don't know. Ang sabi nila, ito raw ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ng isang babae. Ang pinakamalaking biyaya at pinakamasayang alaala.

"Baby, are you done?" puno ng lambing na tanong ni Kobe mula sa labas ng banyo.

Pero habang nakatitig sa puting stick na may dalawang guhit na pula ay wala akong emosyong makapa sa puso ko. Baka nagkamali ako. Baka masyado akong nagmadali. I didn't weigh the options before I chose love over my life.

Tumingin ako sa salamin at tinitigan ang sarili. Kapansin-pansin ang pagpayat ng mukha ko at pamumutla ng balat. The happy and loud Karsen seemed so distant now. Para akong ibang tao. I didn't know if it was because of my face or body... but I knew for sure that something had changed in me.

Sa unang beses mula noong makilala ko si Kobe, nakaramdam ako ng pagsisisi.

I did everything rashly. I gave up everything in the snap of a finger. I became too preoccupied with creating a new version of myself. Para magustuhan. Para matanggap.

Pinalis ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Karsen, you have thrown your worth away for everyone around him to find you worthy.

Paglabas ko ng pinto ng banyo ay bumungad sa akin ang buong pamilya Gallardo. Don Lucho was sitting on the couch with his wife who was busy massaging her nose bridge. Ate Clea was standing in the middle of the living room, and Elliot, with his arms crossed, was bowing his head. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Kobe at nang makita ako ng buong mag-anak ay agad silang dumalo sa akin.

"Ano'ng resulta?!" sigaw ni Tita.

"Ma, calm down," suway ni Elliot.

Pinaupo ako ni Kobe sa couch at bago pa siya makapagtanong ay iniabot ko na sa kanya ang tatlong pregnancy test. Sumilip doon ang mag-anak maliban kay Don Lucho na naiwan ang mga mata sa akin. Wala akong mabitawang salita. I was too shocked to absorb everything. Natatakot ako dahil baka gaya ng pagtrato nila sa akin, hindi rin nila matanggap ang buhay sa sinapupunan ko.

Maybe I would feel guilty afterwards, but today I don't like the idea of being a mother.

I was still in the middle of processing everything when Kobe pressed his face against my neck. Napabaling ako sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ang pamamasa ng leeg ko.

Napakurap ako ng ilang beses. Is he crying?

"T-Thank you..." nauutal na bulong niya.

Warmth surrounded my heart. He liked... it?

"I'm so happy, Karsen. I'm so happy."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at nanubig ang mga mata ko nang makitang puno ng luha ang pisngi niya. He pulled me into a hug and whispered sweet things to me. Right there, I felt the love I chose over my life.

Hindi ko na nasundan ang reaksyon ng buong mag-anak. Kobe was embracing me tightly enough to shut my thoughts down. Unti-unting napalitan ng pagtanggap ang pangambang bumalot sa puso ko. Maybe I could share my worries with him. Maybe he'd have a plan. Maybe we were lost, but we'd find answers along the way.

Naging mabilis ang lahat ng pangyayari. Every day, I'd have a series of morning sickness and a cycle of cravings. Mas naging abala si Kobe sa trabaho at ilang shows na rin ang tinanggap niya para sa gastusin sa pagbubuntis ko. I also had a weekly check-up with my personal ob-gyn. Nang sinabi ko sa mga kaibigan ang kalagayan ko ay gustong-gusto nila akong puntahan, pero gaya ng nagdaang mga linggo, nalilimitahan pa rin ako.

"Karsen, nalinis mo na ba ang banyo sa kwarto ko?" tanong ni Tita. "Ano't nagpapahinga ka na? Hindi ka pa nga tapos mag-mop."

Huminga ako nang malalim. Nagbubutil ang pawis sa noo ko kaya naupo muna ako sa couch. Itutuloy ko naman ang paglilinis. Hinahapo lang talaga ako.

"Tatapusin ko po, Tita," bulong ko.

She scoffed. "Bilisan mo! Baka dumating ang mga amiga ko ngayon at mapuna nilang madumi ang bahay!"

Mabigat ang loob kong tumayo at muling kinuha ang mop. Kahit nakapusod ang buhok ay pawis na pawis ako. Kung puwede lang ay mahihiga na lang ako dahil wala talaga ako sa wisyo maglinis. Pakiramdam ko kasi ay matutumba ako.

"Sa kusina ka muna," sabi ni Manang Emy nang mawala si Tita sa harap ko. "Hindi ka makikita ro'n ni Penelope. Ako na ang maglilinis dito."

Hindi ako nagreklamo. Nagpunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Kahit ganito ang kalagayan ko ay hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Tita. Siya rin ang nagsabi kay Kobe na hindi ko na kailangan ng private nurse dahil aalagaan naman niya ako... but of course it was the opposite. Pangalawang araw matapos malaman ang pagbubuntis ko ay pinaglinis niya agad ako ng matataas na bintana at kung hindi lang napigilan ni Manang Emy ay paakyatin niya pa ako sa bubong ng mansyon.

It was a slap in my face. Hindi niya ako tanggap kaya hindi niya rin kayang tanggapin ang magiging anak ko.

I was five weeks pregnant—that was what the doctor said.

The first trimester is the most critical stage of pregnancy. The doctor advised me to take a rest as much as I could... but how could I do it in this place? Natatakot ako sa puwedeng gawin ni Tita sa akin dahil hindi naman ako sigurado kung matibay ang kapit sa akin ng anak ko, kahit pa sinabi ng doctor na healthy naman ang bata.

Everything felt like a blur. Dahil abala si Kobe sa trabaho, sinasarili ko ang cravings. Inililinis ko iyon o kapag may oras naman ay itinutulog ko.

I touched my flat belly. Kung hindi alam ng mga tao ay walang mag-aakalang buntis ako.

"Nasaan si Karsen?!"

Napabuga ako ng hangin nang marinig ang boses ni Tita. Ibinaba ko ang iniinom at lumabas ng kusina para magpakita sa kanya.

"Uminom lang po, Tita."

Tumaas ang kilay niya. "Ang banyo sa kwarto ko!"

Tumango ako at mabilis na umakyat sa kwarto niya. Hindi ko na tinapunan ng tingin ang mga helper na nandoon dahil sigurado naman akong sanay na sila sa pakikitungo sa akin ni Tita. I heard Manang Emy scolding Tita, but I'm sure the latter doesn't care. Parang dinaganan ang puso ko nang marinig ang hakbang ni Tita sa likod ko. She was following me. Panonoorin niya ba ang paglilinis ko?

Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kwarto niya nang tampalin niya ang kamay ko. I nervously looked at her.

"Don't touch my door," inis na inis na suway niya bago itulak ang pinto.

I was really emotional. Nauna siyang pumasok sa loob pero naiwan akong nagpipigil ng iyak sa labas. Gusto kong tumakbo na lang sa silid namin ni Kobe para doon pakawalan ang luhang gustong umalpas sa mga mata ko dahil pagod na pagod na ako. Bukod kasi sa bugbog na katawan ay hindi ko na alam ang dapat pang gawin para tanggapin ako ni Tita.

"Karsen!"

Napaigtad ako nang marinig ang matinis niyang boses. Pumasok ako sa kwarto niya at nasalubong ko ang nanlilisik niyang mata. I breathed in, and my stomach churned when I smelled her scent. Napahawak ako sa bibig at agad na tumakbo sa banyo niya para doon sumuka. Halos yakapin ko ang inidoro sa dami ng isinusuka ko. Nagdidilim ang paningin ko at nangangasim ang sikmura dahil sa naamoy.

"Karsen!" galit na galit na tili niya. "Fucking peasant!"

Ipinikit ko ang mata at ipinagpatuloy ang pagsuka. Naramdaman ko ang mahinang pagsipa niya sa balakang ko, pero dahil mahigpit ang kapit ko sa bowl ay hindi ako natinag. Ilang minuto akong ganoon at nang matapos ay hinang-hina akong napaupo sa sahig.

Nag-angat ako ng tingin kay Tita. "S-S-Sorry po..."

Inaasahan ko na ang pagsigaw niya sa akin kaya ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ang malakas na pagsampal ng palad niya sa pisngi ko. My face turned to the other side. Nanubig ang mata ko hindi lang dahil sa sakit noon kung hindi dahil iyon ang unang beses na napagbuhatan ako ng kamay.

"Sumuka ka pagkapasok mo sa kwarto ko, tapos sasabihin mo, sorry?!" Rinig ko ang matinding poot sa boses niya. "Are you fucking insulting me?!"

Nanginig ang bibig ko sa takot. Namamanhid ang pisngi ko sa sampal niya at nagsunod-sunod ang pagbaksak ng luha ko. Hindi ako makasagot dahil sa oras na magsalita ako ay sigurado akong mababasag ang tinig ko. I was scared of her... more than scared of the thought of being a mother. Hindi ako tumingin pabalik sa kanya dahil natatakot akong masampal ulit.

"I don't want a grandchild with you..." madiing aniya na lalong nagpasikip sa dibdib ko. "Paano mo aalagaan ang anak mo, ha? Wala ka namang kinalakihang ina. You'll only raise that kid to be like you."

Bawat salita niya ay sumusuntok sa dibdib ko. That was my greatest doubt... and she said it without hesitation... without thinking that it might hurt me. Wala akong modelo ng isang ina kaya hindi ko alam kung paano ko palalakihin ang anak ko. I was just going with the flow, but the truth was that I was clueless. Kung wala si Kobe ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

"Do you have any idea how much my son has lost because of you?" bulong niya. "He gave up his music career. He gave up his good relationship with his agency. He gave up so many opportunities." My heart throbbed even more. Halos hindi na ako humihinga. "Now, he's starting from scratch. Dahil sa 'yo! Lahat 'yon ay nangyari dahil sa 'yo!"

Umiling ako. "T-Tama na po, T-Tita..."

She scoffed. "Ang lakas ng loob mong lapitan ang anak ko! Ang taas masyado ng pangarap mo! Kobe grew up in a wealthy family! He was showered with nothing but love and support! Pero sinira mo lahat! Everything would've been easier if you broke up with him, but you didn't! Nagpabuntis ka pa!"

Tuluyan akong napahikbi. "P-Please, tama na po..." Another word from her would surely break me. Alam ko ang lahat ng 'yon... hindi na niya kailangang ingudngod pa sa akin.

"Tama na? Naisip mo ba 'yan bago ka nagpatira sa anak ko?" she asked angrily. "Palamunin ka na nga, nagdagdag ka pa ng isang palamunin!"

Tumingin ako sa kanya at doon ay napatunayan kong imposible nang maayos ang relasyon namin. Na ang paglilinis at pagsunod ko sa kanya ay walang saysay dahil inaalagaan niyang mabuti ang galit sa akin. Slowly... so slowly... I stood up. Halos magkasingtangkad lang kami kaya nasalubong ko agad ang tingin niya. She was so beautiful and elegant... gaya ng una kong kita sa kanya. She was the one who raised Kobe, and I will be eternally grateful to her. Gusto kong mapalaki ang anak ko gaya ng pagpapalaki niya sa lalaki.

And so, in my humblest moment, I fell on my knees. In front of her. In front of the woman whom I respected so much.

Tears rolled down my cheeks. This is the symbol of my last string of honor to her. Dahil pagkatapos nito, titigil na ako sa pangangarap na tatanggapin niya pa ako. I wasn't born a quitter... but I would always be a loser... and today, I'm accepting defeat.

"I-I'm sorry." I gulped to clear my throat. "M-Ma'am Penelope."

Ganoon naman talaga dapat. Gaya ng tawag sa kanya ng helpers niya.

"P-Patawarin n'yo po ako dahil naging mapaghangad ako. Alam ko naman na hindi ako bagay sa katulad ni K-Kobe." I sobbed. "K-Kaya nga po sinusubukan ko. N-Nagtrabaho po ako nang mabuti dati para makabili ng mga bagong gamit... para hindi nakakahiya kapag kasama ako ni Kobe. Para hindi nakakahiya kapag haharap ako sa inyo."

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. Ang pagluhod ko sa harapan niya ang natitirang paraan ko ng pagkikita sa kanya ng taus-pusong respeto at paggalang.

"G-Ginagawa ko naman po lahat para maging karapat-dapat ako kay Kobe... pero kulang, eh. Ano pa po bang gagawin ko? Wala na po akong ibang maibibigay sa anak n'yo kung hindi pagmamahal... kasi iyon lang po ang meron ako." My voice broke. "P-Pasensya na po, ma'am, dahil hindi ako sapat para kay Kobe. Pasensya na po kasi kahit hindi ko gusto, nasira ko siya. Pasensya na po kung n-nagpabuntis ako. P-Pero pasensya na rin po dahil hindi ko p-pinagsisisihan ang nangyari sa amin."

She gasped, but I continued talking.

"Totoo pong hindi ko alam kung paano maging nanay dahil wala namang gumabay sa 'kin, pero gagawin ko po ang lahat para mapalaking mabuting bata ang magiging anak namin." I looked up at her with tears in my eyes. "I'm so... sorry for everything, ma'am. Sa lahat ng nagawa ko... at nagawa ng nanay ko sa inyo."

Dumaan ang gulat sa mata niya ngunit mabilis din iyong nawala.

"Are you done?" she asked coldly.

Nanikip ang dibdib ko bago dahan-dahang tumango.

"Okay, you can start cleaning my bathroom now."

Hinintay ko muna siyang makalabas ng silid bago ako muling naupo sa sahig para umiyak. Everything was too much for me. Parang sa lahat ng aspeto ng buhay ni Kobe, nanlilimos ako ng pagtanggap. At ngayong magkaaanak na kami, nadudurog na agad ang puso ko para sa bata. My child would go through everything, too. Baka hindi rin siya mahalin ng lahat. Baka hindi rin siya tanggapin.

I cried even more. Is love supposed to be this hard?

Kahit habang naglilinis ng banyo ay hindi ako tumahan. Kahit nagmamaakawa na ang mga mata ko ay hindi ako tumigil sa pag-iyak dahil pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng mundo.

"Wala ka raw cravings ngayon sabi ni Mama?" nakangiting tanong ni Kobe habang nakahiga kami. Hinawakan niya ang tiyan ko at hinaplos iyon. "Our baby is not making it hard for you."

I swallowed hard as I faked a smile. "Oo naman. Bait 'yan, eh."

"Kapag may masakit sa 'yo, sabihin agad sa 'kin, ha?" he asked sweetly. "Tapos kapag hindi kayang ibigay ni Mama ang gusto mong kainin, i-text mo 'ko. Dadalhan kita."

Ngumiti lang ulit ako. That would never happen because I would never have the heart to make things harder for him. Alam kong pagod na siya sa trabaho at hindi ko na kayang dagdagan pa iyon. Naging mas abala siya nitong mga nagdaang araw dahil tuwing gumigising ako ay hindi ko na siya naaabutan.

"I'll have a concert," he uttered while cuddling with me.

I was surprised, but I was too weak to even show it.

"Kaya ba sobrang busy mo?"

I felt him nod. "Ngayon ko lang sinabi sa 'yo kasi kaka-start lang ng selling ng ticket kanina. Bukas magsisimula ang practice namin kaya late na rin ako makauwi."

"Hindi mo naman bibitawan ang pagkanta, 'di ba?" tanong ko.

"I wanted to," sagot niya agad. "But for now, while waiting for our company to flourish, I need to accept shows and concerts. I don't want to use up all my savings."

Sumiksik ako sa leeg niya dahil biglang naglaro sa utak ko ang sinabi ng nanay niya kanina sa akin. "Sorry kung hindi ako makatulong sa 'yo. Hayaan mo. Pagkapanganak ko, maghahanap na agad ako ng trabaho."

He clicked his tongue. "Don't think about it, Karsen. You're on my side. Wala kang dapat problemahin. I'm the one who should be sorry because I can't be with you all day."

"Kaya ko pa naman," sagot ko.

He breathed. "Are you excited?"

"Hmm?"

"Sa anak natin... are you as excited as I am?"

Ngumiti ako at tumango.

"We'll buy her things after my concert," aniya ulit.

Lumabi ako. "Her?"

He chuckled. "I want a mini Karsen."

Nang mga sumunod na araw ay mas naging abala pa si Kobe. Hindi ko na siya naaabutan kapag umaga at tulog na tulog naman na ako kapag umuuwi siya. Nakakapag-usap lang kami kapag tumatawag siya sa akin o hindi kaya ay tumatawag ako sa kanya. Patuloy rin ang pag-aaral ko kahit hindi ko na makita ang punto pa noon.

"Ma'am Karsen, dumating na po ang order n'yo," saad sa akin ng isang helper.

Maligayang-maligaya ako habang bumababa dahil simula kaninang umaga ay nag-c-crave na ako sa strawberry milkshake ng Sway's. Iniwanan ako ni Kobe ng pera dahil maagang umalis si Tita kanina. Hindi na rin ako masyado imino-monitor ng ginang kaya may mga pagkakataong nakakapagpahinga ako. Matapos ang pagluhod ko sa harapan niya ay ramdam ko ang pagdistansya niya sa akin at ganoon din ako sa kanya. And I never thought it would be better this way.

Nakangiti akong lumabas ng gate at umawang ang labi ko nang makitang si Marcus ang nag-deliver ng order ko.

"Karsen?" gulat na tanong niya. Tumingin siya sa bahay bago muling ibinaba ang tingin sa akin. "Long time no see."

Ngumiti ako at iniabot sa kanya ang bayad. Ibinigay naman niya sa akin ang milkshake at pinigilan ko ang mapangiti nang makita ang maliliit na strawberries sa taas noon.

"Salamat, Marcus."

Tumango siya. "Dito ka na nakatira?"

"Oo. Bahay nina Kobe," sabay turo sa likuran ko.

Sigurado akong hindi niya mahahalatang buntis ako dahil maliit pa rin ang tiyan ko. Hindi ko nga alam kung saan nagtatago ang anak ko.

"Kaya pala hindi na kita nakita sa apartment." Nakangiti pa rin siya.

"Huh? Pumunta ka?"

He nodded. "N'ong may issue..."

"Ahh, thank you." I chuckled. "Okay naman na ako. Matagal na 'yon."

"That's good to hear. Hindi ka na rin kasi nagpupunta sa bahay."

Napakurap ako nang maalala ang kapatid niya. We ended in such a bad way... at naiintindihan ko kung bakit siya nagalit sa akin. I knew how critical our thesis was, but due to my personal problems, I disregarded my responsibilities.

Nag-iwas ako ng tingin kay Marcus. "Kumusta na si Eddie?"

Narinig ko ang marahang pagtawa niya. "Magkaaway pa rin kayo?"

My eyes widened as I looked back at him. "Ba't mo alam?"

"Katabi niya 'ko nang mag-usap kayo," he replied. "He cried after a few minutes."

Sumikip ang dibdib ko sa narinig. "Bakit? S-Sa thesis?"

Umiling siya. "Kasi napagsalitaan ka raw niya." Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Nahihiya lang 'yon makipag-usap ulit sa 'yo, pero araw-araw 'yon nagtatanong kina Mill at Mari noon kung kumusta ka."

My pregnancy hormones were really messing with me because, after hearing those words, tears escaped my eyes. I miss Eddie so much. I miss doing photo shoots and make-up sessions with him. Kahit noong ilang beses akong absent ay siya ang nagsusulat ng notes para sa akin dahil ayaw niyang may ma-miss ako sa klase.

"Hey..." saad ni Marcus bago ako yakapin. "It's okay. Sasabihin ko kay Eddie na kausapin ka ulit. Tumahan ka na."

My lips quivered. "Miss na miss ko na ang kapatid mo, Marcus..."

"Shh... it will be okay. Miss ka na rin n'on." Bumitaw siya sa akin at pinalis ang luha sa pinsgi ko. "Ang cute mo pa rin talaga. Halatang naalagaan ka ni Kobe, ah?"

I pursed my lips to stop myself from crying more. God, nakakahiya! Hindi naman kami close ng lalaki, umiyak-iyak pa ako!

"Salamat, Marcus, ha? Nabunutan ako ng tinik sa dibdib."

He nodded. "Kapag nag-c-crave ka sa milkshake. Tawag ka lang sa Sway's. Ako ang magdadala. Dadamihan ko ang strawberry." Muli siyang tumingin sa likuran ko. "Sige na, pumasok ka na. It was nice to see you happy again."

Ngumiti ako.

"And congratulations for being the girlfriend of your long-time idol."

Ngiting-ngiti ako nang bumalik sa bahay. Matagal na akong hindi nag-so-social media kaya wala akong balita kay Eddie, pero ngayong nasabi sa akin ni Marcus na hindi galit sa akin ang kaibigan ay buong tapang kong ini-reactivate ang account ko. Hindi na ako nagulat nang sumalubong sa akin ang napakaraming chat at wala akong sinubukang basahin doon. I visited Eddie's account, and a smile crept up to my lips when I saw his pinned post.

📌 Pinned post

Eddie

O, nakapag-ingay na ba lahat ng bashers ng DK couple d'yan? HAHAHA kapal ng mukha n'yong sabihing hindi deserve ni Kobe si Karsen, eh kung naging straight ako, liligawan ko ang babaeng 'yan! She has the purest soul and the kindest mind, but you guys can't see that because of your self-made hatred that isn't really relevant. Makaimik kayo akala n'yo pakain n'yo ang kaibigan ko, ah? Eh, ano kung sa ampunan lumaki? Kayo ngang may mga magulang, bastos! First boyfriend niya rin si Kobe, and mind you, si Kobe ang unang nag-confess kay Karsen. But of course, hindi n'yo madi-digest 'yan. Hindi kayo makaka-relate kasi ang chachaka n'yo! Bye!

Below that were our pictures together. May mga solo pictures ako na siya mismo ang kumuha at halos maluha ulit ako nang makitang maraming nag-react ng love doon. Some people were commenting on my looks, and I was really happy to know that my friend was out there, saving me from everyone. Kahit may tampo siya sa akin ay hindi niya pa rin ako tinalikuran.

Without second thoughts, I messaged Eddie.

Dawn Karsen Navarro: I miss you... galit ka pa?

I bit my lower lip when he saw my message immediately.

Eddie: I miss you so much, girl! Sorry huhuhuhuhu ako dapat ang magtanong kung galit ka pa L

Dawn Karsen Navarro: Ang dami kong kwento sa 'yo. Kapag okay na lahat, labas tayo, ha?

Eddie: Labyu! Sobrang miss na kitaaaaaaa

Isang oras kaming magkausap ni Eddie habang iniinom ko ang strawberry milkshake. Nasabi ko sa kanya ang pagkikita namin ni Marcus at nabanggit niya naman ang pag-iinom ng lalaki nang malamang kasintahan ko si Kobe. Eddie told me that Marcus was really heartbroken, but at the same time, he was for me because he knew how much I adored Kobe. Hindi ko ikinuwento ang pagbubuntis ko dahil gusto kong sabihin iyon sa kanya sa personal.

I was really glad that we finally talked out our misunderstanding. Excited akong i-kwento iyon kay Kobe dahil alam niyang matagal ko rin iyong inisip.

"Karsen, hindi makakauwi si Kobe," his mother told me. "Galing ako sa studio at hindi pa tapos ang rehearsal nila. I advised him to stay the night. Day-off din kasi ni Kuya Enzo."

Imbes na magulat dahil ang ginang ang nagsabi noon sa akin ay hindi ko naitago ang pagkadismaya. Hindi ko naabutan kaninang umaga si Kobe kaya ipinangako ko sa sarili na hindi muna ako matutulog hangga't hindi pa siya dumadating. I wanted to tell him that I had a strawberry milkshake today and I saw Marcus. Gusto kong detelyadong i-kwento sa kanya na nagkaayos na kami ni Eddie. But that wouldn't be possible because he wouldn't be going home.

"Okay po..." tanging nasambit ko.

Umalis naman agad siya sa silid kaya makalipas lang ang ilang minutong pag-iisip ay tinawagan ko si Kobe. I wanted to confirm it myself.

"Hindi ka nga makakauwi?" Itinago ko ang pagtatampo sa boses ko.

"Sorry... ang daming ginagawa. Late na kasi kaming nakapag-start ng rehearsal kasi inayos ko pa 'yong papers sa office." He sighed. "Have you eaten?"

Gusto kong sabihing hindi para mag-alala siya, but that would be too childish. Para sa amin naman kaya siya nagsisikap ngayon. Hindi dapat ako nakakaramdam ng pagtatampo sa hindi niya pag-uwi.

"Mhmm..." sagot ko habang tumatango. "Ikaw? Kumain ka na?"

"Not yet. Later," he replied. "How are you feeling today? Weird cravings? Cramps? Meron ba?"

Hindi pa ako nakakasagot ay nakarinig na ako ng ingay sa background niya. It seems like the director was already calling him.

"Good luck on your work, bb..." I answered instead. "Uuwi ka bukas, ha?"

"Yeah... I love you."

I sighed. "I love you, too, Kobe."

Pagkababa ng tawag ay nanlumo ako nang makitang dalawang minuto lang ang tinagal noon.

Ipinikit ko ang mata at naghanda na sa pagtulog dahil wala naman akong ibang hihintayin. I touched my belly and whispered my I love you to our child. Daddy's working really hard for us... we should appreciate that.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro