Chapter 28
But I never expected it to be this hard.
"Hindi ka p'wedeng umalis," madiing sabi ni Tita. "Hindi mo ba nakikitang marami pang trabaho rito?! Ano? Iaasa mo sa ibang katulong porke't alam nilang kasintahan mo ang anak ko?"
"H-Hindi naman po sa gano'n—"
She glared at me. "Tatlong linggo ka pa lang dito tapos gusto mo na agad maglakwatsa?"
Hindi ko alam kung ano ang gagawin kong pagpapaliwanag sa kanya. Nagsabi na ako kay Kobe tungkol dito kahapon at pinayagan niya ako. Binigyan niya pa ako ng pera panggastos. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw akong paalisin ni Tita.
Still, I tried to talk to her out of it.
"G-Graduation po kasi ng mga kaibigan ko, Tita..." nanginig ang boses ko. I couldn't miss that opportunity. Miss ko na ang mga kaibigan ko at gustong-gusto ko silang makitang mag-martsa. Ate Kat went home for that, too. Hindi puwedeng hindi ako pumunta.
Tita Penelope chuckled sarcastically. Doon ay unti-unting namatay ang pag-asa sa puso ko.
"You have friends?" she asked, amused by my reason. "You want me to believe that?"
Hindi ako nakasagot. Nasa paligid lang ang mga katulong at pansin ko ang pagbubulungan nila habang nakatingin sa amin ni Tita. Maybe they were wondering why I wasn't telling Kobe anything. Sa ilang linggong nagdaan ay isang beses lang akong kumain, at kapag kumpleto ang pamilya ay nagdadahilan ako para hindi makasabay sa kanila. Araw-araw, pagkaalis ni Kobe, mop na agad ang hawak ko. No questions asked.
I was doing everything to please her... itong graduation lang nina Mill at Mari ang hiling ko.
Muli siyang tumawa. "Okay, you can go after you finish cleaning the entire place."
Umiling ako at napayuko. "Hindi po ako aabot, Tita. N-Ngayon po kasi 'yong ceremony..."
"Makes me wonder... how are you planning to go there?"
Dinaga ang dibdib ko sa tanong niya. Hindi ko alam, pero lahat ng sinasabi niya sa akin ay puno ng poot at panunumbat. Palamunin nila ako kaya alam kong wala akong karapatang magreklamo. Isa pa ay ina siya ni Kobe. Hindi matutuwa ang lalaki kapag nalaman niyang hindi maganda ang relasyon namin.
"Susunduin po ako ni Kuya Enzo," mahinang sagot ko.
"Goodness!" she hissed. "At hahayaan mo si Kobe na mag-drive mag-isa pauwi?! Hindi mo ba kayang mag-commute?!"
I felt my knees shake a bit. "H-Hindi na po ako pinapayagan ni Kobe mag-commute simula no'ng nabalita kami, T-Tita."
"Pero pupunta ka sa graduation kung saan makikita ka ng lahat? Tanga ka ba?" inis na inis na saad niya.
Nag-angat ako tingin sa kanya at sumalubong sa akin ang nanlilisik niyang mata. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago bumalik ang tingin sa mukha ko. Her eyes were full of hatred and her lips were in a grim line.
"How come I didn't notice it?" natatawang sabi niya sa sarili. "Girls like you, who seem so innocent, always have a scheme up their sleeves." She grinned. "Like someone I know."
I gulped. Hindi ko alam ang gusto niyang iparating, pero ang paraan niya ng pagsasabi noon ay punong-puno ng pandidiri.
"P-Please, Tita. Ang tagal ko na pong hindi nakikita ang mga kaibigan ko at nangako po ako sa kanila na pupunta ako," pagmamakaawa ko. "W-Wala rin po silang pamilya... kami-kami na lang po ang magkakasama sa mga ganitong celebration. P-Payagan n'yo na po ako."
Tears pooled in my eyes. Gustong-gusto kong pumunta kahit alam kong marumi ang pangalan ko sa mga tao. Mari and Mill spent their lives protecting me. Hindi ko maatim na wala ako sa espesyal na araw nila. I want to tell them how proud I am to see them graduate, despite our cruel pasts. I just want to be there with them... dahil noong ako ang nangangailangan ng kaibigan, hindi nila ako iniwan.
"No," she said firmly. "As I've said, maraming linisin. At hindi ka naman kailangan do'n. Ikaw ba ang magsasabit?"
Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay niya. "P-Please po."
Nagulat siya sa ginawa ko at agad na binawi an kamay sa akin. Pinahid niya iyon sa suot na damit na para bang ang dumi-dumi ko.
"God, Karsen! Can't you take a hint?! Sinabi nang ayoko nga! You don't have to touch me!" sigaw niya.
Hindi ako sumuko. Umiling-iling ako habang namumuo ang luha sa mga mata. "Please, Tita. M-Miss na miss ko na po sila."
She raised her eyebrows. "Kapag umalis ka, hinding-hindi ka na makakatapak sa pamamahay ko."
Gumuho ang natitirang pag-asa sa puso ko. She said it with full conviction. Lumampas siya sa akin at gaya ng nakasanayan, umakyat siya sa kwarto niya nang walang pasabi. Tumingin ako sa mga helper at kanya-kanya silang nag-iwas ng tingin sa akin. I felt helpless. Kahit si Manang Emy ay naiiling lang sa akin dahil alam niyang wala siyang magagawa.
Lumong-lumo akong umakyat sa kwarto ni Kobe at pagkapasok ko pa lang ay nagbagsakan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mata ko. I covered my face with my hands and cried. I looked forward to this day... we all looked forward for this to happen. Sabay-sabay kaming nangarap at napakasakit sa akin na hindi ko manlang makikita ang bunga ng paghihirap nila.
Maybe Tita Penelope wouldn't understand the value of presence. Na hindi mo kailangang may gawin para masabing naroon ka. Hindi niya maiintindihan kung saan ako nanggagaling dahil buo ang pamilya nila. Someone would always be there for her. Sa mga achievements at failures. Siguradong lagi siyang may kasama.
Unlike us.
Kami-kami lang ang magkakasama dahil wala kaming ibang aasahan.
Naninikip ang dibdib ko habang iniisip ang dalawang kaibigan na siguradong makikita ang mga kaklase at ka-batch kasama ang mga magulang nila. It would hurt for sure, regardless of how many times we disregarded it. Mula sa pagtatapos noong elementary hanggang senior high school ay kami ang magkakasamang kumain sa labas. I knew it wasn't enough, but that was the best we got. Ngayon lang ako hindi makakasama.
I was in the middle of crying when my phone rang. Dali-dali kong pinalis ang luha nang makitang si Kobe ang tumatawag. I cleared my throat countless times before answering the call.
"H-Hello?" my voice cracked.
"Are you okay?" agarang tanong niya.
I bit my lower lip and shook my head. Hindi niya ako kita kaya malakas ang loob kong gawin iyon.
"Oo naman," sagot ko habang pinipigilan ang muling pag-iyak. "Ba't ka napatawag?"
"You sure? Gusto mo umuwi ako?"
"H-Hindi na! Ayos lang ako, Kobe!" pinasaya ko ang boses para maniwala siya.
He sighed. "May lakad ka, 'di ba? Papupuntahin ko na si Kuya Enzo at ang dalawang bodyguards mo. Just give me a heads up."
"Hindi na kailangan, Kobe."
My heart breaks at that. Sa totoo lang ay puwede akong tumakas para makapunta roon, pero ayaw kong lalong galitin si Tita. Baka lalo siyang makapanakit. I'm scared of that. Kailangan ko pang kunin ang loob niya.
"What do you mean? You were so excited about this last night."
I swallowed hard to stop myself from crying. Ayokong mahalata niya na katatapos ko lang umiyak.
"S-Sumama ang pakiramdam ko," mahinang sagot ko.
"What? Are you okay? I'm going home, Dawn Karsen. Wait for me," dire-diretsong sabi niya.
Umiling ako. "Please, no. Ipapahinga ko lang 'to. Marami ka pang trabaho."
"Nand'yan ba si Mama?" My heart hammered. "Tawagin mo. Kakausapin ko."
"H-Huh? B-Bakit, Kobe?"
"Just hand her the phone. She knows how to take care of someone," he muttered calmly. "I wasn't there, but my mom can stay with you."
Sasagot sana ako nang magsalita ulit siya.
"Thank goodness you're there. Mas nakakampante ako kasi alam kong may mag-aalaga sa 'yo."
Nanigas ang kamay kong nakahawak sa cellphone. His voice sounded relieved... and I knew I didn't have the heart to break that hope. I couldn't let him sacrifice his family for my sake.
"K-Kausap ko si Tita," nasabi ko matapos ang ilang segundong pananahimik. "Ikinukuha niya ako ng gamot, tapos pinunasan niya rin ako." A tear escaped my eye. "Alalang-alala siya, Kobe. K-Kulang na lang ay baligtarin niya ang bahay para mawala ang sakit ng ulo ko."
I looked at their picture together. Ibang-iba si Tita kapag ako ang kaharap niya. Wala siyang magandang ngiti na kayang ibigay sa akin maliban na lang kung nariyan si Kobe.
"Really?" he chuckled. "She loves you. Gan'yan din siya sa amin noon."
Mapait akong napangiti. "You're lucky to have her as your mother."
"And soon, you'll be her daughter, too."
Tinapos ko ang tawag sa pagsasabi sa kanyang gusto ko nang magpahinga kahit ang totoo ay nagbihis lang ako ng pambahay na damit para magsimula na sa paglilinis. Itinext ko ang mga kaibigan at sinabing may sakit ako para hindi sila magtaka kung bakit hindi ako nakapunta. Naintindihan nila ako kaya ganoon na lang ang pagkalumo ko nang sinabi nilang magpagaling ako.
Sinimulan kong linisin ang mga pasimano kahit kitang-kita ko kanina kung paano iyon ayusin ng ibang helper. Sunod ay nag-mop ako ng sala. Walang kumakausap sa akin, marahil ay ramdam nilang hindi maganda ang timpla ko. Mas mabuti nang may ginagawa ako kaysa ang magmukmok sa kwarto at hayaang malunod ako sa sariling isipin.
I still have a long way to go. I still need Tita Penelope's approval. I can't stop now.
The following days were the same for me. Kakain ako ng umagahan kasama sina Kobe at Tita, at pag-alis ng lalaki ay maglilinis ako ng bahay. Bukod pa roon ang mga pasaring ng ginang. Tuwing hapon ay nagpupuslit na ako ng pagkain para hindi ako magutom kapag dinner. Kahit isang beses ay hindi ako sumabay sa mag-anak. Kahit hindi naman sila araw-araw nakukumpleto ay hindi ko na tinangka pang umupo sa mesa kasama sila. Tuwing Linggo lang kumpleto ang kain ko dahil nasa bahay noon si Kobe.
"Are you mistreating that girl, Penelope?"
Napatigil ako sa pagkuha ng tubig sa ref nang marinig ang boses ni Don Lucho mula sa sala, kalagitnaan ng gabi. Bahagya akong sumilip doon at nakita kong nakaupo si Tita sa couch habang nakatayo sa tapat niya ang lalaki. Kobe was sleeping in our room, at kapag nagising siya na wala ako ay baka magtaka siya.
"Don't assume things," the woman answered confidently.
"Akala mo ba ay hindi ko napapansin ang pag-iwas niya sa 'tin?" mahina ngunit madiing tanong ni Don Lucho. "She's our son's girlfriend. Stop playing around."
Kitang-kita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ng ginang. "You'll take her side? Really?"
"Because you're being unreasonable!" he hissed. "Kapag nalaman ng anak mo ang mga pinaggagawa mo ay lalayasan niya tayo. Do you want that?"
"Kobe will never know. Hindi magsusumbong si Karsen." She laughed. "She's scared of me."
Humigpit ang kapit ko sa baso. I knew I shouldn't be eavesdropping, but I couldn't just ignore it.
Tumitig nang matagal ang lalaki sa asawa na parang hindi makapaniwala sa narinig.
"This isn't you, Penelope."
Galit na tumayo ang babae, dahilan para mapahawak ako sa dibdib. She was right. I was really scared of her.
"You know why, Lucho!" galit na sigaw niya sa asawa. "Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ng anak mo at pinatulan niya ang anak ng abnoy na 'yon!"
"Penelope!"
Napatulala ako. They knew my mom?
"What?!" Dinuro niya ang asawa. "Akala mo ba nakakalimutan ko na—"
"Ma?"
Binitawan ko ang baso at dali-daling tumalikod sa sala nang marinig ang boses ni Kobe. Tumakbo ako sa pinakadulo ng kusina para magkunwaring wala akong narinig sa mag-asawa. Hindi ko alam kung bakit parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko sa labis na takot at kaba. Kilala nila ang nanay ko... at hindi maganda ang relasyon nila.
Was that the reason why she was treating me so awfully? Dahil sa babaeng hindi ko naman nakilala?
My heart throbbed when I remembered how she addressed the woman who gave birth to me. Abnoy.
Ganoon ba talaga kahirap sa mga tao na intindihin na lahat ay may iba-ibang kondisyon? Why are they classifying my mother as if she was the disorder herself?
And how did they even know each other? What past did they have?
"Karsen."
Naputol ang pag-iisip ko nang kunin ni Kobe ang atensyon ko. His brows were furrowed, para bang takang-taka siya kung bakit ako naroon. Sinubukan kong sumilip sa likuran niya at napahinga ako nang malalim nang makitang hindi niya kasunod ang mga magulang.
"You can't sleep?"
Tumango lang ako.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Ginising mo dapat ako." Hinalikan niya ang sintido ko.
Humilig ako sa dibdib niya at pilit na iwinaksi ang iniisip. "Pagod ka sa trabaho, eh."
"Date tayo?"
"Huh? Busy ka kaya."
He kissed the top of my head again. "Ngayon po."
"Gabi na... baka magalit ang Mama mo." I sighed. "Ba't ka ba nagising?"
"Naramdaman kong wala ka sa tabi ko," sagot niya.
"Sanay ka na talagang matulog nang katabi ako, 'no?" nangingiting tanong ko bago humarap sa kanya. "Baka hindi mo na kaya kapag wala ako."
He grinned. "Buti na lang hindi ka mawawala."
Pabiro kong hinampas ang dibdib niya. "Umakyat na tayo. Maaga ka pa bukas."
Ngumuso siya. "Ayaw mo talagang mag-date?"
Gusto ko, pero alam kong hindi ko kayang hindi isipin ang narinig kanina. I would only ruin the mood.
Umiling ako. "Sa susunod na araw na lang."
I said it even though I knew it wouldn't happen. Well, not now. Nitong mga nagdaang araw ay mas maaga siyang umaalis dahil sa trabaho. May mga offer din kasi siyang natatanggap ngayon mula sa investors at producers lalo at nalaman ng mga tao ang plano niyang production company. Sinadya niyang ipaalam iyon. Marketing strategies.
He was really busy, and I was happy to see him getting some rest. Pansin ko ring masaya siya sa ginagawa. Hindi pa man tuluyang nagagawa ang business firm niya ay marami na agad nag-i-inquire. It was a success waiting to happen.
Hindi ko alam kung may ideya si Tita na narinig ko ang usapan nilang mag-asawa dahil nang mga sumunod na araw ay parang wala namang nagbago. Ganoon pa rin ang trato niya sa akin.
"Wow, I finally see a glimpse of you in the house, shawty!" natatawang saad ni Elliot habang pababa ng hagdan. Halatang kagigising niya lang at hindi ko alam na rito siya natulog kagabi.
"G-Good morning," awkward na bati ko.
Napatingin siya sa hawak kong mop. "Why are you cleaning?"
"Ahh..." I looked around. "T-Tumutulong lang. Ang hirap kapag wala masyadong ginagawa, eh."
"Kuya's really lucky." Napangiti siya. "Are you getting along with mom?"
Huminga ako nang malalim. Tuluyan na siyang nakababa pero tumigil talaga siya sa tapat ko.
"Y-Yeah..."
He patted my head and chuckled. "You're so nervous. Loosen up."
I smiled back and hoped it turned out normal. Paano naman kasi ako hindi kakabahan kung sa likuran niya ay nanlilisik ang mata sa akin ni Tita? Ang aga-aga pero parang kasalanan ko na naman kung bakit masama ang gising niya.
"You should've woken up earlier, Elliot. Hindi mo tuloy naabutan ang Kuya mo," saad ni Tita bago tuluyang lumapit sa akin.
Ibinaba ng lalaki ang kamay sa gilid niya at ngumiti sa ina. "Good morning to you, too, Ma."
Nawala ang sungit sa mukha ng ginang. "Are you hungry?"
"Kinda," he answered as he pursed his lips. Tumingin siya sa akin. "Ikaw?"
Namilog ang mga mata ko.
"Kumain na si Karsen, Elliot," sabat ni Tita bago pa ako makapagsalita.
"Okay, that's good!" maligayang saad ng lalaki.
Tumango siya sa akin bago naglakad papunta sa dining hall.
"Aren't you so good?"
Tumingin ako kay Tita. "Po?"
"Nalandi mo na nga ang panganay kong lalaki, pati ba naman ang bunso ko?" nanunuyang tanong niya.
I gritted my teeth in anger. "Hindi ko po nilalandi si Elliot, Tita."
"I really can't see why Kobe likes you."
Pagkasabi noon ay naglakad na siya para sundan ang anak. Pinagpatuloy ko ang pagmo-mop at pilit na hindi sumama ang loob sa paratang ng babae. Now that I know where her anger is coming from, mas naging pursigido akong sundin lahat ng gusto niya. I know I will eventually melt her coldness. She isn't ruthless. Siguro ay nasaktan lang siya ng nanay ko kaya ganoon. Ayokong maging dahilan ito para tuluyang umayaw sa akin si Tita.
But I never knew that life had a lot of things in store for me.
Isang umaga ay gumising ako dahil naramdaman ko ang pag-ikot ng sikmura ko. Labis din ang pananakit ng sintido ko at parang may bumugbog sa katawan ko sa sobrang pagod na nararamdaman ko.
"Karsen," nag-aalalang tawag ni Kobe sa akin habang hawak ang buhok ko. He was caressing my back as I vomited.
Sumuka lang ako nang sumuka kahit wala namang laman ang tiyan ko. Hindi ako iniwan ni Kobe sa banyo. Paulit-ulit niyang hinagod ang likod ko at nang matapos ako ay binuhat niya ako papunta sa kama. Dali-dali siyang kumuha ng bimpo at pinunasan ang bibig ko.
Binuksan niya ang pinto. "Ma!" kinakabahang sigaw niya.
Pumikit ako. I'm not in the mood to talk. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero narinig ko ang boses ni Tita.
"What's happening?"
"Call our doctor, please," natataranta pa ring saad ni Kobe.
"Why?" si Tita.
"Ma, please!" Kobe uttered frustratedly. "Karsen is sick!"
Naramdaman ko ang paglapit ni Kobe sa akin. Nanlalamig ang kamay niya nang hawakan ako. Nanghihina akong nagmulat at kumapit din sa kamay niya.
"'Wag ka nang tumawag ng doctor," bulong ko. "Kaya ko."
Gastos lang kasi iyon. Baka magalit pa ang nanay niya. Kaya naman 'to ng mag-asawang gamot.
He shook his head and kissed my hand. Ipinikit ko ulit ang mata dahil alam kong hindi naman niya ako susundin. Ibang-iba talaga ang mayayaman. Kaunting sakit ng ulo ay kaya na nilang magpa-doctor. Samantalang kami ng mga kaibigan ko ay dumaan sa iba't ibang sakit pero kahit isang beses ay hindi nakapagpatingin.
Wala pang isang oras ay dumating na ang babaeng doctor. She checked my pulse rate, blood pressure, and temperature. Nasa tabi ko lang si Kobe habang ginagawa niya iyon.
"How are you feeling?"
"Mabigat po ang ulo ko at parang babagsak po ang mata ko."
Tumango-tango siya. "I think you're over-fatigued. Ano'ng mga ginagawa mo nitong mga nagdaang araw?"
I heaved a sigh. "W-Wala naman po."
"Are you stressed?"
Alam kong hindi dapat nagsisinungaling sa doctor pero umiling ako. Tumitig siya sa akin at maya-maya'y hinawakan ulit ang pulso ko.
"Do you have heart problems?" she asked.
Dinaga ang dibdib ko. "W-Wala po!"
"Doc, is it serious?" kinakabahan na ring tanong ni Kobe.
"You have an increased pulse rate," she stated. "When's your last period?"
"P-Po?"
"What do you mean?" sabat ni Tita.
"Just checking," she answered before returning her gaze to me. "Are you sexually active?"
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kobe sa kamay ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa tanong niya. Dapat ba talagang sagutin 'yon? Pagod lang naman ako, and I think it has no relation to my sex life.
"Yes, Doc," Kobe replied.
Tita Penelope gasped. Kahit ako ay nahiya roon.
"So, when's the last period?"
Tumingin sa akin si Kobe. Napaisip ako kung kailan pa ako dinatnan pero hindi ko na iyon maalala dahil nitong mga nagdaang araw ay tanging si Tita Penelope lang ang iniisip ko. Ngayong tinatanong niya ang bagay na iyon ay hindi ko maiwasang mag-isip. Since we started doing it, Kobe and I have become active. We had unprotected sex, and I never really thought about the consequences... not until today.
"H-Hindi ko na po tanda," I answered honestly.
"Well, I guess you have to buy pregnancy tests."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro