Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

It was difficult to please everyone in Kobe's circle... and I learned that the hardest way.

Gaya ng napag-usapan, isang linggo pa kaming nanatili ni Kobe sa pad niya. I was cherishing each second because I felt like something would change the moment we stayed at his parents' house. Ayokong mag-isip nang hindi maganda, but my instincts were telling me that I should prepare for something.

"Wala ka nang naiwan?" tanong ni Kobe habang bitbit ang mga bag ko.

Umiling ako. "Maunti lang naman ang gamit ko."

Ngumiti siya at tumango. His eyes were fixed on my hair. Suot ko kasi ang iniregalo niyang pink pearl hair clip and its clip was made of gold... like our promise rings.

"Let's go."

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng pad niya. Kuya Enzo helped us carry our things. Ihahatid lang ako ni Kobe sa mansyon nila at tutulak din agad siya sa trabaho para i-check ang progress ng ipapatayo niyang building.

"I'll be home before dinner," he said.

"Four?"

He chuckled. "Five."

Ngumuso ako. Maghapon talaga siyang wala.

"I'll call you."

Sumandal lang ako sa balikat niya. My heart was racing for some reason. Sana talaga ay maging komportable ako roon. Tatlong linggo na lang ay graduation na nina Mill at Mari at kung puwede lang ay sa apartment na ako titira. I miss them so much. Sa oras na makatapos sila ay ibabalik na ni Mari ang apartment sa tatay niya.

We reached the mansion in no time. Lalong lumakas and tibok ng puso ko nang matanaw ang malawak na garden at sa dulo noon ay ang napakalaking bahay. I don't know for how long, but that will be my new home.

Bawat hakbang papunta roon ay pabigat nang pabigat ang kalooban ko. Kobe was still holding my hand and telling me things I failed to understand. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya.

"Good morning, Ma," bati niya sa ina nang tuluyang kaming makapasok sa loob.

I slightly bowed my head. "Good morning po."

She was smiling at her son, but her eyes were void of any emotion. Kobe informed her about my stay, but I have no idea how their talk went. Hindi na rin ako nagtanong. Kung hindi pumayag ang babae ay hindi naman ako para dalhin dito ni Kobe.

"Good morning," bati niya pabalik matapos halikan ang pisngi ng anak. Tumango lang siya sa akin pero pansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya.

It scared me a bit. Hindi ko sigurado kung dahil iyon sa masyado kong pag-iisip o talagang masama ang timpla niya sa akin. Dahil doon ay hindi na ako nag-abala pang magsalita habang nag-uumagahan kami. I just let the two of them talk. Wala si Don Lucho at ang dalawang kapatid ng lalaki kaya kapag umalis siya ay kaming dalawa na lang ni Tita Penelope ang matitira dito.

"Come on, Ma. Just have a little faith in me," anas ni Kobe. "I'll do everything to stay in the industry."

"Or you can finish your program and follow your sister's steps. Hindi ba't ikaw ang may gustong mag-abogado?" she interrogated. "I don't want to pressure you or what, but fame isn't forever, honey. You need a stable profession."

"That's why I'm planning to build my own company, Ma." He sighed. "I'm maybe done producing music, but there are a lot of talented local artists who need attention and opportunity."

Kumunot ang noo ko. He's done producing... music? Parang hindi niya nasabi iyon sa akin.

"Kobe, I let you pursue music because you loved it... but seeing you being hated by the people who once supported you just because of a..." she trailed off. Tumingin ako sa ginang at nakita ko ang inis sa mukha niya. "Ah, basta. It's painful for me to see you in that miserable state."

Kobe smiled and glanced at me. "I'm not miserable, Ma. Actually, this is the happiest I'd ever been."

Warmth enveloped my heart. Totoo iyon. Dahil sa nangyari, pakiramdam ko ay wala nang makapaghihiwalay sa amin. Along the road, we lost a lot of things, but our love for each other became greater.

"If that's what you want, son," tanging nasabi ni Tita Penelope.

Bumaling ang lalaki sa kanya. "Thank you, Ma."

Umiling ang ginang. "Just do your best, like always."

Kita ko sa mga mata ni Kobe ang labis na pagmamahal sa ina. Kung paanong igalang at irespeto niya ito. Kahit may helpers ay siya mismo ang naglalagay ng pagkain sa plato namin, at napapangiti siya kapag parang batang nagsusumbong si Tita.

He loves her so much... that's what I noticed about him. Kahit na sinabi na niya sa akin noon na maganda ang relasyon nilang mag-anak ay iba pa rin kapag harap-harapan ko na iyong nakikita.

"Iiwan ko na muna sa 'yo ang fiance ko, Ma," natatawang saad ni Kobe matapos naming kumain.

"Fiance?" gulat na tanong ng ginang. "Kailan pa?"

Kinakabahang umiling ako. "H-Hindi pa po kami engaged."

Kumunot ang noo niya sa pagsasalita ko. Bahagya siyang umirap at para akong tinamaan ng hiya dahil doon. Okay, Karsen, you should ask for her permission first before you speak.

"But I'm sure I'll marry her," pinal na sabi ni Kobe na lalong nagpakaba sa akin.

Tumaas ang isang gilid ng labi ng ginang at nakita ko ang pagdaan ng disgusto sa mga mata niya. I trembled at that. Nang bumaling sa anak ay nawala ang inis sa mukha niya at napalitan iyon ng magandang ngiti.

"You will?" she asked.

"Yes, Ma."

She chuckled. "You're that sure..." Tumango-tango siya. "Okay, you should go to work. Mahaba-haba ang araw mo."

Sabay-sabay kaming tumayo. I was uneasy, but I didn't let Kobe notice that. Ayokong dumagdag pa ito sa mga isipin niya. I kissed him goodbye, and when he disappeared from my line of sight, tension began to surround my heart. Nasa isip ko na ang pagtatanong kay Kobe tungkol sa pagtigil niya sa pag-po-produce ng kanta pag-uwi niya lalo at hindi naman kami nabigyan ng pagkakataong makapag-usap ngayong umaga.

"Aakyat na po ako, Tita," kinakabahang pagpapaalam ko. Bukod sa may online meeting din kasi kami ng instructor ko mamayang alas diez, parang hindi ko kayang maiwan kasama siya.

Mula sa garden ay lumipat ang tingin niya sa akin. Our gazes met immediately. Napalunok ako nang makita na naman ang inis sa mukha niya. Like my presence bothered her so much.

And my instincts were right.

"Anong aakyat?" nakataas ang kilay na tanong niya.

My lips parted. Nagbutil-butil ang pawis sa noo ko kahit na hindi naman mainit.

"A-Aayusin ko po 'yong gamit ko ..." mahinang sagot ko. Napayuko ako sa labis na kaba. I just couldn't stand her stare.

"Hindi ba p'wedeng mamaya 'yan? Maraming linisin, ah? Hindi pa nahuhugasan ang pinagkainan natin."

My heart hammered. Pinigilan ko ang pag-alpas ng gulat sa ekspresyon ko. I couldn't add another reason for her to hate me more. I just didn't expect... that. Napaisip ako. Hindi naman sobrang dami ng gamit ko. Baka nga puwedeng mamaya na.

"Manang!" sigaw niya.

Nag-angat ako ng tingin. Mabilis na lumapit ang may katandaang helper sa amin, at napagtanto ko agad na siya ang mayordoma ng mansyon.

"I-tour mo si Karsen sa buong bahay."

Magalang na tumango ang matanda. Bahagyang nawala ang kaba ko sa sinabi niya.

"O-Okay lang po..." nahihiyang saad ko.

Pairap siyang bumaling sa akin. "Okay lang na ano?"

My body started to tremble. Sa titig niya. Sa tono ng boses niya.

Why... why does she hate me?

"N-N-Na 'wag na pong... i-tour... busy po yata sila." Basag na basag ang tinig ko. Parang isang maling salita lang ay palalayasin niya na ako.

She chuckled. "Yeah, they're busy, so you'll help them clean."

Kinakabahang tumango ako. Lahat ng gusto niyang mangyari ay susundin ko. Nasa pamamahay niya ako. Wala akong karapatang magreklamo.

Her eyebrows met. "Kailangan mong maging pamilyar sa buong bahay para alam mo ang mga area na dapat mong linisin."

"Ma'am..." pigil ng mayordoma.

"What?" patay-malisyang tanong ng ginang bago muling bumaling sa akin. "Oh... are you expecting to stay here for free?"

Dahan-dahang umiling ako. Oo nga naman. Sila ang gagastos sa lahat. Dapat lang na tumulong ako sa gawaing-bahay. That was the least I could do. Isa pa, kailangang magustuhan niya ako dahil iyon ang gustong mangyari ni Kobe. I couldn't fail him. I already failed a lot of people that surround him. I couldn't do that to his own mother.

"Good. Then you can start now," nakangiting sabi niya.

My lips quivered. She was scaring me. Really... really scaring me.

"T-Tita... ano kasi... m-may klase po ako mamayang 10," sabi ko, nagbabaka-sakaling pumayag siya na mamaya na ako tumulong sa gawaing-bahay.

"Aalis ka?"

Umiling ako. "H-Homeschooled po ako."

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "Paaral ka ni Kobe?"

I gulped. May bikig na humaharang sa lalamunan ko dahil sa takot. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko at inis na inis siya sa akin. Hindi naman siya ganito noong una. I breathed intensely. Ang kirot sa dibdib ko ay mas malala pa sa narinig kong panliliit sa akin ni Mr. Hernando noon.

She took my silence as a yes... which feared me more.

"Oh, god..." iritableng bulong niya. Tumingin siya sa mayordoma. "Give her extra work. Masyado na palang napapagastos ang anak ko sa kanya."

Gusto kong lumubog sa kahihiyan sa sinabi niya. That was true... but hearing those words from her made my heart throb. Alam ko naman kasing wala akong naibibigay na pinansyal na tulong kay Kobe. Nagagastusan pa nga siya dahil sa akin. But how could I help him financially? Kahit nga singkwenta ay wala ako.

Hindi ako nagreklamo. Sanay ako sa gawaing-bahay kaya ayos lang sa akin. Napahinga ako nang malalim nang walang paalam siyang umakyat sa taas at iniwan akong kasama si Manang.

I didn't realize I was holding my breath the whole time. Paulit-ulit kong iniiling ang ulo. Mabait si Tita. Baka may hindi lang siya nagustuhan na ginawa ko. Of course, it's normal! Hindi naman lingid sa kaalaman nila na ako ang naging dahilan kung bakit nasira sa tao si Kobe. Tama lang ang reaksyon niya.

"Tara na po," masuyong saad ko sa matanda.

Naaawa ang tinging iginawad niya sa akin, pero wala naman siyang sinabi. Tumingin ako sa orasan at nang makitang malapit nang mag-alas diez ay nawalan na ako ng pag-asang makapasok. Virtual sana kaming mag-aaral ng instructor ko dahil isang beses sa isang linggo lang naman kaming magkita... but it looks like I will be absent today.

Dinala ako ni Manang sa lahat ng silid, at tinatandaan ko ang mga dapat kong linisin. Sa kwarto ni Kobe ako maglalagi kaya iyon ang huli kong aayusin.

"Every week nagpapalit ng bed sheets, tapos tuwing Biyernes naman ay general cleaning. Sa ngayon, p'wedeng linisin mo 'yong main restroom sa baba," litanya ni Manang.

May mga nakakasalubong din kaming helpers at nabasa ko sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit ko kasama si Manang.

"'Yon lang po ba?" tanong ko. It wouldn't take me that long. Sapat na siguro ang isa hanggang dalawang oras na paglilinis bago ako pumasok.

"Tapos na rin kasing maglinis ang ibang katulong." Ngumiti ang babae sa akin. "Ako pala si Emy. Mayordoma ako rito. Ikaw?"

Pilit akong ngumiti. Gulat pa rin ako sa bilis ng nangyari, pero pakiramdam ko ay kaya ko naman.

I heard a lot from everyone around Kobe... madali na lang 'to.

"Karsen po. Girlfriend po ni Kobe."

Tumango siya. "Maganda ka."

I pursed my lips. "Salamat po, Manang."

"Pagpasensyahan mo na si Penelope. Baka nagseselos lang 'yon dahil ngayon lang nagpakilala ng babae si Kobe. Paborito niyang anak 'yan, eh."

Marahan akong tumango. Wala akong karapatang kuwestyonin ang patakaran sa bahay na ito dahil nakikitira lang naman ako.

"Naiintindihan ko po," tanging nasabi ko.

"Ilang taon ka na ba?"

"Twenty po. Fourth year na po ako next sem."

"Eh, paano ka makakapasok? Araw-araw ang trabaho rito. Hindi naman papayag si Penelope na hindi ka pakilusin."

"Ano'ng oras po ba ang pahinga ko?"

"After lunch siguro. Kung may klase ka, sabihin mo sa 'kin. Ako na ang bahala."

Umiling ako. "Okay lang po. Kaya ko naman 'yon. Ipapa-move ko na lang po siguro ang klase ko sa hapon."

There is no such thing as a free product, and if there is, you may be the product.

But then, I have a goal in my head. Sabi ng mga tao sa paligid ko, hindi naman daw ako mahirap magustuhan. Siguro ay liligawan ko na lang si Tita. I'm sure she'll like me... gaya noong una kong pagpunta rito, bago ko pa sabihin ang pangalan ko. I'll show her that I'm capable of doing household chores. Magaling din akong magluto kaya puwede ko siyang pagsilbihan.

That would be easy... nakayuko akong gagawin iyon dahil natatakot ako sa kanya... pero kaya ko 'yon. Like I promised to myself, I would be the perfect and best daughter-in-law for them.

"Sasabihin mo ba kay Kobe?" tanong ni Manang matapos iabot ang panglinis ng banyo sa akin.

Tinimbang ko ang sarili. Kapag sinabi ko kay Kobe na hindi ako gusto ng nanay niya ay maaaring bumalik din agad kami sa pad niya. He told me to alert him whenever I felt uncomfortable.

"Magtatalo sila panigurado ni Penelope," bulong ng matanda.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. That's true. And he was really happy that I was here. Parang hindi ko maaatim na lamatan ang relasyon nila ni Tita. Masyado na akong maraming nasira sa kanya. Hindi ko na kayang dagdagan pa iyon.

"Hindi po... masyadong maliit 'to para problemahin pa ni Kobe," sagot ko.

Tumango-tango siya. "Mabuti na rin 'to para matuto ka sa mga gawaing-bahay. Baka inihahanda ka lang ni Penelope."

Hindi na ako nagsalita. Kung iyon ang rason niya, hindi niya siguro alam na lumaki akong nagbabanat ng buto. Miski naman kasi sa shelter ay kami-kami rin naman ang naglilinis. Hindi ito bago sa akin.

Kinuha ko ang sabon at basahan para magsimula na sa paglilinis. Hugas na ang pinagkainan namin kaya ito ang sisimulan ko. Kahit hindi madumi ang banyo ay ganado pa rin akong nagpunas ng tiles. Kinudkod ko rin ang mismong inidoro at pasasalamat ko na lang na hindi iyon mabaho. Halata naman kasing alaga iyon ng paglilinis.

I breathed deeply and smiled at myself. It's okay, Karsen. Not everyone likes you, but Kobe loves you. Sapat na dapat iyon para magsakripisyo ka.

I had completely decided not to tell Kobe that his mom wanted me to help clean the house. Ang sabi naman sa akin ni Ate Kat noon ay tama lang na tumulong lalo at hindi ka naman taga-roon. I will show Tita Penelope that I deserve her son. At kung ang paglilinis ng bahay ang unang hakbang doon, I would gladly take it.

"Naku, Ma'am, ako na po!"

Nagulat ako nang biglang pumasok ang isang helper sa banyo at pilit na kinuha ang basahan sa akin. May kasama siyang helper din na ngayon ay nakaawang ang bibig na nakatingin sa akin. I wondered how many helpers this family has. Seven? Eight? I'm not sure.

Umiling ako at hindi binitawan ang basahan. "Ayos lang po."

Pumasok ang isa pang babae. "Ma'am, pagagalitan po kami ni Sir..."

I firmly shook my head again. "Pagagalitan naman po kayo ni Tita Penelope kapag pinigilan n'yo 'ko."

Sabay na namilog ang mga mata nila.

"Si Ma'am po ang nag-utos?" gulat na tanong ng babaeng nakahawak pa rin sa basahan ko.

I smiled to assure them. "Opo... pero okay lang kasi sinasanay niya lang naman ako sa gawaing-bahay."

They shared a meaningful look. Bumalik ako sa pagpupunas dahil nakuha ko ang ibig nilang sabihin. They were thinking that Tita Penelope despised me... which I guessed was true.

Hindi pa ako nakakabawi sa sunod-sunod na pangyayari ay narinig ko na ang boses ng taong pinakakinatatakutan ko.

"Bakit ang daming tao rito?"

Nanigas ang kamay ko kasabay ng pagbaling ko sa nakaawang na pinto. Tita Penelope was standing elegantly in her all-black attire while looking at us one by one. Tumigil ang mga mata niya sa akin, nakakunot ang noo at nakaarko ang isang kilay.

Dali-daling tumuwid ng tayo ang dalawa, dahilan para maiwan akong nakasalampak sa sahig.

"S-Sorry po, Ma'am. Tinutulungan lang po namin-"

Tita Penelope scoffed, giving me another wave of fear. "Limang taon ba 'yan at kailangan pang tulungan? She grew up in an orphanage and worked her ass off throughout the years. I'm sure she knows how to clean. That's basic."

Para akong sinakal ng mga salita niya. Napatingin sa akin ang dalawang babae pero hindi ko na sila pinansin dahil nagtagal ang titig ko kay Tita. Alam niya pala kung ano ang pinanggalingan ko... iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw niya sa akin? My heart ached. Lagi na lang.

Kailangan niya ba talagang ipagkalandakan na hindi nila ako ka-lebel?

Dahan-dahan akong tumayo at pilit na iwinaksi ang nararamdaman. I have to focus on my goal. She has to like me. Kahit siya na lang. Kahit hindi na lahat ng tao sa buhay ni Kobe... kahit siya lang. She was the woman who gave birth to the person who embraced me as a whole. I need to respect her.

"T-Tapos ko na pong linisin ang banyo, Tita. Ano po ang susunod?" mahinang tanong ko.

Napangisi siya. It made me wonder how Kobe told me that she was kind... or maybe she was... sa mga piling tao. Sadly, I wasn't one of them.

"Glass windows," she answered authoritatively.

Umalya ang isa sa helpers na naroon. "K-Kakatapos ko lang po-"

Tinapunan siya ng masamang tingin ni Tita kaya napayuko siya.

I nodded my head. If that's what she wants, then I should obey her.

Nilampasan ko silang lahat nang mabigat ang loob. I felt disrespected, but I survived a lot of this already. Hindi na dapat ako nasasaktan kapag may nagsasabi sa akin na lumaki ako sa ampunan. It was the truth... and sometimes the truth will slap you.

I sighed. First day of being in Kobe's home, but the door was already shut right in front of my face. Isinasarado na niya ang pinto para kilalanin ako, para magustuhan ako.

I wasn't welcomed here. Hindi ko alam kung magbabago 'yon, pero sa ngayon, alam kong araw-araw akong maglalakad sa bubog.

I suddenly missed our little and warm apartment. Kahit siguro saan ako dalhin ay iyon ang kalingang hahanap-hanapin ko. We weren't blood related, but we cherished each other more than sisters. Wala akong matatagpuang ganoong pagmamahal dito bukod kay Kobe.

I may have grown up without a family of my own, but I was loved and well taken care of... by Ate Kat, Mill, and Mari.

I knew I should tell Kobe about this because he would surely listen to me... but the damage I had caused him was enough to stop me. Tama na siguro ang mga isinakripisyo niya para sa akin.

Mag-aala una na nang matapos ako sa paglilinis. Bukod sa mga bintana ay ipinalinis din sa akin ni Tita ang banyo sa lahat ng kwarto. She told the helpers to take the day off because I was there to do the job. Si Manang Emy lang ang natira doon, pero hindi rin siya pinakilos ng ginang.

I knew what she was doing, but I wasn't born a quitter. Hindi ako pinalaki ng mga kaibigan ko para sumuko nang ganoon kabilis.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Kobe ay napasandal ako sa pinto sa labis na pagod. I smelled like shit... and my body was numb. Tumingin ako sa bedside table ng lalaki at nakita roon ang larawan nila ni Tita. He was smiling while his left arm was resting on her mother's shoulders. Sa katabing frame noon ay ang family picture nila at isa pa para sa picture namin.

They're a happy family. Sigurado ako roon. Makulit ang bunsong si Elliot at strikta naman si Ate Clea. Their father was serious as well, while their mother was charming. I didn't expect her to be scary, but I hoped that I would make her smile, as her children do.

Mabait siya. Panghahawakan ko iyon.

Matapos isalansan ang gamit ko ay nagpahinga lang ako buong hapon dahil pakiramdam ko ay nabigla ang katawan ko sa dami ng ginawa. Hindi na rin ako nakapagtanghalian. Bukod sa hindi naman ako inaya ni Tita ay nalipasan na rin ako ng gutom. Mabilis ding tumawag si Kobe kanina pero dahil sa pagod ay hindi ko siya masyadong nakausap. Sinabi ko na lang na marami akong sinasagutang worksheet.

Nang mag-alas sinco ay narinig ko na ang sasakyan ni Kobe. Dali-dali akong sumilip sa bintana. Kasabay niyang dumating ang dalawang kapatid.

"Yey," bulong ko sa sarili nang bumaba siya sa sasakyan. Seeing him made me smile immediately. Gusto ko siyang pugpugin ng halik at yakap dahil alam kong siya lang ang magpapaalala sa akin kung bakit ako nandito ngayon.

But, of course, the world wouldn't allow me to do that freely.

Naghahanda na ako sa paglabas nang buksan ni Tita ang pinto ng silid. Ganoon pa rin ang itsura niya. Puno ng inis at pandidiri.

I gulped. Hindi pa pala siya tapos.

"Don't go out yet. Magfa-family meeting kami. Tell Kobe you're not hungry."

After saying that, she closed the door, not giving me the chance to decline.

Napatulala ako sa pinto kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Family meeting... right... I wasn't a part of their family. Isisiksik ko iyon sa kokote ko.

Umupo ako sa kama at inisip ang mga magdadaan pang araw. This would be a long and tiring journey, but I wouldn't let myself crumble again... not for the second time. Hindi na ako uupo lang at iiyak habang pinapanood ang lahat na magalit sa relasyon namin ni Kobe. Now, I'm willing to sacrifice my comfort and peace for him, just like how he defeated everyone who hurt me. Wala naman sigurong mali kung ako naman ang magtitiis.

Pumasok si Kobe sa kwarto at agad siyang napangiti nang makita ako. He walked towards me and pulled me into a hug.

I exhaled. As long as I have this kind of rest, I wouldn't mind getting tired the whole day.

Pumikit ako.

You will like me, Tita Penelope. My love for your son will be so strong that you will have no choice but to accept me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro