Chapter 24
My eyes were burning when I stopped crying. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa paligid dahil alam kong nasa akin pa rin ang atensyon ng lahat. They were livid. Humawak ako sa ubos nang cup noodles at halos malukot ko iyon sa labis na emosyon na gustong kumawala sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay sa oras na tumayo ako ay matutumba lang ako.
"Karsen!"
Boses nina Mill at Mari ang narinig ko. I looked at them with obvious tears in my eyes, and Mill immediately knew I wasn't okay. Nakita ko ang pagdaplis ng tingin niya sa cup noodles. Anger passed through her eyes... and for a second, I was scared... nervous.
I ate your favorite, Mill.
Dinaluhan ako ni Mari pero ang mga mata ko ay naiwan kay Mill. Her brows were furrowed, which created a crease on her forehead.
"M-Mill..."
She stared at me. Rage was still apparent in her eyes. I thought it was directed at me... I thought it was because I stole her food.
But what happened next sent warmth to my heart. Galit na tumingin siya sa mga estudyanteng nanonood sa akin.
"Tangina, ano'ng tinitingin-tingin n'yo?!" sigaw niya.
Tears pooled in my eyes. Ramdam ko ang haplos ni Mari sa likuran ko na para bang kinakalma ako.
"Uuwi na tayo..." si Mari.
"Kabit!" pabalik na sigaw ng isang estudyante.
Napaigtad ako nang baligtarin ni Mill ang isang plastic na mesa. Even Mari flinched. Nawala ang bulungan ng mga estudyante dahil sa ginawa niya.
"Isang imik mo pa, ikaw ang babaligtarin kong hayop ka."
Tumawa ang kasagutan niya. "Kaibigan kayo pero itino-tolerate n'yo?"
Napayuko ako kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Karsen, these people don't know the truth.
Napatayo si Mari at agad na hinawakan ang palapulsuhan ni Mill nang akmang susugurin niya ang babae. I covered my face with my hands and cried even more. Parang lahat ng sakit na dinala at tiniis ko ng mga nagdaang araw ay iniiyak ko. I forgot that I had my friends on whom I could rely. I forgot that they would do everything just to make sure I was okay.
"'Wag mong iyakan ang mga punyetang 'yan, Dawn Karsen!" galit na sigaw pa rin ni Mill.
"Millicent..." suway ni Mari. "Alisin muna natin si Karsen dito."
"Nanggagago, eh!" pahabol niya pa bago ako daluhan.
Nakayuko lang ako habang nakahawak sa kanilang dalawa. I could hear murmurs and whispers as we walked out of the canteen. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko dahil sa statement ng Soul Production. Siguradong sila rin ang naglabas ng mga larawan dahil nangyari naman ang mga iyon habang nagtatrabaho ako sa kanila.
"Shit..." bulong ni Mari.
Napaangat ako ng tingin at halos mapapikit ako nang makita ang dami ng taong naghihintay sa labas ng gate ng school. Some were holding their cameras... and some were Jennifer's fans.
"Ayun yata 'yong Karsen!" sigaw ng isang babae.
Nagkagulo ang lahat. Ang guards ng school namin ay hinaharangan ang mga tao na tuluyang makapasok kahit na para silang mga tigre na nakawala sa hawla.
"Karsen, one statement, please!" sigaw ng mga reporters.
Hindi nag-aksaya ng oras sina Mill at Mari. Agad nila akong hinigit palayo roon kahit na pare-pareho naming hindi alam kung saan kami pupunta. Puno ng tao ang gates at walang posibleng paraan para makalabas kami.
"Hindi ba kayo... papasok?" nanghihinang tanong ko habang naglalakad kami.
Class hours na kaya medyo nabawasan ang mga estudyante. May mangilan-ngilan pa rin sa paligid at hindi na ako nagtaka sa mga mapanghusga nilang tingin. At least hindi nila ako sinusugod. That's good enough for me.
Bilang sa daliri kung ilan ang estudyante sa garden. Most of them were men who didn't really care about me. Nakahinga ako nang malalim.
"May isa akong exam mamayang hapon, pero ngayong umaga, kaya kong umabsent," si Mari. "Ikaw, Mill?"
Umiling ang huli. "Wala na akong pake. Babagsak kung babagsak. Baka makapanapak pa ako ro'n kapag binuwisit ako ng mga chismosa kong kaklase." She heaved a deep sigh. "Ang concern ko ngayon ay baka ipalagay sa akin sa school blog ang buong kwento nitong kay Karsen."
"Karsen is a private person. That's not possible," sagot ni Mari.
"I know," she said as she nodded. "But our student council president is a private person, too... pero heto ako at pinipilit gumawa ng personality sketch tungkol sa kanya."
"Mill," tawag ko. "Kung kailangan para sa grades mo... p'wede naman."
Kunot ang noong bumaling siya sa akin. "Nasisiraan ka ba ng bait?"
Yumuko ako. I wanted so badly to apologize to her, but my mouth just couldn't. Nahihiya ako sa kanya... sa kanila.
"These people don't deserve your explanation, Karsen," Mill added. "You don't owe them anything."
"I'm sorry, Mill..."
She clicked her tongue in annoyance. "Ano na naman 'yan?"
A tear escaped my eye. "K-Kinain ko ang paborito mo... sorry..." Nag-angat ako ng tingin sa kanila. "W-Wala na akong trabaho. Wala akong pinagkukuhanan ng pera... hindi ako makabili ng pagkain kasi kailangan kong mag-ipon para sa mga gastusin ko." Huminga ako nang malalim at tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay ko. "G-Gutom na gutom na gutom ako... p-pasensya na dahil kinuha ko, M-Mill... babayaran ko... babayaran ko."
I was sobbing. Hindi ko alam kung naiintindihan pa nila ang sinasabi ko dahil sa nakakabingi kong hikbi.
"Karsen, sa akin ka pa nahiya?" si Mill. "You saw me stealing food in the orphanage before... tingin mo ba, hindi ko maiintindihan?"
"But that's wrong, and we shouldn't tolerate it," singit ni Mari. "Halos kapatid mo na kami. 'Wag kang mahiya sa amin kapag may gusto ka. Ano pa at bunso ka namin, 'di ba?"
I sobbed even more. My heart was clenching with the kindness they were showing me. I got used to the sharp words people threw at me... na nalimutan kong may tatakbuhan pa pala ako... na may mga kaibigan pa pala ako. Wala man akong mga magulang na puwedeng yumakap sa akin ay mayroon naman akong mga kaibigan na naghihintay lang na lumapit ako.
Mari and Mill were never sweet, but at that time, I felt their arms circling my body, embracing me. And without any words, I understood that it was their way of telling me that I would never be alone.
Hanggang tanghali ay naroon kami. Nagkukwentuhan ang dalawa at parang ipinararamdam nila sa akin na hindi ako dapat mamroblema. Hindi na kami pare-parehas pumasok. We had no idea how to get home because people outside our school still wouldn't budge.
"What do you want for lunch? Bibili ako," sabi ni Mari.
Napalunok ako. I don't have money.
"Ililibre ka namin. Para ka na namang tanga," putol agad ni Mill sa kung ano mang iisipin ko. "'Wag mong problemahin ang pera. Hindi ko pa nagagastos 'yong bonus ko sa trabaho."
"Same. Marami akong clients last month dahil sa sunod-sunod na pageant." Tumango si Mari. "Ano'ng gusto mo?"
My lips twitched. Nahihiya ako sa kanila. Pare-parehas kaming walang inaasahan... at ngayon ay sila ang sasagot ng pagkain ko? Until when?
Huminga ako nang malalim at inisip ang pinakamura sa menu ng school. "P-Pansit..." My voice was small. "Thank you."
Mari nodded as she looked at Mill. "Ako na ang bibili. Ikaw na muna ang bahala kay Karsen."
Naiwan kami ni Mill doon. At gaya ng inaasahan ko, parami na rin nang parami ang tao sa garden lalo at lunch time na. Pgadating palang ng ibang estudyante roon ay yumuko agad ako para hindi ko makita ang nandidiring tingin nila sa akin.
"Iangat mo ang mukha mo, Dawn Karsen," utos ni Mill. "Don't feel guilty about something you didn't do."
Umiling ako. "Ayoko silang makita..."
Puro bulungan. I could hear my name being mentioned... and Kobe's.
"Paano tayo lalabas ng school kung ganoon karami ang reporters? Parang tanga kasi. Pumasok-pasok pa. Hassle tuloy," pagpaparinig ng isang estudyante.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Mill kaya hinawakan ko ang kamay niya. Hindi magandang patulan niya iyon. Lalaki lang ang away at baka may masabi silang mas lalong makakasakit sa akin.
"Paano si Kobe?"
Napapikit ako sa narinig sa paligid.
"Wala. Sira na career no'n," sagot ng isa sabay tawa. "Hindi deserve ng cheaters ang clout."
"May diamante na, naghanap pa ng bato."
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Mill. It was my utmost insecurity... to be someone not good enough for Kobe... to be someone who would cause him his downfall... to be someone who could ruin the things he had established for years.
But I easily became that someone... without a flinch, I destroyed him.
Dahil sa akin ay mabilis siyang binitawan ng Soul Production.
I bit my lower lip to suppress my cry. It was my fault. Kung hindi ako dumating sa buhay niya, hindi siya susuway sa management niya. If I hadn't applied to be his leading lady, he wouldn't have stained his career. If he hadn't met me, he would still be the great Dior Kobe Gallardo; well-loved and taken care of.
At ako? Mananatiling taga-hanga at taga-suporta niya.
If only I knew this would happen, I would've been content just staring at him on stage, shining and distant, like the star that he is. I would've been satisfied with chanting his name while he sang his beautiful songs rather than having the chance to talk to him every time I wanted to. And even if being with him was the happiest I'd ever been, I wouldn't have entered his life... just to be heard and seen.
Ayun lang naman ang gusto mo noon, Karsen. Ang makita siya nang malapitan at makapagpasalamat sa mga musikang ginawa niya. Why... why did you go so far?
Sana nakuntento na lang ako sa pagtanaw. It would've been so much easier for him.
"Kawawa si Jennifer..."
Lalong nadurog ang puso ko. Of course, sino ba ang ipagpapalit si Jennifer para sa akin? I wasn't better than her... in all ways. Nang mabalitaang sila ni Kobe ay umingay lalo ang mga tao. They liked them together. It was as if they were a match made in heaven.
At kahit anong iling ko, hindi ko maikakaila na hanggang ngayon ay naiinggit pa rin ako.
Maghapon akong walang natanggap na tawag mula kay Kobe. Maybe he was reconsidering his plans. Siguro sa ngayon ay naiisip na niya na mas matimbang ang career niya kaysa sa relasyon naming dalawa.
It would shatter me, but if ever he decided to break up with me, I would never be mad at him.
"Mag-over-the-bakod kaya tayo?" tanong ni Mill kay Mari. "Kaso may tao kasi sa lahat... bwisit."
Hindi sila umalis sa tabi ko. Si Eddie naman ay panay ang text at pangungumusta sa akin. He said he wrote notes for me because we have an upcoming exam. Pero sa ngayon ay wala roon ang isip ko. I just wanted to take a rest and sleep.
"Kat texted me," imporma ni Mari sa akin. "Magpapadala raw siya sa 'yo."
Umawang ang labi ko. "Huh? H-Hindi na!"
"Hindi mo mapipigilan 'yon lalo at hindi siya makakauwi."
Hindi na ako nakasagot dahil agad siyang bumaling kay Mill.
"Sasabay tayo sa out ng mga estudyante. Halos alas-kwatro ang uwi ng lahat kaya lalabas na rin tayo no'n. No one would notice. May hoodie ako sa locker ko. Karsen can use that."
Tumango si Mill. "Alam ng mga tao na kaibigan natin siya." She looked at me. "Mauuna kaming maglakad sa 'yo mamaya. Sumunod ka lang."
That was the plan. Nang malapit na ang oras ay nag-ayos na kami. I wore Mari's brown hoodie and they kept on reminding me not to remove my earphones. Alam kong dahil iyon sa ayaw nilang marinig ko ang sasabihin ng mga tao.
I was shaking frantically when we walked out of the garden. Unang naglakad ang dalawa at bumuntot lang ako sa kanila. They were talking as if we didn't have the plan. Wala akong tinitingnan dahil natatakot ako sa mga estudyante. I never expected them to be aggressive. Nakayuko lang ako at pinipilit na tumutok sa malakas na kanta sa earphones ko.
Halos mapapikit ako nang masulyapan ang napakaraming tao sa labas ng gate. All of them were waiting patiently. Talagang hihintayin nilang lumabas ako.
Bumalik ako sa pagkakayuko at ipinagdasal na sana ay hindi ako mahuli. I have no energy left. One more painful word, and I would surely crumble. Bukas na lang ulit. Itutulog ko lang 'to.
Napatigil ako sa paglalakad nang mabangga ako sa likuran ni Mill. I tried my best not to lift my head because people were becoming loud.
Kinabahan ako. Did they find out? Kaya ba tumigil sina Mari at Mill sa paglalakad ay dahil may mga nakatutok na sa akin na camera?
My knees weakened. Napahawak ako sa balikat ni Mill para humingi doon ng suporta. Hindi pa rin sila gumagalaw, dahilan para lalong dagain ang dibdib ko.
The song ended and the deafening shout and screams immediately reached my ears. Wala pa mang nangyayari ay tumulo na ang luha ko. I was so scared... baka may sabihin na naman sila at sigurado akong hindi na kakayanin ng puso ko ang mga maririnig ko pa.
"Karsen..." tawag sa akin ni Mari.
That was the only thing that made me lift my head... but my gaze was not drawn to her. Naagaw ng isang sports car na kapapasok lang sa school ang atensyon ko.
Another batch of tears fell from my eyes.
Kilalang-kilala ko ang sasakyan na iyon dahil sa tuwing wala si Kuya Enzo ay ginagamit niya iyon para sunduin ako.
People around me stopped walking, too. Mapa-lalaki o babae. Lahat ay tumigil dahil sa pagdating niya. There were a series of flashes and stutters from cameras around us.
Nang lumabas si Kobe mula sa sasakyan ay halos matumba ako. Kung hindi lang ako nahawakan ni Mill ay lumagapak na ako sa lupa. I couldn't see his face well because of my blurry vision.
Umingay ang lahat at doon ay isa lang ang napatunayan ko.
He's here.
My boyfriend is here.
Pinalis ko ang mga luha sa mata ko at pinanood siya. His expression was stern as he looked around. His white T-shirt and black tattered pants made him look like he wasn't going through anything. Isa-isa niyang tiningnan ang mga estuyante. Some were yelling his name. Some picked up their phones and focused the cameras on him.
He kept on searching until his eyes met mine.
Wala siyang inaksayang oras. Mula sa pagkakasandal sa kotse ay naglakad siya papunta sa akin. Diretso ang titig. Sigurado ang mga hakbang.
Everyone got frantic... ang palakas na palakas na sigaw ng mga tao ay tuluyang nakapagpabingi sa akin. As we held each other's glances, it felt as though the world was ours. May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya ngunit hindi ko na natukoy kung ano iyon dahil sa bilis ng takbo ng puso ko.
Tumigil siya sa tapat ko at sukat doon ay muling nalaglag ang mga luha ko. My heart was clenching in pain... and a faint hint of happiness.
He carefully removed the hood over my head. I heard gasps. Banayad niyang inayos ang buhok ko hanggang sa maramdaman kong may ikinakabit siya roon.
"Beautiful," he whispered as he stared at the hair clip.
Hindi ko na napigilan ang sarili. Humihikbi akong isinubsob ang mukha sa dibdib niya. His hands were immediately wrapped around me. Paulit-ulit niyang hinaplos ang likod dahil sa malakas kong palahaw. I couldn't control my tears. Parang may sariling buhay ang mga mata ko. Kahit anong pigil ko ay patuloy lang sa paglaglag ang mga luha ko.
I was so scared... akala ko ay iiwan niya na ako... akala ko ay hahayaan niya na ako.
"K-Kobe..." I sobbed in his chest. I couldn't breathe properly.
"Shhh..." he hushed me. "I'm here."
He cupped my face and removed my tears. Alam kong nanonood ang mundo sa amin, pero wala na akong pakealam. His thumb carefully brushed my cheeks. Tumingin siya kina Mari at Mill na para bang nagpapaalam siya sa mga ito. After only a second, he grabbed my hand and gently dragged me to his car... with everyone to see.
Hindi pa roon natapos ang iyak ko dahil kahit nang makaalis kami sa school ay humihikbi pa rin ako. Hindi ko na alam kung para saan. Dahil ba sa career niya? Sa mga panghuhusga sa akin? Sa nawala kong takot na iiwan niya na ako? I don't know. I was crying about everything, and how much it was draining me.
"K-Kobe... sorry... sorry..." hikbi ko. "I'm sorry for ruining your n-name... your image... sorry, Kobe..."
Paulit-ulit ko iyong sinabi sa kanya hanggang sa tumigil kami sa tabi ng dagat. I had no idea where we were, but that was my least concern now. Bumaling siya sa puwesto ko at hinawakan ang mukha ko. Sa tuwing malalaglag ang luha ko ay hinahabol iyon ng daliri niya.
I did that for almost an hour and he never said a word. He just let me cry. He let me pour my heart out.
"N-Nawalan ako ng trabaho, Kobe..." sumbong ko. "Kaya ako namamayat kasi... k-kasi hindi ako makakain. W-Wala akong pinagkukunan ng pera. Kaya ako 'yong bumili ng pagkain ng mga kaklase ko kasi hindi ako nakapag-ambag sa group project namin. K-Kanina lang ay ninakaw ko ang cup noodles ni Mill... paborito niya 'yon... pero ninakaw ko... kasi nagugutom na 'ko."
Hindi ko alam kung naiintindihan pa niya ang sinasabi ko pero nagpatuloy ako.
"K-Kabit mo raw ako." I covered my mouth. "D-Dapat lang daw sa akin ang nangyayari dahil inagaw kita kay Jennifer... Kobe, ang dami kong narinig... sobrang dami kong narinig."
Isinumbong ko sa kanya ang lahat. Ang sinabi ng mga estudyante sa akin, ang inggit ko kay Jennifer, at ang takot ko na iwan niya ako. I told him everything. Wala akong itinira.
"Y-You lost more than half of your fans because of me. You lost your good relationship with your management," I whispered as my heart started to throb again. "Y-You stained your career because of me. You lost-"
He touched my lips, preventing me from saying another word. "I didn't lose you, did I?"
Paulit-ulit akong umiling.
He smiled. "That's what matters."
"Pero-"
Umiling siya at dinala ang kamay ko sa labi niya. He kissed it softly as he stared at me with visible love in his eyes.
"You're worth it, Karsen." Warmth enveloped my being. "More than everything I have to lose, more than their words, and more than what you think of."
Ang isang kamay niya ay muling humawak sa pisngi ko. "You can question everything, but never..." Umiling siya. "Never your worth."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro