Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23


"Karsen, may ambagan tayo sa thesis, ha?" saad ni Eddie matapos ang huling klase namin. "Four thousand 'yong ibabayad sa panel members kasi may technical editor, subject specialist, thesis adviser, english critic, at statistician tayo."

Nanlumo ako sa narinig. "Four thousand? Ang laki naman..."

"Kaya nga, eh. Wala naman kasi tayong binabayarang tuition fee," malungkot din na tugon niya. "Tig-2k naman tayo kaya hindi masyadong mabigat."

But it was still a huge amount of money for me.

Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho bago magsimula ang data gathering at printing ng paper namin.

"Kailan ba 'yan?"

"Next week daw ang due date."

Tumango ako. I don't know where I'll get that money. Ngayong maghapon nga ay hindi ako kumain. Iniisip ko rin kasing may pagkain naman sa apartment lalo at kababayad ko lang ng isang libo kay Mari para sa grocery namin.

"Group five!" sigaw ni Camille mula sa labas. "Pumunta na tayo sa garden para masimulan na 'yong report sa Ethics!"

Kinuha ko ang bag ko bago balingan si Eddie. "Ano'ng group mo?"

"Four. Ikaw?"

I clenched my teeth. "Five."

Wala kaming nagawa kung hindi ang maghiwalay. May reporting kasi kami bukas sa Ethics at bumunot kami kanina para sa groupings. Dahil wala naman akong ibang kaibigan sa room ay alam ko na agad na mahihirapan ako sa group activities lalo at mainit pa rin ang mga tao sa chismis tungkol sa amin ni Kobe.

"Sa amin ka ba Karsen?" tanong ni Camille.

Tumango ako at sumunod na sa kanila. Nasa lima kami at ako ang nahuhuling maglakad sa kanila dahil naiilang ako. On our way to the garden, I saw how people would stop to look at me. Hindi iyon lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko dahil kahit nauuna silang maglakad ay may pagkakataong lumilingon sila sa akin.

Hanggang kailan ba nila ipaparamdam sa akin na pinag-uusapan nila ako?

"Hi, Karsen."

Iyon ang unang narinig ko nang makarating kami sa garden na puno ng mga estudyante. Kahit ang madalas kong tambayan nitong mga nakaraang araw kapag lunch time ay hindi bakante.

Napatingin ako sa bumati sa akin at nakitang isang tumpok ng mga lalaki iyon. I awkwardly avoided their gazes. Sumunod na lang ako sa groupmates ko na naghahanap ng bakanteng mesa at upuan.

"Karsen, ikaw na lang ang walang ambag sa materials," sabi ni Camille bago pa man ako makaupo. "Mag-aambag ka ba o ikaw na lang ang magiging runner?"

Napalunok ako at bahagyang nahiya. Naniningil kasi sila ng kwarenta kanina pero wala akong maibigay dahil bente lang ang dinala kong pera ngayon. Natatakot kasi akong mapagastos.

"Wala pa bang materials? Ako na lang ang bibili," I said, suggesting that I would be our group's runner.

Nagkatinginan ang mga kaklase ko. Of course, no one wanted to be a runner. Sa labas ng school pa mabibili ang paraphernalia at siguradong mas gugustuhin nilang mag-ambag na lang kaysa ang mapawisan.

"Big book ang gagawin nating medium sa pagpe-present," si Marian, isa sa mga kagrupo ko. "Okay na siguro ang one-half illustration board, isang balot ng assorted colored papers, marker, double sided tape, glue at tatlong asul na cartolina." Tumingin siya sa iba pang members. "Meron pa ba?"

"Magpabili tayo ng merienda," suhestyon ng isa. "Matatagalan tayo, eh."

"Shawarma sa 'kin!" si Camille. "At milk tea."

Sumang-ayon ang mga kagrupo ko. Kanya-kanya sila ng pag-aabot ng bayad sa akin. Sinabi nila kung ano ang gusto nilang flavor at inilista ko iyon sa cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ko iyon dadalhin lahat kaya baka magdalawang balik ako. Hindi ko kayang bitbitin ang materials at pagkain nila nang sabay.

Walang imik akong umalis doon at binili lahat ng mga kailangan. Sa labas pa iyon ng school kaya medyo natagalan ako. Pagkapalapag ko naman ng materials ay umalis ulit ako para bilhin ang meryenda nila.

Habang umoorder ay nag-ring ang cellphone ko. Parang mahikang nawala ang pagod ko nang makitang si Kobe ang tumatawag.

"Hi!" masayang bati ko sa kanya.

Napatingin sa akin ang ilang naghihintay rin ng order kaya bahagya akong napalabi.

"Can you talk?" he asked.

"Hmm? Bakit?"

I looked around, and my stomach started to grumble when the smell of beef reached my nose. Kung hindi lang iyon fifty pesos ay nakabili na rin ako.

"Where are you? Maingay yata?"

I took a deep breath and licked my lips. May pagkain sa apartment, Karsen. Hindi mo kailangan 'yan.

"Ahh... bumibili ako ng shawarma rito sa tapat ng school tapos hinihintay ko rin 'yong order kong milktea sa tabi ng stall."

"You'll eat..." he said to himself.

Umiling agad ako. "Sa mga kaklase ko 'yon. Hindi ako busy. Ano ba 'yong sasabihin mo?" Dire-diretso ang pagsasalita ko sa takot na ibaba niya ang tawag.

"Bakit ikaw ang bumibili?"

"Basta!" Tumawa ako. "May sasabihin ka?"

"Karsen," sumeryoso ang tinig niya. "Inuutusan ka ba nilang bumili ng pagkain nila? Are they bullying you?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi! Ano ka ba! Trabaho ko 'to sa grupo namin dahil hindi ako nakapag—" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtantong masasabi ko sa kanya ang totoong dahilan. "N-Nakapag... ano... sulat! Sila kasi ang gagawa ng project namin, eh, hirap ako sa mga ganoon kaya nag-volunteer na lang akong bumili ng materials at merienda."

"Are you sure?"

"Oo. M-Meron din ako rito.." Tumango-tango pa ako kahit hindi naman niya ako kita. Ayokong sabihin sa kanya na wala na akong part-time job dahil sa naging bulungan tungkol sa amin.

Natahimik siya sa kabilang linya, pero hindi agad ako nakapagtanong dahil tinawag na ako ng nagbebenta. Binayaran ko ang shawarma bago nagpunta sa milktea shop para i-pick-up ang order ko.

"Nand'yan ka pa ba?" tanong ko nang hindi pa rin siya nagsasalita.

"My interview was canceled."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig iyon.

"The management seemed to find out my plan. Wala nang media ang handang mag-interview sa akin... because no one wanted to get to Soul Production's bad side."

Hindi agad ako nakapagsalita. Ang interview lang ni Kobe ang hinihintay ko para malinis ang pangalan namin... but I think it's too hard to achieve now.

"I planned to just post on my social media accounts, but they were all deleted... or suspended... I don't know. Biglang wala na lang akong access. I asked some of my co-artists, but none of them wanted to interfere."

I could hear frustration dripping from his voice. Alam kong nasasakal na siya sa ginagawa ng management niya dahil kahit ako ay hindi maintindihan kung bakit tinatanggalan nila ng boses si Kobe. Hindi naman puwedeng ako ang mag-post dahil walang credibility ang mga salita ko. Walang maniniwala sa akin.

"Grabe naman sila," mahinang saad ko. "Ginagawa ka nilang preso."

"I'll fix this. I don't know how, but I'll figure it out."

I gulped as worry started to fill my heart. "Magpahinga ka rin, ha?

"Dinner tayo?" malambing na tanong niya.

"Okay." I smiled. "Sa bahay ng kaibigan ng Daddy mo?"

"Yeah. Ipapasundo kita kay Kuya Enzo." He sighed. "I miss you."

Pagbalik ko sa garden ay nagsisimula na ang mga kagrupo ko. Inilapag ko sa mesa ang pagkain nila at tumulong na sa paggawa. Hindi pa ako nakakatagal sa paggugupit ng pang-design ay lumapit na sa puwesto namin ang grupo ng mga lalaking bumati sa akin kanina.

"P'wedeng magpa-picture kay Karsen?" tanong ng isa sa kanila.

Dinaga ang dibdib ko. Ayoko ng ganitong atensyon. Alam kong hindi nawawala ang mga kumukuha ng larawan ko araw-araw, pero pasikreto naman nilang ginagawa iyon.

"Hindi po," sagot ko bago pa makaimik ang mga kagrupo ko. "May ginagawa po kami."

"Aww... suplada ka pala," the guy commented.

Hindi ko pinansin nang magtawanan sila. Nagpatuloy ako sa paggugupit kahit na gusto ko na silang tutukan ng gunting na hawak ko para lang umalis sila.

"Bilis na. Isa lang."

Yumuko ako at pilit na inintindi ang sitwasyon. Ever since my name started to circulate, people have looked at me as if I was a celebrity... but never in a good way. Akala ngayon ng mga lalaki ay mabilis akong makuha lalo at inaakala nilang nagbebenta ako ng aliw. Hindi iyon lingid sa kaalaman ko. Naririnig ko sila kahit na anong pilit kong magbingi-bingihan.

"Ipinagtatanggol ka namin sa bashers mo," saad pa ng lalaki.

"Gago," tawanan nila.

Napaigtad ako nang padabog na bitawan ni Camille ang illustration board. "Pagbigyan mo na! Ang dami nang tao sa table natin. Hindi kami makagawa nang maayos."

Umiling ako at nagmamakaawang tumingin sa lalaki.

"Please, umalis na lang po kayo. Hindi po ako komportable."

"Baduy," saad ng lalaki bago niyaya ang mga kasama niya paalis ng mesa namin.

I watched their backs and heaved a deep sigh. People are starting to scare me. A lot of them wanted a piece of my life... and I couldn't understand why. Kung puwede lang ay matagal na akong tumigil sa pag-aaral para hindi ko na sila makasalamuha.

"Karsen, may nag-text sa 'yo," pansin ng isang kagrupo ko. "Boyfie."

Nagtinginan ang mga kaklase ko kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mesa para isilid sa bag ko.

"May boyfriend ka?" hindi napigilang tanong ni Marian. "Congrats. Naka-graduate ka na pala sa no boyfriend since birth club."

I chuckled nervously. "A-Ah... oo."

"Si Kobe?" pabirong tanong ni Camille.

Namilog ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng bibig ko.

"Joke lang! Maka-react ka naman d'yan, akala mo totoo!" Tumawa siya.

Nakisabay na lang ako sa tawa niya kahit na ang totoo ay labis na dinadaga ang dibdib ko.

"Bwisit ka! Akala ko ay naniniwala ka na talaga!" sabi pa ng isa.

"Posible naman, ah!" si Marian. "Maganda naman si Karsen."

Hinayaan ko silang pag-usapan ulit ang chismis tungkol sa akin na para bang wala ako roon. Nang matapos namin ang ginagawa ay nauna na akong umalis sa mesa namin. Muling nanumbalik sa akin ang pagkansela ng interview ni Kobe. At hangga't walang kumpirmasyon tungkol sa relasyon namin ay titiisin ko ang sinasabi ng ibang tao sa akin.

Kahit sabihin kong ayos lang ay hindi ko maiwasang malungkot sa iniikot ng buhay ko. I was just in the background. No one really cared about me. Pero ngayon, lahat sila ay umaarteng parang malaking parte ng buhay ko... na para bang may ambag sila rito.

"Magandang hapon po, Kuya Enzo," bati ko nang makasakay ako sa SUV. "Long time no see po."

Malapad na ngumiti ang lalaki. "Magandang hapon, Karsen. Kumusta ka?"

My heart warmed at his question. "Maayos po."

"Mabuti at hindi pa kayo naghihiwalay ni Sir," aniya. "Natuwa ako na ipinasundo ka niya. Medyo masikreto kasi ang isang 'yon... wala tuloy akong balita sa inyo."

Napatawa ako. "Chismoso ka, Kuya!"

Hindi naalis ang ngiti sa labi ng lalaki. "Alam ko naman ang totoo. Kaunting tiis lang, lilipas din ang sinasabi ng mga tao."

Tumango ako at tumingin sa bintana habang binabagtas namin ang daan patungo sa bahay ng kaibigan ng Daddy ni Kobe. At least, may naniniwala pa rin sa relasyon namin. That was good enough for me.

Unang kita ko palang kay Kobe na nakaupo sa couch at nagce-cellphone ay nanubig na agad ang mga mata ko. Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"I miss you," naiiyak na sabi ko habang nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya. I wanted to tell him everything I went through, but I knew he had his own problems too. "I miss you, Kobe."

He caressed my hair and kissed its top. "I miss you, too... so much."

Nawala lahat ng pagod ko sa lambing ng boses niya. Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon bago ako humiwalay sa kanya. I looked at his face and noticed the dark circles under his eyes. Pinasadahan ko iyon ng daliri ko.

"Bakit hindi ka na nagpapahinga?" malungkot na tanong ko habang sinasaulo ang mukha niya. "May eyebags ka na. Wala ka namang gan'yan dati."

He chuckled. "Pangit na?"

Umiling ako. "G'wapo pa rin."

Tumawa siya at muli akong hinigit palapit sa kanya. His strong arms wrapped around my body, and at that moment, I realized how much I was craving his presence. Na ito ang pahinga at kapayapaang hinihintay ko.

"You lost so much weight," he commented.

Ngumiti ako. "Pangit na?" panggagaya ko sa kanya.

He shook his head. "Maganda pa rin."

I chuckled and hugged him more. I just couldn't get enough. Hindi muna namin pinag-usapan ang nangyari. We just rested in each other's warmth.

I hope people can see how we are when we're together. He wasn't the popular Kobe and I wasn't the good-for-nothing Karsen. Kapag kasama ko siya, nothing seemed to matter.

Magana akong kumain at pinanood niya lang ako. He cooked adobo, and I couldn't help myself but to indulge. It was seven in the evening, and this was my first meal. Kumain lang ako ng skyflakes kanina para kahit papaano ay maibsan ang gutom ko.

"P'wede ba akong magbaon nito?" tanong ko. Sigurado kasing wala ulit akong tanghalian bukas.

"You love it that much?" He chuckled. "Of course. Dalhin mo na lahat 'yan."

Lihim akong napangiti. Marami pa iyon at siguro ay tatagal ng tatlong araw kung titipirin ko.

"About the interview..."

My smile faded. Wala namang magagawa kung walang media ang tatanggap ng side niya. Miski ang social media accounts niya ay nagawang kontrolin ng management. Hindi ko alam kung bakit at paano, pero siguradong nakatunog sila sa gagawin ni Kobe. Defending me means ruining their established name.

"Hayaan na natin, Kobe," I told him.

Nitong mga nagdaang araw ay hindi na siya nakakapag-focus sa trabaho dahil mas binibigyang importansya niya ang paglilinis ng pangalan ko. He couldn't sleep well and even though he didn't say anything about it, I knew he was stressed out.

"We already talked about this, Karsen." He heaved a sigh. "My last resort was to ask for my parents' help. Kinausap ko si Carly kanina tungkol sa social media accounts ko at sinabi niyang wala siyang alam kung bakit hindi ko iyon mabuksan."

I stared at him and realized that he was doing all the work he had never done before. Masyado ko na siyang pinapagod.

Hindi pa nakatulong na sinasakal siya ng management niya. Pakiramdam ko ay nagpapatong-patong sa kanya ang problema. Hindi na dapat ako dumagdag doon.

"I will file a lawsuit against them if I've got the chance to. They're violating my priva—"

Inabot ko ang kamay niya kaya napatigil siya sa pagsasalita. I tilted my head and stared at him more.

"Pahinga tayo, Kobe..."

Lumamlam ang mga mata niya. "Are you... tired?"

Tumango ako. I was tired not for myself, but in the way I was tiring him. Kaya kong tiisin ang sinasabi ng mga tao sa akin kung ang kapalit naman noon ay ang sarili niyang kapayapaan. I don't mind being asked insensitive questions, being the laughing stock of my schoolmates, and being called names.

"I'll do all the work, Karsen," he whispered. "I want to clear your name."

"'Wag na, Kobe... mahirap 'yon. Isinarado na ng mga tao ang utak nila sa akin." Umiling ako. "Kahit ano pang gawin ko... o natin... hindi na magbabago 'yong iniisip nila."

"You want me to sit and watch them disrespect you?" pagalit na tanong niya. "Do you think I can do that?"

Hindi na ako sumagot. Paulit-ulit ko na lang na hinaplos ang kamay niya. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa akin na handa niyang sirain ang relasyon niya sa mga taong tumulong sa kanya para sa akin. I'm not that special. Kung susuyurin niya ang mundo ay marami siyang makikilala na mas higit sa akin.

Hindi na namin ulit pinag-usapan iyon. Ipinahatid niya ulit ako kay Kuya Enzo at kahit ayaw ng puso kong umalis ay wala akong magagawa. The fact that I would have another tomorrow to endure was eating into my system. Nakaramdam lang ako ng pahinga nang makasama ko si Kobe.

"Tumawag si Kat. Kinukumusta ka," sabi ni Mari. "Call her back. Nag-aalala 'yon."

Tumango ako. "Thanks."

She pursed her lips. "Ang bilis ng pagpayat mo, Karsen. Kung hindi ka makakain on time, bumili ka ng vitamins mo."

Tumango ulit ako kahit napakalabong bumili ako noon. Dumaan sa gilid namin si Mill na kabibili lang ng snacks niya at isinalansan iyon sa cabinet.

"Galing ka kay Kobe?" tanong niya matapos ayusin ang pinamili.

"Yup."

She nodded. "Kumain ka na?"

Napaawang ang bibig ko nang mapagtantong hindi ko nadala ang adobong sinabi kong dadalhin ko. Shit! Siguradong nasa pad na si Kobe, at hindi ko na mababalikan ang pagkain. Nawala talaga iyon sa isip namin.

"O, bakit? Hindi ka pa kumakain? Keri lang. May pagkain naman d'yan."

"Hindi... ano... may naisip lang." Mahina akong tumawa para itago ang panghihinayang na naramdaman.

Tumitig sa akin si Mill at napailing. "Tumatahimik ka. Hindi ako sanay."

"Maraming iniisip, eh," si Mari.

Lumabi si Mill. "I like the loud Karsen better."

Napangiti lang ako. Sang-ayon ako sa sinabi nilang medyo natatahimik ako dahil napapansin ko rin iyon sa sarili ko. I couldn't talk to anyone freely unlike before. Alam kong hindi nila ako huhusgahan pero ayaw kong madamay sila sa issue namin ni Kobe.

Pumasok sa isip ko ang dalawang libong kailangang bayaran next week. Wala akong pagkukuhanan noon dahil hindi ko talaga kayang ibigay ang ipon ko. How else would I survive?

I cleared my throat. "Baka may kilala kayong gustong bumili ng ano... sapatos. Bago pa. Dalawang gamit pa lang."

"Anong sapatos?" tanong ni Mill.

"'Yong bagong bili ko..." sagot ko. "H-Hindi ko kasi nagagamit. Naitatambak lang. Sayang naman 'yong quality."

Hindi naman na ako haharap kay Mr. Hernando. Wala naman sigurong para manlait sa mga sapatos na isusuot ko, at kung meron man, hindi ko na siguro iisipin iyon.

"Saka 'yong ilang dress ko," dagdag ko pa. "Tulungan n'yo 'kong humanap ng buyer. Nine hundred na lang 'yong sapatos tapos two hundred each 'yong mga dress." Nag-isip pa ako at naninikip ang dibdib ko habang iniisa-isa ang mga gamit ko. "P-Pati... may bumibili pa ba ngayon ng hair clips? Marami akong collection... 'yong favorite ko lang ang ititira ko."

"Karsen," Mari called me. "Do you need money?"

Sunod-sunod ang pag-iling ko. Hindi ako puwedeng manghiram sa kanila dahil hindi ko naman alam kung paano ko iyon mababayaran. Isa pa, mga working student sila. They value their money the same way I value mine.

"Napansin ko kasi na masyado akong maraming gamit," pagdadahilan ko kahit ang totoo ay napakaunti ng mga bagay na mayroon ako.

Tumango si Mill. "Magtatanong ako sa mga kaklase ko. 'Yong hair clips, hindi ko alam kung mabebenta. Pipicturan ko bukas ang mga dress mo tapos i-post natin online para may makakita."

"I'll buy the hair clips," saad ni Mari.

Mill scoffed. "Huh? Feeling ka, hindi bagay sa 'yo 'yon."

Mari rolled her eyes. "Hindi naman para sa akin!"

Nagpasalamat ako sa kanila bago pumasok sa kwarto ko. Inihanda ko ang nasa sampung dress na mayroon ako at ang bagong bili kong sapatos. Mabigat ang loob ko habang inaayos iyon. I liked my things so much, but I needed money. Puro T-shirt na pambahay at ilang blouse na lang ang matitira sa akin.

"O, favorite mo 'yan, ah? Ibebenta mo rin?" tanong ni Mill pagkapasok sa kwarto namin. I was holding my baby pink dress, weighing my emotions.

I loved pairing this dress with my favorite hair clip. Pakiramdam ko ay maganda ako kapag suot ko iyon... but that's my least priority now.

Tumango ako kahit parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko. No dress for you, Karsen. "Maikli na sa akin."

I cried myself to sleep that night.

Tahimik lang dahil ayoko namang magising si Mill sa mga hikbi ko. Pinaghirapan kong bilhin ang mga gamit ko. I worked so hard... day and night. Tapos ngayon, ang kaunting bunga ng pagpapagod ko, mawawala rin.

Kinabukasan ay ako ang pinakaunang nagising. Hindi ko alam kung bakit kumakalam ang sikmura ko kahit na marami naman akong kinain kagabi. Para bang nagmamakaawa ang katawan ko na pakainin siya.

Napatingin ako sa malaking cup noodles na binili ni Mill kahapon. It was her favorite, and I knew she bought it for herself. Nanuyo ang labi ko at naramdaman ang pagtutubig ng bagang dahil sa naramdamang gutom.

I shook my head. Huwag mong hangarin ang hindi iyo, Karsen.

But I was shaking with hunger. I don't think I could last a day if I didn't eat anything. Kahit nagkape na ako ay hindi pa rin napawi ang gutom ko. Binuksan ko ang kaldero at labis akong nanlumo nang mapagtantong panis na ang kanin at ulam. Tinikman ko iyon ngunit hindi kaya ng dila ko na tyagain ang pagkain doon.

Nakapaligo na ako at handa nang umalis nang muling mapatingin sa cup noodles. Sampung piso lang ang dala ko ngayon at ang tanging mabibili ko roon ay isang biscuit.

I stared at it, and with tears in my eyes, I slid it into my bag.

Bawat hakbang ko palayo sa apartment ay bumibigat ang paghinga ko. Alam kong hahanapin iyon mamaya ni Mill... at alam kong hindi tama ang ginagawa ko.

Pumunta ako sa canteen para lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles. My stomach was rumbling, and my knees were wobbling. Parang kaunting tulak na lang sa akin ay mahihimatay ako.

Habang kinakain ang noodles ay umiiyak ako. Kumakain ako ng ninakaw ko sa kaibigan kong tutulungan akong ibenta ang mga gamit ko.... kaibigan kong lagi akong pinagtatanggol sa lahat. This is her favorite... pero kinakain ko pa rin... pero kinuha ko pa rin.

I'm sorry, Mill... this is not valid, but I am just so hungry.

"Umiiyak... totoo siguro?" Narinig kong bulong ng isang estudyante nang madaanan ako.

"Malamang. Soul Production na ang nagsabi, eh!"

Hindi rumehistro sa isip ko ang narinig dahil inaalala ko ang paghingi ng tawad kay Mill mamaya. I finished the food with a heavy feeling in my chest. Kahit napunan ng pagkain ang tiyan ako ay wala akong maramdamang pagkabusog.

That was when I realized that I was feeling empty, and no amount of food could satiate me.

"Mamatay na lahat ng kabit!" Narinig kong sigaw ng isang estudyante.

Nag-angat ako ng tingin at kumabog ang dibdib ko nang mapansing nasa akin ang atensyon ng lahat.

"Sa panahon talaga ngayon, kung sino ang side chick, sila pa ang matapang!" pagpaparinig pa ng isa.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari dahil lahat sila ay tinatapunan ako na para bang diring-diri sila sa akin.

"Kung ako 'yon, hindi na ako papasok!"

I was trembling when I picked up my phone, at kahit ayaw ko ay binuksan ko ang Facebook account ko. People were still saying things about me, but my attention was drawn to Soul Production's statement.

"We'd like to formally apologize to Ms. Jennifer Austria of Aspire Production for the damage Dior Kobe Gallardo has caused. You two were together, so we did our best to pair you, as it would help DK to act naturally in his music videos. The cheating rumors were beyond our knowledge, and because of this, we would like to inform the public that we were not renewing DK's contract."

Sa sumunod na post ng iba't ibang tao ay ang larawan namin ni Kobe. Sa Tagaytay, sa flower farm, sa resort, at miski ang unang halik na pinagsaluhan namin.

Tears rolled down my cheeks.

"Deserve, tangina!" sigawan ng mga estudyante sa canteen.

Tinakpan ko ang bibig at tahimik na humikbi, hindi na iniisip ang mga camera na nakatutok sa akin.

I ruined Kobe's career... the one he had worked so hard to protect and build for years was dragged into the dirt I was living in.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro