Chapter 21
But regardless of your happiness, some things are just bound to happen. After all, truths have their own ways of unfolding themselves.
"Papasok na ako. Sasabay ka ba?" tanong ko kay Mill habang papalabas ng apartment.
Umiling ang babae. "May thirty minutes pa. Magkakape muna ako."
Tumango ako at nauna nang lumabas. May maaga kaming meeting ngayon dahil sa pagpipilian ng ka-partner sa thesis. Kahit may group chat naman kami, ipinilit ng mga kaklase ko na sa personal na mag-usap. Eddie and I had already talked about this. Kami ang magiging magka-partner at nag-isip na rin kami ng research topics.
Pagkadating ko sa room ay naroon na ang mga kaklase ko. I sat on my chair and Eddie arrived five minutes after I settled myself. I was thinking of telling him what happened yesterday, but I couldn't formulate words. Sinigurado naman na ni Kobe na kakausapin niya ang management.
"Monthsary n'yo kagabi, 'di ba?" Eddie whispered.
Nagsasalita ang class president namin kaya tumango lang ako. I was trying to focus on whatever she was saying. Mahirap na rin kasing may ma-miss akong importanteng detalye tungkol sa thesis. Hirap pa naman ako sa sentence composition.
"Nag-twitter ka na ba?"
For some unknown reason, my heart hammered. Simula noong magkaroon kami ng relasyon ni Kobe ay takot na takot na ako sa mga ganoong klase ng tanong. It was as if we were getting caught. Hindi pa nakatulong ang nangyari kagabi.
Nabasa siguro ni Eddie ang takot sa mukha ko dahil nang tumingin ako sa kanya ay umiling siya.
"Wala ang pangalan mo. 'Wag kang masyadong mag-alala." Nagbungtong-hininga siya. "May nag-tweet lang ng blind item... and a lot of people were saying it was Kobe."
Hindi na ako nakatiis. Kahit hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ng class president namin ay kinuha ko na ang cellphone at agad na hinanap ang twitter account na sinasabi ni Eddie. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba.
Showbiz Pulis @ShowbizPulis
Mainit-init pa!🍵
May isang sikat na singer na may celebrity girlfriend ang nakita kagabi sa Zenith. Bali-balitang may "gig" siya, pero ang tea... may kasamang ibang babae?! Si girl ay lumabas ng kotse ni utaw at na-confirm ng ating source na hindi ito si celebrity gf.
|
Showbiz Pulis @ShowbizPulis
After the singer performed a few songs, dumating ang celeb gf at ang manager sa restobar! Nagkaroon ng seryosong pag-uusap sa table hanggang sa nagpunta na sila sa backstage para doon ituloy ang "usapan."
|
Showbiz Pulis @ShowbizPulis
Ang shocking pa, hindi nila kasabay umalis ng restobar si singer! AT MAY PASA ANG ISANG PART NG MANAGEMENT NA KASAMA NG MANAGER NI SINGER NA NAG-CONFIRM SA MAINIT-INIT NA AWAY.
|
Showbiz Pulis @ShowbizPulis
Tanda ng source natin ang fes ng secret jowa ni singer, pero sa kasamaang palad ay hindi niya ito na-picturan. So ang question... ginagamit lang ba ni singer si celebrity gf lalo at kinakana sila ng publiko?
|
Showbiz Pulis @ShowbizPulis
At usap-usapan daw sa Zenith kahapon na entertainer/hostess ang babaeng kasama ni singer. Hmmmm... reveal soon. Mag-i-investigate lang ang ating source. Hahahaha!
The thread of tweets made me anxious. Nablangko ang utak ko lalo at napakaraming opinyon ng mga tao tungkol doon. Lumalabas ang pangalan nina Kobe at Jennifer dahil ini-like ng Showbiz Pulis ang isang reply na nagtatanong kung sila bang dalawa ang tinutukoy sa tweets.
Sigurado akong may nakakita sa amin kahapon dahil hindi naman susugod nang ganoon sina Carly kung wala.
What bothered me most was the rumor that the girl he was with was a hostess. I mean, I had nothing against them, pero kung ganito ang lalabas na balita tungkol sa akin, marurumiham ko lang nang husto ang imahe ni Kobe.
People have negative connotations when it comes to entertainers, hostesses, and other related jobs, not realizing that this is largely due to a lack of job opportunities and poverty.
"Walang sinasabi ang Soul Production tungkol d'yan. Chismis pa lang naman kasi," bulong ulit ni Eddie sa akin.
Tumango ako at ibinalik na lang ang cellphone sa bag. Imbes na nasa thesis namin ang utak ko, bumabalik at bumabalik sa akin ang nangyaring pakikipag-sagutan ni Kobe kina Mr. Hernando at Carly.
My worries doubled when I realized that people were starting to think that Kobe was just using Jennifer for his career. Hindi ko iyon kailanman maiintindihan. Bago pa man dumating ang babae sa buhay niya ay nasa rurok na siya ng industriya. He didn't need help. He could shine and get to the top with just his talent.
"Hindi naman nila alam na ako 'yon, 'di ba? Wala namang pictures..." pagpapalubag-loob ko.
Eddie exhaled. "Mag-ingat ka pa rin. Ayan at may lumalabas na hostess ka. Pag-usapan n'yo ni Kobe ang dapat gawin. Sa ngayon, mabuti pang mag-lie low na muna kayo."
The thought saddened me. Paanong pag-li-lie low pa ang kailangan naming gawin? Sa phone na nga lang kami araw-araw magkausap. Isa hanggang tatlong beses sa isang linggo lang din kaming magkita. Minsan ay hindi pa.
Nagdesisyon lang naman kaming lumabas kahapon. Unang beses iyon dahil monthsary namin... pero bakit parang ang laki-laking kasalanan? Siguro kung maganda ang background ko, hindi ako mahihiyang ipagkalandakan sa mga tao na ako ang kasintahan ni Kobe.
That was my only fear-ruining Kobe's career because of my stained background.
"Nakakapagod, Eddie," pagbibiro ko kahit na bahagyang kumirot ang dibdib ko. "Parang lahat ng tao sa paligid ni Kobe, ayaw sa akin." Sinamahan ko iyon ng pagtawa. "Bakit kaya, 'no? Maganda naman ako."
I knew, sooner or later, our relationship would reveal itself. Hindi ako handa roon, pero alam kong hindi iyon maiiwasan. Kobe was a public figure, and people thought that he was selling himself to them just because he wasn't a private person.
Natapos ang usapan namin ni Eddie tungkol doon dahil pumasok na ang instructor namin, pero hindi iyon nawala sa isip ko. No one in Kobe's circle felt like a home to me... kahit ang pamilya niya.
Nang mag-lunch time ay pumunta ako sa library para tumingin ng mga sample thesis habang si Eddie naman ay pumunta sa computer laboratory para gawin ang isang activity namin sa ibang subject. Due date na kasi noon mamaya at wala pa siyang nasisimulan.
Wala pa akong labinglimang minutong nakaupo ay may tumawag na agad sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay hilaw akong napangiti nang makita si Marcus.
Oh, great. Lagi na lang sa library. Lagi na lang tuwing malalim ang iniisip ko.
"Hi, Karsen." He beamed. "Pa-share ng table."
Tumingin ako sa paligid at napansing marami pang bakanteng mesa.
I cleared my throat before returning my gaze to him.
"Uhm... marami namang vacant seats, Marcus."
He scratched the back of his head, parang nahihiya. "Sorry. Gusto ko lang sanang makakwentuhan ka."
Lalong napanis ang ngiti ko. Nakakakonsensya, pero hindi tama. Ayokong paasahin siya lalo at alam ko ang ginagawa niya. And I wasn't really in the mood to talk. Iniisip ko pa ang mga dapat naming gawin ni Kobe.
"'Wag na lang siguro, Marcus. Marami pa kasi akong gagawin. Hindi rin kita makakausap," I replied politely.
"Gano'n ba?" Naiilang siyang tumawa. "Baka may p'wede akong maitulong? Matatapos ko na rin naman ang task ko."
Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko na 'to."
"Sige... pasensya na sa pangungulit. Iniisip ko lang na baka malungkot ka ngayon dahil sa issue ng idol mo." Muli siyang kumamot sa batok. "Sorry."
Kumunot ang noo ko. He wasn't the type to know these issues. Kalat pala talaga iyon.
Paalis na sana siya nang may maisip akong itanong.
"Marcus," I called him.
Tumigil siya sa akmang paglalakad at agad na bumaling sa akin.
I pursed my lips. "Ano'ng stand mo?"
He was puzzled. "Huh?"
Lalo akong napalabi. Ibinaba ko ang tingin sa thesis na binabasa at pilit na nagkunwaring hindi interesado.
"Doon sa babaeng kasama raw ni Kobe... ano'ng masasabi mo?"
Nakayuko na ako, pero hindi na ako nagulat nang humigit siya ng upuan sa tapat ko. He settled himself there before placing his bag on the table.
"Affected ka talaga ro'n?" he asked.
Umiling ako at nagkunwaring natawa.
"Hmm..." he stalled. "Kung totoo man 'yon, kawawa naman 'yong babae."
Doon ako napaangat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin.
"Kasi hindi pa nga siya kilala ng mga tao, nahuhusgahan na agad." He shrugged. "Kung fling or girlfriend man 'yon ni Kobe, hindi niya matatakasan ang ingay... lalo at mainit ang mga tao sa kanilang dalawa no'ng model."
"Kahit hindi naman talaga sila totoong magkarelasyon?" I asked.
He nodded. "That's show business. Kung ano ang gusto ng publiko, kahit nakakababa ng moral, ipipilit 'yan ng agencies. Money and fame. Those were the fuel of showbiz."
Naghalumbaba ako. "Tingin mo... uhm... ano'ng dapat gawin no'ng babae?"
Napangisi siya. "Invested ka talaga rito, 'no?"
"Curious lang," depensa ko.
"Well, maraming factors ang kailangang i-consider. Career ni Kobe, opinyon ng mga tao, at inner peace no'ng babae. If Kobe and that girl were willing to compromise on those, walang point ang pagtatago. Matatanggap din naman ng publiko 'yon. Matatagalan nga lang."
Napatango ako. Unang factor pa lang, alam ko nang hindi ko kayang i-compromise.
"Sige, salamat, Marcus!" putol ko sa usapan namin.
Tumayo na rin naman siya. "No problem. Ikaw agad ang naisip ko nang mabasa ko sa twitter 'yon. I knew the bashing would hurt you."
Ngumiti ako at tuluyang nagpaalam sa kanya. Kahit walang nagbago sa pananaw ko, ipinagpapasalamat ko pa rin na may mga taong kagaya ni Marcus na hindi mabilis manghusga ng kapwa.
Nang makauwi noong araw na iyon ay agad kong tinawagan si Kobe. Maghapon kaming hindi nakapag-usap dahil alam kong magiging mahaba ang araw niya lalo at naging mainit ang sagutan nila ni Mr. Hernando. Sigurado ring alam na nila ang nag-t-trend na rumor ngayon.
After a few rings, he picked up the call.
"Hello?"
"Ah, Ma'am Karsen-" Nabosesan ko si Chloe. "Nasa conference room po si Sir Kobe, nakikipag-usap sa management. Iniwan po ang cellphone dito sa dressing room."
"Gano'n po ba? Thank you, Ate. Pasabi na lang po na tumawag ako."
"Opo, Ma'am."
Ibinaba ko ang tawag at nahiga sa kama ko. Ayokong magbukas ng kahit anong social media account ko ngayon dahil trending na trending ang issue. A lot of people were making unnecessary comments. Marami ang naaawa kay Jennifer dahil niloloko lang daw ito ng lalaki.
Maya-maya pa ay nag-ring ulit ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Kobe kaya kahit papaano ay nahimasmasan ako. Umupo ako sa kama bago sagutin ang tawag.
"Hello, Kobe? Kumusta ang pakikipag-usap mo sa management? Hindi ka ba napaaway?" bungad ko.
"Karsen?"
My jaw dropped as my heart hammered when I recognized Carly's voice. Inilayo ko ang cellphone sa tainga at tiningnan kung sino ang tumatawag. It was Kobe! Bakit nasa kanya ang cellphone ni Kobe?!
"I overheard Chloe," parang narinig niya ang tanong ng utak ko. "Why... are you calling Kobe?"
Punong-puno ng pagdududa ang tinig niya. I opened my mouth, but words just didn't come out. Namuo ang pawis sa noo ko at ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. I didn't know what to say. Baka pagalitan ako... baka pagalitan na naman si Kobe.
"May relasyon ba kayo?" hindi nakatiis na tanong niya.
Lalong dinaga ang dibdib ko. I covered my mouth to prevent myself from answering her question. Sa oras na umoo ako ay haharapin ko sila.
"U-Uhm... M-Ms. Carly..." tanging nasambit ko. I closed my eyes tightly and sealed my lips with my fingers.
"Ikaw ba ang kasama ni Kobe kagabi?" she interrogated.
Hindi ako ulit sumagot. I was panicking. Sa mga pambungad kong tanong kanina, sigurado akong ramdam niyang may namamagitan sa amin ng lalaki.
"I thought I already talked to you about this. Your contract ended months ago... and you continued going out with him?" May pagpipigil ng galit sa boses niya. "News flash, Karsen, the management wanted Kobe to pay for the damage you guys caused. Pinapatahimik ang mga media ngayon dahil sa paglabas n'yo kagabi!"
Puno iyon ng panunumbat... na para bang malaking kasalanan ang relasyon namin ni Kobe. I just kept my silence. Ayokong may masabing hindi tama. Hindi ko pa nakakausap si Kobe. Hindi ako puwedeng kumilos nang hindi niya nalalaman.
"And he's pushing through not renewing his contract with the management... for the first time in years!" She sounded really frustrated. "Please, talk to him. Kung hindi kayo mapipigilan, kausapin mo na lang siyang ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa Soul Production."
My heart hurt. That was something I couldn't control. Labas ako sa opinyon ni Kobe.
"Karsen... Kobe and the management always have a good relationship. He never breaks rules. Lahat ng sinasabi sa kanya ay sinusunod niya. This is just the first strike." She exhaled. "I'm sorry to say this but it all started when he met you."
After saying that, she dropped the call. Napatulala ako sa kawalan. It was happening... I was ruining Kobe's career. Iyong iningatan at inalagaan niya sa loob ng napakaraming taon, sinisira niya dahil sa akin.
Nang tumawag si Kobe sa akin ng araw na iyon, pinili kong huwag munang sabihin sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Carly. Siguro ay kapag nagkita na lang ulit kami. Hindi ko alam kung nabanggit ba iyon sa kanya ni Chloe, pero hindi rin naman siya nagtanong.
"The management wants me to address the rumor," he muttered while we were eating in his pad.
Tumigil ako sa pagnguya at tiningnan siya. He looked problematic. Hindi pa namin napag-uusapan ang hindi niya pag-re-renew ng contract pero sa pagkakaalam ko ay may katagalan pa bago matapos ang term niya.
"I don't want people to know your identity, Karsen." Umiling siya.
Tumango ako. Hindi talaga nila puwedeng malaman na ang kasintahan ng isang sikat na personalidad ay isang kagaya ko. I have nothing to offer. Not a notable achievement. Not even a family background.
Alam na alam ko iyon. Na kaya hindi niya ako iniiwas sa mata ng mga tao ay dahil sa pinanggalingan ko. Siguro ay nahihiya rin siya.
I mentally scolded myself. Bakit ba kasi sa dami ng tao sa mundo, minahal mo ang kasingtaas niya, Dawn Karsen? You could've prevented it. Ngayon ay namomroblema siya dahil sa 'yo.
"Ikaw..." nasabi ko na lang bago muling bumalik sa pagkain.
Kobe sighed. "I'm saying this because this isn't my decision alone."
"Kahit ano namang gawin mo, Kobe, ayos lang sa akin."
"You could at least tell me your opinion..."
Nag-angat ako ng tingin. "Basta kung saan ka mas mapapadali. 'Wag mo na akong alalahanin." I looked away. "Just don't stain your career for me."
Ramdam ko ang nanunusok niyang tingin sa akin.
"Pinapalabas na ng management na desperadong fan ka lang," aniya. "They just needed my public confirmation."
I nodded my head, despite the slight pinch I felt in my heart. Second choice na leading lady, personal assistant, desperate fan... ano kaya ang susunod?
"Karsen," tawag niya. "I need your opinion."
Yumuko ako at tumingin sa pagkain. "Mas madali kapag ganoon, Kobe. Okay na 'yon."
"I can breach my contract with them. I'll just pay for the damages-"
"Kobe!" anas ko.
"You're not okay." Umiling siya. "And when are you gonna tell me that you talked to Carly?"
Nilabanan ko na ang tingin niya. "Hindi 'yon ang iniisip mo dapat ngayon! Matagal ka pang under supervision ng Soul Production at kapag lalo mo silang ginalit, baka kung ano pa ang gawin nila para sirain ang pangalan mo."
He looked at me with obvious disbelief in his eyes. "'Wag ka namang umoo sa lahat, Karsen. Sabihin mo naman sa 'kin kapag hindi na ayos sa 'yo..."
"Ayos nga lang."
"I hate that you're not complaining. Ni hindi mo ako kinausap tungkol sa pagbabayad ko para makasama ka sa pamimilian ng leading lady. I feel like you don't mind hurting for me," mahabang litanya niya. "We're not in a goddamn employer-employee relationship, Karsen! I'm your boyfriend, not your boss."
"You really want to know what I want?!" Napatayo ako sa pagbugso ng damdamin. "Sabihin mo sa mga tao na girlfriend mo 'yong kasama mo sa Zenith! Sabihin mo sa mga tao na wala kayong relasyon ni Jennifer! Sabihin mo na hindi ako hostess at ako ang personal choice mo para sa music video!
I breathed heavily and stared deeply at him. "Ayos lang sa akin ang magtago, Kobe, pero nakakapanliit pala kapag lahat ng tao, botong-boto sa inyong dalawa. Na bagay kayo kasi marami na siyang na-achieve, maganda ang family background, at malinis ang records niya."
Umiling ako. "I was never insecure of someone, pero simula noong pumasok ako sa mundo mo, parang lahat kailangan kong i-please. Parang lahat kailangang magustuhan ako. Dapat maganda ang damit ko, bago ang sapatos, maayos tingnan... ewan!"
Nakatingin lang siya sa akin, taking all my words in.
"Gan'yan nga, tingnan mo ako, Kobe..." nabasag ang tinig ko. "Am I someone you can proudly show off to the people in your world?" I shook my head. "Hindi, 'di ba? Kaya walang lugar ang opinyon ko. Kaya umoo lang ako!"
Umupo ulit ako at pinakalma ang sarili.
"Sinabi sa akin ng manager mo na kumbinsihin kitang mag-renew ng contract sa Soul Production. Sinabi niya ring nagkagan'yan ka simula nang dumating ako sa buhay mo," I confessed calmly. "Just do what they want, Kobe. Sabihin mong desperadong fan at stalker ako. And that you will never cheat on Jennifer... because she's the best girl you've got."
Kobe exhaled. "Matagal ko nang iniisip ang hindi pag-re-renew ng contract sa kanila. Even before you came into my life. They made me their puppet because I was young. I wrote a lot of songs before, and they sold it to different singers and bands. I was so scared to complain because I was brainwashed that no one would listen to my shit of music."
Hindi ko na siya binalingan kahit pa nagulat ako sa impormasyong sinabi niya.
"I was just waiting for my term to end..." malumanay na saad niya. "And to answer your question earlier, yes... I can proudly show you off to everyone, but I won't because they don't deserve to know or see someone as precious as you... and I'm sorry to burst your bubbles, but you're the best and only girl I've got."
Naramdaman ko ang pag-abot niya sa kamay ko na nasa mesa. Nakuha noon ang atensyon ko. Tiningnan ko siya at napagtantong hindi ko dapat siya pine-pressure sa dapat gawin.
"I had Mr. Hernando fired earlier." He smiled gently. "I'm sorry for what you witnessed last night. I'm not usually aggressive... I just hated the way he disrespected you."
Nag-init ang puso ko. I realized that I overreacted. Hindi ko dapat kay Kobe ibinubuhos ang galit ko sa mga tao sa paligid niya.
"Sorry kasi inaway kita..." maliit ang boses na sambit ko.
He shook his head. "I want to hear more of your thoughts. Gagawin ko ang gusto mo... and if I ever reveal your identity, are you ready? I can't control everyone, but I will be by your side."
"At ano? Susuwayin mo ang gustong mangyari ng management?"
He chuckled. "Kaysa naman suwayin ko ang gusto ng girlfriend ko?"
Lumabi ako at umiling. "If you were to choose between me over something, always choose that something. Career man 'yan, kaibigan, o pamilya. Kasi kahit saan mo ako iwan, mababalikan mo 'ko."
Sumeryoso ang mukha niya. Lumamlam ang mga mata at maya-maya'y napailing.
"You..." he trailed off. "You shouldn't settle for less. Kapag naiparamdam ko 'yan sa 'yo, break up with me. Don't be with someone like that, Dawn Karsen. Kahit ako pa."
Ngumiti lang ako. Sanay akong hindi pinipili kaya hindi na iyon malaking kaso sa akin. That was one thing of not expecting from anyone. Kahit anong maibigay nila, kahit nasa dulo ng pila, kuntento ka na.
Naputol ang tingin ko kay Kobe nang mag-ring ang cellphone ko. Nakita kong si Eddie ang tumatawag kaya hindi na ako nag-abala pang lumayo. Sinagot ko agad iyon habang nasa harap ni Kobe.
"K-Karsen!" puno ng taranta ang boses niya.
Napakunot ako. "Bakit?"
"Someone leaked your name! Sa issue nina Kobe at Jennifer-"
Sa sobrang kaba ay naibaba ko ang tawag. Agad kong binuksan ang WiFi ng cellphone ko at mabilis na nag-pop up ang napakaraming messages mula sa mga Facebook friends ko. Marami ring message request.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo. Labis na nanlamig ang kamay ko kasabay ng panginginig ng labi ko.
"Karsen, what's happening?!"
Hindi ko sinagot si Kobe. Dali-dali akong nagbukas ng twitter at doon ay nabasa ko ang isang tweet na alam kong pinag-ugatan ng ingay.
Showbiz Pulis @ShowbizPulis
Update: Totoo ang chismis! May secret affair si singer kay ate girl na kasama niya sa Zenith. Nakumpirmang ilang buwan na ang relasyon nila at isa rin si ate girl sa pinamimilian maging leading lady sa music video ni singer!
For a more detailed chismis, click the link: https://typedream.site/keen-puma-6269
Pinindot ko ang link kahit pa nakailang tawag sa akin si Kobe. I knew I looked hopeless. Kaunti na lang ay tutulo na ang luha ko sa labis na takot.
"Dior Kobe Gallardo, a singer and songwriter, was months into a relationship with an international model, Jennifer Austria. The two teamed up for the singer's music videos for his latest album, "The Way You Treated Me Least." Fans were happy for them as both their respective managements continued to give them projects.
However, last night, DK was seen with a non-showbiz girl who was then named Dawn Karsen Navarro, a former orphan at Bahay Tuluyan, 3rd year BS Mathematics student, and was described as a "poor, low class, and flirty" woman. She was a die-hard fan of the singer and was said to be his stalker. But a lot of people were assuming that he was DK's other girlfriend.
We're still waiting for the answers of the managements, so follow Showbiz Pulis on all of their social media accounts for faster updates."
A tear escaped my eye. Poor, low class, and flirty? Other girlfriend?
I swallowed the lump in my throat. Mula sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang pagtayo ni Kobe at maya-maya pa'y naramdaman ko ang dalawang braso niya sa akin.
That moment, I knew my life would take a turn.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro