Chapter 20
"I'm sorry for what happened back there. Madalas talaga silang magtalo, pero nagkakaayos din naman agad," Kobe told me as we walked out of the mansion.
I couldn't understand. Imposibleng hindi ko malaman kung bakit sila nag-away gayong nakatingin lang ako sa kanila. Their mood changed after I told them my name. Kitang-kita ko ang disgusto sa mga mata ni Tita Penelope. Pero hindi naman ako makapag-isip ng rason kung bakit ayaw niya sa pangalan ko. I just thought it was too shallow.
"Hey," Kobe held my elbow. "Are we okay?"
Tumingin ako sa kanya at nabasa ko agad ang paninimbang sa mga mata niya. He looked worried and nervous at the same time.
"May hindi ka ba nagustuhan sa nangyari? Does my family bother you?" tanong niya ulit.
Umiling ako. Hindi ko dapat pag-isipan ang pamilya niya. They treated me good. Buong dinner ay hindi ako nakaramdam na parang minamaliit nila ako. Baka may hindi lang ako naintindihan sa nangyari. Baka may pinagtalunan sila na hindi ko nakita.
I completely ignored what happened that day. Kinumusta ako ng mga kaibigan ko tungkol doon at sinabi kong maganda ang pakikitungo sa akin ng mag-anak. Hindi na rin naman nagtanong si Kobe dahil mukhang normal sa mag-asawa ang pag-aaway. Hindi ko rin nalaman kung nagkaayos na sila.
Everything went pretty normal after that. I finished my second year in college, and both Mari and Mill moved on to the last year of their college life.
"Paano? Aalis na si Ate Kat sa apartment n'yo?" tanong ni Eddie. "Nakahanap na ba ng trabaho?"
Ilang buwan matapos maka-graduate ni Ate Kat ay nakakuha siya ng trabaho sa isang kumpanya sa probinsya. She was always so vocal about her dream of working in a more peaceful environment. Ni hindi niya sinubukang mag-apply sa big companies dito sa syudad.
The fact that she had to leave saddened me. Alam kong may sari-sarili kaming buhay, pero nasanay kasi akong nariyan siya.
"Oo, baka next week," sagot ko kay Eddie.
"Ikaw pala talaga ang mahuhuli sa apartment, 'no?"
I nodded. We would go our separate ways after finishing college. Kung noon ay araw-araw kaming magkakasama, ngayon ay paniguradong bihira na lang kami makumpleto. Hindi ko masyadong pinagninilayan ang isiping iyon dahil hindi ko maiwasang malungkot. I grew up with them. Parang nakakatakot sumabak sa mundong hindi ko na sila kasama.
"May nag-text sa 'yo," saad ni Eddie sabay nguso sa cellphone ko na nakapatong lang sa mesa.
From: boyfie ❤️
What are you doing?
Narinig ko ang pagsinghal ni Eddie nang ngumiti ako nang malapad.
"Jusko, ha! Ilang buwan na kayo n'yan pero kinikilig ka pa rin?" pang-iinis niya na hindi ko na pinansin.
To: boyfie ❤️
lunch lang kasama si eddie :) ikaw?
Balik sa pagiging abala si Kobe kaya hindi kami madalas makapagkita. Mabuti nga at naitatago naming mabuti ang relasyon namin dahil hanggang ngayon ay sila pa rin ni Jennifer ang inaakala ng mga tao na magkasintahan. Kahit tapos na ang music video ay marami pa rin kasing kumo-contact na producers and investors sa kanila.
From: boyfie ❤️
Just resting. I miss you.
To: boyfie ❤️
mish youuuu! pakita ka naman. gusto ko kiss :<
From: boyfie ❤️
I'll give you plenty on Saturday.
Nag-init ang pisngi ko.
To: boyfie ❤️
bas2s!!!!
"In fairness, ha? Hindi ko inaasahang magtatagal kayo n'yan," Eddie commented. "Mukha kasing gago, eh. Akala ko ay gagawin ka lang past time."
I smiled. "Kinabahan din naman ako no'ng una. Parang imposible kasi."
"Tinamaan talaga sa 'yo, 'no? Saang Diyos ka ba nagdadasal?"
"Gaga!" I laughed. "Ito ay purong ganda lang."
Umirap siya sa akin. May isang oras na vacant time pa kami kaya malaya pa kaming nakakapag-kwentuhan. Noong sinabi ng mga tao na ang ikatlong taon sa kolehiyo ang pinakamahirap, hindi nga sila nagsisinungaling. Mas focused na kami ngayon sa major subjects, at unti-unti kong napatutunayan na hindi ako kahusayan sa math. Nakakainis pa ang isang instructor namin na ang hilig magpa-quiz pero wala namang itinuturo.
Mabuti si Eddie at natural na matalino. Kahit hindi siya mag-aral ay kaya niyang pumasa. Kadalasan nga ay siya pa ang may pinakamataas na marka sa amin.
"Hindi ka na bothered kay Jennifer?" bulong niya.
I shook my head. "Hindi tamang pag-isipan ko nang masama ang babae dahil lang katrabaho niya si Kobe."
"Sabagay." Nagkibit-balikat siya. "And if Kobe was constantly reassuring you, mukhang wala namang magiging problema."
Tumango na lang ako. I never got invited again in their home after the dinner. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil wala pa akong masyadong ipon, at alam kong malaki ang magagastos ko kung mauulit ang pagpunta ko roon. I busied myself with my part-time job and luckily, I handled my finances fairly.
When Saturday came, Kobe picked me up at our usual stop—sa tapat ng Sway's. Kuya Enzo wasn't with him because he told his driver to take a break.
"May mini concert ka next week, 'di ba?" I asked while we were on our way to his pad.
"Yup." He gave me a side glance as he drove.
"Wala ka ba talagang trabaho ngayon o pinilit mo lang na mawalan kasi monthsary natin?"
"It doesn't matter."
Lumabi ako. "Pinilit mo lang?"
"My weekends were supposed to be for you, Karsen. We didn't see each other for almost a month."
Huminga ako nang malalim at tinitigan ang kamay niyang nakahawak sa manibela. I had a strong urge of holding it, but he was driving so I stopped myself. Sa ilang buwang relasyon, ni isang beses ay hindi naiparamdam sa akin ni Kobe na wala siyang oras sa akin. Ako pa nga minsan ang tumatangging magkita kami dahil may trabaho ako.
"I have a private gig tonight. I'm planning to bring you with me," he muttered.
Napatingin ako sa kanya. Ipinapark niya ngayon ang sasakyan at parang wala lang sa kanya ang mga binitawang salita.
"Delikado, Kobe..."
He shook his head. "You'll be in the crowd. No one's gonna notice."
"Kahit na. Kailangan nating mag-ingat. Alam mo namang mainit pa ang publiko sa inyo ni Jennifer."
He turned off the engine. "Yeah, and I'm getting sick of it. I really want us to have a normal relationship, Karsen."
"We have a normal relationship, Kobe," giit ko.
Umiling ulit siya. "We don't. Ni hindi kita mailabas. We can't watch movies in cinemas, eat in your favorite restaurants or even shop together."
Hinarap ko siya. "Hindi naman importante 'yon. Alam ko ang pinasok kong relasyon, Kobe. You don't have to change your priorities just because I'm your girlfriend."
Tinitigan niya ako nang matagal. He was serious. Hindi namin napag-uusapan ang bagay na ito lalo at hindi ko rin nararamdaman ang pagkukulang ng relasyon namin. I know he loves me. At ganoon din ako sa kanya. I fell so hard and fast for him during the chemistry building, and I fell deeper as I spent more time with him.
"I'm sorry for not giving you the best relationship you deserve." He exhaled. "I feel like we have no time to get to know each other more."
Inabot ko ang kamay niya at ibinalot iyon sa akin.
"Ano pa ba ang gusto mong malaman tungkol sa 'kin? Sinasabi ko naman lahat sa 'yo." I gave him a smile. "Umakyat na muna tayo sa pad mo. Umuna ka. Susunod ako."
He hesitantly obeyed me. Lumabas siya ng sasakyan at makalipas ang limang minuto ay lumabas na rin ako. I was excited to spend another day with him. Sigurado akong pag-uusapan ulit namin ang pinagdiskusyonan namin sa kotse niya, pero natutuwa ako sa nangyayari. It was as if we were dealing with a dilemma like a normal couple would have.
Hindi nga ako nagkamali dahil nang makapasok ako sa loob ng pad niya ay kunot ang noo niyang naghihintay sa akin habang nakaupo sa couch.
Napangiti ako. Akala ko ba ay kiss ang ibibigay niya ngayon sa akin?
"Galit ka?" I asked.
Umiling siya, halatang nagsusungit pa rin.
"E, bakit ka nakasimangot?"
He clenched his jaw. "Because you don't want to come with me."
Lumapit ako sa pwesto niya at naupo sa single couch. Kapag kasi tinabihan ko siya ay magsumiksik lang ako sa katawan niya gaya ng lagi kong ginagawa. Baka hindi pa kami makapag-usap.
"Gusto ko." I pouted. "Hindi lang p'wede."
"P'wede, Karsen. Hindi kita kakausapin do'n."
I crossed my arms. "O, wala naman pala akong gagawin do'n, eh. Bakit isasama mo pa ako?"
Annoyance passed across his face.
"Baka mamaya ay may makahalata pa sa atin..." pahabol ko pa.
"Hindi nga kita kakausapin do'n," nakasimangot na ulit niya.
"Bakit ba kasi pinapasama mo pa 'ko? Usapan naman natin na hindi tayo p'wedeng magpahuli. Bawal masira ang binubuong image ng management mo. Bawal din akong makilala ng fans mo dahil ayaw mong madamay ako sa gulo ng showbiz. Marami masyadong iri-risk kapag nalaman ng mga tao ang relasyon natin—"
"Karsen, I just want to experience looking at you while performing," putol niya sa akin.
Napatigil ako at tuluyang napatunganga sa kanya.
"I want to sing knowing that you're listening to me." His ears turned red as he looked away. "I want to catch your glance while I'm on stage and probably your smile when I hit a note. I don't know. I just want to create more memories with you so that we have a lot more to remember when we're older."
Warmth enveloped my heart. Is this the 'normal' relationship he wants? Going out with me in public? Kahit hindi kami magkadikit... basta nakikita niya ako?
"P-Pero, Kobe..."
He sighed. "I know."
Tumayo ako at tumabi sa kanya. I appreciated the way he vocalized his thoughts. Akala ko noon ay rito kami magkakaroon ng problema lalo at hindi naman siya masyadong nagsasalita. Umunan ako sa balikat niya at naramdaman ko ang malalim niyang paghinga.
"Thank you," I whispered.
"Why?"
"Kasi iniisip mo 'ko... kasi gusto mo akong makasama."
He exhaled. "That's the bare minimum of being in a relationship, Karsen. Thinking of spending my time with you is natural because I love you."
Umalpas ang ngiti sa labi ko. He said the three words. Ang sarap sa tainga.
"Isa pa nga..." pangungulit ko.
Pinisil niya ang bewang ko. "Stop playing around. I'm serious."
Tumawa ako at lalong sumandal sa kanya. Alam kong iniisip niya na marami siyang pagkukulang sa akin dahil hindi kami dumaan sa proseso. He didn't court me. He just gave me the assurance that I was the only girl he wanted because I was jealous. Mabilis ang naging takbo ng relasyon namin, ngunit kung makikita niya lang ang laman ng puso ko... siguradong hindi niya pagdududahan ang sayang naibibigay niya sa akin.
He gave colors to my life. Kahit noon. Kahit hanggang tanaw lang ako sa kanya. Ngayong abot-kamay ko na siya ay para pa rin akong nasa isang magandang panaginip. And the fact that he knew me before I even got to know him was magical. It was as if fate was trying to convince me that we were made for each other.
"You make me happy, Kobe," I told him. "Ito... 'yong ngayon... habang kasama kita. I'm contented." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "You don't have to try hard. Kung ano ang kaya mong ibigay, masaya na ako ro'n."
Nakatitig lang siya sa akin. His left arm was on the back rest while his other arm was on his lap.
"Kaya kung kaya mong magbigay ng kiss..." I giggled.
I was just joking but to my surprise, he reached for my arm and grabbed it. Ang kamay niyang nakapatong lang sa hita niya ay iniangat niya at inilagay sa likod ng ulo ko.
Our lips met in an instant. Mulat na mulat ako habang siya ay nakapikit at hinahalikan ako. My hands were on his chest, not knowing what to do. I moaned when his hands went on my waist and carried me to his lap. My legs were parted on his sides.
Tumigil siya, bahagyang hinahapo. Namumungay ang mga mata niyang kinuha ang dalawang kamay ko at iniikot iyon sa batok niya.
Walang salita niyang muling inanggulo ang mukha ko para mahalikan ako. This time, I closed my eyes and felt his soft and hot kisses. Kahit may diin ang kapit niya sa panga ko ay napakalumanay ng mga halik niya.
Muli akong napahalinghing nang maramdaman ang dila niya sa bibig ko. He was breathing heavily as he indulged my mouth with his kisses.
"K-Kobe..." Hindi ko mapigilan ang pagtawag sa kanya nang bumaba ang halik niya sa leeg ko.
"Hmm?" he breathed sexily.
"J-Joke lang 'yong kiss."
He chuckled on my neck. "I told you... I'm serious."
Hindi ko alam kung gaano kami katagal naglandian sa couch na hindi na namin namalayan na hindi na kami nakapag-lunch. Alas dos y media pa nang maka-order mula sa isang fastfood chain si Kobe kaya alas tres pa kami nakakain.
"Anong oras ka aalis?" tanong ko.
"Seven."
"Sino'ng kasama mo lang?"
Umiling siya. "It's a private gig. Hindi alam ni Carly."
"Ilan ang nandoon?" tanong ko pa. "Saka saan ba 'yan?"
"Around fifty or a hundred, I guess. Sa Zenith."
Pinaglaruan ko ang natitirang fried chicken sa pinggan at napaisip. Kung uupo ako sa dulo habang tumutugtog siya, walang makakapansing kasama niya ako. Hindi rin naman kami mag-uusap.
"Gusto mo i-cancel ko na lang?" tanong niya habang nasa malalim akong pag-iisip. "We could watch movies instead. What do you think?"
Umiling ako. "People are expecting you."
His lips pursed into a thin line. "I shouldn't have set anything today. It's our monthsary."
"About that..." Lumabi ako. "G-Gusto kong subukan 'yong sinasabi mo kanina."
"Huh?"
My cheeks warmed. "'Y-Yong ano... kakanta ka sa stage tapos manonood ako."
Tumaas ang kilay niya. "You'll come with me?"
"Basta hindi mo ako kakausapin?" paninimbang ko.
"Can I look at you while performing?" Narinig ko ang saya sa tinig niya. "I will not stare. Just a few glances."
Nahawa ako sa excitement niya. Matapos kumain ay naligo na siya para makapaghanda na. Ako naman ay naiwang mag-isa sa couch habang pinanonood sa YouTube ang ilang live performances at concerts niya.
It felt nostalgic. I once belonged in that crowd, chanting and shouting his name, wanting so badly to be noticed. Sa dami ng tao ay hindi manlang nakita ang makinang kong hair clip kahit dumaan ang camera sa general admission seat.
Hindi ko namalayan ang oras. Masayang-masaya si Kobe habang binabagtas namin ang daan patungo sa Zenith. He said that the restobar was his go-to place when he was younger.
"I never had friends," aniya. "Acquaintances lang."
"Kahit noon?"
He nodded. "Maaga akong napasok sa showbiz. I didn't have much time making friends."
"Singers? Actors? Wala? Akala ko ay kaibigan mo ang mga anak nina Liam Garofil, Harvin Foster, Solene Sanders... 'yong may-ari ng The Slice?" Nag-isip pa ako. "Saka pala 'yong anak no'ng sa may-ari ng maraming branch ng KFC!"
He laughed. "They're my acquaintances. Most of them grew up together, so I don't think I have much space to squeeze myself in."
"Buti pala at dumating ako sa buhay mo!" I chuckled. "Simula ngayon, ako na ang bestfriend mo!"
Naiwan ang ngiti sa labi niya hanggang sa makarating kami sa restobar. He gave me a ticket. Ako ang naunang bumaba sa sasakyan at nang makapasok sa loob ay naghanap agad ako ng mesa sa madilim na parte ng lugar.
Tama nga ang sinabi ni Kobe. Halos nasa singkwenta lang ang tao at ang ilan pa ay mga kilalang personalidad. Unlike other bars, the lights here were a bit dim. It was obviously a high-end place and most of the customers were drinking wine.
"Dior!"
Napatingin ako sa entrance nang pumasok si Kobe roon. Naagaw niya ang atensyon ng lahat at marami ang agad na nagtungo sa kanya. Pasimple siyang tumingin sa paligid at nang magtama ang mga mata namin ay umangat ang isang gilid ng labi niya.
My heart was bursting with excitement. Maririnig kong kumanta nang live si Kobe!
"Excuse me, Ma'am. Would you like to order?"
Iniabot sa akin ng unipormadong server ang menu. Pinigilan ko ang mapasinghap nang makitang wala manlang beverage na bababa sa five hundred pesos!
While browsing the menu with a heavy heart, my phone beeped. I told the server to wait a second.
From: boyfie ❤️
Order whatever you want. I'll pay.
Hinanap agad siya ng mga mata ko. Nakaupo siya ngayon sa couch habang seryosong nakikipag-usap sa mga lalaking kasama niya. There was a glass of beer in his hand.
To: boyfie ❤️
oki gwapo mo
Bumaling ako sa server at itinuro ang strawberry milkshake. Ilang minuto lang ang hinintay ko hanggang sa dumating ang order.
Nasabi sa akin ni Kobe na tatlong kanta lang ang i-pe-perform niya kaya maaga rin kaming makakaalis.
Dalawampung minuto pa bago siya umakyat sa may kaliitang stage bitbit ang isang kulay tsokolateng gitara. He sat on a stool. Katulong ang ibang staff ay inayos niya ang cords ng acoustic guitar.
"Good evening, Zenith," he uttered into the microphone huskily.
Nagpalakpakan ang mga tao. Some of the girls were looking at him as if a plan was going inside their heads. Napasimangot ako dahil doon. Alam kong guwapo si Kobe, pero mahirap pala talagang pigilan ang mga taong magkagusto sa kanya.
"Is he with Jennifer?"
Hindi nakalampas sa pandinig ko ang tanong ng isang babae sa kasama niya dahil malapit lang ang inuupuan nila sa puwesto ko.
"I don't think so," the other woman replied. "They were never spotted being intimate together."
"Maybe because they prefer a private relationship?"
"Private relationship? With the best singer our country has? You wish." Tumawa ang babae. "Dior is a fucking hunk, but being with him will require so much shit and drama."
Lumabi ako. Hindi naman, ah! Tumagal naman kami nang hindi ako naaapektuhan sa kasikatan niya.
I shook my head and stopped myself from eavesdropping. Ipinokus ko ang mga mata kay Kobe na ngayon ay nakapikit habang tumitipa sa gitara. His jaw was clenched tightly and his messy hair made him look a lot sexier than he already was.
Nang magmulat siya ay mabilis na dumaan ang mga mata niya sa akin. He said that he wouldn't perform his original songs. Mag-co-cover siya ng mga sikat na kanta.
"I don't want another pretty face. I don't want just anyone to hold. I don't want my love to go to waste. I want you and your beautiful soul."
Itinuon ko ang siko sa mesa at ipinatong ang baba sa nakasarado kong kamay. My heart was beating crazily. That's my boyfriend right there.
"I know that you are something special. To you, I'd be always faithful. I want to be what you always needed. Then I hope you'll see the heart in me." Muling dumaplis ang tingin niya sa akin at kitang-kita ko ang pagngisi niya. "I don't want another pretty face. I don't want just anyone to hold. I don't want my love to go to waste. I want you and your beautiful soul. You're the one I wanna chase. You're the one I wanna hold. I won't let another minute go to waste. I want you and your beautiful soul. Your beautiful soul, yeah..."
So, this is what he wants? Catching glimpses together?
Tumulas ang ngiti sa labi ko. This made me happy. Hindi lang dahil naririnig ko ang pagkanta niya, pero dahil alam kong gusto niyang nakikinig ako sa kanya.
He continued singing. Pasulyap-sulyap siya sa puwesto ko at tuwing magtatama ang mga mata namin ay napapangiti siya. I knew I looked like that, too. Mabuti nga at medyo madilim. Hindi niya mapapansin ang pamumula ng mukha ko.
In the middle of performing, the crowd started murmuring about something. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Kobe kaya kitang-kita ko kung paanong dumaan ang gulat sa mukha niyang habang nakatingin sa entrance ng lugar. Mabilis ding napalitan ng disgusto ang ekspresyon niya.
Sinundan ko iyon ng tingin at nangasim ang sikmura ko nang makita sina Carly, Mr. Hernando, at Jennifer na pumapasok sa loob. Marami ang bumati sa kanila. Sa likuran nila ay nakasunod din si Chloe—ang personal assistant ni Kobe.
Tumalikod ako sa stage at itinutok ang mga mata ko sa milkshake. Kobe was still singing, but I couldn't bring myself to look at him again because of the growing fear in my heart. Ang kaninang saya ay mabilis na napalitan ng pagkabalisa.
Anong ginagawa nila rito? It was a private gig.
Hindi ko na nasundan ang performance ni Kobe. Tumingin ako sa exit ngunit napansin kong madadaanan ko ang mesa nina Carly. Hindi nila ako puwedeng makita rito. Wala silang ideya na nagpatuloy kami ni Kobe matapos ang kontrata.
"Sila nga yata ni Jennifer?"
Yumuko ako. Siguro ay hihintayin ko na lang silang makaalis.
Hindi na ako nakatingin ulit sa stage. Rinig ko lang ang pagkanta ni Kobe, pero nawalan na ako ng focus. I was so scared of being caught. Baka kung ano na naman ang marinig ko sa kanila.
From: boyfie ❤️
There's a dressing room in the backstage. You can wait there. I'll handle this. I'm sorry, baby.
I threw him a glance. Naglalakad siya ngayon patungo sa mesa nina Carly at habang nakatingin sa kanila ang mga tao ay tumayo na ako at nagtungo sa dressing room na sinasabi ni Kobe. Kung hindi lang malapit sa exit ang puwesto nina Carly ay roon na ako didiretso. Mas safe kasi kung uuwi na lang ako.
"Miss, bawal po rito." Hinarangan ako ng bouncer.
Nataranta ako. Kung babalik ako sa puwesto ko kanina ay baka may makakita na sa akin!
"Personal assistant po kami ni Sir Kobe."
Isang boses mula sa likuran ko ang umagaw sa atensyon ko.
Si Chloe.
Hinawakan niya ang siko ko at walang kahirap-hirap na hinigit ako patungo sa dressing room. Hindi pa nga ako nakakabawi sa nangyari ay pinaupo na niya ako sa maliit na sofa na naroon.
"Utos po ni Sir..." aniya nang siguro ay mabasa ang pagtataka sa mukha ko.
I nodded my head slowly. So... hindi siya kapartido nina Carly? Hindi niya ba kami isusumbong?
"T-Thank you po."
Pumikit ako para kalmahin ang sarili. Dinadaga pa rin kasi ang dibdib ko. Matapos ang narinig kong pag-uusap nina Carly at Mr. Hernando tungkol sa akin ay ipinalangin kong hindi na muling magkrus ang mga landas namin. They belittled me. Tumatak sa akin ang mga binitawan nilang salita.
Kahit nakabili na ako ng bagong sapatos, alam kong hindi mabubura noon ang impresyon na iniwan ko sa kanila. Yes, I am poor and too low for someone like Kobe, but the love I have for him isn't shallow. Unlike them, wala akong ibang habol kay Kobe.
"M-Ma'am..." natatarantang tawag sa akin ni Chloe makalipas lang ang ilang minuto.
Nagmulat ako ng mata at agad na namuo ang pawis sa noo nang makita ang pagkabalisa niya.
"M-Magtago po kayo sa wardrobe. Papunta raw po sila."
Dali-dali kong sinunod ang sinabi ng babae. Butil-butil ang pawis ko at nanginginig ang mga tuhod sa labis na kaba.
"Nakakatunog daw po na may kasama si Sir!" saad pa ni Chloe.
Hindi na ako sumagot. Umupo ako sa sulok ng mga damit at pinagkasya ang sarili roon. Hinawakan ko ang bibig dahil natatakot ako na baka ang mismong paghinga ko ay marinig nila.
"I told you, mag-isa ako!" Kobe's voice roared.
My fear doubled. Halata ang galit sa tinig niya.
"Sino ang bumaba sa kotse mo kung gano'n?! Someone saw you!" si Carly. "We were having dinner at a nearby hotel, and instead of resting, may nagsabi sa akin na narito ka raw!"
"So, what? Am I not allowed to have gigs?"
"That's not what I mean!"
"Carly, calm down..." Jennifer soothed her.
Sumilip ako sa maliit na butas para tingnan ang ayos nila. Inis na inis ang mukha ni Kobe. Hindi siya nakatingin sa mga kausap kaya kitang-kita ko ang pagtatagis ng panga niya.
Mr. Hernando exhaled. "Wala namang picture. If an article breaks out, sabihin na lang nating si Jennifer 'yon."
Kobe scoffed. "Why are you so obsessed with this fucking love team?"
"Dior!"
"What?!" he hissed. "Sinabi kong ayoko ng on-screen partner! That's my only condition! Hindi n'yo pa naibigay!"
"There are a lot of music produce—"
"And? You'll use Jennifer to promote my music? Why? Hindi ba ako makakakuha ng offers kapag wala akong ka-partner?"
Kahit ako ay natakot kay Kobe. He was fuming mad.
Carly let out a sigh. "Iba na ang gusto ng fans ngayon, Kobe. You have to understand. Napag-usapan na natin 'to. This is what the management wants."
"I'm not your fucking dog." He chuckled. "And if this doesn't stop, I won't renew my contract with you."
Namilog ang mga mata ko kasabay ng pagsinghap ng mga nakarinig noon. Mabuti at may takip ang bibig ko dahil siguradong mapapasabay ako sa gulat nila.
"You can't be serious!" si Mr. Hernando. "Soul Production helped you grow in this industry!"
Muling tumawa si Kobe. "How long are you gonna use that against me? Hindi pa ba sapat ang ginagawa ko para mabayaran ang utang na loob ko sa inyo?"
Bumalik ako sa sulok. I couldn't stand their fight. Parang lalabas ang puso ko sa kaba. Soul Production was known for its good reputation. Marami silang inihahandle na artists at kung may complaints man ay napaka-minimal lang.
"Is this because of that poor girl?"
My heart stopped. I hope he isn't referring to me.
"What?" si Kobe.
"Mr. Hernando..." Carly warned.
"Poor girl?" Kobe's voice was dripping with rage. "Who are you calling "poor girl"?"
"What's her name again, Carly?" matigas na tanong ni Mr. Hernando. "Karen? Karsen? 'Yong pinagbigyan nating makasama niya. 'Yong siya mismo ang nagbayad ng allowance no'ng babae para paasahin na may pag-asang maging leading lady niya."
"That's not necessary, Mr. Hernando!" sigaw ni Carly.
Kumibot ang labi ko. Hindi pa rin pala nila ako nalilimutan.
"Why? He started being rebellious after meeting that girl. Laging nahuhuling may ka-text sa set, laging tumatakas kay Chloe, at minsan ay hindi na sumusunod sa schedule."
"Karsen is a pretty nice girl, Mr. Hernando. It's obviously Dior's fault," saad ni Jennifer.
"Dear, you are so innocent. Girls like her are in it for money, fame, and good sex—"
Isang malakas na lagabog ang nakapagpaigtad sa akin sa gulat. Muli akong sumilip sa butas at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaupo na ngayon sa sahig ang matandang lalaki habang hawak ang gilid ng kanyang labi.
"Kobe!" sigaw ni Carly.
Kobe's hands were balled into fists. Umiigting ang panga niya sa galit habang nakamamatay ang tingin na iginagawad kay Mr. Hernando. Dinaluhan ni Carly ang lalaki habang si Jennifer ay naiwang nakatulala sa nangyari. Chloe was just bowing her head, hindi tumitingin sa ginagawa nila.
"You're disgusting," puno ng poot na sabi ni Kobe.
"Bakit? Nakakausap mo pa rin?" hindi nagpapigil si Mr. Hernando.
Sarkastikong tumawa si Kobe. "Does it matter? Nakakadiri ka dahil nasisikmura mong magsabi nang mga gan'yang bagay sa iba."
Ngumisi si Mr. Hernando bago tumayo na parang walang nangyari.
"I'll spare you. Kakalimutan kong nangyari 'to dahil may upcoming show ka this week. You'll have a good talk with the management, Dior Kobe."
Kobe narrowed his eyes on him. "No, I'll spare you, because I have more important things to do." Tumingin siya kay Carly na ngayon ay nanahimik na. "Get out of here before I drag you all outside."
Ito ang unang beses na nakita kong ganoon katindi ang galit ni Kobe. My heart jumped when Mr. Hernando threw a glare in my direction... as if he knew I was there. Kahit nang makalabas sila ay hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa pagrigudon.
"Where's my girlfriend?" Kobe asked Chloe.
Hindi ko na hinintay na makasagot ang babae. Lumabas ako ng wardrobe at kahit na nanghihina ang tuhod ay umayos ako ng tayo.
One look at me and his anger subsided. Pumungay ang mga mata niya at malalaki ang hakbang na lumapit sa puwesto ko. He pulled me into a hug and right there and then, I knew he would never abandon me. Gusto kong maiyak sa pangamba ngunit sa nakita kong pagtatanggol ni Kobe sa akin at sa sarili niya, parang wala akong dapat ikatakot.
"Sorry..." bulong ko habang nakasandal sa dibdib niya. "Lalagyan natin ng salonpas ang kamay mo, ha?"
Nakita ko ang paglabas ni Chloe at ang banayad niyang pagsasarado ng pinto. Kobe cupped my face and stared deeply into my eyes.
"You're my only choice, Karsen, and I will punish everyone who hurts you," he whispered.
Umiling ako. "Huwag mo nang gantihan si Mr. Hernando. Hindi naman ako naapektuhan. Baka masira ka pa sa management, eh."
He tucked some loose strands of my hair behind my ear. "Ayos lang na masira ako sa management, basta hindi sa 'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro