Chapter 2
Buong linggo akong nakangiti. Ipinagyabang ko kaagad sa mga kaibigan at ka-club ko ang naging interaction namin ni Kobe, at tulad ng inaasahan ko, inggit na inggit sa akin ang members.
Kahit pa nang malaman kong ang meaning pala ng jeopardize ay putting something at risk, hindi ko na hinayaang kainin ako ng kahihiyan. Ayos na 'yon! Ang mahalaga, tapos na!
"Ang saya mo, ah? Wala pa namang e-mail," basag ni Mill sa daydream ko.
Umirap ako. "Pake mo? Ikaw nga masaya sa 12/60 mong exam sa major, eh."
Mari and Ate Kat chuckled. Nasa canteen kami ngayon at nag-lu-lunch. Mabuti at sabay-sabay ang break time namin dahil kalimitan sa mga teachers ngayon ay nag-co-compute ng midterm grade.
"Akala ko ba ay bukas na ang camera testing? Bakit wala pang e-mail?" maya-maya'y tanong ni Ate Kat.
Agad na sumingit si Mill. "'Di ba? Ipinanghiram pa naman 'yan ni Mari ng dress kasi sabi niya, sure na!"
I pouted. "Baka mag-email mamayang gabi..."
"Feeling ko e-signature lang ang autograph na ibibigay," mahinang tawa ni Mari. "Asumera ka."
Sumandal ako at ipinagkrus and braso sa dibdib. "Ang lungkot naman kapag gano'n. Sa boobs ko pa naman balak magpapirma."
Malakas na tumawa si Mill. "P'wede. Kasingtuwid din naman ng papel 'yan."
Inirapan ko lang siya. Tinapos namin ang pagkain na ang camera testing pa rin ang pinag-uusapan. Kanya-kanya kami ng balik sa room. Nagpa-load pa ako bago umalis sa apartment namin kanina dahil inaabangan ko ang e-mail.
Medyo nakakawala ng pag-asa, pero ayos lang! Masaya naman na ako sa kaunting usapan namin ni Kobe.
Go lang. Self-comfort lang. Kaya ko 'to.
I was barely thirteen when I heard his songs. He was seventeen at that time, but it was obvious that he already had a bright future ahead of him.
Unang dinig ko sa boses niya ay napatigil na agad ako sa ginagawa. It was just a random play on YouTube. Naggigitara lang siya at kumakanta ng isang sikat na kanta. That was the turning point in his career. Biglaan ang naging pagsikat niya, and after a year, he signed a contract under Soul Production.
But aside from his deep baritone voice and good looks, people adored him because his music conveyed depth and despair. He was like a storyteller who drove his listeners on a tragic journey of life, dreams, disappointments, and relationships.
"Wala pa rin?" bulong sa akin ni Eddie, isa sa mga ka-close kong kaklase, habang nag-di-discuss ang instructor namin.
Umiling ako.
"Punta pa rin tayo bukas after class, kahit sa labas lang. Para sa autograph mo," suhestyon niya.
Nakatitig lang kami sa white board kahit na wala naman kaming naiintindihan sa lecture. My mind was flying elsewhere.
"Napakaliit ng tsansa na makita ako ni Kobe." Bumigat ang loob ko. "First and last na pala 'yon, sana nakipag-momol na 'ko."
Mahina siyang tumawa. "Tapos bad breath si Kobe, 'no?"
"Kahit amoy kanal pa 'yan," tugon ko. "Kung makikita mo lang siya no'ng nginisian niya ako..." I sighed. "My god, para akong nabuntis."
Hinampas lang niya ang balikat ko habang mahinang tumatawa.
Eddie is a proud and outspoken member of the LGBTQIA+ community who goes by the pronouns he/him.
Isa siya sa mga pinagkukwentuhan ko ng pagkahumaling ko kay Kobe kaya alam kong umay na umay na siya sa mga chika ko. Wala naman kasi akong ibang bukambibig kung hindi ang lalaki. But then, sometimes, Eddie still finds it weird how extreme my fangirling abilities are.
Noong bata-bata pa kasi ako, kasama ang ibang members ng club, ay higit tatlong beses kaming nag-attempt na pumunta sa VIP kahit General Admission lang ang ticket namin.
At syempre, pinagalitan ako ni Ate Kat, pinagtawanan ni Mill, at pinandirihan ni Mari dahil doon.
Tuluyan akong sumuko sa paghihintay ng e-mail nang i-dismiss kami ni Ma'am. Umuwi agad ako sa apartment at tinanggap ang katotohanang kailangan ko nang magising at matauhan. Wala pa akong ibang kasama sa apartment kaya natahimik na lang ako sa kwarto.
I was busy sulking over my deceased dream, when a text message popped up on the screen of my phone.
From: Unknown Number
Go to the company tomorrow after your class. The camera testing will start at 4. Dress appropriately and don't be late.
-K
Napanguso ako. Masama ang loob ko ngayon kaya huwag niya akong ipina-prank! Pasalamat siya at may load ako. Handa akong makipag-bardagulan sa kanya!
To: Unknown Number
Ah, talaga ba, Millicent? Eh kung gupitin ko kaya rito ang mga doraemon mong panty?
-K as in Kinginamo
Iisa kami ng kwarto! Kayang-kaya kong gawin 'yon!
From: Unknown Number
Is this Dawn Karsen Navarro?
Napairap ako. Feeling conyo ampota.
To: Unknown Number
Dawn Karsen Navarro-Gallardo*
Ibinaba ko muna ang cellphone nang maalalang wala pa kaming kanin at ulam. Dahil nag-lo-low carb diet si Mari, dalawang gatang lang ang isinaing ko at nagluto na din ako ng itlog at maling.
Nang makabalik sa kwarto ay umilaw agad ang cellphone ko.
"Hindi pa rin tapos?" reklamo ko bago damputin iyon.
May dalawang message agad. The first was sent as soon as I left the room to prepare our meal, and the second was sent just now.
From: Unknown Number
Okay, I'll include that in the autograph.
From: Unknown Number
Looks like you're busy. Just wanted to make sure you received the e-mail. You're the only applicant who didn't reply.
Napairap ako. Ang effort ni hayop!
To: Unknown Number
Ganap na ganap ka yata, asim? Nag-abala ka pang magpalit ng sim card. At kahit hindi mo sabihin, pupunta talaga ako! English english pa. Google translate naman.
Pagka-send ko noon ay binlock ko ang number. Ang dami niyang time mam-prank kaya bumabagsak!
Inabala ko muna ang sarili habang wala pang kasama. Mahilig akong mag-advance reading kaya ayun ang ginawa ko. Mas binigyang atensyon ko pa ang minor subjects dahil nahihirapan ako sa Rizal. Ewan ko ba, ang challenging talagang magsaulo ng dates at names!
Dalawang oras pa bago nakarating sina Ate Kat, Mari, at Mill. Halata sa itsura ng huli ang pagod, pero dahil sa pambubwisit niya sa akin ay sinamaan ko pa rin siya ng tingin.
Susugurin ko na sana siya nang hawakan ni Ate Kat ang braso ko. "Masama ang timpla dahil ipinahiya ng prof. 'Wag mo munang asarin."
Ngumisi si Mari. "Hindi, gagi. Go lang, Karsen."
Napasimangot ako nang dire-diretso si Mill sa kwarto. Walang payback time? Gano'n gano'n na lang 'yon?
"Magbibihis lang kami. Maghain ka na," utos ni Ate Kat bago pumasok sa kwarto nila ni Mari.
Tumango lang ako. Nagpunta ako sa kusina at inayos ang mga pinggan. Sana naman ay hindi na ako ang maghugas! Kailangan kong mag-beauty sleep.
Napakamot ako sa ulo. Si Ate Kat ang nag-iisang tao sa bahay na 'to ang hinding-hindi ko susuwayin.
She served as a mother to all of us. Unang taon nang umalis kami sa Bahay Tuluyan ay siya lang nagdilhensiya ng pangkain namin. Saksi ako kung paanong pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Siya rin ang nag-apply sa amin sa mga scholarship dahil hindi niya raw kakayaning bigyan kami ng allowance.
Ang apartment naman na tinutuluyan namin ngayon ay pagmamay-ari ng tatay ni Mari na nakilala niya lang din matapos naming umalis sa shelter.
There was nothing beautiful about our life there. Kapalit kasi ng pagpapaaral at pagpapakain sa amin ng may-ari ng orphanage ay ang gabi-gabi naming pagtatahi ng mga sako ng palay at pagtitinda ng sampaguita bago pumasok. Tuwing may donation ay hindi rin sa amin iyon napupunta. But then, I was thankful because they never abandoned us.
Bad mood si Mill hanggang matapos kami sa pagkain kaya hindi ko na siya kinulit. Sa huling pagkakataon bago ako matuloy ay sinilip ko ang cellphone, at wala, bigo pa rin si ganda. Bigo pa rin ako.
"Ang hirap mo namang lagyan ng eyeliner! Wala kang talukap!" reklamo ni Eddie habang nag-aayos kami sa banyo ng department namin.
Seryoso siya sa pagsama sa akin sa company kahit hindi sigurado kung makakapasok kami.
I chuckled, eyes closed. "Ang tawag d'yan, monolid."
"Mabuti na lang at makinis ka. Hindi mo ka-shade ang dala kong concealer, eh," daldal pa niya. "Alam mo, kung hindi puro pastel at mga ribbon ribbon ang pormahan mo, marami kang mabibingwit na utaw!"
"Si Kobe lang ang lalaking gusto ko."
Hinawakan niya ang pink clip ko kaya tinapik ko ang kamay niya. "Huwag mong tatanggalin 'yan!"
School uniform pa rin ang suot namin nang makarating sa lugar. Puting polo at itim na pencil-cut skirt ang sa akin at itim na slacks naman ang kay Eddie. Hindi pa man nakakapasok sa loob ay nanlalamig na ang palad ko sa kaba. Baka kasi hindi kami papasukin. Mas mababa ang tsansa na makita ko si Kobe.
"Ano'ng sasabihin natin sa guard?" bulong niya habang naglalakad kami.
I faked a smile. "Sumunod ka na lang. May script na ako."
Confident akong humarap kay manong guard. Kaya mo 'yan, Karsen! Nakapagtimpi ka kay Mill kagabi! Mas lalong wala kang hindi kayang gawin para kay Kobe!
"Good afternoon, Ma'am," bati ng guard sa akin. "May appointment po?"
I stood my grounds. "Camera testing."
Ngumiti ang lalaki bago binuksan ang malaking notebook kung saan nakalista ang mga pangalan. Doon palang ay pinagpawisan na ako. Puwede ko kayang sabihing si Jennifer Austria ako?!
"Pangalan po, Ma'am?"
"Ah, Kuya, may kasama akong make-up artist, okay lang?" paglilihis ko sa topic. "Sa loob na kami magpapalit ng damit."
"Ayos lang po!" he uttered enthusiastically.
I smiled. "Salamat po." Lumingon ako kay Eddie na nasa likuran ko lang. "Halika na!"
Handa na akong higitin ang braso ni Eddie nang magtanong ulit si manong guard.
"Ma'am, sino po kayo?"
Napanis ang ngiti ko. Sabihin ko kayang ako ang tunay niyang ina?
Tumikhim si Eddie, napansin siguro ang halatang pagtigil ko. "Dawn Karsen Navarro."
My eyes widened a fraction. Malakas kong siniko ang kaibigan, dahilan para mapaigik siya.
"I-check ko lang po, ha?"
Wala na! Uwian na agad! Sayang ang eyeliner! Sayang ang pamasahe! Sana ay nag-extend na lang ako ng Combo 10 sa TM!
"Ayun. Sige, Ma'am, pasok na po kayo."
Napatigil ako sa mind rants ko. "Huh?"
"Nasa list po." Ngumiti pa siya na parang most cheerful siya no'ng grade six. "Same room po no'ng interview."
Hindi pa ako nakakapagtanong ulit ay hinigit na ako ni Eddie papasok.
"Hindi ko gets," halos bulong na iyon. "Wala namang e-mail sa akin."
Binitawan niya ako at inirapan. "System error 'yon. Hayaan mo na! Tara na sa pinag-interviewhan mo. Hintayin nating lumabas si Kobe."
Tumango lang ako kahit hindi ko naiintindihan kung paano nangyari 'yon. Dahil alas sinco na, wala nang tao sa lobby. May nakapagkit na 'on going' sa pinto kaya marahil ay nasa last batch na sila. Siguro ay nasa labinglima hanggang tatlumpo lang ang nakapasa.
"Nand'yan pa ba 'yon?" tanong ko. "Kapag VIP, usually maagang umalis, eh."
"Tanga ka. Camera testing nga para hanapan ng babagay, eh. Paano kung bigla siyang aalis? Imagination na lang?"
I pouted. May point.
"Sayang. Ang winner ko siguro kung nakapasa ako. Magse-send agad ako ng relationship request sa Facebook kay Kobe no'n."
"Maglinis ka muna ng timeline mo. Ang dami mong memes na puro katalandi-"
"Ms. Navarro?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Carly na mukhang nagulat sa akin.
Shet, this is bad.
"H-Hello po!" nanginig ang boses ko. "A-Ano lang po... napadaan lang! Tambay sana gano'n!" Tumawa ako para pagtakpan ang kahihiyan.
She looked puzzled. "We thought you wouldn't come."
Agad na namatay ang nararamdaman kong awkwardness dahil napalitan iyon ng pagtataka. "Ano po 'yon?"
"Akala raw hindi ka pupunta," pag-ta-translate ni Eddie.
Tiningnan ko siya. "Eh, 'di ba, wala naman akong natanggap na e-mail?"
"Aba malay ko sa'yo. Hindi ko naman alam ang password mo."
Carly cleared her throat. "We sent you an e-mail last week, but you didn't reply."
Kulang ang mga salitang gulat, sindak, at gimbal para mailarawan ang itsura ko ngayon. Sigurado akong ito na ang pinakamalaking dilat ng mata ko sa tanang-buhay ko. Kasabay pa noon ay ang pagsikip ng dibdib ko sa labis na saya.
"N-Nakapasa po ako?" mahinang tanong ko. "Hindi ko po alam. Wala po akong na-receive."
She sighed. "Ibang employee ang nag-send ng e-mail. Baka nasa spam. You should check it."
My god! Wala na akong pakealam muna sa e-mail! Ano na ngayon ang gagawin ko?!
"Tuloy pa po ba?"
She shrugged her shoulders. "Do you want to?"
Parang aso akong tumango. Sandali niya akong pinaghintay at hindi ko manlang nakausap si Eddie sa labis na taranta. Wala akong ibang damit! Eyeliner, pressed powder, at lip tint lang ang make-up ko! Kung noon ay mukha lang akong highschool student, siguradong ngayon, mukha na akong elementary!
"Tanggalin mo na 'yang clip mo," kinakabahan ding sabi ni Eddie.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Lucky charm ko 'to. Hindi p'wede!"
Limang minuto ang lumipas bago lumabas sa silid si Carly.
"Come in," aniya sa amin.
My heart pounded more. Nakakapit ako kay Eddie habang naglalakad kami dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang suportahan ang sarili. Nasa loob si Kobe! Makikita, maamoy, at puwedeng makausap ko ulit siya!
"Tangina," mahinang bulaslas ni Eddie nang tuluyan kaming makapasok. "Ang guwapo, gago, napatunayan kong bakla ako."
Hindi ko na siya napansin dahil ang mga mata ko ay napako kay Kobe na sa nasa gitna ng backdrop. He was wearing his usual and signature look—black leather jacket, t-shirt, pants, and shoes. Kung wala lang silver na zipper ang leather jacket niya, magmumukha siyang grim reaper.
Shuta. Kung gan'yan ang itsura ng grim reaper, magpapabangga na agad ako.
Katabi niya ang isang matangkad at morenang babae. Pinag-po-pose sila ng photographer at pansin na pansin ko ang pagiging domineering ng aura nila. Bagay, pero mukha silang magkatrabaho, hindi magkasintahan.
Pinaupo muna ako ni Carly sa gilid kasama si Eddie. She also asked me if I had something more appropriate to wear, but coming unprepared, I shook my head.
"Kapag sinuwerte ka ulit, isama mo ako, ha? Padamay sa pagsilay," ani Eddie.
"Sa ayos kong 'to? Sulitin mo na at malabo nang maulit."
Titig na titig ako kay Kobe kaya nang dumaplis ang tingin niya sa pwesto namin ay napaayos ako ng upo. Napansin ko ang pag-irap niya na para bang irita siya sa presensya ko.
"Okay, good job! Break tayo!" sigaw ng isang lalaki.
Kobe removed his jacket before getting himself a bottle of water. Inggit na inggit ako sa bunganga ng tubigan habang pinapanood kung paano sila mag lips-to-lips ng lalaki.
Kailangan ko talaga ng holy water. Masyado ko na siyang pinagnanasaan.
Pinanood ko ang paglalakad niya papunta kay Carly. Kaunti lang ang distansya ng babae sa amin kaya iniipod ko ang upuan para marinig sila.
"Why did you let her in? She's late," aniya, wala nang pakealam kung marinig man namin iyon o hindi.
Mabilisan kaming nagkatinginan ni Eddie.
"Ikaw ang nagsabing ipasa siya, Kobe," si Carly.
He tilted his head and massaged his neck. "So? We have our rules here, Ly. Isa pa, I have a scheduled meeting after this."
"Oo nga!" giit ng babae. "Ano'ng gusto mong mangyari? Pauwiin ko?"
Napatayo na ako nang marinig iyon. Sabay pa silang napatingin sa akin. Yumuko ako at halos mapapikit sa hiya dahil nagtatalo ang dalawa dahil sa katangahan ko.
"Hindi ko po kasi alam na nag-e-mail
kayo sa akin. Pasensya na po."
Kobe scoffed. "You didn't even follow the dress code. So irresponsible..." pabulong na niyang sinabi ang huli ngunit dinig na dinig ko pa rin iyon.
"Kobe," suway ni Carly.
Nag-init ang mukha ko. "Sorry po. P'wede naman pong huwag na, Ms. Carly. Hindi ko rin naman po inaasahang kasali pa ak-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang lumapit sa akin si Kobe at marahang tinanggal ang pink na clip ko. He slid it inside his pocket and before I could even react, he grabbed my arm and dragged me in front of the cameras.
Kinuha niya ang itim na jacket at iniabot sa akin.
"Isuot mo."
Tumango lang ako, gulat na gulat sa nangyayari. My hands were shaking terribly. Hindi ko tuloy maisuot nang maayos ang jacket. Goodness, hindi ba puwedeng pause muna? Hindi maka-keep up ang puso ko.
Kobe groaned frustratedly. Binawi niya sa akin ang jacket at siya na mismo ang nagpatong noon sa balikat ko.
"Focus. I don't have time for this," inis na sambit niya.
Alam kong gigil na gigil na siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit nagawa pang magsaya ng sistema ko.
Mukhang nabigla rin ang mga staff at ibang models sa ginawa ng lalaki. Mabuti at mabilis na nakabawi ang photographer dahil agad siyang pumwesto para kuhanan kami ng litrato.
"Ilagay mo 'yong kanang braso mo sa balikat ni Kobe," utos niya sa akin.
Nanginginig ako. Kaunti na lang ay tatakbuhin ko na ang labas para makahinga. This is just too much for me!
Inis na kinuha ni Kobe ang braso ko at ipinatong sa balikat niya. The sudden touch of our skin sent thousands of volts in my veins.
Maraming bulungan sa paligid, hindi ko alam kung dahil ba sa treatment sa akin ni Kobe o dahil mukha akong bata sa tabi niya. Matangkad siya kaya kahit mataas din ako, pakiramdam ko ay ang awkward ng pose namin.
The photographer squinted. "You look stiff," aniya sa akin.
Nanlamig ako lalo. Inalis ko agad ang braso ko sa balikat ng lalaking bago nahihiyang tumingin sa kanya. His forehead knotted while looking down on me.
"Okay, that's nice!"
I stiffened when Kobe's body frame slightly faced me. He held my waist before peering straight at the camera.
"'Wag ka sa akin tumingin," bulong niya.
Bahagyang magkaharap ang katawan namin. Pinisil niya ang bewang ko nang hindi ako kumilos.
"Ms. Navarro, eyes here." Tumikhim ang photographer.
Lalong umingay ang mga tao sa paligid. Obvious na obvious siguro ang pagiging lutang ko! Eh, sino ba namang normal na tao ang hindi matutulala kapag hinawakan ni Kobe ang bewang?! Ang bango pa niya! Sarap ka-cuddle!
Dahil ayoko nang pahabain pa ang inis ni Kobe, sinunod ko lahat ng sinabi ng photographer. Hindi magandang tingnan kung mawawala ang professionalism ko. Kaya nga models ang hinanap nila.
Hindi ko alam kung paano ako naka-survive nang hindi nahihimatay. Matapos ang ilang shots ay iniabot ko kay Kobe ang jacket. Magkasalubong ang kilay niya nang harapin ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Gigil much ang bebe ko na 'yan?!
"Sorry po ulit." My god, ako ba talaga 'yon?
Ibinigay niya sa akin ang clip.
"Next time, don't make people wait."
Wala sa hulog na tumango ako. "H-Hindi ko po alam."
Ibinalik ko ang mga mata ko sa kanya at gaya ng unang beses, pakiramdam ko ay natunaw ako sa tingin niya.
The realization hit me like a ton of bricks. He... waited?
"I'm really busy today. I can't do the autograph..." malalim ang boses na sabi pa niya. "Ms. Dawn Karsen Navarro."
Nawala ang mga iniisip ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. "Kilala mo 'ko!"
He chuckled sarcastically. "Gallardo."
"Huh?"
"Hindi rin ako maasim."
Kumunot ang noo ko, nagtataka pa rin sa pattern ng mga sinasabi niya. "Oo, ang bango mo nga, eh."
Tumaas ang isang kilay niya at bahagyang umangat ang gilid ng labi.
"I don't wear doraemon panties."
Nanumbalik sa akin ang palitan namin ng conversation ni... Mill!
Si Mill 'yon, 'di ba?! Siya ang nag-effort na magpalit ng sim at mag-google translate!
Kobe rolled his eyes lazily before turning his back on me.
Napasinghap ako sa napagtanto at sa mga oras na 'yon, gusto ko na lang magpakain sa lupa... at sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro