Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19


Hindi na ako nakatulog ng sumunod na araw nang mapagtantong pumayag akong kumain ng dinner kasama ang mga Gallardo. I was panicking and worrying so much about everything. Bigla ay gusto kong gumawa na lang ng mga dahilan para hindi na makasama.

Ngayon ay inaayusan ako ni Mari. Ang hanggang bewang kong buhok ay banayad niyang pinaplantsa at sinusuklay. Katatapos niya lang gawin ang light make-up ko at siya na rin mismo ang pumili ng isusuot ko. It was just a white flowy dress with a floral accent, and it fell right behind my knees. Sa kama kung saan ako patagilid na nakaupo ay nakahiga si Mill na kanina pa nakabusangot.

“Mag-sharon ka, ha?” sabi pa niya.

I scoffed. “Hindi pyesta ang pupuntahan ko.”

“Iba-bash ko talaga ‘yang si Kobe kapag hindi ka ipinagbalot ng spaghetti at shanghai.”

Mari clicked her tongue in annoyance. “Just say that you’re soothing her, Millicent. Ang dami mo pang sinasabi.”

Lumabi ako. “‘Wag na lang kaya akong pumunta? Marami namang p’wedeng irason.”

“At sinasabi mo talaga ‘yan habang inaayusan kita?” inis na saad ni Mari. “Dalawang oras na kitang pinapaganda! Sabihin mo lang kung hindi ka tutuloy at pakukulutin ko ‘to.”

“Kasi naman...” Lalo akong napanguso. “Napaka-successful ng family nila. Walang tapon sa kanilang lahat. Baka may mali akong masabi kapag tinanong ako.”

Tumawa si Mill. “Kailan ka ba may sinabing tama?” I glared at her. “Kapag pa naman nahihiya ka, lahat ng katangahan, nagagawa mo.”

“Pero sa katangahan niya rin nakuha si Kobe,” singit ni Mari.

I pouted. Nakakabwisit talagang kasama ang dalawang ito. Umalis ngayon si Ate Kat para magtrabaho kaya ang dalawa lang ang kasama ko sa apartment. Kobe was also texting me non-stop about the dinner. Medyo lumuwag na rin kasi ang schedule niya ngayon dahil sa katatapos lang na release ng album niya. He personally handed me three copies with his personal message and autograph, and as his fan, I was more than delighted.

Sa relasyon namin, kahit kailan ay hindi nawala sa akin ang tuwa sa tuwing makikita siyang masaya sa tinatahak niyang karera. Regardless of his fame, he never made me feel discarded. Para kaming nasa normal na relasyon lang. Walang camera. Walang mapanghusgang mga mata. Hindi man kasing dalas ng normal na magkasintahan ang pagkikita namin, sapat na sa akin ang araw-araw niyang pagtawag at pangungumusta sa akin.

“Kapag may nang-away sa ‘yo ro’n, tawagan mo ‘ko, ha? Handa akong makipagbasag-ulo kahit mayaman pa sila,” paalala ni Mill habang kinukuha ko ang maliit kong bag.

Ngumiti ako. I was nervous, but at the same time, happy... because it was really happening. Nakakapasok na talaga ako sa mundo ni Kobe. The entrance was way too much for me to get into and I knew I had a lot more to endure, but with the feelings I had for him, I knew I could make it... I knew I could last a long time.

“Magugustuhan kaya nila ako?” I asked myself.

Hindi matapobre ang mga Gallardo. Bali-balitang kalahati ng yaman nila ay napupunta sa charity work at wala ring bahid ng dumi ang mga negosyo nila. Many families and corporations looked up to them because of their almost perfect lives.

At ngayon, habang nakatayo ako sa tapat ng salamin, hindi ko maiwasang matanong sa sarili kung karapat-dapat ba akong makihalubilo sa kanila. Kahit kasi bago ang mga suot ko, hindi pa rin maipagkakaila kung saan ako nanggaling.

“You look nervous,” Kobe commented while we were on our way.

Napasulyap ako kay Kuya Enzo na tahimik lang na nag-d-drive. Sumilip siya sa rearview mirror at nginitian ako.

I took a deep breath and focused my gaze on Kobe. Mapungay ang mga mata niya at ang mamumula-mulang labi ay bahagyang nakaawang. The first two buttons of his white polo were undone. Ang itim na coat naman ay hakab sa maskulado niyang katawan. And just like before, I still couldn’t understand how someone as mighty as him could fall in love with me.

“Kobe,” tawag ko na parang hindi kami nakatingin sa isa’t isa. His brow shot up, and the corner of his lips rose.

“Yes, pretty?”

Nag-init ang mukha ko ngunit pinilit kong ikunot ang noo. Alam kong napansin niya iyon kaya lalo siyang napangisi.

“May ano kasi...” I cleared my throat and concentrated on what I had to say.

“Hmm?”

“Daan muna tayo sa fruit stand malapit sa Sway’s.” Kinuha ko ang cellphone sa bag at tiningnan ang oras. “Medyo maaga pa naman.”

Ibinaling ko ulit ang tingin sa kanya at kahit may pagtataka sa guwapo niyang mukha ay sinabihan niya si Kuya Enzo na tumigil sa fruit stand na sinasabi ko.

I did my research last night and found out that his family was a fruit lover. Alam kong marami na silang prutas sa bahay nila, pero nakakahiya naman kasing magpunta roon nang walang kahit na anong dala. Gusto ko sana silang ipagluto ngunit natatakot naman ako sa magiging reaksyon nila. Baka mamaya ay magaya pa sila kay Kobe na nanakit ang tiyan.

Ako lang ang bumaba sa sasakyan kahit pa nagpupumilit si Kobe na isama ko si Kuya Enzo. Hindi naman na kailangan iyon dahil isang basket lang ang bibilhin ko. Dampot lang ako nang dampot ng mga mansanas, ponkan, peras, saging, at ubas. Nang mailagay ang mga iyon sa may kalakihang basket ay natuwa ako dahil maganda silang tingnan. Ipinaayos ko pa nang kaunti ang basket para magmukhang sa supermarket ko binili.

“One thousand four hundred ninety, neng.”

“Po?!” Namilog ang mga mata ko. “One thousand?”

Kumunot ang noo ng tindera sa akin. “Nako, mahal na ang mga prutas ngayon. Itong saging na lakatan ay nuebe per piraso. Itong ubas, two hundred sixty ang kilo. Mura pa nga rito at kapag nakita mo sa mga mall, nagdodoble ang presyo.”

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Dalawang libo lang ang dala kong pera at allowance ko pa iyon sa mga susunod na linggo. Hindi ko naisip na nagmahal na ang presyo ng mga prutas. Hindi naman kasi kami masyadong bumibili noon maliban na lang kung bagong taon.

Napabuntong-hininga ako. Kapag naman binawasan ko, hindi mapupuno ang basket at hindi magiging maganda tingnan.

“Ano, kukunin mo ba?”

I bit my lower lip. Bahala na nga. Kikitain ko naman ulit iyon. Mas mahalaga ngayon ang impresyon sa akin ng pamilya ni Kobe.

Tumango ako at mabigat ang loob na ibinigay ang bayad sa kanya. Halos isang buwan ko nang allowance ang presyo ng prutas, kaya siguradong magtitipid ako sa susunod na mga linggo. Bakit ko ba naman kasi inisip na nasa five hundred lang iyon?

“You like fruits?” tanong ni Kobe nang kalungin ko ang basket.

Umiling ako. “Sakto lang... para sa pamilya mo ‘to. Mahilig sila sa mga prutas, ‘di ba?”

His forehead was knotted. “Hindi ka na dapat nag-abala—”

Sinamaan ko siya ng tingin. “At ano? Pupunta ako roon na sarili ko lang ang dala ko?”

“That’s more than enough,” he insisted. “Sila naman ang nag-imbita sa ‘yo.”

“Marami ka pang dapat matutunan sa mga gan’yan, Kobe,” naiiling na saad ko. “Kapag pupunta ka sa bahay ng isang tao, dapat lagi kang may dala para sa kanila. Kahit pa alam mong hindi naman nila magagamit ‘yon o ano, parte na rin ‘yon ng pasasalamat mo kasi pinapasok ka nila sa tahanan nila.”

“But, I wasn’t able to bring food to your apartment the last time I ate there.”

“Biglaan ‘yon, eh. Ito naman, planado talaga.”

Napatango siya. “I understand. I was really embarrassed when I didn’t bring anything for your friends.”

Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya. Agad niyang iniikot ang braso sa balikat ko. “Ipapakilala kita ulit sa kanila kapag may oras ka na.”

“I’d love that,” he whispered.

Pinakiramdaman ko ang sarili habang magkalapit kami. Nasasanay na ako sa kanya. Nasasanay na akong maglambing. It felt right. Just like the first time I saw our apartment... I felt at ease. Just like the first time I heard his voice... it was magical.

His chest heaved. “But, how much did you spend on that basket?”

Napasimangot ako. Basag trip, ah?

“Hindi mo afford kaya ‘wag mo nang itanong.”

He chuckled before doing his favorite gesture —kissing the top of my head.

I was amazed when we reached their home, which was more of a mansion. May malaking fountain sa gitna ng malawak na garden at ang mga puno ay napalilibutan ng maliliit na dilaw na ilaw na nagmistulang mga alitaptap. The grass was trimmed neatly, na para bang araw-araw ay may umaayos noon. Even the bushes around us were perfectly shaped.

“Let’s go.”

Bigla akong tinamaan ng hiya nang hawakan ni Kobe ang bewang ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at alam kong naramdaman niya iyon. This was the first time I saw something as grand as this. I felt intimidated. Ni hindi umabot sa kalahati ng lawak ng garden nila ang laki ng apartment namin.

“Karsen...”

Napanguso ako at agad na iwinaksi ang iniisip. Nakita ko si Kuya Enzo na papalapit na sa malaking pintuan ng masyon habang bitbit ang basket ng mga prutas.

“Ano, Kobe...” I swallowed. “M-Mabait ba sila? Hindi ba nila ako pagagalitan kasi nineteen lang ako, tapos twenty three ka na? Malapit naman na akong nag-twenty! T-Tapos ano... baka hindi nila magustuhan ang suot ko. Dapat ba pink na lang? Mas bagay sa akin ‘yon, eh! S-Sabi kasi ni Ate Kat, puti raw ang maganda para mukha akong dalaga. Ang laki ng bahay n’yo. Paano kapag kayo naman ang pupunta sa amin—”

Napatigil ako sa paglilitanya nang mapansing nakatuon lang ang buong atensyon niya sa akin. He looked amused. His arm was still snaking around my waist.

He pursed his lips. “Ano pa? Let me hear all your concerns.”

“Uhm... ano...” Napakurap ako. “Paano kapag ayaw nila sa akin?”

“No sane person wouldn’t like you, Karsen.” Binawi niya ang braso sa bewang ko. He held my hand and intertwined our fingers. “And you look perfect in everything you wear. You don’t have to please anyone in my circle.”

I knew I didn’t have to, but it was my number one concern—other people’s opinions of me, especially those who surrounded him.

Wala na akong nagawa nang higitin niya ako papasok sa loob. At kung halos matulala na ako sa landscape sa labas, ngayon namang nasa loob kami ay para akong pumasok sa panibagong mundo. The entire house had a modern and ancient touch. Gaya ng nasa rest house ng tatay ni Kobe, may malaki ring family portrait sa gitna ng living room.

“Hello there, shawty.”

Nakuha ni Elliot ang atensyon ko. He was walking down the stairs with gold railings. Nakaitim na polo shirt at maong pants. Halata ring kapapaligo lang niya.

“Sa’n sila?” inis na tanong ni Kobe nang tuluyang makababa ang kapatid.

“Good evening po...” nahihiyang bati ko.

“Po?” Elliot chuckled, completely ignoring his brother. “Cute.”

Kobe scoffed. “I know... and she’s my girlfriend.”

Muling natawa si Elliot habang nakatingin pa rin sa akin. “He’s grumpy. You sure about him?”

Napangiti ako sa pang-iinis ng lalaki kay Kobe. Hindi ko inaasahang ganito ang relasyon nila kahit na halata namang may pagka-playful si Elliot.

“Karsen,” Kobe called me.

“Hmm?”

He clicked his tongue in annoyance. “He’s asking you.”

“Huh?” Napatanga ako.

Elliot laughed. Lalo naman akong nagtaka.

“He’s asking if you’re sure about me.”

Labis na nag-init ang mukha ko nang magtawanan ang dalawa. Ang kaninang inis sa mukha ni Kobe ay napalitan ng pagkaaliw.

“You’ve got yourself quite a girl, Kuya.” Elliot gave his brother a hug. Tinapik naman ni Kobe ang likod ng kapatid. “Mama misses you. Nagtatampo dahil tatlong araw ka na raw hindi tumatawag.”

“Nasaan ba sila?”

“Dining hall.”

Hinayaan ko muna silang mag-usap habang naglalakad kami papunta sa “dining hall.” Hindi ko talaga maintindihan ang mga mayayaman. Sa amin ay kainan lang iyon, pero sa kanila, may pa-hall pa. Bawat hakbang ko ay palubog nang palubog ang puso ko sa mga nadadaanang muwebles. Parang hindi nababagay ang kagaya kong nasa limang daang piso na lang ang pera sa bag.

Para akong sinampal ng katotohanan kung gaano ako kahirap nang makita ang tinutukoy nilang hall. Nagmistula kaming nasa isang formal event sa ayos ng lugar. May mangilan-ngilang unipormadong serbidora at para akong papanawan nang mapagtantong ganito ang depinisyon ng “family dinner” sa kanila.

“Dior Kobe!” malumanay ngunit may kalakasang utas ng isang babae nang makapasok kami sa loob.

She stood up, and her long, wavy hair trailed as she moved. She was dressed in an elegant white jumpsuit, and her accessories screamed luxury. Hindi mababakas ang edad sa makinis na balat. Nakakunot ang noo nito at nanghahaba ang mapupulang mga labi.

Penelope Kyra Gallardo, the most classic and elegant businesswoman this country has to offer.

Kobe chuckled. “Ma.”

She had a lovely and homey aura, but for some reason, my heart couldn’t stop busting in fear.

Nagyakap ang mag-ina at para akong sinilaban sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Her eyes wandered around my physique. Napalunok ako bago siya gawaran ng isang ngiti. I didn’t know if it turned out well. Nanginginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang suportahan ang sarili.

This scene reminded me so much of the foster parents visiting Bahay Tuluyan looking for children to adopt. I had to look perfect. I had to be chosen.

Kobe turned to me and motioned for me to come near them. Dalawang hakbang lang ay nasa tapat na ako ng magandang ginang. I could feel my entire body trembling. Walang-wala ako kung itatabi sa kanilang lahat.

“Girlfriend ko, Ma,” he uttered proudly as he held my hand.

“M-M-Magandang gabi po...” My lips quivered.

Ngumiti ang babae at hinaplos ang buhok ko. I stiffened. Napatawa si Kobe sa gilid ko ngunit hindi naman mawala-wala ang paninikip ng dibdib ko.

“You are so beautiful,” namamanghang saad ng ginang na nagpa-init sa mukha ko.

Kobe squeezed my hand. “She really is.”

Hindi na ako nakasagot dahil inaya na agad kami ng ginang sa mesa kung saan naghihintay si Ate Clea. She gave me a nod, but proceeded to roll her eyes at her brothers. Ipinaghigit ako ni Kobe ng upuan at doon ko pilit na ikinalma ang sarili.

“Where’s Papa?” si Kobe.

“Upstairs. Bababa na rin ‘yon. May tumawag lang na client,” paliwanag ng ginang. “He’s been stressing over the training of the new brokers and agents these days. Alam mo namang hindi tumatanggap ng kung sino-sino lang ang Papa mo. He really has to be hands-on.”

Kobe sighed. “May trusted employees naman para sa mga gan’yan, Ma. What’s the use of hiring people if you won’t ask for their help?”

“I can’t understand him either. Imbes na sa malalaking property at clients magfocus...” the woman shook her head. “But, he knows what he’s doing. I just don’t like to see him struggling over the littlest things.”

“Can we talk about business some other time?” natatawang singit ni Elliot. Naupo siya sa tabi Ate Clea na nasa tapat ko. “Baka akalain ni shawty, boring tayo.”

Shawty?” kunot-noong tanong ni Ate Clea sa kapatid. “You’re still using that term? Eww...”

“Ay, may legal jargon ba, Attorney?” pang-aasar ni Elliot.

I felt Kobe’s hand on my knee. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko agad ang mga mata niyang nakamasid sa akin.

“If you feel awkward, pinch me. Ilalabas kita agad dito,” mahinang saad niya.

I gave him a reassuring smile. There was no reason for me to feel that way. Kung ganito ang tratuhan nila sa isa’t isa, labas na ako roon. Kung business o politika ang gusto nilang pag-usapan, puwede naman akong makinig. I could learn something from them.

“I’m sorry.”

Pumaibabaw sa buong lugar ang malalim na boses ng isang lalaki. Napabaling agad ako sa pinanggalingan noon at namangha ako sa nakita.

Walking so proudly in his white polo, black slacks, and slicked back hair, Don Lucho Gallardo made such an entrance. He was dashing, and he was much like the older version of Kobe, with his angst and domineering aura. Kung ano ang lambing ng kanyang asawa ay iyon namang tikas niya.

His eyes pierced right through me, and I saw how surprised and a little puzzled they were.

Nahuli akong tumayo dahil hindi naalis sa akin ang tingin ng lalaki. Binati ng mag-anak ang bagong dating ngunit napako lang ako sa kinatatayuan ko, hindi makalapit manlang sa kanila. Naunang bumalik si Kobe sa upuan at nang makita ang itsura ko ay hinaplos niya ang likod ko.

“They’re harmless. Loosen up,” puno ng lambing na paalala niya.

Nang makaupo ang lahat ay saka inilagay ang mga pagkain sa mahabang mesa. Ramdam ko ang mainit na titig sa akin ng matandang lalaki, dahilan para lalo akong manliit sa sarili. Wala akong ideya sa kung ano ang iniisip niya sa akin ngunit hindi mapagkakailang kinikilatis niya ako nang mabuti.

“It’s your first time bringing a girl home, Dior.”

Rinig na rinig iyon dahil tahimik ang lahat sa mesa. Tumingin muna sa akin si Kobe bago muling balingan ang ama.

“And it would be the last time, Pa.”

Napatawa si Elliot. “Naol.”

“O, shut up with your weird words!” Ate Clea hissed.

“Ahh...” I cleared my throat to formally introduce myself. “G-Good evening po. Thank you po dahil hinayaan n’yo akong makasama ngayon sa...” Inisa-isa ko silang tingnan. “F-Family dinner n’yo.”

“No worries, dear. You’re our son’s girlfriend. You’re a part of our family,” nakangiting saad ng ginang. “You can call me Tita Penelope. Mas sanay ako roon. Salamat din pala sa mga dinala mong prutas. They’re all fresh.”

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Nagsimula na kami sa pagkain pero wala akong malasahan dala ng labis na kaba. Kahit mainit ang pagtanggap nila sa akin, hindi ko maiwasang hindi panlamigan ng sikmura. I felt like I didn’t belong here.

“So... how did you two meet?” basag ni Tita Penelope sa katahimikan.

Nagkatinginan kami ni Kobe. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang sumagot noon o siya.

“She was supposed to be the leading lady in my music videos,” sagot ni Kobe sa ina. “She was my personal choice, Ma.”

“You really like her, huh? Araw-araw ka bang kinakausap ng lalaking ‘to?” sabay baling sa akin.

“Uhh... opo.”

Tita Penelope scoffed. “I see what you did there, Kobe! Samantalang ang sarili mong ina ay hindi mo manlang makumusta.”

“He’s busy, Penelope,” saad ni Don Lucho sa asawa. “You have Elliot and Clea here. Huwag mo nang abalahin si Dior.”

Sumimangot ang ginang. “Masama bang mangumusta sa anak?”

Hindi pinansin ng lalaki ang babae. Ibinaling niya ang atensyon sa akin matapos punasan ng table napkin ang bibig.

“Where are you from?”

My heart hammered.

“She lives here in the city, Pa,” si Kobe. “She’s living with her friends in a lovely place near their university.”

“You’re still a student?” gulat na tanong ni Tita Penelope. “I thought you were already working. Hindi ka naman menor de edad, ‘no?”

Umiling ako. “H-Hindi po. Nineteen na po ako.”

Tumango-tango ang babae. “What program are you taking?”

“BS Math po.”

“Math?! Who in the world likes math?” bulaslas naman ni Elliot.

Inis na binalingan ni Ate Clea ang kapatid. Pinagsabihan niya ito ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin lalo at mabibigat pa rin ang titig na iginagawad sa akin ni Don Lucho. It was as if I had done something horrible. Simula noong dumating siya rito sa hall ay nadagdagan nang husto ang panlalamig ko.

“She’s a good student. She’s a part-time tutor and local brand ambassadress.” Rinig ko ang pagmamalaki sa tinig ni Kobe. “She’s busier than me. You all should be grateful that she’s here.”

Ngumuso ako. “Kobe...”

He leaned towards my ear. “Don’t mind me. I’m just proud of you.”

“Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Keep it up,” malamig na saad sa akin ni Ate Clea.

Napangiti ako. Ipinagpatuloy ko ang pagkain at medyo nakahinga-hinga na nang maluwag. Pinag-uusapan nila ang mga kanya-kanyang trabaho kaya wala akong masyadong maintindihan. Ang isang braso ni Kobe ay nasa likod ng upuan ko dahil tapos na siyang kumain. Ang isa naman ay nakapatong lang sa mesa.

From time to time, napapansin kong isinasali niya ako sa usapan. Kung saang subjects ako magaling at kung saan ako nahihirapan. Kahit pakiramdam ko ay siya lang naman ang nakikinig sa akin, sumasagot pa rin ako. I could see what he was doing. Ayaw niyang ma-out-of-place ako.

Matiwasay na natapos ang dinner. It wasn’t as nerve-wracking as I thought it would be... but with Don Lucho’s glances at me, masasabi kong nakakapanindig-balahibo pa rin ang nangyari.

Or so I thought.

“I didn’t get your name... what’s your name again?” tanong ni Don Lucho.

Napatingin din sa akin si Tita Penelope, namimilog ang mga mata at bahagyang nakaawang ang mga labi.

“Oh, silly me! Ni hindi ko rin naitanong.”

One thing I observed about their family was that they were all the same—intimidating but a little homey. Si Don Lucho lang talaga ang hindi ko masyadong makapa dahil naiilang ako sa kanya. Mas arogante rin kasi siyang tingnan kaysa kay Kobe.

“Karsen po.” I gave them a smile. “Dawn Karsen Navarro.”

It was like an atomic bomb.

Pinanood ko kung paanong unti-unting napawi ang ngiti sa labi ng magandang ginang na para bang may sinabi akong hindi tama. Don Lucho clenched his jaw before eyeing his wife.

Namutla ako sa naging reaksyon nila. Buong gabi ay naging maingat ako sa mga dapat sabihin kaya hindi ako masyadong nagsasalita, ngunit ngayong sinabi ko ang pangalan ko sa kanila ay para silang binuhusan ng malamig na tubig.

I didn’t know if anyone else at that table noticed, but when Tita Penelope looked at me with her piercing eyes, I felt my entire being collapse.

Bakit? Hindi niya ba nagustuhan ang pangalan ko? Halata bang pang-mahirap? Pang-ampon?

Nag-aasaran ang magkakapatid kaya hindi nila alam na nagbago na ang awra ng mga magulang nila.

Tita Penelope faked a smile. “Nice name, huh?”

Tanga ako sa maraming bagay, pero ramdam ko kapag ayaw sa akin ng isang tao. Hindi ko maintindihan. Kanina lang ay walang bahid ng pagkukunwari ang mga mata niya pero ngayon ay parang diring-diri siya sa akin.

Don Lucho reached for the hand of his wife, but Tita Penelope just shoved him away. Tumingin ako kay Kobe ngunit napansin kong nakikipag-usap pa siya sa mga kapatid kaya wala siyang ideya sa nangyayari.

I looked back at Don Lucho and for the first time tonight, his eyes softened. He was gazing at Kobe, but later on shook his head in disappointment.

Doon pa lang ay nakumpirma ko na ang hatol nila sa akin.

And it was funny because they disliked me not because I was poor, but because of my freaking... name. Ang natatanging yaman na iniwan sa akin ng mga magulang ko.

Mapait akong napangiti. Hindi ko pa rin naiintindihan. Nabababawan ako sa rason na pangalan ko ang dahilan kung bakit nagbago ang tingin ni Tita Penelope sa akin. Lagi at lagi na lang ba akong aayawan ng mga tao sa mga bagay na hindi ko makokontrol?

Tita Penelope stood up. “Aakyat na muna ako sa taas. Nakalimutan kong uminom ng maintenance ko.”

“Penelope...”

She scoffed at her husband. “You did this? Sweet.”

“Ma, what’s going on?” tanong ni Ate Clea.

Tita Penelope shrugged her shoulders. She threw me a disgusted look before walking out of the hall. Sinundan naman agad siya ni Don Lucho kaya naiwan kaming apat doon.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Elliot. “Nag-away sila?”

“H-Hindi ko rin alam,” sagot ko dahil iyon naman ang totoo.

“You okay?” si Kobe.

Just like what I always do when being asked that question, I nodded. Tumagal ang titig niya sa akin at maya-maya pa ay tumayo na.

“Karsen is tired,” paalam niya sa mga kapatid. “Iuuwi ko na.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro